Kabanata 15
Kabanata 15
Boyfriend
Ang dalawang buwan ay tila isang linggo lang. It passed like a wind.
I languidly get up from my bed and stare at my reflection in the mirror for a little while.
After the outing with my friends, hindi na ulit iyon nasundan. Lahat sila nagkaroon na ng sari-sariling bakasyon sa iba't-ibang lugar. Ako lang ata ang nabulok dito sa bahay.
I always stalked them on my social media accounts. There's no day passed that we didn't talk. Lagi nila sinasabi sa akin na pag-uwi nila ay papasalubungan nila ako. Natutuwa ako dahil kahit magkakalayo kami ay hindi nila ako nakakalimutan. Nalulungkot nga lang ako isipin na halos mag-iisang buwan na rin simula noong nakita ko si Eros.
I don't know why I feel like I want to see him everyday. Naiisip ko lagi paano kaya kung maging malapit na kami, katulad ng kung paano sila magtratuhan nila Augustina at ng iba pang babae na kaibigan. After I saw him on the plantation, I didn't have the chance again to see him. He didn't even passed by here when our friends visited me. Sanay na naman ako doon, pero nalulungkot pa rin ako isipin na wala siya.
I open my facebook account and saw Eros full name on my recent search.
Lately, I am being very confused about my feelings. I don't know if it is because I am growing or what.
There are times when I will feel nervous for no reason, crying over unknown things, and getting upset by a thing I can't name. Kagaya na lang ngayon, tinitignan ko pa lang ang profile niyang ni walang ka-post post sa current abouts niya. Ayaw man lang mag-status or mag-post kung nasaan siya. Hindi 'yong–
Napabalik ako sa aking pagkakahiga at niyakap ang unan ko. Iyan na naman. Naiiyak na naman ako. Hindi ko na talaga maintindihan sarili ko. Hindi ko alam bakit ako naiiyak sa pagbisita lang sa profile niya. I feel like I need to know where he is, what he is doing. Kuryusong kuryuso ako sa kalagayan niya!
Ilang minuto pa ata akong nanatili sa aking kama bago ako nagpasyang bumaba na. And like usual, naabutan ko si Mama na nagluluto ng umagahan.
"Ma," tawag ko.
Nilingon niya ako at nakangiting nagtatanong mga mata.
Hindi ko alam kung itatanong ko ba ito, pero kung hindi, hindi ko alam kung makakahanap ba ako ng maagang sagot sa tanong ko.
I crossed my arms on the table and rest my left cheek on it. Tinitigan ko ang pintuan sa salas bago isinatinig ang tanong.
"I've been feeling different lately." Panimula ko.
Huminga ako ng malalim at naramdaman na naman ang sakit sa puso ko.
Why do I feel like I'm always hurt? For what?
"Naiiyak na lang ako bigla nang hindi ko alam dahilan." Nag-angat ako ng tingin kay mama at naabutan siyang nakatitig sa akin.
Tipid niya akong nginitian bago ako sinagot.
"Imposible namang walang dahilan kung bakit ka naiyak." Aniya.
"Pero... hindi ko po talaga alam."
Pinatay niya ang kalan bago umupo sa silya na nasa harapan ko. She stares at me in the eyes and I suddenly feel bothered.
"There's always a reason why people cry. It's just that, most of the people are in denial. Isipin mong mabuti kung kailan ka naiiyak. Sa tuwing?"
Nag-isip ako kung kailan nga ba ako madalas maiyak at naalala ang madalas na dahilan no'n.
"Kapag wala akong balita sa kanila." I said, I don't know if I am honest with that part.
"You miss them. Iyon ang dahilan kung bakit ka nalulungkot at umiiyak. Because when you miss someone, and when you can't do anything to have an update with their abouts, it worries you." She explained.
Bumalik si mama at pinagpatuloy ang kaninang niluluto.
I stare at nowhere blankly and don't know how to react with that.
I miss... him?
Bakit ko naman mami'miss iyon?
I always believe to what my mother's says to me, but on this part, I don't. It is probably my hormones. I'm turning seventeen, at sabi nila, teen age years are the most confusing years. Maraming tanong na hindi masagot.
Oo, tama. Iyon ang dahilan kung bakit ako naiiyak nang walang dahilan. It is not because... I miss him.
"Siguro mauna ka na mag-enroll, Hera. Sa isang linggo pa balik ko."
Tumango ako at nginitian ang mga kaibigan. Because I'm so bored, nakipag-video call ako sa mga kaibigan ko. They all answered my request group video call except for that one person.
