Kabanata 5

Trigger Warning: Cutting

"Thank you, Ria." Nakangiting inabot ko ang ibinigay niya sa akin na mga folders. Ito 'yong mga case na aasikasuhin ko. Nagpaalam siya na gagawan ako ng kape. Malalim na nagpakawala ako ng buntong-hininga at sumandal sa aking upuan. My eyes are hurting a bit because of exhaustion. Kanina pa kasi ako nagbabasa ng mga case files simula kanina pa umaga hanggang ngayon.

Napalingon ako sa malaking bintana. Mukhang uulan pa yata. Sanay naman na ako na gising sa buong araw at sanay na din akong magpuyat. Naaalala ko nga noong nagre-review ako para sa exams sa law school hanggang alas singko ng umaga. Mabuti nalang at ang oras ng exam ko noon ay alas nuebe ng umaga kaya hindi ako nahuli.

Napabalikwas ako sa aking kinauupuan ng tumakbo si Ria papasok sa aking opisina. Fear and sadness is visible on her face. Hindi rin ito makatingin sa akin ng maayos. Kinutuban ako ng masama.

"A-attorney." Napatingin ako sa bagay na nasa kanyang kamay. It was our landline phone. Something was wrong.

Lumalim ang gitla sa aking noo. Agad akong napatayo at tinanggal ang suot kong reading glasses.

"What happened?"

Kinabahan na ako ng may tumulong luha sa mga mata niya. "Your mom..." Napahinto siya bago nagsalita. "She's in the hospital."

Napakapit ako ng mahigpit sa lamesa na parang nawalan ako ng lakas. Even though Ria was still calling me, I rushed out of the office. Parang biglang naging blangko ang isipan ko sa mga oras na iyon. I just want to see my Mom. Pinaharurot ko paalis ang sasakyan ko at mabilis na tinawagan si Daddy. Ilang segundo pa ay sumagot siya.

"Where's the hospital?" maikling saad ko at hinigpitan ang kapit sa manibela.

[A-nak.] Mahinang usal niya.

"JUST TELL ME WHERE SHE IS!" Galit na sabi ko. Hindi ko na namalayan na tumutulo na pala ang mga luha sa mata ko. Natahimik naman ang kabilang linya.

[St. Lukes.]

Agad kong pinatay ang tawag at mabilis na pinaharurot ang sasakyan sa daan. Agad akong tumakbo palabas sa aking sasakyan nang makahinto ako sa harap ng St. Lukes. Tila wala na akong pakialam kung may nababangga akong tao o wala.

"Excuse me, nasaan po si Mrs. Quin?" I asked the nurse who is in the nurses' station. Agad akong tumakbo matapos niyang sabihin ang room number. Sumakay ako sa elevator at pinindot ang second floor. Napatingin ako sa repleksyon ko mula sa elevator. I didn't even notice that I am not wearing my coat. Niyakap ko ang aking sarili at agad na lumabas sa elevator. Lumiko ako sa isang pasilyo at nakita ko agad si Daddy na nasa labas ng kwarto.

Kumirot ang puso ko habang nakatingin sa kaniya. Nakaupo siya sa labas nito at nakalagay ang dalawang kamay sa kanyang mukha. Lumapit ako at tinapik siya sa balikat.

"Daddy."

Agad na napalingon siya sa akin at napansin ko agad ang lungkot sa mga mata niya. Papasok na sana ako sa loob ng hatakin niya ako pabalik at niyakap.

"A-anak, whatever happens, it's not your fault okay?" Tumango ako kahit sa loob- loob ko, I know it's always been my fault.

Dahan-dahang pumasok ako sa loob at nakita si Mama na nakatulala habang nakaupo sa hospital bed.

Naglakad ako papalapit at hinawakan ko ang kamay niya. I can't help but to cry when I saw her wrist that has a fresh gauze and bandage. She did it again. She cut her wrist. Agad siyang lumingon sa akin at ngumiti.

"Summer, kasama mo ba ang kuya Luke mo?"

