Gray

One part lang to, gawin nating malaman.

Kwentuhan muna tayo.

When I was a kid, napaka bait kong bata. Sabi ng mama ko yan ha. Hindi ako iyakin, kapag sinabi nyang "Jan ka lang, wag kang aalis." okaya "Hintayin mo ko jan." Kung paano niya ako iniwan, ganun niya ako aabutan. Tuod yarn?

One time nung grade one ako, madalas ako ma biktima ng mga classmate kong nananakit. Dati kasi maghapon ang pasok, so pag lunch umuuwi ako para kumain. Palabas ako ng room bigla may sumapak sa mata ko. Nagulat ako, pero tinignan ko lang sya, muka syang galit. Napagkamalan ata ako na kaaway nya. Hindi ko alam basta alam ko masakit mata ko, tapos pag uwi ko ng bahay nagulat si mama may black eye ako. So malakas talaga yung suntok, kasi lalaki sya.

Hindi ako umiyak. Pero masakit. Nung bata ako pag hindi ako tinatanong, hindi ako mag sasabi ng mga bagay bagay o magsusumbong. Hanggang ngayon mag te trenta na ako, pag hindi ako tinatanong hindi ako mag sasalita. Hindi ako ma kwento, sa piling tao lang.

That's why I got molested. Dahil hindi ako pala imik. Nung bata ako, iniiwan na ako ni mama para mag work sya. Ganun naman kasi nung mga 90s safe pa nung mga panahon na yon para sa mga bata iiwan lang sa kapit bahay, mostly naman kasi kamag anak din naman ang kapitbahay nun.

Well akala lang nila yon. Sarili kong kamag anak binaboy ako. Dalawa pa sila. At that time, hindi ko alam na rape yon. Wala akong muwang.

As I aged dun lang nag sync sakin na, yeah I was raped. Warning lang sa mga may anak, wag na wag ipagkakatiwala ang mga anak sa iba. Lalo na kung babae ang anak mo, tapos iiwan mo sa tito, lolo or pinsan na lalaki.

It was traumatic. One time nakita ni mama na may dugo yung underware ko. Sabi ko "hindi ko alam". Well hindi ko naman talaga alam. Akala nya nawala lang sa mga underwear na may menstrual blood.

There were nights na masakit ang genital ko. I remember that, tapos gigising akong umiiyak in the middle of the night. Papatahanin ako ni mama. Akala kasi nya ganun lang talaga yung mga bata, minsan gumigising na umiiyak late night thinking maybe i had bad dreams.

Kaya I hate men. I also hate commute lalo na pag lalaki ang katabi ko. Asiwa ako. Ayaw kong dumadampi yung balat nila sakin. Kahit di pa sinasadya.

It was my scar na pili lang ang nakaka alam. I also hate rain na may kasamang kulog at kidlat. It was one my childhood days that i bled, they took my innocence nang walang kalaban laban. I kept telling them na masakit. Pero para silang mga asong ulol. Hindi ko makakalimutan yung hapdi. Parang pinupunit yung laman ko. Sometimes i wish people knew my pain, maybe they'll treat me better. But now I don't deserve it tho.

Ma... hindi na ako yung mabait na bata dati, yung mabait mong anak.

It was one of my traumas. I still see it in my dreams.

Then my illness began.

I was diagnosed with cardiomegaly. Lumalaki ang puso ko. So I'm not sure which comes first my depression or my heart problem.

It started when i had difficulty sleeping. Akala ko normal lang. Hanggang sa naging dakilang puyat ako. Akala ko night person ako. Then I started to leave my job. I felt like i wasn't good enough.
Things add up. Stressed and preassured.

Stressed kasi gusto kong mag work pero im so demotivated talaga, feeling ko hindi ako magaling. Very low ang self esteem ko. Lahat parang negative sa sarili ko, im such a failure.

Part pala yon ng sakit ko. Kahit na kino complement ka ng ibang tao hindi mo ma appreciate.

It's really a 90 degrees turn to what i am now and before (hindi tayo 360 lol). Alam ko sa sarili ko na ibang tao ako. This is not me. Para akong nauupos na kandila tapos wala akong magawa.

Pa hop hop ako ng work kasi walang maka satisfy sakin. Madali akong magsawa at matalo ng sistema ng corporate world.

Tapos iniwan ako ni ex. So konting konti nalang talaga mag bibigti na.

Hanggang sa isang taon akong walang work. Hindi ako naghahanap. Madalas akong naka kulong. Hindi ako naliligo. My room is a mess. Akala ni mama napaka tamad ko na.

I also turned to alcohol. Well hanggang ngayon naman. It helps. Specially suicidal thoughts. Lasing ka eh you will just pass out.

Also, alam ko na sino sa mga friends ko ang nag pe-pay ng attention sakin.

No one.

They mistakenly think that its all in my mind, and that all i need is to think positive vibes.

I have open myself once, hindi ko na inulit. Baka sabihin nila nag iinarte lang ako.

It feels like everything was hopeless. I don't see colors. Everything was gray literal. Color blind na ata ako.

For me, depressed people should be treated as if they have cancer. Because any moment they will snap. Anytime pwede talaga silang mawala.

Sadness is different from sickness.

Totoo po ang depression. I don't need you to say to me na "Don't be sad."

Im not sad nga, I'm sick. I would appreciate you kahit di ka mag salita. Basta I know na makikinig ka lang. Somehow, nakaka gaan ng loob. Yung alam mong may nakikinig.

Kaya kayo, as a friend, you don't have to say positive words to us. Sabihin mo lang na "I'm here. Makikinig ako."

It would be better kung kaya mo syang puntahan. Pilitin mo syang lumabas.

Pets have big impact too. If dog or cat person sya try mo sya regaluhan kahit yung aspin lang.

Pero ma swerte nalang kayo kung malalaman nyong depressed ang isang tao. Mostly yung mga taong nagsasabi na depressed sila they are really  hoping that someone would help them to get out of it. Desperate na mga yan. They don't know what to do either makikinig kaba o papakamatay nalang sya. But you wouldn't really know.

I have met online friends, may mga community na pwedeng salihan who share the same situation. Two of them (my online friends) alread lose the battle.

One of my batch mate bago sya nag bigti he tried calling all his friends, sadly walang naka sagot ng tawag nya. He just sent a text saying "Ewan ko kung abutan nyo pa ako, puntahan nyo nalang ako." May pumunta naman kaso di na naabutan. Hinintay nalang nila sya galing morge.

I hope you'll see us as sick, and not just sad person.

If you're in the same battle feel free to pm me.

See you on the other side.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top