Kabanata 6
Kabanata 6
Crush
Sobrang ingay pagpasok ko ng room. Alasais trenta pa lang ng makarating ako sa school. At katulad noong isang taon, ako ang pinili nilang maging pinuno ulit ng klase. Lagi naman ako pumapasok ng umaga pero kapag may responsibilidad talaga, parang ang hirap ma-late.
Katulad na lang ngayon, inaantok pa rin ako pero kailangan kong pumasok ng maaga.
Pumunta ako sa unahan pagkatapos kong ilapag ang aking bag sa aking upuan. Sari-saring mga bagay ang pinaggagagawa nila kaya sobrang ingay. Half of the class are singing, some are silently talking at the side, and some are cleaning.
It's been two months since I enter this class. Hindi naman ako nahihirapang makihalubiho kaya madali akong naging kumportable sa kanila. Ang makita na nagsasaya sila ay nagpapa-konsensiya sa akin na patahimikin sila.
"Good morning, Hera!"
Nilingon ko ang pintuan at nakitang pumapasok si Anjhon. Nginitian ko siya at binating pabalik.
Anjhon is one of those friends of Kirby and Eros. Hindi ko na kaklase si Kirby pero lagi ko pa rin naman siyang kasabay pauwi.
"Hoy tumahimik nga kayo. Nakatingin na sa inyo ang President, eh." Sermon ni Anjhon sa mga kaklase naming nagkakasiyahan.
"Hayaan mo sila, Anjhon. Mahaba pa naman ang oras." Sagot ko dahil tumigil sila sa pag-iingay at nag-mukhang mga dismiyado.
Naghiyawan sila na nagparindi sa akin. They are a loud bunch of students. Sobrang iba sa dati kong mga kaklase. Pero kahit gano'n, I always enjoy seeing them this way.
"Woah! Anjhon kasi papansin. Hindi naman siya president."
"Sumali ka na lang dito."
Ngumiti ako at naupo sa teacher's chair sa harapan habang pinagmamasdan ang maiingay kong mga kaklase.
"Hera, may assignment ka?"
Someone poke me at my arms and saw that it is Augustina.
Augustina Mariano is also one of those friends of Eros and Kirby. Naging malapit ako sa kaniya dahil seatmate kami. Sobrang ingay niya.
"Nasa bag ko." Tinuro ko ang bag ko sa upuan at agad siyang naglakad papunta roon.
Augustina is a loud friend of mine. Matalino pero saksakan lang ng katamaran.
Grade nine mold some mature realizations. I'm now fifteen, still young to call myself mature. Pero ang taon na ito sa high school ay iba sa mga nakaraang taon. Maybe it is because I'm growing. I learned that people come and go, people leave and comeback, and also people leave and never comeback. But with all those, friendship will continue to grow as people grow. I gained new friends as I stepped in this room and met new people. I never had assurance of how long will it lasts, but one thing that my past friends taught me is to enjoy the moment while they are with your side.
"Eros," Tawag ko sa halos tatlong taon ko ng kaklase pero kahit kailan ay hindi ako pinaunlakan na kausapin at pansinin.
Kagrupo ko siya sa isang proyekto at ang hirap naman kung hindi ko siya kakausapin tungkol doon. My classmates often wonder why Eros treats me differently. He is so fine with other girls, but with me, no.
Tinaasan niya ako ng kilay nang binalingan niya ako. Nginitian ako ni Anjhon na katabi niya.
"May suggestion ka ba para sa project?" Hindi ko alam bakit ako kinakabahan gayong kilala ko naman itong kinakausap ko.
Sa loob kasi ng halos pitong buwan, sobrang hirap makipag-usap sa kaniya. I am friends with the three friends of him, at hanggang ngayon, hindi ko malaman kung bakit iba ang trato niya sa akin.
"Wala." Tipid at malamig niyang sagot bago nagpatuloy sa sinasabi kay Anjhon.
Kumunot ang noo ng kaibigan niya kaya nginitian ko silang parehas bago umupong muli sa aking proper seat.
"Oh ano sabi ni Eros?" Si Augustina na nagtatanong sa akin habang nagtitipa sa kaniyang cellphone.
"Wala."