Napahagulgol ako ng malakas ng marinig ko iyon. Nanginig ang mga binti ko at napasinghap ako ng malakas. Para akong kinakain ng pagsisisi at bumabalik ang lahat ng sakit. Mas lalo akong nasaktan nang magpalinga-linga siya at bumakas agad ang takot sa mukha niya ng makitang wala akong kasama.

" Nasaan ang kuya mo? Bakit hindi mo siya kasama!" Tumaas ang tono ng boses niya. Kahit umiiyak na ako ay pilit na hinawakan ko ang kamay niya para pakalmahin siya.

"M-mama..."

She removed my hand and looked at me with so much hatred in her eyes. " NASAAN SI LUKE! TAWAGIN MO SI LUKE!"

"M-ma, wala na po si Kuya Luke." Mahinang sabi ko at tumungo. Nakaramdam ako ng malakas na paghila sa buhok ko at napasigaw ako sa sakit.

"IKAW ANG MAY KASALANAN! KASALANAN MO NAMATAY SI LUKE! HAYOP KA!" Nanghina ako sa sinabi niya at hindi na ako lumaban. Hinayaan ko siyang saktan ako. Hinampas niya ako sa mukha, kinalmot at malakas na hinila ang buhok ko. Wala. Wala na akong maramdaman. Para na akong namanhid.

I deserve this. Kasalanan ko lahat.

"ELENA!" Inilayo ako ni Daddy kay Mama at may mga nurse na pumasok sa loob ng kwarto. Agad na inilayo nila si Mama sa akin at hinawakan ang nagpapasag nitong katawan pabalik sa kama.

"MAMATAY KA NA SANA! IKAW NALANG SANA!"

Tila namanhid na ako sa sinabi niya sa akin at hindi ko na maampat ang luha sa aking mukha. Nanghina ako nang makita kong unti-unti siyang bumagsak sa kama at nawalan ng malay.

Niyakap ako ni Daddy at para akong mawawalan ng ulirat sa kakaiyak. I buried myself in his shirt while he was saying sorry to my ears all over again. Kasalanan ko kasi. Tangina! Kasalanan ko ito lahat.

My mom is suffering from severe depression all those years. Pinaparamdam nila sa akin na wala na sa kanila ang nangyari pero bakit sa loob ng ilang taon, ilang beses na ding naisugod si Mama sa hospital dahil sa suicide attempts?

Sobrang sakit para sa akin na nagagawa niyang saktan ang sarili niya dahil sa kasalanan ko. Everytime she tries to kill herself, she always makes me feel that its always been my fault. Parang hindi niya ako nakikilala. Parang hindi niya ako anak. She always made me feel guilty about what had happened. Idinidikdik nito sa pagkatao ko na kasalanan ko.

"It's not your fault." Mahinang sabi sa akin ni Daddy. Doon na naputol ang hibla ng pasensiya ko.

"It's my fault! Kasalanan ko bakit nagkakaganyan si Mama! Huwag mo naman ako pagmukhaing walang alam!" I spat.

Habang umiiyak ay tumakbo ako paalis sa lugar na iyon.

Patuloy lang akong naglakad sa daan na hindi alam kung saan ako pupunta. Ni walang direksyon. Patuloy ang pagdaloy ng luha sa aking mga mata at niyakap ko ang aking sarili dahil sa lamig ng gabi. Masakit. My heart is aching. Kasalanan ko kasi. Kapalit ng kaligtasan ko ay ang buhay niya.

Hindi ko na napansin ang isang bato sa daan kaya natisod ako. Impit na napaigik ako ng mapaupo ako sa malamig na semento at nagasgasan ang tuhod ko. Nanlulumong tiningnan ko ang suot kong black heels. Nasira ito dahil sa pagkakatumba ko. Umiiyak na hinubad ko nalang iyon sa gilid ng daan at itinapon.

