Kabanata 1

Kabanata 1

Love

I'm too young to think what love is, to ask what love can do to people. From the books I read, they always emphasize that love is a very powerful emotion that everyone could feel. And for me as a reader who is a bit mature than my age, I understand the message of romantic stories that tell love is the feeling we can't control.

But, does love really works that way? Are the books I read is enough to understand the real meaning of it?

I don't know.

"Ma..." Tawag ko kay Mama isang umaga pagkagising ko. Naabutan ko siyang nagluluto sa kusina para sa aming umagahan.

Nilingon niya ako pero agad ring ibinalik ang tingin sa nilulutong sinangag.

"Ang aga mo magising, ah. Bakit?" Tanong niya habang abala pa rin sa paghahalo sa kaning sinasangag.

Tinitigan ko ang likod ng aking ina ng ilang saglit bago ako umupo kaharap ang lamesa.

I've been thinking this thing for days already since I started reading romantic books. I am very curious if books are really different from reality. I want to know what love is.

Hinayaan ni Mama na uminit ang sinangag at hinarap na ako. Nakangiti pa siya dahil hanggang ngayon, masaya siya sa natanggap kong karangalan isang linggo na ang nakakaraan mula ng magtapos ako sa elementarya. I can't help but to do the same.

"Ma, may tanong ako." Napataas ang kilay ni Mama nang sinabi ko iyon. Muling hinarap ang kalan bago pinatay at lumapit na sa lamesa para isalin sa isang lalagyan ang sinangag.

"What is it?" tanong niya habang hindi ako tinitignan.

Kinakabahan ako sa tanong ko dahil masyado pa akong bata para sa mga ganitong bagay, but I guess she's already used to me. I always asked questions about the things I shouldn't yet to get an answer because I'm too young. Pero dahil puno ang isip ko ng kuryusidad sa maraming bagay, hindi na ito bago.

"What is love?" Puno ng kuryusidad ang aking mga mata nang binalingan ako ni mama. Alam kong magugulat siya at alam kong saglit lang iyon. Nginitian ako ni Mama bago umupo sa harap kong upuan.

"Why did you suddenly asked about it, Andy?" Natatawa-tawang tanong ni Mama.

Ngumuso ako at napatanong rin sa aking sarili. Bakit nga ba ako nagtatanong? Kasi gusto kong malaman ang sagot. Maybe by knowing what love really is will help me to understand why my parents broke up... why papa left us.

"I'm just curious, Ma. You know that I started reading books, and most of them are romantic stories." I explained.

Tinitigan lang ako ni mama pagkatapos kong sabihin iyon. Tila naghihintay sa idudugtong ko, nagpatuloy ako sa pagtatanong.

"Does... love really fade... suddenly?" Hindi sigurado sa sariling tanong ay putol putol ang aking pagsasalita.

"Kasama ba iyan sa nabasa mong kwento? Did you read a story where the boy or girl fall out love with their partner?" Amusement is etched on my mother's tone and facial expression, nahiya naman ako bigla. Am I going too far? Parang hindi naman, ah.

I nodded as answer. Sa daming nabasang kwento, isa nga iyon sa mga kwentong tumatak sa isip ko.

"Andy, it's normal that people fall out of love." She explained as she scoops fried rice and put it on my plate.

Napabaling ako doon pero agad ring ibinaling muli sa kaniyang mukha ang tingin. It's normal? How?

Nakita ni mama sa akin ang pagtatanong kaya nagpatuloy siya.

"It's part of our life. To feel the feeling of being in love and the pain it has after it ended."

"Why do we need to experience it, Ma? Why love can be painful?"

Ngumiti siya sa akin dahil natutuwa ang makitang sobrang kuryoso kong mukha sa pagtatanong.

"People grow as they experience things that will challenge their weaknesses. And people only learn when they lost something. And, Andy, love itself isn't really painful; it is the people you share your love with. Maybe because you share it with a wrong person, or you give too much that there is nothing left in you anymore."

Still, with curious eyes, I stare at Mama while she explained to me the answer.

"Normal lang din ba na mawala ang pagmamahalan ninyo ni papa?"

Kung kanina ay natutuwa pa siya, ngayon napalitan ito ng isang gulat at nanatili ito. Maybe she doesn't have an idea that I will mention my father.

Ilang segundo siyang natigil bago ako nginitiang muli.

"You're too young to understand it. Pero... may pagibig na panandalian lang at pagibig na totoo." I saw sadness in my Mama's eyes. I want to stop but I'm too curious. This will be the last. I don't want her to be sad. Not her.

"Anong pag-ibig ang naramdaman ninyo ni papa kung ganoon?"

Hinawakan ni mama ang aking kamay at hinaplos ito ng marahan, "A love that never stay."

