Kabanata 23
Agad na iniwas ko ang tingin ko sa kaniya at nauna ng maglakad pabalik sa dalampasigan kung nasaan sina Zacharias. I can feel that my hands are shaking and my knees are trembling because of nervousness. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ni Zacharias kung muli niyang makikita ang babae. Mas lalo pa kapag nalaman niya na pinsan ko ang ex niya.
Agad na napalingon sila sa akin ng makalapit ako sa mesa. Agad na hinawakan ni Zacharias ang bewang ko at hinila papalapit sa kaniya. Napansin yata ng lalaki na namumutla ako.
"Babe, Are you okay? " Kunot- noon a tanong ni Zacharias sa akin.
I smiled at him and tapped his hand on my waist. "I am. Nandito na pala si Daddy. "
"He's here? "
"Tito!" Saad ni Olive ng makita ang ama ko na nakalapit na sa lamesa. Agad na tumayo si Zacharias ng bumaling ang atensyon ni Daddy sa amin. My father extended his hand towards my boyfriend and gently smiled.
"You must be my daughter's boyfriend?" Paniniyak na tanong nito.
I can feel that Zacharias was nervous, but he also extended his arm to shake my father's hand.
"Yes. I'm Engineer Zacharias Valencia, Sir. " Magalang na sambit nito.
Tumango si Daddy at nakita kong nakangiti ang mga mata niya. Oh my goodness! Akala ko talaga magagalit siya. Nagsimula ng tumambol ng sobra ang dibdib ko ng mahagip ng paningin ko si Celestine na nasa likuran ni Daddy.
Hindi ko mabasa ang reaksyon sa mukha niya dahil seryoso ito at nakatutok ang mata kay Zacharias na hindi pa siya nakikita. Agad kong ipinulupot ang aking braso sa bewang ng lalaki at napalingon naman ito sa akin at ngumiti. He held my hand tightly that was on his waist.
Huwag mo siyang titingnan please.
"Sinama ko pala si Celestine." sambit ng ama ko at umatras siya para makita ang kabuuan ng pinsan ko. Narinig ko ang tuwa sa mga boses nina Olive at Dawn pero ang atensyon ko ay nakatutok kay Zacharias na agad na napalingon sa babae.
Sumakit ang dibdib ko ng makita ang pagbadha ng gulat sa mukha niya. His brows furrowed and his emotions changed. I can't see it clearly because I can only see half of his face. Naramdaman kong medyo lumuwang ang pagkakapit niya sa kamay ko kaya mas lalo akong sumiksik sa gilid niya.
"Babe?" mahinang sambit ko sa lalaki. He immediately turned his gaze towards me with confused eyes before his face became serious and his lips were in a grim line. I just smiled and averted my gaze towards Celestine, who was now looking at us.
"Ate Cel, this is Zacharias. He's my boyfriend, the one I'm talking about. " I said to her. My insides are trembling, but I'm proud that I didn't say it in a sacrilegious manner. Nakita kong napakurap si Ate Cel at napatingin sa akin. She smiled pero may kakaiba sa mga ngiti niyang iyon. She extended her hand in Zach's direction.
"Hello, I'm Celestine Stella Genares. I'm Summer's cousin. "
Agad na tiningnan ko si Zacharias na nakatingin lang sa babae at seryoso ang mukha. Akala ko hindi niya aabutin ang kamay nito pero nadismaya ako ng kinamayan niya din ito.
"Zacharias." maikling saad niya. I don't know, but it was a bit awkward for me. Nakatingin lang ako sa mga kamay nila na magkahawak. Why is my chest throbbing by the mere sight of it?
Napahigpit ang hawak ko sa bewang ni Zacharias at naramdaman niya siguro iyon kaya binitawan na niya agad ang kamay ng babae.
"Happy Birthday, Iho." My father broke the silence and Zacharias just responded with a simple thank you. All of us immediately returned to our respective seats. Pinaupo ko si Daddy sa harapan ko at si Celestine naman ay umupo sa harap ni Zacharias. I can't stop myself from overthinking.
Bumalik ang sigla sa mesa ng mag-usap ang ama ko at si Zacharias. Ako naman ay tahimik na nakikinig lang at kumakain ng steak. Celestine was also quiet at dinner. Hindi ko din ito masyadong pinapansin dahil pinagtutuunan ko ng pansin si Daddy at si Zacharias. Napalingon lang ako kay Daddy ng magsalita ito ulit habang sumisimsim ng wine.
