Kabanata 5
Kabanata 5
Classmate
I watched how my classmates laughed so hard after our teacher stated a joke. Hindi ko na rin napigilan at natawa na rin dahil sa pangalawang try na mag-joke ng guro sa unahan. I find it very corny but I don't know why I am even laughing with them.
"Napatawa na rin natin sa wakas si Hera." Puna ni Sir sa akin.
Humupa ang tawanan at ibinigay sa akin ang kanilang atensiyon. I get used to this kind of scene. I often called weirdo in my previous school, at miski sa pang-isang buwan ko pa lang dito sa paaralang ito, I hardly laugh with them because I don't find it funny or interesting.
"Ang seryoso po kasi niya lagi sa buhay." Sawsaw ng isa kong kaklase.
Ngumuso ako at hindi umimik. Pinagmasdan ko ang guro namin na pinasadahan ng tingin ang nagsalita bago nagtaas ng kilay at nagsalita. Not looking at me, but with my classmates.
"Alam kong mga bata pa kayo. Kahit na nasa high school na kayo, mga trese at dose pa lang kayo. Pero hindi ibigsabihin no'n na hindi ninyo na seseryusuhin ang buhay." Sir paused and change his view of me, "And for Hera, alam naming lahat na matalino kang bata. But you're still young. You need to enjoy your youth."
I know that.
Tinanguan ko si Sir at ngumiti. Pagkatapos ng payong iyon sa akin at sa amin ni Sir ay nag-iba na naman ang pinag-uusapan.
Bumaling ako sa likod dahil doon ang sentro ng usapan. As I watch them laugh, I realized that I am really far from their personality. While I take everything seriously, they take it easy. I don't know if it is because I have an advance mind, or this is really just who I am. I tried so many times to go along with their topics like how it should, but I can't help myself to still take it seriously.
"Hera, anong club ang sasalihan mo?" My classmate, Jeanelle approached me.
After six months of being her seatmate, naging close na kami. Nakakatuwa dahil nakita ko kung paano siya nagbago mula sa pagiging tahimik hanggang sa naging komportable na siya sa amin.
Tumayo na ako kagaya ng ginawa niya dahil recess na. Pinulot ko pa ang panyo kong nahulog bago siya sinagot.
"Siguro Science club na lang."
Ilang araw ko na ring pinag-iisapan kung saan ako sasaling club dahil sinabihan ako ng adviser namin na sumali ako. Plano ko naman talagang sumali kahit walang nagsasabi sa akin. I'm an active student when I'm in Elementary, at gusto ko iyong ipagpatuloy.
"Hindi pala tayo parehas ng club." Malungkot na wika ni Jeanelle habang palabas na kami ng room.
Our skirts swayed and my hair ruined because of that sudden aggressive wind passed. Sinalikop ko ang aking buhok sa kaliwang balikat at maingat na naglakad para hindi mahangin ang aking palda.
"Bakit? Ano bang club sasalihan mo?" Tanong ko.
Nasa dulo ng unang palapag ng building ang room namin kaya mahaba-habang lakaran ang lagi naming ginagawa bago makapunta sa canteen. Minsan nga ay tinatamad ako pero kung hindi ako lalabas ay wala naman akong kakainin.
Napapikit ako nang bigla na namang humangin ng malakas. Nabitawan ko ang aking buhok dahil natakot akong bumuka ang aking palda dahil sa hangin.
"Walanjo!" Si Jeanelle na nagrereklamo dahil sa malakas na hangin.
Inayos ko ang palda at muling sinalikop ang buhok nang nawala rin ang hangin.
Walking arrogantly with a smirk on his face is what I first see when I set my hair in my left shoulder. Kasama na naman ni Kirby si Eros na kahit kailan ay hindi ako pinansin. Naalala ko 'yong unang dalawang linggo ng klase na hindi ko siya tinigilan kausapin dahil gusto kong pansinin niya ako, pero napagod na lang din ako at nagsawa ay parang wala pa rin siyang pakialam.
Mapait akong ngumiti nang may napagtanto sa loob ng anim na buwan. Hindi lahat ng tao, magugustuhan ako.
Kumaway sa akin si Kirby nang makita niya kami ni Jeanelle na naglalakad.
"Cleaners ako mamaya, hintayin mo ko ah." Salubong ni Kirby na sabi nang nakalapit kami sa kanila. Pinasadahan ko ng tingin si Eros, at halos humaba ang labi ko nang makitang wala na ang ngisi niya.
Nakangiti kong tinanguan si Kirby. "Oo naman. No problem."
