Kabanata 24

"Good morning, Babe." 

I looked at him and gave a wide smile. Ibinaba ko muna ang hawak kong camera at pinisil ang kanyang pisngi. Kahit bagong gising lang ang lalaki ay napakapresko ng mukha nito kahit na magulo ang buhok. I instantly closed my eyes when I felt him kiss my forehead.

Natatawang itinulak ko siya palayo ng gumapang ang mga kamay niya papasok sa suot kong manipis na sando. Pabirong hinampas ko ang kamay niya ng pisilin nito ang kaliwang dibdib ko. Jusko! Masyado pang maaga para doon!

"Hmm... You smell good, babe. " He said huskily as he put his face on my neck.

"Mamaya na 'yan. Let's eat breakfast first. There are so many activities that are lined up for today, Engineer. I'm sure we really need to keep our energy. " Madiing saad ko sa kaniya.

The side of his lips went up. "Quickie?"

Natatawang umiling ako. "Stop, Babe. Get up now, I'm hungry. "

He instantly kissed my cheeks and went out of the bed. "Dapat kanina mo pa sinabi para nakabangon agad ako."

I scoffed. "Wow, kanina ko pa nga pinipisil yang mukha mo hindi ka man lang dumilat."

He went to the closet and went to get his clothes. Kinuha din niya ang tuwalya sa rack at nilingon ako. "Wait for me. I'll be quick. "

Tumango lang ako pagkatapos ay pumasok na siya sa loob ng banyo. Agad na tumayo ako at nagbihis ng bagong damit. Naka-schedule kasi ang breakfast namin ngayon sa may restaurant area dito. I'm so happy dahil exclusive sa amin ang place at mabuti nalang talaga at kilala ni Dawn ang may-ari. It was less hassle on my part.

I chose to wear a white summer dress above the knee. It was already eight in the morning at masakit ang katawan ko. I must be tired because of the preparations yesterday. Bigla akong napangiti. Okay lang, worth it naman ang surpresa ko sa lalaki dahil natuwa naman ito.

I took the DSLR camera from the desk and wrapped the strap around my neck. I want to take photos so that I can make a photobook. Maganda kasi ang ganon dahil makikita ang memories at saka natuwa ako sa photobook na pinagawa ko noong bakasyon namin ni Zacharias sa Ilocos. Gabi-gabi ko nga iyong tinitingnan. How I wish I could go back to that place again.

Nang matapos na siyang maligo at magbihis ay magkahawak-kamay kaming lumabas sa aming kwarto. Sinilip ko pa ang kabilang kwarto pero wala na doon sina Olive at Dawn. Baka nauna na nagising.

Agad na napapikit ako ng tumama sa mukha ko ang sinag ng araw. The wind is so fresh and calming. Nakakatanggal ng stress. Napalingon ako kay Zacharias ng hawiin nito ang buhok ko at inilagay sa kanang balikat ko. Nagtatakang tiningnan ko siya ng bitawan niya sandali ang kamay ko at may inilabas na bimpo.

"Tumalikod ka." Utos niya.

"Bakit?"

Ang mga mata niya ay nakatingin sa mukha ko at hawak nito ang bimpo habang nagsasalita.

"Baka pagpawisan ka, mainit pa naman ngayon."

Napatulala ako sandali sa sinabi niya at siya na mismo ang nagtalikod sa akin. Naramdaman kong inilagay niya sa likod ko ang hawak niyang bimpo kanina.

It was a simple gesture, but it made me smile. Pagkaharap ko ay agad niya akong pinatakan ng halik sa noo at hinawakan ang kamay ko para makapaglakad na kami. Napangiti nalang ako sa kaniya at sumandal sa braso nito habang naglalakad.

"Sam!"

Agad na kumaway ako sa direksyon nila Olive at Dawn ng makita ko sila sa loob ng resto. Agad na hinila ko si Zacharias na nagpahila nalang din sa akin habang umiiling. Nakita ko doon na nakaupo sina Olive, Dawn, Gillen at si Ate Cel na nagkakape. I just smiled at her, but her eyes were on Zacharias who was smiling at my friends.

