SPECIAL CHAPTER 2

Hello, love! This special chapter came from the published book of GONE WRONG. If you still want the book version, you can message KPUB PH directly on Facebook. It still has freebies and is available to order from them. The last special chapter from the book is from Summer's POV.

It also has illustrations.

Thank you so much!

Love, Auri.

ZACHARIAS

"Anong ginagawa mo dito?"

Nakita ko agad ang pagngisi ng lalaki bago sumipol ng malakas. When he casually walked up to the dining room table, my eyes narrowed.

"Makikikain sana ako, Pare. Anong ulam niyo? "

I glared at him and then covered the pot. I smiled when I saw the Sinigang I was cooking. I'm sure my attorney will love this. I loved making this dish for her because she asked for it every day. Naguguluhan lang ako dahil mas gusto niya maraming sampaloc ang ilagay ko. She's into sour foods these days.

"Tangina. Hulaan ko nalang. Sinigang na naman ba 'yan?"

Bumuntong-hininga ako bago naglakad papunta sa direksyon niya. Binatukan ko ang lalaki na napakamot sa sariling ulo. Ang hayop na 'to. Ano na naman kaya ang ginagawa niya rito?

"Fucker! That's my wife's favorite dish! "

Napahalakhak si Roa bago sininghot ako. Bahagyang tinakpan niya ang kanyang ilong. "Tangina ka! Mukhang pati ikaw lasang sinigang na sa kaka-luto mo niyan araw-araw! Asim mo, Pre! "

"Shut up! What are you doing here? "

"Lagi ka nalang galit! Baka nakakalimutan mong inaanak ko ang anak mo? Siyempre bibisitahin ko ang makulit na iyon! "

Napailing nalang ako. "Kaya nga siguro sobrang daldal na ng anak namin ni Sam ay dahil tinuturuan mo ng kung ano-ano! Sira ulo ka! "

Tumawa ng malakas si Roa. "Siyempre! Kailangan bata palang, turuan na ng magandang asal! "

"Tarantado! Wala akong tiwala sa'yo! "

When the Sinigang was already done, I turned off the heat and placed it in the large bowl. Agad na inihanda ko ang mga plato at kutsara. I am sure she's awake by now.

I yawn loudly. Inaantok pa ako. Sinamahan ko kasi ang asawa ko na tapusin ang mga revisions niya kagabi habang ipinaghehele ko ang anak namin. Of course, I don't want to go to sleep without her and will not let her be alone working on paperwork. Ayaw ko din na pagod na nga siya mula sa trabaho ay siya pa ang mag-aalaga kay Zacharael. I like it better this way. This time, I will be the one who takes care of them.

Natigilan ako nang may kutsara na kumuha ng sabaw mula sa mangkok. Nagsalubong ang kilay ko nang makita si Roa na tinitikman ang luto ko. I grinned sheepishly when I saw his face turn sour and laughed when he threw the spoon on the table.

"Pucha! Ang asim! Ano ba naman 'yan! Lalagyan ko 'yan ng asukal! "

"Don't you dare! " Itinulak ko nalang siya bago naglakad papalabas ng kusina. "Diyan ka muna. Titingnan ko kung gising na ang mga buhay ko. "

"Napaka-cheesy mo nang hayop ka! Under!"

As I put my hand in my pocket, my lips curved into a smile. "Yes, I am."

I don't get offended whenever they call me that. Under daw ako and I am proud of it. Okay lang sa akin kung si Sam ba naman ang umaander sa akin. That woman really has a hold of my life. Siya lang may karapatan na apihin ako.

I smiled as I entered our room. Nakita ko naman ang napaka-ganda kong asawa na umiinom ng tubig. Nang malingunan niya ako ay agad na tumayo siya sa kama namin at nginitian ako.

"Good morning, my attorney." I approached her and gave her a quick, tight hug before kissing her on the lips. Mukhang buo na yata ang araw ko dahil doon.

Natigilan lang ako nang pumalibot ang braso niya sa bewang ko bago bahagyang bumaba ang kamay niya para pisilin ang aking pwetan. Humiwalay ang mga labi naming dalawa bago niya ako kinindatan.

"Good morning, my engineer!"

I chuckled softly before I kissed her forehead. "Someone's naughty at seven in the morning, huh?" I placed my hand on her right boob and gently squeezed it.

Nakagat niya ang ibabang labi bago mas niyakap ako. "Ang aga mo kasing nagising. "

"I cooked your favorite dish. You can eat downstairs while I bathe Zacky."

Napakurap siya bago lumingon sa kama ni Zacharael na malapit sa amin. Our son has a room on his own, but it is still under renovation. Iyon ang pinapatrabaho ko kay Roa ngayon. I wanted it done the way Sam and I had envisioned.

