Kabanata 3

Kumakain na kami ng tahimik nang nabigla ako nang iniangat niya ang tingin mula sa kanyang plato papunta sa aking mukha. I saw how he smirked at me.

"So, Ms. Quin, are you still single? Survey lang."

Napahinto naman ako sa aking pagkain at gulat na napatingin sa kaniya. Naningkit ang mga mata ko nang makita kong may bahid ng kalokohan sa mga mata niya. Hindi ko napigilan na mapataas ang kilay ko.

"I came here for only one thing, and that's business Mr.---"

"Mr. Ruscitti." Maikling saad nito at iniabot ang tasa ng kape mula sa lamesa.

Napahinto ako. "Mr. Ruscitti. Let's get down to business." Kinuha ko ang ilang papeles na nasa aking bag. While gathering the documents, its very awkward dahil nakatitig lang siya sa akin. Watching my every move.

I sighed heavily before putting the folder on the table. I really need to finish this because I still have two meetings left for this day. Agad na napakunot ang noo ko ng mabasa ang papel.

"Where's Mr. Muller? He's supposed to be here because he's my client." I said while scanning the file. He's not my client for god's sake!

I heard a slight chuckle which made my brows raise in annoyance. "Why are you laughing?" Do I look like I'm joking?

"Too straightforward," he said while smiling... or grinning at me? "What's your name, Attorney? Survey nga lang. Pakisagot."

I ignored his question. "Are you his representative? I can just ask him to reschedule if he can't come." I shot back.

" That is why I am right here," he said while pointing at himself. "I am his representative, Attorney."

"But I need to discuss this case personally with him because it's about his annulment, not yours," I said and then took a sip of my coffee. Tastes good! Tumingin ako sa kaniya matapos kong ibaba ang tasa. I was feeling uncomfortable because he was simply staring at me. He just sat there staring at me while sipping his coffee.

"What's your name? Age? Napag-utusan lang. " Pangungulit nito sa akin which made me really irritated.

"Manyak ka ba?" maikling sabi ko na naging dahilan kung bakit rumehistro ang gulat sa kanyang mukha. He looked... offended. Napahawak pa siya sa dibdib niya dahil sa sinabi ko.

"What?!"

"I said, Manyak ka ba? Pinagtitripan mo ba ako?" Mariing sabi ko before I tapped my fingers on the table. I just disliked wasting my time on something that isn't important at all.

His eyes roamed the restaurant uncomfortably like he was finding a chest.

"If you are here just to waste my time, I'm sorry but I have to go. I'll just contact Mr. Muller to reschedule for another meeting. I clearly said to him that we should talk in person." I took the cup of coffee and finished it but I didn't finish the food on my plate. Mukhang bastos din kung wala man lang akong uubusin sa inorder ko.

I immediately stood up from my seat and gather the folders on the table. I don't have time for this!

I saw him reaching for his phone and looking at me. "What? - Wait for a mo-"

"I have to go. Thank you for the coffee." Humakbang na agad ako patalikod para umalis. Nakaramdam ako ng inis kasi hindi ako ang klase ng tao na nagsasayang ng oras sa trabaho. Hindi ako pumunta dito para kumain kundi para sa case. Gosh.

Inis na lumabas ako ng restaurant na yun at padabog na isinara ang pinto ng kotse ko. The fuck?! Sinayang niya lang ang oras ko. Napasentido ako at agad na tinawagan ang sekretarya ko para sabihing ireschedule ang meeting ko ngayon for nextweek. I decided na puntahan nalang si Mr. Muller sa kompanya nito at personal itong kausapin.

Sino ba kasi ang lalaking iyon! He kept asking for my name and just staring at me like I am a piece of a missing puzzle or what!

Later that day, I sighed in relief after finishing my meetings. Meaning, makakauwi ako ng mas maaga sa bahay at makakapagbasa ulit ng tambak na readings for the next month. Kakababa ko lang ng sasakyan ng makita ko si Mama na pababa ng hagdan.

