Kabanata 19
Kabanata 19
Wound
Huminga ako ng malalim at pinasadahan pa ng isang beses ng aking palad ang pisngi ko. Binuksan ko ang pintuan ng computer lab at dire-diretso nang umupo sa tabi ni Roswell.
Umayos ako sa pagkakaupo at pinilit na makinig sa gurong nagtuturo pero ang mga mata ko hindi ko mapigilang mamuo ng luha. I cleared my throat, assuming that it will help me at least feel okay pero hindi.
Pumangalumbaba ako at pasimpleng pinunasan ang mata kong naluluha. My heart is beating restlessly that my rib cage felt like it will be broke sooner.
Nakakainis naman, I don't know if it is the right word pero parang ganoon ang nararamdaman ko. Hindi naman ako ganito dati ah. Bakit ko ba iniiyakan ang eksenang 'yon? Mas malala pa nga ang pagpapahiya sa akin dati ni Stephanie.
At grabe naman siya makapagalis sa akin. I don't even know what they are doing. Feeling ba nila ipagkakalat ko ginagawa nila? I am seventeen year old girl, hindi naman ako ignorante sa mundong ginagalawan ko. I know what's very popular among our batchmates, at wala akong pakialam kung ganoon ang ginagawa nila sa classroom na 'yon. I just want them to know that there are consequences followed by their actions. Pero ako pa ang napasama.
"Get one whole sheet of paper. Titignan ko kung naintindihan ninyo nga ang mga pinagsasabi ko."
Wala sa sarili kong sinulat ang pangalan sa papel. Kinulbit pa ako ng katabi ko na hindi ko na nagawa pang pansinin. Because of the overflowing emotions I have, mas pipiliin ko na lang manahimik.
The door opened in front at iniluwa nito ang dalawang taong ayaw kong makita ngayon. Eros found my eyes at agad akong nagiwas ng tingin. Iniisip niya sigurong sinumbong ko sila. Sorry, pero bahala ka na sa buhay mo.
Naiiyak kong binasa ang nasa screen at hindi na ako sigurado kung tama pa ba ang pinagsasagot ko. Basta ang gusto ko lang ay matapos na agad ang oras na ito at makauwi na. I don't want a messed mind while I'm here at school. Hindi ako nagf-function ng maayos.
"Saan kayo galing, dalawa? Hindi naman kayo nagpaalam na lalabas." Puna ng Politics teacher namin.
I tried to ignore the scene in front. I didn't say a word about them when I return here. At kagaya ng sinabi ni Sancha she knows what will be their consequences. Labas ako kung mabuking silang nag-cutting. They are the one who made their own hole. Kung hindi na lang sana sila pumasok 'di ba. Edi sana hindi sila mabubuking.
"Kanina pa kayo wala dito? Nag-cutting kayo?" Medyo nagagalit na ang tono ng guro sa unahan kaya hindi ko na napigilang tingalain sila.
Eros doesn't seem bothered, ganoon din si Sancha. Instead she's just eyeing everyone to shut up. Bumalik ang tingin ko kay Eros na walang imik na nakatingin sa akin. My shameless heart boomed because of that eye-contact.
What? Huwag niyang sabihing ako ang sinisisi niya?
"Lagot sila. Dapat kasi hindi na sila pumasok para hindi napansin." Bulong ni Roswell sa tabi ko.
Tinignan ni Eros ang katabi ko at parehas agad na nagkasalubong ang makakapal niyang kilay. He even raised a brow emphasizing that he's mad.
"Mga baguhan kayo sa building na ito at may lakas na agad kayong mag-cutting? Hindi na kayo mga junior high. Ang tatanda ninyo na." Galit na galit na sambit ng guro.
Hinintay kong umimik ang dalawa pero wala ni isa sa kanila ang pumansin sa guro. Eros' eyes never left our side. Consciously I looked away and continue answering. Walanghiyang puso, nakikisabay pa sa magulo kong utak.
"Eros, anak ka pa naman ng gobernador and you're acting like that. How disgraceful will it be to your parents."
Muli akong bumaling sa unahan dahil sa sinabing iyon ng guro. I know he's just mad for their behaviour pero parang below the belt naman ata ang sinabing iyon. Ako ang nasaktan para kay Eros dahil sa sinabing iyon ng guro and I was expecting that Eros will actually made a angry face for that but he never did.
Galing sa akin ang tingin ay binalingan niya ang gurong galit na galit.
"Sorry." Parang labas sa ilong niyang wika.
Umiling-iling ang guro namin. "I'm very disappointed with you, Romiguez. Akala ko at pumasok ka sa HUMSS dahil mabait kang bata. Umupo kayong dalawa at pagkatapos ng klase ay dumiretso kayo sa guidance."