Nawala ang atensiyon niya sa kaniyang cellphone at ibinaling na sa akin. Naki-usisa na rin si Jeanelle na nasa kabilang gilid ko.
"Napaka-suplado talaga no'n sa'yo." Pati ang sariling kaibigan ni Eros na si Augustina ay napapansin na rin ang trato niya sa akin.
"Hmm..."
Napalingon kami parehas ni Augustina kay Jeanelle nang inilapit niya upuan sa harap namin. Her thick eyeglasses covered her beautiful eyes.
"Simula pa grade seven, gano'n na trato niyan kay Hera." Simula niya sa tingin ko ay kanina niya pa iniisip.
"Alam ko 'yon. Madalas ikwento ni Kirby sa amin na ang sungit ni Eros sa iyo. Wala namang sinasabi si Eros na dahilan."
My lips protruded and looked away. Hindi ko ugaling manghingi ng atensiyon, I always respectfully accept others opinion of me. If they don't like me, I won't force them to like me. Pero ang hindi ko maintindihan, bakit hanggang ngayon, umaasa akong maging kaibigan niya.
Ilang beses ko nang sinabi na titigil na ako sa pakikipagkaibigan sa kaniya, pero hanggang ngayon ay ito ako.
"Baka gusto ka ni Eros." Nagulat ako sa biglaang paghuhula ng kung ano ano ni Jeanelle kaya nahampas ko siya ng aking notebook.
"Ang sakit, ah." Reklamo niya habang iniinda ang sakit sa kaniyang braso.
Inikot ko ang aking tingin kung may nakarinig ba sa kaniyang sinabi pero nang makasigurado na wala ay ibinaling ko ulit ang atensiyon sa dalawang kaibigan.
"Tumigil ka nga, Jeanelle. Kung ano ano pumapasok sa isip mo, eh." Nauuutal-utal kong wika dahil sa hindi ko malamang dahilan ng kaba ko.
I've been with Augustina and Anjhon for months. At hindi katulad ko, nakailang experience na sila sa pakikipag-relasyon. Alam ko ang mga bagay na iyon dahil hindi naman nila sinisikreto. Ilang kaklase ko na rin ang mga umamin sa mga gusto nila dito sa classroom at sa ibang estudyante. Hindi ako bago sa usapang crush crush, pero dahil kahit kailan ay hindi ko pa iyon nararamdaman, nakakagulat.
"Bakit ka kinakabahan? Crush mo rin 'no?" Asar niya sa akin at gustong gusto kong dukutin ang mga mata niyang nang-aasar.
"Baliw ka. Hindi 'no!" Sagot ko dahil iyon ang totoo.
I'm still young, but I am curious how it feels to have a crush... to be infatuated with someone.
"Edi hindi."
Mabuti na lang at hindi naman ganoong kakulit si Jeanelle kaya naniwala siya agad. Gumaan ang pakiramdam ko doon, ayokong may kumalat na balita na gusto ko si Eros gayong hindi naman. Gusto ko lang talagang maging kaibigan siya. Because I'm curious of how friend he is.
"May ibang gusto si Eros. Hindi si Hera." Si Augustina naman pagkatapos ng pagsasalita ni Jeanelle.
Ibinaling ko ang aking atensiyon kay Augustina at nginisian niya ako.
"Tsaka hindi si Eros ang may gusto sa'yo... iba." Makahulugan niyang isinatinig ang huling salita kaya napakunot ang aking noo dahil doon.
Si Vin ba ang tinutukoy niya? Graduate na 'yon, ah.
Naalala ko noong bago magtapos ang taon ng klase noong grade eight ay nilapitan niya ako at umamin sa akin. Malaking issue iyon dahil apat na taon ang agawat naming dalawa. Nalaman iyon ng mga guro at buti na lang ay hindi ipanatawag si mama. Hindi ko rin naman gusto si Vin kaya naging maayos ang pagbibigay ko ng rason sa mga teacher.
I only know how to be liked. Boys watched you like you are the best movie, give you things like you can't afford those. And confess to you like it is their first time. But I never know how it feels to do those things, too when I like someone.
Do liking someone means wanting their attention?
"Kalat sa senior high department na crush ni Eros si Iris." Si Jeanelle na sinagot ang unang sinabi ni Augustina.
