Kabanata 4

ZACHARIAS

"She's feisty, bro, and I can't even talk to her. Bangis!"

I stopped scanning the blueprint in front of me and looked at him. "I know, she's a bit --different."

Nahahapong tiningnan ako ng kapatid ko at pabagsak na naupo sa upuan. Halatang problemado. "Bakit ba kasi ako iyong ginawa mong representative ni Kuya Andrei? Tungkol ata iyon sa annulment nila ng asawa niya." Sabi nito habang kinakamot ang batok. He looked stressed. "She just left me after she finished her coffee. Galing talaga!"

I chuckled. " Thank you for your effort. I'll make it up to you, Zy."

Napaayos naman ito ng upo. " Where the hell did you two meet? She' a tigress, bro."

I opened a new blueprint and while scanning it, I remembered the first time we met. " In a Bachelorette party. "

I heard him gasped. "Bakit ka nakapasok doon? Sino kasama mo?"

I got really irritated remembering that day.

"Gago ka, Cleo. Ayoko nga!" Pagprotesta ko at babalik na sana sa sasakyan ko ng hilahin niya ako pabalik.

"Pucha naman Zacharias! Nandito na tayo oh! Sabi mo sasamahan mo ako!" Bulyaw nito sa akin.

Naiinis na tiningnan ko siya. " Bakit ba hindi si Roa ang sinabihan mo ha? Bakit ako?"

"Eh, ang gago tinakasan ako sa opisina kanina at isa pa ikaw nakita ko eh. Huwag ka nang umangal, pare! Babantayan ko lang naman si Jade baka ipagpalit ako niyon sa hinire nilang mga gigolo, 'no!"

Sumusukong tiningnan ko siya. " Whatever. Tara na."

Maglalakad na sana ako papasok sa loob ng bar ng awatin niya ako ulit.

"Ano na naman ba!?" Napasimangot ako. I don't even know what I'm doing here.

May iniabot siya sa aking black shorts at maliit na red ribbon. Napakunot- noo ako. "Para saan naman ito?"

Natatawang nagsalita siya. " Gago ka ba? Hindi tayo pwedeng pumasok nalang bigla diyan sa loob. Bawal ang lalaki diyan. Doon tayo sa likod dadaan."

I couldn't understand what's happening at first but later on I realized what's going to happen. Napatingin ako sa mga kalalakihan na nakasuot ng shorts lang tapos may ribbon sa leeg. Nakasuot din sila ng masks. Tumingin ako kay Cleo na may naglalarong ngisi sa bibig niya.

"Gago ka! That's not going to happen!"

Umiling lang siya at inakbayan ako papasok sa likod na daanan ng bar. Kasabay namin ang mga kalalakihan doon. Minutes later, we are both wearing the cycling shorts and the mask.

Nanggagalaiting tiningnan ko siya. "You better give me a big project, you asshole!" Yamot na inayos ko ang ribbon na nasa aking leeg. I looked like a leashed dog with this!

Natatawang minasdan niya ako. "Hmm... Bagay pala sa iyo maging gigolo, Pare!"

"Fuck you!" It's my first time doing this shit. Kung hindi ko lang kaibigan ang gago na 'to!

"I'll give you our resort project, Pare. Stop sulking!" He said while laughing at my face.

Pinatigil ko siya ng makitang pinagtitinginan kami ng mga hired na gigolo sa bachelorette party ni Jade. Maya-maya pa ay nakarinig kami ng malakas na pagkalampag ng microphone.

"Hello! I have something to announce."

My heart was pounding after hearing that. Tiningnan ko naman si Cleo na parang natatawa sa itsura ko. I know! I was panicking!

"Gago Cleo! Baka palabasin na tayo!"

"Gago! Huwag kang sumayaw ha! Tumayo ka lang doon habang ako, lalapitan ko si Jade. But you can have fun if you want." He smirked at me.

I gave him a dirty finger na ikinatawa niya. The hired boys are now entering the bar. Hinila naman ako ni Cleo para makasabay kami sa kanila.

"I HIRED THEM ALL FOR TONIGHT! SA MGA SINGLE DIYAN, LET US ALL GET LAID TONIGHT AND ENJOY THE PARTY! WOO!"

I roamed my eyes inside the bar and it was filled with women. Agad naman na humiwalay sa akin si Cleo at pumunta sa fiancee nito na si Jade na nasa stage na ngayon at nagsasayaw.