I don't know how with simple 'sorry' of Eros, ay sumuko na agad sa pagi-intriga ang guro. Parang walang narinig si Eros kung dumiretso sa dulong upuan ng computer lab. Sumunod agad si Sancha na isang beses hinawi ang buhok at kinindatan ako.
Bumagsak ang tingin ko sa sinasagutan kong papel. My heart throbbed. They seem so ready for the consequences.
Gusto kong tumingin sa upuan nila but I refused myself to do so. Kailangan ko ng pigilan ang sarili ko. Sarili ko rin lang naman ang dahilan kung bakit ako nasasaktan e. Kung noon pa lang pinigilan ko na ang sarili kong umasang maging kaibigan siya, edi sana hindi ako nasasaktan ng ganito.
I came there because I thought I am a friend that he will listen to. Nakalimutan ko, kaklase lang ako.
But ... is that really the reason?
"Oy kanina ka pa matamlay, ah. Ano problema?" Bulong ni Roswell sa akin habang tahimik na nagsasagot ang mga kaklase ko.
Dahil sa tanong na iyon mas lalong kumirot ang puso ko. I don't know why I feel like I need someone who can ask me that. Hindi si Roswell. Hindi ang ibang tao. A particular person I don't know.
"Umiiyak ka ba?" Puna niya sa kapansin pansing pamumuong luha sa mata ko.
Umiling ako at pinunasan ang mga mata.
Bakit, Hera?
"Roswell and Hera." Puna ng guro. Yumuko ako at tahimik na sinarili ang nararamdaman. If I will tell anyone what I'm feeling they will be confuse, too. Dahil kahit ako, hindi maintindihan ang sariling nararamdaman.
Kung may application lang na nakakahula kung anong nararamdaman ko, sana hindi ako ganito. Sana alam ko kung bakit.
Augustina, with her usual all smile face welcomed me when I get nearer to them.
"Narinig kong na Guidance daw si Eros, ah. Bakit?" Tanong niya agad.
I looked at our friend who's all curious, too. Ako ang nakakaalam ng dahilan kung bakit sila na-guidance but I have no enough energy to narrate it all.
Nagkibit balikat ako.
"Hindi mo alam? Ano ba 'yan. Sige. Kailangan talaga natin makausap 'yang si Eros. Simula nang i-date niyan si Sancha kung ano ano ng kalokohan ang pinapasok."
"Ito pa lang naman ang unang beses niyang na-guidance, ah."
"And here you go Eros' saviours." Sarkastikong sabi ni Augustina at hinila ako sa tabi niya.
I want to go home. Gusto ko iyong sabihin sa kanila pero alam kong gusto pa nila mag-usap-usap. And they are obviously waiting for Eros.
Bigla akong nakaramdam ng kakaibang takot at kaba sa pagiisip na maaari silang pansinin ni Eros. I don't want to see him. Kung maaari, ayaw kong makasalamuha siya. I felt so much embarrassment from him na ultimo presensiya niya, ayokong makasalubong.
It's just a miracle that I was able to survive his presence earlier in class.
"Naghihintay ata kayo ng susunod na magiging kalokohan ng kaibigan natin, ah."
"Hindi naman sa gano'n, Tina."
"Gano'n 'yon!" Galit na sigaw ni Augustina kay Zeus.
Nagtaas ng dalawang kamay ang kaibigan at hilaw na tinawanan si Augustina.
"Okay. Fine. Chill."
Nilingon ko si Augustina and saw her deepest concern with Eros. Kinurot ang puso ko sa nadagdag na isipin.
Pumikit ako at bumaling sa ibang bagay. Nagbabaka sakaling makalimutan ang hindi ko mapangalanang nararamdaman.
I don't exactly know what I'm feeling. Ang alam ko lang ay nasasaktan ako. Nasasaktan nang hindi alam ang eksaktong dahilan. Ang gulo gulo ng isip ko at sobrang sakit ng puso ko. If this mystery could be just answered now. Nahihirapan na ako para sa sarili ko. Kasi hindi naman dapat ako umiiyak ng walang dahilan.
"Eros!"
I saw Eros walking toward us with his usual dark brooding eyes. He make the way his runaway that no one seem to deserve his attention. At ito na naman ang tumitinding kaba sa puso ko.
Before he could even step in our area, tumayo na ako. Nilingon nila ako.
"I need to go home now. Tinext ako ni mama." Nagmamadali kong sinabi at hindi pa sila nakakasagot ay tinalikuran ko na sila.
They called me but I act like I didn't hear anything.
Sumakay ako ng tricycle at dire-diretsong pumasok sa bahay. Wala pa si mama at sobrang tahimik pa ng bahay. Umakyat ako sa kwarto at nagkulong.
