Kabanata 14
Kabanata 14
Anilao
"Saan kayo galing?" Salubong na tanong ni Augustina.
Nasa lounger na sila at kapwa mga nakabalot sa tuwalya.
"Sa loob lang." Sagot ko bago tumabi sa kaniya. Nasulyapan ko si Eros na umuupo na rin sa tabi ni Zeus.
Nginitian ko naman si Anjhon nang hindi naalis ang kaniyang tingin sa akin. Malungkot ang mga mata niya akong nginitian. I feel guilty for making my friend hurt because of me.
Pero wala naman ako magagawa. I can't just dictate my heart on what to do and who to like.
"Nawawala kayo bigla. Sayang at hindi ninyo nakita ang pagpapahiya ko kay Stephanie." She mocked once nowhere and faced me after.
"Nakakaawa ang mukha niya. Buti nga sa kaniya nang mapagtanto niyang umalis na."
"Umalis na sila?" Medyo gulat kong tanong.
Grabe naman ang kaibigan ko, pero dahil siguro na rin sa inis niya kay Stephanie at lagi niya pang naaalala ang nangyari, hindi niya na makontrol minsan pa ang kaniyang emosyon.
"Oo. Feeling may-ari 'yang si Augustina, eh." Singit ni Zeus kaya siya naman ang binalingan ko.
Eros is just silently listening to his loud bunch of friends beside him. Madalas naman talaga siyang walang imik kapag kasama ako, pero sa likod ng isipan ko, sinasabing tahimik siya dahil sa ibang bagay.
Ngumuso ako at nag-iwas ng tingin. Ano naman ngayon kung si Stephanie ang dahilan ng pagkaka-walang imik niya?
"Aba, masisisi mo ba ako? Kulang sa pansin lagi 'yang si Stephanie."
"Eh hindi naman ikaw 'yong hinahabol, ah. Daig mo pala naaagawan ng pagkain kung magalit." Si Anjhon natatawa.
Matalim siyang tinitigan ni Augustina at tinaas ang ring finger niya.
"Excuse me pero hindi ako nagagalit kapag inaagawan ng pagkain." Sarkastiko niyang sagot.
"Weh?" Dagdag na pang-asar ni Zeus kay Augustina kaya pare-parehas silang pinagbabatukan ni Augustina. Talo sa pamimikon ng dalawang kaibigan.
Tumabi naman sa akin si Jeanelle at inalok ako ng canned juice na iniinom niya.
Tinanggap ko ang inabot niya sa aking Tropicana pero hindi ko iyon binuksan. Bukod sa lamya ako kung magbukas, hindi naman ako nauuhaw.
Hinabol ko ng tingin ngayon si Augustina at Zeus na naghahabulan sa pool. Napangiti ako.
"Hindi mo mabuksan?" Napaangat ako ng tingin kay Anjhon na biglang sumulpot sa harap ko.
Tinignan ko ang hawak hawak kong juice at sasagot sana na hindi pa ako nauuhaw pero nang maalala ko ang usapan kanina, tumango na lang ako. I don't want him to feel like there are things that will change between us.
Tahimik niyang kinuha ang juice ko at walang kahirap-hirap na binuksan iyon. Magpapasalamat na sana ako sa kaniya kung hindi ko lang narinig ang maingay na pagbukas rin ng isang canned juice.
"Oh my, Eros!" Narinig ko ang hagalpak ni Gelou sa kabilang lounger.
Napatayo naman agad ako dahil sa gulat. The canned juice that Eros opened burst out to his face.
Nakapikit ang kaniyang isang mata habang nilalayo ang juice sa sarili. Kinuha ko iyon at inilagay sa lounger na inuupuan ko.
He opened his other eyes to see me pero hindi ko na binigyan pansin iyon. Dumiretso ako sa lounger kanina ni Zeus at kinuha ang isang puting tuwalya.
I handed him the towel. Akala ko ay agad niya iyong tatanggapin pero, tinitigan niya lang iyon.
