Chapter 15: Nightmares


"Divine!"

Napahinto sa pagsubo si Divine nang lingunin si Eugene sa sofa.

Hingal na hingal si Eugene habang pinandidilatan ang asawa niyang nakaabang na sa bibig ang kutsarang puno ng laman. Bumaba ang tingin niya sa mukha nito sunod sa hawak nitong coffee jelly, balik sa mukha nito at sa coffee jelly ulit.

"I know you love me, Jijin. What's yours is mine . . . and what's mine . . . is mine," paisa-isa pang sabi ni Divine sabay subo ng kutsara, hindi inaalis ang tingin sa kanya. Dahan-dahan pa itong ngumuya.

"Are you real?" kinakabahan nang tanong ni Eugene.

"No." Umiling pa si Divine sabay subo na naman ng isa, hindi rin inaalis ang tingin sa kanya. "I'm just your . . . imaginary wife. I'm not real, Jijin . . . I'm just a product of your playful imagination . . . and so is this coffee jelly . . . it's not real."

Napalingon si Eugene sa balcony. Maliwanag pero umuulan. Bumalik ang tingin niya kay Divine na subo lang nang subo ng kinakain nitong coffee jelly.

Nanginginig ang kamay niya nang damputin ang phone sa center table sa sala. Namali-mali pa siya ng dial hanggang sa sagutin ni Leo ang tawag niya.

"Dada!"

"O? Bakit sumisigaw ka?"

"Am I married?" natatakot niyang tanong habang nakatingin kay Divine na nakaupo sa single-seat sofa.

"Bakit? Ano'ng nangyayari?" kinakabahan na ring tanong ni Leo.

"Dada, kasal na ba 'ko?! Answer me!" galit nang sigaw niya, naiiyak habang nakatingin kay Divine.

"Malamang! Ano ba'ng ginagawa n'yo ni Divine diyan ngayon?"

Biglang napahagulhol ng iyak si Eugene at nabitiwan ang phone niya.

"Hala!" hiyaw ni Divine at mabilis na ibinaba ang cup ng coffee jelly na kinuha niya sa ref—kahit na pinagsabihan na siya ni Eugene na huwag kakainin ang lahat ng mga nasa freezer nang walang permiso dahil baon nila iyon kung aalis man. "Huy, Jijin!"

"Eugene! Ano ba'ng nangyayari sa inyo diyan?!" natatakot nang sigaw ni Leo sa phone.

Si Divine na ang dumampot sa gamit at sumagot. "Papa Leo, umiiyak anak mo!"

"Bakit nga?!"

"Ewan ko po! Natutulog lang 'to, e! Saka papalit nung coffee jelly, dalawa, hehe."

"Anong coffee jelly?!"

"Basta po dalawa! Ay, make it three! Ba-bye, Papa, love you!" Pinatay na ni Divine ang tawag at dinaluhan na si Eugene na iyak lang nang iyak.

Hindi alam ni Divine kung tatawanan ba ang asawa niya o ano. Hagod-hagod niya ang likod nito habang paisa-isang sumusubo ng minemeryenda niyang nakapatong sa center table.

"I thought you'd died . . ." natatakot na kuwento ni Eugene habang nagsusumbong sa kanya ng napanaginipan nito.

"I died?" sabi pa ni Divine at pinunasan ang mukha ni Eugene na nababasa ng luha. "How?"

"You jumped! Sa balcony!"

"Abot ko ba 'yon?" tanong pa ni Divine at sumubo na naman. "You like?" alok niya sa kutsara. Mabilis na umiling si Eugene.

"Akala ko, gabi na . . ." Hikbi nang hikbi si Eugene habang paulit-ulit na pinupunasan ang mga mata.

"'Yan, puyat pa," sermon ni Divine sa kanya. "Sabi mo kanina, iidlip ka lang after ng meeting mo. Ten ka natulog kaninang umaga, alas-dos na. Gutom na ko."

"Hindi mo 'ko ginising?" tanong ni Eugene nang abutin ang box ng tissue na inabot sa kanya ng asawa.