Dahan-dahan akong tumayo at paika-ikang naglakad sa daan. My mom was diagnosed with Depression and PTSD. Katulad ko, hindi din matanggap ni mama na nawala si kuya Luke sa amin ng biglaan. Natatandaan ko pa noon, ni hindi niya ako binisita sa ospital sa araw ng aksidente. Nagkulong siya ng ilang linggo sa kwarto niya. Nagkaroon naman ako ng anxiety at panic disorder dahil sa nangyari.

Natigilan ako ng bumalik sa alaala ko ang duguang mukha ni Kuya Luke. Parang nakikita ko ulit siya na tumilapon sa kalsada habang nakatingin sa akin. Napahawak ako sa dibdib ko at patuloy na naglandas ang mga luha sa mata ko.

My breathing became fast and shallow.

"I-I'm sorry. I'm so sorry."

Hindi ako makahinga, unti-unti nang nagdidilim ang paningin ko at para akong masusuka. Nanginginig na umiyak ako sa madilim na daan.

It's my fault. It's my fault! I'm sorry! Ako nalang sana! Ako dapat iyon!

"S-summer?"

I immediately looked at my back and I saw a familiar man. Hindi ko alam pero mas lalo lang akong napahikbi. I suddenly felt his warm embrace and gently caressing my hair. I cried loudly on his chest and tugged the hem of his shirt.

I'm fucked up. I'm drained. It fucking hurts so much! Ako nalang sana!

"Shh... Everything will be okay."

That's the last thing I remember before I couldn't hear anything.

***

I immediately woke up when I felt a spang of pain in my head. I slowly opened my eyes but instantly regretted it when I felt an urge to puke. Masusuka yata ako. I immediately stood up but my knees are not cooperating.

I instantly fell to the floor and with this, I just slowly crawled up. The room I am in right now is not familiar but a mint scent surrounds the room which makes my stomach turn upside down. Fuck! Nasusuka ako!

I was shocked when I saw a pair of hands grabbing me from the floor and carrying me in a bridal position. I instantly protested while holding my head.

"P-put me down."

My head was on his chest that's why I can't see him clearly. He swiftly carried me till we are outside the bedroom door pero 'yong suka ko yata 'di ko na mapigilan. I made several retching sounds before I did throw up... on his chest but I didn't hear him complain. I didn't hear a single word. Namalayan ko nalang na nasa kusina kami ng ibaba niya sa ako isang upuan. I looked up to see his face but my face instantly changed into a surprised one when I identified him.

It's him! It's Zacharias!

He immediately went to the sink and filled the small basin with water. Akala ko pupunasan niya ang sarili niya but he just came back to me with the basin and a small towel in his right hand.

Kinabahan ako ng mabilis na nilapitan niya ako at kinuha ang maliit na tuwalya at ibinabad ito sa tubig pagkatapos ay marahang piniga. He then lowered his hand and looked at my face. He gently wiped my face with the towel and specially my mouth.

He looked serious while doing this. Magaan ang pagkakahawak niya sa mukha ko. Parang nahiya naman ako agad sa itsura ko. Nakasando lang ako at magulo pa ang buhok. Wala din akong sapin sa paa.

Yumuko ako sa hiya. He's a stranger tapos nagpapaalaga ako nang ganito. Baka kung ano na ang iniisip nito sa akin. Shit.

Inilayo ko ang mukha ko ng akmang ilalapat niya sa leeg ko ang bimpo.

"It's okay," I said softly.

Tumango naman siya at ibinaba ang bimpo. "Are you okay? May masakit ba?" I instantly raised my head and nagulat ako ng magkatapat na ang mukha naming dalawa. He looked at me and the concern is visible on his face.

Tangina ang lapit.

He was staring at me intently but saying nothing. Because our position is awkward, I focus my attention on his shirt. Hala! Sinukahan ko pala siya.

Without thinking I instantly put my hands on his shirt at binuksan ang butones no'n. "H-Hala sorry! Nasukahan kita."

Nabuksan ko na ang tatlong butones ng mas narealize ko na mas naging awkward yata ang sitwasyon. Nakikita ko na iyong dibdib niya dahil natanggal ko na ang tatlong butones. Napatingin ako sa mukha niya pero nakatingin lang siya sa akin. Parehas na natahimik kaming dalawa dahil doon.

