Kabanata 21
Kabanata 21
First
Bakit niya ako sasabayan? Is he now losing his mind? He hates me, right? He doesn't like being around with me, so bakit niya sinasabi ito ngayon?
Shocked, I wasn't able to utter a word. Nanatili ang aking mga mata sa kawalan at humihiling na sana ay may humampas sa akin at magising. Sana ay hindi totoo si Eros sa aking tabi dahil unti-unti kong nararamdaman ang pagtataksil ng sarili kong puso sa desisyong pinili ko.
"Hera,"
Sa tuwing naririnig ko ang kaniyang boses tila isa itong musika sa akin. But what weird is, this music makes my heart hurt and my eyes tears. No. Hindi pwede 'to. Dapat ay umiiwas ako.
May tumigil na tricycle sa tapat namin na walang sakay. Dapat ay dali dali na akong sumakay pero ito ako at parang may hinihintay na kung ano.
"Sasakay ba kayo? Pagabi na oh. Mga batang 'to." Ani ng tricycle driver at aamba na sanang aalis.
"Let's go. It's getting dark." Boses iyon ni Eros.
Wala akong nagawa kundi ang sumunod sa kaniya. Well, it's reasonable naman. Madilim na at kung hindi ako sasakay na kasabay siya, maiiwan ako magisa.
Pumasok ako sa loob at agad humiling na sana ay sa back ride siya umupo pero hindi iyon ang nangyari. He slid himself inside and sat beside me. He's huge and tall, although I'm small; the tricycle seems to be so congested with his body. Hindi tuloy maiwasang dumikit ang kaniyang balat sa akin. I looked away and tried to manage my sight in front, also trying to ignore the fact that we're touching.
Huminto ang sinasakyan namin dahilan kung bakit muntik na akong mabuwal sa kinauupuan. Ito ang napapala ko sa kakaiwas na kalimutan ang sitwasyon ko ngayon. I saw Eros hand about to hold me but I immediately get back. Ang magdikit pa nga lang ang balat namin dahil wala kaming choice ay halos nagpapakaba sa akin, ano pa ang intensiyon niyang hawakan ako.
I saw the two girls whose wearing the same uniform as us rode in the back ride. Umayos ako sa pagkakaupo at muling binalik ang tingin sa daan.
Hindi ito ang unang pagkakataon na bumiyahe ako ng madilim na, but this is the first time I'm going home late from school. Ang nadadaanan naming sea side are lighted already of lamp posts. The crescent moon is already seen, too, making the water glitters from its light.
Ngayon ko lang ata hihilingin ito na sana pala ay mabilis ang biyahe mula sa escuelahan hanggang sa aming bahay. Hindi na ako mapakali dito sa tabi ni Eros.
Walang imikan at walang galawan sa loob ng tatlongpu't minuto na biyahe. The tricycle stopped in front of our house at dahil nasa tabi ni Eros ang labasan, kinailangan niya pa munang lumabas para makalabas din ako. Nagbayad ako sa driver at umamba nang aalis nang nakita ko ring nagbayad si Eros.
Hindi ko na napigilan at tiningala ko siya. Umandar na paalis ang tricycle nang binalingan ako ni Eros. And like usual, I always feel terrified looking at his eyes kaya hindi ko rin kinayang makipagtitigan sa kaniya.
"Hindi ka pa uuwi?" Because it's already dark... kagaya ng sinabi mo.
Hindi siya sumagot kaya tiningala ko ulit siya. I saw him protruding his lips and his left eyebrow shot up.
"Pupuntahan ko sina Augustina. I heard they been hating me for not showing up."
Oh, buti alam mo!
Tumango ako at nilingon ang hindi malayong bahay nila Augustina. But they are probably in the back, nakatambay sa puno ng mangga.
Then it sinks in. Siguro ay sumabay siya sa akin dahil pupuntahan nga niya ang mga kaibigan namin. Ang bobo ko naman para isipin na may ibang dahilan kung bakit niya ako pinansin. My heart aches again with the thought. Why getting rid of the pain is so hard?
"Mag...papaalam ka ba sa mama mo na pupunta rin sa likod?" He asked.
I bit my lower lip and shook my head.
"Why?"
"Gagawa pa ako ng concept paper." I replied with a low voice.
Tumango siya at hindi na umimik. Ginawa ko iyong sign para makapagpatuloy na sa paglalakad. Binuksan ko ang pintuan at binuksan din ang ilaw. My mother is not home yet and I need to do the house chores first before proceeding to my assignments.
When I get into the kitchen, I sighed deeply. I can hear my heart booming loud. Pumikit ako ng sandali at inisip ng mabuti ang nangyari kanina. Umasa na naman ako.
