Kabanata 32
Kabanata 32
Story
Hindi ako iniwan ni Eros kahit pa marami na silang ginagawa. He stayed beside me until he was satisfied to see me not faking my emotions.
Ganoon talaga, minsan mapapaisip na lang ako, mangungulila, but at the end of the day, wala akong magagawa kundi tanggapin na lang. Hindi nawawala sa akin ang pagasa. I know that I have been in that time of my life where I already accepted that I have no father in this lifetime, but for I don't know reason, despite the love I am receiving from the people I truly love, I still look for him in the crowd. In places I am hoping to see him.
"Bumalik ka na doon at ayos na ako. Malapit na rin namang mag'ala una at pupunta na ako sa classroom." I assured him when he didn't leave.
Tinititigan niya ako na para bang laging palaisipan sa kaniya ang mga sinasabi ko. Naiintindihan ko siya, dahil kilala ko ang sarili ko, I am not the person who tell my personal life to anyone. I am contented being with them and separate my personal life, pero iba si Eros. He can make me tell him what's on my mind. Hindi ko alam kung dahil ba sa titig niya, sa lahat ng ginawa niya sa akin, o ang pinaparamdam niya sa akin kapag kasama ko siya.
"Wait for me, then later. Sasabay ka sa'kin." He said before forced himself from leaving me.
Ngumiti ako dahil sa ilang taon naming pagkakaibigan, he never failed to make me feel that I worth the love my father failed to gave me.
Nang nakababa siya sa field ay nakita ko pa siyang isang beses na sumulyap sa akin at hindi ko mapigilang matawa. Ang pagaalala ay bakas sa kaniyang mga mata at sa kaniyang kilos dahil kada minuto ay nililingon niya ako.
Nanatili pa ako ng ilang minuto doon bago nagpasyang dumiretso na sa aking klase. Lumingon muli si Eros kaya kinawayan ko na siya. Hindi niya ako kinawayan pabalik sabagkus ay mariin lang akong tinitigan. Ngumuso ako at tinalikuran na siya.
Unconsciously, I feel myself smiling the whole time I am walking. Iba talaga ang dating niya sa akin. Nakakabaliw.
At kagaya ng sinabi niya, hinintay ko siyang matapos mag'ayos ng kanilang booth. Some of his classmates looked at me, tila nagtataka kung bakit ako naroon. Hindi ako kumportableng tinitignan nila ngunit kailangan kong hintayin si Eros. Hindi rin naman nagtagal at inaya na niya akong umuwi.
"Tatlong araw na lang ay kaarawan mo na ulit." He said while his eyes are directed on the drive way.
Tumango ako dahil tama siya.
"May iba ba kayong plano ng mama mo o sa bahay lang ulit?"
"Siguro at sa bahay na lang. Ayokong gumastos sa labas at marami ngayong gastusin sa school."
Hindi siya umimik kaya binalingan ko siya. His jaw move and he swallowed hard making his Adams apple obvious. For the three years, mas lalo siyang gumwapo at lumaki. He's already handsome and massive the first time I saw him, he attracts so much girls with his looks, at hindi ako nagkamali noong pinredict kong he will grow more.
He likes his hair a bit longer than a normal haircut of boys. Wala man masyadong nagbago sa kaniyang hitsura, marami naman sa kaniyang pangangatawan. His massive and tall body built can surpass all the supermodels in the Philippines. I heard that he once approached by a talent scout habang papasok. But he refused, dahil hindi naman niya gusto ang mga ganoong bagay. Akala ko nga at Political Science ang kaniyang kukunin dahil sa kaniyang tatay but I am wrong when he chose Business.
"Can I go there?" Tanong niya na para bang first time niyang pupunta sa aking birthday.
Ngumisi ako at hinilig ang likod sa backrest ng upuan ng kaniyang sasakyan. Patagilid ko siyang nilingon at mahigpit na hinawakan ang gamit ko sa aking kandungan. Mabilis niya akong sinulyapan at binalik ulit sa daanan ang tingin.
"Oo naman." Mahina akong napatawa sa aking sagot.
Mabilis na kumunot ang kaniyang noo at ngumuso. He tightly holds on the steer wheel making his biceps swell on his dark blue shirt sleeve.
