Chapter 7: Lock


Hindi kilala nang lubos ni Divine ang asawa niya. Pero gaya nga ng sabi niya, ayaw niyang bumase palagi sa kung ano ito noon dahil baka marami nang nagbago rito ngayon.

Kilala lang niya si Eugene Scott bilang anak nina Kyline Chua at Leopold Scott. Isa sa executives ng GS Agencia, professor ng tatlong subjects sa LNU, maliban doon, wala na siyang idea tungkol dito. Na-curious tuloy siya sa painting na nakita niya sa kuwarto nito na gawa ng sarili nitong ama.

Kompara sa walk-in closet ni Eugene sa condo unit nito, pansin agad ni Divine na halatang spoiled ang asawa niya pagdating sa bahay ng pamilya Scott.

U-shaped ang closet sa condo unit nito na hindi pa ganoon kalakihan, pero sa kuwarto nito sa bahay ni Leo, para siyang pumasok sa isang boutique na panlalaki. Sa condo unit nito, dark blue ang wallpaper ng closet, pero malaking baligtaran ang kulay ng sa kuwarto nito roon. White and gold ang loob, ang daming salamin, mula dingding hanggang kisame na white and gold din ang pintura. Nasa island glass counter ang lahat ng mamahalin nitong relo, kuwintas, bracelets, golden brooches and chain, at elegant lapel na nagkikintaban sa dami ng klase ng mamahaling bato. Kung hindi silver, gawa naman sa ginto. Sa ilalim ng glass counter ang hilera ng mga sapatos nitong mamahalin din at karamihan ay for formal occasions pa.

Nakahilera ang lahat ng suit and tie nito sa mahabang rack na puwedeng hatakin palabas ng cabinet. May malaking trifold full-length mirror sa dulo. Sa kaliwang parte ang mga formal nitong damit. Sa kanan naman ang lahat ng casual clothes nitong nakabase ang ayos sa kulay ng rainbow. Sa dulo ng island counter ay may shell-shaped accent chair na white and gold din.

"You're a damn prince, Mr. Scott," biro ni Divine habang nililibot ng tingin ang buong closet ng asawa niya. Naabutan niya itong namimili ng ipapalit sa baduy na suot. Sumandal siya sa gilid ng closet paharap kay Eugene at nakisilip din sa pinagpipilian nito. "Sino ang interior designer mo rito?"

"Ninong Clark," sagot ni Eugene habang tinatapik ng hintuturo ang labi, tutok sa loob ng closet niya.

"Favorite color mo ba ang white and gold?"

"Not really. Black and silver kasi kay Luan. Ibinagay lang for us. Plus I like simple and classy colors."

"This is beyond simple. This room screams elegance and luxury. Nakapasok na rito ex mo?"

"Hindi ko siya pinapapasok sa room ko rito sa bahay. Pagagalitan kami ni Dada. Ayaw ng surprise baby ng daddy ko."

"Oooh. That's so strict. Kaya ka siguro hiniwalayan."

Biglang sama ng tingin ni Eugene kay Divine. Nasalubong iyon ng babae nang hindi sinasadya kaya natawa agad ito nang malakas.

"Joke lang!" depensa agad ni Divine kahit natatawa pa. "Sino pa nakapasok na girl dito sa room?"

"Aside sa mom ko, ikaw pa lang."

"For real?!" gulat na tanong ni Divine.

"Yeah. One of the reasons why I left this house."

"So you brought Chamee somewhere na puwede kayong magkasamang dalawa."

"Yeah. Exactly."

"Tapos hiniwalayan ka lang."

Ayun na naman ang masamang tingin ni Eugene sa asawa niyang nang-aasar. "Don't make me draw the line here, Mine. Iki-kickout talaga kita rito sa room ko."

"Hahahaha! Joke lang! Grabe, ang sungit mo talaga sa 'kin. Parang hindi asawa."

"Wala akong damit na pang-kidnapper dito," pagbabago ni Eugene ng topic bago pa siya mainis.

"You having this closet?" tanong pa ni Divine at itinuro ang buong paligid. "Ikaw dapat yung kini-kidnap! Hahaha!"

Napabuntonghininga na lang si Eugene at sinukuan na ang paghahanap ng kidnapper's clothes sa closet niya.

"Hindi ako papasang kidnapper. Attire pa lang, failed na 'ko," katwiran ni Eugene sabay buntonghininga. Lumapit siya at humarap sa asawa habang pinipisil-pisil ang pisngi nito. "Next time na lang tayo maglaro ng ganito. Bibili muna ako ng shady clothes," sabi niya kahit hinihiling sa utak na sana ay makalimutan ng asawa niya ang kagustuhan nitong maging kidnapper siya para hindi na niya kailangang bumili pa ng damit na hindi niya kailangan.

Saglit na ngumisi si Divine at iginilid ang tingin. "Si Papa Leo yung nag-paint ng art diyan sa bedroom mo?"

"Yeah." Lumibot agad ang mga palad ni Eugene sa baywang ni Divine.

"Gift sa 'yo?"

"Nope. I bought that." Paisa-isa nang dinampian ni Eugene ng halik ang sentido at pisngi ng asawa niya.

"Really? How much?" kaswal na tanong ni Divine.

"Around 467 thousand? Sa bidding ko nakuha."

"Ang mahal naman. Kahit daddy mo may gawa?"

"Ayaw ni Dada na may artwork siya rito sa bahay. Nag-away pa kami bago siya napapayag na i-keep ko yung painting niya."

Hinuli ni Divine ang pisngi ng asawa at ipinaharap niya ito sa kanya. "Bakit ayaw niya?" tanong niya habang tinitingala ang lalaki.

Namumungay naman ang mga mata ni Eugene habang nakatitig sa labi ni Divine. Halos pabulong na siyang magkuwento rito. "My dad went through some therapies before and after I was born. Part ng therapy niya ang painting. We're collecting all of his sold paintings pero ayaw na niyang makita."

"Why?" pabulong na tanong ni Divine.

"Because I was once his greatest nightmare . . . and those paintings are what scare him the most."

Hindi na nakapagsalita si Divine at hinayaan na lang na halikan siya ni Eugene sa leeg. Nakatulala lang siya sa kisame habang minememorya ang itsura ng painting na naroon sa labas. Iniisip niya kung gaano ba kadilim ang history ng painting na iyon para maging parte ng therapy ng father-in-law niya.

Akala niya ay naglalambing lang si Eugene dahil paminsan-minsan ay nanghahalik talaga ito sa leeg para lang mang-asar. Kung hindi manghahalik sa leeg, mangangagat naman ng balikat. Pero nang gumapang na ang kamay nito sa loob ng hapit na T-shirt niya, bahagya na siyang lumayo para tanungin ito ng tingin. Halos mauntog pa siya sa sinasandalang pader gawa ng pag-atras.

"Wala pa naman sina Dada," katwiran nito nang makita ang pagtatanong sa mga mata niya. Hindi na nito hinintay ang pagsagot niya. Hinawakan agad siya nito sa panga at sapilitang inangat ang mukha niya para lang mahalikan siya nito nang mas malalim. Halos ikulong na siya nito sa makitid na pagitang iyon ng pader at cabinet nito. Kahit may nakabukas na air conditioning system sa loob ay nakaramdam siya ng hindi matunaw-tunaw na init.



The next part is a Rated-18 Scene. You can read the rest of the exclusive chapter sa Telegram kapag nag-avail kayo ng exclusive access sa channel ni Eugene Scott sa Ten Times Worse

Kung gustong makabasa ng SPOILERS, join lang sa aking Telegram channel: t.me/TambayanNiLena

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top