Chapter 3: Pa-Victim
Inaasahan ni Eugene na makaka-move on din matapos matulog ang asawa niya, pero paggising na paggising, nakangisi na ito sa kanya at mas mukha pa itong may balak na masama sa kanya kaysa siya rito gaya ng napag-usapan noong nakaraang gabi.
Ipinang-uunan nito ang magkalapat na mga palad habang nakatitig sa kanya.
"Good morning, Mine," basag ang boses na bati niya rito.
"Hindi dapat naggu-good morning ang mga kidnapper," paalala nito sa kanya.
Kamumulat pa lang ng mata niya pero hayun na ang una niyang buntonghininga sa araw na iyon.
"How do you want me to greet you, then?" tanong niya kay Divine.
"Dapat bubuhusan mo 'ko ng tubig para magising ako."
"Kahit gising ka na?" sarcastic na tanong ni Eugene.
"Pipikit na lang ako tapos kunwari, tulog ako pero gising talaga ako, pero hindi mo dapat alam kahit alam mo na."
"I'm thankful and, at the same time, regretful na hindi ikaw ang pinakasalan ng kapatid ko. You sound so similar, trust me." Bumangon na si Eugene at akma na sanang mag-aalis ng kumot pero inawat siya ni Divine.
"Iki-kiss mo muna dapat ako!"
Ngumiti pa si Eugene at dinampian ng mabilis na halik sa labi si Divine, pero paglayo niya, nakasimangot naman ito.
"Dapat yung hard! Yung punishing! Yung magdudugo ang labi ko!" reklamo ni Divine.
Nagtaas agad ng magkabilang kamay si Eugene para sumuko bago pa magsimula ang away. "Na-kiss na kita, okay na 'yan. Huwag nang may dugo-dugo pa, may pasok na tayo bukas." Nag-alis na rin siya ng kumot at umalis sa kama bago tumungo sa banyo.
Kung roleplaying lang naman ang habol ng asawa niya, wala naman siyang magiging problema. Ang kaso nga lang, gusto nitong gumawa siya ng hindi naman niya dapat ginagawa dahil nga masama iyon.
Alam niyang may bad memories ang asawa niya at ayaw nga niyang ma-trigger iyon, pero eto naman ang pilit nang pilit na ibalik ang mga traumatizing event sa buhay nito.
Kakamot-kamot ng ulo si Divine nang sumunod sa banyo at nakabusangot pa nang tingnan si Eugene mula sa salamin.
"Dapat bad guy ka, di ba? Hindi ka dapat nagtu-toothbrush."
Napapikit na lang si Eugene habang puro pa bula ang bibig. Iniwasan talaga niyang magbuntonghininga dahil baka puro na lang siya ganoon sa buong araw, Linggo pa naman.
"One week kitang ki-kidnap-in," sabi ni Eugene habang nagsesepilyo.
"Yes."
"Pero papasok ka sa school?"
"Ang mga kidnapping victim, hindi pumapasok sa school."
Doon na nakahalata si Eugene at pumaling na paharap kay Divine na nakangiti sa kanya. "You can tell me kung ayaw mong pumasok for a week para hindi na natin kailangang gawin pa 'tong kidnapping whatever na 'to. Gagawan kita ng excuse letter sa lahat ng prof mo."
"Hindi ako papasok sa class, pero pero pupunta ako sa school tapos babantayan kita. Magsusuot ako ng black and hoodie tapos magra-round ako sa bawat room kung nasaan ka like a mysterious stalker."
"Bibigyan kita ng book, basahin mo. It's about healing and self-forgiveness."
"After nitong one week, babasahin ko 'yan."
Bumaba agad ang tingin ni Eugene kay Divine, nanenermon ang titig sa asawa. "May growth ba tayo sa kidnapping thing na 'to para i-anticipate mo?"
"Yes!" masayang sagot ni Divine. "Magiging bad guy ka for a week, tapos mai-in love ako lalo sa 'yo. Then mas maaappreciate ko na asawa kita kasi magiging mabait ka because of me." At saka siya ngumiti nang malapad.
Napaisang iling si Eugene. "I still don't get it."
"Huwag mo nang i-get it, just do it na lang."
"Fine, fine, sige na."
"After mong mag-toothbrush, papaliguan mo dapat ako."
"Okay, I'll do that."
"Pero dapat nakagapos ako para hindi ako makakatakas sa 'yo. Kukuha ako ng panali sa kitchen!" Saka mabilis na lumabas ng banyo si Divine para nga kumuha ng panali.
Hindi na tuloy napigilan ni Eugene, napabuntonghininga na lang siya saka tinapos ang pagsesepilyo.
Hindi talaga niya makita ang saysay ng pagiging kidnapper niya at sa growth ng relasyon nila ni Divine. Nakangiwi lang si Eugene, nakaupo sa bangkito, kinukusot ang mabulang buhok ni Divine, habang nasa bathtub ang asawa niya at naliligo . . . habang may tali sa magkabila nitong galang-galangan para kunwaring kini-kidnap nga.
"Sabunutan mo nga ako," utos ni Divine.
"No."
"Kahit hindi malakas, sige na."
"No. Masasaktan ka."
"Exactly!"
"If this is about masochism, hindi tayo dapat pumunta roon."
"E, paano kung mas pleasurable sa akin ang pain? Paano kung mas mare-release ko ang oxytocin and serotonin ko kapag nasasaktan ako?"
Saglit na napahinto sa pagkusot ng buhok ni Divine si Eugene. Bahagya niyang sinilip si Divine na nakababad sa mabula at maputing tubig. Tinitingnan niya ang reaksiyon nito sa sinasabi.
"You're not releasing oxytocin and serotonin," paliwanag ni Eugene. "You're releasing endorphins."
"Pero happy hormone din naman ang endorphins, a?" depensa ni Divine.
"Endorphins are natural pain killers. Of course, may feel-good and pleasurable effect 'yon kasi nga kina-counter ang pain," kontra ni Eugene. "If that story or series triggered something in you, hug na lang kita maghapon para mawala 'yan."
"Hindi, wala, magiging kidnapper ka pa rin. Ma-experience mo man lang maging bad guy kahit for one week lang."
Mabilis na umikot ang mga mata ni Eugene at hindi sinasadyang napabuntonghininga na naman. Makulit talaga ang asawa niya, ayaw patalo.
"Do you have any plan to give this up?" tanong pa niya kay Divine.
Natawa si Divine nang masama ang pahiwatig. "Gi-give up ako after a week. Basta kidnapper ka muna today."
♥♥♥
Kung gustong makabasa ng SPOILERS, join lang sa aking Telegram channel: t.me/TambayanNiLena
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top