Narinig ko ang pag-ahon ng mga kaibigan ko at natatawang tinitignan si Eros.
"That's what you get for talking with Stephanie. Karma." Prankang ani ni Augustina.
Hindi siya pinansin ni Eros sabagkus ay nanatiling nakatitig sa tuwalyang inilalahad ko sa kaniya.
"Kanina pa 'yon. Limot limot." Si Zeus.
"Hindi ako madaling makalimot." Mataray na sagot ni Augustina at dinanggil ang braso ko dahilan kung bakit naihagis ko sa mukha ni Eros ang tuwalya.
"Grabe ka naman magalit. May lihim ka atang pagtingin kay Eros, e." Bakas ang pang-aasar sa boses ni Anjhon pero hindi ko alam bakit tila tumagos iyon sa dibdib ko.
Inihilamos ni Eros ang tuwalyang hindi ko sinasadyang ihagis sa kaniya. Iniwan niya iyong nakasabit sa kaniyang leeg at balikat bago nag-angat ng tingin. Una niyang natagpuan ang aking mga mata kaya agad akong nag-iwas ng tingin. I busied myself pretending that I'm listening to our friends.
"Gago ka ba? Palibhasa wala kang kwentang kaibigan." Bakas ang inis sa tono ni Augustina, siya ang napili kong lingunin.
Tinignan niya ako bago ako inakbayan.
"Paano mo nasabi na wala akong kwenta, huh?" Hamon ni Anjhon pero halatang pinipikon lang naman si Augustina.
Tumabi sa kaniya si Zeus at nangingising tinitigan kaming dalawa. They are here again, irritating our dear friend Augustina.
"Kasi hinayaan ninyo si Eros na makipag-relasyon sa talanding babaeng 'yon."
Nagtawanan ang dalawang lalaki sa harap namin at dismayadong umiling-iling.
"Nababaliw na ata kaibigan natin, Anjhon. Hindi niya na alam pinagsasasabi niya." Bulong bulong ni Zeus kay Anjhon habang naglalakad palapit ulit sa pool.
"Mga abnormal kayo. Dapat si Eros para lang sa babae na mahinhin at may class! Hindi 'yong mumurahin."
Hindi matigil si Augustina sa pakikipagtalo sa dalawa dahil lang kay Eros. Kahit na sa tubig na sila at kumukuha ng mga litrato ay nag-babangayan pa rin ang tatlo.
Nilingon ko si Eros sa malayong parte ng pool at inisip kong naririnig niya ba ang mga kaibigan namin. I stare at him for a while. Eros isn't my type. Actually, I don't exactly know what kind of boy is my ideal. But I'm also very certain that he is not like Eros.
Eros has a matured big body that, obviously isn't the one I'm looking into a boy. His aura shouts for arrogance and danger, and apparently, I don't like rude men.
Why my heart is beating fast just by looking at him is a big question. We never talk that much even after years of being acquainted, so it is possible that this beating is for excitement and horror. An excitement to be friend with him and horror for possibly ending the opportunities to be closed with him.
Gusto ko siyang ngitian nang bumaling siya sa akin pero kinain na ng kaba ang puso ko kaya nag-iwas agad ako ng tingin. Augustina's eyes is what I first saw when I turned my sight in front of me.
Nginitian niya ako bago ako inaya sa pool. Umiiling iling ako pero pinipilit nila ako.
"Tara na, Hera. Saglit. Tuturuan lang namin ikaw, uuwi na rin naman tayo maya-maya." Pilit sa akin ni Kirby.
Pinilit ko silang huwag na pero nang matanaw ko si Eros na pinapanood kami ay nagpahila na ako kay Augustina sa tubig.
Unang lapat pa lang sa balat ko ng tubig ay naramdaman ko na agad ang lamig. Gusto kong bumalik sa kanina kong pwesto at panoorin na lang sila mula doon. Pakiramdam ko hindi ko kayang igalaw ang sarili ko sa lugar na ito.
"Tataas na ulit ako. Hindi ako marunong." Pilit ko pa rin sa kanilang huwag na akong turuan maglangoy.