"Ginising kita. Tumango ka lang tapos hindi ka naman kumilos. E, di kinain ko yung laman ng ref!" Tumayo si Divine sa harapan ng asawa niyang nakaupo sa sofa at hinagod-hagod ang buhok nitong malambot para aluin ito.

Una agad na napansin ni Eugene ang suot ni Divine na panda onesie. Pagtingala niya, sinalubong ng namumugtong mata niya ang tingin nito.

"You're wearing your panda blanket . . ." naiiyak na sabi niya rito. "You're wearing it . . ."

"Uh . . . yeah?" nalilitong tugon ni Divine habang nakataas ang isang kilay. "Grabe naman panaginip mo, Jijin. Next time nga, maaga na talaga tayong matulog."

"I thought you didn't like it . . ." pag-iyak ni Eugene.

"Like what?"

"Yung panda onesie . . ."

"We bought it, di ba? Of course, I like it! Ano ba?" Sinuklay-suklay pa ni Divine ang buhok ni Eugene para patahanin ito.

"I thought you're normal . . ."

"Normal?" nagtatakang tanong ni Divine.

"Yeah . . . you're serious . . . and you . . . you don't like me taking care of you . . ."

"Hahaha! Hindi normal 'yon! Ano ka ba? Tahan na, ha?" Ilang minuto pang inalo ni Divine ang asawa niyang pilit na kumakalma. Yakap-yakap lang niya ito hanggang sa tumahimik din ito. Kung ano man ang napanaginipan nito ay hindi na niya itinanong. Hinintay na lang niya itong magsabi kung balakin man nito.

Bago ang alas-tres, nagbihis na muna si Eugene ng plain yellow T-shirt at khaki shorts. Ipinaalala sa kanya ni Divine ang hindi pa niya nakukuhang speaker na ipinasuyo niya sa ninong niya. Balisa pa rin siya dahil sa mahabang panaginip na halos paghiwalayin ang kaluluwa niya sa katawan sa sobrang takot.

"Mine . . ." tawag niya rito.

"Hmm?"

"Um . . ." Nilingon ni Eugene ang balcony sa sala na inuulanan pa rin. "Ano . . ." Pagbalik niya ng tingin kay Divine, inaasahan niyang magsasabi itong sa bathroom na lang muna at hihintayin siya sa closet. "Um . . . bababa na ako. Diyan lang sa lobby." Itinuro niya ang pinto.

Bigla itong nagtaas ng kanang kamay. "Sama ako! Wait lang!" Mabilis nitong tinakbo ang kuwarto.

Napangiti si Eugene dahil sasama pala ang asawa niya at hindi magpapaiwan sa unit. Akala niya ay magbibihis ito mula sa suot na onesie pero paglabas nito sa sala, nagsuot lang pala ito ng fluffy slippers na may design din na panda, dala ng isang kamay nito ang wallet. "Tara!"

Mula sa mabigat na pakiramdam, hindi na nawala ang ngiti ni Eugene nang hawak-hawak niya ang kamay ng asawa habang naglalakad sila sa hallway ng 20th floor. Paugoy-ugoy pa ang braso ni Divine at paminsan ay iikot sa kanya habang palukso-lukso.

"Si Jijin . . . umiyak," pakantang asar ni Divine sa asawa niyang hindi siya mapatulan dahil totoo naman.

Pagsakay nila sa elevator, humarap si Divine kay Eugene at ipinatong na naman ang baba sa dibdib ng lalaki para tingalain ito. Nakangisi pa siya habang nagpapalambing kay Eugene.

"Ba't umiyak si Jijin ko?"

Ang lalim ng paghinga ni Eugene nang titigan ang asawa niyang nangungulit at nang-aasar. Alam na niyang iyon ang asawa niya. Hindi niya kahit kailan makita si Divine na "normal" at seseryosohin siya nang buong araw.

Ito ang normal ng asawa niya—ang pagiging makulit at malambing nito kahit mapang-asar. Hinawakan niya si Divine sa magkabilang pisngi at hinalikan ito nang mariin.