"Parang halos lahat tayo sa isang linggo pa. Pasensiya na Hera kung hindi kami makakasabay sa iyo." Si Zeus naman ngayon na inaaalala ang page-enroll ko mag-isa.
Inilingan ko sila. Hindi naman ako lilipat ng school kaya hindi naman dapat sila mag-alala. Ilang taon na akong pabalik-balik sa escuelahan na iyon kaya kaya ko na ang aking sarili. I'm trying to act like a grown lady, dahil senior high na ako.
"Bakit? Hindi ba uuwi si Eros?" Si Augustina iyon na nagpapawi sa aking ngiti.
"I don't know." Tangi kong nasagot.
Ang maisip na makakasabay ko si Eros sa enrollan brings back my past memories with him. Ngayong halos ilang taon na rin kaming magkakilala, I don't expect him to act in front of me differently. Nakakasigurado naman akong mananatili siyang hindi mamansin kaya wala ring kwenta kung magsasabay kami.
"Hindi ata siya uuwi, Tina. Baka 'yong kapatid niya."
And here comes that little pain in my heart again. Why does hearing his name feels like a burden to my heart. Siguro nga at tumatanda na ako. I'm getting sensitive. Hindi ako ganito dati, but I'm turning to be like that now.
"Anyway, ano kukunin ninyong strand? Ako kasi, mag-STEM ako." Palit na topic ni Gelou.
At dahil sa tanong na iyon ni Gelou, naalala ko kung ano nga bang strand ang tatahakin ko. We're now on the first stage of deciding our future, at kinailangan kong isiping mabuti ang kukuhanin kong strand. I don't want to regret in the future for choosing the wrong path.
"I will take HUMSS." Sagot ko.
Noon pa man ay gustong gusto ko ng maging isang guro. I enjoy watching teachers teaching, I also want to guide the children. Kakaiba ang nararamdaman ko sa tuwing ako ang pumupunta sa unahan ng klase at pinagsasalita. I always feel like when I'm in front, I want to see the class in a positive mood. Gusto ko ang pagtuturo hindi dahil sa benepisyong makukuha ko someday, but the purpose I can see when I watch the class in awe. Gusto kong maging isang daan para sa lahat.
"Oh! Si Eros din ata." Ngising ngisi si Augustina nang sinabi iyon.
Oh?
"Paano mo nalaman?" Si Anjhon naman.
"Duh. Obvious naman. His dad is the governor, he is to continue the legacy kaya dapat politics ang tahakin niya."
"How sure are you na papayag si Eros? Van is the probably one who will continue. He's the real bloody related son."
"Eh bakit ba? Malay mo!"
Others will take the other courses. Sabi nila HUMSS isn't in their choice, so I was left alone in the different path. Unless Eros will take it, too. Pero kahit ganoon, nothing will change. He will remain so distant to me.
Dumiretso ako sa ilalim ng puno ng mangga pagkatapos ng tawag na iyon.
Ilang beses ko na bang sinabi na alam ko namang hindi niya ako gustong maging kaibigan. I have accepted that fact from the very start he makes me feel I am not welcome in his life. It hurts thinking that we're getting old together but we never had the chance to know each other more.
Sinipa ko ang maliliit na bato at naramdaman ang mainit na nagbabadyang luha sa gilid ng aking mga mata. What if I do the same?
Ignore him? Pretend like he doesn't exist when he is around?
Gustuhin ko mang gawin ang mga bagay na iyon, ibalik sa kaniya kung ano ang ipinaparamdam niya sa akin, I'm still aware that he is no fault. Ako lang naman ang gustong makipag-kaibigan, ang ibalik sa kaniya ang bagay na ginagawa niya sa akin ay isang tangang desisyon. Why would I be his karma when in fact he didn't do anything wrong to me.
Hindi dahil nasasaktan tayo, gagawa na tayo ng mga bagay na hindi naman dapat nating gawin. I end up with this kind of thought because I'm hurt. It hurts thinking I am not welcome in someone's life I want to be part.
"Hera!" The SSG adviser welcomed me when I entered the school hall.
"Good morning po." Magalang kong bati.
"Ikaw lang ba ang mage-enroll?"
"Opo, eh. They are still in their vacation po."
Tumango si Ma'am at kumuha ng stamp para sa paglilinis ko.
"We really wish you to be part of SSG. Sana sa susunod ay sumali ka na."