"Mama! I'm home." I smiled at her and she excitedly went on me.

"Sam! Nandito ka na pala. Do you want dinner? I can cook for you."

I fakely smiled and waved my hand. " No need I already ate, Ma."

My mother scoffed. " Hmm... Baka ayaw mo lang talaga kainin ang lulutuin ko."

Napangiwi ako saglit dahil doon. Huli. "No, Ma. Marami lang po akong kailangang gawin sa itaas. Alam niyo na, tambak na naman ang trabaho ko," She just shrugged and smiled at me.

Pumunta naman ako agad sa itaas at dumiretso sa aking kwarto. Agad na ipinatong ko ang aking bag at ang mga folders sa aking side table saka pabagsak na umupo sa aking kama. I sighed heavily and massaged the temple of my head. Medyo sumakit kasi ang ulo ko dahil baka umaatake ang migraine ko. Mabuti nalang, I have prescribed medicine para dito which is Sumatriptan that was prescibed by my doctor. After intaking my medicine, I grabbed my phone when I received an unregistered text message.

My forehead creased in confusion when I read the text message.

From: Unknown number

I hope you had a nice day.

Sino ba ito? Ba't alam ang number ko? Naiinis na nagtipa ako sa aking cellphone.

To: Unknown number

Who's this?

Nilapag ko muna sandali ang aking cellphone bago inalis ang heels ko. Nahahapong tumayo ako at kinuha ang nakasabit na bathrobe sa tapat ng aking dresser. Binuksan ko agad ang shower sa banyo at dinama ko ang lamig ng tubig.

Malapit na pala ang birthday ko. For the past three years, I am celebrating my birthdays with my family or with my bestfriends. Napapailing ako at lihim na napangiti ng matandaan ang nangyari last birthday ko.

We are at a bar that time since I have no choice because Olive and Dawn dragged me out of my office that time to celebrate my birthday. Since my parents went on a trip one week before my birthday, ako lang mag-isa ang naiwan sa bahay. It kinda felt lonely kaya kahit alas dyes na ng gabi ay pumunta pa rin ako sa office para sana doon nalang matulog at magpakalasing. But, knowing them, my friends came to get me and said na maglalasing kami ng sama-sama.

We started drinking past eleven in the evening. Habang ako ay tahimik na sumisimsim ng alak sa couch ay busy ang dalawa na sumayaw sa dancefloor ng bar. I chuckled noong nakita ko si Olive na natipalo habang hawak ang isang bote ng alak at si Dawn naman na nakikipagsayaw sa isang lalaki na naka-black. I rolled my eyes noong makita ko sila na naghahalikan na sa dancefloor at nakita ko pang hinawakan ng lalaki ang bewang ni Dawn to pull her closer.

"Hoy, Sam!"

Napatingin ako kay Olive noong isigaw niya ang pangalan ko. Kunot- noong tiningnan ko siya habang pasuray-suray na naglalakad papunta sa akin. Halatang lasing na.

Nang makalapit ay agad na inagaw ko sa kaniya ang hawak niyang bote.

"That's enough." I said while moving the bottle away from her. Nagulat ako nung umupo siya sa sahig at unti-unting humikbi.

"Putangina..."

Naiiling na tinapik ko siya sa balikat because I fucking know where this is going.

Umangat siya ng mukha at puno na iyon ng luha. "Putangina mo talaga, Bali! Gago ka! Sana mabaog 'yang betlog mo!" Humagulgol siya ng iyak.

Napasentido ako dahil biglang sumakit na naman ang ulo ko nang banggitin na naman niya ang pangalan ng ex- boyfriend niyang si Valerius. They've been together since our second year in college, but their relationship ended tragically the day of their sixth anniversary. I'm not sure what transpired between them.

"Gago ka! Sana mabaog ka! Magsama kayo ng mga putanginang babae mo. Ulol!"

Hinawakan ko siya sa bewang at inalalayan para mapaupo siya sa couch. "I told you to not drink past your limit!" Naiiritang sabi ko. Narinig kong tumawa siya ng mahina.