Napasentido ako. Why am I here? Para lang akong tanga na nakatayo sa gitna ng dancefloor habang ang mga gigolo na hinire ay nagsisilapitan na sa mga babae.

Someone grabbed my arm as I was ready to walk up to the bar counter. I was taken aback and tried to shake my head, but I was fascinated when I gazed at the woman on the nearby couch. I observed how she took the liquor in a single go.

"Sit with her. Don't let her go away, Alright?" I didn't say anything and was just staring at the woman who is on the couch. She let out a heavy sigh and throw her head back on the couch.

I just found myself sitting beside her and asked. "Want to have a drink?"

Agad siyang napalingon sa akin. I was taken aback when I saw her face near me. My heart skipped a beat when I saw her features this close; she had a heart-shaped face, pointed nose, pink cheeks, and crimson lips but I was more captivated by her black eyes. It was too intense. Damn.

Napatanga ako sa kaniya ng hawiin nito ang mahabang buhok gamit ang kanyang mga daliri. Her expression was serious at first, but as soon as she seen me, her face changed and her gaze fell on my body.

Damn.

I was just staring at her when she looked away from me and took a sip from her drink. I was amazed when suddenly her eyes fall on my crotch. Napasunod ang mga mata ko dahil doon. What Am I supposed to do?

"Like what you see?" I said in a deep voice. Maybe playing a bit won't harm her right?

I really wanna ask her name but I couldn't bring myself to say it. I just flashed my playful smile and stared at her. Napaupo siya ng maayos at tumingin sa akin.

Natigilan ako nang nag-iba ang emosyon ng mga mata niya. She plastered a sweet smile on her face and my breathing become unstable when she moves her face closer to mine. An inch away from my face. I took this opportunity to stare and memorize the details of her face. Something inside of me kicked in. Fuck.

She took my breath away for a moment.

I closed my eyes when suddenly she moved her hands touching my bare skin. Napalunok ako ng ilang ulit. Shit!

"Would you like to get out of here?" I managed to say it in words through her ears. She didn't respond to my question but I can feel her hands gently massaging my abdomen. I can't help but moan. This woman is making me hard. Fuck.

"I'm sorry lover boy, you picked the wrong woman. This body of mine..."

Napamulat ako nung magsalita siya at mas lalong inilapit ang kanyang mukha. I can sense that she saw the fire in my eyes na hindi ko maitago.

"Will never be yours." Napahinto ako nang lumayo siya at kinuha ang kanyang bag na nasa table. Tumayo ito at tinalikuran na ako para maglakad paalis.

What the fuck did just happen?

I just stared at her until she reached the door and looked back at me. I met her eyes and I returned her gaze with more intensity. I don't know but I felt defeated. I drank the remaining alcohol in the glass while looking intently at her. She playfully smiled at me before walking out. Naiwan naman ako sa couch na may malalim na iniisip.

"Pare! Kamusta?" Umupo si Cleo sa gilid ko kasama si Jade. Natatawang kumandong ang babae sa hita ni Cleo.

Umayos ako ng upo at ibinaba ang baso. "You know them?" Itinuro ko ang babaeng kumuha sa akin kanina na ngayon ay nagsasayaw sa stage. She looked wild as I looked at her. Tumatawa na kasi ito habang may dalawang lalaki na nakahawak sa kaniya.

Kumunot naman ang noo ni Jade pero kinalaunan ay napatawa. "Yes of course! That's Dawn! You like her?" She asked.

I shook my head in response. "No, not her. Do you know the woman who was with her?"

Tumango naman siya at parang may naalala. "She's with her bestfriends, Olive. That one!" sabay turo nito sa isang babae na umiiyak sa gilid ng stage. "The other one is Summer Quin, the Attorney." She roamed her eyes. "Pero mukhang umalis na yata. Sobrang workaholic ng babaeng iyon. Mabuti nalang at napapunta ng dalawa niyang kaibigan."

I didn't mind whatever she said after that. My mind went wild when I heard her name.

Attorney Summer Quin. My lips formed a smile. The attorney.

"Gago ka! Lakas ng tama mo doon sa abogado na iyon!"

I didn't mind him and continued to check the blueprints I made for the architect. I noted all the changes that he wanted and the changes on the structures of the interior. Kailangan ko palang bumisita sa site sa Cavite mamaya. I sighed in frustration. Kailangan ko pang mag-drive papunta doon sa private resort na ipapagawa ni Cleo. It's their family business.

"Kuya, Alis na ako. May date pa ako eh! Pakisabihan nalang si Kuya Andrei na ni-reschedule ang meeting niya with the Attorney."

