The Start

Para sa crush ko nga pala ito, Hi there Von sana masaya ka kung nakikita mong yung pangalan mo nandito sa story ko, wengya ka, di ka pala nagwawattpad haha, pansinpansin din pag may time😂😊😩okay scroll kana😂😂
~~~~~~

"Woooohhhh, say yesssss" hiyaw ng mga tao na nanonood dito sa gym sa nakaluhod na si Von na may hawak na bulaklak na nasa harapan ko.

"I repeat Yajin, can you be my girlfriend?" Pag-uulit niya sa tanong niya kanina, habang ako naman ay hindi makapagsalita sa mga nangyayari dahil sa sobrang saya.

"Y-Yes!" Sigaw ko na may ngiti sa labi at lahat naman ng tao ay nagpalakpakan pati narin ang mga kasama niya then he hugged me tight

Well, Von Aldrich is my crush, he is a basketball player until now. At first wala akong pake sa kanya but one day I saw him in his jersey and there I didn't expect that I will fall for him. Ako 'yung nagfirst move pero ako parin ang niligawan at ako ang sumagot sa kaniya haha

At dahil gaga ako the time I saw him, I stalked him, tapos nang makita ko siyang online shempre gumawa ako ng paraan. I messaged him kunyare nawrong send then, until one day, he replied and I didn't expect it. Nag hi siya and shempre happy ako, then I tried to make banat banat and i'm shocked that he also have feelings for me, hindi kapani-paniwala, pero he courted me at ngayon kami na.

*fast forward*

Nandito kami sa park ni Von habang kumakain ng ice cream, hapon na kasi kaya mainit and we need to eat ice cream.

It's been 6 months since I said yes and I can't believe that I am with him and spending my time with him.

"Hey, pagkatapos natin dito, i'm going to walk you home, may pupuntahan pa ako eh" he said. Hey?
Nangunot naman 'yung noo ko sa sinabi niya. He always call me by my name or our endearment which is 'Babs' i'm a bit chubby kasi and I agreed na kahit tawagin niya ako ng ganun as long as I call him 'Baks' from the word 'bakes' an ilocano word which means unggoy. Pinakatitigan ko naman siya at napatingin siya sa akin

"What?" May pagka iritang tanong niya ngunit agad naman akong napailing, weird ah

Pagkatapos naming kumain ng ice cream ay tinupad niya naman iyong sinabi niyang ihahatid niya ako.

"Sige, I gotta go" sabi niya niya nang maihatid niya ako at tumalikod na pero agad ko siyang tinawag.

"Von!" Humarap naman siya na iritado ang mukha. Agad akong lumapit sa kanya at niyakap siya.

"Ingat ka doon sa pupuntahan mo ha?" I smiled ng humiwalay na ako sa yakap, ngunit ng akmang hahalikan ko siya sa pisnge ay nagsalita siya

"I really need to go" sabi niya at tumakbo na dahilan kung bakit napabuntong hininga ako. What's with him again? Mood swings? Kaloka

Pumasok ako sa bahay at kinuha 'yung susi ng sasakyan ko para magjoy ride ako mag-isa para naman hindi na ako maparanoid sa mga inaasal ni Von, kakaiba na kasi ang kinikilos niya eh. Tutal wala pa naman 'yung nakababata kong kapatid dito sa bahay which is 6 years old, iikot lang muna ako.

Habang nagdadrive ay nakita ko 'yung bestfriend ko na si Vione kaya bumusina ako, agad naman siyang napatingin at nagsmile sa akin saka pumasok ng sasakyan ko ng huminto ako

"You're not with Von?" Takang tanong niya. Lagi kasi kaming magkasama ni Von kaya talagang nakakapagtaka kung bakit hindi ko siya kasama.

"Obviously" sabi ko at umiikot ikot lang kami at namasyal, sa sandaling iyon ay nakalimutan ko na 'yung nangyari kanina

Hinatid ko na si Vione sa kanila at umuwi na din ako, pagkapark ko ng sasakyan ko sa garage ay lumabas na ako at pumasok sa bahay

"Kain ka na ate" sabi ng nakababata kong kapatid ngunit tumango lang ako at tumaas muna sa aking kwarto. Kung nagtataka kayo kung bakit may pagkain agad, de lata lang naman 'yung binuksan niya.

THIRD PERSON

Kanina pa nga hinihintay ni Yajin ang reply ni Von. Ilang ulit na niya itong imessage ay hindi parin ito sumasagot sa mga text niya, pati narin sa tawag ay hindi parin siya sinasagot

"Hayst, Von saang lumalop ka nanaman ba nagsususuot?" Sabi niya sa hangin, bumaba siya upang kumain

"Ate I told you to eat already" sabi ng nakababata niyang kapatid.
Tumango naman siya ng nakangiti dahil masyado siyang nasisiyahan sa kapatid niya, masyado kasi itong cute kahit na hindi nagpapa-cute. Wala ang kanyang mga magulang dahil nagtatrabaho ang mga ito sa ibang bansa at ang tanging nandito lang sa bahay ay siya at ang yaya na ipinakatiwala sa kanila ng kaniyang ina. Kahit wala siyang gana ay kumain naman siya kahit na masama ang loob niya sa kanyang kasintahan

*kinabukasan*

Habang abala na nag-aayos si Yajin ng kanyang gamit ay hindi niya maiwasang mapaisip kung ano ba ang rason kung bakit ganoon na lang ang inasta ni Von sa kaniya.

