Kabanata 38
Kabanata 38
Family
Everything seems so right. I can't help but to be greedy and wished that this will last. To watch my father in front of me, holding my hand, staring at me is always my biggest qprayer and now it is happening.
"So you're turning twenty two this October?"
Ngumiti ako at tumango sa aking... Ama.
To think that the person I used to admire from a far before, the person I used to be mesmerised by because of his features and good deeds is actually my father. Siguro at hindi ko siya nakilala noon dahil ngayon ang tamang panahon na ibinigay sa akin para magkita kami.
And I don't regret anything, hindi ako nanghihinayang sa mga panahong nagdaan na wala siya, dahil naiintindihan at naniniwala akong lahat ng iyon ay mayroong dahilan. His long absence in my life made me to a lady I am today. Kahit na alam kong hindi ako perpekto sa nagdaang taon, I still embrace those because they are my only strength.
Growing up without a father figure means incompleteness in my whole life, but I know that this life will never be perfect for anyone. Sa maingay na mundong ginagalawan ko, matagal ko ng natanto na maraming tao ang umiiyak sa magkakabilang dulo, na kahit magulo ang ginagalawang planetang ito, hindi makakatakas ang lumbay at sakit sa puso nating gustong makawala.
I have long realized that having no father will only brought a long longiness and incompleteness to my life, it will make it hard for me to accept people, to trust anyone, and love someone deeply and wholly dahil alam kong hindi ako kumpleto. But despite that, matagal ko na ring natanto at natanggap na mahabang panahon ang gugulin ko para mapunan ang kulang sa puso ko kung hindi ko makikilala ang tunay kong Ama.
I looked at my father with teary eyes.
And I am so lucky and blessed because even after a long years of crying in pain and incompleteness, I have him now in front of me.
The day had come into my life when I accepted the truth that I will not meet him anymore, pero ito at isang milagro na nakikita ko siya. Remaining my faith has brought me here, and I didn't regret that even I accepted the truth already, I never lose a hope.
"We'll plan for your upcoming birthday, then. This will be my first birthday with you."
"Susano, hindi niya hilig ang mga party. A simple celebration with her love ones is what she wants."
Binalingan ko si Mama pagkatapos ay si Governor na ngayon ay kumukunot ang noong nakatitig sa aking ina.
"Then maybe Hera will love to celebrate it in my house."
Namilog ang aking mga mata. Their house, initially Eros' house is as grand as the palace I have seen in the internet. Imagining me being there while celebrating my birthday excites me and seems so beautiful, pero... nakakahiya.
Nilingon ako ni Mama, kumukuha ng sagot.
"Gusto ka rin makilala ni Cristine. And I am sure you know my two children, Van and Eros, I want you to formally meet them. They will be your brothers from now on." Governor said all those with conviction that I need a time to process all of it.
Ang Mama ni Eros ay makikilala ko, Van and Eros is now my brothers. Parang may kung anong nalukot sa aking puso dahilan kung bakit kinailangan kong huminga ng malalim.
"Susano," Mama called him.
I saw pain in my Mama's eyes but behind those is an eye of a mother who cares. Hinawakan ko ang kamay ni Mama at tinignan sa mata si Papa.
"It will be my pleasure to meet your family..." I don't know how I will call him Papa. Kanina lang ay may lakas ako ng loob, ngayon ay nahihiya na ako.
"Papa, Hera. You will call me Papa from this day onwards." He genuinely smiled at me.
Ngumiti ako at masayang binanggit ang gusto niyang itawag ko sa kaniya.
"Papa,"
Mas lalong lumapad ang ngisi ng aking Ama.
"Does Cristine know about Andy? Baka-"
Papa cut my Mama's words.
"She knows about Hera. And she wants to meet her, Heralyn." Malamig at malalim na sambit ng aking ama.
I looked at him in awe while his eyes are fixed to Mama. His eyes are deep and soulful, walang mabasang emosyon sa kaniyang mga mata nang tignan si Mama ngunit nang muling bumaling sa akin ay lumalambot ang mga mata. I don't know kung dahil ba sa akin lang siya may nararamdaman o ano.
"Okay," Tanging nasagot ni Mama.
"I want to meet them, Ma. Kilala ko si Van at Eros, but all those years, I never knew that we're three is actually connected."
