I HAVE LET GO

Ryker Sandiego

Nagmamadali akong lumabas ng bahay nang makita ko ang oras sa aking relo.

4:30 pm

Nagmamadali akong naglakad patungo sa garahe pero napatigil rin nang maalala kong flat nga pala ang isang gulong n'on at hindi ako marunong mag-ayos. Wala akong choice kung hindi ang mag-commute.

Naglakad ako papalabas ng subdivision na tinitirhan ko at doon nag-antay ng masasakyang taxi. Hindi ko maiwasang ma-conscious sa mga titig na ibinibigay sa akin habang naghinihintay kanina ng masasakyan. Bitbit ko ang may kalakihang box na nakabalot sa isang birthday wrapper at eleganteng ribbon.

Tumigil ang sinasakyan kong taxi sa harap ng isang pamiyar na hotel. It's been five years simula ng makita ko ulit ito. Pagkatapos maituro ng receptionist ang ginanapan ng dadaluhan kong event, agad na akong pumasok sa loob elevator.

Pero hindi kaagad ako nakapasok nang makita ko ang mga taong sakay nito.

Zeke at Sae...

Limang taon. Limang taon na ang nakalipas simula nang huli ko silang makita. Walang ipinagbago kay Zeke. He's still handsome as ever. Kahit isang simpleng blue button down shirt at maong pants lang ang suot niya, gwapo pa rin ito.

Nakangite si Sae sa akin habang si Zeke naman ay seryosong nakatingin sa akin.

"Ryker, pasok ka. Are you invited too?" Ang nakangiteng tanong sa akin ni Sae nang mapansing masyado akong nagtatagal sa pintuan. 

Marahan akong tumango nang makapasok ako. "Oo, Zyrin invited me."

"That's good. It's been a long time since we last saw you. Tindero ka pa rin ba ng basahan?"

Sa halip na mainis sa kanya, binigyan ko pa siya ng isang matamis na ngite. Kung dati hinahayaan ko lang siya, ngayon hindi na. Wala akong utang na loob nino man sa kanilang dalawa. Matagal na akong bayad.

"Yes, bukas padadalhan kita ng sampung sako ng basahan para naman may panlinis ka diyan sa masama mong ugali."

Makaraan ang ilang buwan ng tuluyan ko ng binitawan si Zeke, nakita nila akong nagbebenta ng basahan sa tabi ng daan. Hinding-hindi ko makakalimutan ang mapangmatanang ngite sa mga labi ni Sae noon.

Pero hindi ako nahihiya sa trabaho ko. Wala akong dapat ikahiya kong nakita man nila akong nagbebenta ng basahan sa daan kasi matinong trabaho 'yon. Napakain ko ang sarili dahil doon. Nagawa kong mabuhay dahil sa mga basahang iyon kaya hindi ko 'yon ikakahiya. Mababa man ang trabahong 'yon sa mata ng iba, ang importante ay wala akong nasaktan sa trabahong 'yon.

"Rude as ever. Nandito ka na naman ba para mangulo ng relasyon namin? Kung iniisip mong hahayaan pa kitang sumawsaw sa relasyon namin, pwes, nagkakamali ka," ang palatak niya pero hindi ko na inabala pa ang sariling lingunin siya.

Paranoid much? Pathetic.

Tumunog ang elevator hudyat na narito na kami sa floor na ginaganapan ng party.

Nang makalabas kami ng elevator doon ko na sila nilingon dalawa. "Huwag kang mag-alala hindi naman ako kagaya mong ahas. Paranoid ka? Saksak mo pa sa baga mo 'yang jowa mo."

"Ryker, stop." Sa wakas ay nagsalita na rin ang dakilang jowa.

Kung maka-stop akala mo ako ang nauna.

I looked at Zeke with an obvious disappointment written all over my face before turning my back at them. I should stop wasting my time on them.

Hinanap ng mga mata ko si Zyrin pero nang makita ko siyang kausap ang parents at relatives nila ni Zeke, napaurong ako't napatalikod. Wala na kami ni Zeke pero hindi ibig sabihin n'on ay nawala na rin ang galit at inis nila sa akin.

