Chapter 12: Hallucinations


Wala pa ring tila ang ulan.

Alas-otso pa lang, naghahanda na si Eugene para sa online meeting niya. Nag-set pa siya ng buhok na maayos ang pagkakasuklay. Naglapat ng lip balm para hindi siya mukhang natutuyuan ng labi. Inayos pa niya ang lampshade sa white light mula sa yellow light para mas maliwanag. Nakasuot pa siya ng white button-down shirt na nakabukas ang dalawang butones sa itaas habang nakatupi ang manggas hanggang siko, at boxer shorts sa ibaba.

Wala pang alas-nuwebe, maingay na sa kuwarto niya dahil nagsimula na ang meeting nila. Online din ang karamihan sa kanila, kahit ang employees nilang naka-work-from-home setup. Ang iba naman ay nasa corporate building nila at nasa conference room.

Nakaharap si Eugene sa malaking screen ng pc niya habang may laptop naman sa kaliwang gilid ng table.

"Patingin nga ulit ng dashboard," sabi ni Eugene habang nire-review sa kabilang laptop ang soft copy ng reports na ipinasa sa kanila para i-review din. "Sir Nick, na-review mo na ba 'to?"

"Not yet, sir," sagot ng tinanong niya. "Today sana pero hindi na ako nakapunta ng office."

"Paki-double check ng chart sa page 18. Hindi siya nagma-match dito sa report ni Rita," paalala ni Eugene habang iniisa-isa ang tabs sa screen niya. "Rita?"

"Yes, Sir Gene?"

"Na-coordinate mo ba 'to sa SMM?"

"Yes, sir. Papasok daw po sana ngayon sa office si Ma'am Sharee kaso na-stuck daw sa traffic kasi lubog ang daan."

"Hmm." Napapaling ang nguso ni Eugene sa kanan at inisip kung paano ba sila makakapag-proceed sa meeting dahil may ilan sa kanilang late sa meeting at naabutan ng baha sa daan. "Paki-bookmark naman nito, please. Paki-revise bago i-forward sa office ni Mr. Mendoza. Pagagalitan tayo niyan, hindi nagma-match ang records sa ibang department."

"Noted, sir," tugon ni Rita.

"Jordan?" tawag niya sa secretary.

"Yes, sir?"

"Paki-follow up nitong revision sa department nina Miss Cuevas, then pahingi ako ng copy para ma-review ko muna. Kailan ulit ang meeting with Sir Clark and Sir Leo?" tanong ni Eugene.

"Ngayong Friday, sir," halos sabay-sabay na tugon ng mga ka-meeting niya.

"Friday, okay. Pero may meeting sila today, right?" paninigurado niya.

"Yes, sir," sagot ni Jordan. "Sa executives ng Abijah Land."

"I see. Sige, moving on. Next slide." Nag-mute muna si Eugene at pagkababa ng kamay na nasa laptop, nahagip ng tingin niya si Divine na nakahiga sa gilid ng kama na katabi niya. Naglapat ito ng palad habang nakatingin sa kanya.

Hinawakan niya ang kamay nito at nilaro-laro ang ilang daliri ng asawa habang nasa gitna siya ng meeting.

Tuwing Martes, isa lang ang klase niya sa LNU at sa mga first year naman iyon. Pagkatapos ng klase, deretso na siya sa corporate building para naman sa role niya bilang CFO ng financial technology company nila na subsidiary ng Golden Seals, ang company na pagmamay-ari ng ama at ninong niya. Ang GS Agencia ay founded ni Clark Mendoza na expert pagdating sa e-commerce; at kung ito ang inilatag na option ni Divine para magturo ng E-Commerce sa LNU para palitan ang prof ngayon sa course na iyon, hindi na siya magtataka kung bakit ang bilis makinig dito ng mga superior sa university kung saan siya nagtuturo.

Maliban sa MBA sa dulo ng pangalan ni Eugene, advantage niya kaya siya natanggap bilang professor ay ang corporate experience niya. Walang maipipintas ang faculty ng CBA sa kanya dahil may mailalatag siyang mga karapatan para magturo sa subjects niya. Kaya kahit paano, alam niyang maliligtas siya sa "secret evaluation" na manggagaling mula sa asawa niya kapag nagpasa na naman ito ng report sa Office of the President ng school sa susunod na buwan.