Oh my god, Summer!

I immediately moved away from him at tumikhim. "C-can you change your shirt? I'm sorry."

Ngumiti naman siya agad sa akin. "It's okay. Wait for me here. I will also get you a new shirt." He said and walked immediately to the room where I was before.

Hindi ko alam pero bigla yata akong naging conscious sa sarili kong mukha. I bite my lips and gently comb my hair with my hands. Nakakahiya talaga!

Habang naghihintay ay luminga ako sa paligid. The room is very manly with its shades of white and black color. May nakasabit din na painting na abstract sa sala niya. The place looks clean and comfortable. Humakbang ako papunta sa malaking kurtina at hinawi ito. Wow! The view of the streets from here is spectacular. Kitang-kita ko din ang malalaking gusali sa gilid ng condominium na ito. If I will be able to have my own place, gusto ko din iyong ganito. Mataas na view.

Makalipas ng ilang minuto, nakarinig ako ng mahinang pagtikhim mula sa likuran ko at nakita ko si Zacharias na preskong presko sa suot niyang plain white shirt at black jeans. Halatang bago itong ligo dahil basa ang buhok.

"Here. Magbihis ka muna." Napatingin naman ako agad sa inaabot niyang nakatupi na damit. Namula ako ng kaunti ng makita kong may underwear din doon at bra.

"Nako! Hindi ka na sana nag-abala." Kinuha ko ang mga iyon.

Napahawak siya sa kanyang batok at nag-iwas ng tingin. "U-Uh... I asked someone to lend her clothes to you."

Ah... Baka sa girlfriend niya.

Tumango nalang ako. "Thank you. "

Naglakad na ako papunta sa malapit na banyo. Napakunot ang noo ko nang may makita ako doong mga essentials para sa babae. Kumpleto iyon. May sabon, shampoo, pink toothbrush, feminine wash at pink na bathrobe. May Girlfriend yata. Napailing nalang ako at naligo pagkatapos ay nagbihis.

Habang nagsasalamin ay may napansin ako na maliit na band-aid kaya nilagay ko ito sa nagasgas kong tuhod. Napangiti ako ng bahagya ng makita kong may red heeled shoes doon sa banyo na naka-box pa. Halatang bago.

I looked at myself in the mirror after changing my clothes. I wore a cute white dress above the knee. Aalis na siguro ako agad kasi baka naaabala ko na siya at baka magselos iyong girlfriend niya kapag nalaman na may babae siyang dinala dito.

Lumabas na ako sa kwarto at nakita ko siyang tahimik na sumisimsim ng kape sa mesa. Napatingin naman siya agad sa akin.

"Aalis na sana ako."

Napatayo naman siya agad matapos kong sabihin iyon at ibinaba ang baso. Napatitig ang mga mata ko sa braso niya ng makitang lumabas ang mga ugat nito.

"Breakfast ka muna tapos ihahatid na kita." Sabay turo sa mesa na may nakahanda na pagkain. Bigla akong nakaramdam ng gutom habang nakatingin doon pero nilunok ko nalang.

"A-ay! Huwag n-"

"Just eat please. I'll drive you home afterwards." Pangungulit ng lalaki. I let out a sigh and walked towards the table. Agad akong umupo. Nagulat pa ako ng lagyan niya ng sinangag ang plato ko at sunny side up egg with tocino.

He met my gaze and smiled. "Eat."

Tahimik na umiwas ako ng tingin at nagsimulang kumain. Pinapanood niya lang ako habang umiinom siya ng kape. Hindi ko tuloy malunok ng maayos ang kinakain ko.

"Are you okay?"

Napaubo ako. Tumilamsik pa ang kanin na nasa bibig ko. Very unhygienic. Iniabot niya sa akin ang basong tubig sa gilid at agad ko itong ininom. Naubo pa ako ng kaunti matapos iyon.

I looked at his eyes at naalala ko ang nangyari kagabi. "I really appreciate if wala kang pagsasabihan sana sa nangyari kagabi." Napapikit ako ng mariin ng maisip na nagkaroon na naman ako kagabi ng episode ng panic attack.