Teachers had been pursuing me to run for SSG position. They even suggested me to run for President. Hindi ko nga lang gusto ang mga ganoong bagay. Bukod sa masyadong maraming gawain sa acads, hindi ko rin ata kayang pamunuan ang mga aktibidad. Although I want to be a voice too of my co-students, I think my abilities aren't on that track.
"Pag-iisipan ko po, Ma'am. I heard that Senior High is the heaviest year po." I honestly said.
"You can do it. You're a smart kid. Pero, nasa sa iyo pa rin. Ang akin lang, I see the potential of a good leader in you."
Nginitian ko na lang si Ma'am dahil hindi ko alam kung ano pa ang maaaring isagot. Dumiretso na ako sa pangalawang palapag ng Senior High Department at dumiretso sa room 204 para doon maglinis.
Nginitian at binati ko ang iilang mga kilalang kaklase at ang ilan ay tipid na nginitian lang dahil mga bago ang mukha nila.
I guess that this year will be full of new faces.
I set my watch in one hour. Naglinis ako kasabay ang mga dating kaklase at nakipag-kwentuhan na rin.
"HUMSS kukunin mo? Wow naman." Manghang wika ni Klara.
"Bakit? Ano ba kukunin mo?"
"HE lang. Iyon lang kaya ng utak ko." Tumawa siya at pinagpatuloy ang pagwawalis.
I feel bad for people who think themselves as a little. We all have the potential in a certain activity and work. It's just that people keeps on comparing of what is best and worst. Everything is equal, hard or not, it is still base on our abilities. I don't get why people think they are higher than to those in a less academic track.
"There is a good opportunities in HE. Bakit mo nila-lang ang strand mo?" I smiled at her and then she looked at me.
"Tama nga sila at masyado kang mabait para kainisan. Hindi ko alam bakit inis na inis sa'yo si Stephanie." Aniya.
Hindi ako umimik sa sinabi niyang iyon at hindi niya rin naman napansin ang pagtahimik ko.
Stephanie hates me? Hindi ko alam ang parteng iyon. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako o hindi na lang magbibigay ng paki. I am not the person who believe in sabi sabi lang. Alam ko namang may nangyaring hindi maganda sa amin ni Stephanie, but I never think that she would plant hatred.
Itinapon ko sa basurahan sa likod ng Senior High Department ang basura. Pinagpagan ko ang aking mga kamay dahil sa duming ilang dumikit.
Siguro at ganoon talaga. We are born different from each others. There are people who you treat as a friend and there are people who will not treat you the same you treat them. May mga tao rin na tatanggapin mo despite their differences, pero may mga tao pa ring hindi tayo maiintindihan. Maybe that's the peek of reality in me. Hindi lahat magiging mabuti sa'yo.
"Si Van? Hindi nga? Sa facebook ko lang makita madalas itsura no'n tsaka during campaign!"
Napabaling ako sa nagsisigaw no'n at nakita ang kumpulan ng Junior High students sa hindi kalayuang gate.
I walk towards them at hindi na sana makikinig kung hindi lang sila malalakas mag-usap.
"Ang gwapo, girl. Parang kuya niya. Wala tayong pag-asa sa kapatid niya kasi matanda sa atin ng ilang taon, pero kay Van! Meron!"
"Anong grade na ba?"
"Same grade natin. Grade 9 din."
"Gusto kong makita. Nasaan ba? Hindi ko pa nakikita sa personal iyon."
"Nandoon sa registration. Kausap ng mga teachers, tara."
Nagkukumahog at nag-uunahan na nagsitakbo palabas ang mga babaeng iyon. Dahil sa bagal kong maglakad, narinig ko pa ang pagkakahumaling nila sa taong hindi ko naman kilala.
Lumabas na rin ako sa likod at bumalik sa may registration area. Tapos ko na ang isang oras at pinirmahan na naman ng assign teacher sa room na nilisan ko ang stamp.
Inamoy ko ang sarili ko bago nagpatuloy sa paglalakad. Mabuti na lang at hindi naman ako nag-aamoy pawis.
Nanliit nga lang ang mga mata ko nang makita na maraming nagkukumpulan sa may registration. Alam kong enrollan ngayon, pero hindi naman dapat ganito ang pila.
"Mage-enroll rin kayo?" Tanong ko sa mga junior high na hindi naman mga nakapila.
"Hindi po." Natatawang kinikilig na sagot niya.
Nakakataka naman ang way ng pagsasalita niya pero nilagpasan ko na lang.
Bakit sila nandito kung hindi naman mage-enroll?
Kinawayan ko si Akira, ang SSG president na ka-batch ko.
"Hi!" Bati ko.
