Epilogue
Epilogue
With my eyes closed, I touched his face down to his neck while I'm slowly kissing him. I'm busy memorizing every part of his body when he suddenly held my waist and pulled me closer to him. We're so close to each other that I can now feel his warmth even with clothes on. Dinikit ko pa lalo ang mga katawan namin at diniinan pa ang paghalik sa kaniya.
Our slow and soft kisses became more passionate. Dinadama ko ang pagmamahal niya habang hinahawakan at hinahalikan ako.
He positioned himself on top of me while removing my clothes. My hands are trembling while holding him. Sabik na sabik ako sa kaniya at sa kung anong pwedeng mangyari sa aming dalawa. At nang tuluyan niya akong hawakan, natigilan ako.
Sinampal ko ang lalaki sa ibabaw ko nang makitang hindi naman pala siya si Yves. Namilog pa ang mata ko habang tinitingnan siya.
"Alis," I intently told him while he's still on top of me.
"Bakit na naman, Alindra? You're still not ready?"
"Alis sabi! Stay away from me!"
I quickly pushed him away from me and got up. Hinihingal ko siyang tiningnan nang magsalita siya ulit.
"Ano bang nangyayari sa 'yo? Lagi ka na lang ganyan! Mag-asawa na tayo pero wala pa ring nangyayari sa atin! I want you to give me a child, Alindra!"
I looked away from him. "I-I'm not ready yet. Hintayin mo pa ako---"
"Bullshit!" I almost jumped after that. "You're always like that! Hindi ka pa ready o hindi mo pa rin siya nakakalimutan? For Pete's sake, Alindra, pari na siya! Magising ka na!"
Tumulo ang luha ko nang padabog na umalis si Martin El Vierro - ang lalaking ipinakasal sa akin nina Lola. I cried not because he shouted at me for the first time but he finally said it and made me realize that Yves is now really a priest.
Bakit? Hindi ko matanggap!
It's been 7 freaking years! And it's been a year since Martin and I got married but I haven't still recovered from the past! Up until now, I can't get over him! Siguro dahil kahit kailan, hindi ko malaman ang rason niya kung bakit niya ako iniwan! Kung bakit pinili niyang magpari na lang!
Hindi ko maintindihan!
Nanghihina ang kamay ko nang hawakan ang kwintas na binigay ni Yves sa akin noon. Ito at ang singsing na lang ang alaala niya sa akin. Aside, of course, from the happiness that he brought when he came to my life.
Simula nang ikasal sina Iver at Yelena at nalaman kong pari na siya - walang araw o gabi na hindi ako nagtanong sa sarili ko. Lagi akong nagtatanong kung ano ba ang nagawa ko at nangyari sa akin 'to? What did I do that made Yves leave and decide to be a priest? What's the reason why he left me before? Did he really love me? May kulang pa ba sa akin?
Bakit niya ako iniwan?!
Pumikit ako nang maramdaman ulit ang sakit na ngayon ko na lang ulit naramdaman. Pinaalala sa akin ni Martin na siya pa rin hanggang ngayon. Si Yves pa rin ang mahal ko hanggang ngayon. Walang iba kahit ang tagal-tagal na.
Kahit hanggang ngayon.. sobrang sakit pa.
While I'm letting myself to cry, I felt someone hugged me from behind.
"I'm sorry, I was harsh on you.."
Mas lalo akong naiyak nang marinig ang boses ni Martin sa likuran ko. I faced him. I know he's also trying hard just to make me fall in love with him. I'm just really too in love with Yves that I can't still unlove him and I don't allow myself to fall in love with someone else again. Not even once.
Tinitigan ko ang lalaking pinakasal sa akin. Hindi ko siya gusto. Hindi ko siya mahal. Noong una, hindi ko siya kilala. Ang kapatid lang niya na si Mohan. Martin is so far a gentleman and caring. I just don't want to appreciate it. I don't care about his love and care for me. Dahil para sa akin, ang mahalaga lang ay si Yves. Ang pagmamahal ni Yves.
Pero nakikita ko namang ginagawa ni Martin ang lahat para sa akin. Para makalimutan ko si Yves. Ako lang talaga ang may ayaw na kalimutan na siya at mag-focus na lang kay Martin.
Because it seems like, after all these years.. my heart still belongs to Yves. Siya pa rin.
Siya lang.
I smiled weakly and touched his face. "I'm sorry, too, Martin.."
Pagkatapos no'n ay nginitian ko ulit siya at nagmamadaling lumabas ng aming rest house dito sa Puricia Grittonia. Gagawin ko ang kung anong matagal ko nang dapat ginawa noon pa.
I went straight to the confessional inside the church where Iver and Yelena got married a few years ago. I deeply sighed and closed my eyes.
"B-Blessed me, Father for I have sinned," I started. Ramdam ko namang may tao akong kausap. "I didn't know when was the last time I confessed or maybe, I haven't done this before but.. I'm hoping that God will forgive me for my sins."
Napayuko ako. Talagang hindi ko pa nagagawa 'to. I'm not really a religious person and I didn't know about this before not until Yves became priest. I honestly don't know what to do. Huminga lang ako nang malalim saka nagsalita.
