Kabanata 17

Kabanata 17

Annoyed

I heard from our friends that Eros will take the HUMSS strand. Isang linggo ang lumipas pagkatapos ng brigada at hanggang ngayon, hindi ko alam kung bakit simula nang araw na iyon ay lagi na lang ako nakakaramdam ng hindi mapangalanang saya.

Although I never heard anything about him after that news, it doesn't affect my whole of being happy. Kaya sa unang araw ko sa panibagong yugto ng buhay ko sa high school, ngiting ngiti ako habang naglalakad sa Senior High Building.

"Oy ang saya mo, ah."

Habang naglalakad sa first floor ng Senior High Department ay nakasalubong ko si Akira.

Unang araw ngayon ng pasukan at ine-expect ko na maraming maagang papasok, pero ito na at halos mag ala sais trenta ay iilan pa lang ang estudyante.

"Excited ako mag-senior high." Nakangiti kong sagot sa kaniya.

Wearing our new uniform in senior high, she looks cute.

"Mukha nga. Ang ganda ng uniform natin, 'no? Siya diyan ka na, aasikasuhin ko pa ang programme sa stage." Aniya at agad nagpaalam. Mukha rin naman kasi siyang nagmamadali at bumati lang.

Tumaas ako sa pangalawang palapag ng building dahil naroon ang room ng mga magt-take ng HUMSS. This building consists of four rooms in each floor. Apat na palapag lang ito at ang mga katabi pang building nito ay naroon ang ibang strands. Nakakalungkot lang dahil ang STEM nasa pangatlong building. Hindi naman ganoon kalayo, pero kung kailangan kong bumaba mula second floor at akyatin ang fourth floor ng third building ay paniguradong nakakapagod.

Tinignan ko ang list ng names sa pangalawang room dahil wala sa una ang aking pangalan. At sa tuwing hindi ko nakikita ang pangalan ko, kay Eros naman ang hinahanap ko. Umaasa ako na kahit siya man lang ay maging kaklase ko. Bago ang kultura sa senior high, at medyo mahirap makisama kung bago ang mga mukha, kaya kailangan ko ng kaibigan.

Napabuntong hininga ako. May magbabago kaya ngayong taon?

"Oh." Tangi kong nasabi nang makita ang pangalan ko sa dulong room nitong building.

Dapat pala ay dito na lang ako dumiretso nang hindi na ako napagod.

Hinanap ko ang pangalan ni Eros sa names ng boys at halos tumalon ang puso ko nang makita ang pangalan niya.

Tumunog ang bell na hudyat na kailangan nang pumunta sa gymnasium para simulan ang opening ceremony of this school year. Nahanap ko sa kumpulang mga tao ang mga kaibigan ko kaya mabilis akong naglakad papunta sa kanila. Hinanap ko pa si Eros sa kanila, pero wala siya.

"Late na naman iyong si Eros. Lagi na lang tuwing first day of school." Reklamo ni Augustina bago ako nginitian at sinuri na ang aking mga gamit.

"Ang sipag mo naman magdala ng gamit, Hera. First day of school pa lang." Asar niya sa akin na sinabayan pa ng iba.

Umiling na lang ako sa kanila at hindi ko man lang magawang umimik dahil abala ang mga mata ko sa paghahanap kay Eros. Pero natapos na't lahat ang programme ay wala pa rin siya.

Malungkot akong kumaway sa kanila nang dumaan kami sa unang building ng senior high department.

"Kita tayo sa canteen mamayang lunch." Sabi nila bago dumiretso sa paglalakad patungo sa kanilang building.

Umakyat ako at hindi ko na kinailangan pang makipagsiksikan sa mga humahanap ng kanilang room dahil nakita ko na kanina pa ang akin.

Umupo ako sa unahang silya at sinulyapan ang bagong mukha na nasa tabi ng bintana. She looks at my way shyly kaya nginitian ko siya. She didn't react instead she looked away.

Ngumuso ako at naalala ang kaibigan kong si Jeanelle. She's like that when we were in our first days of freshmen year.