"Si Van lang ang kapatid mo." Paglilinaw ni Mama.
Kumunot ang noo ko. I heard my Papa's hearty laugh kaya mas lalo akong nagtaka.
"Do you want to consider Eros as your brother?"
"P-po?"
"I am sure ayaw ni Eros, but if you will call him 'Kuya' or something, he will probably hates me." Natatawa pa rin niyang sambit.
"B-bakit naman po?"
Umiling si Papa habang natatawa at isang beses pinasadahan ng tingin ang buong bahay bago tinignan ang kaniyang relo.
"I'll have my late dinner with the Mayors this ten to discuss about important things. Gustuhin ko mang magtagal ay kailangan ko ng umalis."
Hinaplos ni Papa ang aking kamay at mahigpit na hinawakan iyon.
Agad akong nakaramdam ng pangungulila dahil sa kaniyang sinabi. But I understand that he's busy, he is the Governor of this province.
"I meant what I said, Hera. I want to know you, so, I will go here tomorrow morning. Heralyn," Binalingan niya si Mama.
"I want a time for Hera tomorrow."
Nagaalinlangan akong binalingan ni Mama ngunit nang makita ang pagsusumamo sa aking mga mata ay tumango ito.
"You don't need to ask for that, it's your right."
Tumayo na si Papa kaya tumayo na rin ako. Niyakap niya akong muli ng isang beses at naramdaman ko ang paglapat ng kaniyang labi sa aking noo.
"You need to sleep early, anak. I'm going, see you tomorrow."
Ngiting ngiti ako habang kinakawayan si Papa. Binaba niya ang bintana ng sasakyan at nakangiti rin akong kinawayan. Nang unti unti nang nawala ang sasakyan ay naramdaman ko ang pagyakap sa akin ng aking ina.
Masaya ko siyang binalingan.
"Masaya ka ba, Andy?"
"Sobrang saya, Ma!"
Niyakap ko si Mama at isa isang pumatak ang aking luha.
"E, bakit ka umiiyak?" Nagaalala nitong tanong at pinilit na harapin ako pero humigpit ang yakap ko sa kaniya, ayaw humiwalay.
"Kasi naguumapaw ang kasiyahang nararamdaman ko, Mama."
Hinaplos ni Mama ang mahaba kong buhok sa marahang paraan at narinig ko ang kaniyang munting buntong hininga.
"Masaya ako na masaya ka, anak."
Pumasok kami sa loob at inaya ako ni Mama kumain ng hapunan. Umupo ako sa kaniyang tabi, hindi matanggal ang ngiti sa aking labi. Kahit nang natapos at babalik na ako sa kwarto ay tumatalbog pa rin ang puso ko dahil sa kasiyahan.
I never thought that I could actually be this so happy. Ang sayang nararamdaman ko ay parang mali at hindi totoo dahil masyadong sobra.
"Are you excited to meet his family?"
Nilingon ko si Mama. I saw a glint of sadness in her eyes kaya muli akong bumalik kung nasaan siya at mahigpit siyang niyakap.
"I want to meet his family, Ma. Kagaya ng gusto niyang makilala ako, gusto ko rin siyang makilala."
"But you know his sons."
"But I treat them as someone I consider my friends, hindi bilang anak rin ng aking Ama."
Natahimik si Mama. Kumawala ako sa yakap at tinignan sa mga mata ang aking ina. She smiled sadly at me, hindi naman ako makangiti dahil sa pagaalala sa kaniyang nararamdaman.
"Ma, if you're thinking that I'll be hurt seeing him with his family, then no. Alam ko noong una pa lang na maaaring may pamilya na siya. And even with that reason, I will still gladly accept him and his family in my life."
Tumulo ang luha ni Mama kaya ako na ang nagpalis noon.
Ngumiti ako habang pinupunasan ang luha sa pisngi ni Mama.
"Matagal ko siyang hinintay, wala akong ibang hiniling kundi ang makita siya kahit ano pa ang sirkumstansiya. I will be happy despites what the situations we're both in, dahil ang tanging gusto ko ay makilala siya. At sobrang swerte ko lang kasi natanggap niya rin ako."
"Who will not accept you? You're very sweet, kind and intelligent, anak. Magsisisi siya kung hindi ka niya tatanggapin."
