Kabanata 6

Our dinner was scheduled tonight at eight in the evening today.

I checked the clock beside me and it was already quarter to eight in the evening. Tinanggal ko ang suot kong reading glasses at ipinikit ang aking mga mata. Tiningnan ko naman si Ria na nasa kabilang mesa na busy din sa pagtatype.

"Ria, aalis ako ngayong alas otso. Okay ka lang ba dito?"

"Opo, Attorney. Saan po pala kayo pupunta?"

Napaisip naman ako agad kung sasabihin ko ba o hindi dahil sa malamang ay iba ang iisipin nito. Umiling ako at tumayo sa pagkakaupo. I wore my coat na nakasabit sa likod ng upuan ko at tumingin sa kaniya.

"Just a friend. "

Tumango lang ito sa akin at bumalik sa pagkakatingin sa kanyang ginagawa. Ako naman ay kinuha ang aking bag pagkatapos ay ang susi ng sasakyan. Nagpaalam na ako na aalis at tumuloy na pababa ng building.

Nang naglalakad na ako ay napatigil ako ng may isang kotse na nakaparada sa harap mismo ng building namin. Naka longsleeves na kulay puti ang lalaki at nakasandal ito sa sasakyan. Both of his hands are on both of his pockets and his head is looking down the ground. Sinipat ko lang siya sandali ng mapatingin siya sa direksyon ko. He instantly smiled at me at hinawi pataas ang kanyang buhok.

Damn. He looks good.

Umiwas naman ako agad ng tingin sa kaniya at pormal na ngumiti.

"Good evening, Attorney." Bati niya sa akin ng makalapit na ako sa harapan niya.

"Good evening, Engineer." mahinang saad ko at binigyan siya ng tipid na ngiti.

"Tara?" Nakangiting pagyaya niya sa akin at binuksan ang pinto ng passenger seat. Nang makaupo na ako ay umikot siya papunta sa driver's seat.

I don't have any idea if saan kami kakain pero hindi nalang ako nagtanong. Nawili nalang ako kakatingin sa bintana ng sasakyan ng mapansin na papunta kami sa Intramuros, Manila. Nagulat talaga ako ng pagkatapos ng byahe ay iminuwestra niya ako palabas ng sasakyan.

I was amazed at the place. We are here in front of the Bayleaf Hotel Intramuros Manila.

Tiningnan ko siya. "Dito? "

Nangingiti na pinagmasdan niya ako. "Yes! Let's go?"

Sabay kaming pumasok sa building at sumakay sa elevator. Namangha ako sa ganda ng view ng napunta na kami sa sky deck kung saan kitang-kita ang view ng Manila. Parehong steak ang inorder namin. It tastes delicious!

After eating, we just finished the night with a bottle of red wine while enjoying the view in front of us. It's my first time going to this place. Tama nga si Dawn. It's nice here.

Habang sumisimsim ako ng wine ay nakatingin lang siya sa akin. I just ignored his stares and focused my eyes on front.

"Nag-eenjoy ka ba?" Nahihiyang saad niya.

Lumingon ako sa kaniya at tumango. "It's nice here. "

Ngumiti siya at lumabas ang dalawang biloy sa pisngi niya. Ang cute! "First time ko din dito. "

"Oh... Same pala tayo."

Natahimik siya at napabuntong-hininga. "I'm delighted you're here with me today." sagot niya saka sumimsim ng wine. "Kahit na alam kong busy ka."

I can feel my face heating up a bit. Ano ba 'yan! Baka anong isipin ni Zacharias!

Natahimik kami parehas. I slowly closed my eyes for a moment to feel the fresh air. Ang buhok ko din ay hinahangin. Napakapayapa. Sana ganito nalang lagi.

Parang lahat ng mga iniisip ko nitong mga nagdaang linggo ay nawala. Mahal ko naman ang trabaho ko and I love spending time with my papers pero iba pa din pala ang hatid ng peace of mind. Parang nakakagana na mabuhay ng ganito.