Pagkahiga ko ay siya ring pagtulo ng luha ko. I don't know how come I end up feeling so tired. Basta ang alam ko lang, gusto kong umiyak. Gusto kong ibuhos lang ng sakit sa pamamagitan ng iyak.
I am tired, iyon ang nararamdaman ko. Punong puno ng sakit ang puso ko at parang ngayon lang nila naisipang magsilabasan. Pinilit kong huwag makagawa ng ingay by biting my lip but I can't do it. Humagulgol ako at niyakap ang tanging nakakaalam na nasasaktan ako, ang unan ko.
"Bakit kasi nasasaktan ka, Hera." Pumiyok ako ng isinatinig iyon at mas lalong naiyak.
Eros face flashed in my memory, the moreno handsome guy with interesting pitch eyes and attractive body. The one who I pursued so much to be my friend that I already end up being desperate. The only guy who can make my heart rippled into pieces by his snobbish actions. The only one who made me this scared and embarrassed in my whole life.
Anong karapatan niyang magpakita sa isip ko? Anong meron sa kaniya na nasasaktan ako. Anong ginawa niya para maging desperada ako maging kaibigan niya. Bakit ganito ang nangyayari sa akin dahil sa kaniya?
Hinampas ko ang unan ko at patuloy na naglandas ang mga luha sa aking pisngi. Sobra akong nasasaktan. Sobra akong naf-frustate! Gusto kong makawala sa nararamdamang 'to. Gusto kong umalis. Gusto kong kalimutan. Bakit kasi ganito.
Kailan ko sinabi na tanggap kong hindi niya ako gusto bilang kaibigan? Maraming beses pero hindi ko alam bakit ang bobo ko para umasa pa rin.
Halos dalawang oras akong umiyak sa kwarto na kinatulugan ko na ang pagiyak. Nagising na lang ako dahil sa haplos sa aking pisngi. I opened my eyes and I felt the soreness on it. I cried too much.
"Andy..." Boses ni mama iyon na nag-aalala.
Sa dilim ay nakita ko si mama na malungkot ang mga mata. Katatapos ko lang umiyak, at ang akala ko kanina na naubos na ang luha ko ay muli na namang naglalabasan.
I rose and hugged my mother. Sa panahong nasasaktan ako, wala akong ibang kailangan kundi ang mama ko.
Bumuhos na parang gripo ang luha ko kasabay ng pagpapakawala ko ng maliliit na hikbi.
My mother tapped me in the back. At gustuhin ko mang makaramdam ng ginhawa mula doon ay hindi ko magawa. She let me cry for I don't know many minutes. Nang umayos ayos na ang pakiramdam ko ay humiwalay na ako sa kaniyang yakap.
My mother caressed my cheek which still wet from my crying.
"Bakit, anak?" Nag-aalalang tanong ni mama habang pinupunusan ang pisngi ko.
I tried not to cry so I can talk pero may mga kumawala pa ring hikbi mula sa akin. Huminga ako ng malalim bago tinignan si mama.
"Mama..." tawag ko, naiiyak na naman pero pinigilan ko.
"Nasasaktan ako, mama... H-hindi ko a-alam... kung bakit." Paliwanag ko sa dahilan ng pagiyak ko.
Sinalikop ni mama ang aking buhok at nilagay sa aking likod. She brushed off some hairs in my face, too.
"You're really growing, Andrea. You know, teen age years are the most confusing years. You are hurt and crying for you don't know reason why. And it is normal, anak." She smiled at me, assuring that all this are just normal.
"Pero remember that even you don't know what are you crying for, there's always a hidden reason behind it. It's either you are refusing to believe in it or you are making other reasons to believe in. Minsan kaya tayo nasasaktan dahil mas pinipili nating ibahin ang totoong rason. We are scared to accept that the reason behind our tears is the reason why we are hurting. We refuse it to be the reason because we don't like it. And there is still a reason why we don't like it. It's like a plant, anak. There's a root in every beautiful plants. And sometimes, we are the ones who dig in to that root."
Mapungay ang mga mata kong nakinig kay mama. She explained me well what this all about and she's right. Siguro dahil naranasan niya na din ang ganito noon, alam niya ang nararamdaman ko. She lectured me without judging me by being too young to be like this, instead she advices me like she knows I need a comfort.
"Kaya kung tatanungin kita ngayon, Andy. Alam mo naman talaga ang dahilan 'di ba?" She asked like she's so sure that my answer is yes.
Hindi ako umimik at yumuko na lang.
Tumawa si mama ng mahina at niyakap ako ng mahigpit.
"You know, I was your age when I met your father. And it hurts like hell for being too confuse about my feelings for him. Hindi ko alam kung gusto ko ba siyang kaibigan o higit pa doon."
