Kabanata 30

Saan ba nagsimulang nagbago ang lahat?

Umiiyak ako habang niyayakap ni Dawn sa gitna ng ulan. Hindi ko na alam ang gagawin ko. It was too much.... too much pain. Do I deserve this?

Agad na tinanggal ko ang yakap sa akin ni Dawn at nanghihinang tiningnan ang babae. "Leave me alone."

Agad na umiling siya and natatakot na tiningnan ako. "No way, Sam! Dito ka lang!"

Wala akong nagawa kundi ang itulak siya ng malakas paalis sa akin. Nakonsensya ako agad ng masubsob siya sa basang semento ng parking lot. Wala akong inaksayang segundo at agad na kinuha ang bag ko at kinuha ang susi sa loob niyon pati cellphone. Itinapon ko ulit iyon sa semento.

"Sam! Saan ka pupunta?" natatarantang saad niya hawak ang nasaktang braso.

I looked at her and the fear in her eyes was visible. I looked at her while sobbing. "B-babalik din ako. I'm sorry."

I slammed the car door closed and immediately started the engine. I was soaking wet and crying. Agad na nilock ko ang pinto ng makita ko si Dawn na hinahampas ito at sinusubukang buksan.

"Sam! Open the door! Sam!" She shouted while banging the window. Malungkot na tingnan ko ang babae at agad na pinasibad ang sasakyan paalis. Nakatanaw nalang ito sa akin sa likod.

I was crying while driving in the heavy rain. Gusto kong makita si Zacharias! Gusto kong malaman kung bakit niya ito nagawa sa akin! Pinagkatiwalaan ko siya! Minahal ko siya ng buo!

Paano niya nakaya na gawin ito sa akin?

Humihikbing nagmamaneho ako sa basang daan. Mas lalo akong napaiyak ng makita ang mga Christmas lights sa daan. It was only four days before Christmas. Akala ko ay makakasama ko ito ngayong pasko... but why does everything turn out to be like this?

Galit na galit at nanginginig na pinaharurot ko ng mabilis ang sasakyan patungo sa direksyon kung nasaan ang condo niya. Alam ko na nandoon ito! Kakausapin ko siya!

Wala na akong pakialam kahit naka red light. Hindi ako huminto. Dumiretso lang ako sa pagmamaneho habang tumatangis ng malakas. Sumisigid ang sakit at kirot sa buong pagkatao ko.

Unang beses kong magmahal pagkatapos magiging ganito?

My phone rang, but I immediately dismissed the idea of answering it. I know it was my friends. Tatanungin ako kung nasaan ako. Itinapon ko ang cellphone ko sa backseat.

When I parked outside the condo, I heard my tires screech. Agad na lumabas ako sa sasakyan kahit umuulan ng malakas. Nakakuyom ang kamao na pumasok ako sa loob ng building at hindi na nag atubiling batiin ang babaeng nandoon sa front desk. Nararamdaman ko ang titig nito saakin habang naghihintay ako na bumukas ang elevator. Sino ba namang hindi ang titingin sa akin? I was soaking wet and crying.

I jumped in and pressed the floor where he's in right away. I was so mad and hurt. I don't know what I would say in front of him. Ang kapal ng mukha niya!

Tumutulo ang basang damit ko sa sahig ng elevator. I was trembling because I was cold and I was still crying. I can't believe that I'm experiencing this kind of pain right now.

Parang masayado naman yatang mabilis kinuha sa akin ang kasiyahan ko?

I walked out of the elevator and tumakbo papunta sa harap ng pintuan ni Zacharias. I loudly banged the door using both of my hands while crying in agony.

"Zacharias! Open the door! You asshole!" I shouted loudly, but my heart was breaking inside.

Hindi nito binuksan ang pintuan kaya buong lakas ko itong paulit-ulit na sinipa ng malakas. Humahagulgol na hinahampas ko ang pintuan niya para lumabas siya.