"Zacharias, you're an engineer right? Baka pwedeng ikaw nalang ang kukuning engineer ng ipapatayong Art Gallery ni Celestine? " doon ako napahinto sa pagkain.
I immediately looked at Zacharias and his smile suddenly disappeared. My heart was beating so fast because of what I heard. Talaga bang itutuloy ng babae ang balak nitong art gallery sa Manila? I thought she was just on vacation? Na babalik din siya sa France?
Celestine chuckled. "Oo nga po, Tito. Ilang months na po ako naghahanap ng Engineer para sa project kaso hectic ang schedule. " She took a glance at my man. "Will it be alright, Mr. Valencia?"
Zacharias didn't respond for a moment. His eyes were on his food. "I'm not sure if I can do it. I have projects... ongoing. " madiing sambit nito.
Nakita kong tumango si Daddy. "I just want to ask you this favor, Iho. I know you're capable of doing it. " tumingin sa akin si Daddy. "Isn't that right, Sam? Para naman matulungan natin si Celestine sa Art Gallery niya. "
Zacharias looked at me and I didn't know what to say. Hindi ko alam kung papayag ba ako o hindi. Napapikit ako ng mariin at ngumiti. She's my cousin. Kahit baliktarin ang mundo magkadugo kami at dapat hindi ako ganito. I should trust her. Matagal naman na din silang natapos at ako ang kasalukuyan. I'm with him. Ako ang mahal niya.
"Of course, Daddy. I think Zacharias can do it, right, babe? "
I felt his hands reach mine under the table. He looked at me with a serious expression. I just smiled at him. "Right?"
I heard him sigh heavily and nod. "I'll see what I can do, Sir." pagkatapos ng sinabi niya ay tuwang-tuwa ang mukha ng ama ko. Celestine also smiled and looked at me. I just nodded towards her.
The dinner went well. We just took photos and also the night would not end without us drinking. Nagpaalam din agad si Daddy pagkatapos dahil may aasikasuhin pa daw siya. Nagulat lang ako ng may dala palang maleta si Celestine at sinabihan ako ni Daddy na isabay na daw namin siya dito for the mean time para makapaglibang naman daw ito. I don't have a choice but to agree.
I was watching my father's car exit the resort while Celestine was on my side. Tahimik lang ito habang dala ang maleta. Lumingon ako sa kaniya.
"Let's go, Ate Cel. Ihahatid kita sa kwarto mo. "
She looked at me and just nodded. Agad na nagsimula akong maglakad at nagpapasalamat ako at tahimik lang kaming dalawa. Hindi ko din alam kung ano ang sasabihin ko sa kaniya.
Kaming dalawa lang ang naglalakad papunta sa rooms dahil naiwan sila Zacharias sa may dalampasigan. Ayaw pa sana akong iwan ng lalaki kung hindi ko ito sinabihan. I stopped when I saw the unoccupied room that was left. Inikot ko ang seradura at pumasok sa silid. I switched on the light and it immediately illuminated the room. It has a queen sized bed, a table and a sofa.
"Dito ka matutulog, Ate. Just tell me if you need anything. "
"Sammy."
Agad na napalingon ako sa kaniya habang nakangiti. Iniwasan kong makaramdam ng awkwardsness sa paligid namin. I don't want to feel like this.
"Yes?"
I saw how she was nervously tapping her hands on her bag while looking directly at my face. "Can we talk?" kahit biglang tinambol ng kaba ang dibdib ko ay pinilit kong tumango.
"Of course, what's up?"
She was hesitant at first, but she sighed. "Why didn't you answer my texts and calls?"
I was taken back by her question. Ngumiti lang ako ako sa babae. Ayoko naman na sabihin na iniiwasan ko siya. She might ask why and I'm not ready for that kind of conversation. "I'm sorry, Ate. I've been so busy lately and I was the one who was with Dawn at the hospital. "
Tumango siya. "I understand."
There was a silence between us after that. Hindi ko alam kung may sasabihin pa ba siya or wala na dahil nakayuko na ito at parang may malalim na iniisip.
"Is there anything else?"
She looked at me and something crossed her eyes. It was as if she was finding the urge to say something.
"I wanted to ask-"
"Sam!"
Napalingon ako sa likod ni Cel ng makita ko doon si Olive na nakangiti. Nakatingin sa akin ito ng deretso.
"Sam, hinahanap ka na ng bebe mo." She looked at Ate Cel and smiled. "Ate, join us. Magbihis ka muna then sunod ka saamin sa dalampasigan ha. We're gonna drink tonight! " magiliw na sambit niya. Natatawang tiningnan ko ang babae at tumango.