"Hi, Hera!" Bati niya pabalik.
Pumunta ako sa kaniya pero hindi pa ako masyadong nakakalapit ay tumingkayad na siya at sinilip ang nasa registration area.
To my curiosity I looked on that side, too.
Nakita ko ang isang mestisong matangkad na lalaki. Wearing a checkered polo shirt and a casual black jeans, girls fascinated over him.
Ito ba ang dahilan kung bakit lahat sila ay nandito?
Even the teachers are having fun while looking at that... young boy?
Even he is tall and his body is build like a grown man, he still looks so young to me. It is obvious on how he reacts and moves.
"Sino iyon?" Tanong ko kay Akira.
Namamangha pa ang mga mata niya nang binalingan ako. At para siyang nagayuma kung magsalita.
"Si Van. Ang guwapo, 'no?" Hinawakan niya pa ang pisngi gamit ang dalawang kamay bago ako tinalikuran at dumiretso na mismo sa registration area.
Napailing na lang ako at nagpasyang dumiretso na rin dahil kailangan ko ng makapag-enroll at makauwi na.
"Tapos na po ako maglinis." Wika ko sa gurong nag-aasikaso ng cards for enrolling.
Ibinaling niya sa akin ang tingin at medyo dismayado dahil busy pa siya sa pagtitig sa lalaking pinangalanan kanina ni Akira na Van.
Van? It sounds familiar.
Ibinigay sa akin ang isang kopya ng sasagutan ko at pumunta ako sa isang lamesa sa gilid. Doon ako nagsagot.
Nang matapos ko na ang page-enroll ko ay hinanap ko muna si Ma'am Agila na president ng SSG. When I found her, nilapitan ko at nagpaalam.
"Sige. Mag-iingat ka pauwi." Bilin niya.
Naglalakad ako sa hallway ng Junior High department nang makasalubong ko ang kaninang pinagkakaguluhan nila.
Hindi ko sana papansinin dahil hindi naman ako interesado sa kaniya kung hindi niya lang ako nginisian.
My eyes squint and realized he looks somehow familiar. Parang nakita ko na ang lalaking ito. Hindi ko lang maalala.
Saan nga ba?
"Hi!" Bati niya, hindi ko alam kung para sa akin. Ayoko namang mag-assume kaya nilingon ko pa ang likod ko.
At nang makitang wala naman tao roon ay binalingan ko ulit siya.
Well, he's handsome. But he still looks so kid to me. He has that perfect pointed nose and tsinito eyes. Mapupula ang labi na para bang naka-liptint, but it is obviously natural. Makapal rin ang kilay niya at medyo mahaba ang buhok. Kung hindi lang siya mukhang bata para sa akin, iisipin kong si Eros ito.
Nginitian ko siya at hindi na sana siya babatiin pabalik kung hindi lang siya tumigil sa harapan ko.
"What's your name?" Confident niyang tanong.
Hindi ko siya sinagot. Nakaramdam ako ng pagkaka-mayabang niya at medyo nainis ako doon. It seems like he is just being friendly, but the aura he has is so annoying. Hindi ko alam bakit.
"Oh sorry. Bawal ba malaman? May magagalit?" Natatawa niyang tanong habang tinititigan ang mukha kong paniguradong nakakunot.
Hilaw akong ngumiti. Lalagpasan na sana siya kaso hinarangan niya ako.
Mas lalo akong nainis pero kailangan kong magtimpi. Junior high lang 'to. Mas bata sa akin kaya makulit.
"May boyfriend ka ba?" Tanong niya.
I know what he is up to. Ang hindi ko maintindihan, bakit ka'y dali sa mga lalaki na pormahan ang mga nakikita nilang babae? To grab the chance kasi baka mawala pa? Ganoon ba iyon?
Magsasalita na sana ako kung hindi ko lang nakita ang taong palapit sa pwesto namin.
My heart hammered wildly again. Habang tumatagal, mas lalo atang lumalala ang nararamdaman kong niyerbos kapag nakikita siya, ah.
And suddenly, again, after a month, pakiramdam ko nakita ko na ulit ang matagal ko ng hinahanap-hanap. My tears formed in the corner of my eyes. This isn't because I'm sad, but because of the overflowing happiness I'm feeling right now.
He walks very confidently in the hall with that mysterious and arrogant aura. I don't know why I find it very mesmerizing when it is should be terrifying.
Nakalapit siya sa amin at ilang saglit akong tinitigan.
Nginitian ko siya, but he didn't react.
"Si kuya ang boyfriend mo?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top