Before End

YAJIN
Sapat na lahat ng narinig ko sakanya upang magwalk out, masyadong masakit.

6 months na pagpapanggap niya na akala ko mahal niya ako, na akala ko ginusto niya rin na makasama ako, na akala ko.... Akala ko ako na 'yung hinihintay niya ngunit akala ko lang pala... Hindi ko alam kung ano ba talaga ang mararamdaman ko ngayon, galit? Inis? Lungkot? Sa tingin ko nararamdaman ko na lahat ng iyon

Nandito ako sa kotse at hindi ko alam kung saan na ako pupunta, isa pa 'yung Yesha na iyon, urgghhhh

FLASHBACKS

Pagkatapos kong ihatid si Yajie ay umikot ikot muna ako sa mall na malapit sa school ni Yajie para masundo ko siya agad kung dismissal na niya. Ayaw kong iasa lahat kay yaya. Mayroon naman akong sasakyan kaya ako na ang maghahatid sa kaniya, siya na lang ang magbabantay sa bahay.

Nag-ikot ikot ako sa mga kids sections, upang maghanap ng pwedeng ibigay kay Yajie ng may napansin akong may sumusunod saakin at meron nga...babae.. Hindi ako maganda kaya babae ang sumusunod, joke, haha. Nang mapatingin ako sakanya ay lumapit siya sa kinaroroonan ko

"Hi, there" sabi niya saakin na may angas, nangunot naman ang noo ko

"Excuse me miss? Have we met before? Do i know you?" Takang tanong ko dito na kung makataas ng kilay akala mo maganda

"Well, i don't care if you don't know me, but, i know you" maarte niyang saad sakin, konti nalang masasampal ko na ito, akala mo kasi kung maganda, bastos namang umasta

"Ano ba talagang kailangan mo?" seryoso kong saad, ngumisi naman siya saka nagsalita

"Buti naman at tinanong mo" sabi niya saka pumunta sa may bench ng mall, ako naman ay napasunod sa kanya

"Well, you need to distance yourslef away from Von, i'm the one he needs not you" sabi niya sa akin na kinainis ko. Sino ba itong babaeng it- damn ito yung kasama ni Von na babae noong isang araw, tss

"At sino ka ba para sabihan ako ng ganyan? And prove to me that he needs you more than i? Bakit? Ano namang magugustuhan niya sa'yo eh hipon ka naman, buti naman sana kung mas maganda ka sa aken" sumbat ko sa inis na nararamdaman ko, maganda naman siya pero pangit ang ugali niya, kaya mas maganda parin ako ~flips hair~

"Exactly" sabi niya at pumitik na ikinatingin ko sa kaniya ng may pagkadisgusto.

"Sige tatanggapin ko 'yang panlalait mo pero ito ang totoo, you know why he needs me? It's because i can give him the THING na hindi mo kayang ibigay, kahit mas maganda ka kung sa akin niya mahahanap ang sarap, tumba ka!" Nanlalait na sabi niya sa mukha ko, woah, napatanga naman ako sa sinabi niya, the eff? Sex ba? 'Yun ba gusto niyang iparating?

Sa inis ko ay hinila ko siya at dinala sa sasakyan ko, kinuha ko naman 'yung phone ko at tinawagan 'yung kasambahay namin

"Hello yaya, pwede po bang pasundo si Yajie for me? Baka hindi ko po siya masundo kase, may aasikasuhin po ako" i said in my well-toned voice para hindi niya mahalata na galit ako. Habang itong katabi ko ay naririnig ko na napapa-tss

[o sige po ma'an] sabi ni yaya sa kabilang linya at pinatay na ang tawag

"Plastic ka rin ano?" Narinig kong sabi ng katabi ko

"Really? Baka ikaw, 'yang mukha mo" sabi ko at inapakan na ang accelerator

"What?! This is natural" anagal niya bigla, ngumisi naman ako

"Baka kapag jinombag ko yang mukha mo, sira 'yang pekeng cheek bone mo" sabi ko habang papunta sa bar na tambayan nila Von.

