Kabanata 36

Kabanata 36

Guilty

"Paano ninyo po siya nakilala? Walang nakekwento si Mama na kilala ka po niya."

I am so excited and amuse at the same time na halos makalimutan kong malaking tao ang kaharap ko ngayon.

Itinikom ko ang aking bibig at umatras ng isang beses. Nakakahiya.

Governor smiled manly and looked at his son for a second before he returned his attention on me.

"Magkaklase kami noon ni Heralyn."

Tumango ako at nagdesisyon na sasabihin ko ito kay Mama paguwi ko.

"I didn't know that she has a beautiful daughter,"

"Hindi po..." Halos bulong iyon dahil nahihiya akong mapuri sa ganoong paraan.

Muli niyang sinulyapan ang anak at para silang naguusap kung magtitigan.

"Send my regards to your mother, hija. And enjoy the party, may mga kakausapin lang ako." Paalam nito bago kami tinalikuran at humalo na sa maraming Politiko na bisita.

Binalingan ko si Eros na tingin ko ay kanina pa nakatitig sa akin. His gaze on me is dark like the night and his eyes are so deep like the night sky.

I smiled at him genuinely.

"Your Dad is a very kind man." Komento ko na wala ng halong kaba mula kanina.

All I can just feel right now is pure happiness that I have never felt before. It's weird because I just met Eros' father and at the same time the Governor.

Hindi siya umimik at nanatili ang mariin ang seryoso niyang titig sa akin. Kalaunan ay niyaya niya na akong lumabas muli. While on our way to their pool, I can't help but mutter words.

"Sobrang gwapo ng Papa mo, kamukhang kamukha ni Van."

Binalingan niya ako at kumunot ang kaniyang noo. I smiled at him widely at kahit ganoon ang ipinakita ko mas lalo namang lumalim ang gitla sa kaniyang noo.

"So you find my brother handsome, huh."

"Syempre. Gwapo naman talaga si Van."

He glared at me at hindi ko alam bakit ganoon ang kaniyang reaksyon. Suplado siyang nagiwas ng tingin at mabilis na nakaapak sa labas. Mabilis akong naglakad para habulin siya at nakakahiya dahil pinagtitinginan ako ng iilang panauhin.

His one step could equal three steps of mine because of his long legs. Ang laki laki kasi ng taong 'to kaya ang hirap habulin. I almost bumped to his broad back when I make my fastest phase just so I could keep up to him.

Gulat siya nang lumingon at nakita ako sa kaniyang likod.

Gulat gulat ka diyan, e kasabay mo ako.

Bumalik ang pagsusuplado niya at hinila na ako sa kaniyang tabi.

"Eros!" Some girls who are wearing different designer clothes called him.

Tumango lang siya at nagpatuloy sa paghila sa akin papunta kina Augustina.

"They called you."

Hindi siya umimik.

"Baka may sasabihin sa'yo."

"I don't like talking to them." Sagot niya sa mas malamig pa sa yelo na tono.

"Talaga ba?" Asar ko pero napatahimik ako nang binalingan niya ako ng may bakas ng inis sa mukha.

"S-sorry."

"Why are you sorry?"

"Kasi mukhang inis ka na sa akin."

Umiling siya at mas binilisan pa ang lakad. Nakarating kami sa pwesto nila Augustina at nagulat nang makita na naroon na rin si Van. He smirked at me but did not dare to utter a word. Nabati niya na naman ako kanina pati.

"O, how's meeting the family?" Masaya pero bakas ang pang'aasar sa tono ni Augustina.

"Tina," banta ni Zeus kaya binalingan niya ito nang masama ang titig.

"It's my first time to see him. He looks exactly like you, Van."

Tinignan ko si Van para sabihin iyon. Muli ay hindi siya nagsalita, he looked to Eros who's beside me.

"Hindi ba kamukha ni Eros?"

"Uh..."

Nilingon ko ang katabi at hinanapan kung may kaunti bang hawig. Wala talaga.

"Syempre, wala." Tumawa si Augustina na sinabayan ni Van. They started teasing each other na no'ng mayroon sinabi si Augustina ay napatahimik si Van.

"So, it's true, Van?" Nakisali si Zeus sa asaran.

Nangingiti ko silang pinagmamasdan kahit na wala akong ideya sa pinaguusapan nila.

"Are you hungry?" Bulong na tanong ni Eros kaya napabaling ako sa kaniya.

"H-hindi pa naman." I don't know why I stutter.