"Stop mothering me bitch!" Sigaw niya sa akin.

"Then stop being a fucking child!" Napapailing nalang ako sa inaakto niya.

Natahimik naman si Olive sandali kaya ibinaling ko ang tingin ko kay Dawn na parang baliw na nagsasayaw sa stage. Wala na iyong lalaking kasama niya kanina.

Akala ko ba birthday ko 'to! Bakit parang naging taga-bantay ako ng dalawang to!

"H-hello? Bali?"

Nanlalaki ang mga matang tumingin ako kay Olive nang magsalita siya. I was horrified to see her crying while holding her phone in her ear and realized she was calling someone!

"Putangina mo, Olive! Give me that fucking phone!" Agad na sinubukan kong hablutin iyon mula sa kaniya nang makitang tinatawagan niya si Val.

Iwinasiwas niya naman ito palayo sa akin at sinamaan ako ng tingin. "G-gusto ko siyang marinig, baka may explanation pa siya, Sam." Nanginginig na sabi niya. Nakipag-agawan ako ng cellphone sa kaniya habang hinihintay na sagutin ito ng kabilang linya.

"ANO BA SAM! AKIN NA! TINATAWAGAN KO PA SI BALI EH! " Inilalayo niya ang cellphone at hinahawakan iyon ng madiin na pilit ko namang inaabot para mahila.

"STUPID BITCH! HIWALAY NA KAYO! DAWN! HELP ME HERE!" malakas na sigaw ko na kahit sa lakas ng music sa loob ng bar ay narinig ito ni Dawn at dali-daling bumalik sa couch namin. Agad na inagaw nito ang cellphone ni Olive at inend ang call.

"Gago ka, Oli! Matagal na kayong hiwalay ni Val. Parang tanga 'to! Uwi na nga tayo!" Tumango agad ako. Sabay naming inalalayan si Olive palabas ng bar pero ang ending sinukahan din kaming dalawa ni Dawn. Sa office na nga kaming tatlo nagpalipas ng gabi.

Agad na pinatay ko ang shower matapos kong maligo. Napapailing nalang ako tuwing naaalala ko iyon. Hindi pa pala talaga totally moved on si Olive sa ex niya. Hindi ko yata kaya pagdaanan iyong ganoon. All these years I've seen how devastated Olive is after knowing that Val is cheating on her.... or did he really cheat on her?

Kilala ko ang lalaki kahit na mas una pa niyang nakilala si Olive kaysa sa amin. I've seen how he loved her so much. I just didn't know what exactly happened because Olive didn't even share it with us up until now. Hindi sila nagkausap ng maayos pagkatapos hiwalayan ni Olive si Val. Hinahabol naman siya ng lalaki pero nawala din kinalaunan. Hindi namin alam kung saan na nagpunta at maging si Olive ay hindi niya din ito mahagilap.

Wala talaga silang closure kaya siguro kahit three years na ang nakalipas, nahihirapan pa din si Olive. Agad na lumabas ako sa banyo at agad akong nagbihis ng pantulog bago nahiga sa kama. I don't know what's happening to me pero hindi ako nakatulog ng maayos sa gabing iyon.

I was awakened by the sun's rays brushing my face. At five a.m., I turned off my alarm clock. Mabilis akong bumangon at chineck ang calendar malapit sa akin. Today is April 24. Nice.

Agad akong nagpunta sa banyo at nagbihis ng tight fitted black leggings and sports bra. Kumuha din ako ng malinis na towel sa drawer ko at ipinatong iyon sa aking balikat. I wore my fitness watch and my shoes. Perhaps I'll just walk to the gym. Malapit lang naman ito sa amin. Just two blocks away.

Bumaba ako agad at hindi pa gising si Mama maliban kay Daddy na nagkakape sa salas namin habang nagbabasa ng libro.

Lumingon siya sa akin." Are you going to the gym? "

Tumango ako. "Yes. Tell Mama I'll have my breakfast outside."