"Ate Cel, maaga ka yatang nagising?" Nabaling ang tingin nito sa akin. She paused for a moment and smiled at me.

"Yes Sammy, hindi kasi ako masyadong nakatulog."

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. "Bakit? May problema ba sa kwarto mo?"

She shook her head. "Wala naman. Marami lang akong iniisip. "

I just nodded. Tumingin ako kay Zacharias na nakatingin sa akin ngayon. He smiled at me and he pulled me closer to him. Nahihiyang tiningnan ko lang siya dahil parang nag-PDA kami sa harapan ng kaibigan ko.

"Mamaya na 'yang mga titigan please. We're starving here. " Sambit ni Dawn sa matinis na boses. Naiiling na umupo ako sa harap niya habang si Zacharias naman ay nakaupo sa gilid ko.

We ordered a breakfast meal. Dawn and Olive wanted pancakes and coffee, Gillen just drank tea and a clubhouse sandwich. Ako naman ay pinili ko iyong longganisa nila at orange juice tapos kay Zacharias naman ay black coffee and tocino with rice. While we were eating our breakfast, Ate Cel drank her cup of coffee. Ganadong kumain ako habang sila ay nag-uusap sa hapag kainan. Napapangiti lang ako kapag hinahawakan ni Zacharias ang kamay ko o 'di kaya ay pinupunasan ang bibig ko.

"Excited na akong mag boating jusko! Matagal-tagal din akong hindi nakapag bakasyon ulit. " Himutok ni Olive habang iniinom ang kanyang kape.

I heard Dawn scoff. "Busy ka din sa ibang bagay."

I chuckled when I saw how Olive gave a disgusted look. "I don't want to hear it."

Naiiling na tiningnan ko nalang na magbangayan ang dalawa sa harap ko.

"Babe, do you want to eat a dessert?"

Agad akong tumango kay Zacharias ng tanungin niya ako. He smiled at me and immediately left to order something. Inubos ko nalang ang naiwan ko na orange juice at napatigil lang ako ng makitang tinititigan ako ni Ate Cel. She just smiled at me and shifted her gaze. Nagkibit balikat nalang ako sa babae.

After a few minutes, masayang kinakain ko na ang dinalang halo-halo ni Zacharias. Inorderan din niya ang mga kasama namin. Masarap 'to ngayon dahil mainit!

When we finished our breakfast, nagpahinga muna kami sa maliit na kubo banda sa dalampasigan bago sumabak na sa mga activities na inooffer ng resort. Masayang sumakay kami ni Zacharias sa Jetskii kahit kinakabahan ako. It was my first time to ride something like this dahil hindi naman ako gaanong adventurous na tao unlike kay Dawn na ngayon ay malakas na pinaharurot ang Jetskii at nakasakay sa likuran niya si Gillen na bakas ang takot sa mukha. Pinagsabihan ko ang babae na hindi pwede pero maging ang manager niyang si Gillen ay hindi siya nakinig. I just let her, but I made sure she wore protective gear.

I am currently wearing my life jacket and I double checked it if it was locked. Natatakot kasi ako na baka matanggal ito bigla at mahulog ako pero marunong naman akong lumangoy. Si Olive naman ay mag-isa na sumakay sa kanyang Jetskii dahil ayaw ni Ate Cel. Titingnan niya nalang daw kami mula sa dalampasigan.

"Babe, huwag kang mag-aalala. Ako ang bahala sa'yo. " Nakangiting sambit ni Zacharias sa akin. Tumango ako sa kaniya at kinakabahang kakapit na sana sa upuan ng biglang kinuha ng lalaki ang mga kamay ko at inikot sa kanyang bewang.

Nakangising nilingon ako nito. "This should be here. Kumapit ka lang sa akin."

Napasigaw ako ng biglang umandar ang Jetskii at mabuti nalang ay nakahawak ako ng mahigpit sa kanyang bewang. Parang tumalon yata ang puso ko sa gulat! Tumatawang tiningnan niya ako at pagkatapos ay pinaharurot ito ng lalaki hanggang makarating kami sa malalim na parte ng dagat. Habang nakasakay ako ay natuwa ako dahil nakakakita ako ng mga maliliit na mga isda at iilang mga coral reefs. Sobrang linaw din ng tubig at nag-enjoy ako dahil si Zacharias ay halatang aliw na aliw.

