Epilogue


Umuulan pa rin.

Walang class suspension kaya kailangan pa ring pumasok ni Divine.

Day-off dapat ni Eugene sa school dahil wala naman siyang klaseng papasukan pero kailangan pa rin niyang mag-attendance dahil tuloy pa rin daw ang opening ng foundation week ng school at kailangang kompleto silang mga professor.

Matagal na si Eugene sa LNU. Nine years na siyang kasama sa bawat opening ng foundation week. Sa mismong araw ding iyon ibinigay sa kanila ang uniform para sa faculty. Black polo shirt na may yellow lines sa dulo ng manggas at meron din sa linya ng mga butones sa neckline. May logo ng school at pangalan ng may-ari ng damit sa left chest. Malaking logo naman ng foundation week sa likod.

Wala namang kamalay-malay si Divine sa foundation week. Mas lalo siyang nawalan ng pakialam dahil nakainom pa siya ng gamot. Pero required silang dumalo sa stadium para sa misa at mismong program para sa opening. Ang sinabi sa kanya sa admin office, next month pa ang pagtatayo ng booth na proposal niya kaya next month pa ang inaasahan niyang celebration.

"Ano'ng kaibahan nito sa mangyayari next month?" walang emosyong tanong niya kay Marjorie, isa sa mga kaklase niyang madalas niyang kausap sa room. Ito rin ang ginawa niyang tagahawak ng payong nila papuntang stadium.

"Yung ngayon, opening lang talaga siya, girl! Ang participants for now, puro sa mga elementary saka high school. Yung atin ang next month hanggang intrams next, next month!"

"Oh . . ." Nalipat ang tingin ni Divine sa harapan. Ang ingay na kahit nagtitipon-tipon pa lang. Saka lang niya naramdaman na marami nga talagang estudyante sa LNU dahil kahit

umuulan, punong-puno pa rin ang stadium. May pinagdikit-dikit na tent para magsilbing bubong ng mga estudyante. Ang daming bata na nakapam-PE at may makukulay na ribbon sa ulo at sa wrist part.

Pumuwesto sila ni Marjorie sa gilid na maraming puno para makasilong. Nakatanaw sila sa malaking stage na may mga nakatayo ring estudyante. May altar din sa gitna at mukhang may misa pa.

Humihina na ang ulan pero lumalakas ang hangin kaya lalong lumalamig sa paligid. Nakatapak sila ni Marjorie sa bakod ng punong mangga kaya mas mataas ang tanaw nila sa stage. Biglang may naghiyawan sa kung saan nang umakyat sa stage si Eugene na may hawak na microphone. Payuko-yuko pa ito at ngumingiti sa lahat habang papunta sa altar. Ito pa pala ang mag-aayos ng mic na gagamitin ng pari.

Pag-steady ng mic sa gilid ng altar, biglang nagturo sa malayo si Eugene. "Yung mga nagsusuntukan sa likod . . ." Bahagya lang siyang nagbaba ng salamin at hindi na tinapos ang sinasabi. Natigil din ang mga estudyanteng nagkukulitan sa direksiyon kung saan siya nagturo.

"Ang guwapo talaga ni Sir Gene, 'no?" pagsiko ni Marjorie kay Divine.

"Sakto lang," walang buhay na sagot ni Divine at nagkrus ng mga braso.

"Sobra naman ang standard mo, bhie! Yung mukhang 'yan, sakto lang sa 'yo?"

"Ano'ng magagawa ko kung sakto lang talaga ang itsura niya?"

"Grabe ka na talaga. Kaya siguro lagi kang kinukulit ni sir, ang tigas mo sa klase niya." Kinalabit pa siya ni Marjorie at itinuro ang direksiyon ng mga prof. "Ang chika sa faculty, kasal na raw siya. Teacher yung asawa, topnotcher last year sa licensure exam. 'Taas ng qualification, 'no? Pero teacher daw sa barrio yung wife niya kaya wala lagi sa Manila."

"Talaga ba?"

