Kabanata 36

Is this some sort of cruel joke?

Hindi makapaniwalang ibinaba ko ang papel na hawak ko. I felt a stab of pain in my chest. I inhaled sharply while trembling.

No way...

No fucking way!

"Are you alright, Attorney Quin? You seemed... shocked."

Napalingon ako kay Attorney Ortalejo na nakatingin sa akin. Humihingal na napahawak ako sa aking dibdib. Happy thoughts, Sam! Happy thoughts!

Think of Zacharael!

Napahugot ako ng malalim na hininga bago ako kumalma. I immediately stood up and I nearly fell because my knees went weak. "J-just take care of the paperwork, A-attorney..." nanghihinang saad ko. My head felt light, and I thought I was dreaming... but it was a nightmare!

"Alright, but are you sure you're okay?" Naniniguradong tanong nito sa akin.

I managed to nod toward him and went to get my calling card. "Just give me a call to get the details. I'll definitely return right away. T-thank you for your time."

Hindi ko na alam kung ano pa ang sinabi niya pero nakita ko nalang ang sarili ko na naglalakad palabas sa kanyang opisina. Nakita kong nanginginig ang aking kamay. Pakiramdam ko ay namutla ako at nakalutang.

H-hindi pwede!

This is not happening!

"Sam! Anong nangyari? Ang putla mo!"

Napahawak ako sa hamba ng pintuan at tumingin kay Dawn na nanlalaki ang mga mata na inalalayan ako agad.

Hindi ko na napansin na tumutulo na pala ang mga luha sa aking pisngi.

"D-dawn."

"What's going on?"

I swallowed hard and found the appropriate words to say. "He's the one who... who bought our house," I said to her in a trembling voice. "He bought it."

"What? Who?" Kunot noong saad ng babae.

I sobbed and was cradled in her arms for comfort. "Zacharias."

Nakita ko agad na umawang ang labi niya. Naramdaman ko muli ang galit at pagkamuhi ko sa lalaki. How dare him! Ang kapal ng mukha niyang bilhin ang bahay namin! Where did he get the guts? Narito na naman siya para sirain at guluhin ang buhay ko!

Pinagmasdan ako ni Dawn ng seryoso at inalalayan para makalakad ako ng maayos.

"Let's go, Sam."

Tumango nalang ako at sabay kaming umalis sa lugar na iyon. Habang nasa loob ng sasakyan ay nakatulala lang ako pero sa loob-loob ko ay nanggigigil ako sa galit.

Ang kapal talaga ng mukha niya para gawin iyon! Hindi ba siya nahihiya sa akin? Hindi man lang niya naisip na may nakaraan kami tapos bibilhin niya ang bahay namin kung saan ako lumaki?

"That's really unexpected, Sam. "

I looked at her and I saw how her hand gripped the steering wheel. She's also mad.

"Ang kapal ng mukha!" puno ng poot na saad ko.

Sa lahat pa ng pwedeng bumili ng bahay namin ay siya pa talaga! Napakaswerte ko talaga sa buhay! Parang pinaglalaruan lang ako ng tadhana.

"Anong gagawin mo? Kung ako ay hahayaan ko nalang kaysa magkita pa kayo ulit, Sam."

Naramdaman ko ang pagkuyom ng aking kamay at galit na nagsalita. "It's not that I'm the one who ruined our relationship. Bakit ako mahihiya? Siya ang dapat na mahiya sa aming dalawa! He's a cheater!"

I heard her sigh heavily. "Kakausapin mo ba siya?"

Natahimik ako saglit at nag-iwas ng tingin. Pilit kong tinatagan ang boses ko kahit para na akong nauupos na kandila sa loob. "K-kailangan. Hindi ako papayag na ipagbili ang bahay namin, Dawn. Importante iyon sa pamilya ko...kahit wala na sila." mahinang sambit ko at tumingin sa labas ng bintana.

I haven't visited their graves in two years. Umiiyak lang ako tuwing anibersaryo ng pagkamatay nila habang nandoon ako sa California. Ikinukulong ko lang ang sarili ko sa lungkot. Mas lalong hindi ako nagce-celebrate ng pasko, dahil naaalala ko lang si Mama na namatay sa mismong araw na iyon. It was heavy and I felt my eyes heating up again. Hindi ko pa rin maiwasang umiyak tuwing naaalala siya, si Daddy at Kuya Luke.

