BOOK 2 - Part 4
January 24, 2016
08:09PM
Hindi niyo alam guys yung level ng kaba ko kahapon ng mameet ko kapatid ni Dom.
For starter, akala ko lalaki yung kapatid niya yun pala babae. Akala ko kasi lalaki.
Okay so eto na nga, pumunta si Valentina sa dorm ni Dom. At first medyo may pagka maldita siya. Mapapansin mo naman sa babae yung pagiging maldita.
Medyo maarte pa nga siya magsalita.
Pero guess what? Nagbago lahat yon ng makilala niya ako.
So nung pinakilala ako ni Dom sa kanya parang nahiya siya bigla. Alam niyo yung may tinapat na pogi yung tropa mo sayo para tumahimik ka? Ganon yung reaksyon niya.
Nahihiya pa siya makipagkamay saken.
Tawa naman ng tawa si Dom kay Valentina, ang sabi pa saken ng kapatid niya, Val na lang daw itawag ko sa kanya.
So ayon na, medyo nawala na yung hiya nung maglulunch na kami. Ininvite din kasi ako ni Dom sakanila para mag lunch.
Pagpunta ko, parang kumapal naman yung mukha ni Val kasi medyo may touchy moment na siya saken.
Sinusubuan niya pa ako habang kumakain.
Nung una inaasar asar pa ni Dom si Val pero ngayon naiinis na siya. Ang pogi pogi ko raw kasi.
Eew.
Gusto ko sanang krompalin at sabihin na may something kami ng kuya niya kaso pinigilan ko sarili ko.
Ang sabi niya pa umalis na raw muna si Dom sa bahay para masolo niya ako. Hindi naman pumayag si Dom at sinabing sumama raw ako sa kanya para mag grocery.
Gusto rin daw sumama ni Val kaso wala raw magbabantay sa bahay niya kaya kaming dalawa lang umalis.
"Hay, magiging karibal ko pa ata yung kapatid ko sa cutie pie ko"
Kinurot niya yung pisngi ko nung sinabi niya yon. Good thing nasa loob kami ng tricycle at kaming dalawa lang.
Matakaw daw si Val kaya marami siyang biniling pagkain.
Medyo natagalan pa kami kasi nagharutan pa kami ng slight sa mall.
So pagbalik namen, naka lock yung kwarto niya. Mukhang nakatulog si Val kaya pumunta muna kami sa kwarto ko.
Siguro mga 5 na yon ng hapon. Kanya kanya lang kami sa ginagawa.
"Pwedeng paidlip muna? Kanina pa kong umaga gising ehhh. Naglinis pa ako ng kwarto para kay Valentina"
So linis na yon? Ang dumi pa rin kaya ng kwarto niya.
Nagulat ako ng bigla siyang naghubad ng pants. Naka short siya na maiksi. Ewan ko kung may suot siyang brief non kasi iba yung pagkabakat ng ano niya eh.
Sa sala pa siya matutulog pero sabi ko sa kama na lang.
Okay, for the record, isang malaking kwarto lang to so kahit sa kama siya e makikita ko siya.
Tapos naghubad din siya ng TShirt niya, wala siyang suot na damit ngayon.
Shet, ewan ko ba kung inaakit niya ako o ano. Pero nahuli ko siyang nakatingin saken at ngumiti na parang nangaakit nga.
Hindi naman ako umimik at hinayaan ko siyang matulog sa kama ko.
So here's the highlight of the day.
Nakatihaya siya matulog.
Nakataas kamay, nakalagay sa likod ng ulo niya.
Imagine the hotness.
Imagine also the pagtitimpi.
Sobrang pagtitimpi talaga ginagawa ko.
Medyo may mahina siyang paghilik na cute pakinggan.
Lumapit ako at pinagmasdan ko pa siya lalo
Gosh, Lord, ang hot! Why!
Ang sarap niya patungan tapos...argh!!
So hanggang tingin lang ako.
Agad ko namang iniwas yung tingin ko baka kung ano pang mangyari. Nagprito muna ako ng uulamin namen mamaya pati nagsaing na rin.
Okay, sinilip ko siya uli pagkatapos kong gawin yon at yung isang kamay niya nakalagay sa may abs niya.
Bigla niyang pinasok sa sh0rts niya yung kamay at kinamot.
OMG!!! Ang hot!!
Tapos tinanggal niya uli.
Wait, so lumapit ako uli para pagmasdan siya
Tumabi ako ng dahan dahan.
Inamoy ko siya.... Oh My Gosh. Ang bango!!
Nilapit ko pa yung ilong ko sa leeg niya para amuyin ng mabuti.
Oh my gosh. Ang bango talaga.
At eto na, nagulat ako ng bigla siyang nagsalita.
"Bakit mo ko inaamoy?"
OMG! PARA AKONG MAHIHIMATAY SA SINABI NIYA.
Yes, nagmadali akong tumayo pero mas mabilis siya, hinila niya ako at halos matumba ako sa katawan niya. Niyakap niya ako ng mahigpit.
Iba yung init ng katawan niya! Gosh, ngayon ko lang naramdaman tong ganito
"Ikaw ah. Sscore ka pa saken ah!"
Bulong niya na para bang kinilabutan buong pagkatao ko.
Kumakawala ako pero mas malakas siya.
"Daya, payakap naman kahit sandali lang."
Para siyang bata pero hinayaan ko siya.
So inayos ko pwesto ko pero sa hindi inaasahang pagkakataon, nasanggi ko junjun niya.
So eto na, confirmed na confirmed
Wala siyang suot na briieff!!!!
Sinilip ko ng bahagya yung ano niya.
And guess what
Nakatayo!!
Sa sobrang kaba ko tumayo ako kaagad at nung napansin din niya nakatayo yung kanya, agad niyang tinakpan to.
Kung gaano yung hiya ko, ganon din yung hiya niya.,
Gosh, nakakahiya talaga.
Sakto nung moment na yon, narinig kong kumakatok si Valentina.
Agad ko naman siyang pinagbuksan non at agad akong niyakap. Nakita kong nagbibihis si Dom habang nakangiti saken.
Ang harot harot ni Valentina saken habang kumakain pero mas pilyo si Dom kasi pinapadaan niya yung paa niya sa may binti ko at hita habang kumakain kami.
Ano ba tong magkapatid na to!
+++++
TEAM VALENTINA TAYO SA DRAG RACE AH!!! HAHAHA
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top