Umiwas ako ng tingin mula sa kaniyang titig at pinagmasdan ang napakaraming baso sa lamesang katapat namin.

"Really?"

Nakakunot ko siyang binalingan at naabutan kong nakangisi siya. Kaagad siyang nagseryoso. He rested his right hand on the back rest of my chair, the other one rested on his thigh. Naningkit ang kaniyang mga matang tinitigan ako, pero hindi makatakas sa labi niya ang ngisi.

"Are you getting crazy?" Lito kong tanong dahil sa pinipigilan niyang ngisi.

"Maybe I am." He said like a drunk.

Umayos ako sa pagkakaupo at hindi na siya pinansin. Nakisali ako sa usapan ng mga kaibigan at nang nagpahayag na nagugutom na sila ay sumama na rin ako. Eros remained there and I saw how girls and even boys flocked to him.

"Matinik talaga si Kuya." Bulong ni Van na nasa aking tabi habang papasok kami sa loob.

He smiled at me and suggested some foods I need to taste. Thankfully we have Van here because I am not familiar with these kinds of dishes.

Kumukuha ako ng dessert nang may naramdaman akong tumabi sa akin at nakitang si Eros iyon. Nasulyapan ko si Van na kumuha ng ibang putahe sa malayo.

"Hindi ka ba kakain?" Tanong ko dahil wala naman siyang hawak na plato.

"I'll eat, too." Aniya at kumuha na ng sarili.

Sa loob kami kumain at gumaan ang loob ko dahil hindi lang naman kami ang nagsisimulang kumain. The program started inside right after we eat. I don't know how this set up goes, but I am gonna go with the flow. Dahil pagkatapos mag'mensahe ni Governor ay muli kaming pinakain.

Eros returned to our seats dahil nasa unahan siya at kasama ang pamilya. He even goes to stage a while ago to say his message for his father. Sobrang ikli ng kaniyang sinabi kaya nagtawanan ang halos lahat na bisita.

I am eating this unfamiliar delicious ice cream with cake when he sits beside me.

"Is this enough?" Puna niya sa kakaunting panghimagas na kinuha ko.

I am so full and I am not that dead hungry to eat so much.

Tumango ako, "Busog na busog na ako, Eros."

"Hindi ka mukhang busog." Aniya kaya sinimangutan ko siya.

He laughed and then raised his hand to the servers. May kinuha siya doong tubig at iniligay sa tabi ng aking pinggan.

"You don't like drinking juices, right?"

My heart leaped because of what he said. It's heart-warming to have someone who remembers every little thing about you.

Minutes later, the crowd became louder now that the Master of Ceremony announces that we can now enjoy the party. Tinignan ko ang aking relo at pasado alas dies y media na ng gabi.

"Gusto mo ng umuwi?"

Umiling ako kay Eros. I still can stay for another hour before leaving.

"Tara sa labas." Aya ni Augustina at agad kaming sumunod.

Kasabay ko si Eros habang palabas at katulad kanina, marami ang gustong kumausap sa kaniya ngunit hindi niya pinauunlakan. May ilan pang humaharang at aalis na sana ako kung hindi hinahawakan ni Eros ang siko ko para mapigilan sa pagalis.

The boy with devilish smile, tanned, tall and massive like Eros looked at me. Dumilim ang tingin nito sa akin at kalaunan ay ngumisi. Pabirong tinulak ni Eros ang lalaki at walang nagawa ang binata kundi tumawa.

"Gov has the same name as my Father. Susano is his real name pala katulad ng tatay ko."

Governor known as Gov. Sano in Iloilo and in Politics, ngayon ko lang narinig ang kaniyang tunay na pangalan. While hearing his name earlier pronounced by the host I feel like something within me has waken. Parang may nagdikit dikit na kung ano sa aking puso. Maybe because I thought he's my father, when the truth is they only have the same name.

At imposible. Maraming tao sa mundo at paniguradong kapangalan lang ni Papa si Gov. And my father is so lucky to have the same name as the Governor of the Iloilo.

Hindi umimik si Eros kaya binalingan ko siya. He's staring blankly at something kaya kumunot ang noo ko sa pagtataka. He then looked at me and smiled.

"It's getting late, I promised Tita to bring you home earlier."

Tumango ako at sumangayon na sa kaniya na ihatid na ako. Sumabay na rin si Augustina at Zeus sa akin. We are all silent while on our way home, ibang iba sa kanina. Siguro dahil puro kapwa pagod na kami.

"Thank you, Eros. I had fun. And it's a pleasure to meet your father."

