Kabanata 35

Kabanata 35

Party

There is no more satisfying today than to hear that his feelings remained despite me not giving it back to him. I don't know how he can do that to me. My messed mind a while ago halted when he told me his words, and I am so crazy to be this way over him.

Tinanggal niya ang hawak sa aking kamay, at kung kanina hinihiling ko na mawala iyon doon, ngayon gusto ko na lang manatili ito doon. Nakaramdam ako ng pangungulila nang mawala ang mahigpit niyang hawak ngunit napaltan din agad nang kakaibang saya ang puso nang yumuko siya nang kaunti para makita ng maayos ang aking mukha.

"You'll text me again, and we will have our lunch together."

Tumango ako at hindi nakakayanan ang titig niya sa akin. I always looked away when he's like this.

"At sasabay ka na ulit sa akin."

"How about Selena? Hindi ba at inihahatid mo siya?"

Kumunot ang noo niya sa aking sinabi. He looks like I've said something weird.

"I only did it once. Pupuntahan sana kita sa department ninyo pero pinara niya ang sasakyan ko."

Ngumuso ako, naisip ang kwento ni Selena na ibang ibang sa sinasabi ngayon ni Eros. Siguro ay ganoon niya lang talaga ka'gusto si Eros para mag'assume ng sobra?

"But you did fetched her noong naggawa kayo ng project sa bahay ninyo?" I asked with no trace of bitterness even though it is dripping like crazy inside me.

"Isasabay ko dapat ang buong grupo pero nauna na ang iba at siya na lang ang natira." Mas lalong kumunot ang kaniyang noo.

Tumango ako at tinignan na ang oras sa aking relo. We are already talking for almost half an hour, kung magpapatuloy ito ay mahuhuli na ako sa klase.

"I don't like her." He said na nagpabaling sa akin sa kaniya.

"At hindi ko na rin siya kinausap simula noong iniwasan mo ako."

"B-bakit? Magkaklase kayo, she likes you. Don't be rude, Eros!"

I can imagine Selena forcing a conversation or getting nearer to him but he always refused. I know his reputation; he's very friendly not only with boys but also with girls. I am not evil to hinder him from being friends with others.

"I am not. I'm not interested so," Aniya at tumuwid sa pagkakatayo.

Dahil sa laki at tangkad niya kinailangan ko pa talagang tingalain siya. How I wished I am still not twenty one so I can grow more.

"You only talk to girls you're interested with?" I curiously asked.

He smirked. Namula ako nang may natanto sa sariling tanong. He tilted his head and gave a small handsome laugh.

"P-pasok na ako."

Tumango siya habang ngiting ngiti pa rin habang hindi naman ako magkandaugaga kung saan dadaan. Tumabi siya sa daanan and he even used his hand to show the way like he's a guard of the princess. Mabilis akong naglakad palabas ng grandstand pero nakalimutan ko ang libro na bitbit kaya bumalik ako nang hindi siya tinitignan.

I get it like flash at naglakad rin na parang hangin sa sobrang bilis.

I felt at peace during my next classes. I am very inspired to listen and participate in class. And it's funny to think that I will never get rid of college without experiencing Academic block because of these feelings.

Eros is waiting for me in the Kiosk when I past there. It's one in the afternoon and he's alone. I expected him to have his friends pero wala, katulad noon, ako lang ang hinihintay niya.

"You didn't attend your one pm class?"

Dahil ang alam ko ay may klase siya ngayon.

Umiling siya at nagsimula na kaming maglakad.

"Kayang kaya kong habulin ang ituturo ngayon."

Ngumisi ako at natatawang umirap.

"Yabang."

Tumawa siya at siya na ang pumila para makabili ng pagkain. Mabilis rin akong bumalik sa klase dahil trenta minutos lang ang break ko. And after all my classes, I waited for Eros in the parking area. Hinatid niya ako at para akong nakalutang sa hangin sa sobrang saya.

Nangingiti ako habang nagluluto ng ulam para sa aming hapunan. Ang makakakita sa akin ay iisiping baliw ako, pero hindi ko kasi mapigilan maalala ang nangyari kanina. His confession again about his feelings seems so surreal to me.

Too surreal that I slightly feel a spang of pain and guilt. He's so sure about his feelings to me, he can assure me about how he feels for me, yet I am here, so confuse and scared on when I can be able to tell him that I feel the same.

Mama's words resonated in my mind. If we are really meant for each other, the time can wait, he can wait.

But, can I wait?