Nanlaki tuloy ang mga mata ni Divine sa sobrang gulat. Nagmamadali niyang pinalo-palo ang balikat ni Eugene para lang awatin ito sa ginagawa.

"Jijin!" hiyaw niya nang maglayo ang mga labi nila. Namumungay ang mga mata nito sa kanya habang pinandidilatan niya naman ito. "Okay ka lang ba talaga?"

"Love mo pa rin ako?" naglalambing na namang tanong ni Eugene.

"Pfft! HAHAHA!" Hinawakan din niya ang lalaki sa magkabilang pisngi nito. "Love ko si Jijin, of course!" Sunod-sunod na mabibilis na halik ang idinampi niya sa asawa saka siya nagpakarga rito.

Bumukas sa ibang floor ang elevator habang may karga-karga si Eugene na babaeng nakasuot ng panda onesie. Kahit papuno na ang elevator ay hindi nagpabitiw si Divine. Nakatapak na lang silang dalawa sa lobby ay karga pa rin ni Eugene ang asawa. Pinagtitinginan na tuloy sila at biniro pa ng dalawang guard na nakasabay sa hallway.

Bumaba lang si Divine nang makarating na sila sa front desk.

"Raj, may ipinaiwan bang speaker dito for me?" tanong ni Eugene habang hinuhuli ang kamay ng asawa niyang paikot-ikot sa katawan niya.

"Yes, sir! Ito po," sagot agad ng lalaking attendant sa front desk at iniabot kay Eugene ang isang itim na paper bag.

Inalala niya ang speaker na natatandaan niya. White iyon na may pailaw at low batt pa.

"Thank you," pasalamat niya sa attendant at sinilip ang laman ng bag. Kulay black na may blue print. Hindi nga white. Ipinag-pair muna ang phone niya at ang speaker para makita ang battery life nito. Pagtunog ng ON sound nito, sinilip niya ang phone niya.

100% battery.

Hindi low batt. Napapailing na lang siya sa sarili nang maisip na hindi naman talaga siya kahit kailan bibigyan ng ninong niya ng bagay na hindi nakahandang gamitin.

Sinilip niya ulit ang laman ng paper bag. Hindi umiilaw ang speaker pero may option na bubuksan ang light projector.

"Jijin, kain muna tayoooo!" pangungulit ni Divine kaya nginitian niya ito.

"Sige, kakain tayo."

Paugoy-ugoy na naman ang magkahawak na kamay nilang dalawa at imbes na bumalik agad sa unit ay dumeretso na lang sila sa kainan na nasa mall na ibaba lang ng condomium.

Sinilip ni Eugene ang email niya kung may na-send ba roong files si Clark tungkol sa kidnapping case ng asawa niya, pero ang huling email nito ay noong nakaraang araw pa at tungkol sa monthly report iyon para i-review niya.

Nag-search siya sa email kung may na-send ba si Clark sa kanya ng tungkol sa background ng asawa niya dahil baka sa panaginip lang din iyon nangyari pero . . .

May nakita siya.

May nai-send na pala ang ninong niyang mga picture at file noon tungkol kay Divine. Parang biglang nabuhay ang panaginip niya nang makita ulit ang photos ng masukal na gubat na may tatlong bahay. Ang kuwartong walang bintana. Ang abandonadong bahay na kulungan daw ng ina ng tumangay rito papuntang Pangasinan.

Ipinadala iyon ng ninong niya bago pa ang kasal nila. Lahat ng detalyeng naroon ay alam na niya bago pa ang kasal. Hindi lang niya alam kung bakit niya biglang napanaginipan ulit ang tungkol doon.

"Jijin, mamaya ka na mag-phone, kakain pa 'ko!" saway sa kanya ni Divine at tinuturo nito ang bibig, nagpapasubo.

Natawa na lang tuloy siya at sumandok ng pagkain nila para subuan ito. Ngumuso pa ito kaya dinampian niya ito ng halik sa labi at kilig na kilig na ito nang ngumuya.