"How... How could you do this? Putangina ka...Minahal naman kita..." Malakas na saad ko at napahawak ako sa dibdib ko. Unti-unti ng nanghihina ang mga tuhod ko at maging ang mga kamay ko. Hindi ko namalayan na unti-unti na akong napasandal sa pintuan at nakayukong umiiyak.

"How....How could you smile?" Naiiling na saad ko at naramdaman ang paglabas ng masaganang luha sa mga mata ko. "How could you smile while I was hurting like this?!"

When I remembered the photo in that article, my heart broke. Masakit sa akin dahil... Masaya siya... Masaya ang ekspresyon ng mukha niya doon...Pero bakit? Bakit masaya siya? Hindi ba pwedeng sa akin nalang at hindi sa kaniya?

Nakayuko ako habang umiiyak ng malakas nang may nakita akong isang pares ng sapatos na huminto sa harapan ko. Dahan-dahan akong napatingin sa nagmamay-ari nito at sumigid ang kirot sa puso ko ng matanaw ko si Zacharias na nakatingin sa akin. Inaasahan ko na malungkot ang mukha nito at puno ng pagsisisi, pero taliwas ito sa nakita ko---Malamig ang mga tingin niyang iyon sa akin at madilim ang mukha nito.

His eyes were emotionless and it was piercing through me.

"Anong ginagawa mo dito?" Malamig na sambit nito sa akin habang nakapamulsa. Agad na napatayo ako. Nag-uunahang lumandas ang mga luha ko sa mga mata. Dama ko ang panginginig ng buong katawan ko.

"Anong ibig sabihin na ikakasal kana?" Nanginginig na sambit ko sa lalaki. Nakatingin lang ito sa akin ng diretso at walang mababakas na emosyon ang mukha. Para itong walang pakialam sa sinasabi ko.

"Sagutin mo ako, Zacharias! "Sigaw ko sa lalaki.

Hindi lang man ito natinag sa kanyang kinatatayuan. Hindi ko na pigilan na hampasin ang dibdib nito sa sobrang galit.

"Gago ka! Walangya ka! Minahal kita...Lahat... Lahat naman binigay ko sa'yo!" Patuloy kong sinuntok ang dibdib niya habang nanginginig ako sa galit. "Kailan pa ha?" Umiiyak na sambit ko at tumingin sa malamig niyang mga mata.

"K-kailan niyo pa ako.... niloloko?" Nanghihinang sambit ko sa lalaki. Napaiyak na ako ng malakas habang nakadantay na ang mga kamay ko sa patag niyang dibdib.

"Umalis ka na." Malamig na usal niya at gamit ang braso niya ay hinawi niya ako paalis sa harapan ng pintuan. Agad na sumikip ang dibdib ko dahil sa ginawa niya. Parang pinaparamdam niya na wala siyang pakialam. Na para bang wala lang ako para sa kaniya. Umiling ako ng marahas at pilit inaabot ang braso niya para pigilan na pumasok siya sa loob.

"Hindi ako aalis dito hanggat hindi mo sinasagot kung bakit!" Malakas na saad ko sa kaniya at pinanlisikan siya ng mga mata. Hindi ako aalis dito!

Nakita ko kung paano umigting ang panga niya at tiningnan ako ng madilim. Agad na binuksan niya ang pinto ng unit niya at padaskol na ipinasok ako sa loob. Napangiwi ako sa higpit ng pagkakakapit niya sa braso ko at marahas na itinulak ako sa salas.

"Ano bang kailangan mo sa akin! Pumunta ka na doon sa lalaki mo!" Galit na sambit niya. Nasaktan ako sa paraan ng pagkakatingin niya. Walang pagmamahal sa mga mata niya---poot at galit ang nakikita ko dito. Mas lalong bumuhos ang emosyon ko at galit na itinulak ang lalaki.

"Niloko mo ako! How can you do this to me? What about... us? Hindi mo ba alam kung gaano kasakit ang ginawa niyo sa akin ha! Mga walangya kayo! Hindi mo man lang nirespeto ang relasyon nating dalawa!" Puno ng hinanakit na sambit ko habang nangangatal ang aking bibig. "B-bakit ganito? Malalaman ko nalang na ikakasal ka sa iba! And don't you ever include Caleb in this conversation! He's just my friend!"