Tinitignan ko isa-isa ang mga pumapasok at hinihintay na pumasok rin si Eros. I looked at my watch and it is almost timed.

Nasaan na kaya iyon?

Someone I am familiar with enter the room. Ito 'yong kasama ni Eros sa basketball team. He looked at my way and smile. I smiled at him as my sign of my reply.

Aamba na sana siyang pupunta sa pwesto ko kung wala lang bumati sa akin at tumabi.

"Oy."

Nginitian ko si Roswell at umayos sa pagkakaupo.

Darating rin naman iyong si Eros. Parehas naman kami ng section.

But should I tell him where his room is? Para hindi na siya maghanap.

Pero... wala akong numero niya.

"HUMSS ka rin pala?" Tanong ko sa kaniya.

Simula kasi noong nag-practice kami para sa moving up ay hindi ko na siya masyadong nakausap at nakasama. Wala rin akong balita tungkol sa kaniya noong bakasyon. Nakakatuwa at kahit papaano, kung hindi man pa rin ako pansinin ni Eros, nandito naman si Roswell.

"Oo. Gusto ko mag-pulis, eh." Nagkibit balikat siya at sumulyap sa likod.

Ginaya ko ang kaniyang ginawa at ito na naman ang lintik kong puso na tumatalon sa saya nang makita si Eros na pumapasok sa room. Wearing the boy's uniform, he looks so dashing. Imagine him wearing a coat like a prince, feeling ko mahihimatay ako.

May hinanap siya sa buong room at nang matagpuan ang aking mga mata ay kusang kumurba ang ngiti sa aking mga labi.

I was about wave at him when he aggressively took the chair beside him and sits there.

Parang pader na walang matibay na pundasyon, nawasak ang kaninang sayang nararamdaman ko.

Umiwas na ako ng tingin at hindi alam bakit ako naiiyak. Parang hindi na ako nasanay sa kaniya. Mula palang grade seven sobrang lamig na nang pakikitungo niya sa akin. Dapat ngayon ay wala na lang sa akin.

Pero hindi ko talaga alam bakit ako naiiyak. Hindi ko alam bakit ako nasasaktan.

"STEM si Augustina, hindi ba?" Boses ni Roswell ang nagpaalala sa akin na nasa eskwelahan pala ako. Hindi dapat ako naiyak dito nang walang dahilan. Baka isipin nila nababaliw na ako.

Tinanguan ko lang si Roswell. Nawawalan ng gana makipag-usap.

"Hmm. I tried to talk to her noong bakasyon pero sobrang cold niya." Kwento niya na hindi ko alam kung paano dudugtungan.

Nginitian niya ako at nag-iwas ng tingin.

"Kahit pakiramdam ko na imposible niya akong magustuhan, sinubukan ko pa rin. Pero talaga yatang wala akong talo sa kaibigan mo." Malungkot na ang kaniyang tono nang idagdag niya iyon.

Noong una ay hindi ko naintindihan ang huli niyang sinabi pero kalaunan ay naalala ang kaibigan na lalaki.

"Gusto ata siya ni Augustina."

Tumingin siya sa akin at naghintay ng aking isasagot.

I cleared my throat three times bago nagsalita.

Nagkibit ako ng balikat dahil hindi ko alam kung talaga ngang gusto ni Augustina si Zeus.

"Hindi ko alam."

"Paanong hindi? Eh ako nga napapansin ko na sobrang lapit niya kay Eros."

Nagulat ako sa biglaang pagsisingit ni Roswell sa pangalan ni Eros.

"Eros?" Naguguluhan kong tanong.

"Oo. Matagal ko nang napapansin na sobra silang malapit."

Sa dami ng pwedeng magkagusto kay Eros, alam kong hindi mabibilang roon si Augustina. Kahit dalawang taon pa lang kami magkakaibigan, nakakasigurado akong hindi si Eros ang tipo ng lalaki na magugustuhan niya.

"Magkakaibigan kami. Natural iyon." Sagot ko, may baradong kung ano sa aking lalamunan.

"Iba kasi ang pagiging malapit nila."