Imposible talagang kikilos nang "normal" at seryoso ang asawa niya nang hindi ito umiinom ng gamot. Natatawa na lang tuloy siya sa sarili kung bakit hindi niya iyon agad napansin.

"Mine . . ."

"Hmm?"

"Bakit gusto mo 'kong maging kidnapper?"

Inaasahan na niyang sasagot ito tungkol sa takot nito sa ulan, pero asawa na nga niya talaga ang kasama niya.

"Kasi gusto ko nga ng bad boy! Ano ba 'yan, Jijin? Hindi pa tapos one week ko, ha? Maulan lang pero magiging kidnapper ka pa rin."

Sobrang layo.

Sobra talagang layo.

Natatawa na lang siya. Ibang-iba talaga ang asawa niya at dapat ay alam na niyang nagiging seryoso lang ito tuwing nakakainom ng gamot.

Nakangiti lang siya nang subuan ito kahit sobrang dami ng nakakakita sa kanila sa restaurant. Wala naman siyang pakialam kahit paanorin pa sila ng buong Pilipinas habang pinagsisilbihan niya ang asawa niya, ang mahalaga ay masaya ito.

Akala niya ay maaga silang babalik sa unit niya, pero kahit ang dinner nila ay sa labas na rin. Alas-siyete na ng gabi sila nakabalik sa bahay at ang daming bitbit ni Divine na laruan. Akala pa naman ni Eugene kung para saan ang mga iyon pero pampakalma raw nito kasi nga maulan. Bumili ito ng malaking teddy bear, may dolphin pa, may panda rin, at laruang freebie sa Happy Meal. Nakipag-away pa ito sa kanya kasi gusto niyang siya ang magbayad pero ayaw naman nito dahil dala nga raw nito ang wallet.

Abala ito sa pagtatabi ng mga laruan sa kama nila nang tawagin niya ito.

"Mine . . ."

"Hmm?"

"Sabay tayong maligo?"

Mabilis siya nitong nilingon at nakangisi pa, halatang may balak na masama. "Now na?"

Natatawa na lang si Eugene nang tumango. "Yeah."

"Oh . . . lumapit ka . . . " pagkanta ni Divine at excited na lumuhod sa kama habang marahang ibinababa ang zipper ng suot niyang onesie. Pagiling-giling pa ang balikat niya habang nakangiti kay Eugene. "Kung gusto mo akong halikan, 'di kita sasawayin . . . alam na alam mo namang ito'y gusto ko rin. . ."

"Hahahaha!" Napahagalpak na lang ang lalaki sa ginagawa ni Divine. "Maliligo lang tayo, Mine."

Napasimangot tuloy ang babae. "Hmp! Ayoko ng ligo lang! Grabe siya! Mamaya, iinom na 'ko ng gamot, tutulugan talaga kita, bahala ka diyan."

"Hahaha! Sige na nga. Tara dito, ako na maghuhubad sa 'yo."

"Aaahh! Take my clothes off, Daddey!" Umigik agad si Divine at excited na lumapit sa asawa niya.

Tawa lang nang tawa si Eugene sa kakulitan ng misis niya.

Pagkatapos nilang maligo, oras na ng pagtulog nito, at malakas pa rin ang ulan.

Uminom na ng gamot ang asawa niya at saka lang niya naisipang tawagan si Clark para itanong ang tungkol sa bumabagabag sa kanya.

"Ninong . . ."

"Si Leo, kanina pa nag-aalala sa 'yo. Ano yung iniyak mo raw kanina?"

Buntonghininga na lang ang naisagot niya sa tanong ni Clark.

"Long story short, nanaginip ako nang hindi maganda kanina. Going back, pa-confirm ako nito, Ninong."

"Confirm nang?"

"Namali ba ng medication si Divine noong investigation ng kidnapping case niya?"

"Namali ng medication? May nainom siyang gamot na hindi niya dapat inumin. Why?"

"Fiancée ni Uncle Jun ang may plano?"

"Fiancée? Saan mo naman narinig 'yan?"