*Sa kabilang banda*

"Oh ano na mga tol? Hanggang 5 bottles lang kayo? Ako sampu na oh!" Pagmamayabang ni Von habang ang kaniyang mga kaibigan ay nagtataka na sa kanyang inaasal. Hindi na rin nila alam kung kailan ito nagsimulang magkaganito

Lagi nalang itong natutulala at sa tuwing tinitignan nila ay malungkot ito, gusto man nilang tanungin ito kaso baka away magjowa lang ang dahilan. Nagulat na lang sila nang sumigaw ito.

"Hey there! Come here babe, grind on me" nagulat naman sila sa katagang sinabi nito sa babae na hindi kalayuan sa kanila.

Pinapanuod lang nila ang pinaggagawa ni Von habang sumasayaw hanggang sa magsawa sila. Nang makalapit si Von sa mga kaibigan niya ay agad nila itong tinanong kung bakit siya ganon umasta.

"Ano ba talaga ang problema mo Von? May hindi ka ba sinasabi sa aamin?" Tanong ng kaibigan niyang si Gian

"Wala to tooool, nagsasaya lang ako dahil matatapos na rin" nagtaka sila sa sinabi ng kanilang kaibigan kaya napapaisip sila kung ano ang ibig niyang sabihin.

"Tol, may girlfriend ka, bakit kailangan mong maghanap ng iba pa?" Sabi ng isa pa sa kaniyang kaibigan

"Haha patawa rin kayo eh.. Hindi naman totoo" napaisip na sila sa mga nangyayari at sa pagkakataong iyon ay alam na nila ang rason

"Tol, kailangan mo nang umuwi" malungkot na sambit ng kaniyang mga kaibigan

"Ha.ha" nasabi lang ni Von at nawalan na ng malay

*sa kabilang banda*

Nakarinig si Yajin ng katok sa pintuan nila, agad naman siyang bumaba galing sa kwarto niya

"Sino sil-oh Gallagher?" Nasambit niya ng makita ang kaibigan ni Von

"Si Von nga pala, pwede bang dito muna siya sa inyo, baka kasi kapag inuwi namin siya sa bahay nila ay sapakin siya ng tatay niya, kami na ang bahalang magpapaliwanag sa mga magulang niya" sa sinabi ni Gallagher ay napatango si Yajin at itinuro kung saan ipapahiga si Von

Nang matapos siyang maihiga ay nagpaalam na ang kaniyang mga kaibigan at naiwan siyang naguguluhan kung bakit ito naglasing

Pumunta naman siya sa guest room kung saan nakatulog si Von, at binihisan siya at binanyos upang bumaba ang kaniyang temperatura at natulog narin siya

*kinabukasan*

"Goodmorning handsome? How was your night? Mine was wonderful-" naputol ang kaniyang pagkanta dahil nagsalita ang kanyang kasintahan

"Bakit ka kumakanta? Para mo naman na akong nilalamayan sa ginagawa mo" napangiti naman si Yajin ng malawak, ngunit nanatiling nakakunot ang noo nito na parang naiinis pa sa pagkanta ni Yajin

"Von, ganito kasi yan, kapag kasi ang natutulog nakarinig ng music pagkagising, magseset yung mood niya into good, kaya kumanta ako" sabi niya sa kasintahan niya ngunit mas lalong nangunot ang noo nito

"Kalokohan, hindi naman naging maganda mood ko eh mas lalong sumama" sabi nito at tumayo na, nasaktan naman si Yajin sa sinabi ng kasintahan ngunit inisip niya nalang na nagbibiro lang ito kaya sinundan niya ito

"Von, may niluto na akong soup jan para sa hang over mo" sabi niya sa kasintahan niya

"Hindi na kailangan, aalis din ako agad" sabi ni Von at umalis na nga ng tuluyan, siya naman ay naiwang naluluha

Hindi niya alam kung bakit nagkakaganito ang lalaki sakanya

Kumain nalang ito ng mag-isa

Si Von naman ay nakonsensya kaya bumalik ito sa loob at sinamahan si Yajin na malungkot na kumakain

"Sasabayan nalang kita, baka kasi gagana nanaman yang topak mo" sabi nito sa babae, ngunit si Yajin naman, kahit ganito ang inasal sa kaniya ng lalake ngayon ay masaya siya dahil makakasabay nito ang mahal niya

Natapos kumain ay umalis agad si Von ng walang paalam, kaya balik ulit si Yajin na malungkot

Kinuha niya naman yung susi niya at lumabas na upang mag ikot ikot sa lugar nila

At sa pag-iikot niya ay hindi inaasahan ang kaniyang nakita........... Si Von, pero....... May kasama...... Babae pa!

#hai mga kawattpads, sana supportahan niyo itong short story ko, mga 4 chapters lang ito pero sana supportahan niyo parin, i would gladly appreciate people who comment, vote and share my stories, love you all

Dedicated to rrrolanddd_11 chuwngha Anonymous_Assassin KhrisnaPagalan thanks for the votes sa story ko, sana tuloy tuloy pa,😂 don't worry i'll do the same, pag hindi masyadong busy, but i'm trying my best para mabasa yung stories niyo at ng ibang authors, thank you

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top