Hindi ba hinahabol ang taong gusto mong maging parte ng buhay mo? Magtitiwala lang ba talaga dapat tayo sa oras? Let the time decides for what will happen in the future? I don't know. It's still so shallow to me, but maybe, I can trust time.

Umiling ako at inignora ang negatibong naiisip. Tapos ko na ang homeworks nang dumating si Mama. I told her good news and she's so happy for me.

Nakangiti si Mama habang pinagmamasdan akong kumakaway sa kaniya. I am inside Eros' car, he really fetched me so early kahit na afternoon classes pa siya. Itinaas ko na ang bintana ng sasakyan at umandar na ito.

I looked at him while smiling. "Uuwi ka pa ba sa inyo mamaya?"

Kasi alangan namang maghintay siya nang ilang oras bago ang klase niya, mababagot lang siya.

Umiling siya at sumulyap sa akin ng isang beses.

"You have two hours vacant after your first class, right?"

Tumango ako at agad nakuha ang gustong iparating ng kaniyang tanong. Kaya naman pagkatapos ng isang oras sa klase ko sa umaga ay agad akong pumunta ng Kiosk. I saw him there waiting patiently and so good looking. Sinundan ako ng tingin ng mga babaeng dumaan at sabay sabay na umirap.

Nginitian ko si Eros and I started my usual story telling about my classes to him. Everyday in that month, ganoon ang naging set up namin. Months more passed and holidays started. Mas naging madalas siya sa bahay at minsan ang aming mga kaibigan. I am so grateful dahil hindi ko na kailangang hilingin sa kaniyang makita siya araw-araw dahil siya na mismo ang kusang bumibisita.

Nang umuwi ako sa Manila, he was also in vacation with his family in Cebu. We never stop texting and talking to each other even we are so a far. But even with those talks, I still miss him. And it was obvious, dahil noong nagbalik escuela, I can't help myself but to half run towards him.

"I'm sorry kung hindi kita nasundo. We got home late, I slept too much."

"Ayos lang." Masaya kong sambit dahil wala akong pakialam kahit hindi niya ako nasundo basta nasa harap ko siya ngayon.

He noticed my obvious excitement to his presence kaya unti unting sumilay ang ngisi sa kaniyang labi. Nahiya naman ako kaya nagiwas ako ng tingin. Binuksan ko ang aking bag at kinuha ang pasalubong ko para sa kaniya.

We talked about what we did during our vacation, dahil hindi namin iyon napaguusapan sa telepono.

"My Dad's birthday is on Saturday. Kung wala kang gagawin, punta ka."

Nanlaki ang mga mata ko sa kaniyang anyaya. I never see Governor personally, kung makakapunta ako, iyon ang magiging una kong pagkakataon.

"Bakit?" Nagtataka niyang tanong sa halatang gulat kong ekspresyon.

Umiling ako at ngumiti, inayos ko ang sarili.

"Hindi ko pa nakikita si Governor simula noong lumipat kami dito."

Tumango siya, "You'll see him and I will introduce you to him if you're going."

"Pupunta ako!" Masaya kong sambit na ikinangiti niya.

Kaya naman sa klase wala akong ibang maisip kundi ang darating na Sabado. I don't know why I am so excited. Siguro dahil ito ang una at pamilya pa siya ni Eros. His mother is probably there, too!

Sobrang saya ko sa nagdaang araw at tsaka lang nakaramdam ng nerbyos nang dumating na ang sabado. Eros told me that he will fetched me four in the afternoon dahil magsisimula ang salu-salo six in the evening.

"You can bring Tita." Suhestiyon ni Eros.

"Sasabihin ko kay Mama at paniguradong gusto niya ring makita si Gov!"

Kumunot ang noo ni Eros at hindi umimik. Nagpatuloy siya sa pagkain at ganoon din ako. Muli nga lang siya nag-angat ng tingin kalaunan.

"Do you still miss your father?" He asked out of nowhere kaya natigil ako sa pagkain.

Malungkot akong tumango.

"Is that the reason why you're scared for any relationship? Because of your father?"

I don't know how he come up with that idea. Pero halatang lubusan niyang pinagtuonan iyon ng oras para pagisipan ng mabuti. Natutuwa ako dahil kahit hindi ko naman sinasabi sa kaniya ang epekto ng pagkakawalan ko ng Papa ay naisip niya pa rin ito.

Hindi niya na hinintay ang sagot ko at nagbago na lang ng topic. And I appreciate how he can respect me. Hindi niya ako pinipilit na sagutin ang lahat ng tanong sa kaniya, na sigurado akong marami pa siyang tanong na hindi naisasatinig dahil sa nirerespeto niya ang desisyon ko.