I waved at him for the last time before he roared the car into life and left. Naghiwalay na rin kami ni Augustina at pumasok na ako sa loob. The television is on when I entered and I saw my mother quietly staring at the ongoing show.

"Ma," maligaya kong salubong.

"How's the party?"

"Ang engrande. Ang daming tao and most of them are politicians." I said those in awe and while I am sitting beside her.

"I met Governor and he told me na magkaklase daw kayo noon." Maligaya kong sambit.

I am smiling widely and I know my eyes are glittering with so much joy while telling it to my mother. Pero nawala iyon nang parang bula nang makita kung paano nagulat si Mama at nawala ang ngiti sa labi.

"B-bakit, Ma?"

Umiling si Mama at niyakap ako.

"Oo at magkaklase nga kami."

"Dapat ay sumama ka sa akin para nakita mo siya. He looks exactly like Van but not Eros. Ang guwapo pa rin, Ma, kahit may edad na. Panigurado at gwapo rin siya noong kabataan ninyo?" Tuloy tuloy kong sambit.

Hindi umimik si Mama kaya kinalas ko ang yakap. I looked at her; she smiled and caressed my cheek softly.

"Mabait ba siya sa'yo?"

Nagtataka kong tinignan si Mama. But excitement doesn't escape in my tone when I answered.

"Sobra. Kinakabahan ako noong una pero nawala rin noong nginitian niya ako. And when he smiles it kinda reminds me of myself."

I often watch my reflection in the mirror. I know how exactly I smile and how it looks like. Kanina habang tinitignan si Gov habang nakangiti, parang nakikita ko ang aking sarili.

"And he has the same name as my father, Ma!"

I feel like I am floating as the remaining days in my third year college goes. And how funny it is to think that there is no a month left anymore before I finally say goodbye for this school year. Marso na ngayon at ilang linggo na lang at magtatapos na ang klase ko. To think that I'll be having my last year next school year excites me, and at the same time saddens me.

The steamy hot rays of the sun penetrates in my skin as I make my way in the school grounds. Tiningala ko ang sobrang taas na sikat na araw and my eyes closed immediately as I saw its color: ardent and fiery. Dumiretso na ako sa paglalakad nang mabilis dahil masyadong masakit sa balat ang mainit na araw na ito.

Today, I will pass my requirements in some of my subjects, sisimulan ko na din kompletuhin ang aking clearance so I can already have my vacation next week. Kailangan kong maging mas madali lalo na't nagpaplano nang mag'uwian ang mga kaibigan ko sa isang linggo.

Malapit na ako sa Admission Office when I felt tired and dehydrated. Sumilong ako sa malaking punong Narra ng paaralang ito at hinagilap sa bag ko ang mineral water. I drank at it and I saw how hot despite this day has, the little leaves from this tree still dances with the small wind hovering.

The summer is starting and it only means a new end and beginning for me.

"Why are you staying here?"

Halos mapatalon ako sa gulat nang makita si Eros na biglaang sumulpot sa aking tabi. Hinawakan ko ang aking dibdib at huminga ng malalim.

"You scared me. Bigla bigla ka na lang lagi nasulpot."

Kumunot ang noo niya pero hindi nagtagal at ngumisi sa akin.

"Isn't weird to you? I can easily find where you at."

"You mean you're a stalker?"

"Of course, not!" Galit niyang sagot sa paratang ko sa kaniya.

Ngayon ako naman ang natutuwa dahil naasar siya sa aking sinabi.

"Hera, you're the smartest in our batch, dapat ngayon pa lang alam mo na ang ibigsabihin ng lahat ng ito."

Mahina akong tumawa dahil sa kaniyang sinabi. As the days goes, as we continue being with each other, little things is starting to change. I become more comfortable being with him. Ang dating pagsasama namin noon ay mas lalong tumibay, and I think it is because that no matter how doubtful I am to his feelings, he never fails to show me and prove to me that there's nothing changed, if meron man, it's his feelings that he always emphasizes na lumalalim daw.

"We're in the same school, syempre at mahahanap at mahahanap mo ako." I playfully said with his remarks.

His face turned grimace when I told him that kaya mas lalo akong natawa. And even before he could get angrier, binago ko na ang pinaguusapan.

"I'm here for clearance. Ikaw?"

"I'll also finish my clearance today. Magsabay na tayo." Aniya at hinila na ako paalis sa lilim ng puno.