Umiiling si Gelou at naglangoy palapit sa akin. Sabay nila akong hinila na wala akong lakas na kumawala kaya wala akong nagawa.
Nang muntik na akong madulas ay hinigpitan ko ang kapit sa kamay ni Gelou. Tinawanan ako ng dalawa kong kaibigan kaya masama ko silang tinignan.
"Ang cute mo naman magalit, Hera. Parang pusang takot sa tubig." Asar ni Gelou sabay hagalpak ng tawa.
Dahil sa tawa niya ay nabitawan niya ako kaya napatili. Agad akong nilapitan ni Anjhon at inalalayan sa paglalakad sa tubig na 'to.
Halos gusto ko namang malunod na lang dahil nagtinginan sa akin ang ibang naglalangoy. Hindi naman ako babagsak kung bitawan nila ako pero dahil ito ang una ko, pakiramdam ko kayang kaya kong madulas ng walang kahirap hirap.
Kumapit ako ng mahigpit kay Anjhon hanggang sa makarating kami sa harap ni Gelou na hindi pa rin tumitigil sa pagtawa.
"Tara na nga. Simulan na natin." Nagpipigil na tawa ni Gelou habang inaalalayan ako.
Hinawakan ko ang nakalahad na dalawang kamay ni Gelou at naramdaman ko naman sa aking tiyan ang braso ni Anjhon. Sa likod si Jeanelle at inaangat ang dalawa kong paa.
Gustong gusto kong tumili at umiyak pero pinipigilan ko dahil nakakahiya na ang pinaggagagawa ko.
"Oy wait lang." Nanginginig kong sambit ko sa kanila.
Binitawan ako ni Jeanelle kaya napahiyaw ako. Buti na lang at hawak pa rin ako ni Gelou at Anjhon.
"Bakit mo ako binitawan?" Naiiyak ko nang tanong sa kaibigang hindi ko nakikita sa likod.
Narinig ko ang mahina niyang hagikgik. "Pasensiya. Sabi mo kasi, wait lang."
Huminga ako ng malalim ng ilang beses bago sila nagsimulang turuan ako. Kung ano ano ang sinasabi nila at minsan pa'y nabibitawan nila ako kaya napapatili ako ng wala sa oras. Gusto ko ng kumawala pero nage-enjoy pa sila sa pagtuturo sa akin.
Bumagsak ang dalawa kong balikat habang pinapanood sa harap si Gelou na nag-iinat saglit bago muling kinuha ang kamay ko at pinapadyak ang dalawa kong paa sa tubig na parang palaka.
Hindi naman ako nahihiyang tinuturuan nila ako kahit napakalaki ko na, pero tila pakiramdam ko ang liit liit ko at nakakahiya ang posisyon ko ngayon nang naglangoy papunta sa pwesto namin si Eros.
Tumigil siya sakto sa gilid ni Gelou kaya mas lalo akong nahiya.
Dahil hindi ako maka-concentrate ay naibagsak ko ang dalawa kong paa bigla dahilan sa pagkakagulat rin ni Gelou. Hindi niya kinaya ang bigat ko nang nagdiretso ako palubog sa swimming pool.
Napapikit ako at naramdaman ko ang tubig na pumapasok sa ilong at bibig ko. Pinilit kong lumangoy paitaas pero nadudulas lang ako lalo kaya mas lalo akong bumabagsak. I opened my mouth to breathe air but water makes it harder for me to breath. Hindi ko na alam ang gagawin ko, puno na ng tubig ang bibig ko. Natatakot na ako.
When I'm about to pass out, someone's hand hold me and release me from the water. Inubo ko ang lahat ng tubig na aking naipon sa bibig at niluwa ang iilang nainom. Pagod na pagod ako nang inihiga ako sa sahig at naramdaman ko kaagad ang pagdami ng tao sa paligid ko.
"Hera!" Rinig kong sigaw ni Augustina.
Tulala kong tinitigan ang langit at naramdaman ang mainit na luhang naglandas sa aking pisngi.