I heard him chuckle." Ayaw mo lang talagang magpaluto ng pagkain sa Mama mo, Samsam."

I just kissed him in the cheek and left the house. I started to Jog after exiting our gate. Mabuti nalang pala may dala-dala akong water bottle. Agad akong nagplay ng music sa earpods ko para ganahan akong tumakbo. Wala pa masyadong tao sa daan noong oras na iyon. I get it. It was a fine Saturday morning. Baka nagpapahinga pa iyong mga tao. Lumiko ako sa ikalawang kanto and I can see the building where I usually go for a gym. Alam ko kasi na sa ganitong oras kaunti o wala pang tao doon.

"Good morning po, Ma'am Summer." Sabay ngiti na bungad ng Guard sa akin. Kilala na ako dito dahil dito lang naman ako naggy-gym.

I smiled at him and nodded. "Good morning, Kuya."

I entered the building at sumakay sa elevator papunta sa third floor. I clicked the close button kasi mukhang wala namang sasabay sa pagsakay pero nagulat ako ng may humarang na kamay bago magsara ang elevator.

"Woo! Mabuti nakaabot ako." Baritonong tinig na saad ng lalaki.

Nagulat naman ako sa ginawa niya dahil baka maipit siya. I just turned my gaze on my watch and changed the music sa earpods ko. Hindi ko tinapunan ng tingin ang lalaki hanggang makapasok siya. Nagsara na ang elevator at nakita kong wala siyang pinindot. Hmm. Baka papunta din sa gym base sa ayos nito. May bitbit din kasi itong towel sa balikat.

Inayos ko nalang ang nahawi kong buhok malapit sa mukha ko at hinigpitan ang pagkaka- ponytail ng buhok ko. We are just silent inside the elevator but I could feel his gazes towards me. Napapansin ko iyon sa pamamagitan ng peripheral vision ko which makes me irritated. I distanced myself to the left and wait for the elevator to open.

After reaching the third floor, agad akong lumabas para pumunta na sa kung saan ang direksyon ng Gym. Without looking at my back, I could feel that he's also walking the same direction as I am. Binilisan ko ang paglakad and I sighed in relief ng makita ko ang kakilala kong nagtatrabaho doon.

Kumaway ito sa akin. "Oy! Kamusta po, Attorney?"

Agad akong lumapit sa kaniya. " I'm okay Niela. How's Aki? Still sulking?" Natatawang sabi ko. Her brother, who was also a law student, introduced me to her. Mabait din kasi sa akin ang babae. This gym is where I go on a regular basis.

Napanguso naman ang babae. " Oo nga po Attorney, eh. Nahihirapan daw po siya sa subjects niya this semester. Pinapatanong nga kung paano ninyo nakaya ang Law school."

Napatawa ako. " Tubig at Dasal lang."

Nagkwentuhan pa kami sandali bago ako nagpaalam para dumiretso sa kung saan nakalagay ang mga mats. I'm going to begin my workout. Today I intend to put in a lot of effort in the gym. I want to stay fit as possible.

"Oy! Attorney pala pare. Yari ka!"

Napalingon naman ako agad sa kabilang direksyon ng gym kung saan may nakita akong dalawang lalaki na nag-uusap. The man that is seated is wearing a black fitted shirt and holding a dumbell in both of his hands while he's back is facing towards me. The second guy is wearing a white shirt and gray sweatpants.

Nakatayo lang ito sa harapan nang naka-black at nahuli ko itong nakatingin sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay at napayuko ito agad pero may ibinulong yata sa kasama niya. I just ignored them and do my usual workout.

I did lunges, jumping jacks, side-to-side plank, high knees, two-minute plank, and alternating squats. Nang makafeel ng pagod ay humiga ako sa mat to do my ab workout and leg workout. I didn't stop until I can feel the burn in my tummy and in my thigh. Tumayo lang ako para uminom ng tubig at nagpunas ng pawis. I decided to try the treadmill para mas pawisan ako lalo. I need this sweat this early in the morning to energize my day.

