Chapter 8: Endless Sighs


"Mine . . ."

Nakatunghay lang si Eugene sa mukha ng asawa niya habang papikit-pikit na ito.

"Sleepy ka na?" tanong niya nang hawiin ang ilang hibla ng buhok na bumabagsak sa noo at pisngi nito.

Marahan lang na tumango si Divine at kinuyom ang comforter na nakabalot sa kanya para yakapin.

"All right. Tulog ka muna. Gisingin kita mamaya, ha?"

"Hmm."

"I love you." Dinampian ng magaang halik ni Eugene sa pisngi ang asawa niya at inayos ang kumot na nakabalot dito.

Dumeretso sa banyo si Eugene para sumaglit ng pagligo bago bumalik sa closet para magbihis ng pambahay na damit. Sunny yellow na XL T-shirt ang suot niya na ipinares niya sa white cotton shorts. Suot-suot niya ang white bedroom slippers at bumaba na sa second floor para sana uminom ng kung anong makikita niya sa ref ng kusina.

Naabutan niya pagbaba si LA na mahimbing na natutulog sa bear bed nito, hinaharangan ang magkabilang gilid ng malalaking shark at Bugs Bunny plushie nito roon.

Pagpaling niya sa kaliwa, nasalubong niya agad ang tingin ni Luan na biglang umikot ang mata para irapan siya. Idinadaan na lang niya sa pasimpleng ngiti ang nakita nito dahil wala naman siyang pakialam kung makita man siya ng kapatid na ka-sex ang asawa niya. Dahil gaya nga ng sabi ng daddy nila, basta kasal sila, kahit maghapon pa silang gumawa ng bata, ayos lang.

Dumeretso pa siya sa kusina at nakitang naghahanda si Luan ng sandwich. Nakabukas ang bunny lunchbox ni LA na may mga nakalagay nang mixed fruits pero may malaking parte pang blangko at mukhang lalamanan pa lang.

"Naligo ka ba?" bungad na bungad ni Luan, nanghuhusga ng tingin paglapit niya.

"Of course!" confident na sagot ni Eugene at pilit hinihinaan ang boses para hindi magising ang pamangkin niyang tulog sa sala.

"As in, now?" nagdududa pa ring tanong ni Luan.

"Yeah." Aakbayan niya sana ito nang bigla nitong iharang ang kanang braso saka lumayo pa sa kanya nang kaunti. "What?" gulat niyang tanong dito.

"Don't touch me nga. Kadiri ka, Kuya."

"Oh! Really?" sarcastic pang sabi ni Eugene sabay halukipkip. "Coming from you? Na daddy ni Lou Anne Scott? Your daughter didn't fall from the baby tree, I'm sure of that."

"No'ng ginawa namin ni Ikay si LA, hindi kita nilapitan after that. Malay ko ba kung may residue pa sa kamay mo ng lust juices mo, ew!"

"Lust juices?" nakangiwing sabi ni Eugene at balak pa sanang dumukot ng hinihiwang keso ni Luan pero hinampas agad nito ang kamay niya gamit ang handle ng tong.

"Wash your hands muna, Kuya! Ano ba 'yan? Ang dirty mo, meal ng baby ko 'yang hahawakan mo."

"I took a bath before I got here!" Dinutdot pa niya ang kanto ng balikat ni Luan bago siya maghugas na naman ng kamay na kapapatuyo lang niya bago bumaba.

"Parehas kayo ni Daddy. Napakalalandi n'yo talaga."

"Shut up. As if namang hindi namin nakikita kung gaano ka ka-clingy kay Iyanne," ganti ni Eugene sa kapatid. "Tama ba namang kakandungin mo sa harap namin?"

"Sabihin mo rin 'yan kay Daddy para fair." Umirap na naman si Luan nang lampasan siya ng kapatid bago niya maingat na inayos ang meryenda ng anak bago sila umuwi sa bahay ng mga Ercia.

Pagkatapos maghugas ng kamay, sumilip na si Eugene sa ref at nagkalkal doon ng maiinom. May nakita siyang mahabang hilera ng tetra packs ng blueberry yogurt—na sigurado siyang itinabi ni Leo para sa paborito nitong apo—at iyon ang ininom niya.

"Mag-lock ka nga next time ng kuwarto mo," sermon ni Luan sa kapatid.

"Learn to knock first bago ko gawin 'yan," kontra ni Eugene at sinilip na naman ang ginagawa ng bunso nila sa baon ng anak nito. "Tulog na si Divine."

Napahinto sa pagka-cut ng star-shaped kiwi si Luan nang tingnan ang kuya niya. "Did I ask?" masungit nitong tanong.

