SPECIAL CHAPTER 1
Trigger warning: Suicide attempt & Abortion.
READ AT YOUR OWN RISK.
ATTY. SUMMER AINE QUIN
26TH DAY OF APRIL, CALIFORNIA.
It was a beautiful morning, and I could hear the birds chirping outside. The skies were bright and the sun was slowly setting as I gazed out the window. I slowly stood up from the bed, but when I caught a glimpse of the mirror in front of it, all I saw was a miserable woman.
I gave the person in front of me a bitter smile. Her hair looked unkempt, she had black bags under her eyes, and her increasing belly was the most noticeable feature.
When I step outside, everyone touches my belly and says it's a blessing, but I know it wasn't. That wasn't the case at all. It was a nightmare. My karma had finally caught up with me. This was my punishment for being overly satisfied with things I didn't really deserve. I was hungry for love and naive enough to think they'd never leave.
"Fuck!" Mabilis na tumakbo ako papunta sa banyo at agad na dumuwal sa harap ng inodoro. Hindi ako tumigil sa pagsusuka hanggang sa hindi ko naramdaman ang paghapdi ng sikmura ko.
Nanghihinang napasandal ako sa pintuan at mabigat na huminga ng malakas. I was fucked up. I can't live like this every single day.
I was staring at the bathroom ceiling when tears began to stream down my cheeks. I am deafeningly quiet, and no words have come out of my mouth. I was crying but I didn't feel anything.
Namanhid ako. Dahan-dahan kong ibinaba ang mga mata ko sa aking may kalakihan na tiyan. My eyes immediately squinted at the sight of my belly.
Wala pa ring nagbago. Ayoko pa rin sa kaniya. Ayaw ko pa din sa batang nasa sinapupunan ko.
I slowly got up and went back to the bedroom when I suddenly saw a familiar photobook on the table. Agad na nakaramdam ako ng sakit sa loob ng dibdib ko habang nakatingin doon.
I slowly walked towards the vanity table and I felt the bitterness in my mouth as I stared at the cover.
It was us.
This was the photobook that I made after our Ilocos Sur trip. Narito ang mga pictures naming dalawa.
Maingat na kinuha ko iyon at nang buksan ko ang unang pahina, nakita ko nalang ang sarili ko na lumuluha habang nakaupo sa sahig. I was smiling here, but Zacharias was looking at my face with a bright smile. We both looked happy... and contented.
Napapikit ako ng mariin at umalpas sa aking mga labi ang mga hikbi na hindi ko napigilan.
Masakit. Masakit pa din.
Hindi ko pa din tanggap. Masyadong mabilis. Masyadong masakit para matanggap ko. Nakita ko na kasi ang buhay ko na kasama siya.
I hugged the photobook close to my chest and touched my six-month belly when I felt it move. Mas napahagulhol ako ng malakas dahil doon.
"Daddy's not here..." mahinang usal ko.
***
"This coming Friday, you will be scheduled. This card must be brought with you, and the procedure will not take long. Before the surgery, sedatives will be administered. "
Walang imik na tumango ako sa babaeng nasa harapan ko bago tumayo at tinalikuran na siya.
When I noticed women in the seats, I instantly stopped. As I stared at the women on the other end of the line, I could feel my body trembling. My gaze fell on their bellies, which were also pregnant, exactly like mine. Several women smiled at me, while several had a pained expression on their faces.
Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko at agad na umiwas ng tingin sa kanila kipkip ang consent form na pinirmahan ko kanina. Mabilis na naglakad ako palabas ng Abortion Clinic na nakatungo lang.
Huli na ng mapansin ko na umiiyak na naman ako. Once I was already outside, I shut my eyes again. This feels so wrong, but I know this child does not deserve me. My child did not deserve to be born to a mother who was weak and incapable. It will be difficult for my child.
I opened my eyes and gazed up at the dark sky, as if it was about to rain. I gave a mournful smile as tears streamed down my cheeks. I was selfish and weak, and this selfishness of mine would kill this child inside of me.
Mariing hinawakan ko ang dala kong papel at napansin ko ang pagtulo ng mga butil ng luha ko doon. Tama lang ito. Tama ang magiging desisyon ko.