Binuksan ko ang mga mata ko at biglang tumibok ang puso ko nang makita kong nakatingin siya sa mukha ko. We just stared at each other's eyes for a moment. Ako ang naunang mag-iwas ng tingin at tumikhim. Napatawa din siya ng mahina habang umiiling.

"Are you available this Saturday, Attorney?" Agad na napalingon ako sa kaniya. He was still smiling at me.

"Ha? Hindi ka ba busy?" Kunot noong tanong ko sa kaniya. In his field of work, I'm sure he's also busy like me.

Seryoso niya akong tiningnan. "Pwede namang gawan ng paraan. And besides," Ngumiti siya at umayos ng pagkakatayo. "I have time for you. "

Natigilan ako. "S-sandali, Engineer. " He smiled at me. Ano ba yan! Bakit palagi siyang nakangiti?

"Do you like me?" Matapang na tanong ko sa kaniya. I looked at his face when I asked him that. He was taken back with my question and I saw his Adam's apple moved. His face instantly changed after a couple of seconds. It was serious.

Napaubo siya. "H-ha?"

Natahimik ako at mabigat na bumuntong-hininga. "Honestly speaking, it's my first time to d-do something like this," I said, explaining the present situation.

Kumunot ang noo niya at bakas ang gulat sa mukha niya dahil sa sinabi ko. "You never dated?"

Nagulat naman ako. Anong date?

"Ha? This is not a date."

He chuckled and shook his head. "I'm interested in a date, Attorney. "

What? Date na pala to? Akala ko kakain lang sa labas o isa lang itong thank you dinner.

"Don't you have a girlfriend?" nagtatakang tanong ko.

Umiling naman siya. Eh kanino iyong mga damit na pinahiram niya sa akin noon? I wanted to ask him this pero pinili ko nalang na manahimik. Hindi ko din naman alam kung ano pa ang sasabihin ko. I mean, yeah, he's a good company but I couldn't really see myself dating right now.

"I just can't see myself dating anyone right now, Engineer. I hope you understand."

"Hindi naman ako nagmamadali, Attorney. "

Yumuko naman siya na parang may malalim na iniisip. Parang nakonsensya naman ako ng kaunti. I just don't want to give him false hopes at ayaw ko naman makipagdate ng hindi pa ako handa.

" A-ahm, but we can be friends. I... If you want." sabi ko pagkatapos ay umubo. Bakit ako iyong nakakaramdam ng hiya? It's not as if I'm a fucking teenager that received a confession!

He smiled pero hindi iyon umabot sa mata niya. "Sure."

The night went well. I think it was a night that I will not forget. We did talk a lot of things after that, medyo nabawasan din iyong hiya ko sa kaniya at tumatawa ako sa mga jokes na sinasabi niya. He seemed to be okay at malakas din siyang tumatawa habang nagkukwento sa akin patungkol sa trabaho niya. Hinatid din niya ako sa labas ng office ko pagkatapos.

"Salamat, Engineer!" Nakangiting sabi ko sa lalaki pagkatapos niya akong ihatid sa labas ng building ng opisina ko.

He waved at me. "Take care! I'll call you when I got home. "

Umiling naman ako. "K-kahit hindi na, Zacharias. I'll just text you kapag nakauwi na ako. "

Tumango naman siya. "I'll see you around. Thank you for today. I enjoyed it." He looked at me and placed his hand inside his pockets. Nakatunghay lang din ako sa kaniya.

"Salamat din."

"Don't hesitate to call me if anything happens." After saying that, he waved for the last time and drove off. I just can't help but smile until I can't see his car anymore. He's good. I mean, he's a conversationalist.

"Hoy gaga! Makangiti ka naman diyan! Mukhang hindi lang labi ang napunit ah!"

Napalingon ako sa likod ko ng makita si Olive na nakatayo. Malaking ngisi na naman ang nakita ko sa mukha niya. Iritang tiningnan ko siya. "Oh? Bakit ka na naman nandito?"

Umaktong nasaktan naman siya sa sinabi ko at hinawakan pa ang dibdib niya. This bitch is really overreacting.

"Nagka-lalaki ka lang ganyan ka na sa akin?"