Short model semi-formal dress in maroon is what I'm wearing. This is my best dress in my wardrobe so I think this is fine. Tinulungan ako ni Mama sa pagaayos sa aking sarili dahil nakakasigurado akong pormal ang party na iyon. Mama braided my hair in the back loosely and put it in my right shoulder. My hair is so long that it is so perfect for this kind of braids. Ang ibang kulay ng buhok ko sa dulo ay agaw pansin, this make my hair looks like a mermaid's tail.

"Ayaw mo po ba talagang sumama?" Muli kong tanong kay Mama dahil nang sinabi ko ito sa kaniya noong lunes ay agad siyang tumanggi.

Naiintindihan ko namang day off niya ang araw na ito at gusto niyang magpahinga pero syempre, isa itong oportunidad para makita ang Governor. Not everyone is invited to the party, swerte ko at kaibigan ko si Eros.

"Hindi na, Andy. Huwag ka lang uuwi ng hating gabi, ha." Paalala ni Mama.

"I'm with Eros and our other friends."

Tumango si Mama at hinawakan ang kamay ko. Malungkot ang kaniyang mga mata ng titigan ako nito. Nagtaka ako kaya pinatong ko ang kabilang kamay ko sa kaniyang kamay na nakahawak sa akin.

"Enjoy the party, anak. This is your first time."

Natawa ako sa sinabi ni Mama.

"Ma, umattend ako ng Junior and Senior Promenade noong high school, hindi ba?" Natatawa kong wika dahil nakalimutan ata ni Mama.

Ngumiti siya pero bakas ang lungkot sa kaniyang mga mata. That no matter how she tried to hide the sadness through her smile, it's obvious in her eyes.

Bago ko pa man din matanong kung anong problema, dumating na si Eros. Mabilis akong bumaba at nagpaalam kay Mama. Kasabay namin si Augustina at Zeus papunta sa kanila, ang iba naming kaibigan ay hindi makakapunta dahil mga nasa kabilang bayan pa.

"Ang ganda naman ni Hera." Asar sa akin ni Augustina nang umupo ako sa kaniyang tabi sa likod.

Nasa shotgun seat si Zeus kaya nasa likod ako. Nangingiti akong umiling kay Augustina at nasulyapan ang titig sa akin ni Eros mula sa rear mirror. I smiled at him and he did, too.

"Ganda ba, Eros?" Walang hiyang tanong ng kaibigan namin na tinawanan na lang ni Eros at Zeus sa unahan.

Maraming kwento si Augustina sa amin habang nasa biyahe. Hindi matapos tapos kaya hindi naging tahimik ang biyahe patungo sa kanila. Pansamantala ko ring nakalimutan ang kaba dahil roon, ngunit nang makarating na ay nagsimula nang magtakbuhan ang mga kabayo sa puso ko.

Sabay kaming bumaba ni Eros at agad niya akong binalingan.

"You are so beautiful, Hera." Bulong niya at naglahad sa akin ng kamay.

Namula at nahiya ako sa kaniyang sinabi. Para hindi niya mahalata ay tumawa ako.

"Bolero ka, ha."

"I'm not." Aniya at siya na mismo ang kumuha sa kamay ko.

Mabilis na tumabi sa akin si Augustina at ngumisi. Papansinin ko sana kung hindi ko lang nakita sa bukana ng tanggapan ng kanilang mansion ang kapatid ni Eros na si Van. He's with a familiar person, kapwa seryosong nag'uusap habang tinatanaw kaming palapit.

Arthur's eyes darted on Eros and mine's hand. Agad din namang nag'angat ng tingin at nakataas ang kilay na humarap sa amin. He smirked when Zeus and Eros both greeted them, ganoon din si Augustina. Ako naman ay parang pusa kung mahiya. Mabuti at pinansin naman ako ni Van.

"Long time no see, Ate Hera!" Natutuwang bati sa akin ni Van.

He grew and if I am not wrong, he's already Senior High. Katulad ng pangangatawan noon ni Eros nang kasing edad niya ang kapatid ay ganoon din ang kay Van. And he seemed to mature... halata sa kilos at pagsasalita niya.

"O, you call her 'Ate'?" Puna ni Arthur na bakas ang pangaasar.

Ngumisi si Van at hindi na sinagot. Inaya na kami sa loob at agad ako hinaklit ni Augustina mula kay Eros dahilan nang pagkakawala ng hawak ko sa kaniya. I looked at him at our back habang nauuna kaming maglakad. Arthur and Van, together with Zeus, is talking to him. But despite their conversation, he remained his eyes pasted on me. I smiled at him and started to wander my eyes.