Agad na pumara ako ng taxi para makabalik sa bahay na tinutuluyan ko ngayon dito sa California. The past weeks were a living hell because I don't have the will to live anymore. Sumuko ako. Akala ko talaga ay ang paglayo ang solusyon. Hindi ko alam na mas sisirain ako niyon.
"Don't make me regret it! Don't make me feel guilty! " Malakas na sigaw ko habang nakaupo sa madilim na kwarto. Nagkalat ang mga damit ko sa paligid dahil sa pagmamadali ko na mahanap ang bote ng sleeping pills na binili ko. Hindi na ako nakakatulog.
Lagi ko siyang naririnig na bumubulong. Naririnig ko ang mga iyak niya sa loob ko.
My baby hates me!
Pinapahirapan na niya ako. Nararamdaman na niya na balak ko siyang ipalaglag. Lahat ng kinakain ko sa nakalipas na mga araw ay lahat isinusuka ko. I'm having trouble sleeping and drinking.
"Aahh!" Impit na sigaw ko ng makaramdam ng sobrang sakit banda sa aking puson. Napaiyak ako sa sakit habang humihingal ng malakas.
I'm alone, and I'm afraid I'll die. Parang mamamatay na yata ako sa sobrang sakit ng tiyan ko!
"Aahh! Zacharias... H-help me! " Umiiyak na pagtangis ko habang naka-hawak sa aking tiyan. Nakahiga ako sa sahig at ramdam ko ang pagtigas ng tiyan ko.
I felt something between my legs come out, and I was shocked to see red—blood! When I noticed how it had stained the carpet, the pain in my gut became even worse! Parang binibiyak ang pagkatao ko sa sobrang sakit niyon!
"Help me! Tulungan niyo 'ko! " Malakas na pagsigaw ko kahit alam ko naman na walang makakarinig niyon. Mamamatay akong mag-isa.
Malakas na sumigaw ako hanggang sa maramdaman ko nalang na unti-unti nang umiikot ang aking paningin, na para bang unti-unti na akong hinihila ng dilim.
Mas napahagulhol ako ng malakas ng maalala ko ang mukha ng lalaki na una at huli kong minahal. Nakikita ko ang mga ngiti na ibinibigay niya sa akin. Kahit nagdidilim na ang paningin ko, tila naririnig ko ang baritonong boses niya na sinasabi niyang mahal niya ako.
A lone tear fell on my eyes as I tried to reach him in front of me... Parang totoo. B-Bakit parang totoo na nandito siya sa harapan ko.
"I-I love you..." nanghihinang saad ko habang nilalabanan ang paghila ng kamalayan sa sistema ko. Gusto ko pa kasing pagmasdan siya.
Gusto kong maalala ang mukha niya kahit sa huling pagkakataon. Hanggang sa huling hininga ko. Gusto kong maalala ang memorya ng pagmamahal na binuo naming dalawa.
"Iha! "
Kahit nahihilo ay nakarinig ako ng malalakas na pagkalampag sa pinto. Madilim ang paligid at hindi na ako makahinga ng maayos. Ang nakangiting mukha ni Zacharias na kanina ay nasa harapan ko ay tuluyan nang nawala.
Napaigik ako ng malakas ng maramdaman ang pagsidhi ng sakit sa aking tiyan kasabay nito ang malalakas kong sigaw.
Hindi ko na alam ang mga nangyayari, pero may nakita akong pigura na sinira ang pintuan ko. Napahawak ako sa aking lalamunan ng makaramdam ako doon ng paninikip at hindi na ako makahinga kasabay ang paghapdi ng tiyan ko.
"SUMMER!"
I felt someone was holding my head and when I looked up, I saw my next door neighbor, Nanay Myrna, who was crying. She was holding me with panic and pain in her eyes.
"Edward! Please! Save her! Save this child! " kita ko ang pag-agos ng luha sa mga mata niya habang nakahawak sa ulo ko.
My gaze went to a man who was now holding a bottle familiar to me---the sleeping pills. Nanlalaki ang mga mata na binuksan niya iyon at ibinuhos ang laman.
