Kabanata 37

Kabanata 37

Anak

Wala sa sarili kong tinititigan ang mga pagkain sa lamesa sa loob ng cottage. When there's a fly moving in the air, agad kong pinapalis pero pagkatapos ay nawawala ulit ako sa sariling naiisip.

Tanaw ko sa hindi kalayuan ang mga ginagawa ng mga kaibigan ko. I can even hear their loud laughs for I don't know reason. The sun is directly hitting the shore, I don't mind getting burnt, pero paano naman kasi ako aalis dito at pupunta doon pagkatapos kong makita ang mukha ni Eros na parang bigong bigo.

What I said is true. Wala kaming relasyon katulad ng ibang naiisip ng mga kaibigan namin. What I don't understand is why he's getting upset about it. Then I remember, he likes me.

I feel guilty seeing him like that, pero ayoko namang mag'assume ang mga kaibigan namin sa isang bagay na hindi naman totoo. But at the same time, I feel so bad at gusto ko na lang sabihin sa kanila na mayroon. Nang gayon ay hindi na malungkot si Eros.

Fighting and doubting over my thoughts I decided to get up and walk to them. Nang natanaw ako ni Kirby na lumabas ng cottage ay agad siyang tumayo galing sa pagkakalangoy at tinawag ako.

"Hera, halika na dito! Sarap sa pakiramdam ng tubig!" Sigaw niya at agad ding bumalik sa paglalangoy.

I smiled at them when I noticed that they all turned their heads on me, except for Eros who remains swimming.

Hinila ako ni Augustina sa hindi malalim na parte at doon ako nagbabad. They insist to teach me to swim pero dahil takot akong malunod, hindi ako pumayag. Pasulyap sulyap ako kay Eros habang naroon kami sa mababaw na parte ng dagat. Binabalingan niya ako pero sa tuwing nginingitian ko siya ay agad siyang nagiiwas ng tingin.

Umalis sa tabi ko ang mga babaeng kaibigan at naiwan akong magisa dito. Muli kong binalingan si Eros. I saw him smirking at our friends. Kahit takot na maglakad papunta sa kaniya, I still tried to get nearer to him. Nang mapansin niya ang paglapit ko sa kaniya ay kumunot ang noo niya. He watched me having a hard time to walk towards him and all he can do is just to stare at me while struggling to walk.

Ewan ko pero bigla akong nakaramdam ng sakit. My heart didn't pampered when I saw his deep set eyes that seem to have galaxies inside. Sabagkus ay natakot ako. How I wish I can remain mesmerised by his eyes when he's this serious. Pero siguro at hindi ko magawa dahil alam ko ang dahilan kung bakit siya ganiyan ka'seryoso ngayon.

Nang nakalapit ako sa kaniya ay dumoble pa lalo ang kaba sa aking dibdib. I can hear my heart thumping so loud and I pray that he can't hear it.

I smiled at him to hide my nervous.

"Y-you won't swim with them?" I stuttered.

At ang bobo ng tanong ko. Paano kapag naglangoy 'yan kasama mga kaibigan namin edi lalo kong hindi siya nakausap.

Hindi siya sumagot. Suplado siyang nagiwas ng tingin. I saw his jaw clenched many times as he swallowed innumerously, too.

"If I just know how to swim, sasama ako sa inyo kaso hindi, e."

I caught his attention because he looked at me. I smiled again at him.

"Why don't you want to learn when you want to swim?" He ice-cold said.

Ngumuso ako. "Natatakot ako."

"Just because you're scared, you won't try it anymore."

Tama naman siya, kanina ko pa naiisip 'yan. Pero ganito ata ako, when I'm scared, kahit anong pilit at paunawa sa akin ng mga tao na kaya ko, na subukan ko pa rin, I will remain terrify to try it. Madalas walang dulot na maganda ang pagkakaduwag, pero minsan naman ay mayroon. If I won't try swimming now, there's a big possibility that I won't die in drowning, and at the same time I won't conquer my fear and experience this seemingly exciting activity.

"Nevermind. Kung gusto mo ng umahon, you can just wait us in the cottage." Aniya at nagsimula nang lumangoy.

I watched him fast stroking towards the deeper part of the sea. Nawala siya sa aking paningin dahil mas lumayo siya, I think he goes deeper, too.

Ayoko mang umalis pa sa tubig ay wala na akong choice. I was left alone here, I look so pitiful alone here and watching the scorching sun rays.

