Book 2 - Part 2

January 17, 2016
10:48PM

Nasabi ko na kay Janis yung pinakamasayang araw ko sa Manila eh. Pero para rito sa diary kong 'to, kekwento ko yung pinakamasayang araw ko as of now.

Okay so Sunday today, at iyak ako ng iyak kagabi so namamaga yung mata ko.

Nag asikaso ako para magsimba and guess what, paglabas ko ng kwarto, palabas din si Dom.

Nagulat siya nung nakita niya mata ko. Ang sabi ko nanuod lang ako ng movie kaya umiyak ako kagabi.

Mukhang naramdaman niyang nagsisinungaling ako kaya hindi siya naniwala. Sabi niya wait lang at magbibihis lang din siya.

Sinamahan niya akong magsimba non. Hindi ako kumikibo. Tapos pagtapos ng misa niyaya niya akong kumain sa labas.

Pinunta niya ako sa BGC, sa Mozu, nilibre niya pa ako.

Hindi pa rin ako nagsasalita.

Tapos bigla niya akong sinubuan ng pagkain.

Ang hirap kasi tumanggi, alam mo yon, crush na crush mo eh.




Tapos all of a sudden, nag sorry siya. As in, sincere sorry.



Kanina raw nakatingin siya saken habang nagmimisa. Kasi raw namiss daw niya ako.



Naguguluhan daw siya sa sarili niya, kung ano talaga nararamdaman niya para saken pero everytime raw na nakikita niya ako na malungkot sa klase, gustong gusto niya raw ako lapitan kaso hindi niya alam sasabihin niya.




Hinawakan pa niya kamay ko don, ako yung nahiya kasi may mga kumakain din nung mga oras na yon pero mapilit siya.



"Sorry, please smile ka na"



Gosh. Biglang automatic na nag smile ako, para akong tanga.



"Ayan. I'm really sorry. Really. Really. Sorry. I will never ever do this again, I promise"



Ang sarap iquote ng mga sinasabi niya, feeling ko ang ganda ganda ko.



After namen kumain non, nakaakbay lang siya saken. Hindi niya inalis yung pagkakadikit ng katawan nameng dalawa at parang abswelto na siya sa lahat ng ginawa niya saken.



Hindi pa siya natapos, sa BGC kasi parang park yon tapos naupo lang kami sa damuhan, nakaakbay pa rin siya saken habang nagkekwento siya.



Ang bango bango!! Ang sarap halikan. Tinitigan ko nga yung leeg niya kanina pati labi niya habang nagsasalita pero hindi niya pinapansin yon, todo kwento pa rin siya.



Pagdating ng 6PM, inuwi na niya ako pero di kami dumiretso sa kwarto ko, don kami sa kanya.



Shet, akala ko may mangyayari na kaso ayon, pinagluto niya lang ako. Sa totoo lang ang sweet ng ganito.



Nagluto siya ng steak, dinner daw namen pati mashed potato. Napansin kong favorite niya tong lutuin.



Pero nung naghain siya, isang plato lang at share na raw kami. Ayaw daw niya ng maraming hugasin pero kita ko sa mukha niya na gusto niya lang na isa gamitin namen para sweet.




So eto pa, sinusubuan niya pa ako habang kumakain. Wala akong laban, shet. Hinayaan ko siya. Sabi niya kasi babawi lang siya sa panahong di niya ako kasama.




"Masarap ba?"



Napaka seductive ng pagkakatanong niya. Nang aakit ata to eh.



Syempre sagot ko oo.



"Mas masarap ako"



Aba! Akala ko ba nakipaghiwalay siya sa ex niya dahil sa issue na 'to.



Pero natawa ako at hindi nakasagot.



"Syempre hindi pa natin gagawin yon, hindi mo pa ko sinasagot eh"



Aba, ang sagot ko syempre hindi pa niya ako nililigawan. Hindi pa nga siya sigurado sa nararamdaman niya.



"After kitang makasama ngayon, sigurado na ako sa nararamdaman ko."


Napaka seryoso namen ngayon at the same time babawian niya ng comedy para mabalance yung aura.



"Hahalikan mo ba ako sa harap ng maraming tao?"



Nakakagulat talaga mga tanong niya pero ako syempre, tuwang tuwa. Sagot ko lang depende kung sisimulan niya.


"Nako, baka malula ka sa halik ko!"



Ano ba tong sinasabi niya. Lord help me, dalawa lang kami sa kwarto niya.



Pero after namen kumain, naglinis lang siya saglit tapos hinatid niya na ko sa kwarto.


"Huwag ka ng magpapaligaw sa iba ah"



Sabay kindat saken. Ano na, gusto ko sana siya halikan kaso ayokong maging mukhang pamigay kaya ngumiti lang ako at sinara ko na yung pinto.




Hindi pa siya nakuntento, nag chat pa siya saken.



"Pst, Thank you kanina"



"Tulog ka na ba?"



"Pst, miss na kita kaagad"



"Huy, chat ka naman"



"Inboxzoned :("



"I miss you"



"Huy gregory ko, chat mo me :(("



"Sige kakatukin kita diyan!"




Wait, seryoso, iba yung ngiti ko sa "gregory ko" gosh!!!




Nagchat ako sabi ko matutulog na ako.



"Kiss mo muna ako, kahit virtual lang"



Shete naman Dom. Ano ba! Wala pang 10mins na magkahiwalay tayo.



Nagreply ako ng emoji na kiss.



"Argh.... Sana totoo. Goodnight gregory ko 😍😍😘😘😘😘😘😘😘😘😘😘😙😙😙😙😙😙😙😙😙😙😙😙😙😙😙😙"



Niyakap ko yung phone ko non! Pucha, sana ganito na kami araw araw!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top