"It's because they are friends longer than us. Mula pa ata bata sila magkaibigan na sila."

"Kaya nga, eh. Childhood friends fall for each other in time. Malay mo kung nahulog na si Augustina sa kaniya."

Umiling ako dahil ayokong maniwala sa sinasabi ni Roswell. Hindi ko alam bakit kahit hindi ako sumasang-ayon, may kaunting kirot akong nararamdaman sa aking loob looban.

"You're just hurting yourself by a false conclusion, Roswell. Hindi tipo ni Eros ang magugustuhan ni Augustina." I explained to him.

Pumasok ang pamilyar na guro sa aming classroom kaya tumayo na kami.

"Who wouldn't like a Romiguez? Ang isang Eros?"

Who wouldn't like an Eros?

Pagkatapos naming batiin ang guro ay umupo na kami ulit ng sabay-sabay.

Hindi ko na dinugtungan pa ang sinabing iyon ni Roswell. Dahil kahit ata ipilit kong hindi totoo iyon ay hindi siya maniniwala sa akin.

"And since the day I told you that I like Augustina, iniwasan na rin ako ni Eros." Bulong niya.

Nilingon ko siya ng gulantang.

Hindi ko alam ang bagay na iyon. Dahil sa tuwing magkasama kami ni Roswell noon ay hindi ko naman natanong na ulit ang relasyon ng pagkakaibigan nila ni Eros. I didn't know that there was a beef created.

Because of who?!

"Pakiramdam ko napansin niya iyon kaya siya umiwas sa akin. We are cool in court but when we are back to normal students, parang hindi niya ako nakikita kung iwasan."

"I don't know that part, Roswell. But are you sure that this is about Augustina? Baka naman iba."

Medyo gulantang sa kaniyang sinabi at hindi naniniwalang dahil kay Augustina ay pinilit kong kumpirmahin.

Why would it be Augustina? Close din naman si Gelou sa kaniya.

Is it because he likes Augustina? Because he's jealous?

"Pakiramdam ko lang naman na may gusto si Augustina at Eros sa isa't-isa. Nasasaktan lang ako kaya kailangan kong masabi. I am not sure, but I am hurt already thinking that."

"Bakit mo kasi iniisip kung hindi ka naman pala sigurado kung totoo?" Pati ako nadadamay na masaktan dahil diyan.

I don't want to sound annoyed, pero iyon ang tono na lumabas sa bibig ko.

I looked at the back and quickly found Eros' piercing eyes.

Mas gugustuhin kong si Stephanie ang magkagusto sa kaniya kaysa ang kaibigan namin pareho. Bakit? Hindi ko alam.

Ibinalik ko ang tingin sa harap at pinakinggan na lang ang guro.

Why I'm hurt with the things I am not sure is a big mystery.

Like how the first day of school usually starts, it's nothing new in this year.

Hinintay ko sa first floor ang mga kaibigan ko nang nag-uwian. I was about to approach Eros pero dali dali na siyang bumaba. Hindi rin siya sumabay kanina sa canteen.

Ang sinabi sa akin ni Roswell tungkol kay Augustina ay nananatiling nagpapagulo sa aking isipan. That when I found Augustina's bubbly face, wala akong ibang maramdaman kundi insekyuridad.

She's pretty and mature. Matagal na silang magkakilala ni Eros at sobra silang malapit. Hindi ko alam kung bakit hindi ko napansin na mas close nga si Eros sa kaniya kaysa kay Gelou.

Bumuntong hininga ako ng isang beses at nginitian sila. I waved at them when they get nearer.

"Kumusta?" Maligayang tanong sa akin ni Augustina.

Inilagay niya ang kaniyang kamay sa aking braso at sabay-sabay na kaming lumabas. They started narrating what happened to their first whole day.

Bakit ako nakakaramdam ng ganito? I should be happy, right? Dapat masaya ako kasi kaibigan ko ang magugustuhan ni Eros. Magkakaibigan kami, at dapat... tanggap ko.

Pero bakit parang ang hirap naman ata no'n?