Kanina pa ako kinakabahan, kanina pa ako nag-umpisang magduda, naiiyak narin ako eh, pero pinipigilan ko lang

Pagkarating namin doon ay mukhang nabulabog ko ang pag-uusap nila sa pagbalibag ko ng pinto,

"V-Von? Totoo ba?" tanong ko sa kanya ngunit hindi siya makatingin ng diretso

"Y-Yaj-" nauutal niyang sambit

"Sagot! Von! Sagutin mo ako ng diretso!" Sigaw ko upang lahat sila ay matigilan

"O-Oo" nauutal niyang pag-amin sa akin at dahil doon ay hindi ko na talaga napigilang maiyak, damn 6 months of lies?

"Tangina!!!! All this time i am your toy! Mga walang hiya kayo!" Sigaw ko sa kanilang magkakaibigan habang umiiyak

"I told you si-" hindi ko na pinatapos si Yesha na magsalita, bagkus ay sinuntok ko na siya sa inis ko, kanina pa siya eh, sorry siya hindi talaga ako nakapagpigil

"Isa ka pang malantod na uod ka! Masaya ka na ha?! Ha?! Napakawalang hiya mo, magsama kayo ng tarantadong yan!" Sigaw ko dahil narin sa sakit na nararamdaman ko

"Y-Yajin, s-sasabihin ko naman eh-"

"Kailan? Kung kailan wala na tayo? Kung kailan alam ko na? Utang na loob! Argghh, nalaman ko na! Ang mas masakit, sa iba pa!" sigaw ko habang umiiyak saka ako lumabas ng bar kung saan silang lima lang na magbabarkada ang nandoon, at dumiretso na sa sasakyan ko, magsama silang lahat

END

*kriiinnnngggg*

Agad naman akong nagpunas ng luha, umuulan na rin at mahamog kaya medyo hindi ko na nakikita 'yung daan

*krrriiiiinngggg*

Sino ba itong tumatawag? Ugghh where's my phone? Shit nasa likod

*krrriiiiinnngggg*

Inaabot ko naman ito habang nakatingin sa dinadaanan, tangina, ang hirap abutin....urrggghhhh

Damn, i got it and swiped it ng hindi tinitignan ang caller. Pagtingin ko sa harap nasa kabilang linya na pala ako

"Shit shit shit" pagliko ko ay hindi ko inaasahang may sasakyan na pala ang papalapit

[Yajin?]

*BOOGGGSSSHHHHH*
*SCREEEEEECCHHHHH*

VON

Pag-alis ni Yajin ay hindi ko na siya naabutan pa

"Tangina anong gagawin ko mga tol?" Tanong ko sa mga kaibigan ko, kanina pa ako umiikot ikot dito sa loob ng bar

"I told you to tell her" sabi ni Yesha habang may ice pack sa kaniyang pisnge.

"Tol, tawagan mo nalang kaya, kaysa naman sa umiikot ikot ka lang diyan, ako na ang nahihilo dahil sa iyo eh" sabi ni Aldrin sa akin. Damn, bakit ba kasi ngayon pa, kinuha ko naman 'yung phone ko at tinawagan siya, ang tagal ng ring bago ito sumagot

[Shit shit shit] dinig kong nasabi niya sa kabilang linya

"Yajin?"sambit ko pero....

[*BOOOOGGGGGSSHH*
*SCREEEEEEECCCCH*]

Pagkarinig ko ng ingay sa kabilang linya ay kinabahan na ako at sunod sunod na mura ang namutawi sa bibig ko

"Fvck shit, tangina!!" Bigla kong nasabi, at lumabas, naramdaman ko namang sumunod sila sa akin marahil ay nagtataka na rin dahil sa inasal ko.