"That's on Thursday. Mayroon tayong pasok kaya sa gabi na ako makakapunta."
Tumango ako. "May pasok rin naman ako. Hindi ako liliban dahil may tatapusin pa kaming group project."
"That group project with Jude?" He asked so coldly, naramdaman ko tuloy ang lamig na hatid ng kaniyang air-conditioned na sasakyan.
"Oo,"
"Lagi mong kagrupo 'yon, a."
I bit my lip to halt myself from smiling widely. Sa ilang taon naming palaging magkasama, madalas niyang makita na kasama ko si Jude at ang iba pang close kong kaklase. Ayoko mang mag'assume but his actions say it all.
Hindi ako sumagot kaya napatingin siya sa akin. Madilim na titig ang kaniyang ginawad sa akin. Umiwas ako ng tingin at muli lang binalik noong ibinalik na niya ang tingin sa daan. He's all serious and his jaw is tightly clenched while looking at the road.
"Last group project na 'yon. Baka hindi na rin kami magkita sa second sem." I added so he can loosen up his sudden anger to me.
Pero walang nangyari at nanatili siyang nakatitig sa daanan. May dumaang sakit sa aking dibdib kaya napatingin na lang ako sa labas. It's always like this. Kapag hindi niya ako pinapansin ay nakakaramdam ako ng anong sakit. Siguro ay hindi na mabubura sa akin iyon, that's his affect on me. He can make me happy and sometimes sad and hurt.
"Hindi mo pa kahit kailan pa nakikita ang papa mo?" He asked out of no where kaya namilog ang mga mata ko.
Hindi niya ako nilingon. Nanatili ang kaniyang ekspresyon na seryoso at halos galit. Alam kong ilang beses na akong handang sabihin sa kaniya ang tungkol sa aking Papa, pero sa ilang taon naming pagkakaibigan, he never dared to asked me. I am just shock.
"Sorry, huwag mo ng sagutin." Pahabol niya nang natahimik ako.
He might think that I am not comfortable talking about this to him. Nangilid ang luha ko sa kaisipang matagal ng tumatakbo sa utak ko. Sa lahat ng kaibigan ko, siya lang ang isang taong nagparamdam sa akin na hindi ko dapat kinikimkim ang lahat ng sakit sa sarili ko. At sa dami nila, sa kaniya ko lang naramdaman ang pagiging handa ko sa pagkekwento.
"Hindi, okay lang."
Isang beses akong huminga ng malalim at inayos ang pagkakaupo.
"I remember that one time you tell your story about your father noong senior high tayo."
Nagulat ako dahil matagal na iyon. Hanggang ngayon ay hindi ko pa nakakalimutan ang mga sinabi ko noon dahil iyon ang unang pagkakataon na nagkwento ako tungkol sa aking ama. I didn't expect that he'll remember it.
"Lumaki akong walang kinikilalang ama. Noong bata pa ako, hindi ako naghahanap. I am contented with just my mother, not until nagsimula na akong magkaisip. I entered school and that is the first time I suddenly felt incomplete. I wonder why and just found out that there is a missing piece in my life when I see other kids with their father."
Ngumiti ako ng mapait sa alaala. Bata pa lang ako, nangungulila na ako sa kaniya.
"Nagtaka ako kung bakit sila may Tatay tapos ako w-wala." Pumiyok ako sa huling salita na kinailangan ko pang huminga ng malalim.
Itinigil ni Eros ang sasakyan sa gilid at agad akong nilingon. The unshed tears in my eyes make my sight blurred.
"You're not comfortable talking about this. Huwag mo ng ituloy." He said with so much concern etched in his voice.
Umiling ako. How could he make me stop kung sa kaniya ko lang nararamdaman ito? And he's so wrong if he thinks I am uncomfortable.
Nilingon ko siya at nakitaan ko ng sakit ang kaniyang mga mata, as if he's also hurt seeing me this way. Ngumiti ako para ipakita sa kaniyang ayos lang. Hindi man lang natinag ang kaniyang ekspresyon.
"I remember those days when everyone is envy to me. Lahat ng contests na salihan ko, nananalo ako. I am consistent first honor student. Mahal na mahal daw ako ng mga teacher. And they even get envied on how mature I am when I was just only on my 13s. Ang hindi nila alam, mas naiinggit ako sa kanila. Because despite the love I receive from the people who love me, despite the recognition and awards I had receive, I may be selfish but I want more. I am looking for that someone I never met to hook all those medals in my neck, cheered and cried to all my achievements and hug me to show much he loves me."