I was walking towards the treadmill when suddenly, I felt a hard slap on my ass. Nanggagalaiting nilingon ko ang isang lalaki na naka-red na fitted shirt at black shorts na nasa likod ko lang pala.

"Nice ass..." Nakangisi pa ito sa akin.

"The fuck did you just do?!" Galit na galit na sabi ko. Tumawa lang siya at itinaas ang dalawang kamay sa ere. Parang gusto kong suntukin ang mukha niyang iyon!

"I did nothing." Pagmamaang-maangan nito na parang walang ginawang kasalanan.

"Manyak ka! Pervert!" Malakas na sigaw ko dito. Ang sarap bayagan!

Sumipol lang ito at tumingin sa dibdib ko. "Stop accusing me, Miss."

Inis na ibinato ko sa gilid ang water bottle ko. " You're lying! You slapped my ass, you motherfucker!" malakas na sabi ko at akmang sasampalin na sana siya ngunit may nauna nang humablot sa t-shirt niya saka sinuntok ito ng malakas sa mukha.

"Oh my God!"

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang lalaking nakaitim na shirt at sinusuntok sa mukha ang lalaking nanghipo sa akin kanina.

"STOP IT! TAMA NA!" sigaw ko pero parang wala lang itong narinig. Patuloy pa din nitong sinusuntok ang lalaki na nakahiga na sa sahig.

"Uy! Gago ka Zacharias! Baka mapatay mo 'yan! Awat na!" hinawakan siya noong lalaking nakaputi at inilayo sa lalaking naka-red na shirt. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang duguan ang mukha nito. Oh my god!

"GAGO KA! ANG BASTOS MONG HAYOP KA! UMALIS KA DIYAN ROA! PAPATAYIN KO 'YAN!" Akmang lalapitan pa ang lalaking nakahiga pero nilapitan ko siya para pakalmahin. Hinawakan ko siya sa likod. I gently caressed his back as I felt his loud breaths.

Awtomatiko naman siyang napalingon sa akin at may bahid pa din na galit ang mukha. Napahinto naman siya agad nang makita niya ako.

" Stop it please. "

Ipinagpatuloy ko ang marahang paghagod sa likod niya. Napatingin din sa akin iyong lalaking umaawat sa kaniya hanggang sa binitawan na niya ito. I saw how his eyes turned from being furious to a calm one. Tiningnan niya lang ako at dahan-dahang ibinaba ang kamay niya. I stopped caressing his back and turned my gaze to the man who was on the floor.

This stupid bastard! Mabuti at hindi ka napatay!

"Attorney! Ano po nangyari?" Rinig kong sabi ni Ate Niela at napasigaw nang makita ang lalaking nakahandusay sa sahig.

Napasentido ako. "Ate, can you call an ambulance for this motherfucker? Also, call the police."

"Bakit? Anong nangyari?" Bakas sa mukha ni Ate Niela na naguguluhan siya at papalit-palit ang tingin sa akin at sa lalaking nasa sahig ngayon.

I squinted my eyes to the man. "Hinipuan ako." Rumehistro agad ang galit sa mukha ni Ate Niela at pumunta sa front desk para tumawag ng ambulansiya saka pulis.

"Pare, ayos ka lang ba?" Rinig kong sabi noong naka-white sa lalaking nasa gilid ko. Nilingon ko siya at nagulat ako ng matiim na nakatingin siya sa akin.

" Ayos ka lang ba?" He asked.

Ilang segundo ko siyang tinitigan bago tumango. Narinig kong tumawa iyong kaibigan niya na napakamot nalang sa kanyang batok.

"Pare, ako iyong nagtanong. Hindi mo lang ba ako sasagutin? Awit."

"Gago." Sabi nito at humarap ulit sa akin. Hindi ko alam kung magpapasalamat ako dahil ipinagtanggol niya ako o magagalit dahil binugbog niya ang lalaki.