"Masyado naman yatang maaga para iwan niyo akong tatlo," mahinang bulong ko habang nakatingala na ngayon sa kalangitan.

Napakurap ako para maalis ang nagbabadyang luha sa aking mga mata. Hindi ako dapat maging mahina sa oras na ito. I have a son of my own. He's the one that matters the most right now. Kailangan kong makaalis agad dito sa Pilipinas kaya kailangan kong kausapin ang lalaking iyon sa madaling panahon.

My wounds are still here, but I can pretend that they don't hurt anymore. I don't want to give him the satisfaction that he has hurt me. Masyado na siyang sinuswerte para pag-aksayahan ko pa siya ng luha.

Hinarap ko si Dawn at tiningnan. "C-can we come over to our house, Dawn?"

"Are you sure?" she asked.

I nodded. "I want to see it again. K...kahit sa labas lang."

Bumuntong-hininga siya bago nakakaunawang tumango. Naging tahimik ang paligid at hindi kami nagkikibuan. My insides were in chaos and I didn't know what I was feeling. It evokes a range of emotions. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa lalaki kung muli ko siyang makakaharap ulit. Baka kapag magkita kami ay masampal ko lang siya sa sobrang galit.

Hindi ko alam kung bakit niya binili iyon o bakit siya nagka-interes sa bahay namin. Ang sigurado lang ako ngayon ay gusto niya lang akong pahirapan. Kulang pa ba lahat ng napagdaanan ko dahil sa pag-iwan niya sa akin? Putangina niya. This time will be different than before. I'm not going to back down this time since he pulled that stunt to re-enter my life.

"Sam, you can lower the window."

Tahimik na tumango lang ako at dahan-dahang ibinaba ang bintana ng sasakyan. As I stared at our house, I felt the familiar pain seeping through my chest. It still had the same appearance on the outside as before. Gusto kong pumasok at tingnan kung naroon pa din ba ang mga gamit namin o kung ganoon pa rin ba ang itsura ng loob.

"After you left, we paid your helpers. They, too, were saddened by what had happened." Mahinang sambit niya.

Tahimik lang ako habang nakatanaw sa bahay namin. I want to take a look inside, but my body is not cooperating. Ayaw nitong gumalaw para lumabas. I sighed heavily as my tears fell on my cheeks. Ang bilis naman ng panahon. Parang kailan lang nung umalis ako. Sa ganitong sitwasyon pa talaga ako nakabalik dito ulit. Mahirap pa din pero kakayanin ko. I'll figure out a way to persuade him to back out.

"Sam! Let's go!"

Napabaling ako kay Dawn ng dali-dali niyang pinaandar ang makina ng sasakyan.

I wiped away my tears as I looked at her, perplexed. "Ha? Bakit?"

Umilap ang mata niya. "B-basta! Let's go!"

Napatingin ako sa kaniya at para siyang sinisilihan sa kanyang kinauupuan. Lumingon ako sa harapan at nakita ko ang isang lalaki na nakasuot ng puting sando at black pants. Nakatalikod ito sa amin kaya hindi ko namukhaan. Dumapo ang tingin ko sa braso nito na may malaking tattoo na umabot hanggang sa kanyang pulsuhan. On his right arm, the tattoo appeared to have grown into a sleeve. Kasalukuyang may tinitingnan itong malaking papel habang nakatingin sa bahay namin. Nakita ko ang pagkamot nito sa batok habang nakatingin sa bahay.

He seems familiar.

"Who's that?"

Nakita ko ang pagnginig ng labi ni Dawn at pinaharurot ng mabilis ang sasakyan. I clutched the seatbelt tightly, like my life depended on it. Napapikit ako ng marahas na lumiko ang sasakyan na para bang may humahabol sa amin. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa bilis niyon! Ganitong-ganito makipagkarera ang babae!

Hindi na ako nagulat ng makarinig ako ng iilang mga busina. Malamang ay nagmula iyon sa mga sasakyan na nalampasan namin.

