Kabanata 23

Kabanata 23

Attract

"Masyado ka naman maaga, Eros ngayon ah." Sigaw ni Augustina habang naglalakad kami palapit kay Eros.

He didn't stop at mas nauna pang makarating kung nasaan kami. He eyed me before tilting his head to answer Augustina.

"You're just late." He said cooly.

Nginitian ko siya bago kami nagpatuloy sa paglalakad. He walks beside me. Medyo nagulat ako roon dahil kasama naman namin si Augustina. Dati ay hindi siya tumatabi sa akin kung nariyan ang mga kaibigan namin. I smiled at the thought that he finally accepted me as a friend.

"Anong late ka diyan. Tignan mo oh. Six thirty pa lang oh! Oh!" Inilpapit ni Augustina ang kaniyang relo sa mukha ni Eros kaya ngumiwi ito.

I laughed with the face he made at sa halip na patulan ang kaibigan, sumulyap siya sa akin. I bit my lips to stop myself from making a noise because of my laugh. Nakita ko ang pagtaas ng kaniyang kilay. Nagiwas agad ako ng tingin.

"I woke up early." Malamig niyang sagot muli kay Augustina.

In my peripheral vision I saw him staring at me. Tumuwid ako at pinustura ang sarili sa paglalakad. Why I'm suddenly awkward walking is a big question.

"Ow.. bakit kaya." Makahulugang sambit ni Augustina pero hindi ko na napansin.

The distance from the gate to Senior High Department suddenly became far because of this awkwardness and my shameless heartbeat. I can almost hear them shouting for something that is not clear. Ang hinihiling ko sa mga oras na ito ay sana hindi bakas sa aking mukha ang matinding kaba.

"Uy, Hera." Tawag sa akin ni Augustina at hindi ko namalayang nasa tapat na pala kami ng Senior High Department.

Binalingan ko siya at nakita ko siyang nangingisi. Did she asking me something? Masyado akong naging abala sa aking nararamdaman na hindi ko na ata narinig ang kaniyang mga sinalita.

"A-ano 'yon?" I stuttered.

Gustong-gusto kong pumikit dahil sa bwisit kong nararamdaman. Eros turned his head on me and stares. Bakit ang dali dali noon na makalapit sa kaniya nang walang ibang nararamdaman? Bakit kung kailan tsaka kami nagiging malapit tsaka naman umuusbong ang dayong nararamdaman na ito?

"Tinuloy ko lang 'yong sinabi ko sa'yo kanina. Akala ko naman nakikinig ka." She said, with a humor in her face.

Bakit ba laging tuwang tuwa ang isang ito? Dahil nobyembre na? Is she that excited for sembreak kahit may ilang linggo pa kaming pagdadaanan bago mangyari iyon?

"I was thinking the past lessons. May quiz kami sa Reading and Writing." I lied. Wala naman talagang quiz. And I want to think that Eros doesn't know it. And I don't think he cares if there is a quiz or no.

"Masyado ka ng matalino para mag-review pa. You'll surely pass that! May library diyan sa ulo mo, eh."

Tumawa siya at hindi na ako sumagot. Tumigil naman siya agad at tinanaw ang hindi naman kalayuang building nila.

"Alam ko naman ang sagot mo na kailangan mo pang magpaalam kay Tita. Kaya magpaalam ka na habang maaga para makapagplano na agad tayo for outing!" Maligaya niyang wika bago nagpaalam at nagtatakbo papuntang building niya.

Hindi pa nga ako nakakasagot, nagtatakbo na agad. Ang babaeng iyon talaga.

"Mahilig ka ba sa outing?"

Napalingon ako sa katabi ko at nagulat sa biglaan niyang pagtatanong. Siguro ay hindi pa lang ako nasasanay na ganito na ang trato niya sa akin. These strange feelings I am experiencing is because of that. Ang kaba kapag nariyan siya... is because I'm not used to be near with him.

"Hmmm... ayos lang." I said languidly, trying not to show my awkwardness.

Kumunot ang noo niya. Siguro ay hindi naintindihan ang aking sinabi.

"I mean, hindi ko hilig pero ayos lang kung minsanan." I said more clear, I guess.

Umakyat na kami sa hagdanan at nagpatuloy siya sa pagtatanong.

"You could suggest any plan for the sembreak kung ayaw mo ng outing." He suggested.