"Really, Summer? Do you really expect me to believe that?!" He shouted at me. Kita ko ang mariing pagkuyom ng kamao niya na parang piniligilan niya ang sarili na sumabog.

I couldn't believe what he was saying right now. "Ako pa ang binabaliktad mo! You're the one who cheated on me! You p-proposed to her..." My eyes ached as I gulped. " While you're in a relationship with me."

"Let's call it quits... " Biglang sambit niya sa malamig na boses.

Natigilan ako sa sinabi nito. Para akong sinaksak ng ilang libong boses.

"Ha?"

He fixed his gaze on me. "I'm breaking up with you."

Namutla ako sa sinabi niya. Agad akong umiling. "Please, Hindi...Hindi ako papayag." Lumakas ang paghagulgol ko dahil sa sakit na nararamdaman ng dibdib ko. Nahihirapang tiningnan ko ang lalaki at marahang hinawakan ang braso niya. "Zacharias, huwag naman ganito please. M-mahal na mahal kita. Ayoko...Ayoko! Huwag mo akong iwan please." I looked at him, tears streaming down my cheeks.

Nanginginig ang mga tuhod ko sa ginaw pero kaya kong tiisin 'yon, bumalik lang siya sa akin.

Pumiksi siya sa hawak ko at umigting ang kanyang panga. "Stop this nonsense. Wala kang makukuha sa akin." saad niya habang nakatingin sa mga mata ko na parang hindi niya ako kilala.

Like I was nothing to him.

Parang sinampal ako dahil sa sinabi niya. It was like a blow to my head. Mapaklang tumawa ako kahit napakasakit sa dibdib ko.

"Bakit? Hindi mo na ako mahal kasi nandyan na siya?" Puno ng pait na sambit ko habang pilit na hinahawakan ang mga kamay niyang mailap sa akin. " So everything we did... meant nothing to you?"

He remained silent and just stared at me blankly. His hazel brown eyes were like piercing through my broken soul.

"Bakit?" puno ng sakit na saad ko. "Did you guys had sex? Paulit-ulit niyo bang ginawa sa likod ko? Miss na miss-"

He gritted his teeth and his eyes are like daggers. "Don't even go there."

Humihikbing inangat ko ang tingin ko sa kanya. "Y-you did'nt love me, right?"

Napapikit siya ng mariin bago nagsalita. "Minahal kita, Sam." Malakas na bumuntong-hininga siya and pagod na tiningnan ako. "Pero mas mahal ko siya. Siya pa din ang nandito." sabay turo niya sa kanyang dibdib.

Napapikit ako ng mariin dahil sa sakit. Iminulat ko ang mga mata ko at puno ng hinanakit na tinignan siya. "N-nasaan ako... Nasaan ang parte ko diyan sa puso mo?"

"You're never a part of it."

Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng sabihin niya iyon sa akin. Kinakapos ako sa paghinga at mabigat na tiningnan siya. "Stop lying to me, Zacharias. Alam ko na totoo yung sa atin. Totoo ang pagmamahal natin 'di ba? Ramdam ko na mahal mo ako! Don't fool me!" umiiyak na sambit ko. Hindi ko matanggap ang sinabi niya.

"The one thing that is wrong here... is this relationship. Mali na minahal kita habang mahal ko pa siya."

Nanginginig ang boses na tinanong ko siya."M-mali?"

He looked at me with a serious expression. "All these years, I still love her."

Hindi makapaniwalang tiningnan ko siya. Para akong sinikmuraan dahil sa sinabi niya. Ako ang mali? Ako yung hindi dapat?

"So, Ano? G-ginamit mo lang ako? Ganon ba?"

He shifted his gaze away from me. "Say whatever you want to say, then leave."

Hindi na ako nakapagtimpi at sinugod ko siya ng sampal. Napahawak siya sa mukha niya at nakita ko sa ekspresyon niya na nasaktan ito. "Tangina ka! Sabi mo, ako yung tahanan mo 'di ba? Na sa akin ka uuwi lagi! You promised me, Zacharias! Nangako ka!" Galit na sambit ko sa kaniya.