Nakakatakot.
Niyakap ako ni Augustina nang makitang nakamulat ako. Hindi ako nakaimik.
Dahil siguro sa pagod sa pagpilit sa sarili kong makaahon ay hindi ko na napigilan ang pagpikit ng mga mata ko.
I just woke up with blanket already envelope me. Naramdaman ko rin ang pag-uga ng inuupuan ko kaya iminulat ko ang aking mga mata. I saw my friend's eyes directed at me when they realized that I'm awake.
"Hera, sorry! Dapat hindi ka na namin pinilit lumangoy. Sorry!" Naiiyak na wika ni Agustina at niyakap ako.
Nagulat ako sa kanilang mga mukha na akala mo mga nalugi kaya umayos ako ng upo. Tinignan ko ang sarili at iyon pa rin naman ang suot ko.
"Tumawag na ang mama mo sa akin at pinapauwi ka na. Pinatignan ka namin sa clinic pero ang sabi ay nakatulog ka lang. Dinala ka na namin dito sa sasakyan para makauwi na tayo. Sorry talaga, Hera!" Paulit ulit na humingi sa akin si Augustina at Gelou at ang iba ko pang kaibigan.
Kaya nang nakabawi sa pagkakaidlip ay inilingan ko sila.
"Huwag kayong ganyan. Wala naman kayong kasalanan." Dahil alam ko namang sarili ko ang dahilan kung bakit ako nalunod.
Nakita ko si Eros sa harapan at diretsong nagmamaneho. Hindi man lang ako nililingon.
"Kasalanan namin, e." Pilit ni Gelou at Augustina at walang sawang humingi ng pasensiya.
"Nagpapasalamat na lang talaga ako at sumulpot sa tabi ko si Eros bigla. Kung hindi ay hindi ko alam kung paano ka kaagad sasagipin." Ani Gelou nang naiiyak na.
Namilog ang mga mata kong bumaling muli sa driver seat.
He saved me? Kamay niya 'yong naramdaman ko?
"Hera, magsalita ka ulit. Sorry na." Hinawakan ni Augustina ang pisngi ko at pinatingin ako sa kaniyang mukha.
Hindi makapaniwalang si Eros ang nagligtas sa akin ay hindi ako nakaimik.
"Hihingi rin kami tawad sa mama mo." Dagdag pa ni Gelou.
Umiwas ako ng tingin at napayuko. Pinaglaruan ko ang kumot na nakabalot sa akin kanina.
Unti unti ko ring itinaas ang aking tingin at nang matagpuan ang kaniyang mga matang nakatingin sa akin ay bigla na namang sumulpot ang lintik na kabang ito.
He tore his eyes off me kaya napatitig na lang ako sa kaniya kahit hindi siya nakatingin.
He's the reason why I get drown, but he's also the reason why I get survive that disaster. How ironic.
"Huwag na. Ako na ang magke-kwento kay Mama." Mahina kong sagot sa kanina pa nila isinatinig na mga salita.
Akala ko ay tittingin si Eros sa amin gamit ang rear mirror pero hindi iyon nangyari. Natapos na't lahat ang byahe ko kasama sila ay hindi man lang niya ako nilingong muli.
"Sorry ulit." Malungkot na paumanhin muli ni Gelou.
Hinawakan ko ang kaniyang kamay bago sila kinawayan.
Nilingon ko pa isang beses si Eros pero nanatili ang tingin niya sa daan.
Bumaba kami ni Augustina sa sasakyan ng sabay at muli silang kinawayan ng ibinababa nila ang bintana para makita kami sa labas.
Huminga ako ng malalim at nakaramdam ng hindi mapangalanang sakit.
"Salamat, Eros." Wika kong hindi ko alam kung narinig niya ba dahil umandar na ang sasakyan.
Hindi ko alam paano ko sasabihin kay mama ang nangyari. Naisapan ko pang huwag na sanang mag-kwento, pero dahil hindi ko naman kaya iyon, sinabi ko rin sa huli.