"Ate Cel, sumunod ka nalang ha." Agad naman siyang tumango. Tumalikod na ako at umangkla sa braso ni Olive na naghihintay sa akin.
I sighed heavily while walking towards the seashore. Napatingin sa akin si Olive.
"May problema ba, Sam?"
Umiling ako sa kaniya. "Wala naman. P-pagod lang siguro. " Iyon nalang ang sinabi ko sa kaniya para hindi na ito magtanong.
Napapalatak naman ito. "Yan! Kaya sabi ko kanina ako na bahala sa decorations. Ikaw na nga ang naghanda ng lahat. Ikaw na talaga ang ulirang girlfriend! "
I chuckled because of her statement. Napahinga ako ng malalim ng agad na nakita ko si Zacharias na nakatayo sa dalampasigan at may hawak na bote ng beer. Mukhang may pinag-uusapan silang dalawa ni Gillen. Tumatango lang si Zacharias sa sinasabi ng lalaki. They both look serious.
"Engineer! Ito na ang bebe mo! "
Agad na napalingon sa akin si Zacharias. Lumapit agad ako sa kaniya. I instantly smiled when he encircled his hands on my waist. I placed my arms around his neck.
"Hi." Nakangiting bati ko sa kaniya.
Nakatingin lang sa akin ang lalaki ng seryoso at naramdaman ko ang marahang pagpisil nito sa bewang ko. I suddenly felt a tingling sensation in my system. I tightened my grip on his neck and gave him a peck on the lips.
"I'm outta here."
Natatawang nilingon ko si Gillen na naglakad na papalayo sa amin at naglakad patungo sa direksyon ni Dawn at Olive na nasa mesa at binubuksan ang mga inumin.
"Are you okay, babe?" tanong ko sa lalaki. He was looking at me like something was on my face. He just shook his head and drank the beer using his other hand. He nodded at me and bent down to give me a kiss on the lips.
I gladly kissed him back with the same intensity. Napaungol ako ng kaunti ng kagatin niya ang ibabang labi ko at hapitin ako ng mas mahigpit papalapit sa kaniya na parang hindi pa sapat ang lapit naming dalawa. I felt my knees go weak and I gripped tightly on his neck for support. I opened my mouth to give him access. I felt the bitterness of the beer he drank earlier and it was a bit sweet. I sucked his lower lip deeper and I heard him moan a little. My body was heating up and I know we badly miss each other. Dalawang buwan din kaming hindi nagkita at ramdam ko ang gigil niya sa akin.
I was the one who moved away from him when I heard someone cough. Agad na napalingon ako sa likod ko at nakita ko si Ate Cel na nakatingin sa amin. She was wearing shorts and a black top. Her face was serious as I looked at her.
Agad na humiwalay ako kay Zacharias pero napahawak ako sa dibdib niya ng pigilan niya akong makalayo. He just tightened his grip on my waist and looked at Ate Cel.
Nakangiwi na ngumiti ako sa babae. "Cel! A-ahm... You want to have drinks? " Awkward na tanong ko. She just smiled at me and nodded. I immediately looked at my boyfriend and gave him a peck on the lips.
"Later, babe." I winked at him. He looked at me and his eyes softened a bit before he reached for my cheeks and caressed it gently. He nodded and chuckle a bit.
"Balik ka agad."
Natatawang naglakad na ako palayo sa kaniya at pumunta kay Celestine.
"Let's go to the cottage."
Tahimik na naglakad kami papunta sa direksyon nina Olive at Dawn na masayang nagtatawanan.
"I told you he was hot! Ayaw mo talagang maniwala! " Rinig kong sambit ni Dawn sa nakasimangot na si Olive habang umiinom ng alak.
"Swerte mo naman at naka-fling mo si Jackson! Diyos ko sana ako din! "
"Okay lang 'yan! May-ari nga ng entertainment company ex mo!"
Olive raised her middle finger. "Tangina mo!"
Naiiling na napatingin ako sa dalawa.
"Ano ba 'yang pinag-uusapan ninyo? Lalaki na naman? "
Ngumisi sa akin si Dawn. "Ikaw nga nakipag-make out may sinabi ba kami?" Biglang uminit ang pisngi ko sa sinabi ng babae. Nakita ko namang humalakhak si Olive sa akin.
"That's okay. Mag jowa naman kayo. Hindi katulad sa iba diyan, kahit hindi naman jowa nilalaplap! " Nakangisi na sambit ni Olive.