Tumulo ang pinipigilan kong luha at agad ko iyong pinalis. Eros helped me to wipe my tears away, but I am still not finish.
"There are no days passed that I forget to pray to meet him even just for once. Makita ko lang siya at makilala ay sapat na sa akin kahit pa nakakasigurado akong may pamilya na siyang iba. Lagi akong umaasa na minsan sa buhay na ito ay makikilala ko siya. I stayed positive and hopeful for that wish. Kaya noong lumipat kami dito sa Iloilo, sobrang nangibabaw ang pagasa ko na makita siya. Kahit alam kong imposible, kahit na alam kong dito siya nakatira, malaki ang Iloilo at maraming tao. Hindi ako nawalan ng pagasa. But as I grow older, unti unti na akong napapagod. Gusto ko na lang tumigil sa paghahanap."
Tinignan ko siya sa kaniyang mga mata. He's very attentive.
"Pero hindi ko magawa." Bumuhos ang luha ko pero hindi ako tumigil sa pagsasalita. Kahit mahirap ay nagpatuloy ko.
"K-kasi... ang hirap mabuhay na may kulang. That no matter how I tried to be completely happy with this life, ay hindi ko magawa dahil sa isang kulang na parte sa puso ko. At habang tumatagal, ngayong mas tumatanda ako, mas natatakot ako na isipin na maaaring mangyari rin sa akin ang nangyari kay Mama at Papa. How could I believe in real love if their love didn't lasts?"
Bumuhos na parang gripo ang aking luha at walang ibang ginawa si Eros kundi tulungan ako sa pagpalis noon. Ilang saglit pa ay huminahon na ako. It's sad and heartbreaking to tell my story, pero sa tanang buhay ko, ngayon lang ako nakaramdam ng ginhawa.
Nilingon ko si Eros. Naabutan ko ang malalim at madilim niyang mga mata na nakatitig sa akin. I smiled at him.
"Thank you sa pakikinig. Maginhawa pala talaga sa pakiramdam kapag nailalabas mo ang bumabagabag sa puso mo."
Hindi nabago ang kaniyang ekspresyon pero hindi kalaunan ay bumuntong hininga siya. He caressed my cheek and looked for other unshed tears.
"Kaya kapag may problema ka, you tell me."
Dati, si Mama lang ang mayroon akong nakikinig, ngayon, mayroon na rin akong Eros. Ang sarap sa pakiramdam na malamang may taong handang makinig sa kwento ng buhay mo kahit na wala ka namang nagagawa sa kanilang buhay. I never heard Eros to ask for anything return he did to me, and I am very wrong when I once thought that he's not kind.
Masaya akong bumaba at nagpaalam sa kaniya.
"Pumasok ka na." Bilin niya bago pinaharurot ang kaniyang sasakyan paalis.
Ang layo layo pa ng bahay niya sa amin at iyon ang unang nadadaanan kapag pauwi pero ginugusto niya pa ring ihatid ako. Paano ko ba susuklian ang kaniyang kabaitan?
Umiling ako sa naisip na maaaring sagot.
Naglakad na ako nang nakita ko ang mga mata ni Tita Mirna. Nginitian ko ito at binati.
"Dalaga ka na, Andy. May manliligaw na." Biro ni Tita Mirna.
Natawa ako at agad umiling.
"Hindi ko po manliligaw iyon. Si Eros po iyon na kaibigan ko."
A sudden shock appeared in Tita Mirna's eyes. Kumunot ang noo ko at hindi na isinatinig ang pagtataka. Pilit siyang ngumiti bago hinagod ang aking braso.
"Si Eros na anak ni Gov?" Tanong niya nang dahan dahan.
Tumango ako. Ngumiti siya at tumango rin.
"Mukha nga kayong sobrang close..."
Sinabi ni Tita Mirna na may pupuntahan pa siya kaya nagpaalam na akong papasok na sa bahay. Dumiretso sa aking kwarto para magpalit ng damit. At kahit hanggang sa pagtulog, I can't help myself but to remember how I told my story to Eros.