Sobrang nag-aalala si mama sa akin pagkatapos kong ikwento ang nangyari. Pinagsabihan niya ako at pinaalalahanan, at sa huli ay niyakap na lang ako. I didn't tell her the part where my friends force me to learn swimming; instead I change it by telling that I really want to try it.
This is my first time lying to my mother, sobrang bigat pala sa pakiramdam. Pero ayaw ko naman na siraan ang mga kaibigan ko kay mama. Hindi naman nila sinadya ang nangyari sa akin.
What happened earlier kept on repeating in my mind. Idagdag pa na nalaman kong si Eros ang nagligtas sa akin. Nagpasalamat naman ako pero feeling ko hindi iyon sapat.
I sigh all these thoughts and in the next day, I wonder how I slept with a mess mind.
Pagkababa ko sa kusina ay naabutan ko si mama na may pinapanood sa kaniyang cellphone. Nilapitan ko siya at nang maramdaman ang aking presensiya ay nilingon ako.
"Iyong pangako ko sa'yo na papasyal tayo, gagawin natin ngayon. Magluluto lang ako ng umagahan at pupunta tayong planta." Ani mama habang nakangiti sa akin at pinapatay ang cellphone.
"Talaga po?" Hindi ko makapaniwalang tanong.
Madalas ko namang makita ang plantation kapag pumupunta kaming palengke pero sabi ng mga kaklase ko, mas maganda daw kapag nalibot.
I am used to high buildings and traffics at Manila. Unang tungtong at kita ko pa lang sa plantation ng Anilao, namangha na ako.
"Hmm. Maghanda ka at magluluto lang ako. Maganda galain iyon kapag umaga at hindi pa mainit."
"Pwede po ba tayo doon?" Tanong ko. Kahit alam kong madalas doon ang iba kong kaklase, baka kasi hindi pwede lahat.
"Pwede tayo roon." Mahina akong tinawanan ni mama.
Tumango na lang ako at excited na bumalik sa kwarto para makakuha ng damit at makapaglinis ng katawan.
Lumabas kami ni mama sa tricycle na sinakyan namin at halos takbuhin ko ang malawak na daan sa gitna ng mga tubuhan.
The buildings and other structures in the city is no equal in the beauty of this natural place. Ilang taon na rin ako dito sa Anilao, at hanggang ngayon hindi ko maiwasang ikumpara ang lugar na ito sa siyudad. Mas masayang manirahan sa probinsiya kaysa sa lugar na napapalibutan ng malalaking infrastructure.
"Ma," tawag ko habang nakangiti. Nilingon ko siya at naabutan na kanina pa pala niya ako pinagmamasdan.
"I wonder why you left this place before. This is way prettier and natural than Manila." I stated, fascination etched in my voice.
Nilapitan ako ni mama at hinawakan ang aking buhok. Itinuro ko ang malayong putikan sa dulo.
"I'm wearing slippers. Let's go there." Hinigit ko si mama at agad nagsisi nang dumikit ang putik sa tsinelas ko at nahirapan akong maglakad.
"Dapat doon na lang tayo. Gusto mo bang kuhanan kita ng litrato sa putikan?" Natatawang tanong ni mama kaya nakanguso ko siyang binalingan.
"Halika dito." Inilahad ni mama ang kaniyang kamay sa akin para matulungan akong makaalis sa putikan.
"Gusto mo pa rin ba sa lugar na maputik?" Tanong niya.
Tumalon ako pagkatapos kong maramdaman na iyon ang tanging paraan para makawala sa putik.
Tinignan ko si mama.
"Well, atleast this is natural."
"May putik bang artificial?"
I don't know that part. I must ask my science teacher next year.
"Hindi naman po kasi sa putik tayo titira. Sa ganitong kapayapang lugar po ang tinutukoy ko. Dapat dito na lang ako lumaki."
"Do you regret living in the city?"
Kumunot ang noo ko at naalala ang mga kaibigan kong hindi na ako halos maalala.
Do I regret?
Of course not.