"Babe! Look! "

Agad na tiningnan ko ang itinuturo niyang pagong na lumalangoy sa gilid namin. Masayang pinagmasdan ko iyon. We went for a ride for nearly half an hour bago namin napagdesisyunan na magpahinga pabalik sa dalampasigan.

Niyakap niya ako pagkababa ko sa Jetskii. Siya na din ang nag-ayos ng basa kong buhok. Tumatawang tiningnan ako ng lalaki.

"Para ka nang basang sisiw, babe!" He chuckled and went to tie my hair. Ngumuso lang ako sa kaniya at inis na hinampas siya sa dibdib.

"I told you to decrease the speed! Alam mo namang first time ko diba? "

Tumawa lang ang lalaki sa akin.

"Oo, Ako naman talaga ang una mo 'di ba?" Sabi niya ng nakangisi sa akin. Kinurot ko lang siya dahil alam ko namang double meaning iyon! Maharot talaga!

We just rested for a while and I went to change into a swimsuit dahil magbo-boating kami mamaya. I'm excited because they said there are a few islands near the resort! I will definitely collect more photos for safekeeping!

I wore a red bikini and a long blazer. Hindi ko din kasi gusto na parang bilad na bilad ang katawan ko. Zacharias also changed his clothes and wore a fitted sando. Hindi ko tuloy maiwasang mapatingin sa mga biceps ng lalaki. Iniiwas ko nalang ang mga mata ko dito at nakangiting ininom ang buko juice na hawak ko. Yummerz talaga!

Nang dumating ang tanghalian ay masayang kumain kami along the beach side. Grilled pork and belly, barbecue, fish and seafood ang kinain namin. Busog na busog kaming lahat pagkatapos. Nagpahinga ako saglit at umupo sa buhanginan ng tumabi sa akin si Dawn at tiningnan ako.

"Oh? Bakit? " Tinaasan ko siya ng kilay.

Natatawang ngumuso siya sa likuran ko at nakita ko doon si Zacharias na kasama si Gillen. May sinasabi ang lalaki sa kaniya pero ang mga mata nito ay nasa akin.

When I met his gaze, my cheeks began to flush. He smiled at me and his dimples showed up on his cheeks. Napapailing na ibinalik ko kay Dawn ang tingin ko at halata sa mukha nito ang pang-aasar.

"Stop it, Dawn. Hindi na tayo teenager. " Siniko niya ang braso ko at humagikhik.

"I know, pero yung sa inyo para kayong mga highschool maglandian. Proud ako sayo girl! Malandi ka na! "

Agad na binatukan ko siya. "Gaga! Mas malandi ka sa akin! "

Nakataas noong ngumisi siya saakin. "I know right! Learn from me, bitch. "
Napapailing na tiningnan ko ang dagat at naroon si Olive na lumalangoy. I sighed.

Her face was vibrant and she was happy. Naglalaro ito sa alon at tumatakbo pa. She looked stunning in her yellow bikini. It shows her curves and her boobs, which are her assets! Jusko! Kaibigan ko 'yan!

"I felt sorry for her." Maikling saad ni Dawn sa gilid ko. "Tingnan mo nga ang mukhang iyan, ang ganda ganda pero bakit nagawang lokohin?"

Ibinaba ko ang hawak kong baso. "Dawn, we didn't know what really happened between them. Baka may rason din si Olive. "

She scoffed. "At ano? Si Valerius may rason din? Jusko kahit baliktarin mo ang mundo, hindi pa din tama na lokohin mo yung taong walang ibang ginawa kundi mahalin ka lang. " She paused and looked at me. "Nakita nating dalawa kung gaano katibay yung dalawa noon. Jusko! anim na taon, eh ako nga mahaba na ang isang linggo! "

Hinampas ko siya sa braso. "Gaga, ayaw mo kasing mag seryoso! Ilang lalake na ba napaiyak mo ha, hindi ko na ata mabilang sa kamay! "

"I told you so many times, I don't want commitments. Masakit 'yan sa puso. I will not allow myself to be in that situation again. Alam mo naman ang nakaraan ko. " Malungkot na sambit niya.