"Hera, kaklase mo si Eros?"

Galing sa kawalan ay ibinaling ko ang tingin ko kay Augustina. She's all smiles, madalas naman iyon, ganyan talaga siya, pero bakit parang... iba?

I shouldn't feel this. I feel like a traitor for not accepting that Eros and Augustina might be a thing.

Tumango lang ako bilang sagot at hindi na nagsalita. There's a weird hollow in my throat that restraint me from speaking. If I will utter, I think it will only sounds like I'm hurt.

Humihiling na lang talaga sana ako na hindi halata sa aking hitsura ang sakit.

"Wow. Hindi kayo naghihiwalay, ah."

I don't know why I find her statement sarcastic. Ganoon na naman siya, dati pa magsalita.

My head is a mess until morning. I wasn't able to sleep soundly because of that. Lagi kong inaalala ang mga interaksyon nila Augustina at Eros, and all I can assume is that, they must be a thing. Hindi imposible ang pagkakagusto nila sa isa't-isa dahil matagal na silang magkaibigan.

I looked at the wall clock in my roon lazily. Never akong tinamad sa pagpasok, I always find comfort in studying and school, pero ngayon, parang gusto ko na lang magpakain sa kama ko.

Pumasok ako kahit halata sa mukha ko na wala akong tulog. Some schoolmates are greeting and smiling at me and I'm so awkward because I don't know if I should smile back. Paniguradong mukhang galing zombie apocalypse ako.

Umupo ako sa upuan ko and finally had the confidence to greet back when my classmates greeted me. Hindi nga lang nagtagal ay bagsak na bagsak na ako. I slept during the half hour before the class start. Ginising lang ako ni Roswell nang makapasok na ang guro sa loob.

"Puyat na puyat? Wala naman assignments, bakit ka puyat?" Bulong ni Roswell habang nagtuturo na sa unahan ang Oral Communication teacher namin.

Umiling na lang ako dahil hindi pa ako nakakabawi sa pagkakagising. I'm still sleepy, actually.

Bibigay na sana ang aking mga talukap at babagsak na rin sana ang aking ulo kung hindi lang ako siniko ni Roswell at nakita ko ang seryosong mukha ng guro sa unahan.

Umayos ako sa pagkakaupo na kahit inaantok na talaga ako ay pinilit ko pa ring makinig.

"Roswell told me that you're about to sleep during Sir San Pedro's class."

Halong pang-aasar at pagkaka-seryosong wika ni Augustina.

Ngumuso ako at sumimsim sa iniinom kong fresh milk. Inaantok na nga ako tapos gatas pa iniinom ko, magaling.

"Roswell?" Nagtatakang tanong ni Zeus. Nilingon ko siya at nakita ang hindi mapangalanang emosyon sa mga mata.

For almost two years of being with them, I was able to find out their similarities. Their emotions are hard to figure out when they are trying to hide it. I remember Eros' everytime we would see each other. Hindi ko alam kung sadya bang ganoon ang kaniyang hitsura o talagang hindi siya natutuwa kapag nakikita ko. Maybe, both?

Speaking of him, simula kahapon ay hindi na sumabay sa amin iyon.

As if he ever did when you are around, Hera.

Parang may kung anong tumusok sa puso ko kaya nahirapan akong huminga.

"Hmm. He started talking to me noong bakasyon tapos iyon nga, nakwento niya 'yong tungkol sa iyo kanina." She said languidly.

I looked at her, and here goes the insecurity again.

What if it is really true? That Eros and her?

She sounds cool with Roswell, siguro ay talagang assumero lang ang lalaking iyon? He likes my friend na kahit ang pagiging malapit nito sa mga lalaki ay naiisipan niya ng kakaiba.

Siguro nga ay gano'n.

Pero paano kung hindi gano'n?

Nakakabaliw naman ang ganito. I don't even know why is it such a big deal to me. Ano naman ngayon kung ganoon nga?

Paulit-ulit na lang ang tanong ko pero hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung ano ang maaring sagot.

"Hera!" Tawag sa akin ni Augustina nang hindi ako sumagot.