"But I want to be accepted as his daughter, hindi dahil sa katangiang mayroon ako."
"He will accept you regardless of your flaws. I know him and I regret that I kept you a secret from him."
Umiling ako.
"We don't need to regret, Mama. Everything that happens has a reason, and it mold us to who we are today. Walang dapat pagsisihan."
Ngumiti si Mama dahil sa aking sinabi.
"You really a wise lady. Payakap nga."
Dahil kung hindi nangyari ang lahat ng nangyari sa buhay ko, hindi ko alam kung sino ako ngayon.
Tumingala ako sa langit habang dinadama ang panggabing hangin. Dumungaw ako sa malaking bintana ng aking kwarto at nagbaka sakaling mayroong mga bituin. Wala man ay naroon naman ang hindi nahihiyang malaki at mailaw na buwan.
I am always mesmerised by solar system, especially with stars and moon. But my appreciation for this moon tonight is unexplainable, dahil sa tuwing malungkot ako, siya ang karamay ko. And tonight that I am happy, nariyan pa rin siya.
"Thank you for giving light when it's dark." Bulong ko.
Ilang minuto pa ang ginugol ko sa pagtingin sa buwan bago ako hinila ng antok.
Hindi pa sumisikat ang araw at naroon pa rin ang dilim sa labas nang lumabas ako ng kwarto. I am all smiles while making my way in the kitchen, pero napawi iyon nang wala roon si Mama.
Umupo ako sa isa sa mga silya at tumunganga.
I am so excited na nauhan ko si Mama sa paggising. Hindi sinabi ni Papa kung anong oras niya ako susunduin kaya kailangan kong maagang makapagayos.
Ako ang gumawa nang madalas na ginagawa ni Mama sa umaga. I cooked for our breakfast na pagkatapos kong gawin lahat iyon ay naligo na ako. Pagkalabas ay naabutan ko na si Mama na nagkakape.
"You're not excited." Asar sa akin ni Mama na tinawanan ko.
Tumaas ako sa aking kwarto at inilaan ang isang oras para sa pagaayos. I chose my favourite flowing floral off shoulder dress in peach. Hiniram ko kay Mama ang straightener niya at tinry na paalunin ang buhok sa dulo.
Tuwang tuwa kong hinawakan ang umaalong kulot na buhok ko. This is my first try and it is not bad for a first timer like me. Tumayo na ako at tinignan ang buong repleksiyon sa mas malaking salamin nang pumasok si Mama sa loob.
Nginitian ko siya at pinakita ang aking suot.
"Dapat ay tinawag mo ako para ako ang nagayos ng iyong buhok." Aniya habang hinahawakan ang umaalong bahagi ng aking buhok.
Ngumuso ako habang pinapanood si Mama na abala sa aking buhok.
"Bakit? Hindi ba maganda?" May tunog pagtatampo iyon kaya tinawanan ako ni Mama.
"Your first tries in everything always end up so well. Hindi na ako magtataka kung pati dito ay magaling ka na agad."
"Ma, hindi sa lahat ng bagay magaling ako."
Ngumiti si Mama at hindi na sumagot. Nang narinig namin ang isang katok mula sa baba ay agad akong nakaramdam ng kaba. Bumaba ako kasabay si Mama. Agad kong sinalubong ang aking Ama. He smiled at me.
"Ano oras mo siya iuuwi?" Tanong iyon ni Mama sa aking likod na nagpaagaw ng pansin ni Papa.
Seryoso siyang binalingan ni Papa.
"I mean, baka kasi wala pa ako rito kapag umuwi siya."
"I won't give an exact time but I promise to bring her home to you, Heralyn, don't worry."
Kinawayan ko si Mama nang pumasok na ako sa loob ng sasakyan ni Gov. Marami siyang tanong mula sa mga nangyari sa akin noong bata ako habang nasa biyahe kami. Hindi ko alam kung saan kami pupunta, gustuhin ko mang magtanong ay masyado na siyang nae'engganyo sa mga tanong sa akin.
"Sorry if I wasn't there during your achievements." He said apologetically.
Ngumiti ako at umiling.
"We have years ahead, Papa. I will have my achievements again."
"Nakwento nga ni Eros na you are a consistent dean lister."
Napangiwi ako sa pagkakarinig sa pangalan ni Eros. Naikekwento ako ni Eros kay Gov? O nagtatanong si Papa sa kaniya?