Patungo na dapat ako sa isang bakanteng table nang marinig ko ang matinis na boses ni Zyrin, ang kapatid ni Zeke at ang tanging pamilya niya na tinanggap ako. "Ryker! Ryker, you're here!"

Muli akong napalingon sa direksyon niya at pilit na ngumite nang makita kong halos na sa akin ang atensyon nila.

May pag-aalinlangan akong lumapit sa kanila, lalo na't naktingin pa sa akin ang mama ni Zeke.

Tinangun ko lang ang nanay, mga tita at ilang pinsan ni Zyrin nang malagpasan ko sila. Muli kong naramdaman ang malakas na pagkabog ng puso ko. Why am I feeling nervous?

Wala na akong dapat ikatakot sa kanila. I don't need to prove anything to them anymore. Pero bakit nanunumbalik sa akin ang takot at kaba? Siguro dahil sa kanila ko naramdaman ang labis na pagkapahiya at panliliit sa sarili. They have humiliated me in public many times for being in a relationship with Zeke.

"Happy birthday nga pala sa baby mo, Zy. Pasensya na kung ngayon lang ako nakadalo."

Palagi niya akong ch-in-a-chat sa messenger para i-invite sa mga okasyon pero tinatanggihan ko lahat. Hindi pa kasi ako ready that time. I was busy fixing my life and relationship with other people.

"Naku, it's fine. I'm just glad to finally see you again. You still look beautiful kahit lagpas thirty ka na."

Pabiro kong pinaikot ang aking mga mata saka mahinang tumawa. "Bolera ka talaga."

"You know it's true. Anyways, I'm going to meet the other guests muna. Usap tayo later ha? Love you."

We hugged for a few seconds bago siya umalis para i-meet ang ibang bagong dating guests dala-dala ang regalong iniabot ko sa kanya.

Nakatayo pa rin ang mama ni Zeke at Zyrin sa tabi habang nakikipag-usap sa ibang matatanda. Akala ko ay hindi niya ako mapapansin pero bigla niyang tinawag ang pangalan ko.

"Yes, po, madam?" Ang buong galang kong sagot sa kanya.

"Anong ginagawa mo dito? Ang kapal naman niyang pagmumukha mong magpakita dito matapos mo akong sagut-sagotin dati. Wala ka na bang kahihiyan? Ano? Wala ka ng pera? Madami ka na namang utang? Wala ka ng mapuntahan kaya bumalik ka para manggulo ng relasyon ng anak ko?"

Lihim akong naparolyo ng mata dahil sa sinabi niya. Kaya siguro boto siya kay Sae kasi pareho sila ng kulay ng budhi.

"Nandito po ako dahil kay Zyrin at anak niya. Wala akong pake sa anak ninyo at relasyon niya. Matagal na po kaming wala kaya sana makapag-move on na po kayo. Masyado kayong LR."

"L-LR?!"

"Late reaction po, tita. Sige, restroom po muna ako." Nagmamadali ko siyang tinalikuran at tinungo ang isang daanang nasa kabilang bahagi.

"Kuya, dito po ba ang CR?" Ang tanong ko sa isang waiter.

"Yes, po, sir. Kumanan lang po kayo saka niyo makikita iyong men's restroom."

Nagpasalamat ako sa kanya bago tuluyang lumabas para tunguhin ang banyo. Kanina pa talaga ako naiiihi sa taxi pero saglit 'yong nawala nang makita ko sila Zeke at Sae sa elevator.
Hindi rin ako nagtagal sa loob ng banyo, lumabas agad ako matapos kong umihi at maghugas ng kamay.

Pagbalik ko sa loob, napa-ungot ako nang makitang halos puno na ang mga lamesa dito. Hindi na ako nagtaka. Sa dami ba naman ng kaibigan ni Zyrin, obvious na mapupuno itong ballroom ng hotel.

