BOOK 2 - Part 12
February 13, 2016
11:55PM
May kekwento ako sainyo.
Nasa dorm ako habang hinihintay ko si Dom. Gabi na pero hindi pa rin siya umuuwi.
To think na gabi na at maghapon ko siyang hindi nakita. Hindi ko rin siya nakita kanina sa basketball court o kahit saan.
Tinetext ko siya at tinatawagan pero hindi siya sumasagot.
Kahit nilalamok na ako rito sa labas ng kwarto niya, gusto kong makita niya ako kaagad pag uwi.
Gusto ko mag sorry sa ginawa ko sa kanya nung mga nakaraang araw.
Pero wala talaga siya.
Pumasok muna ako sa kwarto ko para doon na lang maghintay.
Maya maya, may narinig akong maingay sa labas na nagtatawanang mga babae. Ayoko sanang lumabas kasi mukha namang hindi si Dom 'yon.
Pero narinig ko boses niya!
Lasing na lasing na boses niya.
Lumabas ako habang akay akay siya ng dalawang babae.
Ang dami ko pang narinig na malalaswang salita like.
"Kakainin kita mamaya!"
"Nako, 2 vs 1, sana kayanin niyo ako!"
"Ang sasarap niyo!"
Hindi ko maiwasang maiyak sa narinig ko.
Gusto ko ng bumalik sa kwarto ko pero huli na, nakita na ako ni Dom.
Hinawakan niya yung kamay ko para pigilan. Nauna na yung dalawang babae sa kwarto niya.
"Pasensiya na" sabi niya saken. Sa pungay ng mga mata niya, alam mong lasing na lasing talaga siya.
"Hindi ko na kayang maghintay sa'yo. Mas maarte ka pa sa babae! Lahat na ng sorry ginawa ko pero ayaw mo pa rin!"
Para akong sinapak sa kaluluwa ko sa sobrang sakit ng sinabi niya! Pero hindi ako makawala sa kanya.
"Mahal pa naman kita pero nakakapagod ka rin pala"
Mas masakit yon sa masakit na sinabi niya kanina. Para akong binibiyak. Gusto ko siyang saktan pero kahit anong bitaw ko sa kanya, hindi ko magawa.
"Tama na. Ayoko na. Sasaktan mo lang ako Greg! Nararamdaman ko! Sasaktan mo lang ako!"
Siya naman umiiyak ngayon at para akong manhid dahil wala akong nararamdaman sa higpit ng hawak niya.
Hindi ko na kaya. Para akong nawawalan ng hininga sa sakit. Ang sakit sa dibdib. Ang sakit sa puso.
Nanlalabo na lang yung paningin ko sa nangyari hanggang sa bumagsak ako.
Then nagising ako.
Pawis na pawis. Brownout pala at umaga na.
And oo...
Panaginip lang pala yung nangyari samen ni Dom. Panaginip lang pero ramdam ko yung sakit kapag nagkatotoo 'yon!
Agad akong lumabas, wala ng hila hilamos. Pinuntahan ko kaagad si Dom sa kwarto niya pero walang tao.
Naglinis na muna ako ng katawan at hinintay ko siya maghapon.
Tinetext ko siya uli at tinatawagan pero wala pa rin siyang sagot.
Naalala ko na naman yung panaginip ko, ang sakit sakit pala. Kahit panaginip lang siya, ramdam na ramdam ko. Ayokong mangyari 'yon!
Gabi na, pero wala pa rin siya.
Nagluto pa naman ako para saming dalawa pero hindi pa siya umuuwi.
Nakita ko pa si Roi na paakyat, nagusap pa kami sandali pero umakyat na rin siya.
Alas dyis na pero wala pa rin siya. Kaya naisipan ko na lang na matulog na uli.
Pasara na ako ng ilaw at pinto ng may narinig akong nagsasalita. Babae.
Sumilip ako at may babae ngang maganda sa tapat ng pinto ko. Nung una, ayoko pang makichismis pero nung narinig ko yung boses ni Dom, talagang nakinig ako.
Narinig kong sabi ng babae, Salamat daw!
Sumilip ako at nakita ko yung itsura niya, maganda yung babae! At familiar siya kasi mukhang dito rin siya nagdodorm!
Sabi naman ni Dom umakyat na daw siya at baka makita ko pa raw silang dalawa na magkasama.
Nakita ko pang yumakap yung babae sa kanya, gumanti rin si Dom ng yakap at pinagmamadali na siyang umalis neto.
Nakita ko pang tumambay si Dom sa harap ng kwarto ko. Mukhang tinatawagan niya ako kasi nagvivibrate yung phone ko.
Nung hindi ako sumagot, pumasok na siya sa kwarto niya.
This time, hindi panaginip to! Totoong may babae nga si Dom!
++++
VOTE AND COMMENTS GUYS!!!!!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top