Days went on and Eros became busier to their culminating activity. Naiintindihan ko naman ang pagkakaabala niya sa kaniyang ginagawa dahil katulad ko ay busy rin ako. Pero sobra niya laging pursigido na makasabay ako pauwi. And with those little actions of him, mas naa'appreciate ko siya.
Sobrang saya ang nararamdaman ko habang naglalakad, huwebes ng umaga sa school. Ngayong araw ay kaarawan ko, at ngayong araw din ay magkaklase kami ni Eros sa isang minor subject. Hindi kami lagi parehas ng oras sa minor subject na ito, pero ngayong araw, pinagtagpo kami.
Maong wide leg pants, green button down shirt crop top and Eros' white shoes gift to me on my last birthday is what I am wearing. Hindi ko madalas isuot ang regalo niya dahil iniingatan ko ito, at halatang sobrang mahal kaya ayokong masira agad. And this day is one of those day I have the want to wear this.
Pumasok ako sa room, ten minutes before the class start at hinanap agad si Eros. Wala siya sa loob kaya umupo na ako kahit saan. Baka na'late.
I took out my phone to text him pero may sumulpot ng babae sa harap ko. She's familiar to me but I don't see her that often. I can't help but recognize how beautiful she is.
Tanned skin tone, tall and sexy, with that big boob and obvious peach butt, her eyes twinkles when she smiles and her perfect pointed nose and bow heart lips suited her Italian looks. I am not sure if she has a foreign blood, but based on her looks, she obviously has!
"I'm Selena, ikaw?" Pakilala niya sabay lahad ng kaniyang kamay.
Tinanggap ko iyon at nginitian siya, "Hera."
"Educ student ka 'no?" She asked, smiling at me.
"Oo,"
"Madalas kita makita, e. Gandang ganda ako sa'yo."
Nahiya ako sa kaniyang sinabi kaya hilaw akong napangiti.
"Hindi... mas maganda ka." Mahina at nahihiya kong wika.
"No, really, I'm serious. Inggit ako sa kutis mo, sobrang puti. Mukha kang diwata kapag naglalakad. Everyone looks at you like you can grant their wish." Her smile is so real na kahit nahihiya ako ay ngumiti ako pabalik.
Hindi alam ang idudugtong sa kaniyang sinabi ay napanguso ako. She saw my struggle to continue our conversation kaya nagsalita na ulit siya.
"Boyfriend mo si Eros?" Nakangiti pa rin niyang tanong.
Napawi ang ngiti sa aking labi at napaltan ito ng gulat. Mabilis akong umiling, I even use my hand to show na hindi totoo ang kaniyang sinabi.
"Hindi. Magkaibigan lang kami,"
"Talaga? Madalas ko kayong makitang magkasama, e"
"Ganoon lang talaga. Magkaibigan kami-"
"Lagi pa sabay umuwi." Dagdag niya, her tone changed but her smile remained.
"He's just really thoughtful."
"Swerte mo naman. Dami naghahangad maging kaibigan 'yang si Eros... 'yong iba nga may gusto pa."
I bit my lower lip to what she said. I know that, the reason why I am scared that he might find someone else. Sa dami ng magagandang babae na nagpapakita ng pagkagusto nila kay Eros, madalas ay nai'insecure ako. What if he finds them beautiful and suddenly forget me?
"Gwapo kasi." Dagdag niya pa ulit.
Tumango at magsasalita na sana ngunit naunahan niya ako.
"Gusto ko 'yang kaibigan mo. Kaso masyadong mailap. Kahit groupings, hindi man lang ako pinapansin." Aniya, tunog dismayado kaya nalungkot ako.
It's like me, looking for his attention. Tinignan ko sa mga mata ang magandang babaeng ito. And it's too late for me to realize what she just said.
"Huwag ka maingay sa kaniya, ha. And I bet you can support me for him? Kasi wala namang kayo, diba?" Namuo ang positibo sa kaniyang tono.
Insecurities started to fly in my head, pain and crumbling started to happen inside my heart. Hindi ako nakaimik at umiwas na lang ng tingin. Pumasok ang Professor kasabay ni Eros at hinihingal na dumiretso sa akin. He smiled at me and I tried hard to smile back.