Gulat at hindi makawala sa kaniyang kamay ay pahirapan ko tuloy ibinalik ang mineral water ko sa bag. Nararamdaman ko rin na nagugulo ang nakapusod kong buhok dahil sa lumuwang ang aking tali. At hindi nga nagtagal at sumabog ang mahaba kong buhok.

Hindi iyon napapansin ni Eros dahil diretso ang lakad niya habang hawak hawak ang palapulsuhan ko. I brushed my hair so I can have my clearer view nang dinadaanan namin. Hindi sapat at magulo kong inayos sa aking kabilang balikat ang buhaghag kong buhok at nakakahiya dahil may tatlong lalaki na Senior ang nakatitig sa akin.

Eros stopped and he looked at me with obvious annoyance. Nang makita ang ayos ko ay mabilis niya akong hinila sa kaniyang tabi at tinulungan ako sa pagaayos sa aking buhok.

"Ang bilis bilis mo kasing maglakad." Reklamo ko habang sinasalikop ang buhok ko.

He threaded ang nagkabuholbuhol kong buhok. I looked at him seriously doing that while we're in the center of this people. Dahil sa kahihiyang namuo sa aking loob, inagaw ko kay Eros ang buhok at mabilis iyong pinusod muli nang panibagong tali.

He eyed me darkly and seriously. Ngumiti ako sa kaniya.

"Tara na," Sabi ko at nauna nang naglakad, naramdaman kong sumunod siya sa akin and later on, kasabay ko na.

I spent that week finding the Professors I need a signature with. Mas maagang natapos si Eros kaysa sa akin dahil hindi naman mga umalis ang mga Prof niya. He insisted to come with me with that three days kahit na tapos na siya. And I really appreciate how thoughtful he is.

My favourite music resonated when my alarm for this day ringed. Diretso ang titig ko sa kisame ng aking kwarto at ilang minuto pang natulala bago ko pinatay ang alarm at binisita na rin ang group chat namin.

They are all wake so early dahil pagkabukas na pagkabukas ko pa lang, 100 plus messages na agad ang mayroon doon. I saw them reminding us na susunduin kami ng Van nila Eros kaya dapat walang VIP.

Bumaba ako at naabutan si Mama na nagkakape na. She greeted me good morning.

"Enjoy your outing, Hera. Ngayon ka lang ulit makakalabas ngayong bakasyon."

Tama si Mama dahil ang mga nakakaraang taon ay nasa Maynila kami. I rarely had my bonding with my friends since I entered college kaya excited ako for today.

Maligaya akong tumango.

"And we're not going to Manila." She announced kaya nagtataka akong tumitig sa aking ina.

She smiled wearily and I can't help but noticed how she acts like that for the past few days already.

"Ma, may problema ba?" Hindi ko na nakayanan.

Mama's weary smile didn't fade. Umiling siya at naglahad ng kamay sa akin. Sumunod ako at mabilis niya akong niyakap. I sat on her lap, making it look like I am a kid.

"Wala. I just realized that you're starting to really grow." She mumbled in my hair.

"Ma, ngayon mo lang 'yan narealize when I am turning twenty two already months from now." Natatawa kong sambit.

Humigpit ang yakap ni Mama sa akin.

"How I wish you remain that kid I used to have, Andy. But I also want to see you grow and reach your dreams. It is satisfying to see for a mother when she can see her child genuinely happy."

Ngumiti ako kay Mama dahil masyado na siyang nagiging emotional. I understand because for these long years I had, she solely sustain me and I can't be more proud of how she was able to do that.

"I will make you proud of me, Ma. Kaunting kaunti na lang." I positively said.

"I am so proud of you ever since."

Ngumiti ako at niyakap pabalik si Mama nang mahigpit. Like this will be the last day we can hug each other, I hugged her so tight.

"Maybe it's time to make your wishes come true, lagi na lang si Mama, e." Natatawa niyang sambit.

I waved Mama a goodbye before I entered the Van with Eros. Si Eros ang pumasok sa loob ng bahay namin para sunduin ako dahil masyado akong naging huli na nariyan na agad sila sa labas habang nagbibihis pa ako. I saw how my mother looks at Eros all smiles while Eros remained serious as he watched me going down from the stairs.

"Ang prinsesa, sabing bawal VIP." Si Gelou ang nangasar sa akin at hindi ko napigilang yakapin silang dalawa ni Jeanelle.

"Okay lang si Hera ang VIP, huwag lang tayo." Si Augustina na nakisali.

I greeted my friends and I am so happy dahil kumpleto kami. Kirby and Anjhon at the back grew maturely, far from how I used to remember them. They smirked at me and eyed someone in front.