Parehas kaming natigilan nang makita ang anak namin na nakadapa habang nakatingin na pala sa aming dalawa. Zacharael was wearing his Spiderman onesie that Roa bought for him. Dahan-dahang umangat ang labi nito bago malakas na tumawa.

"CHIKAS!"

Namilog ang mga mata ko bago napakurap ng ilang ulit. I also saw Sam's eyes widen before he looked back at me. What the hell did my son just say?

Summer's eyes squinted. "Zacky, what did you just say?"

He giggled adorably. "Chikas, Mommy! Chikas! "

"Babe... "

I gulped. Tarantadong Roa. "Y-yes?"

"Mapapatay ko yata ang kaibigan mo. "

"Nasa baba siya. Pwedeng-pwede mong patayin, babe. I will not stop you."

Magkahawak kamay na nilapitan namin si Zacky na paulit-ulit na sinasabi ang salitang 'chikas' habang pumapalakpak. Pinanggigilan ko ang pisngi niya bago hinalikan ito.

"Zacky, stop saying chikas."

"Chikas! "

"No, Zacky. Bad 'yan." Pagsaway ko dito pero tumawa lang ang bata saka isinubo ang kamay. iI'm going to make sure to beat Roa. Kung ano-ano nalang ang itinuturo kay Zacky!

I carried our son in my arms before I looked at my wife. "Babe, mauna kana ha. Susunod lang kami."

Summer smiled and kissed my cheeks. " Alright, hurry up, okay? Si nanay Myrna? "

"She's in the garden. Ginawan ko na siya ng tsaa kanina. Mas maaga siyang naising dahil magtatanim daw siya ngayon. "

I noticed she was staring at me intently before she gently caressed my cheeks. "Thank you, Babe. You're the best. "

I took hold of her hand and gave it a soft kiss. "My attorney, you are always welcome. Always. "

She went downstairs while I hurriedly went to the bathroom with Zacharael. Habang pinapaliguan ko siya ay tumatawa lang ito habang hawak-hawak ang laruang spiderman sa kamay. We both laughed when he moved while I was putting shampoo in his hair. Nabasa na tuloy ang suot kong puting shirt. Sobrang katulad ko siya noong bata pa ako.

Masyadong makulit. Ganito din siguro ako noon tuwing pinapaliguan ako ni Mama.

I stopped scrubbing his hair and looked at him intently. I can't deny the fact that his eyes were the same as mine.

I may have grown up without a mother and not loved by my father, but I will do anything I can to provide for them and to love my wife and my son more than I loved myself. I will make sure that Zacharael will grow up and taste the life that I didn't have. Pupunuin ko siya pagmamahal. Tulad ng laging pangaral sa akin nina Mama, Nanay Jo at Inang Fe. Even though they were gone, I still kept their words in my heart. I will always remember that.

"Daddy! Love-love, Mommy? "

Napakurap ako nang marinig na nagsalita si Zacky. I gave him a gentle smile and then stroked his cheeks.

"Yes," I repeatedly nodded. "Daddy loved Mommy so much and I loved you too, Baby."

"Love-love, Daddy! "

Those words from him warmed my heart. It still felt surreal whenever I looked at him. I can't believe that I am a father now. It was as if I was complete. Wala na akong mahihiling pa. I have a loving wife and a kid who loves me. Sa kanilang dalawa umiikot ang buhay ko...I am afraid. I am afraid that I will fail as a husband and a father to them.

Matapos ko siyang bihisan ay bumaba na kaming dalawa papunta sa salas. Nabungaran ko naman si Roa na nagkakape na doon. Ang hayop ay naka-dekwatro pa habang pinapakialaman ang mga blueprints ko na nasa mesa.

"Didiman! Didiman! Chikas!"

Nagpapasag si Zacharael sa hawak ko nang makita si Roa.Tumayo naman agad ang lalaki at kinuha ang bata mula sa akin. Tuwang-tuwa ang anak ko na ngayon ay pinanggigigilan niya.

"Yes, baby! Dapat paglaki mo marami kang chikas ha? Be like ninong! "

"Kung ano-anong itinuturo mo sa anak ko?! Are you out of your mind?"

Tumawa si Roa. "Huwag mo na akong pagalitan. Nakatikim na ako ng sabunot kay Attorney kanina. Kawawa talaga ako sa inyo."

"Whatever. You deserve it. "

Kumuha ako ng kape sa kusina bago bumalik at naupo sa harapan niya. I quietly sipped my coffee while looking at him playing with my son. Parang gago nga at ginagaya niya ang kamay ni Spiderman na ngayon ay ginagaya na din ng anak ko.