Iris?
Minsan ko na lang makausap si Iris at hindi naman kami ganoong naging close. Hindi ko alam ang balitang iyon, ah.
But I remember that brigada day na ipinakilala niya ako kay Eros. They are obviously friends. Hindi naman malabong magkagusto siya kay Iris gayong magkaibigan naman sila.
But...
Paano ba mahulog sa isang tao? Katulad lang rin ba ng mga nangyayari sa libro? Does it happen suddenly?
"Kaso wala namang pagasa doon si Eros. Study first iyon, eh." Nagkibit balikat si Augustina.
"Tsaka ang bata ni Eros. Ayaw ni Iris sa mas bata sa kaniya." Dagdag niya pa.
Nilingon ko ang likod at nakitang nakatitig sa kawalan si Eros.
Siguro, titigil na lang ako mangulit makipagkaibigan sa kaniya kapag pakiramdam ko wala na talagang pagasa.
"Go, Eros!" Kung hindi lang mawalan ng boses itong si Augustina bukas dahil sa sobrang ingay niya, ewan ko na lang.
Sabay-sabay kaming nagpalakpakan nang maka-shoot si Eros. Break time ngayon at naisipan naming tatlo nila Augustina at Jeanelle na tumambay sa Gym. Nakakasawa na kasi lagi sa classroom.
Kinawayan ako ni Kirby nang makita niya ako sa bleachers na ginaya ko naman. Sumali na siya sa team katulad ng sinabi niyang sasali siya kapag wala na si Vin sa grupo. Ewan ko bas a lalaking iyan.
Lumapit sa kaniya ang kaibigan na si Eros at sinundan ang tingin kung saan nakatuon ang atensiyon ng kaibigan. Nang nagtama ang mga mata namin ay agad ko siyang kinawayan at nginitian. Suplado niya akong hindi pinansin at dahil sa sobrang sanay na ako roon, hindi na ako nahihiya.
Binalingan ako ni Augustina kaya nginitian ko rin siya.
"Ang swerte naman pala ni Eros at may isang tao na hindi nagsasawang makipagkaibigan sa kaniya."
Wala naman siyang ibang ibigsabihin doon pero hindi ko alam kung bakit ako biglang nahiya. Awkward ko siyang nginitian at ibinigay na muli ang atensiyon sa naglalaro.
"Eros nandito si Iris!" May sumigaw noon sa hindi kalayuang bleachers at nakita roon ang kaibigan ni Iris at maging si Iris rin mismo.
"Here we go..." Bulong ni Augustina sa aking tabi.
Hindi ko alam bakit interesado ako sa magiging scenario at may pag pangalumbaba pa ako habang ang siko ay nakatuon sa aking hita.
Binalingan iyon ni Eros at hinintay ko na ngumiti siya na parang kinikilig pero hindi nangyari. Nakita ko ring umirap si Iris nang inasar siya ng kaibigan, halatang hindi nagugustuhan ang pang-aasar. Siguro ay iyon ang dahilan kung bakit hindi siya makangiti.
"Si Arthur at Iris ata, eh. Kaya siguro ayaw niyang inaasar siya kay Eros." Narinig ko ang sinabing iyon ni Jeanelle kaya kuryuso akong bumaling sa kanila.
"Kaibigan ni Eros si Arthur. Hindi papatusin ng kaibigan ko ang syota ng kaibigan niya." Si Augustina, pinagtatanggol ang kaibigan.
Kumunot ang noo ko sa pagtataka at ganoon rin si Jeanelle.
"But you just said na may gusto si Eros kay Iris." Medyo naguguluhang sambit ni Jeanelle.
Nagkibit balikat lang si Augustina bilang sagot. Ibinaling kong muli ang atensiyon sa baba at nakitang nagsisimula na ulit ang laro.
At the age of fifteen also, Eros has a different body build than his other team mates. Mas mukha pa siyang senior kaysa sa mas nakakatandang kagrupo. And his face standout the best also in their team, together with his friend, Kirby.
Sa loob ng halos tatlong taon na kaklase siya, hindi ako ignorante sa balitang marami nang nagkagusto at naghabol sa kaniya. Hindi ko alam kung nagkaroon na ba siya ng karelasyon dahil hanggang sa pagkakagusto lang ng marami ang alam ko.