Malamig ang mga matang tiningnan ako nito. "You're just a replacement. She's the home I'll always go back to...even if my heart wanders around, sa kaniya pa rin ako babalik at hindi sa'yo."

Napaiyak ako ng malakas. Parang pinapatay ako ng mga salitang lumalabas sa bibig niya. Hindi niya ako mahal. "H-hindi mo ako minahal." Sambit ko habang nakatulala.

He sighed heavily. "Minahal kita, Sam-"

"Don't bullshit me! Hindi mo ako mahal! Malungkot ka lang!" I shouted at him. "Dahil kung mahal mo ako... hindi ka aalis... hindi mo ako iiwan. Hindi mo siya pipiliin kaysa sa akin."

"Sam-"

"Kung mahal mo talaga ako, hindi mo ako sisirain... alam mo ba 'yon?" I saw how his expression changed while looking at me. He felt sorry for me. Kinaaawaan niya ako. "Dahil hindi mo dapat sinisira ang taong ginagawa ang lahat para buuin ka ulit! Binasag ka niya, Zacharias! She left you!"I shouted at him, blinded by my emotions. "At ngayong bumalik siya, para kang asong ulol na pumunta sa kaniya habang ako ay iniwan mo nang ganon lang!"

His brows were furrowed and his expression was agitated. He acted as if I said something wrong. "Ginawa niya lang 'yon para sa pangarap niya-"

"Tangina! " malakas na saad ko at napatingala bago muling tumingin sa kaniya. "Kung mahal ka talaga niya, sabay niyong kinamit ang pangarap niyong dalawa! Inisip ka dapat niya! Sinali ka dapat niya sa pangarap niya! Dapat hindi ka niya iniwan! Dapat hindi ka niya binasag!" Nangigigil na sambit ko sa kaniya. "Ako... ako ang nandoon. Sinubukan kitang ayusin Zacharias. Sumugal ako kahit alam kong hindi ako handa! "

I saw how he closed his fist. "Siya ang mahal ko!"

When he said those words, it felt like my heart was being ripped out. Mas masakit pala kapag sa kaniya ko mismo narinig ang mga salitang iyon.

Mahinang nagsalita ako. " A-akala ko talaga mahal mo ako eh! Kasi 'di ba... binuhat mo ako sa gitna ng ulan! Niyayakap mo ako sa gabi, ipinagluluto mo ako ng paborito kong sinigang! At ...sinabi mo ding mahal mo ako. "

Hindi na maampat ang mga luha na dunadaloy sa mukha ko. Napahawak ako sa aking dibdib at puno ng muhi na tinitigan siya. "Paulit- ulit, Zacharias. Ilang ulit mong sinabi na mahal mo ako! Naniwala ako!"

"Umalis ka na!" he exclaimed loudly then shifted his eyes away from me.

Napaupo ako dahil sa panghihina ng mga paa ko. Pagod na tiningnan ko siya. "A-ang sama mo..." Another set of tears obstructed my vision, making it foggy.

"Ang sama- sama mo," patuloy ko. "Para makasama siya ay kailangan mong basagin ako."

Hindi ko na mapigilan ang muling pag-alpas ng luha sa mga mata ko at parang gripo ito na ayaw tumigil. Napayuko ako at malakas na tumangis. The amount of this pain was overwhelming... It was deep and I thought I was bleeding out. Parang pinapatay ako nito.

Unti-unti akong lumuhod sa harapan niya habang umiiyak. Nakita kong natigilan siya at nanlalaki ang mga matang tumingin sa akin.

"What are you doing-"

I looked at him with pleading eyes. I'm willing to do this... so he will not leave me. Kakainin ko ang hiya at lulunukin ko ang dignidad ko, huwag niya lang akong iwan. Inabot ko ang mga paa niya at niyakap habang nakaluhod ako sa harapan niya. Umiiyak na itinaas ko ang mukha ko para makita siya. "Z... Zacharias... huwag mo akong iwan please. Parang awa mo na... "

He looked away from me and moved his feet. "Tumayo ka-"

I hugged it again and cried loudly. I shook my head. No... Hindi ako papayag na hanggang dito nalang kami. Hindi ako papayag. Mahal ko siya.

