The Middle
This chapter is dedicated to ms ColesGraphics, thanks for the book cover
THIRD PERSON's
Matapos makita ni Yajin na may kasama si Von na iba ay hindi niya nagawang puntahan ito o pagsabihan o kaya'y tinanong kung sino ang kasama niya. Lagi niyang sinasabi sa kanyang sarili na baka kakilala niya lang iyon dahil ayaw niyang magduda agad. Pero sa tuwing naiisip niya ang nangyari ay natatakot siya... Natatakot siya na sabihin ng lalaki ang totoo.. Na sasabihin niyang hindi siya kapakipakinabang... Na hindi siya kamahal mahal...
"Ate? Tulala ka na naman" tanong ng kaniyang nakababatang kapatid sa kaniya, marahil ay napapansin na rin nito ang mga nangyayari sa ate niya.
"Okay lang ako Yajie, okay lang ang ate" sabi niya sa kapatid at ngumiti para mapanatag ang loob ng kaniyang kapatid.
*sa kabilang banda*
"Mga tol? Hindi niyo ba napapansin? Mukhang ewan na si Von oh" sabi ni Glenn sa mga kaibigan habang nakatingin kay Von na sumasayaw sa dance floor na napapalibutan ng mga babae
"Oo nga eh tungkol ba ito sa deal natin?" Lahat naman sila ay napatingin sa sinabi ni Gallagher
"Oo ata tol, yun na nga ata, kailangan natin siyang makausap, para hindi maging malala ang topak neto" tumango naman sila sa sinabi ni Aldrin. Agad na tumayo si Gallagher at hinigit si Von sa dance floor at pinaupo sa kanilang pwesto
"Von umamin ka nga? Ano ba ang nangyayari sayo? Hindi mo man lang ba naisip si Yajin bago mo gawin ang mga 'yan?" panimula ni Gian
"Tss. Tol? Really? Coming from you? Haha, wala na akong pake sa babaeng iyon, tss pero infairness ganda rin ng boses nun, haha, pero mga tol pwede bang doon niyo muna ako iuwi mamaya?haha" mukhang timang na sabi ni Von sa mga kasama. Sila namang lahat ay napafaceplam sa sinabi ng kaibigan ngunit wala na silang magawa dahil parang ayaw nitong ungkatin ang tungkol dito.
Sinunod nga nila ang sinabi ni Von at doon na nila ulit inuwi si Von, lasing na ulit ito at susuray suray na kung maglakad.
Nagulat naman si Yajin ng makitang si Von at ang kaniyang mga kaibigan niya ang nandito.
"Anong ginagawa niyo dito, at ano na naman bang nangyari kay Von?" takang tanong ni Yajin sa mga kaibigan ni Von
"Sabi kasi ni Von dito namin siya dadalhin eh, wala na kaming magawa kasi 'yun ang gusto niya " sabi ni Glenn kay Yajin
Napabuntong hininga naman si Yajin at pinatuloy naman na sila para ihiga si Von sa dati niyang hinigaan noon nang dinala siya rito sa ganong sitwasyon.
"Sorry kung naabala ka na namin Yajin ha? Pasensya na, paki alagaan si Von ha? Hindi rin namin alam kung bakit biglaan siyang nagkaganito eh" Tumango naman si Yajin sa sinabi nila at nagpaalam na.
YAJIN
Bakit ba nandito ulit siya? Ni hindi niya kayang sagutin ang mga tawag at text ko, tapos darating siya dito na lasing ulit? Na hindi ko man lang alam kung anong dahilan? Tapos mamayang umaga, galit na naman siya? Kung tutuusin masakit na 'yung mga ginagawa niya eh, lagi na niya akong binabalewala, lagi siyang masungit saakin, at higit sa lahat masakit, nasasaktan ako dahil, ramdam ko na hindi na niya ako mahal. 'Yung makita mo bang may kasama siyang iba, alam kong alam niya nandoon ako noong araw na iyon dahil alam niya kung ano ang kotse ko ang estilo nito at ang plate number nito, kaya imposibleng hindi niya alam.
Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako, sorry nasasaktan ako eh, inayos ko ang higa niya at ginawa ang dati kong ginagawa upang mapababa ang temperatura niya, at bukas na bukas alam kong maiirita ulit siya sa akin. Ngunit kailangan ko pa rin siyang alagaan dahil kailangan niya ito ngayon.