Napangiwi ako sa kaniyang sinabi dahil ayoko. If they like to go to a beach or a resort to swim, who am I to stop that? Hindi ko man hilig ang ganoon, mage-enjoy pa rin naman ako dahil nandiyan sila. And especially, because we're now close.

"Wala naman akong ibang alam gawin kapag sa ganiyang mga bagay. I will still enjoy naman kahit sa tubig."

Hindi siya sumagot kaya binalingan ko siya. His lip is now in thin line and his eyebrows are meeting each other. Katulad nang madalas niyang hitsura, he looks so handsome and attractive with that dark aura. He seems thinking something deep na kahit na nasa tamang palapag na kami ay hindi na siya umimik.

"Magpapaalam pa rin naman pati ako. I am not sure if my Mama will let me." Sa maliit na boses ay isinatinig ko.

Maybe he is thinking to change our plan dahil lang tingin niya ay hindi ako komportable sa mga ganoong bagay? If my mama will not let me, wala na silang problema. Pero gusto ko rin na payagan ako. Bilang sa daliri kung ilang beses lang ako nakakasama sa pagalis. Sobrang dalang.

Tumango siya at dumiretso na kami pagpasok. Kinawayan agad ako ni Roswell na nasa dulong upuan na naman at nakikipagkwentuhan sa aming mga kaklase. Nang nakitang pumasok ako ay naglakad na siya pabalik sa upuan namin. I saw Eros' eyes suddenly darted to Roswell at sinundan pa ito.

Umupo na ako at inayos ang bag sa aking likod.

"Good morning, my friend!" Bati niya sa sobrang ligayang boses.

I looked at him with my eyebrow shot up. Tinawanan niya ako at nilagay sa likod ng aking upuan ang mga kamay. He gets closer to me and whispered.

"Tulungan mo ako kay Augustina, Hera."

Nilingon ko siya. His eyes looks very hopeful even with that pitch black eyes. I heard how he gets hurt everytime he fails impressing Augustina. I become his diary when it comes to Augustina, kaya alam ko kung kailan siya may pagasa at nasasaktan para sa aking kaibigan. And now, even with his hopeful eyes, I can sense the hurt in his tone. It's like me... being desperate for someone before.

Nginitian niya ako at tinanggal ang kamay sa likod ng aking upuan at inabala ang sariling mga mata sa sa upuan. Sinundan ko siya ng tingin dahil pakiramdam ko, nagtatago siya ng kung ano sa akin.

"Suddenly?" Tanong ko, medyo nagugulat at natatawa.

Hindi niya ako nilingon at nanatili ang mga mata sa lamesang may mga kung ano anong nakasulat.

"Yes. Pakiramdam ko kasi matatalo ako kung hindi ako gagawa ng paraan ngayon." He said in his low and deep baritone.

"Matatalo kanino? Kay Eros?" Patuya kong sinabi kahit na nakaramdam ako kahit papaano ng kakaunting kirot.

Naagaw ko ang kaniyang atensiyon at galit siyang bumaling sa akin. He's glaring at me and instead of being scared I only laughed at him.

"Wala siyang gusto kay Eros!" Sigaw niya nang medyo pagalit.

Umatras ako nang natatawa dahil sa biglaan niyang pagiging dragon. I know that. Pero katulad mo, Roswell, magagalit rin ako kung totoo nga.

"Eh bakit ka nagagalit?" I don't want to sound like I'm enjoying his anger pero hindi nakatakas sa aking tono ang pangaasar.

"I'm not mad!" Aniya at nagiwas ulit ng tingin.

"I might sound and looks desperate, pero gustong gusto ko ang kaibigan mo. Pinilit ko naman mawala, eh." He utter in a low voice, now the pain is obvious in his voice.

"And how is your ambition of doing that?"

"Failure, Hera."

Nanliit ang mga mata ko at naalala ang dalawa sa mga kaibigan ko. When I met Roswell, mas naging mahirap sa akin ang pumili kung sino ba ang nararapat para kay Augustina. But in the end, I have no control in it. Siya lang ang magde-desisyon. At bilang kaibigan, if I could help, I will help.

"Did you really? O baka naman sa panaginip mo lang sinubukan." Sagot ko, testing his determination.

Muli ay bumaling siya sa akin, galit at malungkot ang mga mata. Ang kaninang pagasa sa mga mata ay nawala dahil sa akin. And I am not evil enough to do that with him.

"I did, Hera. You know that." He said. May banta sa boses.

Tumango ako at nginitian siya. "I will help you."