And speaking of him, hindi na kami nakapagusap simula kahapon. I was busy thinking about meeting my father that I almost forgot scrolling in my phone. Hindi ko alam kung mayroon bang mensahe mula sa kaniya o wala na. But I will meet him today anyway.
"Kailangan po, e, for my scholarship."
Tumango si Papa bago isang beses lumiko. Tumingin ako sa labas at nakitang pumasok kami sa isang gate papasok sa isang malaking Hotel.
Maraming hotel sa Iloilo, and this hotel is one of those hotels that I have never been to. This looks so expensive and for only privilege luxurious personalities, kaya manliliit ako kung papasok ako dito. But having Governor, my father, comforts the inner insecurity of me.
"It's good that you care for your grades. I remember Eros rebelling."
Kumunot ang noo ko. Napansin niya iyon kaya tumawa siya bago nagsalitang muli.
"But he changed. Hindi ko alam paano nangyari at sino ang nakapagpatino sa kaniya, but we are grateful for that person." Makahulugang sinabi ni Papa at matamis akong nginitian.
I know Eros for being playboy, taking his study least his priority, but never I had imagined that he was that rebelled. Or masyado ko lang ine'exaggerate ang sinasabi ni Gov?
Tumigil ang sasakyan sa harap ng hotel. Bumaba ako at agad may sumalubong na naka'unipormeng kulay asul na lalaki kay Papa para sa susi ng sasakyan. Tumabi si Papa sa akin at sabay kaming pumasok paloob.
Walang tao ang lobby at ang tanggapan ng hotel ay purong mga attendant lang ang naroon. Iginiya kami ng isang hindi ko kilalang personnel papasok sa tingin ko ay mamahaling restaurant ng Hotel na ito. Pagkapasok roon ay dumiretso pa kami sa isang malayong silid at agad akong nakaramdam ng kaba nang makita sa mahabang lamesa ang asawa ni Papa at si Van.
In a long luxurious table with six chairs, nakahanda ang napakaraming pagkain na tingin ko ay pwedeng makain ng buong barangay. The place is covered with gold and silver hues, and the elegant modern chandelier above is hanging so loosely na parang babagsak ito ano mang oras.
Malaki ang kwartong pinasukan namin, pero aapat lang kami. Dahil bukod sa mahabang lamesang ito, may iilan pang palamuti na naka'display sa loob. There's even a wooden cabinet for unfamiliar wines I first ever seen. Sa tabi nito ay isang bow window in different color, white.
Tumayo si Van na sinundan naman agad nang nangingiting magandang babae. Lumapit kami sa kanila at hindi ko alam paano ako aakto sa kanilang harap. Van smiled at me so genuinely na nagpagaan sa aking loob.
"I'm Cristine, call me Tita Cristine." Naglahad ng kamay sa akin ang asawa ni Governor na agad kong tinanggap.
"Hera, po." Sa mahina kong pakilala dahil masyado akong kinakabahan.
Ngumiti sa akin si Tita Cristine, naramdaman ang aking nerbyos ay pinisil niya ng marahan ang aking kamay.
"You are so nervous. Don't be." Aniya bago bumitiw sa hawak.
Binalingan niya ang anak na hanggang ngayon ay nginingisian ako. Naglahad rin ng kamay si Van sa akin at awkward ko itong tinanggap.
"We both know each other but I will formally introduce myself to you, Ate Hera. I'm Van, your long lost brother."
Tumawa siya ng nakakaloko kaya natawa na rin ang kapwa kaniyang mga magulang. Sinaway siya ng ina nang hindi matigil sa pangaasar at inaya na kaming umupo at magsimulang kumain.
"Where's Eros?" Tanong iyon ni Governor na nagpabasag sa tahimik na breakfast na ito.
"Kab'board niya lang pa'Iloilo, Dad. Siguro at mamaya pa iyon." Sagot naman ni Van bago mabilis na sumulyap sa akin.
"Sinabi ko naman sa kaniya na sumabay na sa atin pabalik." Dismayadong tugon ni Governor.
"Ewan ko doon, baka-"
"Van," His mother warned.
Tumawa si Van at umiling. Hindi naman ako makasali sa usapan kaya nanatili akong tahimik. Nilingon ako ni Tita Cristine na agad nagpakaba sa akin.