Isang table na lang ang may bakante. Ang table na inuupuan ni Zeke, hindi ko alam kung nasaan si Sae. Naglakad ako papunta doon at saka naupo sa opposite na upuan sa kanya.

Natuon lahat ng atensyon ko sa emcee na nagsasalita sa harapan. Maraming mga bata na ang nagpunta doon dahil nagsisimula na silang magpa-games. Masyadong natuon ang pansin ko sa harapan hindi ko napansin na may naupo na pala sa tabi ko.

"Ryker, how are you?" Si Zeke.

Wala naman akong hinanakit sa kanya. Nasaktan niya ako pero naiintindihan ko. Masasaktan at masasaktan ka naman talaga pagdating sa pag-ibig. Pero ang sugat naghihilom, nag-iiwan ng marka pero kasama naman nito ang aral na natutunan mo.

Tao lang tayo at nagkakamali. Hindi natin mapipilit ang bagay na hindi para sa atin. Hindi natin mapipilit na mapasayo ang mga bagay na hindi naman talaga para sa atin kahit anong laban pa natin.

Noong mapalayo ako sa kanya, hindi ko maintindihan ang sakit. Sobrang sakit, nakakapanghina. Pakiramdam gusto ko nalang mamatay, ayaw kong gumising, ayaw kong tanggapin. Mas lalong nawalan ng direksyon ang buhay ko...kasi nawala na sa akin ang taong naging buhay ko.

"Okay lang ako. Ikaw?" Ngumite ako sa kanya. Ngiteng totoo. Ngiteng walang halong lungkot o panghihinayang.

"I-I'm doing great. Saan ka na ngayon? Bumalik ka na ba kila mama?"

Mama pa rin pala ang tawag niya sa mama ko.

Umiling ako. "Umuuwi lang ako doon minsan. Dito kasi ang trabaho ko. Ikaw? Music Video editor ka pa rin ba?"

"Ah, yes. Pero I'm more into movies now. Kinuha ako ng isang sikat ng studio sa New York." 

"Dynasty?"

"Yes,"

Lumaki ang ngite ko ng marinig ko 'yon. "Congrats! Di ba dati mo na 'yong pangarap? Umaasenso na ah. Si Sae nga siguro lucky charm mo."

Nakita ko ang pag-iba ng ekspresyon ng kanyang mukha. May pilit na ngite sa kanyang mukha at saka natahimik. Bakit? May sinabi ba akong mali?

"I'm sorry." Ang narinig kong sabi niya.

Tumango ako. "Matagal na kitang pinatawad. Sana naging masaya kayong dalawa."

Matagal bago siya muling sumagot. "We were happy."

"Were? Past tense 'yon ah."

"These days we just kept on arguing. Palagi siyang paranoid at nagseselos. Halos lahat pinagseselosan niya at pinagdududahan. Tutol din siya sa pagpunta ko ng New York." Halata ang pagod sa kanyang boses. "It was so new to me. We rarely argue noong tayo pa. You trusted me, supported my dreams, and was always there for me."

Tumango-tango ako. "Hm. Dapat ka naman talagang pagdudahan. Noong tayo pa, nagawa mo ngang makipag-usap kay Sae kahit may singsing na sa daliri ko. Dapat lang talagang matakot siya kasi dati masyado kitang pinagkatiwalaan. Pero tingnan mo naman ang ginawa mo, ginago mo ako."

"Ryker..."

"Zeke, I forgive you pero hindi ko makakalimutan ang ginawa mo sa akin dito. I was so disappointed with you. I was disappointed with myself too kasi masyado akong nagpakampante dati."

Narinig ko siyang tumawa. "Karma ko na siguro ito. I wish I could turn back time. Sana nakipag-usap ako sa'yo sa halip na maghanap ng iba. I should've fixed it with you instead of looking for someone to take it out. Ang gago ko."

"Siguro nga ganon. Pero nagpapasalamat pa rin ako sa'yo. Noong pinakawalan mo ako, mas naging masaya ako sa buhay ko. Hindi nga talaga tayo ang para sa isa't-isa. Kung hindi mo ako pinakawalan hindi ko makikilala ang asawa ko."