"Pero chika lang 'yan, girl. Sobrang doubtful naman kasi ng kuwento niya. Imagine, may asawa siyang teacher, pero wala siyang girlfriend ever since nagturo siya. As in, walang bakas at all! Plus! Walang Scott sa topnotchers last year. Never pa naming nakita yung wife niya. Kahit yung ibang prof, hindi pa rin nakikita kaya duda sila kung totoo ba. Lagi raw kasing sagot ni Sir Gene, busy or wala. Ilang beses kaya 'yang dinalaw nina Ma'am Juliet sa condo niya! Pero walang signs na may nakatirang babae roon."

Bahagyang kumibot ang kaliwang kilay ni Divine sa narinig. "May dumadalaw sa kanya sa condo na taga-faculty?"

"Ay, girl! I'm telling you, sobrang dami. Ang tagal kayang single ni sir! Junior High pa lang ako rito, ang dami nang bumubuntot diyan. Ga-graduate na lang ako ng college, meron pa rin!"

Sinusundan lang ni Divine ng tingin ang asawa niyang kinakausap ang may-edad na lalaking dean ng ibang kurso.

Ilang minuto pa ay nagsimula na ang misa. Tahimik lang ang lahat at hindi inaalis ni Divine ang tingin sa asawa niyang may sariling puwesto sa hilera ng mga teacher mula kindergarten hanggang kolehiyo. Nang matapos ang misa ay may intermission naman ang buong basic school mula Grade 1 hanggang Grade 6. Ito ang mga batang may ribbon sa ulo at sa galang-galangan. Sumayaw ang mga ito na parang sayaw rin tuwing may Zumba. Bandang tanghali, makulimlim na lang at wala nang ambon. Saglit na iginilid ang mga tent para sa mga manonood.

Bago ang lunchtime, in-announce nang opisyal na binubuksan ang foundation week mula sa araw iyon ng Miyerkules na tutuloy hanggang sa mga susunod na buwan para sa intrams.

Akala ni Divine ay tapos na ang program, hindi pa pala. Pinapupunta sila sa covered gym para naman sa anunsiyo ng program sa mga college student.

Pagdating sa gym, punong-puno ang mga upuan at halos gawin na ring upuan ang bawat hagdan pababa sa basketball court. Malaki ang gym pero lumiit sa dami ng estudyanteng nasa loob. Wala pa sila sa pupuwestuhan, tumitili na si Marjorie.

"Aaahh! Homayghaaad!"

Hinahanap ni Divine kung sino, ano, o saan ba ang tinitilian ni Marjorie hanggang sa halos makipagsiksikan sila sa bakod ng bleacher sa pinaka-second floor ng gym para lang makakuha ng puwestong makikita nila nang malapitan ang court.

Takip-takip na ni Divine ang tainga dahil sobrang lakas ng ingay, naririndi siya. Kung hindi lang siya nakainom ng gamot, paniguradong kanina pa siya umiiyak sa takot.

May pumapalo sa malaking drum. May sunod-sunod naman ang palo sa snares. Lumalaban ang tunog ng lyre at ang naglalakihang speaker sa bawat kanto ng gym.

"Good morning, Snipers!" malakas na bati ng lalaking emcee, ang president ng student council, at naglakad na ito sa gitna ng gym. Lalong lumakas ang hiyawan ng mga estudyante, napapangiwi na si Divine sa ingay.

Nagpatuloy ang emcee. "Another year na naman to celebrate our founding anniversary, ready ba kayo!"

"READY NA!" sabay-sabay na sigawan ng mga estudyante. Dumadagundong ang ingay, halos umuga ang mga bakal sa upuan at mag-vibrate ang sementadong bakod na tinatambayan nina Marjorie at Divine.

"Alam ko, excited na 'to sina Sir Tommy. Prinaktis nila 'tong intermission number nila mula pa last year! Hahaha!" sabi ng emcee sabay tawa. Maya-maya, lumapit ang prof na tinukoy at hiniram saglit ang mic kahit hawak pa ng host.

"Nag-gym kami nina Sir Eric kasi nakakahiya, yung mga kasama naming sasayaw, parang nagpa-part-time sa Adonis, e."