Hindi ko alam kung sigurado ba ako sa naiisip ko. Ayokong pangunahan ang nararamdaman ko. May ideya man ako ngayon kung bakit ako nasasaktan, hindi ako sigurado kung iyon nga iyon. My mother helped me calm and clears my mind. Hindi ako umimik habang pinapakinggan ang mga sinasabi sa akin ni mama. Pero isa lang ang sigurado ako sa gabing iyon, it really helps me to understand myself.
"There's no exact way how to heal a wound but you can stop touching it when you don't want it to get worse." Iyon ang huling sinabi sa akin ni mama bago matulog at iyon ang binaon ko hanggang paggising ko.
I looked myself in the mirror. Swollen eyes and blushed cheeks, it's obvious that I cried so hard last night. Huminga muli akong malalim, and accepted this new day. Iiyak tayo pero hindi tayo papatalo.
Nagpaalam ako kay mama at dumiretso na sa labas para makadiretso makapasok.
My hair flees freely at my back while I'm making my way to our school's gate. My heart is still in its deepest cut but at least my mind is now calm.
"Good morning, Hera!" Bati ng mga nakasalubong ko sa akin at nginitian ko sila pabalik.
You can't make the world stop when you are in pain. You can't stop them working when you are crying. And most importantly, you can't expect someone comes to you when you're not okay. And you can never expect that pain will heal you. Dahil ang sino mang nanakit ay hindi siyang magpapagaling sa'yo.
I saw Eros walking past in our corridors. With his most attractive features, he made this way, again, his runaway. With that perfect drawn jaw, dark menacing eyes, pointed nose and his thick eyebrows makes all the girls looked at him shamelessly. Isama pa na ang nakakunot niyang noo ay nakaka-attract. His looks shouts for arrogance but everyone still likes him despite that. That even I is not exception.
I looked away and tried to ignore him. Sumabay ako sa isang ka-batch para hindi siya makatabi sa daan. I saw in my peripheral vision that I already get passed through him. Dumiretso ang tingin ko pero wala sa sarili rin akong lumingon sa likod. I saw him stopped from where I passed with his unsaid words from his stare to me. Pinilit ko ang sarili kong maglakad ng diretso.
You won't fall back to that trap again, Hera. He just seems to be interested because of his eyes but he will never be.
I made sure that on this day I will not interact with Eros. Kahit pa kaklase ko siya. I really tried my best to ignore him and act like he doesn't exist. And thankfully, he's a snob to me ever since at hindi naging mahirap iyon sa akin. I wasn't grouped with him, too that makes my plan go all well.
Umupo ako sa tabi ni Roswell, panglimang araw simula noong huling iyak ko. I can say that I am healing but I am completely not fine. There is still a broken part in me but I know it will eventually get healed too.
Nilingon ako ni Roswell at sinuklian ko siya ng ngiti.
"Buti naman good mood ka. May good news din ako, eh." Aniya.
"Ano naman 'yon?" Kuryuso kong tanong. Wala itong hindi sinasabi sa akin na hindi tungkol sa kaibigan kong si Augustina.
"Sabi ni Augustina sa akin, hindi niya gusto si Eros. Ganoon lang daw talaga siya bilang kaibigan." He said all smiles.
Napawi ang ngiti ko nang narinig ko ang pangalan niya pero hindi ko pinahalata.
"Sigurado ka?" Wala sa sarili kong tanong.
"Oo naman. Bakit? Pinagdududahan mo ba kaibigan mo?"
"Hindi."
"Iyon naman pala, e. Buti na lang talaga tinanong ko siya kagabi. Ilang linggo na akong nasasaktan kakaisip na baka gusto niya si Eros, e" Nagkibit balikat siya at kinuha ang cellphone sa kaniyang bulsa.
Ngumuso ako at isinandal ang likod sa aking upuan. Sana kagaya ni Roswell, magaan na din ang lahat ng loob. He's sure that Augustina doesn't like Eros. I don't why I suddenly feel a pang of joy in me but it faded right after the person I don't want to interact with entered the room.
He looked at me with his usual gaze and I will always look away. Noong nag-desisyon akong iwasan siya, sigurado na ako. Noong pinili kong kalimutan ang kagustuhan kong makipagkaibigan sa kaniya, desidido na ako. I don't want this wound to get worse.
"Eros, who is your partner?" Tanong ng discipline teacher namin dahil may boy and girl pairing for this activity.
Hinanap ko si Roswell at walang hiya lang siyang kumaway sa akin habang katabi ang kaklaseng babae. Ngumuso ako at naghanap ng iba.
"Si Hera po."
Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang marinig ang mababa at malamig niyang boses.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top