Tumaas na ako at nagpahinga narin, alam ko ring alam ng kapatid ko ang nangyari nung nakaraan, kaya niya ako laging tinatanong dahil maski siya ay nagtatakha na rin
THIRD ERSON's
Kasalukuyang naghahanda si Yajin ng kakainin ng kaniyang kasintahang si Von. Labag man sa kaniyang kalooban ay pumunta na siya sa kwarto nito na tinutuluyan at nilapag ang tray sa bedside table ng lalaki. Habang inaayos ang mga kubyertos na gagamitin ng lalaki ay, nagising ito
"Gising kana pala, hinanda ko na itong pagkain at dinala ko narin dito para naman mabawasan ang hang over mo. May advil na rin at tubig diyan, inumin mo bago ka tuluyang umalis dito sa bahay" walang kaemo- emosyon na sabi ni Yajin sa kasintahan. Aalis na sana siya ng pigilan siya ng lalaki
"Bakit hindi mo ako kinantahan, para naman maset ang mood ko ngayong araw?" sambit ni Von na ikinatigil ni Yajin, napabuntong hininga naman ito bago magsalita habang nakatalikod
"Kung kakantahan kita, sayang ang boses ko dahil hindi rin naman magiging maganda ang mood mo kung nandito ako diba? Kaya naman pagkatapos na pagkatapos mo diyan ay puntahan mo na 'yung babaeng kasama mo noong isang araw, i'm sure mas magugustuhan mo ang boses niya diba?" tumingin siya sa lalaki ng blangko at saka umalis upang asikasuhin ang kaniyang kapatid.
Naiwang walang imik ang lalaki at napatungo. Kinain niya na rin ang inihanda ng babae sa kanya at aaminin niya na masarap ito, hindi niya kayang saktan ang babae ngunit may rason siya kung bakit niya ito nagagawa.
Lumabas siya ng silid habang hawak ang mga pinagkainan niya at lumapit sa lababo kung saan ngayon si Yajin na naghuhugas ng pinggan
"Iwan mo na diyan 'yan, ako na bahala, pwede ka nang makaalis" ngunit sa sinabi niyang iyon ay hindi parin ito umaalis bagkus ay niyakap siya ng lalaki na kanyang ikinagulat.
"Yajin, mahal kita alam mo 'yan, mahal na mahal kita, may mga bagay lang talaga na kailangan kong gawin kasii... Kailangan" sabi ni Von kay Yajin, naiiyak naman ito sa sinabi ng lalaki
"Von, kung talagang mahal mo ako kaya mong dabihin ang mga problema mo para hindi ako manghinayang at masolusyunan natin ito. Maiintindihan ko naman kung sasabihin mo saakin eh, pero, hindi eh, you're leaving me a question mark, i am left here wondering kung ano ang naging pagkukulang ko? Kung ano ba talaga ako para sa'yo? Tapos makikita kong may kasama kang babae? Damn Von do you know how much i'm hurt when i saw you with another woman smiling and being sweet? Von nakakainggit 'cause you've never done that lately" pumatak na ang luha na kanina pa pinipigilan ni Yajin.
Nakaramdam naman si Von ng konsensya sa nagawa niya kaya niyakap niya nalang ang kaniyang kasintahan na umiiyak
"I'm sorry Yajin, i really do, at nandito na ako para humingi ng tawad sa mga ginawa ko, can you give me a second chance?" tanong niya sa babae at napatingin naman ito
"I will, if you promise me that it would only be me" sabi ni Yajin na ikinatango naman ni Von habang nakingiti. Marupok na kung marupok pero mahal niya ang lalake
*kring kring*
Agad namang sinagot ni Von 'yung tumatawag sa kaniya
[Von, may pag-uusapan tayo, halika na] sabi ng barakada niya sa kabilang linya
Tumingin naman siya kay Yajin at hinalikan sa noo
"I'll be back" sabi ng lalaki at umalis na. Agad na nakaramdam si Yajin ng lungkot, kakaayos lang nila ngunit may pupuntahan agad ito
"Ate i'm ready na" biglang sabi ng kapatid niya na nakababa na pala ng hagdan, ihahatid niya kasi ito sa klase niya
"Oh, i'm sorry Yajie, hindi nakapagluto si ate ng almusal at baon mo, but, we will eat sa Jollibee!" Sabi niya sa kapatid at lumawak naman ang ngiti
*sa kabilang banda*
"Tol, alam naming mahal mo na si Yajin, kung gusto mong icancel 'yun okay lang sa amin" sabi ni Aldrin sakanya
"Tss tol? Kay Yajin mafafall ako? Sus, patawa rin kayo ha?" Lakas loob niyang nasambit
"Tol, kahit hindi mo aminin alam naming may nararamdaman ka kay Yajin" natahimik naman siya sa sinabi ng kaibigan, 'sasabihin ko kaya?' Tanong niya sa sarili
