Kabanata 13

[Sam, sama kayo sa beach party namin ah!]

Natigilan naman ako dahil sa sinabi ni Olive sa telepono. My eyes are glued to the report that I am holding.

"Ha? Para saan 'yan? Kakalabas lang ng movie niyo ni Chaderron kahapon 'di ba?"

Narinig ko siyang tumatawa sa kabilang linya.

[Kaya nga daw may pa vacation sa amin! Successful ang first movie namin together! Na hit namin yung target ni Direk!] natutuwang sabi niya sa akin.

"I know. Congrats Oli! "

[Thank you, love. Isama mo nalang din si Engineer. Sa private beach resort daw nila Chaddy sa Batangas eh.]

I just rolled my eyes. "Fine, I'll ask him. Si Dawn? Pupunta ba?"

[Ewan ko doon. Sinabihan ko si Gillen kaso mukhang galit yata. Napabalita na naman kasi si Dawn. May kasama daw na lalaki sa condo. Maybe you should talk to her.]

Napasentido ako dahil sa sinabi ni Olive. Talagang pinapasakit ni Dawn ang ulo ng manager niyang si Gillen. "Fine. I'll talk to her. Baka puntahan ko sa shoot niya sa Mandaluyong."

[Okay. Ingat, Sam!]

Pinatay ko na ang tawag at ibinaba nag papel. I got up and collect my things on the table. Alas sais na pala ng gabi pero wala pa si Zacharias. Nagtaka ako dahil maaga lagi itong pumupunta dito sa opisina ko para sunduin.

Wala si Ria ngayon dahil pinag-leave ko. Habang naglalakad ay tinext ko nalang si Zacharias na huwag na akong sunduin dahil pupuntahan ko pa si Dawn sa Mandaluyong kung saan ay kasalukuyang may shoot ang babae para sa isang magazine.

Nakita ko agad ang nakaparada kong sasakyan at umupo sa driver's seat. I turned on my waze app for the directions. Baka mawala pa ako hindi ko pa naman alam kung saang building sa Mandaluyong.

Habang nagmamaneho ay tinawagan ko si Dawn. I put my earphones and connect it with my phone. After several rings, she answered.

"Yes, Sam?" Napakunot ang noo ko ng makarinig ng ingay sa background niya. Hala! Baka sa kasagsagan ng shoot?

"Dawn, saang building ka banda? I'm coming over. " Usal ko habang nakatutok ang mata sa daan. Napangiwi pa ako dahil sa traffic. Dapat twenty minutes lang nandoon na ako pero baka sa traffic ay abutin ako ng isang oras.

"Banda sa Shangri-la, yung white building. Text mo ako kung nandoon ka na sa labas. Ipapasundo kita kay Gillen. "

"Alright, see you." saad ko bago pinatay ang tawag. Napabuntong- hininga nalang ako sa traffic na nasa harap ko.

Agad na inihinto ko ang sasakyan ko sa isang malaking gusali banda sa Shang-rila. Natext ko na si Dawn at sinabi na nasa labas na daw si Gillen.

Nilinga ko ang paligid at hinanap ang lalaki. Agad na isinukbit ko ang bag ko ng makita ko ang isang lalaki na nakasuot ng itim na t-shirt at bullcap. Naka jeans lang ito at kaswal na ngumiti sa akin. Naglakad ako papalapit sa kaniya.

"Hey. "saad ko. Si Gillen.

"Tara sabayan na kita sa loob." Sabi nito sa akin at sabay kaming naglakad papasok sa building. Sumakay kami ng elevator papunta sa ika-sampung palapag. Nasa unahan ko ang lalaki na para bang busy sa pagtetext. Napailing ako.

Bilib na talaga ako kay Dawn dahil hindi niya nagustuhan itong manager niya. Gillen is just two years older than her. He is so much finer than anyone she had flings with and more of a serious type.

Sumunod lang ako sa kaniya. We walked on the hallway at lumiko pagkatapos ay nakakita ako doon ng itim na pintuan.

