GONE
Unedited!
NAPANGITI ako sa tanawing nakikita ng aking mga mata, ang mga ibong nasa kalangitan. Ang tila nagsasayawang mga puno dahil sa hampas ng hangin sa mga dahon nito.
Ang tahimik na kapaligiran at tanging huni lamang ng mga ibon ang tanging naririnig.
Ngunit ang kanina lamang na katahimikan na aking ninanamnam ay biglang naglaho dahil sa isang sigaw na muntik mag-pahulog sa aking kinatatayuan.
Binaba ko ang aking tingin sa batang lakaking nasa baba ng punong inakyatan ko. Nangunot ang aking noo sa pagtataka kung sino siya.
Matagal na kaming naninirahan dito kung kaya't kilala ko na ang halos lahat ng taong nakatira sa maliit naming bayan.
"Hoy bata! Bumaba ka nga diyan! Nagpapakamatay ka ba?!" aniya.
Napansin ko na may hawak siyang isang bagay na sa pagkaka-alala ko ay tinatawag nila itong DSLR camera.
May alam naman ako kahit papaano sa hawak niya dahil meron nito ang aking pinsan. Binasa ko ang malilit na letrang nakatatak doon sa camera. Cannon sa tingin ko iyon ata ang pangalan ng camerang dala niya.
Hindi ko siya pinansin kahit nagsisisigaw siya doon sa baba at hinayaan na lamang siya doon. Mapapagod lang naman siya kakasigaw at aalis rin kalaunan.
Pinagmasdan ko na lamang muli at tanawing nasa aking harapan at nilanghap ang sariwang hangin bigay nang kagubatan.
Nangingiti kong tinitingnan ang dalawang ibong naghahabulan ng bigla ako makarinig ng sigaw. Binaba kong muli ang aking tingin at nakitang ang batang maingay ang sumisigaw.
Nakikita kong pinapagpagan niya ang kaniyang damit. Napansin ko rin ang pulang pantal sa maputla niyang balat. Tinitigan kong mabuti ang inaalis niya sa kaniyang kasuotan. Maliliit na insektong kulay pula ang naroon.
Nanlaki ang aking mga mata ng rumehistro sa aking musmos na kaisipan na ito'y langgam. Dali-dali akong bumaba mula sa punong inakyatan ko. Pagkababa ko ay napansin ko ang isang bundok ng lupa hindi kalayuan mula sa kinatatayuan nang batang lalaki. Mabilis akong naglakad at hinablot siya. Dinala ko siya malayo sa lugar ng mga langgam.
"A-aray! Mama!" sigaw nito. Bakas ang takot at sakit sa boses nito. Tinulungan ko siyang pagpagin ang mga pulang langgam sa kaniyang damit. Minuto ang lumipas bago ito tuluyang mawala. Nanlumo ako sa aking nakita dahil sa pantal sa kaniyang mga braso at mukha. Gayon din sa kaniyang mga binti at paa.
Sinulyapan ko siya at napansin ko ang mga bakas ng luha sa kaniyang mukha. Napaigtad ako sa gulat ng bigla nito akong yakapin.
"Salamat sa pagligtas sa akin, bata," aniya sa mahinang boses. Hindi ako nakagalaw dahil doon at napangiti na lamang. Ako ang unang bumitaw sa yakap nito at nginitian siya.
"Walang anuman. Sa susunod tignan mo muna ang tatayuan mo bago ka magpaka-hero." Napansin ko na mang napalabi ito sa tinuran ko at namula ang kaniyang matabang pisngi.
"Nag-alala lang ako sa iyo bata dahil baka mahulog ka mula sa punong iyon," sambit nito at tinuro ang punong kinaroroonan ko kanina lamang.
"Hindi naman kasi ako mahuhulog doon. Kaya ko ang sarili ko," wika ko.
"Bahala ka. Ikaw naman ang mapapahamak eh," aniya
"Ano nga palang pangalan mo bata?" tanong nito habang kinakati ang kaniyang braso na may pantal.
"Lexie. Ikaw?" pabalik kong tanong.
"Levi. Ang galing pareho pang nagsisimula sa L ang mga pangalan natin," nakangising aniya nito.
And that's how I met him for the first time.
"ANG gwapo talaga ni Levi 'no?" bulong ng babaeng katabi ko. Tss, lahat nalang talaga nahuhumaling kay Levi, dami ko tuloy kaagaw. Nagtataka ba kayo kung bakit? Yes. I'm in-love with him. Pero hindi niya alam. Ayaw kong ipaalam dahil ayaw kong masira ang pagkakabigang binuo namin.