Wala masyadong nagbago sa kanilang Mansion, siguro dahil wala namang kabago bago at napaka'ganda at modern na nito. Dinagdagan lang ng ilang palamuti to make the mansion look like a castle with a party. Marami ng tao at kapwa halatang mga mayayaman ang naroon dahil sa kanilang mga ayos.

Older people are talking to each other in a very formal way. I even saw some girls our age stand and talk so primly. Ilan ang bumaling sa pagdating namin pero nakakasigurado akong hindi dahil sa amin iyon ni Augustina kundi dahil sa mga kasama namin.

An old man with eye glasses walk toward us and greeted the Governor's sons and Arthur.

"You grew, Van and Eros!"

Hindi ko na narinig pa ang idinugtong dahil hinila na ako ni Augustina patungo sa mga upuan sa labas. Zeus come with us at nakita ko sa loob na kinakausap pa rin ng matanda sina Eros.

Lit fires are all over when we entered the Garden. Kanina sa loob, sa mga upuan at lamesa ay nakita ko sa gilid ang mga nakahandang mga pagkain at katulad sa loob, may nakahanda ring maraming pagkain sa labas. I even saw the largest chocolate fountain I have never seen in my life.

Single couches, sofas and disco lights surrounded the whole area. I think this place is for the younger people. Dahil kumpara sa loob, mas maingay dito dahil sa Dj na nasa harapan at may kung ano anong pinipindot.

Boys and girls I am not familiar with smiled at us. Nginitian ko sila pabalik pero pagkakalagpas ay nahihiya ako. Mukha naman silang mababait pero siguro dahil sa magkakaiba naming estado kaya ako nanliliit.

"Ang boring doon sa loob. Maganda lang doon ay ang mga pagkain." Bulong sa akin ni Augustina habang umuupo sa isang sofa.

Mukhang sanay na sanay na siya sa ganito samantalang ako ay hindi. Ito ang una kong pagkakataon na maka'attend ng ganito kagarbong party.

"This is my first time for this kind of grand party." I honestly said.

"Nakakahiya talaga kapag first time, pero masasanay ka rin. Unang imbita sa amin dito ni Eros, ganiyan din kami pero nasanay na kami. Mababait ang mga tao dito kahit mayayaman sila." Aniya habang kumukuha ng juice sa dumating na nakaputing suit with bow tie.

Inalok ako pero hindi ako tumanggap dahil nahihiya pa rin ako at wala akong gana uminom.

"Those boys and girls are the daughters and sons of the Senators of the Philippines. Ang iba diyan ay anak naman ng mga Mayor sa karatig bayan natin." Augustina said in a very informative way.

Tinignan ko ang mga nagkakasiyahang mga kapwa namin kabataan. They all seem so close to each other.

"Kita mo 'yong naka'beige long dress?" Nginuso niya ang babae at agad 'kong nakita.

Curly short hair, tall and very sexy girl in her long dress is demurely conversing with the other guy.

"May gusto 'yan dati kay Eros, ngayon kay Arthur naman. Babae ni Van ngayon."

"Huh? Ilang taon na ba 'yan?"

"Eighteen. A year older than Van. Pero kilala mo naman siguro si Van, he's a playboy."

Hindi ako nagulat na babaero si Van pero nagulat ako na sobrang bata pa ng babaeng iyon. She looks so mature while I look like a boiled potato at this age.

"She looks mature than her age." Puna ko.

Nginisian ako ni Augustina at tumaas ang kilay, "Parang ikaw."

Lumabas galing sa loob magisa si Eros at agad nahanap ang pwesto namin. Diretso ang lakad niya sa amin ngunit natigil nang binati siya nang isang lalaki na halos kasing tangkad at laki niya.

"You're prince charming is coming." Asar na naman ni Augustina na narinig ni Zeus at ngumisi.

Eros looks so dashing in his black suit and red necktie. Malinis at maayos ang pagkakaayos ng kaniyang buhok, nasa tamang haba ito. His body well fitted his formal clothe for tonight. He's tall, lean and masculine that there is no doubt that he couldn't catch everyone's attention while making his way on us.

Bakit kasi ang pogi ng nilalang na 'to kahit sa anong suot?

Umiling ako. Eros continued his walk toward us and when some girls tried to talk to him he only raised his hand. Nakarating siya sa harap namin at tinitigan agad ako ng mariin.