He motioned me to go inside pagkatapos ay tumalikod na. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at nagulat ako sa dami ng nagkalat na damit sa paligid. Pumasok ako at agad na nakita si Dawn na kasalukuyang nagpo-pose at nakasuot ng pulang nighties. Nakaharap ang babae sa kamera at sinusunod ang bawat salita ng photographer. Ngumiti lang ako sa mga nagdaraan doon sa harap ko at pinagmamasdan ang kaibigan ko na kasalukuyang sinuotan ng robe.

"Oh! Twenty minutes break muna, after that change into a dress Dawn.". Walang pakialam na naglakad lang ang babae papunta sa direksyon ko nang makita niya ako.

"Tagal mo ah. I'm bored. " saad nito sa akin bago umangkla sa braso ko. I just rolled my eyes at her at sabay kaming naglakad papunta sa mesa kung saan siya ire-retouch. Agad na umupo ako sa gilid na upuan habang siya ay doon sa harap ng salamin.

"Anong problema?" nakataas ang kilay na tanong ko sa kaniya. Nakita kong natigilan si Dawn at inis na inaayos ang buhok sa harap ng salamin.

"I'm just pissed off with Gillen. He's been so harsh to me lately. I can't get out of my own apartment!" hysterical na sabi niya sa akin.

Natawa ako dahil sa sinabi niya. "Because you're a pain in the ass, Dawn. Maawa ka sa manager mo tatanda agad dahil sa'yo."

She just rolled her eyes at pagkatapos ay sinenyasan ang babae na nasa likod ko na ayusin ang buhok niya. "Sabay na tayong mag dinner, please? I'm hungry. "

"Alright, I also have to talk to you. "

"The shoot will be done after this. Wait for me okay?" sabi nito sa akin bago tumayo at lumapit doon sa isang babae na may hawak na dress.

Hanggang sa matapos ang shoot niya ay naroon ako at tahimik na nanonood. Humahanga talaga ako dito sa kaibigan kong ito. Imagine, she was a licensed Medical Technologist pero hindi niya ipinursue ang propesyon na 'yon.

Pati kami nagulat ng sabihin niya sa amin na may manager na siya for her modelling career. Alam din kasi namin ni Olive na napilitan lang siyang kunin ang kurso na iyon dahil galing siya sa pamilya ng mga health professionals. Dawn was the only one on their family who has the guts to pursue modelling. Bagay na hinahangaan ko talaga sa babaeng 'yan.

Katulad ng gusto niya ay sabay kaming kumain sa isang fine dining restaurant banda sa BGC. Balak din sana naming puntahan si Olive sa condo nito pagkatapos.

"By the way, have you seen Zacharias lately?" She asked while we're eating.

I shook my head and drank my wine. "Hindi eh. He's been so busy. Ayoko din namang abalahin."

Dwn shrugged. "I guess his work was more demanding than yours. Nakakatuwa lang at may oras pa din sa'yo. "

I just smiled as a response. Pagkatapos naming kumain ay sabay kaming pumunta sa condo unit ni Olive.

Nag-uusap kami ni Dawn habang naglalakad papunta sa unit ni Oli ng magulat kami ng makasalubong namin si Valerius sa hallway. Napatingin sa amin ang lalaki na walang emosyon ang mukha. Inismiran lang ito ni Dawn habang ako ay mataman lang itong tiningnan pagkatapos ay sumunod na sa unit ni Olive.

Nagulat ang babae ng makita kami ni Dawn na parehas na nakataas ang kilay habang nakatingin sa kaniya.

"H-ha? Bakit kayo nandito?" Gulat na gulat na sabi ni Olive habang nakasuot pa ng roba.

I squinted my eyes towards her direction. "What's happening?"

I can tell that she's nervous because she can't even look at us. Si Dawn na ngayon ay nakapamewang na sa kanyang harapan ay 'di man lang niya matitigan sa mata.

"Are you deaf? O naputol na yang dila mo dahil kagagaling dito ni Val?" Malditang saad ng babae.