Nandito ako ngayon sa Gym at pinapanood si Levi at ang mga team nito. May practice sila ngayon. Tinanaw ko siya mula rito sa aking kinauupuan. Noong nakilala ko siya ang taba pa niya. Pero ngayon halos hindi ko na makilala ang batang Levi noon. Sumisigaw ang kagwapuhan. Mula sa kulay abo nitong mga mata at malalantik na pilik mata. Doon palang mabibighani kana. Pawis na pawis na na siya. Dahil doon dumidikit ang suot nitong jersey sa kaniyang katawan at nababakas doon ang bato-batong abs na nasa bandang tiyan. Napalunok ako dahil doon. Ang hot idagdag mo pa ang biceps na naghuhumiyaw dahil sa suot nitong jersey.
My heart beats faster when I notice that na parang may hinahanap ito sa mga audience na nanonood sa kanila ngayon. Narinig ko naman ang impit na tiling pinapakawalan ng nadaanan ng mga mata nito. And when he found me, unti-unting nabuhayan ang kaninang malungkot nitong mga mata. Kinawayan niya ako at nag flying kiss pa ang mokong na naging dahilan ng pag-sigawan ng mga babae. Napunta ang aking paningin sa mga kasamahan nito at natawa na lamang sa inasta ng kaibigan.
"Ano bang meron kay Lexie at Levi?" narinig kong bulong ng katabi ko. Nakita ko mula sa peripheral vision ko na tinititigan nila ako. Hinayaan ko na lamang ang mapanghusga nilang mga tingin at pinokus ang mga mata kay Levi.
"Ang alam ko friends lang daw sila," bulong nito. Dahil sa mga bulungan na naririnig ko nagpasiya nalang akong umalis na at pumunta sa canteen. Palabas na ako sa entrance ng gym nang bigla akong napahinto sa aking paglalakad.
"Lexie, wait! Sabay na tayo!" sigaw nito na wala atang pakialam kung ano ang sasabihin sa kaniya ng ibang tao.
"Hinarap ko siya at napansin ang ngiting aso nito.
"Bakit hindi mo ako hinintay?" saad nito. Nilagay niya ang pawisan nitong braso sa balikat ko. Kahit pawis na siya ang bango niya pa rin. Naisaisip ko na lamang.
"Ang tagal mo eh, nagugutom na ako," sagot ko sa tanong niya. Napansin ko ang mga tingin ng mga estudyanteng nadadaan namin. Ang iba'y pagtataka ang nakaguhit sa kanilang mukha ang ilan nama'y galit ang makikita sa mga mata. Tss, selos lang kayo.
Nagulat ako sa biglang paghinto nito at hinawakan ang balikat ko at hinarap sa nag-aabang niyang labi.
"Sorry na, kiss na lang kita Love," aniya at nilalapit ang kaniyang mukha sa akin. Nagulat man, nagawa ko paring itulak siya. Binatukan at iniwan doon sa hallway. Puro kalokohan. Kaya napagkakamalan kaming mag jowa eh.
"Aishh! Lexie ano ba, hintay!" sigaw nito. Hinayaan ko lang siya at nagtuloy-tuloy sa paglalakad. May nararamdaman ako para sa iyo. Ayoko nang lumalim pa ito dahil alam kong masasaktan lang ako ng todo. Bakit ganiyan ka? Bakit kailangan mo akong gamitin para lang mapaselos ang babaeng gusto mo. I knew that he's only pretending. Ginagawa niya lang iyon pag nahagip ng mga mata niya ang babaeng gusto niya. Sinakyan ko ang mga trip niya noong una. Dahil doon kaya nagkaroon ako ng nararamdaman para sa kaniya.
"Damn, bakit mo naman ako iniwan doon? Napahiya tuloy ako. For sure nakita iyon ni Sabrina. Tsk!" Tangina mo. Gusto kong sabihan iyan sa kaniya for using me. For using my feelings. Hindi nalang ako kumibo at binilisan pa ang lakad.
"What's your problem? Meron ka ba?" Napahinto ako dahil doon at tiningnan siya ng masama.
"Bakit ba ang ingay mo? Bakit ba ang kulit mo?! Nakakairita kana ah!" pasigaw kong sambit. Napansin ko namang natigilan siya dahil doon.
Pasimple kong inilibot ang aking paningin sa lugar na hinintuan namin. Nakatingin na ang halos lahat ng tao sa amin. Tss.
"I don't you get Lexie. Are you mad at me?" aniya. Nakatitig na ngayon ang kulay abo nitong mga mata sa akin.
"Hindi. Naiirita lang ako sa kakulitan mo. Tara na nga, gutom na ako," sambit ko at tinalikuran siya.