I sighed heavily. "Kaya nga diba, natatakot akong sumugal noon dahil ayoko din maramdaman na masaktan. Pakiramdam ko hindi ko kakayanin eh. " My lips formed into a small smile when I thought of his face. "Iba talaga siguro kapag mahal mo na, parang handa mo nang isugal kahit alam mo naman na hindi ka sigurado kung hanggang kailan kayo."

"I can't believe you are talking about love like this! Parang kailan lang parang sinusuka mo kapag tina-topic natin eh! " Natatawang sambit nito sa akin.

I smiled. "I changed, you know."

"Hindi ah. Ikaw pa din naman 'yan. " Dawn smiled towards me and held my hand. "Binuksan mo lang ang puso mo para magmahal. Oh 'di ba? Ngayon hindi nalang kami ni Olive at pamilya mo ang nagmamahal sayo 'di ba? Marami na kami! "

I just hugged her. "Kaya nga ang swerte ko sa inyo. Hindi niyo pinaparamdam na mag-isa ako. "

"We love you, you know that, right?" Malambing na sambit nito sa akin.

Tiningnan ko siya at natatawang hinalikan siya sa pisngi. "Bakit parang iiyak ka na niyan?"

She averted her gaze away from me and scoffed. "If someone's gonna cry, definitely not me."

I tapped her hand and smiled. "Ikaw din, alam mo naman na nandito pa din kami na nagmamahal sa'yo diba? Hindi ka namin iiwan, Dawn. Always remember that, bitch. "

Humalakhak ang babae at tinapunan ako ng buhangin sa mukha.

"Drama mo! Let's join her! " Tumayo siya agad at tumakbo papunta kay Olive na nakangiti na kumakaway sa amin. Naiiling na tinanggal ko ang buhangin na tumama sa mukha ko at tumakbo papunta sa kanila. Agad na niyakap ko ang dalawa ng makitang tinutulak ni Olive si Dawn para mabasa ng tubig. I just laughed when we went out of balance and we hit the water together. Pasaway!

We had fun and swam on the beach. Nawili din kami kakalangoy at nagpakuha kami ng iilang mga litrato kay Ate Cel na dala ang DSLR ko. She smiled at us at sinabihan kami na ang cute daw namin. We urged her to take a photo with us kaya pinakuha namin ang picture sa isang staff na nakita namin.

"Babe, tara na. Ready na ang bangka. " Napangiti ako at inabot ang kamay ni Zacharias na nakalahad sa akin. Nakahiga kasi kami nina Dawn, Olive at Ate Cel para magsun-bathing.

"Hindi ba tayo gagabihin, Babe?" Tumingala ako. Mukhang malapit na din kasing mag alas tres ng hapon.

"Ano ka ba, Sam! Okay lang 'yan! I'm excited! " Sagot ni Olive habang nakahawak ang kamay kay Dawn na nakatingin lang sa amin.

"Guys, Tara na. Andito na yung bangkero." aya ni Gillen 'di kalayuan sa kinatatayuan namin.

Susuotin ko na sana ang life jacket ng hinablot ito ni Zacharias mula sa kamay ko.

"Babe! Kaya ko naman. " Maktol ko sa lalaki.

"Ako na. Lift your hands. " Wala na akong nagawa kundi pabayaan siya sa gusto niyang gawin. Inilagay niya iyon sa akin at sinigurado na naka-lock iyon ng mabuti.

"I'll tie your hair again." Tumalikod nalang ako sa kaniya at nakasimangot na sumunod. Ginagawa naman akong bata nito.

Nakita ko sina Dawn na natatawang nakatingin sa amin. Sinamaan ko lang sila ng tingin. Agad na hinarap ako ni Zacharias sa kaniya at mabilis na hinalikan sa labi.