"Sabi mo. Galing kay Lola Tessa."

"Sabi ko? Wala, a! Namali ng medication kay Divine kasi... complicated na case, pero family-issue 'yan. Yung mama niya ang may kasalanan. Wala akong sinasabing kahit ano tungkol kay Ciara aside sa siya ang nagbabantay ng diet at gamot ni Divine kasama si Vanessa."

"Ah, so . . ." panaginip lang pala. "Yung janitor ba, may nanay na may problem psychologically?"

"Janitor . . . ?"

"Yung kumidnap sa kanya."

"A, 'yon ba? Wala. Tindera ng isda sa palengke yung nanay n'on. Buhay pa ngayon, puwede mong puntahan sa probinsiya. Bakit mo naitanong?"

"Oh, so . . ." panaginip pa rin? "Um, may . . . may history ba sa family ni Divine ng psych problems?"

"History? Yung biological mother niya, nag-suffer ng depression and hindi na-treat nang maayos kaya naging schizophrenia. If I'm not mistaken, na-confine 'yon tapos tumalon sa balcony ng ospital, pero sa abroad nangyari kaya walang record dito sa local news. Alam ko, nakuwento ko na 'to sa 'yo noong pinahanap mo ako ng records ng asawa mo. O nakalimutan mo na?"

"Nakalimutan ko na . . ." wala sa sariling sagot ni Eugene at balisang tumingin sa pintuan ng kuwarto niyang nakabukas. Sinilip niya roon si Divine na inaasahan ng isipan niyang nagmumukmok at tulala lang sa kama.

Pero asawa nga niya talaga ang kasama niya. Sumasayaw ito ng chicken dance at sinasabayan ang tugtog sa bigay na speaker ni Clark. Suot na naman nito ang giraffe onesie habang karga ang bagong bear nito.

"Bakit mo pala naitanong? Ano'ng meron?" tanong ni Clark na nagpabalik sa kanya sa huwisyo.

"Ang sama ng panaginip ko kanina, Ninong. Tumalon sa balcony si Divine habang umuulan."

Dinig niya ang buntonghininga ni Clark sa kabilang linya. "Safe ba kayo diyan?"

"Safe naman, Ninong. Hindi ko lang nagustuhan yung panaginip ko. Sobrang weird. Sobrang surreal. Ang sama ng gising ko."

"Nakatulog ka ba nang maaga kagabi?"

'Yon lang. Hindi ang sagot niya.

"Hindi," sagot ni Clark sa sariling tanong. "Sabi nang huwag magpupuyat, isa ka pa, para kang papa mo. Iniinom mo pa ba yung melatonin mo?"

Napabuntonghininga si Eugene at napahimas ng sentido. "Kagabi, pero hindi agad tumalab. Ang alanganin kasi ng tulog ko nitong mga nakaraang araw, Ninong. E, may meeting ako nitong umaga, di ba?"

"Ayan na nga ba'ng sinasabi ko. Alam mo na ang side effects niyan sa 'yo, uminom ka pa. E, di nag-REM ka sa tanghali niyan."

Sermon na naman tuloy ang inabot niya kay Clark.

"Huwag mo nang inumin 'yan at talagang babangungutin ka niyan kahit maliwanag pa! Kung puyat ka, mag-text ka sa amin ni Leo, kami ang a-attend ng meeting mo. Saka matulog na kayo ngayon ng asawa mo! Diyos ko 'tong taong 'to. Siya ang painumin mo ng gamot, hindi ikaw."

"Sorry na, Ninong Clark. Good night na."

"Tawagan mo daddy mo, ha? Nag-aalala 'yon."

"Yes po."

"O, sige na, good night."

Pinatay na ni Clark ang tawag kaya sunod niyang tinawagan ang daddy niya.

"Dada . . ."

"Alam mo, kung hindi lang ako ang bantay ngayon kay LA, talagang sinugod na kita diyan. Ano'ng nangyayari sa 'yo?"

Napabuntonghininga na naman si Eugene at napahimas ng noo. "Nakatulog ako kanina sa sala, Dada. Bad dreams. Vividly bad dreams."