The side of his lips rise until his lips curved into smiles. Umusbong muli ang pagasa sa kaniyang mga mata, at wala akong ibang hihilingin kundi makitang masaya ang mga kaibigan ko. I just hope na sana ay wala akong masaktan sa desisyong pinili ko.

Ihihilig ko na sana ang aking likod sa silya ko nang may biglang tumabi sa akin. Surprise and shock, I looked at Eros.

He eyed me like I'm some traitor who opposes his command as a leader.

Kumunot ang noo ni Roswell at nagtatakang tinignan si Eros.

"You said we have a quiz. We can review together." He confidently suggested.

Kagaya ni Roswell, kumunot din ang noo ko.

"May quiz ba? Kailan sinabi?" Si Roswell na nagtatanong at tinignan ako.

Did he believe na may quiz nga? Oh my god, I suddenly feel guilty for lying.

Umiling ako kay Roswell at nagaalinlangang tinignan si Eros. I saw him stiffened but in the end he pouts and walked away.

Sinundan namin parehas ni Roswell ng tingin si Eros hanggang sa makabalik siya sa kaniyang upuan. I found Sancha sitting far from Eros.

"Akala ko si Sancha na tatagal kay Eros. Hindi pa rin pala." I heard Roswell murmured behind me.

Ibinalik ko ang tingin sa harap at kahit pakiramdam ko ay mali, masaya ako. Masaya ako na marinig na wala na silang dalawa ni Sancha.

I know it's wrong to feel okay when someone is hurting. Pero hindi ko alam bakit nagtataksil ang sarili kong puso sa aking isipan.

At kagaya nang ipinangako ko kay Roswell, I tried to help him with Augustina. Hindi ko alam, pero ngayon ko lang ata napagtanto kung gaano kahirap lapitan ang isang Augustina.

"Are you free this Saturday?" Tanong ko kay Augustina.

Roswell, last Monday told me na tanungin ko si Augustina kung wala ba siyang gagawin. At dahil tinutulungan ko siya, at wala namang mahirap sa pinapagawa niya, ayos lang.

"Just ask her if she's free this coming weekend. Kapag sumagot ng 'oo', ako na ang bahalang mag-aya sa kaniya."

"You'll ask her for a date?"

"Oo."

Kaya naman ito ako ngayon at sinusubukan muli ang isang Augustina. Last week, right after Roswell asked for my help, sinubukan ko na agad ang aking kaibigan. Pero katulad ng sinabi ko, hindi siya basta-bastang babae.

"Bakit? Yayakagin mo ako mag-date tayo?" Patuya niyang tanong pabalik.

Nagulat ako pero hindi dapat niya malamang ganoon nga. Dapat si Roswell ang magtanong dahil tulay lang ako para magtanong kung wala ba siyang gagawin. But, how did she know?

"Hindi. Tinatanong ko lang." I said, tinatago ang kaba sa tinatagong agenda.

Tumaas ang isang kilay niya at sinuri ako. I tried to stare back.

"Hmmm..." Nag-iwas siya ng tingin at umaktong parang nagiisip.

"Titignan ko." Aniya.

Iyon ang dala kong balita kay Roswell pagkapasok na pagkapasok ko ng room. Agad siyang nalungkot at gustuhin ko mang pagaanin ang kaniyang loob, parang sigurado naman siya na hindi libre si Augustina.

"She will not say that if she's free." He hopelessly said.

"Titignan pa nga lang daw, eh. Ang bilis mo naman mawalan ng pagasa."

"Ikaw na nagtanong. Hindi dapat siya magaalinlangan na sumagot ng 'oo' kung wala nga siyang gagawin."

"Do you think she knows na ikaw ang nagpapatanong?" Tumaas ang isa kong kilay habang tinitignan ang kaibigang nakasimangot.

"Probably. You're close to me."

A chair was dragged towards us na hindi ko na nagawa pang dugtugan ang usapan namin ni Roswell.

I looked at Eros who's already beside me when the teacher said to find a partner.

"Would you mind? Partner ko si Hera." Aniya kay Roswell.

Parang wala naman sa sariling tumango si Roswell at tumayo para maghanap ng sariling kapares. Sinundan ko ng tingin ang malungkot kong kaibigan at bago ko pa makita na nakahanap nga siya ng partner, Eros voice thundered.

"Write our names, Hera." Mariin niyang tinig.

Binalingan ko siya at nakita ang hindi natutuwang Eros. Oh, you expect, Hera.