"Stay close to me okay? I'll make sure you're gonna be safe, babe. "

Napangiti ako dahil doon. "Overprotective mo naman."

He held my hand again and kissed the back of it. "Of course! Importante ka. "

Kinilig ako sa sinabi ng lalaki pero hindi na ako nagkomento. Pakiramdam ko tuloy kulay kamatis ako ng makarating kami sa bangka. Agad na kinarga ako ni Zacharias pasampa sa bangka.

"Sana all nalang talaga masasabi ko girl." Sambit ni Olive.

Sumampa na din sila sa loob. Nakita ko si Ate Cel na nahihirapan papaakyat. Napasigaw ako ng muntik na itong madulas pero nahawakan agad ito ni Zacharias sa kamay. Inangat niya ang babae at tinulungan na makasampa sa tabi ko.

"S-salamat."

Hindi nagsalita si Zacharias at umupo sa kaliwa ko. He held my hand and smiled at me. I mouthed thank you to him and he just shrugged. Tiningnan ko naman si Ate Cel na mahigpit ang kapit sa kawayan na kinauupuan namin ngayon sa bangka. Our feet were touching the waters.

"Ate, are you okay?"

She simply nodded. "Of course."

Agad na napangiti ako ng magsimulang umandar ang bangka. I feasted my eyes on the view of the mountains in front of us. I also took some photos using my GoPro camera. Hindi naman ako mahuhulog dahil mahigpit ang hawak ni Zacharias sa bewang ko.

"Smile, Babe!" Kinuhanan ko siya ng litrato. He grinned because it was a really good one. Ilang beses ko pa siya kinunan. I also took photos with my friends.

Nang makarating kami sa isang naked Island, pinasuyo ko si manong na kunan kami ng litrato lahat. Mabuti nalang at mabait ang bangkero namin. We just explored the island a bit at natuwa talaga ako sa mga corals na nakikita ko. I also picked up some shells at masayang ipinakita ito kay Zacharias na nakatingin lang saakin. After that, we went to a nearby sand bar kung saan kumuha din kami ng ilang litrato.

"Akin na nga 'yan! Kayo naman ni Zacharias magpicture!"

Tumango ako kay Dawn at agad na hinila ko si Zacharias. We took some photos like we're hugging each other, nakawacky at nakadila ako sa lalaki habang siya naman ay pinisil ang pisngi ko. Akala ko ay tapos na ng bigla ako nitong buhatin in a bridal style position. Gulat na gulat na tiningnan ko siya habang siya ay nakangiti lang sa kamera.

"Nice move, Engineer! Tamis niyo! "

Agad na ibinaba ako ni Zacharias at masayang tiningnan ako.

"Make sure to give me a copy of those, babe."

"Ikaw talaga! Hindi mo naman ako kailangan buhatin! "

Hinalikan lang ako nito sa noo at bumalik na kami sa bangka dahil malapit na din dumilim. Nakasandal lang ako sa lalaki habang pabalik ang bangka sa resort. Masayang nagtatawanan naman sina Olive at Dawn sa gilid namin.

Nagulat lang ako ng biglang lumaki ang alon at halos mabuwal ang sinasakyan naming bangka. Napasigaw kami at napakapit ako kay Zacharias ng mariin.

"Si Ate Cel!" Sigaw ni Dawn habang nakaturo sa dagat. Nanlaki ang mga mata ko ng makita si Ate Cel na nandoon. Wala na ang suot nitong life jacket.

"Help! H-help me! Please! " She shouted. I instantly panicked. Agad na nakita ko ang bangkero na akmang tatalon na ng makarinig ako ng tilamsik ng tubig.

"Ate Cel!" Sigaw ko.

I immediately saw Zacharias swimming towards my cousin's direction and held her. Napakapit agad ang babae sa kaniya na naghahabol ng hininga. I looked at his face. It was dark and serious. Sabay silang bumalik sa bangka at agad na tinulungan sila ni manong na itaas si Ate Cel na nanginginig sa takot.