Ang lakas ng tawanan ng mga estudyante. Malalakas ang loob ng mga prof na magbiro dahil kampanteng walang minor sa mga hawak nila at naiwan lahat sa senior high na nasa labas.

Hindi maintindihan ni Divine ang gagawin doon. Wala nga rin kasing klase dahil lahat nga raw ng professor, nasa program.

Nagbigay na ng schedule ng events ang emcee at may klase pa rin naman daw sa mga susunod na araw, pero siguradong sa susunod na buwan ay may mga araw na makakansela ang regular class para dumalo sila sa mga event.

"Yung mga CoE diyan, inaabangan talaga 'tong number nina Ma'am Ida. Hoy, psst!" sita ng isang lalaking prof na may hawak ng mic sa mga estudyante niyang may mga naghuhubad na ng white blouse at iniikot-ikot na sa ere.

May intermission din daw ang mga prof bago ang dance troupe ng school. Ang lakas ng hiyawan ng mga lalaking estudyante nang magkakasunod na pumunta ang mga babaeng prof sa gitna ng court at may dalawang nagtuturo sa sahig para papuwestuhin ang ibang kasama sa blocking.

Pagsimula ng beat ng Touch My Body, kumalampag na naman ang mga drum para i-cheer ang mga babaeng prof na nasa gitna. Kanya-kanyang cheer ang bawat course sa mga prof na nagtuturo sa kanila.

"Ilaban mo, Ma'am Gee!"

"Manok namin 'yan!" sigaw sa kung saan sa gym.

Biglang may babaeng prof na pumuwesto sa gitna at nag-back flip sabay split at turo sa mga estudyante niya habang nakanganga.

Lumakas ang mga sipol at hiyawan. May isang estudyante pang dumayo sa gitna ng court para lang mag-abot ng plastic rose. Pagkakuha n'on ng inabutang maestra, hinabol agad nito ng palo ng bulaklak ang estudyante habang natatawa.

Bago si Divine sa LNU kaya hindi siya pamilyar kung ano ba ang mga event na naroon. Nang matapos ang mga babaeng prof sa intermission nito, nagsunod-sunod na ang hiyawan ng mga babae at binabaeng estudyante.

Napapaurong na lang si Divine sa kanan dahil sa pagwawala ni Marjorie. Gigilid pa siya sa kabila dahil nagwawala na rin ang katabi niya sa kanan. Yumuko na lang siya sa bakod ng bleachers para makaiwas.

Nakatuwad na nga siya para lang ilayo ang sarili sa mga nagwawalang katabi. Napataas na naman ang mga kilay niya nang makita agad ang asawa niyang kasama ng mga lalaking prof. Mukhang sasayaw ang asawa niya nang wala man lang siyang kaalam-alam.

Itsura pa lang ng mister niyang natatawa at nagtatakip ng bibig gamit ang kamao, malakas na ang kutob niyang hindi nakakatuwa ang gagawin nito kasama ang mga kasama nitong lalaki. May mga hawak pa ang mga itong bottled water.

Ilang saglit pa'y sumenyas si Eugene sa bawat panig ng gym, ibinababa-baba ang mga palad niya para pakalmahin ang mga estudyanteng nagwawala. Bahagyang tumahimik sa gym at nag-ayos na sila ng blocking. At kung gaano ka-organize ang sa mga babaeng prof, siya namang gulo ng sa mga lalaki. Bahala na sila sa puwesto kahit hindi pantay-pantay sa linya.

Pag-drop ng tugtog, hayun na ang sigawan ng mga babae. Maging ang mga prof na babae ay nakikihiyaw na rin.

"Sinlaki ng aking muscle, pag-ibig ko sa 'yoPati pangalan mo, nakatatak sa dibdib ko . . ."

Proud pa ang dalawang lalaking prof na magpakita ng muscles nila at dibdib.

Pakendeng-kendeng lang si Eugene sa puwesto at napapayuko sa kahihiyan.

"'Di ka iiwanan 'pag akong pinili mo
'Di tulad ng 'yong Papa na napakabolero . . ."