"D-dawn...Slow down." Nanginginig na sambit ko habang nakapikit. I can feel the erratic beating of my heart. Hinahangin ng malakas ang buhok ko dahil hindi ko na naisara ang bintana kanina.

"Shit!"

Halos masubsob ako sa harapan ng biglang huminto ang sasakyan. Narinig ko pa ang malakas na tunog ng gulong. Agad na iminulat ko ang mga mata ko at gulat na nakatingin kay Dawn na seryoso ang mukha na nakatingin sa harapan. Mahigpit ang kapit niya sa manibela ng sasakyan.

"D-dawn naman..." Humihingal na saad ko sa babae habang humihinga. Pakiramdam ko ay para akong liliparin sa bilis ng pagpapatakbo niya.

Narinig ko ang mahinang pagtawa niya hanggang sa naging halakhak iyon. Naiiling na tumingin siya sa akin at tinapik ako sa balikat.

"I'm sorry, Sam. Adrenaline rush."

Napasimangot ako sa sinabi niya at malakas na tinapon ang bottled water na nasa gilid ko patungo sa kaniya. Tumatawang inilagan niya lang iyon.

"You bitch! Nanginig ako doon!" Malakas na saad ko sa babae.

Tumawa lang siya sa sinabi ko. "It's been a while since I've raced. It felt good!"

Napailing nalang ako at bumuntong-hininga ng malakas. Race car driving was her hobby even before. Kaya din galit na galit ang Mama niya sa kaniya dahil dito. We've supported her all the way, so why not? If that's something we are passionate about doing, then so be it.

"You know how much I despise driving fast. Pwede mo iyang gawin kapag wala ako sa loob ng kotse mo!" Palatak ko sa kaniya, pero tumawa lang siya ulit at lumingon sa akin.

"Yeah right! You just loved looking at me while I raced!" mayabang na sabi niya sa akin. I just rolled my eyes at her.

"Whatever." Mahinang sambit ko at huminga ng malalim. Natahimik ako saglit ng maalala na kailangan ko ng harapin ang taong ayaw ko nang makita pa ulit sa buhay ko. Noong pinagpasyahan ko na bumalik dito ay ni hindi siya kasali sa mga rason ko. He was not even on my list! Pero ngayon ay parang pinaglalaruan ako ng tadhana.

"Kailan mo siya pupuntahan?"

Nanghihinang napasandal nalang ako sa upuan at tumingala. Ipinikit ko ng mariin ang mga mata ko bago binalingan si Dawn na nakamasid lang sa akin. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isipan niya.

"Baka bukas. I just don't know where he is. " Minasahe ko ng bahagya ang aking ulo. Sumakit ang ulo ko sa mga nangyayari. I can't even digest it.

"I know. He's the current head of Ruscitti Corporation. The structure was located in Makati."

Marahang tumango ako habang nanghihina. "Okay. Maybe I'll just go to where he is the next day. I need to get this done. "

Bahagyang ngumiwi si Dawn sa akin. "Mabuti sana kung pumayag agad."

Kumibot ang labi ko dahil sa sinabi niya. "Wala siyang rason para hindi pumayag. Talagang wala na siyang natirang hiya sa katawan kung ipagpipilitan niya ang gusto niya. Baka kapag ako ang humarap mismo ay magkaroon siya ng hiya sa ginawa niya sa akin." Naiinis na saad ko.

After that, I tried to ask several acquaintances about the whereabouts of Tito Lawrence. Kailangan ko talagang makausap ang lalaki. I wanted to know the reason why he wanted to sell our house. Hindi niya naman gagawin iyon kung hindi niya kailangan talaga ng pera pero hindi pa din maganda ang ginawa niya. Dapat ay pinahanap ako nito kesa ibenta agad ang bahay. Para nalang din nitong tinanggap na namatay ako dahil sa biglaang pagkawala.

When we didn't get information about him, we went back to the hotel. This time ay alam kong gising na ang anak ko. I wanted to see his face because it made me feel better. Pakiramdam ko ay naaalis niya ang bigat na dumadagan sa aking dibdib.

When we entered the suite, I already heard his cute laugh and Olive's voice. Nakita kong kinakantahan ni Olive ang anak ko habang kinakarga ito.

"Hey."