"I will not say anything about it, so don't worry. I just wanted to know if you're okay now." Nakangiti nitong sabi sa akin. I was suddenly moved by his words. Hindi man niya alam kung ano ang nangyari pero hindi niya ako pinilit na tanungin.

I smiled at him. "Thank you so much for letting me stay here."

Siya na mismo ang nagligpit ng pinagkainan ko. I was amazed on how neat he is. Siya pa mismo ang naghuhugas ng mga plato.

Nang matapos ay lumingon siya sa akin at may kinuha sa itaas ng refrigirator niya. "Let's go."

Tumango ako bilang sagot.

Nasa loob na kami ng kotse niya ng tanungin niya ako ulit. "Sa bahay or sa office mo?"

"Sa office."

Matapos ibigay ang address ay tahimik lang kaming dalawa sa loob ng sasakyan. Hindi ko maiwasan na mapatingin sa kaniya tuwing nasa intersections kami. Kumukunot kasi ang noo niya. Hindi ko alam pero naaaliw ako.

Tahimik na pinagmamasdan ko siya habang nagda-drive. Umiigting pa ang panga niya sa inis noong may saakyan na nag-cut sa harapan namin. Yun nga lang ay napaupo ako ng maayos ng lumingon siya sa direksyon ko. Gago.

Nilibang ko nalang ang sarili ko habang pinapanood ang mga sasakyan na kasabayan namin sa labas. Ilang minuto pa ay nakita ko na ang building ng opisina ko. Itinuro ko sa kaniya na ibaba ako sa tapat nito.

"Salamat sa paghatid." Maikling sabi ko sa kaniya at ngumiti. Tumango naman siya pero parang nahihiyang nagsalita.

"P-pwede ba kitang ihatid sa mismong opisina mo?"

Naguguluhan na tiningnan ko siya pero na gets ko din kinalaunan. "Ay! Sige. Ipakita ko nalang din ang opisina ko."

Mabilis na lumabas siya sa sasakyan habang ako ay nauna ng pumasok sa loob ng building. Sabay kaming naglakad papunta sa elevator hanggang sa nakarating kami sa second floor kung nasaan ang mismong opisina ko. Nakita kong tiningnan niya ang sign na nasa labas ng pinto ko.

Law Office of

Attorney Summer Aine G. Quin

Annulment Lawyer

"Pasok ka. " Mahinang usal ko at iminuwestra siya papasok ng buksan ko ang pinto. Nakita ko agad si Ria na kausap si Olive. Napatayo naman agad silang dalawa.

Nag-aalalang lumapit sa akin si Olive. "Gaga! Saan ka nanggaling ha? Pinag-alala mo kami! Kanina ka pa namin hinahanap ni Dawn!" Hinawakan niya ako sa balikat bago niyakap pagkatapos. Napangiti nalang ako.

"Okay lang ako. " Sagot ko sa kaniya matapos niya akong bitawan. Mukhang kakarating niya lang dahil basa pa ang buhok niya.

"Attorney!" Tawag ni Ria at binigyan ako ng isang baso ng tubig. Umiling naman ako.

"Okay lang ako, Ria. Huwag ka nang mag-alala." Tumango naman agad ang babae at ipinatong 'yon sa desk ko.

"Kinabahan ako sayo kasi tinawagan ako ng Daddy mo kagabi para tanungin kung nasaan ka! Nasaan ka ba kasi kagabi? Sino kasam---- Oh." Napahinto si Olive sa pagsasalita ng makita ang lalaki na nasa likuran ko. Saglit na nagkatinginan sila ni Ria.

"Ay- si Zacharias pala. " Pagpapakilala ko sa lalaki. Ngumiti naman si Zacharias sa kanila. Lumabas tuloy ang dalawang biloy nito sa magkabilaang pisngi.

He moved forward. "Hello, I'm Engineer Zacharias Valencia." Nakangiti nitong pakilala.