Lumagpas ang tingin ko kay Selena na nakatingin na rin sa dumating na Eros.
Pain is starting to turn into something I am very different with. Something I don't want to feel arises within me. Irritated with the thought of her and Eros, I looked away.
"I'm late." Medyo hinahabol pa ni Eros ang kaniyang hininga nang sinabi niya iyon.
I looked at him with obvious irritation but it changed when he showed me a big box. Namimilog ang mga mata kong tinitigan ang kaniyang hawak.
"Happy birthday." Bulong niya at siya na mismo ang nagpasok ng kahon sa aking bag.
Shocked and taken aback, hindi ako makapakinig ng ayos sa Professor. Wala ako sa maayos na disposisyon hanggang matapos ang klase. I thanked Eros pagkatapos ng klase at nagmadaling lumipat ng building. I want to talk to him more pero mahuhuli ako sa klase ko kung makikipag'usap pa ako sa kaniya.
Staring at the black box with a big red ribbon on it, I wonder kung anong laman nito. Akala ko ay mahuhuli ako sa klase pero ako pa ang nauna sa kanila. Bumuntong hininga ako at hindi napigilan ang pagngiti. He has really his ways on making me happy each and every single day.
"Uy ano 'yan?" Usisa ni Jolly nang pumasok siya sa room.
Agad kong tinago ang kahon sa aking bag at nilingon siya.
"Ang damot, Hera." Dagdag naman ni Pearl.
Tinignan ko ang dalawang kaibigan at umiling. Ilang taon na kaming magkakaibigan at magkakaklase pero alam ko namang hindi tumatak sa kanila kahit minsan kung kailan ang birthday ko.
"Birthday gift ni Eros sa akin."
"Sana all!" Sabay nilang sigaw.
Jude entered the room. Both the girls greeted me na narinig ni Jude kaya binati rin ako pagkapasok na pagkapasok niya. The class sung a birthday song for me. I invited them to our house pero masyado silang nalalayuan kaya nangako na lang akong ilibre sila. Hindi lahat, pero ang mga malalapit lang sa akin.
Nauna akong umuwi kay Eros dahil tutulungan ko pa si Mama sa paghahanda. Tanghali rin ang uwian ko samantalang sa hapon pa si Eros. Kita ko sa kaniyang mga mata ang hindi pagkakagustong mauna ako at umuwing magisa pero wala siyang nagawa nang tinawagan na ako ni Mama.
"Ang aga mo!" Naroon si Tita Mirna at Mama sa kusina nang pumasok ako sa loob.
"Tutulong po ako."
"Hay nako, Andy ikaw ang may kaarawan tapos tutulong ka pa." Ani ni Tita Mirna. Tumawa si Mama sa sinabi niya.
"E, wala na naman po akong gagawin."
"Mag-beauty rest ka! Panigurado at pupunta dito ang manliligaw mo."
Nagulat si Mama na binalingan si Tita. Nagulat din ako sa biglaan niyang sinabi.
"Anong manliligaw, Mirna?" Hindi ko naman nahimigan ang disapproval sa boses ni Mama, pero gulat siya.
"Tita Mirna, kaibigan nga lang po."
"Sino, Mirna?"
"Iyong si Eros! Anak ni Gov!" Nakangising nilingon ni Tita Mirna si Mama kaya kumunot ang noo nito sa kaniya bago ako binalingan.
Agaran ang pagiling ko, mabilis at walang tigil.
"Hindi po totoo iyon. Kaibigan lang po." Paliwanag ko sa aking Mama.
"Ikaw, Mirna, tumigil ka. Kaibigan niya lang si... Eros."
Babanat pa sana si Tita Mirna kung hindi lang siya hinigit ni Mama at sinabihang marami pa silang gagawin. Dumiretso na ako sa kwarto at nagpalit ng pambahay. Tumulong ako kahit na ayaw pa nila. Pagsapit ng alas kwatro ay nagpalit na ako ng damit at muling bumalik sa baba.
Naabutan ko ang mga kaibigan kong kapwa mga nakaabang sa aking pagbaba.
"The birthday girl is so pretty!" Sigaw ni Augustina na inilingan ko.
I searched for Eros when I get nearer. Nakita ko siya sa tabi ni Zeus at tahimik na pinagmamasdan ako.