Alas-onse na natapos ang meeting nila. Nahihiya si Eugene na magpa-deliver dahil malakas ang ulan at kawawa ang rider kung manggagaling pa sa malayo, kaya naman, napilitan na siyang magluto para sa tanghalian nila ni Divine kung ayaw niyang magutom silang dalawa.

Hindi na niya hinubad ang white long-sleeves niya at hinayaan na lang na ipares iyon sa boxer shorts niyang pagkaikli-ikli pa man din sa kanya.

Nakasuot ang asawa niya ng yellow long-sleeves din na kamukha ng suot niya at iyon ang pambahay nito ngayon. Ilang beses nitong inaway ang wearable blanket nito dahil mabigat nga raw sa balikat kaya nagsuot ng magaang tela para hindi mainis.

"Dapat ikaw na lang yung prof namin sa lahat ng courses ng third year," nakangusong sabi ni Divine. Nakatabi siya kay Eugene at nanonood sa ginagawa nitong paghihiwa ng sausage.

"You know na impossible 'yan kasi puno na ang schedule ko," sagot ni Eugene.

Nagtaas ng kamay si Divine para magbilang. "Dalawang subject sa Monday. Isang subject sa Tuesday. Day-off mo sa Wednesday tapos Thursday ulit na isang subject. Tapos dalawa sa Friday and walang subject sa weekends. See? May pasok ka lang every Monday, Tuesday, Thursday, and Friday. Tapos ang class na meron ka sa reg. form ko, yung Monday and Friday lang. Twice lang kita makikita sa school sa buong linggo."

"May corpo naman ako seven days a week," sabi ni Eugene. Kailangan ko pa ring maglaan kahit five hours lang for my office work, Mine. Full pa rin ang schedule ko."

"Bakit minsan, parang wala ka namang ginagawa?" nakangusong tanong ni Divine at sinilip ang mukha ni Eugene sa mula sa gilid.

"Kasi tinatapos ko agad ang work kaya hindi ako natatambakan ng workload, pero marami pa rin akong ginagawa," nakangiting sagot ni Eugene at inipon na sa isang plato ang lahat ng sangkap ng balak niyang lutuin.

Pagkatapos makapaghugas ng kamay, binalikan niya ang phone na nasa gilid ng mga garapon ng pampalasa at pinanood ulit kung paano ba lulutuin ang dapat na lulutuin niyang sopas.

"I'll pray na okay ang lasa nito," sabi pa niya kay Divine dahil kahit siya ay hindi confident sa kalalabasan ng lulutuin niya.

Naupo si Divine sa isang dining chair na naroon at tumanaw sa balcony. Hindi pa siya nakakainom ng gamot at wala rin siyang balak uminom sa araw na iyon. Kahit paano'y kaya na niyang dalhin ang bawat panginginig ng kamay niya at kinokontrol na lang ang boses para hindi bigla-biglang hihina o bigla siyang matutulala nang walang matinong dahilan.

"Ilang araw daw uulan?" tanong niya kay Eugene nang mangibabaw ang katahimikan sa kusina.

"Hanggang Friday daw, sabi sa forecast. Hoping humina na kahit sa Thursday."

Ipinatong ni Divine ang mga braso sa sandalan ng upuan at patagilid na umupo. Tumulala na naman siya sa balcony sa sala kung nasaan ang sampayan ni Eugene na mukhang hindi nito muna magagamit sa linggong iyon.

"You know . . . when I was twelve . . . sa bahay ng janitor ng school namin dati . . . ang creepy doon tuwing gabi."

Bahagyang napalingon si Eugene kay Divine at naibalik lang ang atensiyon sa niluluto nang mainitan na ang kamay na may hawak sa takip ng kaserola.

"I was there for five days. Sa morning . . . okay lahat. Sobrang okay lahat."

Hindi na alam ni Eugene kung ano ba ang uunahin: ang niluluto niya o ang kuwento ng asawa niya.