This woman is not only my Father's wife but Eros' mother, too.
"You're very beautiful, Hera. Noong una kong kita sa'yo noong unang dala sa'yo ni Eros sa bahay, gandang ganda na ako sa'yo."
Namula ako sa kaniyang sinabi at hindi alam paano sasagutin iyon. Tumawa ng bahagya si Tita Cristine at ngayon ay ipinukol na sa akin ang buong atensiyon. Binaba ko na rin ang aking kubyertos para magbigay galang sa pakikipagusap niya.
"I didn't know then that you are connected to my husband."
"No one knows, Cristine." Singit ni Papa.
"I know, Susano. It' just sad to think that we have already met her years ago, pero hindi natin alam na anak mo pala siya."
Tinignan ako ni Papa nang mayroong lungkot sa mga mata. I smiled to ease the pain.
"It must been hard for you to grow up without knowing where and who your father is."
"Mahirap po pero matagal ko ng tanggap na hindi perpekto ang buhay ko."
I looked at them with my utmost genuine feeling. Hindi ako malungkot, sobra akong masaya na hindi ko alam kung mayroon pa bang saysay ang lahat ng sakit at hirap na naramdaman ko sa nagdaang taon na hindi ko kilala si Papa. But I know that I should not forget those, dahil sila ang naging sandata ko sa paglaban sa mundong ito.
Tumigil si Van sa pagkain at ibinigay na rin sa akin ang buong atensiyon.
I am nervous, but seeing them acting so casual towards me lightens the mood.
"When Eros told us that you're very good lady, he's not mistaken." Ani Tita Cristine.
"Kuya will never be mistaken when it comes to her." Ngumisi sa akin si Van kaya ibinalik ko ang ngiti ko sa kaniya.
"But honestly speaking, when I first met you, para talagang mayroon tayong connection. And, really, my feelings will never be wrong."
"Talaga ba, Van?" Asar ng kaniyang ina kaya kumunot ang noo ni Van.
"Of course, Ma. Who would have thought that this girl I first met in Anilao is actually my sister? Walang iba kundi ang pakiramdam ko lang."
Nangingiting umiling ang nanay ni Van bago ako binalingang muli.
"Treat us as your family from now on, Hera." Ang nakalapag na kamay ko sa lamesa ay inabot niya at marahang hinawakan iyon.
I looked at her eyes and I remember my mother's eyes. Like her, I can only see the care and love in hers.
Parang may humawak sa puso ko at unti unting namuo ang luha sa aking mga mata.
When I said that I will accept my father regardless if he has a family, I meant it. Pero sobrang bait sa akin ng mundo dahil pinagbigyan niya akong matanggap ng pamilyang hindi ko kailanman nakilala noon.
In their family, I can be considered as intruder, but Tita Cristine genuine care and opinion of me comforts the inner me. They accept me as Papa's daughter.
"T-thank you po," kinagat ko ang labi ko para mapigilan ang pagpiyok ng aking boses.
"You're welcome." Si Van ang nagsabi noon kaya masama siyang pinukulan ng tingin ng ina.
"Susano accepted and welcomed Eros like his real son in his life, at hindi ko ito gagawin dahil lang utang na loob ko ito kay Susano. But I will gladly accept and welcome you in our family dahil alam kong dapat ay matagal ka ng parte nito."
Hindi ko na napigilan at isa isang bumagsak na ang luha sa aking mga mata. Nagulat si Tita Cristine dahilan kung bakit siya napatayo at agad lumapit sa akin. Before my eyes get blurred more because of tears, nakita ko na rin ang pagdalo sa akin ni Papa.
"T-thank you f-for accepting m-me. Kahit h-hindi na naman kailangan," Humahagulgol kong sambit.
Nakakahiya ang pagiyak ko ngayon kaya mabilis kong pinapalis ang mga luhang lumalandas sa aking pisngi. Hindi ako hinayaan magisa ni Papa at Tita Cristine na gawin iyon dahil parehas nila akong niyakap.
"You are my daughter, Hera. I need you in our family; you are part of my family." Bulong iyon ni Papa na mas lalong nagpasaya sa aking puso at nagpaiyak naman lalo sa aking mga mata.