Hinampas ko naman siya gamit ang bag ko. "Tumigil ka nga! Hindi ko siya lalaki. We're just friends."

"Aysus! Nagsisimula ka nang lumandi ha. Alam mo very good 'yan! Kasi never ka pang nagka- jowa!" She chuckled.

"Nandito ka lang ba para asarin ako?"

Agad na lumapit siya sa akin at inangkla ang braso niya sa braso ko. "Inom tayo."

Pumiksi naman ako agad. " Ano ba naman 'yan. Hindi ka ba pinapagalitan ng manager mo?"

Malanding ngumisi siya sa akin. "Alam mo naman iyon, love ako no'n! Geo adores me so much to the point na gusto niya na akong sakalin. Baklang 'yon! "

Sumusukong tiningnan ko siya. "Si Dawn? Sasama?"

Tumango si Olive. "Nasaan ba iyong kotse mo?"

"Tangina mo, gagawin mo ba akong driver ha?" Nakataas ang kilay na saad ko sa nakangising babae. Umangkla ito sa braso ko at nanlalambing na nagsalita.

"Ikaw naman, hindi ako pinayagan dalhin ang kotse ko, eh. May mga sumusunod na paparazzi. It was really irritating! Alam ko naman na maganda ako, but gosh! Kulang nalang yata pati nude pic ko kunin din nila!"

I just rolled my eyes at her at sabay kaming naglakad papunta sa nakaparadang sasakyan ko.

Whenever this woman will be drinking, it's gonna be a rough night, I guess.

***

"Ayoko ng heavy ha. Kaunti lang iinumin ko ngayon." sita ko kay Olive ng makitang oorder siya sana ng Tequila.

"Ano ba 'yan! Tequila na nga!" pamimilit nito sa akin.

"Martini nga gusto ko. Gaga, madami pa akong gagawin bukas. Loka-loka!"

Inirapan lang ako ng babae pero inorderan naman ako ng martini at tequila naman para sa kaniya. Napangiti naman ako ng makita si Dawn na nakatakip ang mukha papunta sa couch namin dito sa loob ng bar.

Umupo ito agad at hinubad ang balabal pagkatapos ay pinaypayan ang sarili. "Hello, girls." Agad na lumapit ito sa akin." Are you okay, Summer? Sorry last time ha. Pinilit ko talaga si Gillen, hindi talaga pumayag."

I smiled at her. "It's okay. Wala namang nangyari."

Umupo na din si Olive at nakangising binalingan si Dawn na naglalagay na ng alak sa shot glass niya. "Anong wala? Alam mo Dawn, ang daming nangyari. May lalaki na 'yan!"

Nanglalaki ang mga matang tiningnan ako ni Dawn. "Oh my gosh! Huli na yata ako sa balita? So tell me, is he hot? Malaki? " agad na tanong nito sa akin.

"Ano ba naman iyang tanong mo! " Inis na sabi ko at uminom sa baso ko ng martini. Hmm... Sarap talaga nito.

"Attorney, sagutin mo nga ako. Who's the guy?" interesadong tanong nito sa akin na ikinakunot ng noo ko.

"Why? Are you interested?"

She rolled her eyes and flipped her hair. "Of course not! I'm just asking baka I know him. Anong akala mo, aagawin ko? " maarteng sabi nito sa akin.

"Were' just friends." balewalang saad ko at sumimsim muli sa baso.

Olive snorted. "May friends bang hinahatid ka after a date?"

Sinamaan ko siya ng tingin. "It's not a date."

Kinulit naman ako ni Dawn. "Who is it nga?"

I let out a sigh. "It's Engineer Zacharias Valencia."

Naibuga naman ni Dawn ang iniinom niyang alak at gulat na gulat na napatingin sa akin.

"What?!"

Naiintrigang lumapit sa amin si Olive at lumipat ito sa gilid ni Dawn na ngayon ay nagpupunas ng labi gamit ang tissue.

"Bakit? Kilala mo?" Naiintrigang tanong niya.

Napataas ang kilay ko ng makitang lumikot ang mga mata ng babae.