Ibinuntong hininga ko ang naiisip at sinimulan nang hugasan ang bigas na lulutuin ko sa rice cooker. Dapat ay hindi ko iniisip ang bagay na iyon, sinasaktan ko lang ang sarili ko. When I finished preparing our food for the dinner umakyat na ako sa aking kwarto at nagsimula nang maggawa ng homeworks.
I was busy answering a Math equation in my notebook when I heard those familiar laughs outside. I tried to ignore it but I can't help myself to take a peak. Lumapit ako sa bintana at doon ko muling nakita ang mga kaibigan ko sa ilalim ng punong mangga. Like how I first stepped here in Anilao, they are all having fun. The only difference is, they grow.
Eros eyes suddenly darted to where I am at sa halip na magtago at umalis na sa tapat ng bintana ay nanatili ang mga mata ko sa kaniya. Kinaya kong umiwas sa kaniya sa loob ng halos tatlong buwan. Sa loob ng ilang taon na pagpupumilit sa kaniyang buhay, I finally decided to stop. Ngunit minsan napapaisip ako... is this really what I want? Ang tumigil na umasa sa kaniya? Dahil kahit inaamin kong nasasaktan ako kapag nakikita siya, hindi ko rin maipagkakait na masaya ako kapag nandiyan siya.
Umiling ako at lumakad palayo sa bintana. But how will I heal if I will continue touching the wound?
Natapos ko ng maaga ang mga assignment ko at patulog na nang muli kong sinilip ang labas. Wala na sila roon kaya dumiretso na rin ako sa higaan ko.
"Hindi ka lumabas kagabi. Pumunta si Eros." Si Augustina na hinintay ako dahil sabay na naman kaming papasok.
"Marami akong ginawa, e."
"Hay nako lagi ka na lang maraming ginagawa."
Umiling ako kay Augustina at hindi na nagpaliwanag. Nginitian niya ako at hinila na papasok sa tricycle. Nakarating kami sa school at saktong kabababa lang din ni Roswell nang naglakad kami ni Augustina.
Ngumisi ako at nilingon ang kaibigan. She stayed serious na akala mo kanina ay hindi ngiting ngiti.
"Hi, Augustina!" Bati ni Roswell sa kaibigan ko at hindi man lang ako binati.
"Hi!" Natural na bati pabalik ni Augustina at nagdire-diretso papasok ng gate.
Ngumuso ako at nilingon ang isa pang kaibigan sa likod. Akala ko ay malulungkot siya dahil 'hi' lang ang sinabi sa kaniya ni Augustina, pero hindi. He's all smiles while following us.
"Sa sabado inaaya tayo ni Eros sa kanila. Sama ka na ha."
Tumingin ako sa kaniya. Inaaya? Kami? Probably, sila lang. Alam ko namang hindi maiisipan ni Eros na isama ako sa yayakagin niya sa kanila. Nagisip ako ng pwedeng palusot ngunit wala akong kawala. Bukas na ipapasa lahat ng paper works. Wala na akong gagawin sa sabado at linggo.
"Oh don't think of any excuses. Minsan na lang tayo mabuo." Banta niya nang mapansin ang malalim kong pagiisip.
Hindi pa ako nakakasagot ay nagpaalam na siya sa akin. Naiwan ako sa tapat ng building namin at kung hindi pa ako inakbayan ni Roswell ay hindi ko maaalalang kailangan kong maglakad.
"Ang saya ko, Hera." Maligaya niyang wika.
"Masaya ako para sa'yo." Wala sa sarili kong sambit.
Parang baliw si Roswell habang paakyat dahil ngiting ngiti siya at minsan ay tumatakbo. Hinintay niya ako nang nasa pangatlong palapag na kami. Natatawa ako habang pinagmamasdan siyang kung ano ano ang ginagawa at sasabihan na sanang para siyang baliw kung hindi lang sumulpot bigla si Eros.
"Good morning, Eros!" Walang hiyang bati ni Roswell at hinaklit na ako papasok sa loob.
Nakita ko ang pagdidilim ng mata ni Eros na dumapo kay Roswell at bumagsak sa kamay nitong nasa braso ko.
"Roswell, you're holding her too tight." With his deep and very cold voice, he said that without looking away. He stared to Roswell like he's ready for a boxing match.
Adrenaline, maybe, inilayo ko ang aking braso sa hawak ni Roswell. Bumagsak naman ang mata ni Eros sa akin at nakakunot noo itong pinagmasdan ako.
"Ay sorry. Masaya lang." Ani Roswell na parang tanga at dumiretso na sa kaniyang upuan at maligayang nakipag-kwentuhan sa mga kaklase namin.
Umiwas ako ng tingin kay Eros at susunod na rin sana sa loob kung hindi ko lang narinig ang boses ni Eros.
"Sinagot mo na 'yon?"