Napasentido nalang ako. "Let's sit down first."

Agad na naglakad ako papunta sa couch at ipinagkrus ang braso sa aking dibdib. Dawn also sat down while Olive is standing infront of us.

"Speak. Clearly..." Madiing anas ko.

"I didn't k-know he was coming. " She licked her lower lip while talking. "Kakauwi ko lang din galing sa shoot and I took a cold shower but then my doorbell rang. Akala ko yung delivery."

Ngumisi si Dawn. "Talaga lang ha?"

"Dawn." I warned her.

Sarkastikong ngumisi ang babae at sumandal sa couch. "You know her, Sam. Isang pitik lang ng lalaking 'yon, handa na naman itong si Olive na magpakatanga!"

"Dawn!" Malakas na tawag ko sa babae ng makita ko si Olive na nakayuko sa harapan namin. Tila nahihiya.

Dawn's brows furrowed when I looked at her. "Oh? Why? Totoo naman diba? Kahit ilang beses niyang sabihin sa atin na nakamove on na siya, ang totoo hindi pa diba? That she's still fucking inlove with that ruthless cheater! Tangina!" Nanggagalaiting saad ng babae at inis na hinampas ang bag sa carpet.

I touched her shoulders to calm her down. "Dawn. " Napabuga nalang ang babae ng hininga. I looked at Olive and I saw tears on her cheek.

"Oli." Mahinang saad ko. "You have to be honest with us. We know what you've been through because of him. Pinoprotektahan ka lang namin."

"I-I still love him. " Mahinang anas niya. "But I just can't forgive h-him. Matagal na pero yung sugat nandito pa din." Umiiyak na anas niya.

Nakita kong pilit siyang ngumiti sa amin ni Dawn na nakatingin sa kaniya. "Tangina naman kasi. Kung kailan na pakiramdam ko magiging okay na ako, ngayon pa siya bumalik ulit!"

I stood up and hugged her. She just cried on my shoulders. "Shh... It's okay. "

"That's why I despise that peace of shit. Ang kapal ng mukha." I heard Dawn said.

Buong gabi naming kinausap si Olive. Alam naman naming nagbigay talaga ng malaking lamat sa buhay niya si Valerius. She maybe still inlove with him, pero I know she knows what's best for her. Valerius is not healthy for her.

"This is the reason why I don't want to be in a serious relationship." Nahahapong sabi ni Dawn habang umiinom ng alak. "Masyadong komplikado."

I silently sipped from my glass at napatingin sa glass window ng condo ni Olive. Tanaw na tanaw din dito ang city lights sa labas.

I looked at Olive who is now quietly sleeping on her bed. Nakatulog ang babae na iyak ng iyak dahil sa pag-uusap daw nila ni Val. She didn't tell us what exactly but we respect her decision. Sasabihin niya naman iyon kapag handa na siya.

"Kaya ikaw," Agad na napalingon ako kay Dawn ng magsalita ang babae. "Don't trust too much. Magtira ka para sa sarili mo. I can't imagine seeing you getting hurt. Sa ating tatlo, sayo kami kinakabahan, Sam. "

"Bakit?"

Mapait na ngumiti ang babae. "Nakikita ko sayo ang sarili ko noon. Ganyan din ako nung unang beses ako magmahal."

Kinabahan ako bigla dahil sa sinabi niya. " I know you're inlove with him already. Nakikita ko sa mga tingin at titig mo, Sam. Stop lying to yourself."

Napayuko naman ako at uminom ng alak. Baka nga Mahal ko na ang lalaki. Hindi ko lang talaga maamin sa sarili ko na sa konting panahon ay tuluyan nang nahulog ang loob ko sa kaniya.

"I know, Dawn. I'm just...not ready to say it to him. " Mahinang saad ko sa babae.

"Then don't. Huwag muna. Kilalanin mo pa. Kahit umabot kayo ng taon. Mas mabuti nang kilala mo ng mas mabuti, Sam. "

Napatango ako. "I'll do that."