"Yung bahay nila, along the road. Doon dumadaan yung mga provincial bus pa-north. Yung buong lote nila, surrounded ng mga puno saka halaman. Honestly, before that, walang issue sa akin mentally. Walang history sa amin na may ganitong case na gaya ko."

"Ano'ng nangyari sa 'yo sa province?" tanong pa ni Eugene na palingon-lingon sa stove at sa asawa niyang nagsasalita sa likuran niya.

"Sobrang bait ng family ng janitor namin sa school. Welcoming sila, actually. Hindi nila ako tiningnan as . . . you know? Parang ibang tao. Ang kaso kasi, mahirap lang sila," kuwento ni Divine na nasa maayos na ang timbre ng boses. "I was spoiled, tanggap ko naman 'yon before. Like, sobrang spoiled kong bata, as in. Kaya sobrang na-shock ako sa environment. Yung bahay nila, hindi siya bahay kubo. Hollow blocks ang mga dingding, tapos yero sa bubong. Walang ceiling. Yung ilaw nila, lightbulb na 20 watts. Madilim pa rin kahit may ilaw. Tatlong bahay 'yon sa lote nila. Yung main house na unfinished pa, kung tutuusin, doon sila nakatira. Yung dating bahay nila na ang naiwan na lang, yung kitchen at bathroom. Tapos yung abandoned house sa kabilang side. Maliit lang 'yon."

Pahalo-halo lang si Eugene ng niluluto at iniisa-isa ang hinuhulog sa kaserola habang nakikinig.

"Doon nakatira yung lola ng janitor namin, tapos yung dalawang kapatid niyang nasa 15 and 12 years old. Yung papa niya, twice lang umuwi noong nandoon ako kasi nagwo-work sa municipal hall. Familiar ka naman sa bahay namin, and the life was so different, as in. Mas maganda pa yung guard house namin."

Hininaan na ni Eugene ang volume ng pinanonood niyang cooking video para lang mapakinggan ang kuwento ng asawa niya. Binasa na lang muna niya ang subtitle para sundan ang ginagawa.

"Yung bahay nila, para siyang . . . unfinished house, e. So, hindi siya fully-furnished na comfortable tirhan. Sa perspective ko siguro. I was in a separate room. Walang windows, pinto lang ang meron. May maruming mattress sa sahig. May unan na matigas tapos sinusuotan na lang ng pillowcase na bagong laba. Towel lang ang pinaka-kumot ko. Ang bag ko, puro books ang laman. Wala akong phone, at that time, kahit na may phones ang mga classmate ko. Meron lang akong tablet for e-modules. Every morning, it was a happy house. Sobrang happy nilang nakatira doon. Kakain kami ng meryenda na gawa ni Lola, then laro. I was twelve, so playtime every day."

Napalingon na naman si Eugene sa asawa niya nang humugot ito ng malalim na hininga bago nagpatuloy sa pagkuwento.

"First night, nakarinig ako ng iyak saka ungol."

Biglang nanlaki ang mga mata ni Eugene nang iba ang naisip sa iyak at ungol na tinutukoy ng asawa niya.

"Voice 'yon ng babae."

Doon na napalingon si Eugene sa asawa niya. "Was it a sensual moan? I'm hoping it's not."

"It's not," natatawang sabi sa kanya ni Divine bago ito sumeryoso na naman. "Nagmu-murmur siya ng kung ano-ano. She was crying. Then may mahihinang pag-untog. It was the same wall where my head was pointed at, tapos doon galing ang untog sa kabila ng wall."

"Are you okay na pag-usapan 'yan?" tanong agad ni Eugene dahil parang sensitive na ang topic na ikinukuwento ng asawa niya.

"It's okay. I want you to know, too."

"Sure, ha?" tanong na naman ni Eugene at sinilip na ang niluluto niya para lagyan ng gatas.

Nagpatuloy si Divine. "In the middle of the night, may umiiyak, may umuungol, may umuuntog sa pader. Pagdating ng umaga, tinanong ko si Lola kung narinig din ba nila ang narinig ko. I thought the house was haunted. But no. Walang sinabi si Lola, pero yung sister ng janitor namin ang nagkuwento. That was their mom."