Naguguluhan ko siyang binalingan.
"Huh?"
"Roswell is in good mood."
"He's always like that."
Umigting ang kaniyang panga at nag-iwas ng tingin. Nakita ko ang mas lalong pagkunot ng noo niya at ang pagkakasalubong ng dalawang kilay. He looks like a mad beast in broad daylight. There are times where his stares make me terrified but there are also times where his actions make me smile. Hindi ko alam paano nangyari na nasasaktan ako dahil sa kaniya, pero natutuwa din ako sa mga ginagawa niya.
Ngumuso ako para mapigilan ang ngiti nang binalingan niya ako nang mayroong galit sa kaniyang mga mata. A heavy and uncalm rain is seen in his eyes.
"You didn't answer my question. Sinagot mo na 'yon?" He asked never leaving my eyes.
"Ano?" Dahil naguguluhan ako sa kaniyang tanong.
He looks so frustrated when he brushed his hair with his hand.
"Nevermind." He said and about to walkout when I realized his question.
Iniisip niya bang nililigawan ako ni Roswell? And why'd he care?
I don't know what push me to explain myself to him. I should not, alright, because I know he doesn't care, pero parang may kung ano sa aking bumubulong na kailangan alam niya. Na ayoko na maging tingin niya sa akin ay nahuhulog sa iba. No, I don't fall with someone else.
"No. He's not even courting me, bakit ko siya sasagutin." I said with a shaking voice.
My heart is happy but my eyes is pooling with tears. This mixed emotions is making me insane.
"Tss." He only replied bago umambang tatalikuran ako pero galit akong tinignan ulit.
"Augustina told me that you're making excuses para lang hindi makapunta sa bahay. Now, you're not gonna use excuses with me. Pupunta ka sa bahay namin kasama sila sa sabado." He said with finality and entered our room.
Naiwan ako sa corridor nang hindi pa naiintindihan ang kaniyang sinabi. Tama ba ang mga narinig ko? Did he... indirectly invited me to their house? Parang tambol ang puso ko sa sobrang lakas ng tibok nito. And my teary eyes suddenly get cleared. Why I suddenly feel happy?
Hindi pa ako nakakabawi sa narinig mula kay Eros ay may tumapik na sa aking likod. Pumasok ako sa loob at dumiretso sa tabi ni Roswell.
I tried to calm my shameless booming heart. Pilit ko ring pinaalalahanan ang sarili na dapat ay hindi ganito, nagisip nang maaaring dahilan bakit niya ako inimbita sa gayon ay hindi ako umasa. Inihilamos ko ang aking palad sa aking mukha. You chose to distance yourself from him so you won't get hurt again, so the wound would heal. You accepted the truth that he doesn't like you as a friend. You are in pain because you assume too much. Alam kong marupok ka pa pagdating sa kaniya, pero isipin mo ang sarili mo. Will you risk crying again?
"Hera,"
I'm having my late lunch here in canteen today dahil maraming pinasa kaninang mga paper works. I was also invited to the meeting of class representative in registrar kaya ito ako ngayon at mag-isang kumakain sa canteen. I am thankful that the hectic week finally ended. Pero ang maisip na biyernes ngayon at bukas ay sabado na, nagpapakaba sa akin.
Kahapon, kasabay ko ng umuwi ang mga kaibigan ko. And I was shocked when I saw Eros with them. Muling hindi umuwi ng maaga si Eros dahil tumambay sila sa likod. Pinilit nila akong sumama pero nang nakita nilang marami akong ginagawa, hindi na nila ako kinulit.
"Ano ba 'yan... Eros seems to be cool with you na. Sinabi niya na pilitin kitang sumama sa sabado." Nagulat ako sa sinabing iyon ni Augustina kaninang umaga.
Narinig ko mang si Eros na mismo ang nagsabi sa aking pumunta, nagugulat pa rin akong marinig mula sa mga kaibigan namin na inaaya ako ni Eros sa kanila. For years na magkakaibigan kami, they saw how Eros is so distanced with me, na sa tingin ko, ngayon na mukhang bumabait sa akin si Eros, they are taking advantage to it by pushing me to be close with Eros.
Iyon din naman ang hinihiling ko pa noon. And I will not lie if I'm going to say that I'm again hoping. What made me decide to ignore and distance myself from him is because of the pain I'm feeling. I stopped my desperation because I realized he don't really like me as a friend. I came to that point because I'm hurt, but I'm neither evil nor angry to not give myself another chance for this. I treasured friendship and I always look forward on creating and gaining new friends. And Eros, kahit minsan na akong nasaktan dahil sa kaniya, is not exception.
I take the last bite of my food bago ko binalingan si Sancha na umupo sa aking tapat. It's almost time kaya wala nang tao sa canteen kundi ako at si Sancha.