"Tol? Anong nangyari bakit ka lumalabas, bakit ka nagmumura?" Tanong nila sa akin, humarap naman ako sa kanila na basang basa ang mata dahil na rin sa posibleng pwedeng mangyari

"Tol, hindi ko alam pero narinig ko sa kabilang linya na may parang sumabog or what" sabi ko habang naiiyak. Nabahala naman sila at nauna ng pumasok sa kotse ko na nakapark sa garage ng bar, pag-aari ito ni Aldrin eh

"Shit, tol halika na" sabi nila at hinila na nila ako. Habang nasa loob ay hindi ko mapigilang hindi kabahan, hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may mangyaring masama sakanya

"Tol, relax ka lang okay, magiging maayos ang lahat" sabi ni Aldrin na siyang nagdadrive

Dinahan dahan namin ang pagpapatakbo upang makita kung saan ang ruta na pwedeng may kinalam sa pagsabog na narinig ko, dahil na rin sa umuulan kaya dinadahan dahan namin kasi hindi ito makita

*ambulance siren*

Napatingin kaming lahat sa ambulance na dumaan sa tapat namin, agad naman namin itong sinundan, at hindi pa man kami nakakalapit ay may natatanaw na kaming aksidente, at dahil narin sa kaba ay napatakbo ako sa labas ng wala sa oras at pumunta sa pinangyarihan ng aksidente hindi alintana ang malakas na ulan.

"Toollll!" Sigaw ng mga kaibigan ko pero hindi ako nakinig, bagkus ay tinuloy tuloy ko ang pagtakbo

Hindi pa man ako nakakalapit ay tanaw ko na ang sasakyan ni Yajin na yuping yupi, napaluhod naman ako sa aking nakikita

"Nooooooooo!!!!" Sigaw ko at tumakbo mismo sa sasakyan at binuksan ko, hindi ako naniniwala, hindi ito totoo

ALDRIN

Tumakbo si Von sa mismong pinangyarihan ng aksidente, ako naman ay sumunod lang, kahit umuulan ay lumabas narin ako para kumpirmahin kung ano nga ba ang nangyayari

"Noooooooooo!!" Nakita kong napaluhod si Von sa sahig at alam kong umaasa siya na hindi si Yajin ang nasa loob, tumakbo siya sa sasakyan ni Yajin, pipigilan ko pa sana siya ng hindi ko siya maabutan

Pagbukas niya ng pintuan ay nandoon nga si Yajin na duguan at wala ng malay

"Noooo, this can't be happening, Babs, madami pa akong sasabihin sayo, so please wake up, noooo" iyak na sambit ni Von sa yakap niya na walang malay na si Yajin, hindi ko mapigilang hindi malungkot sa nakikita ko, matagal nang alam namin na mahal na mahal ni Von si Yajin, kaya hindi na namin pinaalala sakanya 'yung deal namin kasi ayaw naming masaktan siya, pero siya na mismo ang nakaalala eh

"Hindi po kayo pwede diyan sir, kailangan pa po naming imbestigahin 'yan" sabi ng police kay Von habang inaawat siya

"Noooo, why don't you just put her on the stretcher! Anong gusto niyo mamatay nalang siya dito!!!" Sigaw ni Von at kinarga si Yajin saka pinunta sa stretcher, pipigilan sana siya ng Investigator pero pinigilan ko narin ito

"Sir, mamamatay na yung biktima hindi niyo parin ipinunta sa stretcher" sabi ko sa investigator at sinundan na si Von

Nakarating kami sa hospital at kasalukuyang hinihintay ang paglabas ng doctor, si Von naman ay hindi mapakali at ginugulo gulo ang buhok

"Hey Von, you need to calm down okay? Magiging mabuti ang kalagayan niya, you need to trust her okay? Nasipa niya nga 'yung door kanina eh, okay so please calm down" sabi ko at hinawakan siya sa balikat, ibang iba na siya sa Von na nakikita ko ngayon, magulo ang buhok, gusot gusot ang damit niyang may bahid ng dugo, at higit sa lahat, iba siya dahil ang tarantado noon ay nag-aalala, nababalisa at hindi mapakali  dahil sa nangyayari sa mahal niya

"How can i calm down?! Ako ang may kasalanan kung bakit siya naaksidente, if i said it before it's too late then maybe she's happy and smiling beside me, but the fvck i'm so stupid!!" Sabi niya sabay gulo ng buhok, lumapit naman na yung iba at pinakalma siya

"Tol, hindi ikaw ang may kasalanan okay? Sadyang wrong timing lang ang lahat" alo nila kay Von. Wala si Yesha dahil hinatid na nila Gallagher ito kanina dahil sumama ang pakiramdam nito.