"Oh. And nasa bahay yung papa nila?" tanong pa ni Eugene.

"Wala ang daddy nila. Third day ko pa sa kanila nang makauwi ang daddy nila sa house."

"Oh . . ." Bigla na namang gumana ang pagiging tsismoso ni Eugene. "What about their mom? Masama ang pakiramdam? May sakit?"

"Di ba, three yung houses nila," sabi ni Divine.

"Yeah. Occupied yung dalawa, then?" tugon ni Eugene.

"Yung isang parang abandoned house, doon nakakulong ang mom nila."

"Naka-what?" gulat na tanong ni Eugene, bitbit sa isang kamay ang takip ng kaserola at sandok sa kabila nang harapin ang asawa niya. "Nakakulong? For real?"

"Every morning, nandoon siya. Every night, doon siya sa katabi kong room natutulog. The story within their barrio said, nakuha raw ng engkanto ang mom ng janitor namin. And she was found sa gitna ng gubat, wala siyang damit, may mga blood stains sa katawan, and everything gruesome. Pag-uwi sa

kanila, she'd already lost it. Wala na siya. And they assumed na nakuha ng engkanto ang—I dunno? Persona? Sanity niya? Something like that."

"I don't think that's engkanto problem," sabi pa ni Eugene at hinalo agad ang niluluto niyang muntik nang dumikit ang ibang macaroni sa pan. "If she was raped, which I think is what really happened based on your story, baka traumatized siya, hindi naengkanto. Sorry, I'm familiar with Filipino myths, but that will never justify a human act na wala lang nakitang evidence kaya walang maiturong suspect."

"I was twelve. Magagalit ka ba kung naniwala ako sa engkanto thing?" natatawang sabi ni Divine.

"I'll consider the innocence. Nadala ba sa hospital yung mom nila? Para ma-check kung may trauma ba o PTSD?"

"Hindi raw siya dinala sa ospital kasi mahal ang patingin until I went there."

"Aw, that's sad."

"Five days, five nights, naririnig ko siya. Yung iyak niya, yung ungol . . . she couldn't even speak properly. Siguro, yung ungol, puwede kong mai-compare sa nire-rape na ayaw niya talaga pero nandoon na siya sa situation. Parang fainted help."

"Okay, that was creepy."

"I know. May altar pa sila sa bahay, katabi ng TV nila, nandoon ang picture niya with candles. Para siyang patay, yet nandoon lang naman siya sa kabilang room na katabi ng akin. Mag-isa lang ako sa room na ipinahiram nila, e. If you were there, para kang nasa abandoned asylum every night. Nakita ko pa siya in person, and muntik na niya akong kalmutin kung hindi lang siya nakakadena sa kama."

Nagtaas ng braso si Eugene para ipakita ang paninindig ng balahibo niya. "It's giving me goose bumps right now."

"Mababait naman sila doon. Sobrang nagtataka pa nga ako kung bakit ilang beses akong tinanong kung na-rape ba ako or what else, but honestly, wala. Yung 15 years old niyang kapatid na lalaki, maalaga rin. Parang kapatid lang din ako. Kaya kapag nire-recall ko minsan ang interview sa akin na ang sinasabi ko noon, ang naaalala ko sa bahay na 'yon, puro ungol at iyak tapos nasa secluded room ako na walang bintana, naiisip kong baka na-misinterpret lang nila ako."

"Kahit din ako, mami-misinterpret kita."

"She had schizophrenia without them knowing it."

Hindi nakasagot si Eugene nang sabihin iyon ni Divine.

"Five nights of hearing those whimpers and a head banging on the wall . . . it never left. At the age of thirteen, nag-therapy ako because of that. Every night, kapag tahimik, it's either I hear the questions about what happened to me or I hear those cries. Either way, haunting pa rin siya until. Ang hirap matulog, unless may katabi ako to secure na hindi ako mamumulat ulit sa ganoong room."

"Tapos lagi ka pa sa province. Paano 'yan?"