She looked at me with her angelic and very beautiful eyes. She seems friendly by her smiles and facial features, but I can sense that she's not up to something good with me.
"Hindi sumipot si Eros sa usapan namin kagabi dahil diyan sa mga kaibigan mo. Tell them to stop bugging Eros because he's busy with me." She said angrily.
I stare at her, and I want to be amaze of how beautiful creature she is, kung hindi lang medyo pangit ang ugali nito.
Stop bugging Eros because he's busy with her? Really? Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng inis. Maybe because on behalf of our group, I hate hearing that we are crying for attention from our FRIEND. I can hear Augustina's rant if she's here.
"We have no control with Eros' decisions. And we're not bugging him. We are his friends. And if he chose to be with us than you, you ask him that. Dahil wala kaming kinalaman kung hindi siya nasipot sa usapan ninyo. Tell him to dump us." I replied calmly.
Pinukulan niya ako ng masamang titig and I saw how she greeted her teeth to stop herself from bursting out. Pero hindi niya ata kayang pigilan na kahit tumayo na ako ay nagsalita pa rin siya. Ngumiti ako sa kaniya at niligpit ang pinagkainan ko. I don't want to create a scene here. Especially not with her nor with anyone.
"You and your friends are obviously jealous because he's giving all his time with me!"
Bumuntong hininga ako at mapungay ang mga matang tinitigan din siya. Swerte mo, gusto ka ni Eros.
"Again, we are his friends. Kung may problema ka sa kaniya, siya ang kausapin mo at huwag ako."
Lumabas ako sa canteen at dumiretso na papuntang Senior High Department. I inhaled first before proceeding to the stairs. Bakit ba lahat ng babae ni Eros ay mayroong problema sa kaniya?
Umiling ako at isinantabi na ang nangyari kanina. I didn't tell it to my friends, especially Augustina dahil baka iyon pa ang maging dahilan para magkasiraan si Eros at Sancha, although I don't see them together that much.
Maaga ako nagising para sa araw ng sabado. There's nothing special with this day but I feel excited. Naghanap ako ng maisusuot at dumiretso na sa banyo. It took me almost an hour in our bathroom before I finished. Tinititigan pa ako ni mama habang ngiting ngiti akong lumabas ng banyo.
"Saan punta mo? You looks excited." Puna niya.
Ngumiti ako. "Kina Eros po."
Her mouth shaped into an "O" at tinawanan ko na lang. She knows that among our friends, si Eros ang hindi ko close. To hear me saying his name is strange to her. Muli akong umakyat sa taas at isang beses nilingon muli si mama. Her lips is now in thin line and staring blankly nowhere. Kumunot ang noo ko pero pinagkibit balikat ko na lang. Siguro ay may iniisip lang si mama.
I chose the pink pastel colour off shoulder top and a dark blue denim high waist skirt. I paired it with my favourite white sneakers. Pinatuyo ko muna ang aking buhok habang nags-scroll sa group chat namin.
Eros:
Hope you guys are complete coming to my house.
Augustina:
Of course. G na si Hera, eh.
Eros:
Good.
Anjhon:
Can't go. May lakad kaming pamilya.
Eros:
Okay lang.
Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Eros. Okay lang? Eh kasasabi niya lang na dapat kumpleto kami?
When my hair is finally dry, inayos ko ang aking buhok in a high ponytail. Hindi ko na kinailangan pang maglagay ng pulbos sa aking mukha dahil natural na maputi ang aking balat. Lumapit ako sa salamin para makita ang mga nunal kong hindi nawawala. Well, I like having them in my face.
Sinalubong ako ni Augustina sa labas at sabay na kaming pumunta kina Eros. Like my first time in his house, namamangha pa rin ako.
"Bibig mo, Hera. Namamangha ka na naman." Asar sa akin ni Augustina.
Umiling ako at pagkapasok namin sa tanggapan ng bahay ay naabutan namin si Eros na nakaupo doon. Agad siyang sinugod ng mga lalaking kaibigan at inagaw sa kaniya ang remote ng isang laro na nakaconnect sa tv.
When he saw us following the boys, he stood and looked at me darkly.
"We're not complete, Eros. Wala si Anjhon." Si Jeanelle habang umuupo.
Nagiwas ako ng tingin pagkatapos kong ngitian siya.
"That's fine. He's not a big deal."
"Syempre hindi talaga para sa'yo. Isa lang naman talaga gusto mong sumama."
"Shut up." Iritadong sagot niya kay Augustina na hindi naman pinansin ng kaibigan dahil nakisali na sa paglalaro ng mga lalaki.
Umupo ako sa pang-isahang sofa at tiningala siya. And for the first time since I met him, he smiled... at me.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top