Agad na napatingin sa amin ang babae at malawak na ngumisi. "Oh, nakabalik na agad kayo? Anong nangyari? Is it settled already?" Kunot-noong saad niya.

Nagkatinginan kami ni Dawn at nahahapong lumapit ako papunta kay Olive para kunin si Zacky. Masayang tumatawa ang anak ko ng makalapit ako sa kanila.

"It was unexpected, Oli." rinig kong saad ni Dawn. I didn't mind her and just played with my son's tiny hands. I breathed heavily and my mind is in total chaos right now. Hindi ako makapag-isip ng tama.

"Why? What happened?"

Naglakad ako papunta sa sofa at umupo doon. Nakita kong sumunod si Dawn, at tumabi sa akin. Magaang hinalikan niya sa ulo si Zacky bago hinarap si Olive na naghihintay ng sasabihin niya.

"Someone had already bought the house, but the payment was still being processed. There is already an agreement on the sale of the house. " Pagkwento ni Dawn habang nakadekwatro ang binti. Tahimik lang ako na nakaupo sa gilid niya at niyakap si Zacky.

"What? Nabenta agad? Ang bilis naman."

"Right? But can you guess who bought it?" Nakita kong napatingin pa sa akin si Dawn bago hinarap si Olive. "It was Zacharias."

I looked up to see her reaction and it was the same as I had. Her mouth hung open and disbelief was visible in her eyes like she couldn't believe that it was happening. Ako din naman. Hindi ko inaasahan iyon.

"Fuck! Are you kidding?!" Gulat na saad nito at napasapo sa sariling noo. "My God! Sa lahat ng pwedeng makabili, siya pa talaga? How ironic!"

Napatango si Dawn sa sinabi ng babae. "Yeah, right? "

Nag-aalalang binalingan ako ng tingin ni Olive. Alam kong nag-aalala na ito ngayon sa akin. "Anong balak mo Sam? For me, you can just let go of that house. I know it was important to you-"

Marahas na umiling ako. Hindi pwede. I disagree with her. " I can't, Olive. Ayokong mawala iyon sa akin. My life was built and witnessed in that house. I need to do something to get it back. "

She sighed heavily. "So okay lang na makita mo siya ulit?" Napatingin siya sa anak ko na nasa kandungan ko. "What about Zacky? You said that you didn't want him to know about the fact that you had a child together. "

I bit my lower lip and looked at Zacky. Kahit anong mangyari, hindi ko siya idadamay dito. He will stay hidden.

"I'll make sure that he will not know about this, Oli. I'll take care of it. " Mahinang sambit ko sa kaniya.

"Alright, but please, if you talk to him and he refused immediately, that's it, okay? Isusuko mo na ang bahay niyo. Do you understand, Sam?"

I met her gaze and I absentmindedly nodded.

Napatingin ako agad sa cellphone ko ng mag-ring iyon. Pinabuhat ko muna si Zacharael kay Dawn bago kinuha ang cellphone. Napangiti ako ng makitang si Caleb iyon. Nakisilip pa si Dawn at napangisi ng mabasa ang pangalan. Kinindatan lang ako nito na ikinailing ko.

"I'll just answer this. "

"Enjoy it, Sam." Nakangising saad ni Dawn bago sinabi kay Olive na si Caleb ang tumawag. Nakarinig nalang ako ng hagikhikan. Tinalikuran ko na silang dalawa bago ko pinindot ang answer button habang naglalakad papunta sa kitchen.

"Hello?"

[Hello, Summer!] he paused. His voice was happy. [How are you? Si Zacharael?]

Napangiti ako dahil doon. Mukhang namimiss na yata agad ang bata. "We're okay, Caleb. He's with Olive and Dawn on the sofa. " Mahinang sagot ko habang sumasandal sa kitchen counter.

"Oh, mabuti at nagpakita ka sa kanila, Sam. Ilang beses ka din nilang tinanong sa akin noon." Ikinakunot ng noo ko ang sinabi niya.

Wait? So my friends asked him?

"Tinanong ka nila kung nasaan ako? Bakit hindi mo sinabi sa kanila?" Naguguluhang tanong ko sa kaniya. Madali niya lang akong malalaglag sa kaibigan ko at siguradong pupuntahan agad ako ng dalawang 'yon.