"Main reason why lagi ako sa province, kasi ayokong mag-stay sila sa paniniwalang engkanto ang reason ng mga may PTSD doon, to think na kapag na-rape ang isang babae, engkanto agad ang suspect. They're not killing those girls, ha? They let them live, and they let them suffer until mabaliw yung victim. It was a hard battle, but we have to face our fears sometimes para lang hindi ma-experience ng iba ang ganoong trauma."

"Puwede ko na bang malaman kung bakit gusto mo 'kong maging kidnapper kung wala ka namang history ng kidnapping at all?"

Biglang natawa si Divine kaya sigurado si Eugene na maayos-ayos na ang asawa niya sa mga oras na iyon kahit umuulan.

"I doubt the character crush thingy," dugtong ni Eugene habang pinakukulo na ang niluluto niya. Sumandal pa siya sa kitchen counter at ipinatong doon sa kanto ang magkabila niyang palad para harapin ang asawa niya. "Game. Defend your answer. What bothers you?"

Ngumisi na naman sa kanya si Divine. "Alam mo talagang may buma-bother sa akin, ha?"

"Kapag may trip kang gano'n, alam ko nang may hindi ka ma-express na feelings mo, and you're just finding some reasons to validate that unexpressed emotions."

"Oh! That's very perceptive. Good for me." Nag-thumbs pa si Divine. "Napanaginipan ko ulit 'yon last week, that's why," pag-amin niya kay Eugene. "May kumuha sa aking lalaki, ibinalik ako sa madilim na room na 'yon, narinig ko ulit yung

iyak saka pag-untog sa pader. It was two in the morning, and I was afraid to sleep."

"Because of the book you've read?"

"I requested that specific theme for Marjorie to misdirect my dream."

"And the Criminal Minds marathon?"

"I'm hearing voices inside my head. Let's say na naghahanap na lang ako ng pang-justify sa mga naririnig ko. Manonood ako ng Criminal Minds. Kapag may naalala ako na something horrible, I'll blame the series, not my hallucinations. It always happen yearly. Iba lang ngayon kasi asawa na kita, and you're not really familiar with how I cope with my hallucinations. Pero nagulat ako na napansin mong may bumabagabag sa akin. You're good at reading patterns."

"Kaya ba gusto mo 'kong maging kidnapper?"

Ngumiti si Divine pero iba ang kahulugan ng ngiting iyon para kay Eugene. May lungkot doon na hindi niya maipaliwanag kung bakit niya nararamdaman kahit hindi naman ito mukhang malungkot.

"I trust you enough to give me the fear I need. Not really na gusto kitang maging kidnapper . . . gusto ko lang maramdaman yung takot sa personal. Mahirap kasing i-justify ang takot kung nasa utak mo lang lahat at never naman talagang nangyari."

"Gusto mo pa rin ba 'kong maging kidnapper?" alok na ni Eugene na interesado na talagang sundin ang asawa niya mula noong Sabado nang mamilit ito.

Matipid ang ngiti ni Divine at umiling. "You're too nice and soft to give me the fear I need. Okay na tayo sa attempt. I appreciate the effort kasi kahit paano, naging cooperative ka naman."

"But . . . you still hear those voices, right?"

"Thirteen years ko na 'yong naririnig. Hindi naman na 'yon mawawala, unless iinom ako ng gamot o maaabala ng ibang bagay ang utak ko. Pero sanay na 'ko. Nag-try lang ako ngayong solusyunan kasi hindi ako makahanap dati ng taong gagawa ng gusto ko. You've tried—hindi nga lang successful, but at least, you've tried. Yung sopas mo, umaapaw na."

"Oh!" Mabilis na pumaling si Eugene sa gilid at inalis ang takip ng ceramic pan na pinaglulutuan niya.

Hindi alam ni Eugene ang dapat maramdaman. Sa isang maikling usapan lang, napabago na agad ang isip niya na patulan ang gusto ng asawa niyang maging kidnapper siya, pero hindi na raw nito kailangan na gawin niya iyon.

Hindi pa rin nawawala ang mga boses sa utak nito, at tanggap na ng asawa niyang mananatili ang mga boses na iyon hanggang sa mga sandaling nangingibabaw sa paligid nito ang katahimikan.