I just think that I really need to do this.
"F-Father, I had a boyfriend before and he's now a priest just like you. Kasal na ako.. may asawa na pero siya pa rin talaga. Araw-araw ko siyang iniisip. I always think about making love with him. I-I know it's wrong.. it's so wrong. Pero hindi niyo ako masisisi dahil kahit kinasal na ako sa iba, siya pa rin ang mahal ko. Maybe one of the reasons why I'm still clinging to our past is that.. he didn't even explain to me why he left before. He didn't give me chance to know his side. I didn't know what happened.. iniwan lang niya ako bigla at pagbalik niya, nagulat akong pari na siya."
"Alam kong huhusgahan mo ako, Father. But I'm here to confess you about it. I-I also want my husband to forgive me. Baka kapag nagsabi ako sa 'yo, mawala na lahat ng nararamdaman ko at makalimutan ko na siya. You know, I'm very guilty for fantasizing about making love with a priest. This is very.. controversial. This is insane, Father. Forgive me..."
Nakayuko lang ako at ayaw kong tingnan ang pari sa maliliit na butas. Wala na ring mailabas na luha ang mga mata ko. They are surely tired of crying. Ilang taon na akong umiiyak dahil sa pagmamahal ko kay Yves.
Napapagod na rin ako.
Kumunot ang noo ko nang hindi pa rin nagsasalita ang pari. I waited for him to speak for a couple of minutes but he's still not talking.
"Father? Hindi ka siguro makapaniwala sa confession ko. But that's true." I faked my laugh after that.
"I'm sorry.. ako yata dapat ang patawarin mo."
Kumunot naman ang noo ko. "F-Father?"
Nanlaki ang mata ko at hinarap ang pari. Sumalubong sa akin ang malungkot na mata ni Yves Marcus Antonio – ang lalaking mahal na mahal ko.
I thought he'll leave again but I was wrong when he said, "maniniwala ka ba kung sasabihin kong hindi ako sumuko sa ating dalawa? Kahit minsan mo na rin akong iniwan, hindi kita kinalimutan. I just had a lot of responsibilities before and I don't know what to do. Since we separated ways, I lost my strength. Nawala sa akin si Lola. Namatay siya. Ikaw naman, nawala. Umalis nang hindi ko alam kung anong dahilan at saan ka pupunta.."
I'm just staring at him while he's speaking in front of me. Parang ngayon ko na lang ulit siya nakita kahit pa halos lagi ko siyang inaabangan dito simula nang magbakasyon kami.
My heart feels numb while listening to him. I'm just maybe too tired of feeling down that I can't even realize how painful his words were. Hindi ko na rin alam kung anong gagawin at dapat kong maramdaman.
"Hindi ako nagsisisi sa kung anong mayro'n sa buhay ko ngayon, Alindra kahit mahal pa rin kita. Pero hindi na ako karapat-dapat sa pag-ibig mo simula no'ng tuparin ko ang hiling ni Lola para sa akin noon na magpari ako. I left you.. mas pinili ko ang landas na 'to kaysa makasama ka..
"Hindi ko hihilingin na patawarin mo ako kaagad. Ang hiling ko lang ay sana alisin mo na ako sa isipan mo, lalo na ngayong may asawa ka na pala..."
Tumulo ang luha ko sa narinig sa kaniya. Akala ko hindi na ako iiyak pa. I just realized now that his words are directly hitting my heart and breaking it into thousand pieces. It freaking hurts until now.
I didn't speak up yet, I'm just waiting for him to talk again but I noticed that he's now looking behind me. Lumingon naman ako at nagulat nang makita si Martin na ngumiti nang kaunti nang mapansin ako.
"I've been looking for you. Nandito ka pala.."
I tried my best to hide my tears as I faked my smile. "Y-Yeah.. I had a confession---"
Hindi ko na tinuloy ang sinasabi at napatingin ulit kay Yves. Nasasaktan ako nang makitang malungkot siyang nakatingin sa amin.
"Thank you for confessing. You're now forgiven," Yves told me as he bowed and smiled a bit.
Natulala ako sa ginawa niya pero wala na akong nagawa nang hawakan ni Martin ang kamay ko sa harap niya. Wala na rin akong nagawa nang unti-unti kaming umalis sa loob ng simbahan.
Before finally letting him go, I glanced at him for the last time and then I realized that we still love each other but we both have different lives now. Ako, may asawa na at kinasal sa iba. Habang siya, ngayon ay pari nang tinatanaw akong papalayo sa kaniya sa gitna ng altar – kung saan dapat siya maghihintay kung sakaling kinasal nga kami.
Masakit na isipin na kahit mahal pa namin ang isa't-isa, hindi na namin pwedeng ipilit pa. Bawal na. Tigil na.
He's now fine with the life that he has now.
Masaya na siya.
Ako kaya? Sasaya pa rin ba ako kahit kasabay ng hangin, nawala siya sa akin?
. . .
Gone with the Wind
by aouieai
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top