I was worried about her and I went to her side. Umiiyak siya at nakahawak pa din kay Zacharias na seryoso lang na nakatingin sa babae pero kita ko ang pag-aalala sa mga mata nito. Bumaba ang mga mata ko sa kamay nilang magkahawak at agad na nakaramdam ako ng biglang pagsikip ng aking dibdib. Parang hindi ako makahinga saglit. I averted my eyes and just let them be.

"Manong, bilisan na po natin." Rinig kong saad ni Zacharias.

Agad na napahinga ako ng malalim ng makarating na kami sa pampang. Si Gillen ang humawak sa akin para makababa ako at agad na bumaling ako sa direksyon ni Ate Cel. Nakita kong binuhat siya ni Zacharias pababa ng bangka dahil nanginginig ang paa niya. Her hands were on his chest and he was carrying her in a bridal position katulad ng ginawa niya sa akin kanina.

I can feel the pain starting to build up in my chest. Akmang lalapitan ko sila pero mabilis na nilagpasan lang ako ni Zacharias. Napatulala nalang ako sandali dahil nakita ko na itong deretsong dinala ang babae papasok sa cottage.

No, Sam. You shouldn't feel like this. It was your cousin. You shouldn't feel jealous right now. Saway ko sa sarili ko. Nasaktan ako ng hindi ako pinansin si Zacharias kanina at mas pinagtuunan ng pansin ang babae. Inakay ako ni Gillen papunta sa Cottage at nakita ko si Ate Cel na pinapatahan ni Olive. I immediately went to her and tapped her hands.

"Ate, I'm sorry." Mahinang sambit ko dito. Umiiyak lang siya at naawa naman ako dito. Baka natakot lang talaga ito nung mahulog siya sa bangka. Madilim na din kasi ang paligid at hindi din siya marunong lumangoy. Kamuntikan na siyang malunod.

"She should rest, Sam. " Napalingon ako sa likuran ko ng makita ko si Zacharias na may hawak na tuwalya. Tahimik na tumango ako sa kaniya at akmang aalalayan na si Ate Cel pero ibinalot niya sa babae ang tuwalya at kinarga ulit.

Kita ko ang gulat sa mga mata nina Dawn at Olive habang nakatingin sa kanila. Ako naman ay tahimik lang na napapikit dahil naroon na naman ang sakit na naramdaman ko kanina.

Sam, hindi nila alam. Please, just don't think anything. He's just helping her. Nothing more.

"Ay bakit may pa buhat?" Nakataas na kilay na saad ni Dawn sa akin.

"H-hayaan mo na, baka na trauma si Ate Cel. As far as I've known, hindi siya marunong lumangoy. " Mahinang sambit ko at nag-iwas ng tingin.

Tumango naman sila at sumunod sa direksyon kung saan pumunta si Zacharias. Gillen excused himself dahil siya nalang daw ang mag-aasikaso ng kakainin namin ngayong gabi. I just stayed inside the cottage for awhile to breathe. I could still feel a sharp pain in my chest. Bakit ba nasasaktan ako? He was just helping her. Napapikit ako ng parang may bumubulong sa akin.

She's his ex.

I could still remember his worried face earlier. Mababakas ko sa mga mata niya ang takot. Does he still care about her? Bakit ganon nalang ito mag-alala para sa babae?

I sighed heavily. I am starting to overthink things. Nanlaki ang mga mata ko ng makitang nanginginig ang mga kamay ko. My eyes were getting blurry and I realized I was already crying. But why am I crying?

I suddenly felt like I was choking and my heart palpitated rapidly. Bumibilis ang paghinga ko. Para akong mahihilo.

And then it hit me...

No.

No.

My anxiety attack! Huwag ngayon na wala akong kasama!

"Ah!"

I clutched my chest when I couldn't breathe. My knees are weakening as the pain in my chest worsens. Natumba ako sa buhangin habang hawak-hawak ko ang dibdib ko. Kahit malabo ang paningin ko ay nakita ko ang kamay ko na nanginginig. I was crying loudly, hoping that somebody could hear me!

I slowly closed my eyes when I couldn't take the pain anymore.