Ang hinhin ng galaw ni Eugene habang natatawa sa ginagawa nila sa gitna.

Kung tutuusin ay tatlo sa mga sumasayaw na prof ang namumutiktik ang nagkakagusto. May isang taga-engineering, college of business naman si Eugene, at isang taga-educ department. Halo-halo na ang hiyawan ng bawat kurso pero na kay Eugene lang ang titig ni Divine.

"Sana Mama, ako na lang ang gawin mong Papa . . ."

Gumiling na ang ibang lalaking prof, lalo iyong malalaki ang tiyan kaya ang lakas ng tawanan ng mga estudyante, lalo ang mga lalaking estudyante under nila.

Nakatayo lang sa gilid si Eugene at nagtatakip ng bibig gamit ang kanang kamao habang tumatawa sa puwesto niya.

Sa sobrang gulo ng blocking nila, late nang napansin ng mga estudyante na may hiwalay palang side ang mga pa-cute na daddy prof at mga binata pang prof kung saan kasama si Eugene.

Kaya pagkabago ng tugtog saka lang naalerto ang mga prof na kasama ni Eugene. Nagulat na lang siya nang biglang magbago ng kanta at sumayaw na ang lima pang kasama niyang class coordinator.

"Kung macho papa ang hanap mo, nandirito lang ako . . .
Kung macho papa ang hanap mo, puwedeng-puwede naman ako . . ."

Ang lakas ng tilian nang biglang gumiling ang mga kasama ni Eugene at naiwan lang siyang nakatayo sa gilid at kuyom ng mga palad ang bottled water na hawak. Imbes na gumiling din, nagtaas lang siya ng isang kamao para i-cheer ang mga kasama

niyang prof na sumasasayaw. "Whooh! Go, Sir Lloyd! Support!"

Hinabol tuloy siya ng palo ng mga may-edad na prof para sawayin siya at utusang makigiling na rin.

Ang plano pala nila, magse-sexy dance at magbubuhos ng tubig gamit ang bottled water. At dahil may isang hindi cooperative na prof, iyon ang pinagbuhusan nila ng tubig dahil hindi nga raw gumiling.

"Wait! Hold on! Oh my god! Sir Mike, grabe ang bully!" reklamo ni Eugene nang pagtulungan ng mga kasama niya. Kahit anong depensa niya ng magkabilang palad para hindi siya malapitan, inatake na siya sa likod at napatayo na lang siya nang deretso habang lugmok dahil naligo siya nang wala sa oras sa loob ng gym.

Tawa tuloy nang tawa ang emcee nang matapos ang dance number nila.

"Sir Gene, kasi kapag sinabing gumiling, gigiling dapat!"

Pagtutok kay Eugene ng mic, bahagya pa siyang yumuko para sumbatan ang mga kasama niyang prof na pinagtatawanan siya.

"Kung saan yung walang ulan, doon pa talaga ako nabasa. Grabe sina Sir Mike. Sir Mike, may galit ka ba sa 'kin?" biro niya.

Pabiro ring nagtaas ng manggas ang may-edad na prof sa engineering para ipakita ang braso nito saka siya itinuro para tawanan.

"Anyway, enjoy your very long weekend, children!" sabi na lang ni Eugene sa lahat ng estudyanteng nasa gym. Pinagtawanan tuloy siya ng mga co-teacher niya.

"Grade 3? Grade 3?" sermon ng isang may-edad na prof kay Eugene. "Maka-children ka naman, Sir Eugene! Mga bulbulin na 'yan!"

Nandilat agad si Eugene at itinapat sa bibig niya ang hintuturo sa labi para patahimikin ang babaeng prof.

Nakakailang hakbang pa lang si Eugene palayo sa gitna ng gym, hinubad na niya ang nalulunod sa tubig na polo bago pa madamay ang pantalon niya.

"Aaahhh! SIR GENE!" Lumakas na naman ang hiyawan sa loob ng gym.