"Last na kita natin ay noong birthday ko, but it seems like you all grow in that span of time."

Tumawa ang mga lalaki at nakisabay rin ang mga babae dahil sa aking sinabi.

"So we look like a kid to you noong birthday mo?" Tanong iyon ni Kirby kaya napakurap kurap ako.

Nagtawanan sila at nagsimulang mamuo ang kantyawan at asaran dahil sa sinimulan ko. The trip to the hotel we're going is full of chaos. Sobrang ingay sa sasakyan at ni isang minuto ata ay hindi kami tumigil sa kakasalita. We missed each other so much, if it is not obvious on how we are acting now.

Mabilis akong hinila nila Jeanelle palabas ng sasakyan. Wearing my slippers naramdaman ko ang mapipinong buhanging iilang dumikit sa aking balat sa paa.

"Ako na aasikaso sa loob. Go ahead to our cottage." Si Eros at mabilis na pumasok sa isang pasilyo patungo sa loob ng hotel.

Sabay sabay kaming pumunta sa reserved cottage namin at nag-ayos ng mga gamit.

"Tirik na tirik na agad ang araw. Tara na!"

Nagtatakbo si Augustina sa dalampasigan kaya natawa ako. Hindi ako umalis sa pwesto ko at nagpatuloy sa pagaayos ng gamit. Eros came and he is already topless, wearing only his khaki pants and with his aviators he looks like a tourist.

Nagiwas ako ng tingin dahil sa pagkakamangha sa kaniya. I can't deny how his body also matured.

"You gonna wear that for swimming?" Tanong niya sa akin.

I am wearing a brown knitted crochet top and a washed out maong shorts.

"Uh, oo? Hindi rin ako marunong lumangoy kaya baka hindi na rin ako maligo sa dagat."

"I'll teach you, then." Aniya na narinig ng lahat. Dumating ang mga babae at sabay sabay silang ngumisi sa amin.

"Sana all tinuturuan." Si Gelou at kumuha ng isang stick ng hotdog.

Hindi ko alam kung dahil sa init o sa sobrang kahihiyan, I feel so hot and I think it is obvious in my cheek. Maputi ako at mabilis mapansin ang aking pamumula, and all I can wish is sana hindi nila mapansin.

"A-ayoko rin, takot akong malunod." Bawi ko sa kahihiyan.

"Lahat naman takot malunod, Hera. Pero hindi ibigsabihin na hindi mo na susubukang matuto." Si Kirby in his serious tone kaya napabaling ako sa kaniya.

"Oo nga, tama si Kirby, Hera. Tsaka willing naman ikaw turuan ni Eros." Ngumisi si Augustina sa akin.

Nilingon ko ang aking katabi at nakita na nakatitig siya sa akin, wala na ang aviators na suot kanina. Eyes hooded and soulful, his gaze faze me. Nagiwas agad ako ng tingin at naabutan ang mga nakangisi nilang titig sa aming dalawa.

"Pansin ko na noon na parang mayroon, e. I just confirmed it today." Makahulugang sinabi ni Anjhon.

Namilog ang aking mga mata at nagsimula akong kabahan.

"What do you mean, Anjhon?" Si Eros sa malamig at mababang tono.

"May something sa inyo?" Natatawa nitong tanong.

And before I could have my embarrassment more, umiling na agad ako at pinabulaan ang kanilang haka haka.

"Ano ba kayo, magkaibigan lang kami ni Eros. Augustina is always busy kaya si Eros ang madalas kasama ko sa school the reason why we end up being so close."

Tsaka ko lang natanto na masyado akong defensive.

"Okay, sabi mo, e. Madali naman kami kausap." Sabi nila na hindi ko pinaniwalaan dahil mukhang hindi naman sila naniniwala.

Binalingan kong muli ang aking katabi para makakuha ng tulong sa kaniya sa pagpapaliwanag ng totoo pero nang makita ang hindi mapangalanang emosyon sa kaniyang mga mata ay hindi ako nakaimik.

"Tara na mag'swimming!"

Mabilis siyang tumayo at naglakad na patungo sa dalampasigan. I watched his bare broad back and in a swift move, he swims.

"Tara na, Hera." Aya sa akin nang nahuhuli na si Kirby.

Nilingon ko siya at malungkot na umiling.

"Mamaya na." Halos bulong iyon na narinig niya naman.

Tumango siya at iniwan na ako sa loob ng cottage magisa.

My heart started racing again and it is not because of happiness. I feel guilty. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top