"Please...Ako nalang ang piliin mo." I pleaded with him. "Ako nalang please... pakiusap."

"Ano ka ba, Sam!" Galit na asik niya sa akin. Nanginig ako dahil sa lakas ng boses niya. Pilit na ikinakawala niya ang mga binti niya sa mga kamay ko pero mas lalo lang akong kumapit doon... na parang iyon nalang ang huling hibla ng pag-asa ko. Inuubos ko na ang sarili ko para sa kanya...para hindi niya lang ako iwan.

"Parang awa mo na, Zacharias. K-kahit dalawa nalang kami... please." Humihikbing saad ko. "Papayag ako kahit sa kaniya ka na magpakasal...basta huwag mo lang akong iwan."

Tumalim ang mga mata niya sa akin at hindi makapaniwalang tiningnan ako. Disgust was shown on his face. "How did you become this low, Summer! It's disgusting!"

Napaawang ang labi ko dahil sa sinabi niya. Napayuko ako habang umiiyak dahil nakaramdam ako ng hiya. Mapait na ngumiti ako. Oo, naging ganito ako kababa...Para hindi mo lang ako iwan.

"P-please... Stay with me... Mahal kita, Zacharias... Kahit ubusin mo ako, ayos lang sa akin. Ikaw nalang ang naging lakas ko sa mga panahon na mahina ako. " In a trembling voice, I said.

Napabitaw ako sa mga binti niya ng malakas niyang pinalis ang mga kamay ko na nakakapit sa binti niya. Napaupo ako sa malamig na sahig habang gulat na nakatingin sa kaniya. His face was livid and mad. I saw how his jaw was clenching so hard. He's looking at me like I'm a filthy creature... A spiteful being in his eyes.

"Leave. the. fuck. out. of. my. life!" madiing sambit niya sa mga salitang iyon.

Hindi na ako nakakilos agad ng hinila niya ako patayo at kinaladkad papunta sa pintuan ng unit niya. Agad na pinigilan ko ang lalaki kahit nanghihina na ako. Tila nawalan na ako ng lakas. "No! No! Don't do this to me, please! Parang awa mo na..."

Dere-deretso niyang hinila ako at malakas na binuksan ang pintuan ng unit niya. Padaskol na itinulak niya ako palabas ng pinto. Humihingal na tumingin ito sa akin at bakas ang galit sa mga mata. "Umalis ka na! Get out of my sight!"

Umiling akong muli sa kaniya. My body was aching and I was soaking wet. Hindi ko maiwasang maawa sa sarili ko. Masyado ko nang ibinababa ang sarili ko para sa kaniya. This is too much.

Galit na tiningnan ko siya at dinuro. "Sana hindi mo nalang pinadama sa akin na mahal mo ako kung hindi naman totoo! Ikaw yung una ko eh..." puno ng hinanakit na sambit ko sa kaniya habang hawak-hawak ko ang dibdib ko. "Alam na alam mo 'di ba! Mahirap akong kunin! Tahimik ang mundo ko! pero dumating ka and you made me feel special! Sayo ko naibuhos lahat, Zacharias.... Kasi akala ko hanggang wakas na 'to!"

Dinuro ko siya habang umiiyak ako. "Matalino akong tao, pero napakabobo ko dahil naniwala ako sa'yo! " I paused. "Y-you betrayed me!" I cried out loudly. The swelling of the pain in my chest was excruciating.

Natutop ko ang bibig ko. I tried to muffle the agonizing sounds of my sobs. It was difficult. It was extremely painful for me to bear. I was frail...Mahina ako.

"Hindi mo talaga ako minahal... Habang sinusubukan kitang buuin, ako ang binasag mo... Ako yung n-nasira, " Nanghihinang saad ko. "I am no one's replacement!"