Sabay na silang kumain, at hindi muna nagpasubo si Divine. Unang beses din nilang kakain sa dining table at nalulungkot si Eugene dahil nasanay siyang nasa sofa sila kumakain ng asawa niya at sinusubuan ito.

"Ayaw mo talaga sa sala?" tanong pa niya.

"Malakas yung ulan sa balcony," sagot lang nito.

Napanguso tuloy siya dahil mahina at halos hindi rinig ang ulan sa dining area niya. Nangingibabaw pa ang tunog ng kantahan sa kabilang unit mula roon na madalas ireklamo ni Eugene sa HOA.

Hindi pa nakakainom ng gamot ang asawa niya. Seryoso ito na may halo pa ring pagbibiro. May pagkakataong nakikita

niyang nanginginig pa rin ang kamay nito na hahawakan niya saglit para patigilin. Ngingitian lang siya nito at ipagpapatuloy na ang pagsubo.

Nagpaalam siyang bababa lang saglit sa lobby dahil may kukunin sa front desk. Doon lang daw si Divine sa bathroom at magbababad sa bathtub. At hindi maingay ang ulan sa banyo niya dahil nasa gitna ng unit.

Pasakay pa lang sa elevator si Eugene nang tumawag kay Clark.

"Busy ka, Ninong Clark?"

"Katatapos lang ng meeting. Yung speaker daw, delivered na."

"Ah, yes. Bababain ko na nga sa front desk. Anyway, may question lang ako about kay Divine."

"Question tungkol saan?"

"May record ka ng family ng so-called kidnapper niya?"

"Hmm, meron naman. Para saan?"

"Like, ngayon, meron, Ninong?"

"Wait. Buksan ko lang yung drive, check ko kung may copy ako rito."

Pagsakay ni Eugene sa elevator, saglit na nawala ang signal. Nakabalik lang pagbaba niya sa lobby.

"Gene. Still there?"

"Yes, Ninong! Sorry, nawalan ng signal sa elevator."

"Okay, may copy ako rito. Tungkol saan ba?"

"Yung family ng kidnapper, paki-brief ako ng info, please. Ilan sila sa bahay na pinagkunan kay Divine dati? Ano'ng work or anything relevant."

"Hmm, saglit, review ko lang . . . walang work, according dito. Kasama lang ni Policarpio ang . . . lola, 15-year-old brother, 12-year-old sister, saka nanay. Na-recover lahat ng DSWD, and . . . wait . . . hmm . . . yung lola, 85 years old . . . diabetic. Yung nanay ay . . . na-confine—wait. Sabay na na-recover si Divine at yung nanay ni Policarpio. Pareho silang dinala sa psychologist the same day na nakuha sila. Same attending doctor ang naka-sign sa records na paid ni Julio Lee. Nag-file ng kidnapping case . . . binawi ang kaso . . . pinabawi ang statement . . . teka, para saan ba 'to?"

"May kinukuwento kasi ang asawa ko, Ninong. Gusto ko lang malaman kung totoo."

"Duda ka ba sa kuwento niya?"

"Gusto kong malaman kung alin ang totoo sa hallucinations lang niya na need i-forward sa doctor."

"Why? Nagwawala ba siya o . . ."

"Wala, Ninong. Nagkukuwento lang siya. I think, hindi niya kayang maging hostile when it comes to dealing with her hallucinations. She's coping, pero gusto kong magawan ng paraan kung hindi kayang permanently mawala."

"I see, I see. I-send ko yung files sa 'yo. May photos naman dito kung saan siya 'nakulong' gaya ng sinasabi sa reports. Baka lang kailanganin mo ng references."

"What does it look like?"

"Teka, paano ba 'to? Bungalow na hindi tapos, imagine that. Hollow blocks lang ang pader, hindi napalitadahan. Yero ang bubong. Yung so-called crime scene, kuwarto na walang bintana. Isa lang ang pinto. May mattress sa loob, may unan naman. Walang kama. Sa sahig lang lahat. 'Yon lang."

Isa lang ang nasa isip ni Eugene: nagsasabi ng totoo ang asawa niya.