"A-Asawa?"

"Zee, anong pinag-uusapan niyo?" Sabay kaming napalingon kay Sae na matamis na nakangite sa amin. Nakasunod sa kanya ang mama ni Zeke na masama ang tingin sa akin.

"Tungkol sa amin." Ang walang pag-aalinlangan kong sagot.

Dati ako ang nasa posisyon niya. He mocked me and my relationship with Zeke. Sinisigurado niyang ipinapamukha niya sa akin kung saan na papunta ang relasyon namin.

"Sabi ko na nga ba't nandito ka lang para manggulo. Wala ka namang ibang ibinigay sa amin kung hindi kamalasan at sakit sa ulo. Napaka-ingrato mo!"

"Ma, tama na. Let's not make a scene here. Respeto naman kay ate." Lumapit si Zeke sa kanila at saka hinarangan ang kanilang paningin.

"So ngayon kinakampihan mo na 'yan, Zeke?! Ako ang boyfriend mo dito!"

"Sae, calm down. Hindi ko siya kinakampihan."

"Anong problema dito?" Napatigil silang lahat nang marinig ang isang malalim na boses.

Napalingon sila sa direksyon ng lalaking nakasuot ng simpleng itim na t-shirt at pants. May karga-karga rin itong isang taong gulang na batang lalaki.

"Jake! Bakit ang tagal niyong dalawa?"

Lumapit siya sa akin at yumuko para mahalikan ako sa labi. "Sorry, may in-assist lang ako."

Kinuha ko mula sa kanya ang isang taong gulang naming anak na si Jackson at kinandong ito.

Kanina kasi ay nagwala ito nang papaalis na si Jake. Tinawag siya ng hospital na pinagtratrabahuan niya kaya hindi siya nakasama sa akin. Walang humpay na umiyak ang bulilit na 'to kaya no choice siya kung hindi ang dalhin ito.

"Doc? Doc Aldrich?"

Napalingon ako kay Sae at napataas ng kilay.

"Who is he, Sae, ijo?"

"Isa po sa neurosurgeon ng hospital namin."

Napatingin sa akin ang asawa ko nang marinig si Sae. Kilala niya kasi ito. Kinulit niya akong sabihin sa kanya kung sino ang ipinalit sa akin ni Zeke.
Ayon nasabi ko sa kanya.

"Hi, I'm Jake Aldrich, asawa po ni Ryker. It's nice to meet you."

Four years ago we met on the streets habang nagtitinda ako ng basahan. We became friends at saka niya ako tinulungang makahanap ng trabaho sa isang shoe store na pagmamay-ari ng pinsan niya. Naging janitor ako doon at halos araw-araw din kaming nagkikita dahil magkalapit lang ang bahay niya at ang pinagtratrabahuan ko. Naging magkaibigan kami hanggang sa naging magka-ibigan.

Hindi naman siya mahirap mahalin dahil bukod sa ubod siya ng gwapo at talino, tinuruan niya ulit ang puso kong magmahal ng iba. Hinintay niya kung kailan na ako handa. Hinintay niya akong sumaya muna sa sarili ko bago ako um-oo sa kanya. Jake gave me another reason to fight and love.

Masaya na ako sa buhay ko ngayon. Wala na akong mahihiling pang iba bukod sana sa pagiging matatag ng pamilya namin ni Jake.

Lilipas din ang sakit kung hahayaan mo ang sariling maghilum at sumaya. Acceptance is the key ika nga nila. Minsan kahit masyadong masakit, kailangan mong tanggapin ang katotohanan hindi para sa kanila kung hindi para sa sarili mo. Kasi kung tanggap mo ang katotohanan, mabibigyan mo ng pagkakataon ang sarili na mahanap ang tunay na kasiyahan.

Time heals all wounds. And I can proudly say that.... I have let go.

The End Part 2. (HAHAHA)
-----------------------------------------------------------

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top