Bigla namang lumabas 'yung doctor sa ICU kung nasaan si Yajin, agad naman kaming lumapit sa kanya

"Who's the family memeber of the patient?" Tanong ng doktor

"W-wala po 'yung mga magulang niya rito doc, pero, ako po, boyfriend niya po ako, kumusta na po siya?" sabi ni Von sa doctor

"Well, miss Prado is in a critical condition, some of her ribs are broken dahil sa impact ng pagkakabangga niya and also due to not wearing of seatbelts, and i'm afraid to say that if she'll not wake up after 10 days then she'll fall into co-"

"Doc, our patient's pulse is decreasing" biglang sigaw ng nurse kaya napatayo 'yung doctor

"We'll talk about it again later" sabi ng Doctor kay Von kaya agad na umiba ang timpla ng mukha nito.

"Doc! What is happening?" Tanong nito sa doctor ngunit umalis na ang doctor

"Damn" sabi Von na hindi mapakali

"Tooooll, magiging okay din ang lahat okay?" Sabi ko sakanya, ngunit imbes na makinig siya ay tumakbo siya papunta sa dinaanan ng doctor kanina

THIRD PERSON

Pumasok si Von sa loob ng ICU, at kitang kita ng dalawang mata niya kung paano nila irevive ang bababeng pinakamamahal niya

'Please lumaban ka Babs'

Sambit niya sa hangin

"1.......2......3 clear" sabi ng mga doctor

"Doc may nakapasok" sabi ng isa sa mga assistant nurse pero pinabayaan lang nila eto

"1.......2........3, clear" hindi na niya makita ang mga nangyayari dahil nanlalabo na ang mata niya dahil sa luha na nagbabadyang tumulo sa kaniyang mga mata, maya maya pa ay bumukas ang pintuan at may humila sa kanya

"Toolll, wag kang basta basta papasok diyan" sabi ng kaniyang mga kaibigan ngunit hindi siya nagpatinag at gustong pumasok ulit ngunit hindi na siya nakapasok ng makita sa glass door na umiling iling ang mga doctor bago siya tuluyang maialis ng mga kaibigan

*tooooooootttt*

"Nooooooooo" napuno ng sigaw ni Von ang hallway at nakasalampak sa floor dahil sa nasaksihan

"Tol, wala na siya" patuloy ang pag-agos ng luha ni Von ng mabitawan niya ang mga salita na kailanman ay hindi niya inaasahan

Niyakap naman siya ng mga kaibigan at dinamayan

"Maging matatag ka Von" sabi ng mga kaibigan na hindi na rin mapigilang maiyak.

Saksi sila sa pagmamahalan ng dalawa, na imbes na deal lang ay hindi na nila pinaalala dahil mas importante ang relasyon nilang dalawa kaysa sa materyal na bagay

Ngunit kung kailan maayos na ay darating din naman pala ang isang pinakamasakit at hindi inaasahang trahedya na siyang susubok sa pagmamahal ni Von sa kaniyang mahal na Yajin

Shems, naiimagine ko kaya naiiyak tuloy ako, huhu Von, sana maging masaya ka, haha, BTW guyz ginanahan akong mag-update kasi naman, shempre yung character eh si Von, kaya kapag nakikita ko yung pangalan niya ay ginaganahan talaga ako, sana kayo rin, vote and comment narin on what you think about this chapter, bye, wait, pabasa narin ng THE FRIEND REQUEST THINGY thank you sa babasa, haha ❤️❤️❤️❤️

Dedicated to Cherry_shams06  LegendaryRivas  maysique UnknownBeautifully Missqueeniiee VBomshell thanks sa pag follow, guys kindly check also their stories if you have time❤️

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top