Tinaasan ko naman ng kilay si Olive nang makitang malaki ang ngisi nito sa akin pagkatapos ay tumingin kay Zacharias.

"Nice meeting you, Engineer Valencia. Gwapo mo naman! "

Mas lalo ko siyang pinandilatan ng mahinang tumawa ang lalaki. Nginusuhan ako ng babae at nakangiting pinagmasdan ang lalaki na parang sinisipat ito. Napanganga pa ito ng lumapat ang tingin niya sa malapad nitong balikat.

Ang mata ng gaga na ito!

"Salamat, Engineer Valencia! Ikaw pala kasama ng friendship ko. Mabuti nalang ikaw dahil parang papanawan kami ng ulirat sa pag-aalala eh!" Sabay tinampal ito sa braso.

Tanginang babae 'to!

"No worries. Glad I could help." sambit ni Zacharias na parang nahihiya. Tiningnan naman niya ako agad at ngumiti. "I probably should go, baka may gagawin ka pa."

"Salamat talaga."

Nagpaalam na siya kina Olive at Ria pero nang tatalikod na siya sa amin ay hinuli niya ang mga mata ko.

"Can I invite you to a meal next time?" Nakangiting tanong niya.

Napahinto naman ako. Mabait naman siya at sigurado na wala namang problemang kumain sa labas. Pa- thank you ko na din siguro.

Tumango ako. "Sure. No problem. " Mas lalong napangiti ang lalaki sa narinig.

"Okay. Take care, Attorney."

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay tumalikod na siya at naglakad palabas ng opisina ko. Iniiwasan ko naman ang mga tinginan ni Ria at Olive kaya pumunta ako sa swivel chair ko saka isinuot ang naiwan ko na coat.

"Ay! Ganda naman niyan, may pahatid pa kay Engineer!" Nang-aasar na sambit niya sa akin. I rolled my eyes at her.

"Huwag kang issue diyan. Nagma-magandang loob lang iyong tao." Sagot ko at isinuot ang reading glasses. "Ria, paabot ako ng folder na white sa dulo ng shelf. Thank you." Pambabalewala ko para matahimik na si Olive pero patuloy pa din ito sa pang-aasar.

"Hanep ka naman, Attorney. Sa wakas may lalaki ka na din! Pwedeng-pwede ka nang diligan kasi ilang taon ka nang dry. " Malakas na tumawa ang babae sa harapan ko. Sinamaan ko lang siya ng tingin. Narinig ko din ang mahinang paghagikhik ni Ria. Napailing nalang ako sa kanilang dalawa.

"Manahimik ka nga Olive. Mabait lang iyong tao."

" Mabait? Ang gwapo niya kaya! Hindi mo type?" pabiro niyang sabi habang tinitingnan ang itsura ko.

"Hindi." Hmm... may itsura pero hindi ko type.

"Sus! indenial! Baka nga sa susunod magchuk-chakan na kayo no'n!" Ngmuso pa ito.

I gave her a side glare na ikinatawa niya lang. "Tangina mo talaga! Lumayas ka na nga."

Bigla naman sumeryoso ang mukha niya ng may maalala. "I heard what happened. Are you taking your medicine?"

Agad ko namang kinuha ang isang bote ng gamot sa drawer ko at ipinakita sa kaniya. "I will." inabot ko ang baso ng tubig na inilapag ni Ria sa mesa ko. Ngumiti naman siya agad sa akin.

"That's good. Don't forget to take your meds please. Kami ni Dawn ang nag-aalala kapag nagka-panic attack ka ulit."

"You're mothering me again." Napapailing na sabi ko.

Mataray na tiningnan naman niya ako. "Likewise, bitch."

Natawa ako. Ako din naman, nagiging mother material sa kaniya tuwing nalalasing siya. "Si Dawn pala, nasaan?"

I heard Olive let out a loud sigh. "Malanding iyon! Umiiyak noong tinawagan ko kagabi. Hindi daw siya makasama na hanapin ka kasi pinagbawalan ng manager niya na umalis sa gitna ng show. Pinagalitan din siya ng manager niya at isa ding reason yung issue daw na may kasama siyang lalaki noong nakaraan."