***

I slowly looked around when I first opened my eyes. Agad akong napaupo ng maramdaman kong sumakit ang ulo ko. I suddenly felt nauseous. Tatayo na sana ako ng may pumigil sa kamay ko. Kahit nanghihina ay tiningnan ko siya at nag-aalalang nakatingin ang lalaki sa akin.

"B-bathroom...Now. " Paos na saad ko. Agad siyang tumayo at binuhat ako papunta sa banyo. I immediately crawled to the bowl and puked. Inilabas ko ang mga kinain ko hanggang sa wala na akong masuka. Nahihilong sumandal ako sa gilid pero agad akong binuhat ni Zacharias pabalik sa kama. Maingat niya akong nilapag at agad na tinali nito ang buhok ko sa likod. Nagmamadaling iniwan ako nito at nakita ko siyang naglakad pabalik sa banyo. Pagbalik ay may bitbit na itong maliit na palanggana at bimpo.

Nakatingin lang ako sa kaniya habang ginamit niya iyon at pinupunasan ako. I couldn't read the emotion on his face but his eyes were soft as he was looking at me.

"Z-zacharias... I-I'm okay." I said to him and smiled.

Nagulat ako ng pumungay ang mga mata nito sa akin at mahigpit na hinawakan ang kamay ko.

"I-I'm sorry... I'm sorry. Dapat hindi kita iniwan doon. "

I held his hand. "I-I'm fine. How's my cousin? " Nag-aalalang saad ko.

He sighed heavily. "She's fine. Nakapagpahinga na siya kagabi. She almost drowned."

Tahimik na tumango nalang ako at naalala na kailangan ko palang uminom ng gamot.

"C-can you get me something to eat, Babe? I-I'm starving. "

Ibinababa nito ang bimpo na hawak at inilapag niya sa palanggana. He caressed my face and nodded. Bago umalis ay pinatakan muna ako nito ng halik sa noo.

The moment I saw him close the door, I immediately crawled towards my luggage and found the bottle of my medicine. I remember putting it here. Agad na binuksan ko iyon at kumuha ng dalawang tablet. I picked up the water bottle and immediately drank the medicine. Itinago ko iyon pabalik sa loob ng luggage at bumaliks sa pagkakaupo. Minutes later, I saw Zacharias carrying a tray with my breakfast. Hindi na pala ako nakakain kagabi ng dinner.

Nagulat ako ng ibaba niya ito dahil madaming kanin at mga ulam ang nandoon.

"Bakit ang dami?" Habang nakatingin ako sa mga pagkain.

"You need to eat. Hindi ka nakakain kagabi, Sam. I'm worried. "

Tumango nalang ako sa kaniya at pinabayaan na pakainin niya ako. He's the one who is feeding me. Tinitigan ko lang siya habang ngumunguya ako. Napansin kong pagod ang mga mata niya at malalim ang mga mata. His hair was also messy, but he's still handsome.

"Ikaw ba ang nakakita sa akin?"

He paused for a moment and stared at my face. He shifted his gaze away from me.

"Hindi. Si Gillen ang nakakita sa'yo. "

Hindi ko alam pero biglang sumikip ang dibdib ko sa sinabi niya. That will just mean that he didn't bother to come back for me. Umiling nalang ako.

"Ikaw ba ang nagbantay sa akin buong magdamag?" Deretsong sabi ko sa lalaki. He sighed heavily and yet my heart sank when he shook his head.

"I asked Dawn and Olive."

Where was he at that time? Nasa tabi ng pinsan ko?

"I don't want to eat anymore." Walang emosyong saad ko. His forehead was creased.

"No, tatlong kutsara palang ang nakakain mo Sam. Hindi pwede. " nag-aalalang sambit nito sa akin.

"Ayoko nga 'di ba!" I shouted. My unexpected outburst caught him off guard. "Masakit pa ang ulo ko. I'll sleep. " Humiga ako patalikod sa kaniya.

I just heard him sigh and he kissed my head before I could hear his footsteps walking out the door.

Hindi ko na napigilan ang pagdaloy ng masaganang luha sa aking mga mata. I cried silently, feeling the pain in my chest. Ito pala 'yon.

Ganito pala ang pakiramdam kapag nasasaktan ka na.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top