"Nagka-girlfriend na ba si Eros?" I randomly asked because of curiousity.
"Never in his entire life." Sagot ni Augustina.
"Talaga?" Hindi makapaniwalang tanong ni Jeanelle.
"He just looks like a playboy pero mas seryoso pa 'yan sa seryoso." Sagot ni Augustina habang tinititigan ako ng mariin.
This is one of the reasons why I am very curious with Eros as a friend. This is the reason why I want to be friends with him. I am very curious how this friends of him tells a different side of him I never see. While they know him as a good man, I see him as a boy who hates me to death.
"Ipapakilala ko kayong dalawa sa iba pa naming kaibigan dahil kaibigan ko na naman kayo. We can be a good group of friends for sure."
Kumaway kami ni Augustina kay Jeanelle dahil ibang ruta ang papunta sa kanilang bahay. Nakita ko naman agad si Kirby na naka-varsity uniform habang tumatakbo palapit sa amin ni Augustina.
"Hintayin natin si Eros. Sasabay daw siya." Aniya habang nilalagay sa duffel bag ang tuwalyang kaninang nasa balikat niya.
"Himala at sasabay siya."
Nginitian ko si Kirby at halatang pagod na pagod siya dahil hindi siya halos nagsasalita habang hinihintay namin ang kanilang kaibigan.
Hindi kalaunan ay nakita na namin si Eros na naglalakad with his duffel bag also at katulad ni Kirby, he's with his varsity clothes.
May humarang na isang babae sa kaniya na tingin ko ay one year ahead of us. I watched him smiling as he listened to what the girl is saying.
At sa tuwing nakikita ko siya kung paano makipag-usap sa iba, hindi ko mapigilang mas lalong lumala ang tanong ko na bakit sa akin ay hindi siya ganoon. I just want him to treat me like how he treats others, pero hindi kailanman nangyari.
My mind flew with that thought na hindi ko na napansin na nasa harap na pala si Eros at nakatingin sa akin ng seryoso. He stared at me with those dark and mysterious eyes. And for the first time for almost three years, I looked away and feel something fall hard in my chest.
The sound of the like galloping hoarse invaded my heart. Why I suddenly feel this way is I don't know.
"Saan ka bababa, Ros? Sa amin o sa village ninyo na?" Tanong ni Augustina.
Inabala ko ang aking paningin sa mga lumalabas na mga estudyante at may ilan akong nginitian dahil nginingitian nila ako.
May grupo pa na naka-varsity clothes din na kumaway sa akin at nagpaalam. Nginitian ko lang sila dahil hanggang ngayon ay hindi ko malaman kung bakit may naghahabulang kung ano sa aking puso.
"Sa village namin. Baka may makita lang ako sa baryo ninyo." Malamig na sagot ni Eros sa kanina pang tanong ni Augustina.
"Si Iris?" Tanong ni Kirby.
Hindi sumagot si Eros kaya binalingan ko na siya. Naabutan ko siyang nakatitig sa akin at nang bumaling ako ay madilim akong tinignan. Tila galit na galit siya sa akin.
"Ano ka ba, Ros. Tinatakot mo naman si Hera sa tingin mo." Si Augustina at hinawakan ang aking braso.
Nagtaas noo si Eros at tinignan ang kaibigan sa hindi nagbabagong ekspresyon.
"It's better to show true colors than to fake it to win someone." He said in a very serious and meaningful tone.
"Anong sinasabi mo?" Natatawa-tawang tanong ng dalawang kaibigan na hindi na sinagot ni Eros at nauna nang maglakad.
"Baka may gusto ng babae. Hindi si Iris, ah. Tropa no'n si Arthur." Si Kirby habang hinahabol ang kaibigang nauuna.
Hinigit ako ni Augustina kaya wala akong nagawa kundi ang magpatianod sa kaniya.
May gusto ng babae? Hindi si Iris? Eh sino naman?
Hindi ko alam bakit biglang uminit ang pisngi ko kaya napayuko ako.
"Oy bakit?" Nagtatakang tanong ni Augustina.
Umiling ako habang nakayuko at sobra sobrang kahihiyan ang nadama bigla.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top