I heard them gasp as I felt something come out of my mouth. Then I realized, bumubula ang bibig ko. I can't breathe anymore.
"SHE TOOK THEM ALL! SHE TOOK ALL THE SLEEPING PILLS! " rinig kong sigaw ng lalaki bago ko naramdaman na umangat ako mula sa sahig. Kahit nanginginig at nanghihina ako, I managed to look at the old woman who was also running as we were going out of the house.
I gave her a light smile when I saw her crying heavily with a wrapped scarf around her neck. I gave her that scarf when I saw her out of the cold last week.
"Stay with me, Iha! Huwag kang bibitaw! " Nanginginig na saad nito at tiningnan ako. I made a few retching sounds as the pain inside of me intensified. I slowly closed my eyes as I heard sirens and loud cries around me.
I laid my hand on top of my belly for the last time. I felt a familiar warmth surround my heart, which I hadn't felt in a long time.
I'm sorry, baby.
Mommy's sorry.
***
They declared me a hopeless case. Lagi nila akong kinakausap, pero nakatulala lang ako sa kawalan. I don't know what I feel anymore. Every single day, it felt like I was barely living. Kailan niya pa ba ako parurusahan ng ganito.
Hanggang kailan pa ba?
"S-sam, halika. Kumain na tayo. " Malumanay na boses na pag-aya niya sa likod ko.
"Ayoko. Iwan niyo muna ako. " Saad ko habang nakatanaw sa mga batang naglalaro sa labas. They seemed happy while playing, and I can't help but to feel envious. Parang kailan lang ganyan din kami ni Kuya Luke noon.
I miss them. I miss them badly.
I miss my family.
"Anak..."
I looked at her with no emotions in my eyes. "Iwan niyo sabi ako!"
Malungkot ang mga mata na nakatingin siya sa akin kasabay nito ang matinis na pag-iyak.
Nanlalaki ang mga mata na tiningnan ko ang maliit na batang hawak niya sa kanyang mga braso. Agad na napatakip ako sa aking tainga . Ayoko! Ayokong marinig ang mga iyak niya!
"Ilayo niyo yan! Ilayo niyo 'yan sa akin! " Malakas na sigaw ko at nagsumiksik sa sulok ng kama. Nanginginig na pumikit ako kasabay ang pagtulo ng luha sa mga mata ko.
"Anak... k-kailangan niyang dumede."
Hindi ko siya pinakinggan at nagsimula akong dumampot ng mga bagay para itapon sa direksyon nila. Ayoko. Ayoko iyang batang hawak niya!
"L-lumayo ka sa akin! Ilayo mo iyan! " Nanlilisik ang mga mata ko na nakatingin sa matanda. Umiiyak pa din ang batang nasa bisig niya at halos ikabaliw ko iyon.
"S-sam... Anak mo ito. Nagmula ito sa'yo. " Umiiyak na saad nito sa akin, pero wala akong maramdaman sa loob ko kundi pagkamuhi.
Wala nang ginawa ang batang iyan kundi ang umiyak! Baka nga sinisisi niya din ako kung bakit buhay pa din siya hanggang ngayon!
"Wala akong anak. Muli akong tumingin sa mga batang nasa labas. Tulala at tahimik lang ako hanggang sa makalabas sila.
I started crying again. Wala na akong ginawa kundi umiyak at manatili sa apat na sulok ng kwartong ito. Ayokong magwala dahil alam kong papasok na naman iyong mga taong nakaputi. Ayokong patulugin nila ako. Natatakot akong matulog dahil pakiramdam ko ay may humihila sa akin.
Napapaginipan ko ang pagkamatay ni Daddy... Ang mga dugo na umaagos sa walang-buhay na katawan ni Mama... Ang huling ngiti na ibinigay sa akin ni Kuya Luke nang matapon siya sa daan.
Ang galit na mukha ni Zacharias habang nakatingin sa akin. Ganoon din ang nakikita ko sa mga mata ng batang iyon.
Niyakap ko ng mahigpit ang sarili ko. Hindi ko na kaya. Gusto ko nang makasama ang pamilya ko.
***
NAPAPIKIT ako ng mariin habang dinadama ang lamig ng gabi. Dahan-dahang napatingin ako sa batang nakapikit sa braso ko. He was eight months old today.