"Yung statement ni Divine dati, iisa lang ba talaga ang content?" tanong niya kay Clark.

"Iba ang statement niya sa barangay, iba ang statement niya na kuha sa Afitek. Ang isang file dito, binigyan siya ng script na sasabihin sa press. May ibang script din na bigay ang abogado para sa prosecution. Hindi na nila crinedit ang mga kasunod after ng confirmation na psychologically unstable siya. Null na ang statement niya tapos pinahinto na ang kaso."

"Pero may sinasabi ba siyang kayang suportahan ng facts and evidences?"

"Well . . . .it's a funny case kasi lahat ng nasa raw statement niya—yung pinakauna pa—supported lahat ng records. Everything na sinasabi niya, nagma-match sa lahat ng statement ng suspect daw at mga kasama roon sa crime scene, pati mga bagay at lugar na sinasabi niya—lahat, totoo."

"Kung supported pala, bakit—" Napapailing si Eugene. "Bakit siya dinala sa doktor?"

"Hmm . . . ayokong i-drop ito kasi walang supporting documents o record dito, pero galing lang ito kay Mame Tess. Tsinismis lang din sa akin. I-share ko na lang sa iyo at baka mausisa mo sa asawa mo."

Inatake bigla ng kaba si Eugene sa sinabi ng ninong niya. "About what, Ninong?"

Malapit na siya sa front desk nang huminto sa paglalakad para lang marinig ang sasabihin ni Clark.

"In-assume agad ng mga pulis na na-rape si Divine. Ang kaso, hindi naman daw nangyari gaya ng sinasabi sa unang statement nitong bata. Malinis din ang record sa medico legal. Napahiya yata yung mga pulis, malay natin. Ang kuwento ni Mame, binigyan si Divine ng gamot na hindi niya dapat inumin habang umaandar ang kaso. Pumirma ang doktor para sabihing psychologically inept si Divine para magbigay ng credible statement. Ang suggestions, galing sa dating fiancée ni Julio Lee na hindi niya napakasalan because of unknown reasons na hindi nabanggit kahit kailan. Nag-stop lang ang lahat noong si Divine na ang nagpapagamot sa sarili niya. Medyo magulo pa sa ngayon, pero baka magka-sense siya kung matsitsismis ko pa si Mame tungkol sa asawa mo. Nag-uusap naman kami madalas tungkol sa projects kaya baka makuwentuhan din kita minsan tungkol diyan. Sa ngayon, kung ano ang physical records na nasa archives, iyon lang ang meron tayo."

Natigilan si Eugene habang nakatitig lang sa front desk. Naalala niya ang sinabi noon ng asawa niya.

"May issue ka ba sa mga doktor?"

"Wala akong issue sa doktor. Sa mga nag-aalok para kumuha niyan ang meron . . . alam mo kung bakit maganda sa health center for me? Kasi walang conflict of interest . . . at kapag wala silang time para tutukan ka, wala rin silang time para palitan ang gamot mo na hindi mo naman dapat iniinom."

Sa dami ng sinabi ng ninong niya, hindi na niya naintindihan ang lahat hanggang maibaba na nito ang tawag. Gusto na lang niyang pahintuin si Divine sa pag-inom nito ng gamot. Maliban sa drowsiness at emotional numbing, wala naman siyang ibang makitang side effects mula sa gamot na tine-take nito.

Dumeretso na lang siya sa front desk at kinuha ang speaker doon na ni-request niya kay Clark. Kailangan na niyang balikan ang asawa niyang naiwan sa bathroom.

Hawak na niya ang speaker nang may maalala.

"And . . . then . . . dapat may nagpapaligo sa 'kin or nagbabantay sa pagligo ko . . . hindi ko rin kasi nape-predict ang mood ko, so hindi ko alam kung ano'ng puwedeng mangyari during my bath time. And I once drowned myself in the bathtub because I felt like drowning myself, at ayoko nang maulit 'yon kasi hindi ko naman talaga 'yon ginusto."

Napamadali siya nang maalalang naiwan itong mag-isa sa bathroom.


♥♥♥

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top