Ilang minuto akong natahimik at pinroseso ang sinabing iyon ni mama. Pilit na inintindi kahit pa marami akong tanong. Kalaunan ay nginitian na lang ako ni mama at nagsimula nang kumain. Dahil sinabi ko ng titigil na ako sa pagtatanong sa bagay na ito, kumain na lang rin ako still with a lot of things unsaid.

"You are really a smart kid, Andy. You're always curious." Nahimigan ko ang tuwa sa boses ni mama pero hindi iyon ang nakita ko sa kaniyang mga mata.

Since the day she told me about my father I started already to saw sadness within her. It's very weird because she always smiles and never showed any other painful expression, but I feel like I always see a woman with incompleteness. Hindi ko alam kung dahil iyon rin ba ang aking nararamdaman o kaya ay iyon talaga ang totoo.

Nginitian ko lang si Mama at nagpatuloy na sa pagkain. Siguro at sa tamang panahon naman ay maiintindihan ko din ang mga bagay na ito.

May plano kami nila Pooja para sa araw na ito. Dahil isang linggo na lang ay tutulak na kami ni Mama pa-Iloilo. Kinausap niya na ako tungkol sa paglipat namin at hindi naman naging mahirap para sa kaniya na ipaintindi sa akin ang sitwasyon dahil hindi naman labag na sa akin ang paglipat. I'm actually excited to found a new environment to be surrounded with.

Saktong alas nuebe ng umaga ay bihis na bihis na ako para sa gala namin. Ito ang unang pagkakataon na papayagan ako ni Mama na gumala kasama ang mga kaibigan ko. Dahil lagi nga niyang ika ay bata pa ako. Siguro at pinagbigyan lang ako ngayon dahil aalis na rin naman kami.

"Mag-iingat ka, Andy. Tsaka kayo tatawid kapag wala ng sasakyan." Bilin ni mama nang humarap ako sa salamin ng salas. Nilingon ko si Mama at magalang na tumango.

"Uuwi ng maaga." May pag-aalinlangan sa mukha niya pero wala ring nagawa nang tinawag na ako ng mga kaibigan sa labas.

"Aalis na po ako, Ma. Uuwi po agad kami." Paalam ko at nagmano sa aking ina bago lumabas ng bahay.

Kapwa mga pormang porma ang mga kaibigan ko samantalang pantalon at simpleng pink tshirt lang ang suot ko. Nginitian ko sila at kinawayan para makita nila na akong palabas.

"Ang usapan natin ay palda. Bakit ka naka-maong?" Sabay-sabay nilang angil pagsalubong ko sa kanila. Gusto kong matawa dahil sa sobrang big deal ng susuotin namin at kailangan pang pare-parehas. Pero sa huli ay nalungkot rin. Bakit nga ba hindi ako nakisabay sa gusto nila, tutal at ito na ang una at huli naming gala bago ako umalis.

"Siya siya. Pwede na 'yan. Umiinit na, tara na. Hanggang tanghali lang daw tayo."Si Cailah at hinila na ako sa kaniyang tabi.

Naglakad kami hanggang sakayan at naninibago ako dahil ito ang unang byahe ko na hindi si Mama ang kasama ko.

"May pogi!" Palapit na kami sa MOA ay isinigaw ni Pooja iyon habang sumisilip sa labas.

Nakiusyoso ang dalawa ko pang kaibigan at dahil kuryoso din ako, tinignan ko na rin. Tumigil ang sinasakyan namin dahil sa traffic kaya nagkaroon kami ng oras na mas makita ang mga tao sa natigilan namin at ang sinasabi nilang gwapo. Hinanap ng mga mata ko ang sinasabi nilang gwapo pero sa sobrang daming lalaki ay hindi ko alam kung sino ang tinutukoy nila.

"Sino diyan?" Tanong ko.

Binalingan naman ako ni Allaisa at itinuro ang labas. May espisipiko siyang taong tinuturo pero hindi ko naman masundan ang hintuturo niya.

"Huh? Saan?" Nalilito kung sinong titignan ay biglang umandar na ang sinasakyan naming jeep.

"Hindi mo nakita?" Tanong ni Allaisa. Umiling ako.

"Tinuro ko na nga, eh."

Napanguso ako at isang beses sinulyapan ang kumpol ng mga taong nadaanan namin kanina.

Sa daming tao, makikilala ko ba?

"Ang dami kayang lalaki roon."

"Iisa lang naman ang gwapo." Aniya at sabay sabay silang tatlong kinilig na parang mga tanga kaya pinagtinginan kami. Nahiya naman ako at medyo dumistansiya.

Mga isip bata pa talaga sila. Bata ako pero alam ko namang mahiya at umakto kapag nasa harap ng publiko.

"I think I'm inlove." Eksahiradang wika ni Pooja pagkababa namin ng jeep.