"I'm just telling you kasi baka pumasok ka na naman sa room ko nang hindi kumakatok. Walang damit yung asawa ko."

"At hindi ka na naman nag-lock!" pigil ang hiyaw ni Luan nang ibalibag sa mesa ang star-shaped cutter na hawak niya. "Wala akong pakialam sa asawa mo, may asawa rin ako! My god, Kuya." Padabog pang dinampot ni Luan ang ibinalibag sa mesa na cutter at nag-cut na naman ng kung ano-ano sa mga pagkaing hinahanda nito.

Higop-higop lang ni Eugene ang yogurt drink niya nang magsalita na naman. "Walang damit si Divine, pahiram ng damit ni Iyanne."

Naibagsak na naman ni Luan ang maliit na tong na hawak at pinamaywangan ang kuya niya. "Gusto mo ba talagang gawing motel 'tong bahay ni Daddy?"

Bored lang ang tingin ni Eugene nang humigop na naman sa yogurt drink niya. "As if you didn't have sex with Iyanne sa sala. Si Dada lang ang puwedeng magsabi niyan sa 'kin, Luke Anakin. And besides, we were in my room. In my personal space. And you didn't knock. So what you had seen was your problem because you didn't inform me that you were coming to my room."

"Kadiri ka pa rin. No wonder, ayaw papasukin ni Daddy yung ex mo rito," mabilis na tugon ni Luan, hindi na pinakinggan ang kung ano man ang sinasabi ng kuya niya.

"Pahiram ng damit ni Iyanne."

Kunot na kunot pa rin ang noo ni Luan at nagdabog-dabog na naman sa pagkilos. "Small yung asawa ko, medium si Divine. Maninira ka pa ng gamit ng may gamit."

"Baka lang may kasyang damit sa wifey ko."

'Wala!" naiiritang tugon ni Luan at halos mag-squat na sa harap ng mesa para lang i-arrange ang bear-shaped sandwich sa lunchbox na kanina pa niya binubuo. "Maghubad na lang asawa mo tutal matapang naman siya."

Saglit na binatukan ni Eugene ang kapatid kaya tuloy ang sama ng tingin ni Luan nang sulyapan ang kuya niya.

"Kukuha ako ng damit sa closet mo."

"My god, Kuya! Nag-asawa ka lang, naubusan ka na ng brain cells?"

Nag-jogging na paakyat ng second floor si Eugene para maghanap ng damit para sa asawa niyang tulog. Di-hamak na mas malaki nang kaunti ang katawan ni Divine kaysa sa asawa ng kapatid niya pero magbabakasakali na rin siya. Ang kaso, pagdating sa kuwarto ng kapatid niya. Wala siyang ibang makitang damit doon na pambabae kundi puro kay LA lang. Kahit anong kalkal niya sa mga drawer at cabinet, maliban sa damit ni Luan, sa anak na nito ang nakikita niya.

Pagbalik niya sa kusina, nagtitimpla na ito ng fresh lemon juice at nagkalat sa mesa ang ilang hiwa ng lemon na pinipiga nito.

"Walang damit dito si Iyanne?" tanong pa ni Eugene.

"I told you, wala nga," naiiritang sagot ni Luan. "Paano siya magkakadamit dito, diyan lang kami nakatira sa kabilang village?"

Sinukuan na ni Eugene ang paghahanap sa damit para sa asawa niya. Binalikan na lang niya ang kuwarto niya at nagpapasalamat na lang siyang hindi pa niya ibinabato sa laundry ang damit ni Divine. Doon na lang niya ito pabibihisin pag-uwi sa unit nila.

Habang tulog pa ang asawa niya, dumayo muna siya sa bahay ng Ninong Clark niya para magtanong kung ano ang ginawa roon ni Divine. Naabutan niya ang ninong niyang naglalakad sa treadmill sa sala at mukhang sa hapon lang na iyon naisipang mag-exercise.

"Hi, Ninong," bati niya rito at naghatak agad siya ng ottoman para maupo malapit dito.

"Tulog asawa mo?" tanong ni Clark.

"Good guess," sagot na lang ni Eugene. "Galing daw siya rito kanina. What's the topic?"

"Nanghihingi ng update sa pinade-develop niyang application."

"Yung e-market niya?"

"Yes," tugon ni Clark at binagalan ang pagpapaandar sa treadmill. "'Musta siya sa school? May tumatawag sa akin, nagtatanong kung puwede raw ba 'kong mag-prof sa LNU."

Napataas naman ng magkabilang kilay si Eugene dahil sa pagkabigla. "Admin?"