Si Kirby 'yong kaibigan ko no'ng unang araw na nanatili hanggang ngayon. Dahil bukod kay Jeanelle na matagal bago ako tinuring na kaibigan, marami pang kaklase ko ang naging kaibigan ko at lagi kong kasama. May time pa nga na umiyak ako dahil bigla na lang nagbago. Iyong mga kaibigan ko noong nakaraang buwan ay iba na ang kasama. Pero sa huli ay napagtanto kong ganoon talaga. They are once a friends, at hanggang doon na lang siguro iyon.
Nilingon ko si Jeanelle habang bumababa kami sa maliit na hagdanan papuntang field. Maganda kasi sa pwesto doon sa bleachers kaysa sa gym.
Nilingon ako ni Jeanelle at agad siyang nabalisa. She's always like that. Ayaw niyang tinitigan siya.
"Siguro kaya ilang kaibigan nawala sa akin dahil may nakalaan sa akin na isang totoong kaibigan." Sabi ko nang nakangiti sa kaniya.
Inirapan niya ako bago ako hinigit ng dali dali pababa.
One year has passed already. Sampung buwan akong nanibago sa lugar at sa mga tao, pero katulad nang nararapat, nasanay rin ako. I'm now in grade eight. Ito ang pangalawang linggo sa simula nang pasukan.
"Hera?" Tawag sa akin ng aming adviser.
Tumayo ako mula sa aking pagkakaupo at at lumapit sa kaniyang table.
"Tawagin mo na ang mga kaklase mo. Magsisimula na ang next class ninyo."
They elected me as class president. Sa lahat ng aktibidad sa school, ito ang pinakaayaw ko. Pinilit ako ng grade seven adviser ko na sumali sa student council, pero ayaw ko. I don't really hate leading, I just really don't feel like I can be a good leader when my heart isn't there. Wala lang talaga akong nagawa nang pinagkaisahan nila ako.
Tinignan ko ang mga kaklase ko na sila pa rin katulad noong isang taon at inisip kung sino pa ang wala sa room. I counted them at dalawa lang ang wala.
Lumabas ako ng room at bumaba sa second floor para makadiretso sa gym. Kirby and Eros often stayed at gym every break to watch varsities playing. Alam ko iyon dahil sa lagi kong kasabay si Kirby sa uwian at naikwento niya sa akin. Nasabi pa nga niyang may balak sila ni Eros na sumali ngayong year, eh.
"Kirby! Eros!" Tawag ko habang palapit ako sa bleachers na inuupuan nila.
Napatingin sa akin ang ilang nagt-training pero hindi ko na sila pinansin. Eros and Kirby are really different from each other. Palangiti at palakaibigan si Kirby, pero si Eros, hindi. Paano kaya sila naging magkaibigan?
Hinihingal akong tumigil sa harap nilang dalawa bago sila tiningala. Parehas silang matangkad na kaya ang hirap na nilang kausapin. Matangkad naman ako, pero hindi papatalo height ng dalawang ito.
"Pinapapasok na tayo ni Ma'am." Sabi ko sa kanila.
"Oh sige. Tara na." Agad umambang aalis si Kirby kaya nauna siyang naglakad. Sinulyapan ko si Eros na masama ang tingin sa akin bago naunang naglakad.
Susunod na sana ako kung wala lang sumigaw sa baba.
"Hera, ano daw number mo!" Napalingon ako sa sumigaw na iyon at nakilalang si Vin iyon. Ang isa sa mga popular na senior student dito.
Ngumiti ako pero bago pa ako makasagot sumigaw na si Kirby at tinatawag ako. Nahihiya akong nagtatakbo palabas at hinabol ang dalawang kaklase na nauunang naglalakad.
Tumabi ako kay Kirby at kakausapin sana siya kung hindi lang siya supladong nag-iwas ng tingin at mabilis na naglakad.
Bumagal ang lakad ko dahil sa pagtataka.
Nilingon ako ni Eros at pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa bago muling tinignan ang aking mukha. I suddenly feel so small while he looked at me with those dark and mysterious eyes. Nahihiya akong nag-iwas ng tingin pero agad din siyang tinignan ulit. Hindi na siya nakatingin at nakasunod na sa kaibigan.
Pinagmasdan ko siyang maglakad habang nakatalikod at hindi ko maiwasang makuryuso sa isang bagay. How is he... as a friend?
Ako ang huling pumasok sa room dahil sa binagalan ko ang aking lakad. Mabuti na lang at mas nauna ako kaysa sa sunod naming guro.