I heard him sigh deeply and speak softly. [It was what you wanted, Sam. You know that I always go with your decisions. If you are ready at that time, sasabihin ko sa kanila, but you are not. Ayaw lang kitang pangunahan.]

I felt something warm envelope my chest because of what he said. He was always considerate of my feelings. Lagi niya talagang inuuna kung ano ang gusto ko at kailangan ko. Isa iyon sa mga rason kung bakit napakahalaga na niya sa amin ni Zacharael. My son loved and adored him so much, like he was his father.

[Are you okay? Kaya mo pa ba diyan?]

May bahid na pag-aalala ang boses niya. Napalunok ako ng mariin. Of course, kaya ko pa dahil hindi ko pa nakakaharap si Zacharias. But I do not know what will happen if we get to see each other in the flesh. It will be awkward.

"I-I'm okay. I have already met my father's attorney. We talked about it."

[That's good! So ano? Naibalik na sa'yo ang bahay?]

Natahimik ako dahil doon. I can feel my hand sweating. "A-ahm... ano kailangan ko pang mag-stay para sa mga papeles." I half-heartedly lied to him.

I'm not going to tell him that Zacharias bought the house. Siguradong magagalit ang lalaki at pipilitin na akong umuwi sa California na hindi pa nababawi ang bahay. He didn't even like hearing his name. It was almost as if it was a bad word that shouldn't be spit out.

[Alright, just call me if something happens, okay? Don't worry, I'll go there after I finish this paperwork.] He paused. [I miss you and Zacharael.]

I unknowingly smiled again because of what he said. I've become used to it. Nasanay kasi din ito na lagi kaming nakikita ng anak ko. "We miss you too, especially Zacky. He's happy when he hears your name. "Masayang saad ko dito para maibsan naman ng konti ang pag-aalala niya sa amin.

[Kiss him for me. By the way, Nanay Myrna also misses you, too. Hindi sanay na wala kayo.]

Nalungkot ako dahil doon. Mag-isa lang siya doon sa bahay ko. She might be lonely. "Can you make sure that she's okay? She might be sad in that house alone, Caleb. Please check on her. "

[Yes, I will. Take good care of yourself while I'm away, Sam.] Malambing ang boses niya.

"Yes, of course. I'll hang up now. Ingat ka din. "

He chuckled softly. [I can't wait to be there with you. Bye.]

Napapailing na ibinaba ko ang tawag. Bumalik ako sa sala at nakita na ang dalawa na hinaharot na si Zacharael na tumatawa. Tiningnan ko ang umaalog nito na pisngi na naghatid ng ngiti sa mga labi ko. Mabuti nalang at masiyahing bata ang anak ko kahit ipinagbuntis ko siya na puno ng sama ng loob at sakit sa dibdib ko. Ilalayo ko siya at poprotektahan sa mga bagay na makakasakit sa kaniya. Ayokong maranasan niya din ang naranasan ko.

"Bakit nakabusangot 'yang mukha mo?"

Napatingin sa akin si Olive habang nakatayo malapit sa bintana kung saan tanaw ang kamaynilaan. It was already near midnight but we are still awake. I was holding a cup of coffee in my hand. Ngumiti lang siya sa akin at agad na tinungga ang hawak niyang beer. Maging si Dawn sa gilid niya ay tahimik lang din na umiinom ng bote ng alak.

"May mga problema ba kayo? Bakit kayo umiinom?" Tanong ko sa dalawa na bumuntong-hininga lang.

"Wala naman. It's just a celebration dahil nandito ka na, Sam."

Naningkit ang mata ko kay Olive at inismiran siya. "Don't lie to me. I may be gone for two years, but I will still know you two. You're easy to read. " Umupo ako doon sa tabi nila.

Kaming tatlo ay nakaharap sa malaking glass window. I silently sipped my coffee while waiting for them to answer and then placed it on top of the small table.

"Nahihirapan na ako, Sam," Malungkot na usal ni Olive. Parehas kaming napalingon sa kaniya ni Dawn.

"What happened?" I asked. Nakita kong inabot ni Dawn ang kamay ni Olive at hinawakan.

"You can tell us."