Napakurap-kurap ako at magsasalita na sana kung hindi lang pumasok si Eros kasama ang kaklase kong babae.

Pati ang mga kaibigan ko ay hindi nakaimik nang dire-diretso silang tumuloy sa mga paninda.

"Sino 'yon?"

"Transferee?"

Sabay-sabay silang bumaling sa akin, humihingi ng sagot.

Nag-iwas ako ng tingin at kinagatan na ang egg sandwich ko.

"Transferee 'yan na kaklase namin. Sancha is her name." Normal kong sagot kahit na ramdam ko na ang pagkakadismaya ng kung ano sa puso ko.

Why is he with that girl?

I never yet had an interaction with transferees because we never yet had been grouped. I never judge anyone in my life because that's not what my mother taught me. Pero ngayon, wala akong ibang maisip kundi puro masama tungkol sa babae.

Nilalandi niya si Eros?

"Sancha? Hilig ni Eros sa S, ah." Ani Kirby.

Nilingon namin siya at nagtawanan ang mga lalaki.

S? Augustina has no S in her name.

"H ang gusto no'n, hindi S." Singit ni Augustina.

"Paano mo nasabi?" Asar ni Zeus na hindi naman bakas ang pang-aasar kaya inirapan na lang siya ni Augustina.

I left the school with my friends and again, Eros is nowhere to be found. Hindi ko alam paano ko nalagpasan ang isang linggo na may isang bagay na bumabagabag sa akin.

After that I confirm that Eros has secretly crush on our transferee hindi na ito lumayas sa isip ko.

Ewan ko ba bakit ang bilis magbago ng mga gumugulo sa isip ko. Hindi pa ako tapos kay Augustina, may sumunod na naman.

Bakit kasi ang habulin niya?

My right arm snapped in the air when our Komunikasyon teacher asked a question.

Kahit naman maraming gumugulo sa aking isipan, alam ko pa rin naman ang aking mga prioridad bilang estudyante.

"Katulad ng isang apoy ang salita. Nagbabaga at at sa oras na iyong hawakan, mapapaso ka. Katulad na lang ng mga pinili mong salita, dalawa lang ang maaring mangyari, makatulong ka o makasakit ka. Dahil kagaya ng apoy, masasaktan tayo kung pipiliin nating hawakan ito."

Before I sitted my teacher smiled at me at tila nakarinig ng isang magandang musika kung makabalik sa blackboard para sabihing tumpak ang sagot ko sa nais niyang iparating.

Too much praises I received after that, at hiyang hiya na ako dahil hindi sila tumitigil. At halos lagi na nila akong pinipiling maging leader tuwing may groupings.

"Romiguez, who's your partner?" Tanong ng Discipline teacher namin.

This is the last subject today at hindi na ako makapaghintay na makauwi. Iniisip ko pa lang ang dami ng assignments na gagawin, napapagod na ako.

Umikot ang paningin ko at nakita si Roswell na nasa malayong silya at may kapares na. Ang kumag na 'yon at iniwan ako.

I looked for another partner but then everyone has their. Ngumuso ako at naisip na kaya ko naman mag-isa.

"Wala kang partner, Hera?" Tanong ni Miss Say.

"Wala po." Sagot ko

"Ako na lang. Hayaan ko na 'tong si Lovely." Sigaw ng isa kong kaklase.

Nagtawanan sila pero hindi iyon nagustuhan ng kapartner niya. Ako ang na-guilty sa action na wala akong kinalaman.

Ngumiti ako sa guro.

"Kaya ko naman po mag-isa-" But before I could finish it, may tumabi na sa akin.

Gulantang kong tinignan si Eros at sa namamanghang mga mata ay hindi naalis ang aking tingin sa kaniya.

"I don't have a partner din po." Magalang niyang untag sa guro.

Ngumiti ang guro at umalis na sa harap para tignan ang iba pang kaklase.

He looked at me at awtomatikong sumilay ang ngiti sa aking labi.

"You're not annoyed with me, anymore?" Natutuwa kong tanong.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top