Ako ang first honor sa room at batch namin kaya madalas din akong napipiling maging leader.Wala naman akong reklamo doon dahil kaya ko naman. Iyon rin siguro ang dahilan nila kung bakit ako ang pinili nilang president. Ang laki laking responsibilidad ang maging president ng klase. Nasa pamumuno ko kung paano magiging ayos ang buong taon.
"Kirby" Tawag ko nang lumabas na siya nang room. Parehas kaming cleaners ngayon, kaya sabay din kaming uuwi. Kahit noon pa naman ay sa kaniya na ako nasabay.
Masungit niya akong binalingan na kanina ko pa pinagtataka. Bakit ba ang sungit nito? Nahahawa na sa kaibigan niya, ah.
But speaking of his friend, nasaan kaya iyon? Madalas kasi kapag cleaners si Kirby ay nasabay iyon umuwi.
"Badtrip ka, ah. Ano problema?" Tanong ko.
"Crush mo 'yong Captain ng basketball?"
Nanliit ang mga mata ko at kumunot ang noo. Captain? Sino? Si Vin?
"Ako?" Tinuro ko pa ang aking sarili para kumpirmahin kung ako nga , kahit narinig ko naman.
Inirapan niya ako na para bang inis na inis kaya tinawanan ko siya.
"Hindi ko 'yon crush." Natatawa-tawa kong sagot.
Agaran niya akong binalingan sa namimilog na mga mata.
"Totoo ba 'yan?" Naninigurado niyang tanong.
May dumaan na batch mate namin kaya hindi agad ako nakasagot. Sinundan ko nang tingin hanggang sa makababa ang dumaan bago nagsalita.
"Hindi ko nga crush 'yon." Sure kong sagot dahil iyon ang totoo.
"Bakit tinawag ka kanina?" Tanong niya, bakas pa rin ang inis sa mukha.
Nagkibit balikat ako, "Hindi ko alam."
Ilang beses na akong tinawag no'n at nangulit para sa aking numero. Hindi naman ako ganoong ka-bata at inosente para hindi malaman ang galaw na iyon. Ayaw ko mang mag-assume, pero iyon din naman ang tingin ng iba. Madalas pa nga akong pag-usapan ng ibang grade dahil sa ako daw ang crush ni Vin. Hindi ko lang pinapansin dahil wala naman akong pakialam. Vin isn't even my type, magustuhan pa kaya. At for good sake, ilang taon tanda no'n sa akin.
"Crush ka no'n. Kahit grade twelve na, maganda ka kasi kaya ka nagustuhan." Aniya at nagsimula na kaming maglakad.
Nakasimangot ko siyang binalingan, at nilingon niya naman ako.
"Grabe ka naman sa akin. Dahil lang sa maganda ako kaya ako nagugustuhan?" Medyo dismiyado kong tanong.
Hindi naman ako seryoso roon, pero medyo masakit kasing isipin na nagugustuhan lang ako ng tao dahil sa pisikal kong anyo. Ayoko ng ganoon. If they will like me because I am beautiful, I will not have the assurance that they will remain if what they see changed.
"Oo." Sagot niya na ikinagulat ko. I'm expecting a different answer from him.
Hindi ako nakaimik kaya sinulyapan niya ako.
"Gano'n ba. Kaya siguro hindi ako pinapansin ng kaibigan mo 'no."
"Si Eros?" Tanong niya. Binalingan ko siya at nakitaan na ng guilt ang mga mata.
"Oo. Siguro ayaw no'n sa maganda tapos pangit ugali kaya ayaw sa akin-"
"Hindi naman pangit ugali mo!" Agap niya sa sinasabi ko kaya napangiti ako. Inaasar ko lang naman siya pero sige at wala naman akong magawa.
"Kasasabi mo lang na nagugustuhan ako dahil sa maganda ako-"
"Wala naman akong sinabing hindi maganda ugali mo, ah"
"Pero parang gano'n na rin 'yon."
"Hindi!"
Palapit na kami sa gate nang nakita ko na naman ang madilim niyang mga mata. Standing with his usual arrogant look, he scanned the students exiting.
"Weh?" Distracted with the person I noticed, I unconsciously said that with Kirby.
"Sinabi ko 'yon kasi..."
Hindi ko na nasundan ang mga sinasabi niya dahil habang papalapit kami sa gate, mas lalong lumalim ang isip ko tungkol sa kaniya.
Why can't he be friends with me?
At bakit ba sobrang big deal sa akin ang tanggapin niya ako?