I sighed heavily. Mukhang napansin yata iyon ni Roa dahil maingat na inilagay niya si Zacharael sa hita niya.

"May problema ka? "

I shook my head. "Nothing."

"Sus! Nothing ka diyan! Ano nga 'yon? Baka kasi kailangan mo ng pangaral ko."

I hissed. "Pangaral, my ass!"

"Ano nga? "

I sighed heavily before I looked at my son. "I am bothered about something."

"Pucha, ano ba 'yan? Pati ako nababahala na din."

I sighed heavily before I looked at him with panic. "I was afraid, Roa."

"Afraid? Bakit? Kanino? Hindi naman mukhang aswang si Sam, ah!"

I gritted my teeth. Masasakal ko talaga ang hayop na 'to. Nababanas na binalingan ko siya.

"That's not what I meant, you moron! I was afraid of something else. "

His brows wriggled. "Natatakot ka na ano? "

I went silent for a while before I spoke. "I am afraid that I will fail as a husband and a father. "

"Grabe. Ang lalim niyang takot mo ah. Parang gusto kong mag-dive."

My gaze went to him when I heard him sighing heavily right after. Roa's face became serious.

"Hindi naman talaga nawawala ang takot. Lagi 'yang nandiyan sa loob-loob mo kahit ano ang gawin mo. Hindi tayo tao kung hindi natin 'yan nararamdaman. Hindi ka tao kung hindi ka nakakadama ng takot sa lahat. Alam mo pare, simple lang naman ang dapat mong gawin eh. "

My forehead creased. "Ano? "

Roa smiled at me. "Just go and ride with that fear."

"What do you mean? "

"Sakyan mo. Damhin mo ang takot sa loob-loob mo. Being afraid will also give you the drive to do the things that you're afraid of. Ang takot, hindi lang naman puro negatibo ang dala. Natatakot kang bumagsak sa exam? Pag-iigihan mo ang pag-aaral. Natatakot kang tumawid sa daan? Hindi ka makaka-usad kung saan ka pupunta so wala kang choice kundi ang humakbang. Kung natatakot kang magmahal kasi masasaktan ka lang? Paano mo malalaman kung hindi mo susubukan 'di ba? Lahat naman ng ginagawa natin ay natatakot tayo pero hindi natin alam, ang takot pa na iyon ang tutulong sa atin para gawin ang mga bagay na kinatatakutan natin."

My doubts vanished after hearing what he had to say. I suddenly realized that I was afraid, but since I do not want to fail for the family I have now, I was even eager to do whatever it takes for them to feel loved and cherished. Tama si Roa.

Napailing ako. "You have learned something in those two years in psychology, Roa. "

Narinig ko ang paghalakhak niya bago tinapik ng malakas ang likuran ko. "Tangina! Kung hindi lang sana ako nag-shift ng engineering baka doktor na ako ngayon! "

I was shocked when he said that. "You wanted to be a doctor?"

He grinned. "Oo. Doktor sa utak. "

"A neurologist? "

"Hindi."

"Eh ano? "

"Psychiatrist,"

"Really?"

"Oo! Para may gagamot sa saltik nating dalawa! "

"Tarantado! "

Parehas na natawa kaming dalawa sa katarantaduhan niya. Roa is my best friend, and even though I used to live in Manila with my father, we never lost touch. He was there for me and right now he is still here as a part of my family.

"Salamat sa lahat, Roa. "

Nakita ko ang pagsilay ng malaking ngiti niya bago tumango. "Walang anuman, Pare. Masaya ako para sa'yo. Masaya ako dahil may pamilya ka na magmamahal sa'yo." Nakita ko na napakurap siya ng ilang ulit bago umiwas ng tingin.

Napatawa ako nang marinig ang pagsinghot niya.

"Are you crying? "

Tumayo siya at nakita ko ang pagpunas niya sa kaniyang mata. "Pucha ka talaga, Pre. Ang ipinunta ko dito ay pagkain at ang anak mo! Hindi mo naman sinabi na magiging cheesy ka pala! Pa-kiss nga! "

Nilapitan ko siya at tinapik ang kanyang balikat. Roa may not be perfect, but he is one of the great men I knew. From then until now, he has been a good friend. He was there for me through the highs and lows of my life.

"I want you to be happy too. "

Nagpunas siya ng luha. "Masaya naman ako, ah! "

"Yung totoong masaya, Pare. "

Nakita kong natigilan siya sa sinabi ko ngunit nag-iwas lang siya ng tingin. He played with my son for an hour before he left. Siya muna ang mag-aasikaso sa kompanya. I intend to spend time with my family today.