"Tol, ginawa ang larong ito dahil awang awa kami sa'yo because of Yesha. She left you and she made your life miserable. Gusto ka naming makamove on using Yajin as your rebound sana but the thing is hindi ka dapat mafall sa kanya because may deal ulit tayo doon na kung mafafall ka ay ipupusta mo na 'yung sasakyan mo. Pero alam naming hindi mo iyon magagawa, that's why we let it slide, kung talagang mahal mo si Yajin then okay lang, the real goal here is to make you move on. Hindi na namin pinansin 'yung deal cause we know you already found your partner pero sadyang kami lang pala ang nagpalipas nito. Dahil ikaw talagang porket 6 months eh gagawin mo naman, dude, mas mahalaga parin si Yajin para sa'yo so explain your side, kasi alam namin na nagtataka narin siya sa inaasal mo" napatango naman siya sa sinabi ng mga kaibigan kaya ngayon ay natauhan siya, nag isip isip siya kung ano ang sasabihin niya sa kasintahan
"Okay, aaminin ko ito sakanya at babawi kung ano man ang magiging resulta" sabi niya habang nakangiti
"Pero tol? Sinabi mo ba kay Yesha 'yung tungkol sa deal natin?"tanong ni Gian kay Von
"Yesha?" takang tanong niya sa mga kaibigan
"Haist, si Yesha 'yung kasama mo noong isang araw, tol naman eh, ex girlfriend mo hindi mo kilala? Hindi nga rin namin alam kung bakit kasama mo siya eh. Baka kasi may nabanggit ka" sabi ni Aldrin sa kaibigan niya
"Aah si Yesha, i forgot to say. She already knew about this, hindi naman niya daw sinasadyang marinig tayong mag-usap, we had a relationship na patago kasi an-"
"What?!!!" Sigaw na tanong ng mga kaibigan niya
Dahil nga sa hindi alam ng kaniyang mga kaibigan ay kinuwento niya ang lahat sa kanila.
"Tangina tol! You're in trouble, alam mo namang gagawin at gagawin nun lahat basta nagsalita eh" sabi ni Aldrin sa kaibigan, natahimik naman sila
"Shit oo pala i need to go to her cause she'll make a scene damn!" Tumayo siya pero natigilan sila
*BLAAAGGG*
Napalingon naman sila sa pintuan ng bumukas iyon ng pagkalakas lakas. Iniluwa naman doon si Yajin na pulang pula ang mata at nasa likuran naman nito si Yesha na parang wala sa kanya ang nangyayari
"V-Von? Totoo ba?" tanong ni Yajin habang pinipilit niya na maging kalma
"Y-Yaj-"
"Sagot! Von! Sagutin mo ako ng diretso!" Sigaw nito na ikinatigil ng lahat dahil ngayon lang nila nakita si Yajin na magalit.
"O-Oo" nauutal niyang pag-amin kay Yajin, agad namang namalisbis ang luha sa kanyang mga mata, at tumango tango
"Tangina!!!! All this time i am your toy! Mga walang hiya kayo!" Sigaw ni Yajin habang umiiyak
"I told you si-" hindi na natapos ni Yesha ang sasabihin niya ng sapakin siya ni Yajin at natumba. Gulat naman ang rumehistro sa mukha nila dahil sa ginawa ni Yajin.
"Isa ka pang malantod na uod ka! Napakawalang hiya mo, magsama kayo ng tarantadong 'yan!" Sigaw niya sa babae dahil hindi niya na mapigilan ang galit na kaniyang nararamdaman
"Y-Yajin, s-sasabihin ko naman eh-"
"Kailan? Kung kailan wala na tayo? Kung kailan alam ko na? Utang na loob!urrghh" sigaw nito habang umiiyak saka ito lumabas ng bar kung saan silang lima lang na magbabarkada ang nandoon, agad naman siyang hinabol ni Von ngunit hindi na niya ito naabutan.
'Damn!'
Agad naman nilang itinayo si Yesha na nasa sahig na nakahawak sa pisngi nito at may kaunting dugo sa labi niya gawa ng sapak ni Yajin.
Another chapter ulit, dunno kung ilan pang chapter pero malapit na, so this chapter is chapter 2😂 char, this story is dedicated to my crush, haha as you can see his name, siya ang bida, haha VON, nways vote and comment nadin, or follow me kung nababasa mo na ito😂😂😂 malapit na matapos haha, ito na ata ang pinakaunang completed story ko haha, matatapos lang ng ilang araw pero yung isa kong story 1 year na hindi pa tapos, hindi pa umaabot ng 1k reads but, nagpapasalamat ako sa mga taong sumusubay ng story ko nagvovote at nagcocomment, i really really loved it😊❤️❤️ thank you once again
And i want to dedicate this chapter to OneMiyeon Empress_Russialmira RainbowColoredPotato Kelly_Gracious najiely chinyu_lin147 maysique Armys_Jams10
Thanks for following sa susunod na yung iba😂 ang dami na ninyo, but still thanks to you guyzzz😊😊❤️
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top