NAKAUWI na ako sa bahay. Ngayon, nakatunganga lang ako sa bintana ng aking kwarto. Naisip kong manood na lamang ako ng mga nakakatawang videos sa youtube kaya tumayo na ako sa upuan at tinungo ang kama.
Minuto ang lumipas at panay ang aking tawa sa aking pinapanood. Kinatok pa nga ako ni Mama kanina dahil akala niya kung ano na ang nangyayari sa akin. Tumayo ako at dumiretso sa banyo dahil naiihi ako. Pagkatapos kong umihi ay uupo na sana ako sa kama ng marinig ko ang ringtone ng cellphone ko. May tumatawag. Kinapa-kapa ko ang kama ko nagbabakasaling baka natabunan lang sa kumot. Hinanap ko ito sa loob ng Cr, sa bedside table at sa drawer pero wala ito roon.
"Aishh! Nasaan na ba kasi iyon?" Naiinis kong tanong sa aking sarili.
Nagulat naman ako dahil biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Mama.
"Anak, tara na sa baba kakain na," wika ni Mama.
"Ma, nakita niyo po ba ang phone ko?" tanongko habang hinahanap pa rin ang cellphone ko sa aking bag.
"Anak, nakalimutan mo bang inilapag mo siya sa bintana?" natigilan ako dahil doon. "Nandoon ang hinahanap mo." Pagpapatuloy ni Mama.
Sinulyapan ko naman si Mama at nangingiting tinignan.
"Hehe, opo nga Ma. Doon ko po pala nilapag," kamot-ulo kong saad.
"Ikaw talaga, pansin ko na lagi mo na lang na mi-misplaced ang mga gamit mo." aniya ni Mama at tinignan ako ng nakataas ang kilay.
"Sorry na Ma. Nakalimutan ko lang po kung saan ko nailagay kanina hehe," sagot ko. Nginitian ko naman si Mama at napabuntong hininga na lamang ito. But, when our eyes met nakita ko ang pag-aalala at lungkot rito.
"Sige, Anak. Baba ka nalang pagkatapos mo dyan," saad ni Mama at binigyan pa ng isang sulyap ang nag ri-ring kong cellphone.
"Opo, Ma. Susunod po ako agad pagkatapos." Nakita ko namang tumango si Mama at umalis na.
Tinignan ko kung sino ang kanina pang tumatawag. Halos mabitawan ko ang cellphone ko ng makita kung sino ang caller. Napalunok ako sa kaba dahil hindi naman siya tumatawag sa akin. Pangalawang beses palang ito.
Pinindot ko ang answer button at naupo sa kama.
"Hello?" Napansin ko ang pagbuntong hininga nito.
"Are you still mad?" aniya. Napansin ko ang paghinto nito sa kabilang linya.
"Sorry na, pwede ba?" aniya. Napangiti naman ako dahil doon at sasagutin na sana siya ng bigla akong makarinig sa kabilang linya ng pagtugtog ng gitara.
Bumilos ang tibok ng aking puso sa naririnig ngayon. Hindi ako mapakali at parang tangang nangingiti. Tss, ano bang pakulo ito? Kinikilig tuloy ako. Napahawak pa ako sa aking pisngi at pinakinggan muli ang pag-pakanta nito. Natapos na itong kumanta at halos gusto ko siyang pakantahin muli.
"Ayan na, kinantahan na kita huwag kanang magalit sa akin ah? Hindi ako sanay na ganito ka eh. " aniya. Malumanay ang boses nito at mahihimigan ang kalungkutan dito.
"Hindi naman kasi ako galit Levi, Ikaw lang naman ang nag-iisip niyan," sagot ko.
"I know you so well, Lexie, alam ko kung nagtatampo ka o nagagalit ka," aniya. May halo nang tampo ang boses nito.
"Available ka ba tomorrow?" tanong nito.
"Hmm, wala naman akong ibang gagawin, bakit?" Na curious naman ako sa sasabihin niya at naka-abang sa sasabihin nito. Saturday bukas at walang pasok kaya free ako bukas.
"Date tayo?" aniya. Nasamid naman ako at naubo dahil doon. Hindi mo ako masisisi bakit kita minahal lalaki ka. Ang pa fall mo eh. Char, self ikaw naman kase binibigyan mo ng malisya ang friendly gesture niya.
"Sige, anong oras bukas?" sagot ko sa normal na tono pero sa loob-loob ko kinikilig ako ng bongga.
"Mga 9:30am, susunduin na kita. Dala kang extrang damit ah?" aniya. Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi nito. Bakit kailangang may extrang damit?