"Alright."

I was really exhausted from work, but I still couldn't forget about her. It was already past seven in the evening, and I was stuck at a traffic light. I got bored and kept tapping my fingers on the steering wheel while waiting for the green light when a black car maneuvered to my left side.

My eyes widened when I saw her. Napakislot ako sa aking upuan at dahan-dahang napakapit ng mahigpit sa manibela. I opened the car window to verify whether it was actually her, and I could feel my heart racing inside of me when I confirmed it.

Summer's eyes were fixed in front of her, but her lips moved. Because I noticed an earphone on her right ear, I believe she was on the phone with someone. Even if I can only see her sideways, fuck... my attention was entirely drawn to her, to the point where my eyes were still following her car as it sped away, even when the traffic signal turned green. Fuck.

Nakaupo lang ako sa aking swivel chair sa loob ng aking kwarto pero I just found myself texting her using the company number. I got her number from the calling card she had from Jade.

Napamura ako matapos kong mai-send ang message na iyon. Lumakas ang kabog ng dibdib ko ng makitang nagreply siya sa akin.

From: Unknown number

Who's this?

I didn't know what to say, so I didn't respond, but my lips were smiling. Napahilamos nalang ako ng mukha at itinago ang aking cellphone sa drawer. I can't even sleep properly that night.

Napabalikwas ako ng bangon nang malakas na tumunog ang cellphone ko. Nakadapa ako kaya't inabot ko lang ito gamit ang isang kamay at nakapikit na sinagot ang tawag.

[Pare! Goodmorning!] Napaungol ako ng malakas ng marinig ang boses ng hayop na si Roa sa kabilang linya.

"Tangina mong hayop ka! Its just five in the morning! For fucks sake!" Galit na sabi ko sa kaniya habang nakatingin sa digital clock na nasa bed side table ko.

[May nasagap akong tsismis, Pre! Matutuwa ka sa ibabalita ko.] He chuckled.

I'm still sleepy and this fucker destroyed my sleep! "Gago ka! Masakit ang ulo ko! Huwag mo sayangin ang oras ko! I'll hang u--"

[Gago pare, dito naggy-gym yung chikas mo! Yung abogado! Ise-send ko ang address! Dali!] Bigla akong napaupo sa kama ng marinig iyon. Natahimik ako sandali.

I just found myself hurriedly getting up from the bed.

"Hintayin mo ako diyan." I ended the call.

Dali-dali akong nagbihis ng black fitted shirt at shorts. Agad kong sinuot ang aking running shoes at nagmadaling lumabas ng unit ko. Pagdating ko sa kotse ay naitext na ni Roa sa akin ang address ng gym. Medyo malapit lang pala ito sa tinutuluyan ko.

Napangisi ako. I can see her again.

Nagmamadaling pumasok ako agad sa building na sinabi sa akin ni Roa. Nakita kong papasara na sana ang elevator pero mabuti nalang at naiharang ko agad ang kamay ko. Kamuntikan pa akong hindi makaabot.

"Woo! Mabuti nakaabot ako."

Nakita ko ang isang babae na nasa loob na ng elevator at magso-sorry sana kaso natigilan ako ng mamukhaan ko siya.

Fuck.

Nanlalaki ang mga matang tinitigan ko siya but she turned her gaze on her watch habang ako ay tahimik nalang na pumasok sa elevator na nagsara din agad. Tahimik na pinagmasdan ko lang siya. Damn. She's Beautiful.

Ano ba namang mukha 'yan. Ang ganda!

Nakita kong hinawi niya ang kanyang buhok at inayos ito. I can't help but to just stare at her. Napailing nalang ako at tiningnan ang pagbukas ng elevator. Pagbukas na pagbukas noon ay dire-diretso na siyang lumabas at sumunod naman ako dahil doon din naman ako papunta.

Napahinto siya at may kinawayan na babae na nasa loob gym.

"Oy! Kamusta po, Attorney?" rinig kong sabi ng babae. Hindi na ako nakinig sa usapan nila at dumiretso ako sa kaliwang banda ng gym ng makita kong nandoon si Roa na ngising aso sa akin.

"Akala ko ba hindi ka pupunta?" He said mockingly, and I just glared at him.

"Shut up." I approached the cabinet where they placed the dumbbells. Umupo ako sa harap ni Roa na nakasandal lang sa pader.

"Oy! Attorney pala pare. Yari ka!" Natatawang sabi niya.