Kinuha ko sa kaniya ang papel na dala niya at sinulatan ng aming pangalan. My mind flee with the thought of Roswell na nagkamali ako ng sinulat sa papel. Roswell's name is written there. Gugusutin ko na sana ang papel kung hindi lang nagsalita agad si Eros sa aking tabi.

"You think of him too much." He said in his usual cold stone baritone.

Ngumuso ako at umiling. I feel guilty dahil tinutulungan ko si Roswell pero hindi ko naman magawa nang ayos ang tulong. I don't want to see my friends sad.

Kumuha ako ng panibagong papel at sinulat na ng tama ang pangalan ng kapares ko. I start answering the questions at doon pa lang ako ulit nakabalik sa ulirat. Susubukan ko ulit tanungin si Augustina.

When another set of questions flashed in the screen, inagaw na ni Eros ang papel. Naagaw niya ang atensiyon ko kaya binalingan ko siya. His lip is in thin line, his jaw clenched like he's controlling something in his mouth. Ngumuso ako dahil namamangha na naman ako sa kaniyang hitsura.

Even if he's in the bad mood, he never fails to be the most beautiful man exists. Nagkakasalubong ang dalawang makakapal na kilay at ang noo ay nakakunot, he looks undeniably handsome. It's like the lord chose him to be the one to receive the perfection. We're only in high school, I wonder if we turned adult, anong hitsura kaya ang tataglayin niya? Probably he will be more massive and handsome. He will going to find someone who perfectly fits him.

My heart throbbed at my own thoughts about him. How about me? Will I mature?

Napansin niya ata ang titig ko sa kaniya kaya napabaling ang tingin niya sa akin.

"You think this is wrong?" He asked, pertaining to our answer sheet.

Tinignan ko ang sinasagutan niya at umiling kahit hindi sigurado kung tama nga ba o mali.

Nagiwas ako ng tingin at inabala ang atensiyon sa mga tanong.

"You're thinking Roswell." That's not a question, it's a statement.

"Hindi, ah." Sagot ko dahil iyon ang totoo.

Hindi siya sumagot kaya tinignan ko siya. He pouts and continues answering.

"Hera, can you please send this to the grade nine teachers?"

Tumayo ako at lumapit kay Ma'am. Kinuha ko ang anim na envelope.

"Opo." Sagot ko.

Kaya naman na ni Eros iyon sagutan. He's smart.

"Thank you, please."

Ngumiti ako at dumiretso na palabas. Nilingon ko si Eros at nakita ko nang nakasulyap siya sa akin.

"Hahatid ko lang 'to sa Junior High." Paalam ko sa kaniya. Baka kasi magalit siya na iniwan ko sa kaniya lahat.

"I'll go with you." Namilog ang mga mata ko sa sinabi niya.

"H-huh?" Naguguluhan kong tanong.

Tumayo siya at dumiretso sa aming guro. He said something to our teacher. Nilingon ako ng guro bago ibinalik ang tingin kay Eros. She smiled at him and nodded. Tinanggap niya rin ang papel na pinasa bago siya dumiretso sa akin.

"Tapos ko na sagutan. And don't worry, they are all correct." Aniya at wala akong nagawa nang lumabas ako at sumunod siya. I even saw Sancha's hawk eyes following us 'till door.

"Sana ay hindi ka na sumama." Sabi ko dahil baka napilitan siya dahil nakita niya akong walang kasama. At paniguradong nakita niya rin ang galit na si Sancha. Kahit na naririnig kong hiwalay na sila, maybe he still has atleast a left percent feelings for her.

"Bakit?" He asked with a serious tone.

Tiningala ko siya and I'm suddenly on the edge of jumping when I saw him dangerously looking at me, too. Nag-iwas agad ako ng tingin, umiling at dumiretso sa paglalakad.

"You want Roswell to come with you instead?"

"Hindi. Kaya ko kasing gawin ito ng magisa." I said in monotone, trying to hide my shock a while ago.

Akala ko ay sasagutin niya iyon. Naramdaman ko ang kamay niyang dumapo sa braso ko dahil sa pag-ambang pagkuha ng mga envelope.

Lumayo ako na para bang ayaw maagawan. Matalim siyang tumingin pabalik.

"K-kaya ko 'to." I stutter.

Hindi siya nagsalita. Sa halip ay mabilis na lumapit sa akin at kinuha ang mga envelope nang walang kahirap hirap. Nauna siyang maglakad nang mabilis. Hindi agad ako nakabawi at tumakbo ako para maabutan siya.

