BOOK 2 - Part 6
January 30, 2016
11:07PM
Kaya naman ako gumawa ng diary dahil nalulungkot ako sa nangyari sa buhay ko at kailangan ko ng makakausap ng personal life ko, kahit hindi na tao, kahit dito na lang sa diary ko.
Pero nung dumating si Dom, nagbago. Kaya ayan, bihira na ako makapagsulat.
Pero, eto, I'm back Cady!!
So, si Dom? Ayon, dinala niya sa school yung pagiging maharot niya.
Lalo na kahapon sa klase namen sa English, first time niyang tumabi saken. At eto pa, hinahawakan niya kamay ko at nilalagay niya sa hita niya.
Medyo kinakabahan ako, pero dahil sa likod kami nakaupo at kami lang nakaupo doon ehh wala naman nakakapansin.
Pinapahid pahid niya pa pataas sa ano niya.
Ang naughty naughty talaga pero I'm loving it!
Minsan, ipapasok naman niya sa loon ng polo niya para mahawakan ko abs niya, shet, ang tigas tigas. Batak na batak talaga. Tapos mapapapikit pikit siya kapag pinipisil ko utoong niya.
Tinignan ko si Patricia at Jane, mukhang nakikita nila kami kasi tawa sila ng tawa. Tinigilan na namen ni Dom 'yon pero may pakunti kunti pa ring hawak hanggang sa matapos yung klase.
Then today, hindi na naman kami magkaklase so sabay na lang kaming nag lunch sa canteen. Kasama naman namen si Patricia at Jane.
Inenterrogate pa nilang dalawa si Dom.
Salit salit na nagsalita yung dalawa.
"Mahal mo?"
"Baka naman saktan mo?"
"Team Anthony kami parehas kaya dapat galingan mo pa!"
"Huwag mo 'tong paglaruan, baka sipain ka namen!"
Tawa naman ng tawa si Dom, kahit ako natatawa sa medyo kamalditahan ng dalawa.
Bilang sagot ni Dom, sinubuan niya ako ng pagkain, big deal yon!! Kasi maraming tao sa loob ng canteen at alam kong may makakakita samen.
Natapos yung kainan namen at dumiretso ako sa mga kasama ko sa paggawa ng school newspaper.
Nandoon si Anthony, tahimik at walang imik.
Hindi niya ako pinansin hanggang sa umuwi kami. Siguro hanggang 7 ehhh hindi niya ako iniimik.
Lalapitan ko sana siya paglabas kaso may lumapit sakanyang lalaki na gwapo rin at sa unang tingin eh alam kong may something na sila.
Atleast di'ba? Masaya na rin siya kahit papano.
So, pauwi na ako ng dorm ng makita ko si Dom sa labas ng dorm niya.
"Nakay Val na naman yung susi. Wala pa siya!"
Medyo inis niyang sabi saken kaya pinapasok ko muna siya sa loob ng dorm ko.
Seryoso, pagkabukas pa lang ng pinto, at pagtapak ng paa ko sa loob, bigla niya akong niyakap ng mahigpit, sinara yung pinto at binuhat papunta sa sofa.
Nagulat ako, kaya nahampas ko siya ng malakas pero wala lang sakanya.
"Namiss kita!"
Bulong niya saken non.
Alam niyo yung nanghina ako sa bulong niya kaya wala akong nagawa kundi yumakap na lang ako sa kanya.
"Namiss mo ba ako?"
Tanong niya saken.
Para siyang sira, magkasama lang kami kanina.
"Bakit parang baliw na baliw ako sa'yo? Ano bang ginawa mo saken ha!"
Tinanggal niya yung pagkakayakap saken ng sandali tapos niyakap niya ako uli.
"Sana ganito na lang tayo palagi"
Okay, so here's the thing. Natatakot ako sa pwedeng mangyari. Una sa lahat, straight siya, ayun ang alam ko. Saken niya lang naramdaman 'to at dahil palagi kaming magkasama kaya siya parang infatuated saken.
Tapos, paano pagka graduate niya? Marino siya at siguradong magbabarko 'to, paano na yon?
Tapos yung parents pa, paano kapag nalaman? May trauma ako sa parents parents.
Sinabi ko yan sa kanya lahat. Ang ginawa niya?
Tinanggal niya yung pagkakayakap.
Naupo kami ng maayos.
Harap harapan.
Hinawakan niya yung magkabilang pisngi
Pinaglaruan yung labi ko.
Pinisil pisil pisngi ko.
Nginitian ako.
Sabay halik sa noo.
"Huwag mong isipin 'yan. Isipin muna natin yung ngayon at saka natin problemahin 'yan"
Binibigyan naman niya ako ng assurance, at promise, ramdam na ramdam ko 'yon.
"Bakit? Tayo na ba? Sasagutin mo ba ako? Di'ba? Wala pa tayo sa stage na 'yon. Sagutin mo muna ako bago mo isipin 'yan"
Natawa na lang ako.
Niyakap ko siya after non at nagpasalamat. Ayoko pa kasi talaga, sa ngayon.
Baka bukas pwede na o sa susunod.
Kidding aside, gusto ko tanungin niya ako personally kung gusto niya ba akong maging jowa, ganon!!
"Gustong gusto na kitang halikan, sa totoo lang. Gusto ko maramdaman yung pinagpapantasyahan ko gabi gabi. Sakit na kaya ng palad ko kaka ano kaka isip sayo"
Kinurot ko uli siya ng malakas sa sinabi niya.
At after ng harutan nameng yon, kumatok na si Valentina sa dorm ko at may dalang balita kay Dom
"Kuya, pupunta raw sila Mama rito sa weekend! Nako, maglinis ka na ng bahay mo!"
Natawa ako sa biro ni Valentina pero pansin ko sa mukha ni Dom na kinakabahan siya.
++++++
VOTE AND COMMENTS GUYS!!!!!! 😊😊😊😊
Safe si Valentina this week. Laveeet! No spoilers ah! Saktan ko kayo!!! Hahahha
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top