"Spill it, Dawn. " Halatang may alam!

Natawa naman siya agad dahil sa tono ng boses ko na hindi ko namalayan na napalakas pala. "I-I just know his friend. " mahinang sabi nito sa akin na parang namomroblema.

"Oh... Akala ko naging lalaki mo." Natatawang sabi ni Olive.

Binato naman siya ni Dawn ng kropek na nasa mesa. "Stupid! Of course not! But he's hot though."

Hindi naman ako galit pero napataas ang kilay ko sa sinabi niya. "What? I'm just stating a fact, duh? I have a pair of eyes, too. Anong akala mo sa akin bulag?"

"Gaga! Hindi ka bulag! Malandi ka!" Olive laughed as Dawn jokingly pulled her hair.

"Bahala nga kayo diyan." I took a sip of my martini again at tumingin sa mga taong nasa paligid namin na sumasayaw. Since its past eleven in the evening kaya siguro maraming tao dito ngayon.

"I've been too busy this past few days and my damn manager won't even give me time to rest!" hysterical na usal ni Dawn habang nakatingin sa kisame. She looks stressed out.

"Ha? Bakit? Just ask him. Ano ba 'yan! Mahirap kaya maging modelo." Puna ni Olive bago inisang shot ang maliit na shotglass ng tequila bago nakangiwing kinuha ang lemon at kinagat.

I looked at her and held her hand. Halata nga sa mukha niya sa pagod siya. "Okay ka lang ba?" dugtong ko sa sinabi ni Olive.

Tumango naman ang babae. "I-I've been so stressed out lately nga lang. Sunod- sunod ang projects ko and my father..." Napahinto naman ako sa pag-inom ng alak ng mabanggit niya ang tatay niya.

"Bakit? May ginawa na naman ba? Just tell me at para masampahan ko iyan ng Restraining order." Seryosong sabi ko.

"Just- just asking me to give him some money. " mahinang sabi ni Dawn at tinungga ang shot glass. Parang medyo uminit ang ulo ko dahil sa narinig.

Napailing si Olive at parang nagalit din sa narinig. " Ang galing! Kapal naman ng mukha."

"Dapat hindi ka na niya pinapakialaman at ikaw din, huwag na huwag kang magbibigay ha." bilin ko sa kaniya.

Dawn's dad is an alcoholic. Matagal ng hindi ito nakatira sa kanila ng Mama niya dahil nananakit ito. "Just tell me if may ginawa sa iyo ang lalaking 'yon ha! Makakatikim talaga iyang matanda na 'yan sa akin. " Pagalit na sabi ni Olive.

Napabuntong hininga nalang ako. "Just tell us everything he will do and say. Alam mo naman na kaya ka naming protektahan. "

Tumango lang ang babae at sinabing huwag daw kaming magdrama kasi nandito kami sa bar para magsaya. Bitbit ang isang baso ay nagpaalam si Dawn na sasayaw lang daw siya sa gitna. Tumango naman ako agad.

"Just don't kiss a random guy, okay?"

Maarteng tinawanan niya lang ako at iniwan na kami ni Olive na nasa couch. Ilang oras ang nakalipas ay sinikap ko talagang hanggang tatlong baso lang ako para hindi ako malasing. Ako kasi ang magmamaneho sa aming tatlo. Patuloy pa din ang mga tao na sumasayaw sa loob ng bar at umiinom. Ang iba ay malakas na tumatawa sa kanilang couch.

Napatingin naman ako kay Olive ng gumalaw siya at niyakap ang dalawang bote ng tequila na ngayon ay ubos na. Tiningnan ko ang babae at nakayuko lang ito. Mukhang naparami na ang inom.

Tinapik ko siya sa balikat matapos kong ibaba ang baso ko. "Hoy! Tama na 'yan, Oli. Lasing ka na."

Napatingin naman siya sa akin at malungkot akong tiningnan. "He's back. Fuck it..."

Nagulat naman ako sa narinig. Hindi ko 'yon inaasahan. "Kailan pa?"