"Saan 'to?" Tanong niya.

"Sa grade nine teachers."

Hindi na ako umalma na agawin pa muli sa kaniya ang mga envelope at hinayaan na siya. Nangingiti ako habang naglalakad kasabay siya. I didn't know that Eros has this attitude.

Maybe to his girls, ganito rin? And again, my heart rippled with the thought.

"I didn't know you're a gentleman." I said unconsciously while smiling unconsciously, too. I think my soul has left me already.

"With a particular person only."

Ngumuso ako at naisip na si Sancha iyon. Hindi na ako umimik at ganoon din naman siya. Nagpatuloy kami sa paglalakad. We handed the first envelope to our adviser when we were in grade nine.

"Hindi na ako sa seksiyon ninyo dati." Kwento ni Ma'am na napalipat siya ng room at section.

"Kumusta kayong dalawa?" Tanong ni Ma'am habang nangingiti na makita kaming muli dito sa Junior High. Madalang na kasi kaming makabisita rito dahil nga mga grade eleven students na kami. Hindi na rin ako masyadong sanay sa ingay nang Junior High buildings. Mas tahimik sa department namin.

"Senior High is difficult po." Sagot ko.

"Kayang kaya mo 'yan. You're the most intelligent in your batch."

Ngumiti na lang ako sa sinabi ng dati kong guro dahil medyo nahiya ako.

"Eros, your brother is in your section before. Matalino rin naman pero katulad mo mapaglaro sa babae." Biro ni Ma'am kay Eros.

Nilingon ko ang kasama at tumawa lang siya sa sinabi ng guro at hindi na nagkomento. Ngumuso ako at natantong, even teachers knows his power towards girls.

Dumiretso kami sa isang classroom na wala atang klase dahil mga nasa labas sila. Palapit ay natanaw ko ang pamilyar na mukha sa akin.

"Ate Hera!" Sigaw ni Van, ang kapatid ni Eros.

Kumaway ako sa kaniya at ngumiti. Tinignan ko ang mga kasama niya. He looks so out of place with these skinny boys. He's massive compare to his age, tulad sa kuya.

"Hi, Kuya!" Bati niya rin sa kapatid.

"Why are you outside?" Malamig na tanong ni Eros sa kapatid.

"Wala kaming klase. Bakit kayo nandito?" Bumaling si Van sa akin kahit na ang kuya niya naman ang kaniyang tinanong.

"We're looking for your adviser. Nandiyan ba?" Tanong ko.

"Ay, Hera- este Ate Hera, she's not here. Nasa kabilang room." Tinuro niya ang katabing room at agad akong tumango.

Agad naglakad si Eros papunta roon at kinawayan na lang ang kapatid niya bilang paalam.

"It's my first time to be called Ate." Amin ko sa aking naramdamang saya nang tawagin ako ni Van na 'ate'.

Eros looked at me with menacing eyes kaya nagiwas ako ng tingin.

"You are called by the juniors 'Ate'." He said like he's correct.

Hindi nga ako madalas dito tapos maririnig ko na tinatawag akong 'Ate'? But he's correct though. Iyong kasama ko noong junior high for class representatives called me 'Ate'.

Hindi ako umimik at sumunod na lang sa kaniya. Nilingon niya ako kaya natigil ako nang tumigil siya.

"Or, you're attracted to my brother."

"Ano? Ako?" Gulantang kong tanong at tinuro ko pa ang aking sarili.

Umiling siya at kakatok na sana sa pintuan nang nagsalita ako.

"He's still a kid. Hindi ako child abuse 'no! And I don't get attracted fast." I said matter-of-factly.

He turned his head on me. He smirked sarcastically. Kumunot naman ang aking noo.

"Good to know. He's a playboy, by the way." He said coldy, but sarcasm is obvious in his tone.

Taas noo ko siyang tinignan pabalik kahit na pakiramdam ko ay ano mang oras maaari akong matumba dahil sa panlalambot na nadadarama mula sa kaniyang presensiya.

"As if you didn't warned me when I first met your brother."

Hindi ko alam kung narinig niya ako dahil kumatok na siya at agad itong bumukas. He excused the teacher at siya na mismo ang nagbigay. Sinundan ko siya ng tingin habang naglalakad siya sa loob ng classroom. I saw the young girls stare at him like he's some god who fall from the heaven. Oblivious, he handed the envelope to the teacher.

Ngumuso ako at bumulong.

"You attract girls, Eros." 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top