Sabay-sabay namin siyang tinignan. Pero ako lang ata ang nagulat dahil ang dalawa ay tinawanan siya.

"Agad-agad, Pooja?" Natatawa-tawang tanong ni Allaisa.

Pinagmasdan ko sila habang nag-uusap-usap.

"Oo!" Sigaw ni Pooja at may paghawi pa ng buhok.

"At kanino naman?" Si Allaisa, natatawa pa rin sa kahibangang pinagsasabi ng aming kaibigan.

"Sa nakita nating gwapo." Aniya at tinaasan pa kami ng kilay.

Pumasok kami sa loob ng mall at agad akong nakaramdam ng lamig na sobra-sobra kong kanina pa hinihingi. Napakainit sa lansangang ito.

"Ano 'yon, love at first sight?" Tumawa kaming tatlo sa sinabing iyon ni Cailah at agad kaming sinamaan ng tingin.

"Che! Palibhasa mga wala kayong puso. " Nauna pa siyang maglakad na para bang nagtatampo.

"Kow, Pooja. Paano mo nasabi?" Tumakbo na kaming tatlo para mahabol siya.

Nilingon niya kami sa nanlilisik na mga mata.

"Kasi hindi ninyo alam ang feeling ng ma-inlove." Umirap pa siya sa amin pero tumigil rin sa paglalakad para mahintay kami.

Hindi alam ang feeling ng ma-in love? Nasa tamang edad na ba kami para maramdaman iyon? Siguro ang pagmamahal sa kaibigan o sa pamilya ay maaari naming maramdaman na, pero romantically? Being in love is a very deep feeling.

"Sige nga. Anong pakiramdam?" Sa wakas ay nakapagsalita na rin ako.

Tinignan ako ni Pooja at ilang beses napakurap hanggang sa makalapit kami sa kaniya.

"S-syempre ano..." Nag-isip pa siya ng idudugtong

Napangiti ako dahil nakakasigurado akong malabo na makaramdam agad kami ng pagmamahal sa edad na ito.

"Masarap sa feeling! Masaya..." Aniya at tinaasan pa ako ng kilay na parang nagyayabang.

Tumango na lang ako at iniba na nila ang topic habang nag-iikot-ikot kami sa loob ng mall.

Is love like that? Happiness? Kapag Masaya ka na sa tao ibig bang sabihin no'n ay inlove ka na?

I know that I'm too young to answer that. Pero alam ko ring hindi sapat na dahilan iyon para masabi mong mahal mo ang isang tao. Dahil bakit maghihiwalay sina Mama at Papa kung parehas silang masaya?... or also the happiness fade together with their love?

Mapait akong napangiti sa naiisip na tanong. Hindi kaya, hindi masaya si papa noong ipinanganak ako kaya niya kami iniwan?

Hindi ito ang unang pagkakataong nakaramdam ako ng pangungulila at sakit, pero tila lagi itong bago kapag napapatanong ako kung bakit kailangang kami lang dalawa ni Mama sa buhay na ito.

Gumala lang kaming apat sa loob ng mall at nagpasyang kumain na lang sa isang fast food sa malapit. Saktong alas dose ng tanghali ay nakauwi na ako. Nasa gate pa si Mama at halatang hinihintay ang pagdating ko.

"Kumusta?" Tanong niya nang papasok na kami sa loob ng bahay.

Nginitian ko ng malapad si Mama. "Sobrang saya. Sayang lang at mukhang matagal pa bago maulit iyon." Hindi ako nagpakita ng pagkakalungkot sa sinabi pero niyakap ako ni Mama.

Napangiti ako dahil minsan naiisip ko na siguro kaming dalawa lang ni Mama dahil alam ng taas na magiging mabuting magulang ang aking ina kahit mag-isa lang siya. Pero kahit gano'n, ang hirap pa ring talikuran at kalimutan ang gumugulo sa aking isipan na mga tanong. I want to find answers, pero siguro at ganoon talaga. No matter how you look for something, when it is not for you, it won't show up.

"Pasensiya na, Andy. Iniisip ko lang ang magiging kinabukasan mo." Alo sa akin ni Mama.

"Naiintindihan ko po iyon, Ma. You don't need to be sorry." Sagot ko.

"You will enjoy Iloilo." Aniya at kinalas na ang yakap at hinarap ako.

Tumango-tango ako habang nakangiti.

"I know that, Mama." Maligaya kong sagot sa kaniya. Dahil kahit anong pag-intindi mo sa bagay, kung hindi mo pa rin natatanggap ang katotohanan, mananatili tayong naghahanap.

Maybe one day, I will stop searching for him. Maybe one day, I will lose this feeling of missing someone I never met. One day, I'm hoping that when I grow up, I will finally have answers to these questions and just accept the truth finally. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top