I squinted my eyes at him because his voice is too loud. Baka mapansin at marinig kami. Hindi ko pa naman makita si Summer dahil nakatalikod ako sa direksyon niya.

"Fucker just shut up, okay?" mariin na sabi ko.

"Ikaw na nga itong tinutulungan eh, ulol!" Nagtaka naman ako ng bigla siyang yumuko habang nagbibilang ako ng sets. "Ay gago! Nakita ako Zacharias!" bulong niya sa akin. Mahina ko siyang sinipa.

"Tangina mo mag work-out ka diyan!" Asik ko sa kaniya. This jerk just doesn't know how to keep his mouth shut! Madaldal ito kumpara sa akin.

Napapakamot sa ulong na sumunod naman siya at nag push- up sa gilid ko. Pagkatapos ko maka-tatlong sets ay ibinaba ko ang dumbbell sa gilid at nag-inat. Humarap ako sa direksyon kung nasaan si Summer at nakikita kong nagsisimula na siya. Habang nagwoworkout ako ay panaka-nakang tinitingnan ko siya.

"Baka matunaw na iyan oy!" Pang-aasar sa akin ni Roa matapos niyang magbench press.

"Tumayo ka na nga diyan! Ako naman!" Tumayo naman siya agad at ako ang pumalit sa pwesto niya. I can feel my arms burning kaya mas lalong ginanahan akong magwork out. Unti-unti na akong pinagpapawisan. Hindi pa ako nakakatapos ng isang set nang tapikin ako ni Roa.

"Ano ba! Baka mahulog ito sa mukha ko!" Angil ko.

"Pucha, Zacharias! May lalaki doon oh!" Natigilan ako at agad na ibinalik ang equipment sa lalagyan nito bago tumayo mula sa pagkakahiga. I looked at Summer's direction.

My brows furrowed when I saw her face. She's furious. Tinapik ko si Roa sa kamay. "Let's go."

Naglakad kami papalapit kay Summer at sa lalaking kaharap niya. Nakatalikod pa sa akin ang babae pero dumilim yata ang paningin ko dahil sa sinabi niya.

" You're lying! You slapped my ass, you motherfucker!" Galit na galit na siagw nito.

My hands clenched and forms into a fist. "Gago Zac--"

Hindi na ako napigilan ni Roa noong hinablot ko agad ang lalaki at sinuntok sa mukha. I'm gonna break this fucker's face!

Hindi ko alam kung nakailang suntok ako pero parang wala lang akong narinig sa paligid ko. Inaawat na ako ni Roa at hinila patayo.

" GAGO KA! ANG BASTOS MONG HAYOP KA! UMALIS KA DIYAN ROA! PAPATAYIN KO YAN!" Malakas na sabi ko at akmang lalapitan pa ulit ang lalaki nang makadama ako ng kamay sa likuran ko.

Napalingon ako agad at nakita ko si Summer. Parang awtomatikong nalusaw iyong galit na naramdaman ko kanina.

"Stop it please." mahinang usal niya. Unti-unti ko namang ibinaba ang kamay ko at pilit na ikinakalma ang aking sarili. Binitawan naman na ako ni Roa at tinapik ako sa balikat.

Tinitigan ko lang ang babae habang kinakausap ang pulis. I think she's not okay. She's been harassed by someone. Isa ito sa pinaka-ayaw ko. Ang mga lalaking nangha-harass ng mga babae. Women should be treated with respect rather than being sexualized!

"Pre, ayos ka lang ba?" Hindi ko nasagot ang tanong ni Roa sa akin dahil nakatingin pa din ako kay Summer. Lumingon ang seryosong mukha ng babae sa akin.

"Ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ko.

Kiming tumango siya kaya nakahinga ako ng maluwag. Tumawa naman si Roa sa tabi ko kaya pinandilatan ko siya. "Pare, ako iyong nagtanong. Hindi mo lang ba sasagutin? Awit."

Sinamaan ko lang siya ng tingin. "Gago."

Hindi ko alam pero mas lalo yata akong naging masaya noong nagpakilala ako ay inabot niya ang kamay ko.

"Zacharias."

"Summer."

Mas lalo akong natuwa noong tinanggap niya ang paanyaya ko na sabay kaming kumain. Akala ko pa ay hindi papayag ang babae dahil seryoso ang mukha niya, pero bakit ang ganda pa din?

Hindi ko din maitago ang gulat noong tanungin din niya ako na para bang interesado din siya sa akin. Habang pauwi ako noong araw na iyon, I can't stop myself from smiling.