"Tsk, tsk, tsk! Uminom ka ba ng sleeping pills?"

"Last midnight po, yung melatonin."

"Nakita mo 'yan! Tapos nag-meeting ka pa! Kung kutusan kaya kita?"

"Hindi ko naman alam na late yung effect, Dada. Sorry na."

"Dada, timpa mo na 'ko melk!" hiyaw ni LA sa kabilang linya. "Opo, wait lang po, magtitimpla na si Dada ng milk," malambing na sagot ni Leo sa apong naghahanap ng gatas.

Napapangiti na lang si Eugene dahil alam na niyang hindi na siya masesermunan ni Leo kapag nasa paligid si LA.

"Mag-usap tayo bukas, at matulog ka na," sabi lang ng daddy niya at saka ibinaba ang tawag.

Maling-mali talaga na uminom siya ng pampatulog noong nakaraang gabi. Pagbalik niya sa kuwarto, huminto ito sa pagsayaw at nginitian siya. "Tutulog na tayo, Jijin?"

"Lalabas ka ba ngayon sa balcony?" may lungkot na tanong niya kay Divine.

"Umuulan kaya! Gusto mo ba 'kong magkasakit?"

Panaginip.

Napabuntonghininga siya.

"Last night . . . lumabas ka . . . sa balcony . . . habang umuulan . . ." paisa-isa ni Eugene sa mga natatandaan niya.

Kunot na kunot ang noo ni Divine sa sinabi niya. "Bakit ako lalabas, e umuulan nga?"

"Pero . . ." panaginip pa rin? "Hindi ka lumabas kagabi?"

"Bakit nga ako lalabas, e umuulan? Okay ka lang ba talaga, Jijin?" seryoso nang tanong ni Divine at sinilip ang mukha ng lalaki.

"Nilutuan ba kita—hindi. Tulog nga pala ako." Napahimas na lang siya ng batok at tinanaw ang nakasara niyang balcony. Maambon na lang pero malakas pa rin ang hangin. Madilim lang at walang bakas ng kidlat sa mga ulap.

"Why? What's the matter?" may pag-aalala nang tanong ni Divine.

Umiling na lang si Eugene para sabihing wala at inaya nang humiga ang asawa niya. Nababalisa pa rin siya kahit katabi na ito at yakap. Hindi na niya naiwasang magtanong nang hindi na makapagpigil.

"Mine . . ."

"Hmm?"

"Di ba, nanaginip ako kanina nang masama."

Bahagyang umurong si Divine paakyat sa unan para magtapat ang mga mukha nila. "Bothered ka ba?"

Saglit na pumikit si Eugene saka tumango nang dumilat. "Sabi mo . . . yung mom ng janitor ng school n'yo . . . na-engkanto . . ."

Pigil ang tawa ni Divine sa sinasabi ng asawa niya. "Na-engkanto, then?"

"Nagkaroon ng schizoprenia . . ."

"Okay, then?"

"Tapos naririnig mong umuungol saka umiiyak sa kabilang room kung saan ka nag-stay. Inuuntog niya yung ulo niya sa pader. Tapos naririnig mo raw 'yon kaya nagkaroon ka ng trauma . . ."

Nawala ang tawa ni Divine sa sinabi niya, pero hindi rin naman ito nagulat. "Sa dreams mo nangyari?"

Marahang tumango si Eugene. "Yeah . . . tapos naririnig mo yung boses niya every time na umuulan . . . tapos lumabas ka sa balcony habang umuulan . . . sabi mo, huwag kang istorbohin . . . sabi mo, magpapahinga ka na . . . tapos kukunan sana kita ng towel kaso tumalon ka bigla."

"Wow. That's . . ." Saglit na nandilat si Divine para sabihing kakaiba ang panaginip ni Eugene. "Okay. I'll give you a clear background para hindi ka na ma-bother. Yung mom ng janitor namin sa school, fish vendor siya. Yung husband niya, fisherman. Imposible ang sinasabi mo kasi buhay pa silang dalawa until now. But my mom—my real mom—had a psychological problem."

