BOOK 2 - Part 15
February 17, 2016
08:22PM
Nakakatakot lang yung nangyari kanina. Kasi di'ba dumating yung ex ko out of nowhere.
Ayon pala, tropa silang dalawa ni Roi. At nung nakwento daw niya ako, nagulat siya na magkakilala kami so pinuntahan niya raw ako.
Kinwento ko kay Dom lahat kaninang umaga kasi sinaraduhan ko talaga ng pinto sila Roi at Joshua.
Ang reaksyon lang ni Dom eh ang yakapin ako ng mahigpit at sinabing huwag akong magalala kasi hinding hindi siya aalis sa tabi ko.
Pero nung bandang tanghali, kumatok na naman si Joshua sa dorm ko this time, wala si Dom kasi namalengke.
Nagpupumilit siyang pumasok pero hindi ako pumapayag.
Hindi naman siya galit or what, parang desperate lang siya makausap ako.
Kaso paano mo kakausapin yung taong "pumatay" sa Pamilya mo.
Grabe pagdadasal ko na sana dumating na si Dom.
Pero nagulat ako sa ginawa ni Joshua.
Lumuhod siya sa harap ko habang umiiyak. Nagmamakaawa na makipagbalikan siya saken.
Never pa raw niya naramdaman yung pagmamahal na katulad ko. Mahal na mahal daw niya ako.
Sinabi niya pang walang kinalaman parents niya sa nangyaring sunog at talagang aksidente lang lahat ng 'yon.
To be honest, ayoko talagang isipin na may kinalaman parents niya pero sobrang galit kasi saken non eh kaya hindi ko maiwasang isipin 'yon.
Buti na lang dumating na si Dom at sa eksenang nadatnan niya, nauna yung galit niya.
Sinapak niya kaagad si Joshua nung nakita niyang nakaluhod siya sa harap ko. Tinadyakan pa.
Pero lumaban si Joshua at nakasapak din kay Dom.
Nandoon si Roi na umawat sa dalawa.
Galit na galit din si Joshua kay Dom. Sabi pa niya kung bakit daw nagagalit si Dom, kung kami raw ba.
Hindi naman nakasagot si Dom. Hindi pa naman kasi kami.
Kung makaasta raw si Dom parang kami na. Eh hindi pa raw kami nagbbreak ng maayos ni Joshua. Parang tinakbuhan ko lang daw yung relasyon nameng dalawa.
Nanggigil pa si Dom at nagpupumilit na sapakin si Joshua pero pinipigilan ko siya.
Nagtinginan lang ng masama sila Dom at Joshua saka umalis si Joshua.
Pumasok naman kami ni Dom sa loob at tinignan ko yung sugat niya sa mukha.
Ramdam ko yung galit niya.
Galit na galit.
Kaya naman niyakap ko siya para kumalma siya kahit papano.
"Ayoko lang na nakikita kang natatakot. Kitang kita kong takot na takot ka sa kanya!"
Hindi ako sumagot basta nakayakap lang ako sa kanya.
"Hayaan mo. Hindi ko na hahayaang guluhin ka non!"
Sinabihan ko siyang kumalma na. Kasi ako okay na, nakarecover na sa nangyari. Kaya sana siya rin.
"Wala akong nasagot kanina"
Siguro yung tinutukoy niya eh sa tanong na kung kami ba.
Sabi ko sa kanya eh bakit hindi niya sinabing kami?
Ayaw daw niyang pangunahan.
Sinabi ko naman sa kanya na sana sinabi niyang tayo kasi Mahal ko naman siya.
Sa totoo lang nabigla ako. At yung reaksyon ni Dom na sobrang galit eh napalitan ng ngiti.
"Mahal mo ko????"
Eto na naman siya. Ramdam ko ng mangungulit siya.
"Mahal mo nga ako? Sabi mo mahal mo ko? Sabihin mo uli!!"
Imbis na sumagot, tumayo ako at umiwas.
"Awwww.... Ang sakit ng mukha ko sa sapak kanina. Sana naman halikan to ng nagmamahal saken"
Tinignan ko siya na nakaturo sa labi niya at nakanguso.
Lumapit ako sa kanya. Hinalikan ko yung kamay ko sabay nilapat ko sa labi niya.
"Contaminated na yon kapag hindi diretso sa labi mo! Dapat lips to lips. Tongue to tongue."
Pinitik ko yung labi niya pero hinalikan ko na lang siya sa cheeks.
Ewan ko. Para siyang si Bunak, don sa FB na sinampal yung kapatid kaya napahawak sa pisngi.
Ganong ganon yung reaksyon niya!
"First time mo kong kiniss ng ganito!"
Okay. Yumakap lang ako uli at bigla na naman akong naging seryoso.
Sabi ko kasi medyo nawala na yung takot ko sa Pamilya ni Joshua kasi nung sinabi niyang hindi niya pamilya may gawa non, parang naniniwala ako.
Ngayon naman, natatakot ako sa Pamilya ni Dom.
Paano kapag nalaman nila... If ever? Ano na namang mangyayari.
Kaya bigla niya akong hinawakan sa mukha at sinabing.
"Bukas na bukas sasabihin natin sa kanila na tayong dalawa. Okay???"
Magsasalita sana ako pero pinigilan niya ako.
"Huwag kang matakot. Hindi kita iiwan dito, okay? I wanna be your last."
Ang maganda kasi kay Dom may assurance siya palagi everytime ganito yung usapan namen. Palagi niyang ipaparamdam saken na okay lang ang lahat.
"Basta pa score sayo ah? Kahit mga 3 rounds lang!" sabay biro niya.
At sinapak ko na naman siya ng malakas sa sinabi niya!
+++++
VOTE AND COMMENTS GUYS!!!!! 😊😊😊
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top