Tinitigan ako ng babae habang napapailing. "Hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit hindi ka nagka-boyfriend dati nung college palang tayo. "

Napatawa ako sa sinabi niya. "Busy ako. Alam niyo naman na Political Science ang kurso ko. Ayoko din muna dahil okay naman ako na mag-isa."

"Kung sinagot mo lang sana si Lucas yung taga Architecture na nireto ko sayo! Sayang 'yon. He's handsome!" Nakangising sabi niya. Napailing nalang ako.

"Mabuti nalang talaga focused ako noong college! Hindi tulad mo daming flings, my god!" Natatawang saad ko sa kaniya habang naaalala yung panahon na college palang kami.

She smirked and played the glass on her hand. " I know right, ganda ko kasi. I can't imagine that I became a model. Ako lang talaga ang suwail sa pamilya namin. Galing ako sa pamilya ng mga doktor pero ako lang ang bumali ng tradisyon!"

Literally nagkagulo talaga ang pamilya nila noong panahon na 'yon dahil sa ginawa ng gagang 'to but we opted to support her.

Napabuntong hininga ako. "I'm glad that we are doing what our hearts want. Mas masarap kasing magtrabaho na gusto mo talaga ang ginagawa mo. "

Nakita kong tumango ang babae. "Right. Wala akong pinagsisihan sa direksyong pinili ko. I felt free."

Pareho kaming napangiti matapos niyang sabihin iyon. Dati, nangangarap lang kami. Ngayon, nandito na kami sa mga pangarap lang namin noon. Wala talagang imposible sa mundo.

***

"HELLO BATANGAS!"

Natatawang tiningnan ko si Olive dahil masayang tumalon siya palabas ng van na sinakyan namin papunta dito sa batangas.

Zacharias pulled out my luggage while his bag was on his arm. Napatingin ako sa lalaki at napangiti nang makitang tumingin agad ito sa direksyon ko. He was looking so good wearing that white sando showing his biceps. Halatang batak na batak sa gym. He was also wearing a Grey sweatshorts and he's wearing black sunglasses. Lakas ng sex appeal!

I genuinely appreciated his looks habang tumatagal! His jaw was defined at nakakatunaw yung mga ngiti niya sa akin. "Are you okay?"

Napakurap ako ng makitang nakatingin silang lahat sa akin. Hinawakan ni Zacharias ang kamay ko habang nakatanaw at nakakunot ang noo.

Shit! Kanina pa ba ako nakatungaga dito? Nakita ko pa si Dawn na nakangisi sa akin na parang alam kung ano ang iniisip ko. Namula ako sa hiya.

"A-ah, Oo. Tara na!" Agad na sabi ko at naunang naglakad. Narinig ko naman ang malakas na tawa ni Dawn sa likod ko. Napapikit ako ng mariin bago naglakad papasok sa hotel na tutuluyan namin ng tatlong araw. Nandito kami sa private beach resort ng ka-love team ni Olive na si Chaderron. Nauna na ang lalaki sa amin at hinihintay kami nito sa loob ng lobby.

Ang direktor nila Olive at ang ibang staff nito ay bukas pa ng umaga darating. Nauna lang kami ngayon dahil kay Chaderron.

"Dami mo namang dala, Dawn. Tatlong araw lang tayo dito, hindi isang taon." Palatak ni Olive habang nakatingin kay Dawn na hila-hila ang dalawang malaking luggage sa magkabilaang kamay. Malditang tiningnan lang siya ng babae at itinaas ang suot na sunglasses.

"I prepared for this! Masusuot ko na din ang mga libreng swimsuits ko!" I just rolled my eyes at them. Iisang room lang kaming mga babae at ang mga kalalakihan naman na sina Chaderron, Zacharias, at Gillen ay iisang kwarto lang din.

"Kami na ang bahala magpasok ng mga gamit ninyo. Pwede kayo mag ikot- ikot muna para makita ninyo ang lugar." Nakangiti na sambit ni Chaderron at hinalikan sa pisngi si Olive.