Umapak ako sa pinong puting buhangin at agad nakaramdam ng pagkakahiyat na muling bumalik sa dagat. I brushed my wet hair and tried to squish it. Tumalikod ako at tinignan ang mga kaibigan ko sa malayong parte at sabay sabay na lumalangoy. Hindi ko makita si Eros, but I know that he's just there.

Dumiretso na ako sa paglalakad pabalik sa cottage habang pinipiga ang aking buhok. Hindi pa ako nagiisang oras sa pagbababad sa dagat pero pulang pula na agad ang aking balat.

"Uh, hi!" Napaangat ako ng tingin sa taong nagsalita.

I saw three boys in their floral button down shirts and khaki shorts, katulad ng suot ni Eros. The one guy with wide smile is the one who said those words. I am not sure kung para sa akin ba iyon at dahil ayokong mag'assume, lumingon ako sa likod. I saw nothing but the quiet seashore with brightest hue all over.

"Uh, ikaw 'yong tinawag ko." Tumawa ng bahagya ang lalaki kaya napabaling muli ako sa kanilang tatlo.

I smiled and realized that they are probably really talking to me.

Sabay sabay nilang tinikom ang kanilang mga bibig at sa namimilog na mga mata ay tinitigan ako. Kumunot ang noo ko dahil sa kanilang reaksyon.

The guy with chinky eyes laugh awkwardly at nagkamot pa ng buhok.

"K-kanina ka pa namin napapansin na magisa... Gusto sana naming mag-"

I brushed my hair again, this time iniligay ko na sila sa likod para mabigay ang buong atensiyon sa tatlong lalaking ito.

Natigil sa pagsasalita ang lalaki at kinakabahang nilingon ang dalawa pang kaibigan. I saw the other guy pushed his friend's shoulder dahilan nang muntik na nitong pagkakatilapon sa akin.

"Bilisan mo na kasi, bagal." Narinig kong sabi noong naka'shades.

"What is it?" Tanong ko na dahil mukhang walang balak magsalita ang ni isa sa kanila.

"My friend wants a picture with you." Ani ng lalaking nakasalamin.

Naningkit ang aking mga mata. Hindi lang dahil sa sikat ng araw kundi dahil sa lalaking nagsalita. I saw his lips rose and pushed his friend in a manly way again towards me. I stepped once backward dahil sa gulat.

"Ayaw ata." Muling sambit ng lalaking nakasalamin.

My mind wanders to who this guy is.

"No, no. Ayo slang." Agap ko.

"Iyon naman pala. Tumabi ka na sa kaniya, Jaris."

The guy with the same built as Eros walks beside me and stayed there. Kumuha ng cellphone ang lalaking mukhang may banyagang dugo at agad uminuwestra na kukuha na siya ng litrato. After two shots of picture, ay nagpaalam na ako sa kanila. Dumiretso na ako sa cottage at muli nga lang napabalik ang tingin sa tatlo.

The guy with sunglasses ay diretso ang lakad papunta sa dagat. His other two friends is busy looking at the phone, but I careless. Tinignan ko ang pamilyar na lalaki kanina at naabutan kong nakikipagusap na siya kay Eros. They both turn their heads on me at mas lalo akong nagulat nang makitang si Arthur iyon, now that he's sunglasses is nowhere to be found.

Dali dali akong pumasok sa cottage at tahip tahip ang kaba nang naupo. They are very closed friends, panigurado at alam ni Arthur ang namamagitan sa aming dalawa, He probably said to him na nakipag'picture sa akin ang kaibigan niya.

I face palmed. Pero agad ding nagayos nang maalala na dapat ay hindi ako nababahala. Wala namang kami! But my heart rake with the thought.

I didn't enjoyed the outing, kahit pa masaya namang kasama ang mga kaibigan ko. It feels so good to be reunited with my high school friends, but to think that my mind is flying somewhere is a whole mess with this outing.

I remained in the cottage, binabantayan ang ano mang pwedeng dumapo sa aming pagkain. Bumabalik ang mga kaibigan ko para magpahinga, kumuha ng litrato at kumain. At doon lang ako nagiging masaya dahil nasa cottage rin sila, o di kaya ay pare parehas kaming nasa dalampasigan lang at hindi naglalangoy. But when they are back again in swimming, para akong kuting na walang kaibigan sa loob ng cottage.