"Okay . . ." Tumikom ang mga labi ni Eugene

"My mom cheated on my papa kaya naghiwalay sila. Kinuha niya ang custody ko, and nag-co-parenting sila until mag-12 ako. Yung dalawang brother ko, naiwan kay Papa kasi ayaw nila sa mom ko."

Sigurado si Eugene na alam niyang totoo ang tungkol sa mga iyon.

"May three days ang papa ko para alagaan ako before. Sa kanya ako sa three days na 'yon. The rest ng week, kay Mama naman ako. Nagda-drugs siya, same room kami before kasi gusto niyang 'pagsilbihan' ko siya. Wala siyang pambayad sa maid. Kinukuha ako ng stepmom ko kaso ayaw akong ibigay ng mom ko. Her reason? Kasi siya ang tunay na nanay. Siya raw ang bahala kung ano ba ang dapat mangyari sa buhay ko. We were in the same room . . . so, yung smoke na tine-take niya, nate-take ko rin. Na-diagnose siya at binigyan siya ng antipsychotics kapalit ng illegal drugs. Pero ipinainom niya sa 'kin 'yong mga gamot niya para lang mapirmahan niya yung record na umiinom siya at tini-treat niya ang sarili niya. She even had sex sa doctor na nagbibigay sa kanya ng treatment as payment. That's why I don't trust anyone to give me medicines just like that—even my own parents."

"Oh." Sobrang layo ng nalaman niya sa panaginip niya.

"Open naman 'yang story sa family. You can ask Papa if hindi off sa 'yo. Even Mother Shin knew that story kasi kilala niya yung drug dealer ni Mama dati."

"Pero yung mom mo . . . tumalon sa balcony . . ."

Natawa nang mahina si Divine. "Yeah. Kasi hinahabol daw siya ng demonyo. Pero hindi 'yon ang cause of death niya kasi safe pa yung bubong na napaghulugan niya. She died because of drug abuse. I don't even consider her as my mom anymore. Si Mama Ciara lang ang mama ko, 'yon na 'yon."

"Yung ulan . . . ? Nagkaka-attack ka ba sa ulan?"

"Yeah. But not the attack na seizure. Kapag naman nakainom ako ng gamot, kahit isang oras mo 'kong ibabad sa ulan, wala lang 'yon sa 'kin. I told you, numb lang ako kapag may gamot. It keeps me in a stable state. Bothered ka pa rin ba sa dream mo? Ikaw ang tatanungin ko, ano yung ininom mong gamot kagabi? May nakita akong balot diyan sa nightstand kaninang umaga."

Napabuntonghininga na naman si Eugene. "Melatonin 'yon. Iniinom ko kapag hindi ako nakakatulog. Ilang araw na 'kong walang maayos na tulog kasi nagma-marathon ka ng Criminal Minds."

"E, di sana, sinabi mo sa 'kin agad para hindi na ako manonood tuwing madaling-araw. Ano ba 'yan, Jijin? Tara nga dito." Inangat niya ang ulo ni Eugene at isinilid sa ilalim ng kaliwang braso ang ulo nito. "Sige na, I change my mind na. Huwag ka nang maging kidnapper. Kung ano-ano na'ng nangyayari sa 'yo, hindi ko pa alam."

Ibinalot na lang ni Eugene ang mga braso sa baywang ni Divine at isinubsob ang mukha niya sa leeg nito.

"I love you, Mine . . ." bulong ni Eugene. "Sa panaginip ko, ayaw mo 'kong magsabi palagi ng I love you."

Natawa tuloy si Divine. "Ang pangit naman ng ugali ko sa panaginip mo. Ang KJ! Sige na, sleep ka na, ha? Hug mo na lang ako para ma-comfort ka. Hindi na ako manonood ng Criminal Minds para maaga rin ang tulog mo," pangako ni Divine at dinampian ng halik sa ulo ang asawa niya. "I love you, Jijin."


♥♥♥

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top