Nagulat naman ako sa ginawa ng lalaki saka nakita ko din ang pag- arko ng kilay ni Dawn na agad na binalingan ako. Si Olive naman ay tahimik lang na tumango at agad na hinila ang kamay namin ni Dawn.

Habang naglalakad ay siniko ni Dawn si Olive. "Ano 'yon? Bakit may pa-halik?"

Umiling lang ang babae. "Wala iyon. Gesture lang yun ni Chaddy. Mabait lang sa akin iyon."

Pinandilatan ko ang babae. "Siguraduhin mo lang baka 'yang love team niyo, magkatotoo."

Natawa lang ang babae. Natuwa ako ng naglakad kami malapit sa dalampasigan. Alas tres palang ng hapon ng makarating kami dito ngayon. Payapa ang alon at puting-puti ang buhangin. Napapikit ako ng maramdaman ang hampas ng hangin sa mukha ko.

Bumalik kami sa hotel room namin para magpahinga at matulog sandali dahil napagod kami sa byahe. Naalimpungatan lang ako ng makitang gising na ang dalawa at nakasuot na ng kani-kanilang mga bikini.

"Bangon na! Alas sais na ng gabi! May boodle fight tayo sa dalampasigan. " Saad ni Olive habang inaayos ang strap ng kanyang swimsuit.

Agad na bumangon ako at kinuha ang isusuot kong itim na one piece. Ito lang kasi ang kaya kong suotin at mabilis lang din akong lamigin. Isinuot ko ito at nagsuot ng maong shorts.

"Sexy!" Sipol ni Dawn sa akin nang lumabas ako sa kwarto namin.

Napapailing nalang ako. "Gaga! Tara na nga."

Sabay kaming lumabas at naglakad patungo sa direksyon malapit sa dalampasigan. Malayo pa lang ay tanaw ko na ang usok na nagmumula sa ihaw-ihaw at nakita ko si Zacharias na naka topless.

"Ay! Mas sexy 'yun oh! Ganda ng katawa---Aray!" Sinamaan ako ng tingin ng babae ng hinablot ko ang buhok niya sa likod.

"Mata mo!" Pinandilatan ko siya ng mata. Tumatawa lang si Olive sa amin.

"Selosa mo naman!"

Napailing nalang ako sa babae at naglakad papalapit kay Zacharias na may hawak na tong sa kanang kamay. Agad na ipinalibot nito ang braso sa aking bewang nang makalapit ako sa kaniya. Hindi sinasadyang napahawak ako sa dibdib niya at napalunok ako ng mariin. Jusko ang tigas!

"Are you hungry?" My heart flutters a little when he bent down to give me a soft kiss on the cheek. Naramdaman ko agad na uminit ang mukha ko.

"A-ahm... hindi pa naman." Mahinang saad ko sa kaniya. I bit my lower lip at agad na itinuon ang mata sa iniihaw niyang baboy at isda.

Nakita ko naman si Olive na tinutulungan si Chaderron na ilagay ang dahon ng saging. Natawa ako ng makita si Dawn na nasa dalampasigan na at parang pinagsasabihan ng nakasentido na ngayon na si Gillen.

"May matutulong ba ako?" I looked at him at nakita kong ngumiti lang siya sa akin.

"I can manage. Diyan ka lang." Tumango ako at hindi na humiwalay sa lalaki dahil hawak-hawak niya din ang bewang ko habang ginagamit ang isang kamay para atupagin ang iniihaw na pagkain.

Pinagmamasdan ko lang siya habang nakakunot ang noo at seryosong binabaliktad ang karne. Napangiti ako ng makita kong tumingin ito sa akin. May emosyon na lumabas sa mga mata nito pero nawala din agad.

Bumaba ang mga mata ko sa malaking spades tattoo na nasa kaliwang bahagi ng kanyang dibdib. Napakunot ang noo ko dahil parang pamilyar iyon sa akin ngunit hindi ko lang matandaan kung saan ko iyon makita. It was huge that it almost covers that part of his chest. It looks hot though. Napalunok nalang ako ng mariin bago iniwas ang tingin sa katawan niya at ibinalik ang tingin sa iniihaw niya.