Sabay kaming bumaba ni Augustina at kumaway sa aming mga kaibigan. Eros makes the window go down, pero hindi iyon dahil magpapaalam siya kundi dahil kumakaway rin sa amin si Zeus na nasa tabi niya.

Pagkatapos kong kumaway sa kanila ay tinignan ko si Eros. He looked at me but that so quick, agad niyang pinaandar ang sasakyan at umalis na sila.

Sa halip na masaya akong papasok sa loob ng bahay ay punong puno ng lungkot ang puso ko. I didn't do anything much earlier, umupo, nagbabad ng kaunti at naglakad lang naman ako pero pakiramdam ko ay pagod na pagod ako.

I showered and after that I dozed off to sleep. Nagising na lang muli nang dumating na si Mama.

I waited for Eros text messages before I ended that day, and gratefully, I received one. Mahimbing akong nakatulog noon but when he told me that he can't visit this vacation dahil pupunta silang Maynila ay nalungkot ako. How ironic that now that I will be staying here during the vacation tsaka naman siya nasa Maynila ngayon.

He's been in Manila for a week already. Hindi lumipas na isa man sa mga araw na iyon na hindi kami nagusap. But I can feel through his texts his cold treatment to me. Gusto ko siyang tanungin kung galit pa rin ba siya dahil sa sinabi ko sa mga kaibigan namin pero ayoko namang mas palalain pa. Baka mamaya at sobrang tayog na agad ng pader na pumagitna sa amin.

Imagining that will happen to us again breaks my heart into little. Ayoko ng maulit iyon.

"Andy,"

Nilingon ko si Mama nang tinawag niya ako. She's in salas while I am cleaning in our little kitchen. Nagpunas ako ng kamay pagkatapos ko at dumiretso kay Mama.

"Ang bilis mo naman, Ma. Nakausap mo na ba si Tita Mirna?"

Umupo si Mama sa sofa samantalang nanatili akong nakatayo. Napansin ko ang hindi maayos na pagkakatali ng mga kurtina kaya inayos ko. Nagpatuloy si Mama sa pagsasalita.

"Oo. Aalis siya ngayon pa'Maynila dahil graduation ni Iris." Kwento ni Mama.

Nilingon ko si Mama habang inaayos ang kurtina, natigil saglit.

"Ngayon lang po g'graduate si Ate Iris?"

Arthur graduated last year, magka'batch sila kaya nakakapagtaka.

"Iris took Architecture for five years."

"Talaga? Wow."

"Latin Honors," Dagdag impormasyon ni Mama.

"She's very smart, Ma, no wonder." I smiled remembering my first ever friend here in Anilao.

I remember getting sad when I see her with Eros. They are closed friends, siguro at bibisitahin niya rin si Ate Iris? A pain arises within me, na hindi ko alam kung saan galing.

"Mirna is so happy for her and her kuya. Kapwa mga nakapagtapos kahit na ganoon ang kanilang sitwasyon."

Ate Iris and her Kuya is the representation of no matter how unfair this life is to those unfortunate people like us, if we worked hard and determined enough to reach what we want, there's no such word as impossible.

"Tingin mo, Ma, can I be like Ate Iris, too?"

"Posibleng posible!"

Natawa ako sa pagkakabanggit ni Mama noon. When I finished fixing our curtains ay binalingan ko na muli si Mama.

I was smiling wide to her and she is, too until her smile started to fade. Namungay ang kaniyang mga matang tinitigan ako at hinila ang aking kamay para madala ako papunta sa kaniyang tabi. Kumunot ang aking noo pero muling sumilay ang ngiti sa labi ng matantong nanlalambing ang aking mahal na ina.

"Ma, hindi ko alam kung sino anak sa ating dalawa." I laughed and she did, too.

Walang sinabi si Mama kaya natahimik ako. Nilingon ko ang aking pinakamamahal na ina. Now, I saw her teary eyed. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat.

Sa lahat ng taong importante sa aking buhay, to see my Mama cries is the most heartbreaking. I never want her to see crying regardless if it is because of happiness, anger or pain.

"What's the problem, Ma?" Alerto kong tanong.

Nagsimulang magbagsakan ang kaniyang mga luha kaya inunahan ko na siyang palisin iyon sa kaniyang pisngi. My crying mother is my weakness. To see her breaking down means I will also lose myself.

Namumula ang ilong ni Mama at ang mga mata ay punong puno ng pait at lungkot. Nang hawakan ko ang kaniyang pisngi ay wala akong ibang maramdaman kundi ang lambot nito. Ages passed and she still looks so good. Kung hindi lang siya umiiyak, ang ganda sanang titigan ni Mama.