"You can be sued for this. You can be charged as Guilty for Assault." Mataman ko siyang tinitigan. Ngayon ko lang napansin ang facial structures niya. Matangkad siya, matangos ang ilong at hazel brown ang mga mapungay na mata. His eyelashes were also pretty long, and he had dimples on both cheeeks. Makapal ang kilay at mapula ang kanyang labi.

Hmm... may itsura.

Napatikhim ako ng kaunti nang makita na nakatitig siya sa akin. Is he older than me or the same age as mine?

He talked while scratching the back of his head. "Okay, lang. Siya din naman makakasuhan."

I rolled my eyes to ease the tension that was building up inside of me.

"Thank you by the way. " Nakita ko namang napangiti siya sa sinabi ko pero nagulat ako noong inabot niya ang kamay niya papalapit sa akin.

"Zacharias." pakilala niya sa akin sa magiliw na boses. Tiningnan ko ang kamay niya at marahang tumango.

Despite the fact that I didn't want to do it, I just found myself shaking his hand.

"Summer."

Nakita ko din na inabot ng lalaking kaibigan niya ang kamay ko.

"Roa pala, Madam. Hehe."

Kiming tumango lang ako at kinuha ang cellphone sa bulsa ko bago tinalikuran sila sandali. I need to call Ria.

"Ria, I'll be late today. I'll be there after lunch." Sinabihan ko siya na ire-sched niya nalang ang mga meeting ko for today. I don't think I can work on time for today.

I ended the call nang makita ko na may mga pulis nang dumating. They approached me for my statement and also sa dalawang lalaki na ngayon ay nasa gilid ko. Tahimik lang akong nakikinig sa mga sinasabi nila na witness daw sila sa nangyari. Kinuha ng mga pulis iyong lalaking nanghipo sa akin at dadalhin na sa presinto.

Tumango ako sa kanila at sinabing pupunta ako doon mamaya to file a case. Nalaman ko din kasi mula kay Ate Nelia na hindi lang pala ako ang nahipuan ng lalaki. May mga records na pala ito dati pa ng sexual harassment. That bastard.

Hinilot ko ang noo ko pagkatapos ng nangyari. Nagpunta sa maliit na locker ko doon sa gym at kinuha ang malinis kong damit. Agad akong naligo at nagbihis. Inilalagay ko na ang tuwalya sa loob ng locker at maingat na isinara na iyon.

Napalingon ako saglit sa labas nang makita ko si Zacharias kasama iyong Roa. Nangunot ang noo ko nang makita na sinisipa ni Zacharias ang lalaki saka itinutulak ito papalayo. I saw his friend just salute him with a huge smile on his face. Weird duo. I just shrugged. I know how to mind my own business.

I was walking towards the door when Zacharias showed up in front of me, blocking my way. He was shyly smiling towards me. Napaiwas siya ng tingin kaunti at nakita ko ang kanyang tenga na namula.

"Can I treat you for breakfast?" tanong nito sa akin.

Agad na tumaas ang kilay ko. "For what?" Para saan? We don't even know each other and he is a total stranger. I just met him.

Nahihiyang tumingin siya sa akin. "Uhm -- I just want to. Please?"

Namewang ako at tiningnan ko siya. I gazed around looking for that guy he was with. "How about your friend?"

He smiled after what I said. "Ay! Ahm...He left. M-may...may gagawin pa daw kasi siya. Tama! May gagawin daw siya. " He wiggled his brows while looking at me. " So, breakfast?"

Tinitigan ko siya ng mabuti. I don't know why pero sa lahat ng nag-aya sa akin na lalaki na kumain sa labas ay siya lang ang tanging napapayag ako. His face instantly lit up when he saw me nodding. I guess this is an act of saying thank you towards him?

Sabay kaming lumabas sa building at pinahintay niya ako saglit para kunin daw ang sasakyan niya. Nagulat naman ako ng makitang itim na BMW pala ang sasakyan na dala niya. He's rich rich.

"Hop in!" sabi niya nang ibaba niya ang window. Tumango ako at akmang bubuksan na ang pinto ng backseat nang tinawag niya ako. "No, dito ka sa harapan."