"N-nakakapagod din pala, ano. Itong ganito. Ang spotlight." Nanginginig ang mga labi na sambit ni Olive.

Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Dawn at uminom sa hawak niyang beer. "Tell me about it."

Mahinang tinapik ko ang likod niya. I kept my mouth shut because I wanted her to tell me how she truly felt. Naiintindihan ko siya. Almost all her life, she was in the limelight. It was not an easy road to take, but she willingly worked hard for it. Nakita ko ang lahat ng hirap na pinagdaanan niya.

"A-ang hirap. Parang wala na akong ginawang desisyon na para sa sarili ko. I was like a puppet. Sunod-sunuran sa mga gusto nila to the point na parang ayoko na." Nararamdaman ko ang pagod at sakit sa boses niya. I hugged her when I heard her sobbing.

"Nandito lang kami para sa'yo, Olive." Si Dawn habang tinitingnan ang umiiyak na babae. My heart tightened at the mere sight of her crying.

"Putangina! Gusto ko namang mabuhay na para sa sarili ko naman. I've already lived my life for them. To provide for them Siguro napagbayaran ko na ang lahat ng nangyari noon? Hindi pa ba sapat lahat hanggang ngayon? " She wiped her tears away, but it was in vain. The tears kept flowing.

"Kapag hindi mo na kaya, just try to free yourself. I think it was enough, Olive. " Mahinang sambit ko sa kaniya at hinalikan ang pisngi niya. I smiled as I gently wiped the tears from her cheeks. "You have to live too."

Tahimik na pinagmasdan niya lang ako habang nakangiti ako sa kaniya. "How I wish that... that I could be strong like you, too."

Napatingin ako kay Dawn ng sabihin iyon ni Olive. I can see that she's tearing up too while looking at me.

"Both of you, come closer. " I said to them.

They drew closer to me right away. Dawn went to my right side and Olive was on the other side. I alternately stared at them and smiled, "I know we're bruised and tired of whatever is going on in our lives, but we have to remember why we choose to live and be strong every single day," I hugged them and caressed their hair. "If you discover the reason, you will be stronger than I am."

"Being a mother really suits you, Sam," Dawn chuckled as she hugged me.

Naramdaman ko ang mahinang pagtango ni Olive sa bisig ko. Napangiti ako dahil doon. "Like how both of you were there for me in my darkest days, you guys can lean on me as well."

The night breeze was cold, but my heart was warm. I got to see them both again and was able to care for them like I used to before. I just want them to be happy. They both deserve it... ang maging masaya, kahit hindi na para sa sarili ko. Kontento na ako doon.

***

I closed my eyes several times before I managed to get out of the car. My palms are sweating, and I can feel the anxiousness eating away at me. I noticed the worry in Olive and Dawn's eyes when I looked inside the car. I tried to convince them that I was fine by smiling in front of them. I hid my trembling hand behind my back. I don't want them to see it. Baka bigla nalang nila akong hilahin at hindi na ituloy ito. Mula kanina pa ay tinitingnan na nila ang reaksyon ko.

"M-mommy!"

Biglang napakurap ako ng marinig si Zacharael na tinawag ako. I smiled happily and bent down to give him a soft kiss on his forehead. I stared at him for a while and then looked at my friends.

"Are you sure about this, Sam?"

Even though I was uneasy, I nodded to Dawn and forced a smile. Kaya ko ito. I need to do this. I will do this in memory of my family. I'll make sure I'll get that house back again.

Olive's face was covered with a face mask and she reached for my hand to gently squeeze it. "Doon lang kami sa parking ng malapit dito na Mall maghihintay. Just call us after okay?"

I nodded and gave them a flying kiss before I had the courage to look at the tall building on the other side of the road. Mahigpit na hinawakan ko ang bag ko na parang doon ako kumukuha ng lakas.

You can do this, Summer.

You definitely can.

I exhaled deeply before walking across the street. I confidently walked until I reached the entrance of the building. I looked up to see how tall it was. When I entered the building, I simply showed my ID when they asked me about it and also I said that I had a meeting even though I didn't have an appointment.