"She's not a girl anymore, Augustina." Si Kirby. Sinulyapan ko siya at binati dahil ang dalang niya umuwi ng Anilao.
"Tanda mo na, girl." Asar sa akin nila Gelou at Jeanelle.
"Eros, ikaw? Ano regalo mo? Syempre, mamahalin na naman." Tukso ng mga lalaki kay Eros.
Binalingan niya ang mga kaibigan at mayabang na tinitigan.
"He gave a box kanina. Hindi ko pa lang nabubuksan."
"Buksan mo na!" Si Augustina na agad binara ni Zeus.
"Bakit? Ikaw ba may birthday?"
Inirapan ni Augustina si Zeus at nag'iba ng topic.
"Sayang at wala si Roswell." Bulong ko.
Narinig iyon ni Eros kaya sumulyap siya sa akin, nakakunot na ang noo.
Hindi umimik ang katabi kong si Augustina. Nagkibit balikat ako at inaya na silang kumain. And like that, like from my previous birthdays with them, sobrang saya na parang walang problema ang araw na iyon. I Iaid in bed with a happy heart but then felt a sudden sadness when it started to haunt me again.
Eros called me that night and I can't help but be thankful to him dahil nariyan siya para makinig sa akin. I told him how I missed my father for this 21st birthday of mine. Wala mang opinyon o komento mula sa kaniya, sapat na ang pakikinig niya.
Umaga na noong binuksan ko ang regalo ni Eros at nakitang puro chocolates iyon. Lahat ay halatang mamahalin na madalas kong makita sa mga tv commercial. I texted him.
Ako:
Thanks for the chocolates. Mukhang mamahalin lahat.
Ngumiti ako at tinago na ang cellphone. Tanghali ang unang klase ko sa araw na ito kaya sikat na sikat na ang araw nang bumaba ako sa jeep at pumasok sa loob ng Academy. May ilang minuto pa ako bago magsimula ang unang subject kaya naisipan kong daanan si Eros sa kanilang booth to thank him personally.
Malapad ang ngiti ko habang naglalakad sa field na kahit ang mga freshmen ay ngumingiti sa akin pabalik. May isang lalaki na humarang sa akin at kinausap ako. I said na may pupuntahan ako sa booth ng Business kaya nilubayan din ako.
Palapit ay tumunog ang cellphone ko.
Eros:
You're welcome. Nakapasok ka na?
Malapit na ako sa pinagtayuan ng kanilang booth kaya hindi na ako nagtipa pa. Mabilis akong naglakad, tinignan ang ilang nadaanan pang booth pero naagaw ang atensiyon ko ng lalaking nakaupo sa isang monoblock.
In front of their booth, Eros is looking intently at his phone, with his eyebrows meeting each other, in a monoblock. He is wearing a casual white shirt and the hem is folded just enough to see his biceps. His very massive that that small chair seems not enough for his frame. Nagtaas siya ng tingin at ang una niyang nakita ay ang presensiya ko sa kaniyang harap.
Mabilis siyang tumayo at lumapit sa akin. Girls on their booth and even boys turned their heads on us.
"Hi!" Maligaya kong bati sa kaniya.
Ngumisi siya sa akin at isang beses pinasadahan ako ng tingin sa katawan. He return his eyes on my face and devilishly smirk. Pogi!
"Dumaan lang ako. Ala una klase ko."
"Ano oras uwi mo?"
"Seven."
Napawi ang ngisi ni Eros at napaltan nang hindi mapangalanang ekspresyon.
"We have a group project in our house. Pero susunduin kita."
Group project. Nalungkot ako sa narinig pero agad umiling. He needs to prioritize his study. Kaya ko namang umuwi magisa.
"Kahit hindi na. Kaya ko namang umuwi magisa."
"Gabi na ang alas siyete at madilim na. You wait for me and I'll fetch you." He said, mark with finality.
Aangal pa sana ako kung hindi lang siya tinawag ng mga kagrupo. Nagpaalam na rin ako sa kaniya. Hindi siya bumalik sa booth habang naglalakad ako paalis doon. I looked back and saw his stare at me. Kumaway ako at tumalikod na muli. And when I am already at the end of the oval, I looked again. Akala ko ay wala na ang titig niya ngunit mali ako. He remained his deep and soulful stare on me.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top