Tangina. Malala na yata ako.

***

"Zacharias! Nasaan si Roa?"

Nagulat naman ako at agad na nakipagkamay sa kaniya. "Engineer, kamusta po? " Tinapik nito ang likod ko at pormal na ngumiti.

"Malabo yatang wala kang kasama ngayon?"

"Kasama ko po si Roa Engineer, baka nandoon po sa loob kasama si Zyrone. " Tumango naman ito.

"Where's your Father? I sent him an invitation, ah?" Natahimik nalang ako.

Mukhang nabasa niya yata ang nasa utak ko at napatawa nalang. "Don't mind him, Iho. Tumatanda lang iyon kaya nagiging masungit."

Nagkausap pa kami ng ilang minuto bago ito umalis para asikasuhin din ang ibang mga bisita. Mabilis na tumakbo ang oras at na-bobored ako dito sa party ng mga Villasco. Lahat ay nag-uusap patungkol sa mga businesses at mga projects. Sumandal nalang ako sa isang mataas na lamesa habang nakatayo.

"Pre, Bored na ba?" natatawang sambit ni Roa nang makita niya ako na tahimik lang sa isang tabi.

"Wala eh, puro projects pa din pinag- uusapan. " Nagkibit balikat nalang ako.

"Ano ba kasing gusto mo pag-usapan? 'Yong magandang abogado na mukhang masungit?" Napahinto naman ako sa pag-inom ng hawak kong kopita. Nakita ko na naman ang nang-aasar nitong ngisi sa akin.

"Tigilan mo ako Roa. " Sumimsim ako ng alak. Lihim na napangiti ako ng matandaan ang seryosong mukha ng babae. Despite the fact that she has a strong personality, it was because of it that I was drawn to her.

"Baka nga willing ka ulit makipagsuntukan kapag may nangyari ulit sa kanyang masama eh!" Dinunggo niya pa ang braso ko matapos sabihin 'yon at tumawa. "

Sinamaan ko siya ng tingin. "Gago!"

"Papatayin ko 'yan! " Panggagaya nito sa sinabi at galaw ko noon.

"Manahimik ka, Roa. Baka masakal kita." Banta ko. Ginalaw-galaw ko lang ang hawak kong baso at napaisip ng malalim.

"Awit ka, Pre! You've only recently met her. Ano 'yon? Gusto mo na agad?"

I sighed heavily. "It's not always about how long you've known the person. I just..."

"Just? Hulog na hulog?!" nakangising sabi nito na parang inaabangan ang sasabihin ko.

"Just attracted to her." maikling sabi ko bago napailing. " I'm just attracted to her. "

Nakataas ng kilay niya. "Ohh... ganda nga no'n. Pero may hawig 'no? Alam ko talaga may hawig yung hugis ng mukha e---"

Napailing ako at binatukan siya ng malakas. "Nag-iimagine ka na naman. Tumahimik ka nga."

Umaksyon siya na parang isinasara ang bunganga. "Okay. Shut up na ang gwapong si ako! Baka manuntok ka na diyan."

Tiningnan ko ang relo ko. It's already 9: 36 in the evening. Nawalan na din ako ng gana pa sa party na iyon kaya binalak ko na umalis.

"I should go. I still have meetings tomorrow."

He tapped my shoulder. "Sige ingat ka, Pare! Ako nalang magsasabi kay Matthias!"

I simply nodded and walked out of the massive pavilion. I got straight to my car and drove away.

I was driving near a park when I saw a familiar face. Niyayakap niya ang kanyang sarili habang naglalakad. She was trembling and seemed to be lost. I was shocked to see her in this place. It was completely deserted, and the streets were secluded as well.

I became extremely worried about her. Baka mapaano siya. I slammed on the brakes and dashed towards her. Ano ang ginagawa niya dito ng ganitong oras?

"S-summer?" I said while standing behind her. Tama nga ako. Siya nga.

She immediately turns her head in my direction. Napansin ko na naka-sando lang siya at naka-palda. When I saw her without any slippers or shoes, my heart ached a little. Nagulat ako ng bigla siyang humikbi ng malakas. Her eyes were sorrowful, and tears were streaming down her cheeks.

Without thinking, I held her in my arms and caressed her hair.

"Shh... Everything will be okay."

Her cries grew louder, and she clutched at the hem of my shirt as if it were the only source of strength she had.

I just stood there, holding her in my arms and listening to her agonizing cries of pain.

"I'm here..." Mahinang sambit ko habang nakayakap ang braso niya sa akin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top