"Tangina mo ah!" naasar na saad ni Dawn at hinila ang buhok ni Olive.
"Ewan ko sa inyo!" Sabi ko nalang at kumuha ng dalawang bote ng beer sa gilid. I handed it to Cel, who was looking at me.
"Here."
"Thank you, Sammy." Ngumiti lang ako sa kaniya at umupo kami sa harap ng dalawa. Kumunot ang noo ko ng hindi ko makita si Gillen sa paligid. Tinaasan ko ng kilay si Dawn.
"Nasaan ang manager mo?"
She just rolled her eyes at me. "Pakiusap huwag mo akong tanungin. He might have a call or what. "
"Suplada nito."
She looked at me with her brow furrowed. "I know right."
Naiiling na uminom ako sa hawak kong beer. Napapikit ako dahil malamig ito. It was good!
"Ate Cel, kailan ba target date mo para sa Art Gallery?"
Napatingin ako kay Cel nang makitang bumuntong hininga ito. "I was planning to open it this December on Christmas Day. I plan to hold an exhibition of my ongoing artworks. Maganda din iyon dahil may mga pupuntang investors. "
It has been her talent ever since we were kids. Simula bata pa lang kami interesado na talaga siya sa Arts and painting. Nang malaman ni Lolo Benjo na nakatira sa France na ito ang pangarap ni Celestine ay pagkatapos ng graduation nito ay tumulak na agad ang babae papuntang France para mag-aral ulit doon ng Arts. Suportado naman siya ng pamilya niya. Naging successful naman din ang career niya sa France at isa siya sa magagaling na pintor doon. Hindi ko nga alam kung bakit ito bumalik ng Pilipinas ulit pagkatapos ng ilang taon.
"I heard you will stay here for good?" I asked her while drinking.
She sighed heavily. "Y-yes. As long as time permits, "
My brows furrowed at her statement, but I just shrugged it off. Baka may balak pa siyang bumalik sa france.
Lumapit ng konti si Dawn sa amin. "Is there any reason why you decided about it? I mean, no offense meant Ate ha, but how many years have you been successful in France? Six? Seven years?"
Umiwas ng tingin si Cel sa amin at itinungga ang hawak na beer. Nakita kong mahigpit ang hawak niya sa bote ng beer. I just averted my gaze and drank mine.
Tumawa ito. "Kayo talaga. Wala naman akong ibang rason para bumalik dito kundi para ipakilala ang mga artworks ko. Isa pa namimiss ko na din ang Pilipinas. It's way more different here but I can manage. " Nakangiting tumingin siya sa amin.
"So Sam, si Engineer mo ang gagawa ng Art Gallery ni Ate Cel?"
I just nodded to end the conversation. I really don't want to talk about it. Nasa kaniya pa din naman ang desisyon if gagawin niya ba o hindi.
"Thank you so much, Sam. I owe you one. Ilang buwan na din kasi akong naghahanap. I really need to start the construction para makaabot pa sa December. "
"No worries, Ate. I'll ask him. "
Nakatitig lang sa akin si Ate Cel ng mariin. I didn't know what she was thinking.
"I'm happy for you, Summer. Y-you did found someone... great. " Hindi ko alam kung ako lang ba pero sinabi niya iyon sa malungkot na boses.
I smiled at her and I remember the times Zacharias made me so happy. Hindi ko na mabilang sa dami ng pagkakataon. "He made me feel happy and.... contented." mahinang sambit ko.
"I know, Sam. Hindi ka naman basta-bastang napapa-oo kung hindi mo talaga mahal ang tao. I know very well that you are afraid of commitments. Sa ilang taon ba naman puro trabaho lang inaatupag mo at kami ni Olive. "sambit ni Dawn na siyang nakapagpangiti sa akin.
Of course they knew. Alam nilang natatakot ako makipagrelasyon dahil una palang ramdam kong hindi para sa akin iyon, but when he came, bigla akong nawalan ng pakialam at ang gusto ko lang gawin ay sumugal. Kahit walang kasiguraduhan.
Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Olive at pinaglalaruan ang hawak na bote sa kamay.
"You deserve what you have right now, Sam. Sa ating tatlo, ikaw ang dapat na mas nakakaramdam ng sobrang pagmamahal dahil ang dami mong sinakripisyo. Mas inuuna mo pa nga kami kaysa sa sarili mo eh! "
Tahimik lang na nakikinig ako sa kanila at inubos ang unang bote ko ng beer. Kumuha pa ako ulit ng isa at uminom muli doon. Ayokong umiyak dahil sa sinasabi nila ngayon pero nararamdaman ko ang sinseridad mula sa kanila.