Nginitian ko siya nang tumigil kaming sabay ni Kirby sa harap niya. And I already expected his answered reaction. Suplado siyang nag-iwas ng tingin na hindi ko ikinagulat.
"Kirby, pasok na ako sa team. Ayaw mo ba talaga sumali?" In a low baritone, he asked his friend.
Like a music I always want to hear, the rhymes I always want to repeat at the end of each line in a poem, para akong ginayuma na naakit sa kaniyang boses. Hindi ko madalas iyon marinig dahil madalang siya magsalita kung kaharap ako. Kahit sa klase ay natatabunan siya ng mga boses ng iba.
"Ayoko na. Tsaka na kapag wala na si Vin." Sagot ni Kirby na nagpabalik sa akin sa ulirat.
Binalingan ko si Kirby na nakatingin sa akin habang sinasabi iyon sa kaibigan. Lumagpas naman ang tingin ko kay Eros na umiiling iling bago mahina bumulong na narinig ko naman.
"You are so whipped. We're still young." Aniya.
"Maiintindihan mo rin kapag nagkakagusto ka na, Ros." Malamig na sagot ni Kirby.
Nag-iwas ng tingin si Eros pero muling sumulyap.
"I am."
Hindi ko alam kung narinig iyon ni Kirby dahil nauna na siyang naglakad. Tinignan ko si Eros pero hindi pa nagtatama ang mga mata namin ay sumunod na siya.
Wala akong nagawa kundi ang sundan din sila. Dumiretso sa isang itim na kotseng mukhang mamahalin si Eros kaya napatigil ako.
Pinagmasdan ko kung paano umandar paalis ang sasakyan.
"Dumating papa niya kaya pinasundo siya. Hindi naman iyon madalas bumyahe sakay ang kotse nila."
Kahit kuryoso sa buhay ni Eros, ay tumango na lang ako.
Inaya ko ng sumakay si Kirby sa tricycle. Hindi rin naman namin siya madalas makasabay pauwi kaya walang bago.
My grade eight journey ended like just an hour. May iilang mga kaibigang nabuo at nawalang muli. At mayroon namang kaibigan na nanatili.
I entered the room with Jeanelle. Hindi bago ang mga mukha, pero hindi ko rin sila kilala. They are my batch mates that came from different sections as we are. Malungkot ang unang araw na ito dahil hindi na ang mukha ng mga kaklase ko ng dalawang taon ang nakikita. These are the different people I still haven't met.
"I'm Hera Andre Barrientos, I love listening to music and joining activities. I hope we can all be friends." Like how I started my life here in Anilao Integraded School, I did it again in front of new people.
Ngumiti ako at muling bumalik sa upuan ko. Sumunod na tumayo si Jeanelle at nagpakilala. Naputol nga lang nang may huling pumasok sa loob ng classroom.
"Eros, dito ka!" Sigaw iyon ng babae sa likod na hindi ko pinagkaabalahan pang tignan dahil nakatuon ang atensiyon ko sa kararating lang na si Eros.
He's still my classmate.
Hindi ko alam bakit biglang nagbago ang pakiramdam ko. But that sad feeling I have a while ago faded.
He entered the room cooly and said sorry.
"Iyan ang una at huli, Mr. Romiguez." Istriktong sabi ng bagong adviser namin.
Hindi pa nagpapakilala si Eros pero kilala na siya agad ng guro. Paano nangyari iyon ay hindi ko alam. Siguro ay sadyang popular na si Eros dahil kasali na siya sa team ng basketball.
"Yes po." Magalang at malinis niyang sagot bago dumiretso sa dulo na sinundan ko naman ng tingin.
Nakipag-apir siya sa pamilyar na mga mukha sa akin. Wala sa grupo si Kirby, but I remember those faces. Hindi man madalas na sa tinatambayan, ay nakakasigurado akong ito ang iba pang kaibigan nila ni Kirby. That group of friends I always envy.
Tinapik ako ni Jeanelle at babalingan na sana siya kung hindi lang biglaang nagtama ang mata namin ni Eros.
I smiled at him like what I always do, at hanggang doon na lang 'yon. He will not accept me as his friend. That's what I realized after the two years of being his classmate and pursuing him to be my friend.
Binalingan ko si Jeanelle at nginitian. Wala siyang sinabi at alam kong kinulbit niya lang ako para makinig na ako.
Jeanelle is enough for me as my friend, Kirby, too. Pero kung bibigyan pa ako ng ilan pang kaibigan, I'm willing to welcome them. And if they leave like what my past friends did, ayos lang. That's how life goes... right?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top