Sumandal siya sa couch habang nakatingin sa malayo. Bakas ang lungkot sa mukha niya. "Kahapon lang."

"Nagkita kayo?"

"Yes. Sa set. Pinakilala pa sa akin ni Direk Pao. Pucha. Pinakilala pa sa akin na kahit nga singit no'n alam ko! " Mahinang sabi nito.

"Olive!" Nahihindik na saway ko sa babae pero nang makita ko ang bahagyang pagyuko niya ay natahimik ako. Alam kong papaiyak na siya. Kaya ayokong nalalasing siya dahil ang ex niya na naman ang iisipin niya.

"Huwag mong iyakan ang lalaking 'yon. "

I saw how she tried to look up in order to prevent herself on crying but she failed. Tears were now streaming down on her cheeks. "Parang ang unfair lang kasi, Sam. Parang okay na siya... na wala ako. " Humihikbing saad niya habang nakatungo sa akin.

Ibinaba ko ang baso ko at lumapit sa kaniya para akbayan. "Remember this, hindi ikaw ang nagkulang Oli, sumobra ka lang."

Nasaktan ako ng humagulgol siya ng malakas. "P-putangina lang kasi. Parang ako nalang 'yong naiwan sa nakaraan. Masaya na siya, Sam. Kita ko sa mga mata niya."

Hinagod ko ang likod niya para pakalmahin siya. "Shh... Huwag mo na siyang isipin, Oli. Maganda ka, tandaan mo 'yan. Ikaw ang sinayang."

Naaawa ako sa kaniya. Bakit pa kasi kailangang manloko? Kaya nga kahit wala akong jowa, umaatras agad ako kasi hindi ako handa sa ganitong heartbreaks.

"Ganon ba talaga ako kabilis kalimutan, Sam? Ba't parang ang dali sa kaniya? Putangina talaga! Anong akala niya? Three months lang kami? Ulol! We've been together for six fucking years! " Kumuha ako ng tissue mula sa bag ko saka pilit na hinarap sa akin ang umiiyak na mukha ni Oli.

Ako na mismo ang nag-alis ng mga luha niya sa mukha. Hindi ko naman sinasadya na mapatingin sa likod niya pero parang namutla yata ako sa nakita.

Putangina.

Agad na yumuko ako kasama si Olive. Humihikbi pa din siya kaya niyakap ko siya ng mahigpit habang patagong sumisilip sa likuran niya.

Putangina ba't nandito si Valerius? Nakita ko siyang kakapasok lang sa loob ng bar at seryoso ang mukha. Kinabahan agad ako ng naglakad sila papunta sa mesa sa likod lang namin!

Nilagay ko ang mukha ni Oli sa dibdib ko at hinayaan siyang umiyak habang ako ay tumingin sa gitna para hanapin si Dawn. Nakita kong nakasandal lang siya sa gilid na bahagi kaya agad ko siyang sinenyasan na tumingin sa likod namin ni Oli.

Tuluyang nanlaki ang mata ng babae at agad na tumakbo papunta sa amin. Katulad ko ay nagpapanic na din siya dahil baka makita kami! Baka makita ni Olive ang lalaki! Agad na inakbayan niya si Oli sa kaliwa at ako naman sa kanan. Siguradong malaking gulo kung makikita ito ni Olive lalo na't lasing siya ngayon!

Whenever she got drunk, she was really not herself!

I whispered to Dawn. "Putangina, Tara na. Kunin mo ang bag ni Oli. Magbalabal ka. Bilis!"

"Oh my gosh, Okay! " Agad niyang kinuha ang balabal na suot niya at kinuha ang shades na nasa bag niya saka isinuot niya iyon kay Olive na nakapikit na ngayon. Using my left hand, I hurriedly got my bag and Oli's para makaalis na.

Nakayuko kaming tatlo at mabilis na naglakad palabas sa bar. Kinabahan pa ako ng mapadaan kami sa mesa nila Valerius. Malapit kasi siyang mapalingon sa amin.

"Hawakan mo muna si Olive, kukunin ko lang ang sasakyan ko." Tumango naman agad si Dawn at panaka-nakang tumitingin sa loob ng bar.

