000 - PROLOGUE
Napalingon si Hattie sa entry ng bus terminal sa pag-asang makita roon ang itim na sasakyan ng asawa, subalit makalipas ang ilang segundo'y bumagsak ang mga balikat niya. Mukhang wala talagang balak ang lalaking iyon na sundan siya at suyuin. Mukhang wala talagang pakialam ang gago na ibalik siya sa buhay nito. Mukhang ito na nga ang huling pagkakataong aapak siya sa Maynila.
At mukhang... annulment papers na ang sunod niyang makikitang darating sa bahay niya sa Bataan.
"Miss, aalis na ang bus. Aakyat ka ba o hindi?" pukaw sa kaniya ng bus driver na halata sa mukha ang iritasyon. Kanina pa siya nakatayo sa pinto ng bus at nakahawak sa handle ng hagdan habang nakalingon sa entry ng terminal; naghihintay sa taong hindi naman darating para sunduin siya.
Humugot siya nang malalim na paghinga saka itinuloy ang pag-akyat sa bus. Nauna nang ini-akyat ng konduktor ang traveling bag niya kaya hindi siya maiwan ng mga ito. Naka-yuko siyang naglakad papasok sa bus, sa gilid ng kaniyang tingin ay nakita niyang hindi pa iyon puno, pero dahil may sinusunod na schedule ang mga ito'y kinakailangan nang umalis.
Kay bigat ng bawat paghakbang niya. Tila ramdam ng kaniyang katawan na ayaw niyang umalis.
Oo, ayaw niyang umalis. Pero wala siyang ibang pagpipilian dahil ayaw na ng magaling niyang asawa na naroon siya.
Kay pait ng paghihiwalay nila. Ni ayaw na nitong makausap siya, o titigan nang huli silang magkita. Kung ipagtabuyan siya nito ay ganoon na lang. Ito na nga ang may kasalanan, ito pa ang may ganang magmalaki at ipamukha sa kaniyang siya ang may problema.
Ha. Ang galing talaga.
At oo, galit siya rito. Galit na galit siya sa puntong gusto niya itong saktan. Pero magkaganoon man ay umasa pa rin siyang magbabago ang isip nito at aamin ng pagkakamali; susundan siya roon at susuyuing umuwi na.
Pero... hindi ito dumating. Halos dalawang oras din siyang nakaupo sa waiting area ng terminal at hinintay ang pagdating ng kotse nito, pero wala.
Walang dumating, kahit ang family driver na si Manong Onyok ay hindi dumating doon.
Kung alam lang siguro ng mga bata na umalis siya, siguradong kumuha na ng taxi ang mga ito, at ang mga ito na mismo ang sumundo sa kaniya roon. The kids wouldn't let her go, that she was certain. Pero umalis siya nang hindi alam ng mga bata; umalis siya kung kailan nasa field trip ang kambal, habang ang bunso nama'y nasa swimming lesson. Pag-uwi niyon ay siguradong hahanapin siya.
Pero ano ang magagawa niya? Tapos na sa kanila ng ama ng mga ito ang lahat.
And no, the kids weren't hers. They weren't biologically hers, pero minahal niya ang mga bata na parang siya ang nagluwal sa mga ito. The kids were her husband's children from his first marriage, and she loved them so dearly.
Pero... hindi na niya kayang manatili sa buhay ng mga ito kasama ang magaling na ama ng mga ito. Pagod na siya. Pagod na siyang mag-mahal nang siya lang. Pagod na siyang maghintay ng tugon sa pagmamahal na ini-alay niya.
Sa loob ng isang taon simula nang dumating siya sa buhay ng mga ito'y parang naging roller coaster ang buhay niya. Mayroong masaya, malungkot, masakit, masarap, mahirap. Pinagdaanan niya ang lahat ng iyon sa loob ng isang taon kasa-kasama ang lalaking iyon.
Pinagsisihan niyang sumama siya sa Tita Agnes niya sa pagpunta roon. Pinagsisihan niyang nakadaupang-palad muli ang lalaking iyon.
Kung mayroon man siyang hindi pinagsisihan sa nangyari sa buhay niya sa loob ng isang taon, iyon ay ang makilala at makasama ang tatlong mga bata. Pati na rin ang...
Bigla siyang nahinto sa pag-iisip nang biglang umabante ang bus, at dahil hindi siya nakakapit ay muntik na siyang tumilapon sa unahan kung hindi lang may pasaherong nakatayo sa kaniyang harapan at naglalagay ng gamit nito sa storage space sa ibaba ng upuan. Napakapit siya sa pasaherong iyon na tinanong kung ayos lang siya.
Tumango siya saka marahas na nilingon ang bus driver na napakamot na lang nang makita sa rearview mirror kung ano ang nangyari sa kaniya.
"Maupo ka na kasi, Miss..." sabi pa nito.
Tinapunan niya ito ng masamang tingin. "Paupo na ako nang bigla ka namang umabante. Dahan-dahan naman at buntis itong pasahero mo!"
Yes. That was true.
She was six weeks pregnant.
And no one knew.
Not even her stupid husband.
Nang marinig ng ibang mga pasahero ang sinabi niya'y tinulungan siya nitong pagalitan ang driver. Hindi na lang ito muling kumibo at napakamot na lang muli ng ulo. Ang pasaherong lalaki na kinapitan niya kanina ay inalalayan siyang maupo sa bakanteng upuan sa likuran nito. Nagpasalamat siya, at nang makaupo na'y itinuon ang tingin sa labas ng bintana.
Ilang sandali pa'y umakyat na rin ang konduktor at sinabi sa driver na pwede na silang umalis. At habang dahan-dahang umaandar ang bus papalabas ng terminal ay lalo siyang nawawalan ng pag-asang mangyayari ang kanina pa niya hiniling na mangyari.
Mukhang walang darating na Franco del Miranda Sandiego upang sundan at sunduin siya. Mukhang wala nga talaga itong pakialam kung mawala siya sa buhay nito.
Well... ano pa nga ba ang inasahan niya? She knew he wasn't into her from the get-go. Pinakasalan lang siya dahil napag-alaman ng lahat na may nangyayaring milagro sa kanila gabi-gabi. He hadn't even moved on from his deceased wife! And he had been seeing other women while he was married to her!
Mariin siyang napalunok saka ipinikit ang mga mata upang pigilan ang pag-alpas ng mga luha. Kay sakit ng dibdib niya. Kay bigat ng pakiramdam niya.
Sana talaga ay hindi na siya pumunta roon. Sana talaga ay hindi niya pinasok ang buhay ng mag-ama. Sana ay hindi na niya inilapit ang loob sa tatlong mga bata, at sana ay hindi niya hinayaang mahulog ang damdamin sa gagong iyon!
Oh, ang dami niyang sana...
Kung sana'y maibalik pa niya ang panahong pinigilan siya ng ina na hanapin ang swerte sa Maynila.
She should have just listened to her mother.
She should have just stayed in Bataan.
****
A/N
Ang prologue nito at ang first chapter ng isa ko pang story (Worth The Pain That Tore Them Apart) ay halos magkapareho ng style, pero magkaiba po 'yong storyline kaya don't panic haha!
Xx
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top