Nang makapasok ako, ay halos mahilo ako sa dami ng tao na naglalakad sa paligid. They're all dressed formally, and they're all busy doing what they are supposed to do. I stared at myself and I was just wearing a casual maroon dress that hugged my body. My short hair was permed at the bottom and I just wore casual pumps. I only use light make-up to appear presentable and convincing para mamaya. I want to look fierce and intimidating.

Nagpalinga-linga ako sa paligid para makakita ng tao na pwedeng pagtanungan kung saan ang opisina ng CEO nila.

"Excuse me-"

Natahimik ako ulit ng nilampasan lang ako ng babaeng tatanungin ko sana. Dismayadong tumingin muli ako sa ibang direksyon at lalapitan sana iyong lalaki na nakaupo kaso agad na umalis na may dala-dalang mga papeles.

Luminga ako ulit at natuwa ng may makita akong lalaki na naglalakad papunta sa direksyon ko. Nakayuko ito, at may hawak na parang blue print sa kamay. I didn't see his face because it was covered by the paper that he was holding. Nang malapit na siya sa akin ay hinablot ko kaagad ang kamay niya.

"Tangina-"

Agad na nanlamig ako ng makita ang mukha ng lalaki. Maging siya ay nagulat ng makita ako. Kumurap-kurap pa ito at nakita kong marahan niyang pinisil ang kanyang sarili para siguro malaman kung totoo ba talaga ang nangyayari o hindi.

Ibinaba nito ang papel at basta nalang itiniklop habang gulat na gulat na nakatingin sa akin. He looked at my face and at my hair. Para akong sinilaban at tinanggal ang hawak sa kaniya saka alanganing ngumiti. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko dito dahil matagal ko na ito huling nakita. Noong kami pa ni- Nevermind.

I awkwardly smiled at him and caressed my nape just to ease the tension that I was feeling. He was wearing a light blue long-sleeved polo and black slacks. His hairstyle looked sleek but neat. Although he looked formal, I still saw his lively personality.

"H-hello, Roa..."

"Pucha! Ikaw ba 'yan, Attorney?" Nanlalaki ang mga mata na bulalas niya sa akin at napatakip pa sa kanyang bibig. Kiming tumango lang ako sa kaniya. Sa lahat ng makakasalubong ko, siya pa talaga ang nakita ko. Ang swerte ko talaga!

"K-kamusta ka na? Wow! Mas lalo kang gumanda, Attorney. Matagal na kitang hindi nakita." nakangiting sambit nito sa akin.

I nodded and tightened my grip on my bag. "A-ah... Oo nga eh... I-I'm okay. "

Luminga siya sa paligid at masayang tiningnan ako. "May pupuntahan ka ba dito?"

Napaamang ako sa tanong niya. Hindi niya alam na ang pakay ko dito ay ang mismong kaibigan niya. "A-ahm... Ano...A-"

He chuckled lightly and scratched his head. " Huwag kang mahiya sa akin, attorney. I got you! Now, sino yung hinahanap mo? May kilala ka dito?"

I cleared my throat before I answered him in a low voice. "I-I'm looking f-for the CEO. I need to... ahm...talk to him." Napapikit ako ng manginig ng bahagya ang boses ko.

"Ahh... Yun lang pala. Yung CEO- What?!"

Seryosong tiningnan ko na siya ng makita ang hindi makapaniwalang ekspresyon sa mukha niya. "I need to talk to him, Roa." Pag-ulit ko sa sinabi ko.

Natahimik siya saglit at biglang sumeryoso ang mukha. Binalingan ako nito ng tingin na parang may malalim siyang iniisip. "Sige. Dadalhin kita sa kaniya. "

Napabuga ako ng hangin nang magsimula na siyang maglakad. Tahimik lang ako na sumunod sa lalaki. Bawat hakbang ko ay mas lalo lang akong nanginginig. I kept my cool and breathed heavily as we walked towards the elevator.

Ramdam kong panaka-naka niya akong tinitingnan para makita siguro kung nakasunod pa ako sa kaniya. Nang bumukas ang elevator ay agad na pumasok kami. May nakasabayan pa kaming dalawang empleyado na parang kilala ata si Roa.

"Sino 'yang kasama mo engineer? Jowa mo?" Usisa nung babae na naka-salamin na pilit akong tinitingnan, pero deretso lang ang tingin ko sa harapan.