Salo-salo ng kanang kamay ni Eugene ang salamin na isinuot ulit pagtanggal ng pantaas niya. Pinasadahan niya ng dila ang ibabang labi habang ipinupunas niya ang polo sa basang parte ng dibdib. Sinuklay din niya ng kaliwang kamay ang nabasang buhok para sinupin iyon paalis sa noo niya. Nahati ang bagsak sa gitna at saka siya nagtaas ng mukha para ipagpag ang tubig sa mga hibla. Kagat niya ang labi nang lumingon sa kanan bago siya matamis na ngumiti sa kumakausap sa kanyang lalaking prof na may itinatanong.

"Yes, sir," nakangiti niyang sagot bago ulit sinuklayan ng daliri ang buhok na bumagsak na naman sa noo niya na muling nahati sa gitna. Pag-angat niya ng tingin, tinagpo agad niya ang di-inaasahang titig ng asawa niyang nanonood pala sa mga sandaling iyon. Tinaasan lang siya ng kilay ni Divine na walang kaemo-emosyon sa mukha.

Wala siyang natanggap na kung anong reaksiyon sa asawa niya pero hayun at ang tamis pa rin ng ngiti niya rito. Nag-flying kiss pa siya kay Divine at nagsabi ng I love you kahit walang boses.

"Aaahhh! AYLABYUTOOO!" tilian ng mga bading sa likuran lang nina Marjorie at Divine. "Anakan mo 'ko, Sir Eugene!"

"Ang landi naman ng prof na 'yan," komento agad ni Divine sabay buntonghininga. "Akala mo kung sinong guwapo."

"Ay, 'te! I-zipper mo 'yang bibig mo!" sita ng isang bading kay Divine nang duruin nito ang balikat niya. "Huwag kang mag-alala, hindi ka ikakama niyan kahit landiin mo 'yan!"

"E, di wow," sabi na lang ni Divine at tiningnan ulit ang asawa niyang nakangiti pa rin pala sa kanya sa ibaba. Nakabihis na ito ng panibagong white T-shirt na mukhang kanina pa nakahanda roon sa bench. Mukhang alam na mababasa nga ito.

Gumawa pa si Eugene ng heart shape sa mga pinagtabi-tabing daliri sa magkabilaang kamay nang magpa-cute sa kanya.

Saglit niyang sinulyapan ang bading na sumita sa kanya sa gilid bago niya ulit tiningnan ang asawa niya sa ibaba at ka-meeting ang ibang prof na kasama nito.

Hindi raw siya ikakama ni Eugene kahit landiin niya.

Nagkuyom siya ng kanang kamao at itinapat sa bibig. Itinulak-tulak niya ng dila ang kanang pisngi habang iminumuwestra ang kanang kamay na parang may sinusubo.

Nanlaki ang mga mata ni Eugene sa kanya at mabilis itong nagtapat ng hintuturo sa labi para sabihing huwag siyang maingay.

Nagtaas siya ng isang kilay para hamunin ang asawa niya. Itinuro niya ang kanang gilid gamit ang mga mata at kaunting pagpaling ng ulo para sabihing doon sila sa labas.

"Marj, uwi na muna ako. Wala palang class ngayon," paalam niya.

"Ay? Sige, okay lang. Hatid pa ba kita?"

"'Wag na. Stay ka na rito. Tatawagan ko na lang yung service ko."

"Sige, sige, ingat, Divine!"

May kaunting ngisi sa dulo ng labi niya nang maglakad palabas ng gym. Deretso lang ang tingin niya nang itulak pabukas ang pinto. At gaya ng inaasahan niya, bungad na

bungad doon ang asawa niyang hinihingal at nakangiti nang malapad, halatang nagmadali para lang maabutan siya sa labas.

Mayabang siyang napangiti nang makitang madali naman palang kausap ang mister niya.

"Good boy."


♥ E N D ♥


This story is completed in Telegram, including the cut scenes.

You can access the full version for 75 pesos for one month.

Chat lang po kayo sa t.me/lenareacts if interested kayo.

Join po kayo sa t.me/TambayanNiLena sa Telegram kung nais ng spoilers. Pero kung ayaw n'yong ma-spoil, don't join para hindi kayo magreklamo na puro ako spoiler doon, hahaha

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top