Mahinang tinapik ko ang hita nito habang ipinaghehele. I saw how he softly stretched his hands out to my face with his sleepy eyes. I smiled and I slowly went to keep his hand on his side, but my heart warmed when his tiny hand grasped my index finger tightly.
I gave him a small peck on the forehead as I was swaying back and forth.
"Shh..."
"Sam..."
Binalingan ko si Nanay Myrna na nasa likuran ko. Nakatayo ito sa hamba ng pintuan habang nakatingin sa aming mag-ina. I smiled back at her. "Nay? Bakit hindi pa po kayo natutulog? "
She smiled at me and I saw how she wiped the tears that were streaming down her cheeks. Dahan-dahan itong naglakad papalapit sa akin.
I left the balcony where I was standing earlier and went inside the room. Marahang isinara ko iyon bago tiningnan ulit siya. "I was making him fall asleep."
Masuyong hinaplos niya ang anak ko na mahimbing na ngayon na nakapikit. "This child hated seeing you far away from him."
I chuckled lightly. Totoo iyon. Zacharael always cried whenever he didn't see my face. My little baby always wanted his mother.
Puno ng pagmamahal na tiningnan ko si Zacharael at doon ko lang napansin na tumutulo na pala ang luha sa mga mata ko. "H-how... how could I try to kill this bundle of joy? "
Hinawakan ni Nanay Myrna ang pisngi ko at masuyo akong tiningnan. "A mother will always recognize her child. Ang lahat ng ina ay hindi perpekto, "she wiped the tears that were streaming down my cheeks. "But we can be better. Kaya nating magbago para sa mga anak natin dahil alam natin na kailangan nila tayo. "
Sinalubong ko ang mga mata niya. "I tried to kill him, Nay." I said with so much pain in my voice.
Wala siyang kasalanan. Ako ang nagkulang. I am not enough.
"Shh... You're in pain too. Nahirapan ka din sa sitwasyon. Wala kang kasalanan. "
Nakaramdam ako ng kirot sa aking dibdib nang ibalik ko ang tingin kay Zacharael. He's so young. Hindi ko alam kung hanggang ngayon ay karapat- dapat ba akong maging ina niya. "I regret it, Nay. Labis kong pinagsisihan iyon. I neglected him. Kahit nasa sinapupunan ko pa lamang siya ay kinamumuhian ko siya. Masama akong ina. "
Sinubukan kong alisin ang kamay niya na nasa daliri ko, pero mas lalo akong naiyak dahil mas lalo niya iyong hinawakan ng mahigpit. He didn't want to let me go.
Napapikit ako ng bahagya habang dinarama ang sakit sa puso ko. This child loves me. Mahal niya ako. Napangiti ako dahil doon at biglang gumaan ang pakiramdam ko.
May nagmamahal pa din pala sa akin kahit iniwan na ako ng lahat. Akala ko ay maiiwan akong mag-isa.
Puno ng luha ang mga mata ko habang itinatawid ang espasyo sa pagitan ng aming mukha at maingat na ipinagdikit ko ang tungki ng ilong naming dalawa.
"Mahal na mahal kita, Zacky. Sobrang mahal kita, anak. "
I could hear Nanay Myrna's cries and I couldn't help but to sob too. Nakatayo lang siya sa harapan ko habang nakatingin sa amin. Napalayo ako ng kaunti ng makita kong naalimpungatan si Zacky.
Akala ko ay iiyak siya ng imulat niya ang kanyang mga mata ngunit parang natunaw ang puso ko ng marinig ko ang malakas na pagtawa nito.
"Hmm.. I'm sorry for waking you up, Zacky."
Hindi ko naiwasang mapahagulhol ng malakas dahil pilit nitong inaabot ang aking basang pisngi habang nakangiti sa akin.
My heart melted with so much happiness and I let my face touch his tiny hand.
When our eyes met at that moment, I knew there was hope. In him, I found comfort. I was lost, but now I have found the reason to live my life again; for him. For my... Zacky.
***
1 out of 3
( SPECIAL CHAPTERS 2 & 3 will be available in the physical book ❤️)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top