If there's one thing that I realized in my fifteen years of extinction, is that never regret the things that comes once in your life. They were also once your favourite, so why regret.
"Hindi po." Sagot ko.
"I love living in Manila, but I think, I would love it more here in Iloilo." Dagdag ko ng nakangiti.
Mama smiled at me, too. Iginiya niya ako pabalik sa kanina naming tinatayuan.
I've seen rice fields on the internet, even sugarcanes, but I never seen it in reality.
"Naghihirap silang anihin ang mga kanin natin kaya huwag kang magsasayang ng pagkain." Bilin ni mama nang makita ang titig ko sa mga magsasaka.
Nginitian at kinawayan ko ang lumingon na batang lalaki na nag-aani. He did the same so I'm all smiles when I turned my sight in front.
"If I'm living in Manila, probably I can never tell how hard it is to produce foods. Para akong nagfi-fieldtrip."
Kinuhanan ako ni mama ng isang litrato habang nasa likod ko ang malawak na sakahan ng Anilao. I posed a lot and stop mid way when a truck pass by.
Nilapitan ko si mama at nagpasyang sapat na ang nakita ko. Sumasakit na rin sa balat ang sikat ng araw kaya kailangan na naming umuwi.
"Let's go." Isinakbit ko ang aking kamay sa braso ni mama at kumuha ng ilang selfie namin habang naglalakad.
"Ang ganda dito, Ma. Balik tayo." Wika ko kay mama.
"Dito na nga tayo tumira." Biro ko na tinawanan namin parehas.
"Maganda nga dito." Tanging nasabi ni mama.
Ngumuso ako at nagtaka.
"So why did you left this place?" I curiously asked.
Hindi ako inimik ni mama at hindi na rin naman ako nagbalak na magtanong ulit.
Tinignan ko na lang maigi ang aming dinadaanan habang tahimik kaming parehas ni mama. But far from where we are, I saw Lee in front of a black car.
Hindi niya ata ako nakikita kasi nasa malayo ako at sa ibang direksyon siya nakatingin. But the man besides him pokes him and pointed his fingers somewhere.
I don't know how our walk became suddenly so quick that Eros stares at me is becoming clearer and clearer.
Dumapo ang tingin ko sa katabi niya at bago ko pa matitigan iyong mabuti ay pumasok na sa loob. Nakita kong bumuka ang bibig ni Eros, but since we're still a little too far from them, I didn't hear.
"Andy," Tawag ni mama sa akin kaya gulat na gulat ako nang binalingan siya.
"Nanginginig ang kamay mo. Bakit?" Nagtatakang tanong ni mama.
Umiling lang ako at ngumiti at muling ibinalik ang tingin sa harap.
And now, I can clearly see his whole features!
How in the heaven God chose him to be this perfect?
He's wearing his favourite black jersey short and a white v-neck printed shirt. His hair is a bit damp, probably he directly goes here right after he finished shower.
Nang nakalapit sa kaniya at naging mas malinaw ang nasisigurado ko pa kaninang titig niya sa akin ay nag-iwas ako ng tingin.
I was about to ignore him, but I don't want to be rude. Kahit na hindi kaibigan turing niya sa akin, kaibigan naman siya para sa akin.
I smiled at him pero saglit lang iyon dahil mabilis maglakad si mama at nahihila ako.
Nahihirapan akong huminga kaya kinailangan ko pang mag-inhale exhale habang naglalakad kami.
What is happening with me. Wala naman ako sakit sa puso o hika.
"I left this place because, Andy, sometimes, a home is not where you grow; it is where you feel like you belong."
I can't hear anymore my mother's words. I am very curious and thirsty for an answer a while ago, but my heart won't just cooperate. Its beating is deafening that even I want to listen, I can't hear clearly. And I guess, my logics left, me.
"Andy, that's not our car! Magt-tricycle tayo." Hinila ako ni mama at halos takpan ko ang mukha ko ng muntik na akong pumasok sa isang sasakyan na hindi ko alam kung kanino.
Ano bang naiisip ko. Nababaliw na ata ako.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top