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Roa. "Pasalamat ka, Tessa tayo lang ang nakarinig niyang sinabi mo. Siguradong masesesante ka niyan kapag narinig ka ng bugnutin na bossing. "

I inhaled deeply and clutched my chest.

My heart is pounding erratically, and my legs are trembling slightly. I sighed heavily in order to restrain myself from hyperventilating. Hindi ko iyon pinahalata. I need to maintain my composure.

Kaya ko ito.

This is going to be simple. I've always imagined what I would do if I ran across him again. I'm confident. I know exactly what to say and do.

The ride inside the elevator felt like forever. Pakiramdam ko ay sobrang tagal na namin sa loob. Napamulat lang ako ng bumaba yung dalawang sabay namin sa ika-tatlumpu't tatlong palapag.

"Okay ka lang, Attorney?"

I nodded toward him and forced a smile. "Of course."

As I watched the number on the elevator rise, my lips trembled. Tuluyan na akong hindi nakahinga ng maayos ng bumukas ang elevator. Narito na kami sa ika-tatlumpu't limang palapag.

"Let's go to his office. Naroon siya ngayon."

"S... Sige."

Nauna na siyang maglakad sa akin habang ako ay dahan-dahan dahil nararamdaman ko ang panginginig ng aking mga binti dahil sa pinaghalong takot at nerbyos. Ngayon ko ulit makikita ang lalaki. My insides were screaming that I shouldn't go, but my desire to finish what I'm supposed to be doing here was even stronger. I'm not going to leave this place empty-handed.

Nakakita ako ng malaking pintuan sa 'di kalayuan sa akin. Doon ko na talaga naramdaman ang panginginig maging ng mga kamay ko. Nakita ko ang isang lalaking nakaupo sa labas ng opisina, wearing a tux.

"Good morning, Engineer Roa. "

Nakita kong kinawayan lang ito ni Roa at itinuro ako. "She's his guest. Ihahatid ko lang. "

Tumango iyong lalaki at ngumiti sa akin. Sinuklian ko din ito ng maliit na ngiti. Baka siya ang sekretarya.

Nang tumingin ako ulit sa harapan ko ay kumakatok na si Roa sa pintuan. Doon na nagsimulang tumambol ng husto ang dibdib ko at literal na nanginginig ang mga binti ko. Para akong sinikmuraan sa sobrang kaba. I can feel my hands are getting cold.

"Boss, may naghahanap sa'yo." Pagsalita niya bago binuksan ang pintuan. Humugot ako ng malalim na hininga at ikinuyom ang aking mga kamay.

"Pasok ka na," nakangiting tiningnan ako ni Roa.

Tumango ako at dahan-dahang naglakad papalapit sa hamba ng pintuan. My hands were trembling while holding my bag, and closed my eyes for a few moments before entering the office.

Every step I took felt like I was walking through a foreboding forest as if I was about to become lost in that dark place once more...

"Who's looking for me-"

I can feel my world getting darker and filled with shadows of pain that engulfed my whole being. I found myself standing again on a cliff, ready to fall into the abyss where I was once before.

Akala ko ay simple lang... na madali lang.

Pero hindi pala ganoon ang mararamdaman ko. Hanggang ngayon, ramdam ko pa din ang sakit sa loob ko.

My insides, as well as my lips, trembled. I swallowed hard as I met his gaze. I felt my chest become heavy and the heaviness of it slowly pierced into my heart. It was excruciatingly painful.

I didn't realize I wasn't breathing until my eyes began to heat up. Naramdaman ko agad ang panghihina ng katawan ko na parang nawalan ako ng lakas.

Nakita ko ang pag-awang ng mga labi niya habang madiing nakatitig sa mga mata ko ang pamilyar na kulay-kastanyo niyang mga mata. Mga mata na tulad sa anak ko.

"S-summer...."

There he was... The man I thought I will never see again.

The only man I've ever loved chose to destroy every ounce of love I had inside of me. The person who shattered every single part of me... into tiny, small pieces until they were flung into the air as dust.

Engineer Zacharias Valencia- Ruscitti.

He was now staring directly at me without even blinking.

Fuck.

The man who already broke me two years ago...

as well as the father of my two-year-old child, whom I kept hidden from him.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top