"Masaya ako kung ano ang meron kami ngayon. Hindi ko yata kakayanin kung mawala siya sa akin. I-It will be difficult." malungkot na sabi ko. Nakita kong nanlaki ang mga mata nina Olive at Dawn dahil sa sinabi ko. Napalingon naman sa akin si Cel.
"Ano ba 'yan! Four months palang kayo break-up na agad sinasabi mo. Tangina neto! " asik ni Dawn at lumapit sa gilid ko. Wala pa naman akong tama dahil matagal naman akong malasing kumpara kay Olive.
Natatawang tiningnan ko siya. "Oh? Bakit apektado ka? " Napayuko ako nang bigla akong batukan ng babae.
"Gaga ka! Una mo ito, Sam. Alam mo naman na ayaw ka namin makitang masasaktan. Don't even think about it. All you have to do is make memories and love each other!" mataray na sambit nito saakin. Dawn had a frown on her face.
"Oo nga! Ganda ng lovelife mo eh kumpara sa amin. Jusko! "asar na sabi ni Olive at tinapunan ako ng chips sa mukha. Tumatawang tiningnan ko lang ang babae.
"You will be happy, Sammy. I'm sure of it." nakangiting sambit ni Ate Cel sa akin. "I-I think he's not the type who will break your heart. Nakikita kong mahal ka niya. Iyon ang dapat isipin mo. "
Napatitig ako sa kaniya dahil doon. I don't know, but she felt sincere. Her eyes were also smiling at me, and I felt relieved. Kahit may nakaraan sila ni Zacharias, I know I could trust her. She wants the best for me after all.
Simula bata palang kami ay magkakampi na kami sa lahat ng bagay kaya nga napagkakamalan kaming magkapatid dahil doon. Naghiwalay lang naman kami ng landas ng lumipat siya ng eskwelahan noong college kami at noong tumulak siya papuntang France.
I'm not sure what had gotten into me, but I hugged her. Namimiss ko siya. Namimiss ko ang pinagsamahan namin.
"Thank you, Ate Cel. I miss you." mahinang sambit ko dito. She was taken back at first, but then I felt her warm embrace. Naramdaman ko pang hinalikan nito ang buhok ko.
"Y-you know that I always wanted you to be happy, Sammy."
We just talked about things that night. Masaya kaming nagtatawanan dahil nalasing na naman si Olive after her eigth bottle. Napapailing na tiningnan ko ang babae ng umiyak na naman ito. Si Dawn naman ay inilabas ang cellphone niya at kinukuhanan ng video ang babae. Paniguradong magkakagulo na naman ito bukas kapag hindi na lasing si Olive.
"G-ginawa ko naman yung gusto niya dati ah! S-sabi niya pa sa akin GET LOST! Tangina niya tapos ngayon papasok na naman siya ulit sa buhay ko? Asa! "
Ibinato ni Olive ang bote na hawak niya sa malayo. Napasentido ako nang makitang nakaupo na siya sa buhangin. Nakatingin lang sa kaniya si Ate Cel na hindi yata naiintindihan ang nangyayari sa babae.
Lumapit ako sa babae at itinirintas ang buhok nito dahil tumatabing na sa mukha niya.
"Come on Oli, do not sit on the sand." Tinulungan ko itong makaupo ulit sa upuan at isinandal doon ang ulo. Parang nahihilo na din ito.
"You had enough." agad na inalis ko ang mga bote sa harapan nito para hindi na siya makainom pa. Mahirap na at baka tatawagan na naman nito si Val. Napalingon ako kay Dawn na kumakain ng chips at nakatutok ang cellphone kay Olive. Sinamaan ko ito ng tingin.
"Hayaan mo, Sam! Para may remembrance ulit tayo sa kagagahan niya ngayong gabi. " nakangising sambit ni Dawn. Umiling lang ako at napasimangot naman ito agad.
"KJ!"
Napahinto ako ng marinig na nagsalita si Olive.
"Why is it so d-difficult?" humikbi ulit ang babae. "S-siya nga yung nagloko p-pero bakit parang ako pa yung nawalan?" mahinang sambit nito.
Sumeryoso naman ang mukha ni Dawn at ibinaba ang cellphone. "Ikaw kasi yung mas nagmahal sa inyong dalawa, Olive at hindi mo yun kasalanan."