"Let's go inside. Papakilala kita kina Papa."

Namilog ang aking mga mata sa kaniyang sinabi. Naglahad siya ng kamay ngunit hindi ko kaagad natanggap at nilingon pa ang dalawang kaibigan.

"Ikaw na lang. Ikaw na lang hindi pa kilala." Augustina smiled assuringly at me at itinuro ang kamay ni Eros.

"Let's go." Muling sambit ni Eros kaya napatingala ako sa kaniya.

Huminga ako ng malalim bago tinanggap ang kaniyang nakalahad na kamay at tumayo. Iginiya niya ako sa loob at hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba.

"Kailangan ko pa bang makilala?" Tanong ko sa kaniya habang naglalakad kami papasok.

Girls and boys turned their heads on us when they saw us walking. But I care less anymore now that I could only think is about his parents.

"I thought you're excited to meet my father?" Tanong niya sa akin nang nakakunot ang noo.

"Oo... kaso nahihiya ako." I matter-of-factly said.

"Don't be. They won't bite you."

At nagawa niya pa talagang magloko gayong kabadong kabado ako. He felt my nervous when my hands turned so cold and almost shivering. Natutuwa niya akong binalingan pero hindi na nagsalita dahil mabilis naming nakita si Governor na nakikipagusap sa isang kilalang Politiko.

Like he knows that his son is coming, his head turned to us. His all smiles when he welcomed us.

"Eros! Sino itong magandang dilag na kasama mo?" His voice is like Santa Claus'. Sobrang lakas at malalim.

My hand remained trembling as I gave my sweetest smile to the person I have never met before. He looks exactly like Van, but not Eros. Halata sa pangangatawan at hitsura na magandang lalaki siya noong kabataan niya. A bit older now, but his features shout for perfection. Narrow nose, pink lips, black deep set eyes, and a perfect shape of face given to a man like him. His jaw is highlighted when he gritted his teeth and when he smiles, tall and very massive body built. If I am not wrong, he has a foreign blood for his perfect features.

"Pa, this is Hera, kaibigan ko po." Pakilala sa akin ni Eros.

Naglahad ng kamay ang kaniyang Tatay at dali dali ko iyong tinanggap. Huli ko na naalalang nanginginig nga pala ito.

"S-sorry po. I'm a bit nervous."

Ngumiti si Governor at parang may naaalala ako sa kaniyang ngiti. Bumitaw siya at agad kong tinago ang kamay sa likod. Pinisil pisil ko ito para hindi kabahan. Eros noticed it because he looked at me a bit confuse.

Eh kasi naman parang noong nakaraan lang sobrang excited ako tapos ngayon, nako.

"Don't be nervous, Hera." His deep voice wakens something in me.

Parang may humawak sa puso ko nang marinig ang kaniyang boses at assurance. His smile never fade that I don't think it's right to feel my heart in pain because of so much... happiness.

"So you're my son's friend. Akala ko at ipapakilala ka niya bilang nobya."

Nilingon ko si Eros at nakita kong ngumisi lang ito. Agad akong umiling.

"H-hindi po."

"Oh? Bakit? Masyado bang mabagal 'tong binata ko?" He let out a hearty laugh.

Gumaan ang pakiramdam ko dahil sa tawang iyon.

"Pa," tawag ni Eros na may bahid ng pagbabanta.

Tumawa pa lalo ang kaniyang Ama at tinapik siya sa balikat.

"Hindi ko alam kung mana ka ba sa Papa mo." Makahalugan nitong sambit bago muling bumaling sa akin.

"Kanino kang anak, hija?"

"Kay Heralyn Barrientos po. Mula po kaming Maynila pero dito po lumaki si Mama kaya kami bumalik."

Bakas ang excitement ko sa pagkekwento tungkol sa aking ina. Alam kong malabo niyang kilala si Mama pero hindi ko maiwasang matuwa kapag binabanggit si Mama sa ibang tao.

Governor's smiley face suddenly turned grim. Napawi rin tuloy ang ngiti ko. Naramdaman ko ang paghawak ni Eros sa aking kamay sa likod kaya nilingon ko siya.

"Anak ka ni Heralyn?" Tanong ni Gov kaya napabaling muli ako sa kaniya.

Nabuhayan ako sa tanong niya dahil mukhang kilala niya si Mama. Maligaya akong tumango.

"Kilala ninyo po ang Mama ko?" I can't hide my amusement.

Ngumiti ito at marahang tumango.

"Oo. Kilala ko ang Mama mo."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top