His face remains stoic and hard. I saw how the veins on his arms popped out. Kung ito na ang huling pagkakataon na magkikita kami, then I'll say whatever my heart wants to say!

"Pwede ba kung magmamahal kayo, dapat sigurado! Hindi yung nagulo niyo na ang mundo namin t-tapos sasabihin niyong hindi niyo pala kami mahal! Putangina!" I lashed out at him. Sobrang galit ang nararamdaman ko sa loob ko. Parang kinalimutan niya na may pinagsamahan din naman kami.

"Umalis ka na."

Tumawa ako ng mapakla. I don't want to humiliate myself more. Durog na durog na ako... Ubos na ubos na ako... Wala nang pwedeng mawala sa akin.

I looked into his eyes with so much hurt and pain. "Alam mo, tunay ang pagmamahal ko sa'yo." I paused. "I'm giving it my all." Lumuluhang sambit ko. "I knew I had lost you long before you left.... na sa una palang, siya na ang pinili mo..."

"There aren't any other options," he said.

Tumango at napatingala ako sa kaniya. Please, God. Remove this pain away from me.

I bit my lower lip to suppress any crying. I looked at him weakly. "S-sana hindi nalang kita nakilala. Sana pinatay mo nalang ako..."

Nakita ko ang pagdaan ng kung anong emosyon sa mukha niya bago iniwas ang tingin sa akin. I saw his Adam's apple move.

"Sana... nakinig ako sa mga kaibigan ko. Sana hindi nalang kita pinagkatiwalaan." mapait na sambit ko habang nanginginig na nakatayo sa labas ng pintuan. "Sana... Hindi nalang ikaw yung minahal ko... You don't deserve any ounce of it. Y-you don't deserve me-"

"Go away." mahinang sambit niya at tiningnan ako ng deretso sa mga mata.

Nang-uuyam na sinalo ko ang mga mata niya. "M-masakit? Bakit nasasaktan ka? Totoo 'di ba?!"

"Umalis ka na, Sam," he said unsympathetically in his deep baritone voice. "I don't want to see you again."

I immediately hugged myself because I felt cold. My clothes are soaking wet. I smiled weakly at him and I felt my tears streaming again on my cheeks. "No one deserves to be used like what you did to me," I paused and looked at him. "I-I hope you're happy that you broke me."

I saw something cross his eyes as he stared at me intently, but it quickly vanished.

"Y-you took advantage of the trust I placed in you, and you took advantage of me as a person. You will never, ever be forgiven by me. I will never love a person like you again. " I exclaimed with too much resentment. I can feel the bitter taste of those words in my throat.

Yun ang huling sinabi ko bago ako tumalikod sa kaniya at mabibigat ang hakbang ko paalis. I felt my heart was ripping into pieces walking away from him. Kung gaano ako kasaya noon na humakbang papunta sa kaniya, mas doble ang sakit na nararamdaman ko ngayong naglalakad ako palayo sa mundo namin. Hindi niya ako pinili, dahil simula palang... Si Celestine na. Bawat hakbang ko papalayo ay parang may tumutusok sa dibdib ko. I was gasping for air when I reached the elevator. I burst into crying again... Ang sakit. Ang sakit- sakit.

Hindi ko na alam kung paano ako nakalabas sa gusaling 'yon. Umuulan pa din sa labas. Parang namanhid ako. Naglakad ako papunta sa gitna ng daan at tumingala. Malayang dinadama ko ang mabigat na buhos ng ulan. Katulad ng bigat ng pagpapalaya ko sa kaniya.

Umiiyak na pumasok ako sa loob ng sasakyan at agad na pinasibad yun paalis. Tulala lang ako habang nagmamaneho... walang destinasyon... walang paroroonan. I've never felt so lost again after my brother died. While driving, I experienced a severe swelling of pain in my chest. I cried again. Parang gripo ang mga luha ko. Hindi maubos-ubos.

I just happened to be in the place where he used to bring me. Malapit sa dagat. I laughed weakly at first, but after a few minutes, I couldn't laugh any longer. It turned into a heartfelt scream. It felt like I was beaten... and defeated. Malakas na sumigaw ako hanggang sa naging malakas na panaghoy 'yon. Hanggang sa mapagod ako...

