BOOK 2 - Part 19
March 4, 2016
10:33PM
Alam ni Dom kung gaano ako kinakabahan sa nanay niya. Ayoko nga sanang tumuloy kasi feeling ko may masamang mangyayari.
Ang sabi ko pa, huwag na lang muna namen sabihin na kaming dalawa para hindi mabigla. Pumayag naman siya.
So eto na, kanina nung naglalakad kami sa restaurant at nakita ko na siya kasama ni Valentina, medyo gumaan loob ko. Kasi mukhang good mood siya.
Paglapit namen, agad niyang tinanong kung nasaan si Lovely. Agad niyang sinabi na hiwalay na silang dalawa kaya huwag na daw niyang hanapin kay Dom yon.
Ayan na, medyo nagalit nga si mother, kasi bakit daw nakipaghiwalay eh botong boto raw siya doon.
Gusto na sanang umalis ni Dom kasi nasisira raw yung mood dahil sa Mama niya pero sabi ko Birthday niya kaya pagbigyan mo na lang.
Eto na, kumakain na kami. Syempre si Valentina, kinakausap din ako at nakikipagharutan. Yung mama naman niya eh seryoso at walang imik.
After ng lunch at naglakad lakad kami, hindi maiwasan ni Dom na harutin ako. Syempre, napapansin ng Mama ni Dom yon kaya medyo naiilang ako.
May pagkakataon pa na bigla niya akong hinalikan sa pisngi ko,
Okay, inner me is happy. Pero outside me is scared!
Eto na, nahuli kami ng Mama niya non! At para siyang amazona na nagwala. Buti na lang nasa Parking lot kami at wala masyadong tao.
Nagsisisigaw siya. Bakit daw naging bakla siya. Bakit daw lalaki, salot daw sa lipunan mga bakla. Panira lang sa buhay,
Inner me is gusto siyang patayin at sampalin. Pero syempre, keep your composure and class.
Nagsagutan pa silang dalawa. Pinipigilan ko pa si Dom kasi feeling ko talaga magkakasakitan na sila.
Nagmakaawa ako sa Mama ni Dom na tumigil na pero eto, SINAMPAL NIYA AKO NG MALAKAS.
Yung sa sobrang lakas eh mapapaupo ka sa sahig. Yung babakat yung kamay mo sa pingi niya, ganon kalakas.
Hindi pa siya nakuntento, talagang pati pagtadyak ginawa niya. Buti na lang humarang si Dom saka tinulak niya yung Mama niya.
Agad niya akong pinabangon at saka umalis. Naiwan naman si Valentina doon habang tumatakbo kami palayo ni Dom.
Napadpad kami sa Roxas Blvd at naglakad lakad. Syempre naalala ko yung trauma ko sa pamilya ni Joshua.
Nakaya niya nga akong saktan ehhh kaya baka kaya niya uling gawin saken 'yon.
Hindi rin maiwasan ni Dom ang mapaiyak pero sa totoo lang, naaawa rin ako sa kanya.
Niloko ko pa siya, pahalik halik pa kasi saken eh, ayan tuloy nahuli kami. Tumawa na lang siya.
Napagpasyahan na nameng umuwi, and guess what, nandoon yung Mama niya at si Valentina.
Bago pa kami makapagsalita, eh lumuhod na sa harapan ko yung Mama niya. Nagmamakaawa na makipaghiwalay na ako sakanya kasi wala raw kaming future, wala raw tumatagal sa ganitong relasyon.
Umiiyak siya. Syempre, nanay 'to kaya naiiyak din ako.
Pero mas lamang yung galit ni Dom kaya hinihila niya ako. Yumayakap na yung Mama niya sa mga paa ko para magmakaawa pero mas malakas si Dom kaya umalis na naman kaming dalawa.
Since pagod na pagod na kami sa nangayari eh napagpasyahan nameng mag check in na lang para pampalipas ng gabi.
Nung patulog na kami, nagmakaawa rin si Dom saken. Lumuhod sa harap ko. Umiiyak. Habang hawak yung mga kamay ko.
"Huwag kang makikipaghiwalay, Mahal na Mahal kita."
Leche. Ang drama ngayong araw!! Naiiyak ako kay Dom. Syempre sabi ko hindi. Hinding hindi, after neto eh sa tingin ko mas tatatag kaming dalawa.
Ayoko siyang nagmamakaawa ng ganon kaya pinatayo ko na siya.
Bumili siya ng alak kasi alam ko yung stress niya, ramdam na ramdam ko. Hinayaan ko na lang para kumalma siya at nung matutulog na kami, ang higpit ng yakap niya saken.
Naalimpungatan lang ako kasi may tumatawag kay Dom at sa sobrang lasing niya, hindi siya nagigising.
Tinignan ko kung sino, yung Mama niya syempre. May mga text din, binasa ko na.
"Anak, umuwi ka na."
"Anak, gusto ko lang kung anong ikabubuti mo"
"Anak, mahal na mahal kita. Umuwi ka na"
"Baka hindi ko kayanin na mauwi ka sa isang lalaki. Baka magpakamatay na lang ako"
Puro ganyan. Seryoso, naiiyak din ako.
Ang daming tumatakbo sa isip ko. May mga ganito talagang tao, mga galit sa bakla. At nagkataon pa, nanay ng boyfriend ko pa.
Ayoko ng magisip kasi bumabalik yung trauma ko sa Pamilya ni Joshua.
Kailangan kong gumawa ng desisyon para sameng dalawa.
+++++
VOTE AND COMMENTS GUYS!!!!!
FINALE BUKAS. HAHA
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top