"I know how much pain I had already caused you because of my selfishness." Humagulgol si Mama kaya niyakap ko na siya.

"What are you saying, Mama? You never been so selfish to me, even once! You are a good mother and inspiration to me, how could you say that you're selfish?" Singhal ko dahil hindi ko matanggap na ganoon ang tingin niya sa kaniyang sarili.

Umiling si Mama sa aking balikat kaya mas lalo kong niyakap nang mahigpit ang aking ina.

"It's not that, Andy... I caused you many heartbreaks and I let you cry at night with pain because... b-because..."

"Ma!"

Naiiyak na rin ako pero pinipigalan ko ang aking sarili. Suminghot ako at pinikit ng mariin ang aking mga mata.

"I-I know that you are longing for a father. And I am so selfish d-dahil h-hindi ko magawang sabihin sa i-iyo ang t-t-too."

I remained my eyes tightly shut but my shock to what she just said is to the moon. Umiling ako.

"I know that you're in pain, Ma. I am not forcing you to say anything about my father because I understand that you are still hurt."

"You understand me, but I never understand you. Na nasasaktan ka rin, anak. You deserve to know him, to know who he is, to know where he is, b-but I decline myself to tell you so kahit na alam ko naman."

"Ma," halos hindi ko marinig ang sariling tinig dahil sa malakas na hikbi ng aking ina.

"I know where he is the first time we stepped here in Anilao. Alam kong malaki na ang pagasa sa puso mo simula pa lang noon. I know that you never lose a faith to find him k-kahit na k-kaunting impormasyon lang naman ang s-sinabi ko... sa'yo."

"Because I believed in a perfect timing, and that doesn't mean that you will call yourself a selfish when all you do is to support me in everything , give me everything..."

Umahon si Mama mula sa aking pagkakayakap at hinarap ako. Her tears are endless. At sobra akong dinudurog habang pinagmamasdan siyang nasasaktan.

"I didn't, Andy... because you're still incomplete."

Hindi ako nakaimik. She smiled wearily and I can't take it to see her this way. I looked away and hugged her tight again.

"You're almost twenty two and yet you're still waiting for that timing not knowing that it could have happened years ago already if I just didn't only think about myself."

Ang kaninang pinipigilang luha ay umagos na. I don't know which first to process, my mother who thinks herself selfish or her confession about my father.

She knows my father! She knows where he is but refuse to tell me so.

Sa halip na makaramdam ng pagtatampo para sa aking ina ay wala akong ibang maramdaman kundi sakit para sa kaniya. I know that I've been hurt and incomplete my whole life, but having her with me all those years occupy a part in my heart that is also important.

I can't make myself rant about her hiding all the information about my father that I have should know, because I understand how it must be hard for my mother to tell the truth.

"I-I w-want you to meet your... father, Andy."

Shock and at the same time hurt, my tears stopped for a second and resume its falling again.

"He wants to meet you, anak."

I tightly hugged my mother and I cried so hard.

Is this real? Lahat ba nang naririnig ko ay totoo?

Hinawakan ni Mama ang aking balikat at bahagya akong nilayo sa kaniya. She smiled sadly at me and I can't make myself to mirror it. My tears are overflowing.

"T-toto ba, Ma?" Hindi maintindihan ang aking sinasabi dahil sa aking hagulgol.

I can hardly catch my breath because of my continuous sobs.

"This is now real, anak. You will meet him... your father."

Mama told me that my father is going to see me this evening. I spent my whole day staring blankly at the off television. Ang mga mata ko ay namamaga pa at sobrang lagkit pa rin ng aking pisngi dahil sa pagiyak. Ni hindi na ako nagkalakas pa na tumayo mula sa pagkakaupo.

Bagong ligo si Mama nang lumapit sa akin sa sofa muli. She's now seems okay but I can sense that she's still overwhelmed to what she just said a while ago, katulad ko.

"Are you excited?" Tanong ni Mama.

Nilingon ko siya, ngumiti ako at tumango.

I waited for a father for a very long time and to finally meet him is already beyond what I can imagine. Akala ko ay hindi na mangyayari.

"Go and rest for a while. I bet you don't want to look like a mess in front of your father for the first time."

I tried my best to sleep pero lumilipad ang isip ko sa maaaring mangyari mamaya. In the end, I looked so stress as I watch my reflection in the mirror. I tried to smile but it only makes me look like a zombie.