All this time, what we had was wrong. From the start, it was wrong to love someone when your heart still belongs to someone else. It was unfair... It was unfair to love someone that way. I can not believe I was that person.

I cried the entire time I was there, remembering the days when we were both happy and contented with what we had. It was now a painful memory... A memory that has scarred my life forever.

Hindi ko namalayan na nakatulog na ako doon sa loob ng sasakyan. I was woken up when I heard my phone vibrating. Masakit ang mga mata ko ng sinubukan kong buksan ito. I crawled into my car's backseat and saw a slew of missed calls from Dawn and Olive, but my heart literally stopped when I saw my father's name among the missed calls. Kumalabog ng malakas ang dibdib ko at agad na bumalik sa driver's seat. Nabuhayan ang loob ko ng makitang tinawagan niya ako.

I immediately drove off and went to St. Lukes. Nanginginig na nagmamaneho ako ng mabilis. I didn't waste any time when I got there. Agad na tumakbo ako papunta sa kung saan ang ICU. My heart was pounding so fast and I was crying when I entered the building. Finally, he's awake! My father is awake! Nang lumiko ako sa daan ay nakita ko agad sina Dawn and Olive na nasa labas ng kwarto ni Daddy.

I raised my hands excitedly for them to see me.

Agad na nakita ako ni Olive at napatigil ako sa pagtakbo ng makita ang mukha niya. Tigmak iyon ng luha. Nakita kong napahawak ito sa sariling bibig at kinalabit si Dawn na nasa bisig ni Gillen. Napalis ang ngiti sa labi ko ng makitang humagulgol ng iyak si Dawn.

Dahan-dahang lumapit ako kung nasaan sila. Bawat hakbang ko ay parang nalulusaw ang saya na saglit kong naramdaman kanina. Kumabog ng malakas ang dibdib ko ng makalapit na ako sa kanila. Olive's face was worried and sad.

Nanginginig na inabot ako ng babae. "S-sam..." pagkatapos ay humagulgol ng malakas at niyakap ako. Para akong nakalutang na natulala habang nakatingin sa kanila.

I forced myself to smile even though my hands were shaking. "N-nasaan si Daddy..."

"Sam.."

Inabot ni Dawn ang kamay ko habang nakayukong umiiyak siya. "I-I'm sorry, Sam... I'm sorry..."

Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya ng mapunta ang tingin ko sa salamin kung saan ang kwarto ni Daddy...

Para akong nawalan ng lakas nang makitang may puting tela doon.

Nangangatal ang bibig na ibinaling ko ang tingin sa kanila.

"A-ang sabi ko, nasaan si Daddy!" I screamed hysterically.

Malungkot na tiningnan nila ako at humagulgol sila ng iyak.

"S-sam..." Nakita ko ang marahang pag-iling ni Gillen sa akin. His eyes were sad and sorrowful.

Nang makita ko ang lungkot sa mga mata nila ay sumigid na ang kirot sa dibdib ko. My heart was throbbing with pain. Umiling ako sa kanila. "N-no. No... He called me..."

"Sam...h-he's awake for a short time... and wanted to see you..." Nakita ko ang luha ni Olive at sinuportahan agad ang bigat ko nang makitang mabubuwal na ako sa aking pagkakatayo. "H-he asked if I could... dial your number using his phone.... to talk to you... for the last t-time."

Dahan-dahang umatras ako... I refuse to accept what they are saying to me.

Natulala ako.

Nabingi.

Naestatwa ako sa kinatatayuan ko.

Agad na napatingin ako sa kwarto at dahan-dahang binuksan ang pintuan no'n.

Nanginginig na naglakad ako papalapit dito...

I could hear my heart breaking and my tears started to stream down my cheeks when I saw a pair of feet... under the white blanket. It was pale.

I felt numbness all over my body... It feels like a nightmare... A nightmare that I want to wake up from.

"No... No... please..." Mahinang sambit ko. "H-hindi pwede... No.."