"Yeah. Referral daw ni Divine. Kanina rin, nagtatanong siya kung puwede ba 'kong makapagturo sa subjects nila sa E-Commerce. Bored daw siya sa mga prof doon. Mukhang may balak nang magbagsak sa evaluation."

"Haaay." Napahimas na lang ng noo niya si Eugene dahil sa narinig. "Pinag-uusapan na nga rin siya sa faculty room. Bakit daw pinapasok pa as student, qualified naman na siyang maging professor."

"May class ka bukas?"

"Yes, Ninong," nakangusong tugon ni Eugene at tumango-tango. "Sa Tuesday, isa lang ang class ko sa morning, then deretso na ako sa office. May ipagagawa ka ba?"

Natawa lang nang mahina si Clark. "Nagtatanong lang ako. Masama na bang magtanong?"

"Hindi naman, of course. Baka lang may ipagawa ka, para ma-schedule ko agad."

"Galing daw kayo sa firing range ng asawa mo, kuwento niya."

"Yeah," bored na sagot ni Eugene. "I think, hindi pa siya aware na lola ko si Belinda Brias."

"Si Mommy Hellen lang ang kilala niya, hindi yung isang lola mo," sabi ni Clark. "Pinaghawak ka ng baril?"

"She planned to buy one, pero matagal daw ang pagkuha ng license kaya bumili na lang kami ng toy gun."

"HAHAHA!" Naibuga agad ni Clark ang tawa niya nang marinig iyon. "That's epic. Gusto ka raw niyang maging kidnapper kaso hindi ka cooperative."

Napangiwi agad si Eugene. "Sinabi rin niya sa 'yo?"

"Yeah. Reklamo nga niya, bungad na bungad kanina habang nagtatabas ako ng damo. 'Musta ang pagiging kidnapper?"

"She sounded more like the spoiled brat kidnapper version. I knew she was planning something. Kapag may ganito siyang naiisip, may something na nagba-bother sa kanya."

"You think so?" tanong ni Clark nang lingunin siya saglit. "Hindi ba related sa kidnapping incident niya dati?"

"I'm not sure, pero wala naman daw talagang kidnapping na nangyari before. Pina-modify lang sa kanya ang statement dahil may press. After all, ang shady naman kung na-kidnap siya pero walang nai-file na civil case or charges doon sa kidnapper daw niya."

"Naisip ko rin 'yan. Kaya rin nagtataka ako kung bakit walang nakasuhan."

"Continuous pa rin naman ang medication niya pero pinababa na ang dosage. Lifetime yung case niya, pero kaya naman niyang kontrolin. Okay na 'yon sa 'kin. Tatanungin ko na lang siya kung para saan ba talaga itong kidnapping whatnots niya kasi baka may bumabagabag sa kanyang hindi niya agad ma-express."

Matapos ang kaunting kuwentuhan sa ninong niya, bumalik na rin siya sa bahay ng mga Scott at naabutang gising na si LA, pero hayun na naman ang talim ng tingin ng tatay ng bata sa kanya.

"Hindi ko fault kung hindi ka marunong kumatok," depensa agad ni Eugene kahit wala pang sinasabi ang kapatid niya.

"Tito Jijin, mewon ako bagong toy!" tuwang-tuwang sabi sa kanya ni LA at nanlaki ang mga mata niya nang hawakhawak na nito ang M16 rifle na iniwan niya sa bear bed nito.

"Baby, hindi mo 'yan toy," sabi pa niya at naupo agad sa harap ni LA, hinawakan ang kamay nito para alisin ang laruang baril. "Kunin ko, ha?"

"Ayaw!"

"Baby . . . sige na, bigay mo na kay Tito . . ."

"Aaahh!" Ang lakas ng tili ni LA nang makipag-agawan ng baril sa kanya. Pinalo pa nito ang kamay niya para lang bitiwan niya ang baril. Napabitiw tuloy siya para hindi na ito tumili. "Bibili 'to ni Daddy!"

"Hindi 'yan binili ni Daddy. Sige na, baby, bigay mo na kay Tito . . ."

Kahit anong lambing ni Eugene sa pamangkin, hindi talaga nito binitiwan ang baril. Kung hindi titili, dadaanin siya sa iyak at hampas sa kamay.

Pagtingin niya ulit kay Luan, parang alam na niya kung bakit ang sama ng tingin nito sa kanya.

"I don't know!" depensa niya na natatawa pa.

"Isusumbong na talaga kita kay Daddy," may sama ng loob nang sabi ni Luan at kinarga ang anak niyang tuwang-tuwa sa bagong laruang baril nito.


♥♥♥

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top