Napabuntong hininga nalang ako. Umangat ang ulo ni Olive at agad na sumikip ang dibdib ko ng makitang lumalandas ang mga luha sa mga mata niya. She's still hurting. "Oli, h-hindi mo pa din ba kayang i-let go si Val? Matagal na kayong tapos. "
Humagulgol siya ng mas matindi kaya nilapitan ko na ito at niyakap. "M-mahal ko pa din, Sam. Anong gagawin ko? Hindi madaling makalimot. Masyadong naging masaya ang pagsasama namin noon. " mahinang sambit nito sa akin. "Ayoko ng mapag-iwanan ng panahon. A-ayoko na. Ayaw ko na siyang mahalin." Nanginginig ang mga balikat niya habang umiiyak.
"Olive,"
"S-sam, anim na taon. Anim na taon ng buhay ko ang ibinigay ko sa k-kaniya. Minahal ko siya kahit mahirap. Kahit maraming pero. K-kahit ayaw ng mundo ko, lalo na ng mundo niya. " rinig na rinig ko ang pait sa tinig niya na para bang lason iyon sa kanyang sistema.
Natahimik ako dahil sa sinabi niya. Hindi naman talaga natin madidiktahan ang mga puso natin kung kailan ito maghihilom. Mas mahirap limutin ang taong ipinangako sayo ang mundo, pero pinili ka pa ding saktan ng todo.
I looked at Ate Cel and she was tearing up while looking at Olive. Si Dawn din ay hinalikan sa pisngi si Olive at inalis ang luha sa mga pisngi nito.
"Shh... Come on, Ihahatid na kita sa kwarto natin. " Tinulungan ko si Dawn na itayo si Olive na ngayon ay nakapikit na.
"Ako na dito, Sam. Balikan mo na si Zacharias. " sambit ni Dawn sa akin.
Tiningnan ko nalang silang dalawa na naglakad pabalik sa mga kwarto. I sighed heavily. Nalulungkot talaga ako sa nangyari sa kanila ni Valerius. Mabait naman ang lalaki at alam kong mahal niya talaga ang kaibigan ko. Hindi ko lang talaga alam kung anong nangyari sa kanilang dalawa.
Iniligpit ko nalang ang mga walang laman na bote at mga balat ng chips pagkatapos ay inilagay sa trashbin na nandoon sa loob ng cottage. I looked at Ate Cel nang kinalabit ako nito.
"S-sam, balik lang muna ako sa kwarto ha. I'll just go get my phone. "
Agad na tumango ako sa kaniya. After cleaning, I just got another bottle of beer at lumabas sa cottage para samyuhin ang malamig na simoy ng hangin.
Napatingala ako ng makita ang bilog na buwan sa kalangitan. When I saw it illuminating the night sky, I immediately smiled. I closed my eyes and listened to the soothing sound of the sea waves. My nerves were calming down, and now I just felt good.
I opened my eyes when I felt a warm embrace from my back and someone kissing my bare shoulder. My lips immediately formed a smile when I smelled the familiar mint scent.
Humarap ako sa lalaki at nakita kong nakatingin ito sa akin ng mariin. I brushed his hair that was on his face and I smiled at him.
"I hope today you felt special."
He smiled at me and when his face moved towards my neck and planted small kisses there, my heart began to race. He also pulled me closer to him. "I am. I've never felt so alive all these years, Sam. "
"Masaya na ako basta't masaya ka din, Zacharias." mahinang sambit ko sa kanya. It's true. Sa lahat ng sakit na naranasan niya sa buhay niya, 'yon lang ang gusto ko. Ang maging masaya siya.
He moved away and looked at me in the eyes. "Mahal na mahal kita, Sam."
I caressed his cheeks and I was tearing up when I met his gaze. Hindi ko napigilan. His eyes were so sincere and he said those words with conviction. I feel so loved right now and appreciated.
"Alam mo naman na mahal din kita di 'ba?"
Napapikit ako ng halikan ako nito sa noo, sa magkabilaang pisngi ko at sa tungki ng aking ilong. It was heartwarming, and I could feel myself softening inside.
"I will never hurt you, Sam. I promise you that. "
I felt his lips brush against mine suddenly. My emotions are overflowing from my heart. The gentle kiss calmed my nerves. It was pleasant and good. It's like a seal between his promise towards me.
Sa ilalim ng buwan, sa gitna ng malamig na gabi... ipinangako niya sa akin na hindi niya ako sasaktan.
I looked through his hazel brown eyes and placed my hand on his chest as we moved away from each other.
"I'll hold on to that."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top