Gamit ang nanginginig kong mga kamay ay dahan-dahan kong hinawi ang tela na iyon sa itaas na bahagi ng katawan... I immediately closed my mouth when I saw him....

I saw the man who first loved me unconditionally...

His eyes were closed...

and lifeless.

"Hindi! Hindi pwede! Daddy... No!" Agad na napasigaw ako sa sobrang sakit ng makita ko siyang... hindi na humihinga.

"DON'T DO THIS TO ME, PLEASE!" Malakas na sigaw ko na umalingawngaw sa buong kwarto. Sumidhi ang sakit at pait sa buong sistema ko. Para akong dinurog ng paulit-ulit.

"S-sam..." umiiyak na sambit ni Olive sa likod ko at nakayakap sa bewang ko. Nanginginig ang buong katawan ko. I can feel the pain permeating my whole system.

My cries were filled with anguish...Like my heart was torn once again... It was excruciatingly painful.

"Huwag mo din akong iwan, Daddy!" nagmamakaawang saad ko sa walang buhay niyang katawan. "Please! Please! Don't leave me! "

I yelled and yelled... for him to return... para bumalik siya sa akin. Hindi ako papayag na iwan niya din ako!

"Bakit?! Bakit kinuha mo siya! D-daddy! parang awa mo na..." I looked at his face and shook him vigorously. "W-wake up, please," Umiiyak na tangis ko habang niyayakap ang ulo niya.

But... he didn't move...

He was cold...

Naglulupasay na niyakap ko siya ng mahigpit. "I'm sorry, Daddy... I was late ... I'm sorry! Huwag mo akong iwan! Huwag mong iiwan si Samsam! Don't leave me like luke did to me... please!"

I was devastated. Muling gumuho ang mundo ko...

If only... If only I had answered his call.

I would tell him I loved him for one last time...

"Daddy! I love you! Why did you leave me too!" paghihinagpis ko at mahigpit na niyakap ang walang buhay niyang katawan. Naririnig ko ang mga iyak ng paghihinagpis at sakit sa paligid ko... pero wala ng mas sasakit sa pakiramdam na nawalan ka na naman... nawalan na naman ako ulit sa ikatlong pagkakataon...

Nawalan ako ng Ama...

I wish I could have said goodbye. I wish I could have said what I wanted to. I wish I could have said I love him too for the last time. I wish I was there to hold his hand.

Iyon ang labis na pinagsisihan ko.

"Daddy! Oh God! Please... I can't! Hindi ko pa kaya..." Umiiyak na sambit ko at mahigpit na hinawakan ang malamig niyang mga kamay. Mas lumakas ang pag-iyak ko ng maalala si Mama. Hindi man lang nito alam kung ano ang nangyari kay Daddy... This will hurt her more.

Imagine losing the man you love the most... losing the other half you have all life.

Natandaan ko ang huling pagkikita namin. Iyon ang araw na umalis ako sa bahay upang makasama si Zacharias sa condo nito upang maisalba ang relasyon namin. We fought and argued about it.

Kung alam ko lang.... na iyon na ang huli,

Sana hindi nalang ako umalis...

Sana hindi nalang ako umalis sa tabi niya.

Hanggang sa huling sandali.... ako pa din ang hinahanap mo.

"S... Sana nahawakan ko pa ang mga kamay mo. I'm sorry, Daddy..." Nanginginig na hinagkan ko ang maputla niyang mukha. I clutched my chest and hugged him tightly again. I cried and cried until there were no sobs anymore... Hanggang sa mapaos ako.

I screamed in agony. I couldn't stop the tears from streaming down my face while I'm hugging his dead body.

Malamig na siya... B-baka nilalamig na siya. " I... I love you, Daddy. I'm sorry... I'm so sorry... My god... Huwag mo akong iwan! Don't leave Samsam too! "

Tumingala ako at nanghihinang pumikit habang dumadaloy ang masaganang luha sa pisngi ko.

I want to be your daughter again in our next life, Daddy... Samsam loves you so much.

On that day, something inside of me... died.

Four days before Christmas,

I lost both my father and myself.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top