Hindi na ako nagulat sa narinig. "Ang dami kasing ini-entertain na lalaki kaya ayan, issue na naman ulit."

Napasentido nalang ako. Kilala na kasi namin iyang si Dawn. Simula noong pinasok niya ang pagmomodelo at race car driving, eh sinuportahan namin siya kasi sabi niya masaya daw siya doon.

Kung makapagdate nga lang ng mga lalaki parang nagbibihis lang ng damit. We both know that she's not into some serious relationships. She just wants to have fun. Pinapabayaan lang naman namin siya but if it becomes uncontrollable, doon na namin siya pinagsasabihan. Matigas ang ulo ng babaeng iyon, eh.

She looked at her watch. "Summer, I have to go. May shooting ako ngayong hapon. "

"Product shoot?" tanong ko sa kaniya. Talagang kaliwa't kanan kasi ang shoot niya sa buwan na ito. Hindi ko alam kung nakakapag-pahinga pa ba ang babae. She looks...stressed.

Ngumisi siya. "Hindi. Iyong sa upcoming movie ko. Kasama ko si Chaderron Ledezma. "

Nanlaki ang mga mata ko. "Hala! Iyong ex ni Martina Miguel?"

Martina Miguel was also an actress and as far as I know, she's Olive's greatest competitor in showbiz and projects, pero laging si Olive ang pinipili ng mga direktor.

She rolled her eyes. "Yes, Late ka na sa tsismis! Iniinis ko din iyong feeling maganda na artistang iyon. Halatang masyadong insecure sa akin. Hindi naman ako pumipili ng ka-partner ko ano. Duh? Work is work. "

Natatawang lumapit ako sa kaniya and gave her a light hug. "Ingat ka. "

Ngumiti naman siya sa akin at tinapik ang pisngi ko. " No worries, bestfriend. Don't hesitate to call me if anything happens, okay?"

Tumango ako at pabirong itinulak siya. "Oo na, Umalis ka na nga. Tambak pa ang mga trabaho ko."

Pinandilatan naman niya ako ng mata. "Huwag puro work! Tatanda ka agad niyan. I'll call you this weekend. Bye."

Natatawang tiningnan ko siya nang tumalikod na ito at kumaway sa sekretarya ko. Naghahapong bumalik ako sa upuan saka inalis ang suot kong glasses. Baka bibisitahin ko si Mama mamaya. Even though she hurt me physically, I understand her kasi dahil iyon sa sakit niya. She's still my mother whatever happens.

Nakarinig ako ng mahinang pagtunog ng cellphone ko. Kinuha ko ito at nagulat ako sa aking nabasa.

From: Unknown number

Take care. This is Engineer Zacharias. Have a great day, Attorney!

How the hell did he got my number? Parang hindi ko naman naalala na ibinigay ko sa kaniya ang number ko.

To: Unknown number

Hello. How did you get my number?

Parang hindi mapakali na hinintay ko ang text niya. Bakit ba bothered na bothered ako? Baka nakuha niya sa mga naging kliyente niya. Kilala kasi ako bilang isa sa pinakabatang annulment Lawyer. Hindi naman kasi normal sa isang dalagang abogado ang maging isang annulment lawyer. I'm a rare breed, I guess.

From: Unknown number

I have my ways, Attorney. Let's have dinner next time.

Napailing nalang ako sa text niya.

To: Unknown number

Sure thing, Engineer.

After that I placed my phone on my desk and I realized na sa lahat ng mga lalaki na lumapit sa akin, siya lang ang bukod tangi na pinayagan ko na sumabay sa akin na kumain sa labas. Damn. It's not like it's a date. I immediately erased the thought of having a date with someone. I'm too busy for that. Magkaiba naman ang pagkain sa labas at sa date.

It's different and not the same thing. I suddenly remembered the dress that I am wearing right now. I sighed heavily. He also has a girlfriend. Bakit ko ba naisip iyon?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top