"What?"

" Dito ka na sa shotgun seat." He smiled. Napabuntong-hininga nalang ako bago binuksan ito at umupo na. I don't want to argue anymore. I just want to eat a decent meal. I'm hungry.

"Where to?" Tanong niya sa akin.

Tiningnan ko siya na nakakunot ang noo. "You're the one who asked me for breakfast." Hindi ko naitago ang inis sa boses ko. I heard him chuckled bago pinaandar ang sasakyan.

Minutes later, we are in front of Jollibee. Bored na tiningnan ko siya. "Really?"

Tumawa lang siya. "Hindi mo sinabi kung saan mo gustong kumain, eh. Dito nalang para bida ang saya!"

Napailing nalang ako habang gumuguhit ang maliit na ngiti sa aking labi. It was corny but funny all at once.

Sinabi ko na pancakes nalang ang gusto kong kainin and a cup of black coffee. Pagkatapos ng ilang minuto, nasa harap ko na siya at kumakain na kami. He ordered Chickenjoy breakfast meal while I'm having my pancakes. Walang nagsasalita sa aming dalawa since wala din naman kaming pag-uusapan.

We are strangers to each other, yet we are eating breakfast together. Ano ba ito?

I heard him coughed. " A-Ahm... So you are an Attorney?" he said trying to start a conversation.

I nodded. "Yes."

"Ilang taon na?" He asked while he's eating. Akmang kukunin ko ang syrup para sa pancakes ko nang maunahan niya akong damputin iyon. Napatulala lang ako sandali nang siya na mismo ang maglagay niyon sa pancakes ko.

I averted my gaze from him when I felt something inside of me. I sipped my coffee. "T-three years to be exact."

Tumango - tango siya and pure silence after that. Parang ang awkward kaya nagtanong nalang din ako sa kaniya. "So? What is your job?"

Natigilan naman siya pagkatapos ay ngumiti sa akin. " I'm an Engineer."

Ako naman ang natigilan sa sinabi niya. Kaya pala ang laki ng katawan. He's an engineer. Maybe he's used to working in the field.

" For how long?" I asked.

"Limang taon na. "

Tumango naman ako. We ate in silence once again but I caught him multiple times smiling while gazing at me. Pagkatapos naming kumain ay lumabas na kami sa Jollibee and I fixed my hair.

"Uh - so... Thank you for having breakfast with me, Attorney." Nakangiting sabi niya. His eyes were bright and he was touching the back of his neck. I just found it... cute?

"Thank you." Maikling sabi ko at aalis na sana nang tawagin niya ako.

"Hatid na kita." Binuksan niya ang pinto ng kotse habang nakatingin sa akin. Shit! parang nakakahiya naman.

"No need, Engineer. Magta-taxi nalang ako." Sagot ko.

I saw him nodded. "Sige, ingat ka sa daan."

Tumango naman ako at ngumiti. "Thank you. Bye." 

Tatalikod na sana ako muli nang tawagin niya ako ulit.

"See you next time, Attorney." He was smiling at me which shows his teeth. Napahawak siya muli sa kanyang batok.

Nagtatakang nilingon ko siya. "What?"

Nakita kong mas naging malawak ang ngiti niya sa akin sanhi para lumabas ang dalawang biloy niya sa pisngi. "I said, see you next time."

"But you didn't know me at all." I said. Totoo naman. To think na napakalaki ng Pilipinas. Imposible na magkita kami nito ulit.

Sumandal siya sa kanyang sasakyan at ngumisi. " I have my ways."

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay sumakay na siya sa sasakyan niya. Naiwan akong nakatayo sa tabi ng daan habang nakatanaw pa din sa papalayo niyang sasakyan.

Anong sabi niya? He has his ways?

I chuckled. Napailing nalang ako at nagsimula nang pumara ng taxi. Hanggang sa loob ng taxi ay napapailing lang ako.

Sa laki ng Maynila, that would be impossible.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top