Nang maluto ang pagkain ay sabay kaming naglakad at inayos ang pagkain sa dahon ng saging. Tinawag din namin ang mga kasama namin para yayain na para kumain.

Tumatawa at ganadong kumain ang lahat. Ilang beses din kaming nagkakatinginan ni Zacharias at napangiti ako ng makitang itinaas niya ang karne palapit sa bibig ko. Nakita ko naman na napatingin sa amin si Dawn na ngumisi lang.

"Open your mouth, Sam." Sabi nito habang nakangiti. I pouted my lips and followed him. Satisfied na ngumiti naman ito pagkatapos nang makitang ngumunguya na ako.

"Sana subuan din ako ng isa diyan! Hindi yung wala ng ginawa kundi pagalitan ako. "

Natawa ako nang pitikin ni Gillen si Dawn sa noo at agad na napasimangot ang malditang babae.

"Ang sama talaga ng ugali mo!" Asik nito kay Gillen at inismiran.

Bahagyang natawa nalang ako nang bored ang mukha na tumusok si Gillen ng karne saka isinubo kay Dawn na nagulat.

"Now, will you let me eat in peace, you brat?" Gillen said, in a low tone. Dawn just rolled her eyes. Kita mo. Nakahanap din ng katapat.

Lahat kami ay busog na busog pagkatapos. Nakaupo ako ngayon sa harap ng dagat at hinayaan na mabasa ang mga paa ko sa tubig na mula sa dagat.

Hampas ng alon ang naririnig ko at tawanan ni Olive at Dawn sa 'di kalayuan. Naglakad lakad kasi ako agad pagkatapos naming kumain. Ninanamnam ko lang ang lamig ng hangin nang maramdaman kong may umupo sa gilid ko.

"Why did you leave me there?" He said, looking at me.

Natatawang hinampas ko siya sa braso. "Akala ko kasi sasali ka sa inuman nila eh."

Mas lumapit sa akin ang lalaki at inakbayan ako. Sumandal naman agad ako sa balikat niya habang nakatingin sa dagat.

"I'm sorry hindi kita nasundo noong nakaraang araw. I needed to do revisions." Paliwanag nito sa akin.

Tinapik ko ang hita niya. "Ayos lang 'yon. Pumunta naman ako kina Dawn at Olive din. May mga personal din naman tayong buhay. "

Narinig ko ang mahinang pagbuntong- hininga niya at nararamdaman ko din ang mainit niyang palad sa balat ko. Hinalikan niya ang tuktok ng buhok ko.

Napatingala ako agad nang tumayo siya. "I'll just go get my phone. Baka may tumawag. Babalik ako agad."

Kahit naguguluhan ay tumango nalang ako sa kaniya. Agad namang tumalikod ang lalaki at naglakad paalis. Nanatili pa ako ng ilang minuto sa harap ng dalampasigan bago napagdesisyunan na sundan ang lalaki. Napadaan pa ako sa cottage na kinainan namin kanina at tinawag ako ni Olive.

"Sam, naiwan ni Zacharias yung wallet niya. Pakibigay nalang."

Agad na tumango ako at inabot ang hawak niyang leather wallet. Nakangiting pumunta ako sa side kung saan papunta ang kwarto nila at nginitian ang mga hotel staff na naroon. Naglakad ako papunta sa second floor kung saan nandoon ang kwarto nila.

Agad na napangiti ako ng makita ang lalaki ngunit parang hindi niya yata ako napansin. Hawak-hawak nito ang telepono at nakatalikod sa akin.

Gugulatin ko siya!

Dahan-dahang naglakad ako papalapit sa likod niya na may nakapaskil na ngiti sa mga labi ko. Ngunit agad din itong nabura nang matigilan ako dahil sa mga salitang sinabi niya sa taong kausap niya na nasa kabilang linya.

"I-I can't lose you. Y-you are important to me, Ella."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top