We spent the day inside our house, and we helped Nanay Fe in the garden. Tiningnan ko ang mag-ina ko na nakaupo 'di kalayuan sa amin. Zacky wanted to approach us but was struggling to get out of Sam's grasp. Napailing ako bago tinanggal ang gloves sa aking kamay.

"Daddy!" Sigaw ni Zacharael na mukhang patakbo sa direksyon ko. Nakita kong napatayo na si Sam habang tumatawa.

"Be careful, baby! Daddy's just there! "

"Talagang mahal na mahal ka ng mag-ina mo, anak."

Napalingon ako kay Nanay Myrna na ngayon ay nakatingala sa akin. Pumungay ang mga mata ko. "Mas mahal na mahal ko sila, Nay. Sila ang buong ako. Sila ang buhay ko. "

Nakita ko na namuo ang luha sa kaniyang mga mata bago tinapik ang aking braso. "Ito lang naman ang gusto ko. Gusto ko lang sila na makitang masaya. Sapat na sa akin. Salamat, anak. "

I held her hand. I still can't thank her enough for taking care of my Sam and our son. Malaki ang utang na loob na tinatanaw ko kay Nanay Myrna dahil sa mga panahong wala ako para sa aking mag-ina ay nariyan siya. Tinanggap niya si Sam. She took them in even if she didn't know them in a foreign country.

"Maraming salamat po sa pag-aalaga niyo sa mag-ina ko, Nay. Hayaan niyo akong alagaan din po namin kayo. I am grateful that you were here with us. "

Lumaki ang pagngiti niya. Narinig ko naman ang mga hakbang papunta sa direksyon namin. Karga na ni Sam ang anak namin na pilit inaabot ako. I just went to touch his cheeks.

"Is something wrong, Nanay Myrna? Why are you crying? " Tanong ng asawa ko na may bahid ng pag-aalala.

Both I and Nanay Myrna looked at each other.

"Wala naman, anak. Natutuwa lang ako at nakikita ko kayong mag-anak. Masayang-masaya ang puso ko tuwing nakikita ko kayong tatlo. "

Nakahinga ng maluwag si Sam. "Akala ko ay napaano ka, Nay. I told you we could work with your garden. I'll hire someone-"

Umiling ako. "Hayaan na natin si nanay, babe. She wanted to work this out by herself. Exercise na din. "

Nanay Myrna chuckled. "Nako! Tama si Zacharias. Makinig ka sa mister mo, anak."

I saw my wife's eyes squinted towards me. "Hindi ba dapat sa akin ka nakikinig?"

"Babe,"

"Ay nako! Ikaw anak, ina-under mo itong asawa mo."

Summer smiled before clinging to me. Natawa nalang ako nang bigla siyang sumimangot. "Aba dapat lang Nay! Kung hindi ay papalitan ko talaga ang pangalan ko. From Mrs. Valencia to Ms. Quin."

Nagsalubong naman agad ang kilay ko at hinapit ang bewang niya. I removed the surname of my father when Sam and I got married in Vigan Cathedral in Ilocos Sur because I didn't want to carry his name. I want to use my mother's surname and pass it on to my wife and our son. It was her legacy.

I squeezed her waist tightly. "Sa tingin mo ba ay papayag ako? I will hire a lawyer to revoke that! "

Tiningala ako ng aking asawa. "At sa tingin mo naman ay mananalo laban sa akin? Duh? "

I laughed when I heard the confidence in her voice. I know. She's always been good at whatever she's doing. She is an excellent criminal lawyer, a loving mother, and a great wife.

I drew her head closer to my chest while Zacky was looking up at me with a smile. I can feel my heart beating loudly.

"I love you... Alam kong paulit-ulit ko nang sinasabi pero sasabihin ko pa din hanggang sa magsawa kayo. "

I saw Nanay Myrna smile while looking at us.

"Sa sinigang nga hindi ako nagsasawa, diyan pa kaya? I love you so much too." Sam added, which made my heart beat even faster.

"Love-love, Daddy! "

Napangiti ako nang abutin ni Zacharael ang aking pisngi at binigyan ako ng matunog na halik. I smiled contentedly as I hugged them even tighter.

Even on normal and simple days like these, I can't help but to thank God for giving me this kind of warmth. No matter what happens, I am not afraid to fail because they were with me and I know they will always love me for who I am.

Home is more than just a cozy place to be. It's the place where you're genuinely happy and smiling while spending time with the people you love. Home is a place where you can be yourself without judgement. A place where you can cry and laugh heartily.

Mrs. Summer Aine Quin-Valencia is my home... and will always be.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top