Ilang saglit pa akong umiyak at hindi umalis at tumigil sa pagalo sa akin si Tita Cristine. Nang natigil na ako at nakalma ay nakita ko ang nakangiting si Papa na nakatingin sa aming dalawa.
Umupo na muli si Tita Cristine.
"S-sorry po sa pagiyak ko." Paumanhin ko.
Mabilis kong pinasadahan ang dulong parte ng buhok ko para maayos.
"Don't be sorry, Hera. It's normal to be emotional in situation like this."
Tumango ako at nahihiyang ibinalik ang tingin sa plato kong puno ng pagkain.
"I can see that you have a really kind heart, Hera. Pero huwag mo hayaang ang kabaitan mo ang maging dahilan para ibaba ang sarili mo. You don't need to always feel sorry for showing your real emotions."
Tinignan ko si Tita Cristine. When I saw her staring at me with unnamed amazement in her eyes, I can't help but remember Eros' soulful and deep gaze at me every time.
"Please be comfortable when you're with us. We are now your family."
"Tama si Mommy, Ate Hera. We are now your family. Kapatid mo na ako at si Kuya." Maligayang singit ni Van.
"Alam ba ng kuya mo ang pinagsasasabi mo ngayon, Van?" Nahimigan ko ang pagkakatuwa at pangaasar sa boses ni Gov.
Nagpatuloy kami sa pagkain at kalaunan ay natapos rin. Hindi ako sanay sa ganoong karaming pagkain at nanghinayang pa ako na maraming natira.
Inaya ako ni Papa na sumama sa madalas nilang puntahan tuwing weekend. With Van and Tita Cristine, pinanood ko kung paano mag'golf si Papa.
Tita Cristine didn't fail to entertain me with her continuous and endless questions about my life. Tahimik namang nakikinig si Van sa aking tabi at madalas nakatutok sa cellphone niya kaya hindi ko na siya nakakausap. Pagkatapos ng halos isang oras na paglalaro ni Papa ay inaya nila ako sa malapit na Mall.
While on our way, nakikipagkwentuhan si Papa sa akin. And he did mean to know me when he said it.
We spent that day roaming around the Mall, binilhan ako ni Tita Cristine ng mga damit at ilang bags na ayaw ko sanang tanggapin ngunit mas nakakahiyang tanggihan. Kumain muli kami sa isang mamahaling restaurant sa loob ng Mall. Ipinangako ni Papa na pagbalik niya sa isang linggo galing Maynila ay manonood kami ng sine.
"I know you're busy, Pa-"
"I've been busy my whole life, anak. A time with my daughter is not wasteful and will not hinder anything in my plan as a Governor."
Ngumiti ako sa sinabi ni Papa at tumango. Nilingon ako ni Tita nang nakangiti rin.
"Mom, nasa bahay na raw si Kuya."
Binalingan ko si Van sa kaniyang sinabi. Bumaling din siya sa akin nang mapansin ang mabilis kong pagtingin sa kaniya.
"Told him that we're going home now, ihahatid lang si Hera."
"Like he cares. He probably texted me because he knows we are with his girl."
Tita Cristine elegantly laughed. She caught my attention; she's now looking at his husband while smiling widely. Hinawakan nito ang braso ni Papa at hindi matigil sa pagtawa.
"Your son, Cristine is growing, don't laugh at him." Seryosong sambit ni Papa pero hindi nakatakas sa akin ang kaniyang nakakalokong ngisi.
They both looked at me using the rear mirror. Nanatili naman ang nagtataka kong ekspresyon dahil sa kanilang reaksiyon sa text ni Eros.
Eros! He's home.
Ngumiti ako nang maisip na marami akong ikekwento sa kaniya. Ngayong nakauwi na siya, he will probably visit me na.
"He's like his father, Susano. Sobrang babaero pero sa babaeng gusto, mabagal." Natatawang wika ni Tita Cristine.
"But you can't deny the truth that you're thankful to him dahil kung hindi dahil sa kaniya, hindi ninyo makikilala si Ate Hera."
Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Van. Napansin iyon ni Papa kaya nang tumigil sa harap ng bahay namin ang sasakyan ay nilingon niya na ako.
"Eros told us about you."
Gulantang sa sinabi ni Papa ay hindi ako nakaimik.
Si Eros ang nagsabi... tumulong sa akin para makilala ni Papa?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top