"Andy, b-bumaba ka na."

Mabilis akong bumaba, neverminding how I look like because of excitement. But when I finally saw who was in the salas, sitting, halos bumagal ang aking lakad.

Governor Sano in his white polo dress shirt and black slack is sitting in our sofa. Nang nakita ako ay agad itong ngumiti at tumayo. Tumabi ako kay Mama na nakatayo sa hamba ng hagdanan at nakatingin sa akin. But my eyes are fixed to the surprising person in front of me.

"G-Gov!" Nang nakabawi ay nilingon ko si Mama.

Her eyes are still in sadness but when I see her assuring smile, muling nagbalik ang tingin ko sa panauhin.

Hinawakan ni Mama ang aking braso at hinagod ito ng isang beses.

"Meet your f-father, Andy." Sa nanginginig na sambit ni Mama.

Wala akong kontrol ay bumuhos na parang gripo ang aking luha habang pinagmamasdan ang hindi ko inaasahang tao sa buhay ko. Governor Susano, my father come towards me and hugged me. Dahil doon ay mas lalo akong naiyak.

"I'm sorry." He said that worsen my tears more.

I am between happiness and sadness. Hindi ko lubos naisip na ganito ang magiging pakiramdam ko kapag nakilala ko ang aking Ama.

I felt a hollow space in my heart starting to be occupied by something so unfamiliar to me. Something that I never felt before. And I know what that is. It is my incompleteness, my longing for a father, and my years of agony praying and hoping for his presence.

"I am so sorry if I was so late to meet you, anak."

Anak.

I never been this so happy in my entire life. I hugged him tight na parang ayaw ko ng kumawala sa kaniyang yakap. I hugged him like I am in my dreams and this is not real, that if I wake up, mawawala siya.

Bumuhos ang panibago at hindi matapos tapos kong luha. I still can't believe that I am holding the person I am praying for a very long time. The person who I never met but I wished to meet is now in front of me, holding me tightly.

Ilang minuto akong umiyak habang yakap ng aking Ama. Nang gumaan na ang aking pakiramdam at huminto na rin ang aking luha ay kumawala na ako. My little sobs remain that I am so shy to look at him. Ngunit nang hinawakan niya ang magkabila kong braso ay napatingala ako sa kaniya.

He smiled at me but I saw how his eyes glitters because of sadness and pain. It's like me.

"P-Papa..." garalgal ang aking boses nang sambitin ang matagal ko ng gustong gustong sambitin.

His tears fell and I can't help but to mirror it. Bumuhos muli na parang gripo ang aking luha.

Muli akong niyakap ng aking Ama hanggang sa parehas na kaming umayos at gumaan ang pakiramdam.

Umupo kami sa sofa at hindi ko magawang tanggalin ang aking tingin sa kaniya. When he saw how mesmerised I am to his presence, he smiled at me. His eyes are bloodshot and the obvious pain is etched in his eyes.

"We met weeks ago, and I know that there is already something in you that I can't explain." Aniya sa malalim pero magaan na tono.

Hindi ako nakapagsalita, hollow is still in my throat; my heart is still crying for too much happiness, I can't make myself utter a word.

Binalingan niya si Mama bago ako. Namungay ang kaniyang mga mata and I can see my reflection through his eyes and lips. Iyon rin ang una kong napansin nang una ko siyang makita. Now it all makes sense why I felt that way.

"I didn't know that I have you..." His voice is full of regrets.

"I'm sorry kung ngayon lang tayo nagkita. How old are you again?"

"21." Pahirapan kong sinabi dahil nanginginig pa rin ang aking boses.

Tumango siya at sinulyapan muli ang aking ina. Nilingon ko si Mama ang I saw how her eyes remained to me. Ngumiti siya sa akin. Muli kong binalik ang tingin kay Gov.

"21 years," bulong niya.

Malungkot siyang ngumiti at hinawakan ang aking kamay.

"I know it's too late to play with you, to feed you and take you like a kid in a park, but I want to know you." Bakas sa boses niya ang kagustuhang makilala akong mabuti at hindi ko mapigilang matuwa at maiyak sa sobrang saya.

"I want to know who you are for the past 21 years, anak. Please... consider me as your father now."

Hindi ko na napigilan at tumayo na ako para malapitan siya. I hugged him again at naramdaman ko rin ang muling pagkakasabik ng aking ama sa yakap ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top