I hurriedly went on my car at sinundo sila sa entrance. I opened the backseat at inalalayan na maupo si Olive para maisandal.

"Bilis, Dawn!" Natatarantang sabi ko sa kaniya.

"Geez... Wait lang!"

Nang makapasok na sila pareho ay agad na umikot ako papunta sa driver's seat at nagmaneho agad paalis.

"My god! Why is he there? " inis na sabi ni Dawn at mula sa rearview ng sasakyan ay kita kong pinunasan niya ang mukha ni Oli. Nakapikit na talaga ang babae.

"Hindi ko din alam. Mabuti nalang talaga at nalasing si Oli. I can't imagine what will happen if nagkita sila doon."

Malungkot na tiningnan ni Dawn si Oli. "That's why ayaw kong magseryoso eh. I can't be like her. Why does this bitch love that guy so much? It's been three years already."

Napabuntong-hininga nalang ako at itinutok ang mata sa daan. "Baka ganoon talaga kapag minahal mo ng sobra. "

Natahimik naman kaming dalawa at nagpasya na pumunta sa opisina ko. Bumaba ako agad at tinulungan si Dawn na buhatin si Oli. Sabay kaming naglakad papunta sa loob ng opisina ko para magpalipas ng gabi. Agad kong binuksan ang maliit na kwarto doon. Maayos na hiniga namin si Oli bago ko tinawagan si Geo, ang manager niya.

"Dito ka na din matulog, Dawn. " She smiled and sat on the bed.

"Do you think he still loves her?" She said while looking at Olive. Hinubad ko ang suot kong coat at inalis ang sandals ko.

"Who knows? Kung mahal niya talaga si Olive, dapat hindi niya iyon ginawa but still I will give him the benefit of the doubt since he's not here to defend himself at isa pa, hindi naman natin talaga alam kung ano ang nangyari sa dalawa. Olive just keep saying that Valerius cheated on her. We don't know the whole story."

Napatingin ako sa kaniya nang suminghot siya. Natigilan ako dahil parang may namumuong luha sa mata niya.

"Lasing ka ba?" Tanong ko sa babae na nagpupunas ng luha.

Umiling siya. "Naaawa lang kasi ako sa kaniya, Sam. She's keeping things to herself. Masyadong masayahin pero ang daming kinikimkim na sakit."

Nilapitan ko siya saka naupo sa harapan niya. " Nandito naman tayo lagi para sa kaniya. Let's just wait for her to tell us everything. "

Tumango si Dawn at sinabihan ko din siya na matulog na. Tumabi siya kay Oli at agad naman itong iginupo ng antok. Itinaas ko ang kumot at ibinalot sa kanilang dalawa.

I turned off the lights and walked slowly towards the kitchen. Gumawa ako ng kape. It's already one o'clock in the morning at heto ako't nagkakape. I suddenly remembered the conversation that I had with Zacharias. Hindi ko muna gustong pumasok sa isang relasyon dahil mas mahihirapan ako. I have a lot of baggage from my past. Ayoko din pagdaanan ang heartbreaks dahil kahit nga mag-asawa, naghihiwalay.

That thought made me smile bitterly.

Being an annulment lawyer for three years made me believe that love doesn't last long. Kahit nga humarap na sila sa altar at nangako na habang buhay magsasama ay pumupunta sa akin para ipa-asikaso ang annulment nila. Na para bang napakadali lang kalimutan iyong mga pinangako nila sa isa't isa. Hindi din naman ako handang sumugal. I'm happy that I'm single. I don't need a man for me to feel special dahil kaya ko namang gawin sa sarili ko iyon.

Love should be given voluntarily. Hindi ka nagmamahal ng tao para ipilit mo ang sarili mo sa kanila. If you truly love that person you will never hurt them, not the other way around.

Walang lovelife, edi walang heartbreaks. Walang masakit sa puso. Hindi ako iiyak sa gabi at lalong-lalo sa lahat,

hindi ako luluhod para sa pagmamahal.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top