BOOK 2 - Part 11

February 12, 2016
10:24PM

Parang ang dami kong ginagawa lately. Una sa pageant, tapos exams pa, tapos si Dom pa na palagi akong kinukulit. Hindi ko pa rin kasi siya pinapansin.

Diba, almost a week ko na siya di pinapansin. Feel ko talaga effective tong ginagawa ko eh.

Pero aside sa mga ginagawa ko, kailangan ko pang makahanap ng company para mapag OJT-han! So ayon yung ginawa ko kanina.

Pumunta ako ng BGC, para umattend ng interview. Inexcuse ako sa school kaya no worries.


Eto na!! Pag punta ko don, hindi ako nagexpect ng gwapong boss o HR na kakausap saken pero biniyayaan ako ng pagkain para sa mga mata ko.


Jusko! Napakasarap niya!!

Second lang siya syempre, first ko pa rin si Dom.

Kaso etong HR na 'to eh mestiso at parang may lahi tapos maskulado pa! Gosh, Lord, help me.

So ininterview niya ako.

Ang pangalan niya ay Matteo.

Gosh. Wait. Ang gwapo talaga. Hindi ako makapag concentrate.

Everytime na nagsasalita siya, parang feel ko siyang sunggaban!

Ang hot pa ng boses.

Ang ganda pa ng ngipin.

Oh My!

Pero nung natapos na yung interview ko, natapos na rin na makita ko siya.

Naisip ko na maswerte girlfriend neto kasi mukhang napakabait pa niya.

Pero wait, there's more!

Hindi siya straight!

Yes! Hindi siya straight.

Nung pauwi na kasi ako, nakita ko si Dom sa tapat ng building! Sinundan pala niya ako kasi hindi raw siya mapakali nung umalis ako.

So, hinayaan ko na lang muna siya na sumunod. Nilibre pa niya akong kumain.

At dito ko nga nakita si Sir Matteo, may kasamang lalaki. Hindi naman ako judgemental na tao kaya hindi ko muna jinudge, pero nung makita ko silang nagsusubuan, ay iba na 'to.




Confirmed nga na mag jowa. At isa pa, parang wala silang paki sa sasabihin ng iba.




Ang cute nila tignan, actually cute din yung isang guy!



Kaso nahuli nila akong nakatingin sakanila na para bang nababasa nila isip ko. Ngumiti kasi silang pareho saken.



Ngumiti na lang din ako sakanila at hinarap ko si Dom.



"Gusto mo rin ba ng ganon???" tanong niya saken. Tinutukoy niya yung PDA in public.




Sagot ko na lang baka magalit girlfriend niya sabay ngiti.



Nagmamatigas pa rin ako.



Wala naman siyang ginawang iba kundi harutin ako pero wala man lang sorry o explanation kung bakit niya ginawa 'yon.



Hindi siya nakasagot.



Kumain na ako habang pinagmamasdan niya lang ako. Nailang ako kaya tinigil ko yung pagkain.



Sabi ko sa bahay na lang ako kakain kaya niyaya ko na siyang umuwi.



Pagdating sa bahay, pumasok din siya sa kwarto ko. Agad niyang hinawakan yung kamay ko.



"Hindi mo pa rin ba ako papansinin? Kaya mo ba kong tiisin ng ganito?" panunuyo niya.



Namimiss ko na rin siya, sa totoo lang, kaso nga lang gusto ko talaga makarinig ng sincerity sa kanya.




Sabi ko na lang, pagod na ako at gusto ko ng magpahinga.

 

Huminga lang siya ng malalim at saka umoo.



Hinalikan niya lang ako sa kamay saka siya umalis. Kita ko naman sa mga mata niya yung lungkot kaya naguilty ako.



Sabi ko sa sarili ko, bukas, promise, babalik na kami sa dati!



+++++



VOTE AND COMMENTS!!!!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top