"Okay. Sige na, kakain muna ako," sabi ko at dali-daling pinatay ang tawag. Napahiga naman ako at tinitigan ang kisame ng aking kwarto.
"Ano kayang gagawin namin bukas?" Impit akong sumigaw at kinuha ang aking unan at niyakap ito.
NAGISING ako mula sa ingay ng alarm clock ko. Kinapa ko ang bedside table at pinatigil ito. Tss, ang ingay inaantok pa ako. Ngunit napabalikwas ako ng maalala kong may date pala kami ni Levi. Tinignan ko ang orasan at nakitang 7:00am na. Dali-dali akong tumayo at inayos ang higaan ko. Dumiretso ako sa closet at naghanap ng magandang damit. Dapat presentable ako, first date namin ito. Pero nong naalala ko ang text kagabi ni Levi ay nanlumo ako.
Levi Myloves: Friendly date lang iyon. Huwag ka mag assume ng iba.
Nakakainis todo kilig na ako kagabi eh. Pero kahit ganoon hindi parin ako nalungkot ng bongga at least may date pa rin. Minuwestra ko ang aking katawan papuntang banyo nang makaligo na.
MAKALIPAS ang ilang minuto ay nakatitig na ako sa salaming kaharap ko. Ang ganda ko... Hays. Pero kahit ganoon hindi pa rin na attract si Levi sa kagandahan ko. Nakatingin ako sa repleksiyon ko sa harapan ng full length mirror. I'm wearing a simple dress. A white sleeveless dress above the knee na pinaresan ng black doll shoes. I must say na, I'm so cute with this outfit. Tinitigan ko ang aking mukha. I have a round small face, pouty lips and a pair of brown almond eyes. Thick eyelashes and white fair skin. Matapos masiguradong presentable na ako ay kinuha ko na ang black purse ko.
Bumaba na ako at dumiretso sa sala. Nakita ko si Mama na nanonood ng palabas sa TV. Nilapitan ko ito at binigyan ng matamis na ngiti.
"Wow, Anak ang ganda mo. Nagmana ka talaga sa akin," aniya at nagnining ang matang tinitignan ako. See? May pinagmanahan ako.
"Yes Ma. Huwag na po kayong magulat," sagot ko. "Punta muna po akong kusina, Ma." Natatawang saad ko at tinungo na ang kusina.
Nilapag ko muna ang purse ko sa sofa at dumiretso sa kusina. Nang makarating ako doon ay natakam ako sa pagkaing nasa hapagkainan. Kumuha muna ako ng kutsara't tinidor at naupo na.
Makalipas ng ilang minuto tapos na ako sa pagkain at napansing wala ang purse ko. Naiwan ko ata sa kwarto. Sinulyapan ko ang aking relo at napansing malapit nang dumating si Levi kaya dali-dali akong pumanhik sa kwarto. Pagkarating doon sa taas ay hindi ko ito mahanap. Wala rin ito sa stand ng mga bags ko. Lumabas ako sa kwarto at mabilis akong bumaba sa hagdan at pinuntahan si Mama.
"Ma? Nakita niyo po ba ang purse ko?" tanong ko at inilibot ang paningin sa buong sala. Napansin ko naman na tinitingnan ako ni Mama at tumayo ito pagkatapos. Pumunta siya sa isang sofa na kaharap ko at inangat ang hinahanap ko.
"Nandito, Anak. Nilapag mo ito kanina dito," aniya. Nginitian niya ako kaya napangiti nalang din ako.
"Thank you Ma! You're the best!" saad ko at niyakap ko ito nang mahigpit. Natigil lamang kami sa aming pagyayakapan ng marinig namin na may nag doorbell. Na excite naman ako sa isiping baka si Levi na ito. Nagpaalam na ako kay Mama at binigyan ito ng halik sa pisngi.
"Enjoy 'Nak!" sigaw ni Mama na ikinangiti ko. Pagbukas ko nang gate ay nakita kong naiinip na nakasandal si Levi sa mamahaling sasakyan nito. Nang mapansin niya ako ay ngumiti ito. Nagtaka lang ako ng nangunot ang noo nito nang pasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa.
"Ang tagal mo," aniya. Tinalikuran niya ako at binuksan ang pinto ng sasakyan nito. Medyo na hurt naman ako ng hindi man lang niya binigyan ng compliment ang pagpapaganda ko.
Bagsak ang balikat kong tinungo ang front seat. Pagkasakay ko, napaigtad ako sa gulat sa lakas ng pagsira nito sa pinto ng sasakyan. Anong problema non? Tss. Pa hingi-hingi pa nang tawad kagabi ta's ngayon magsusungit . Tinignan ko naman siya sa harapan ng sasakyan at kapan-pansin ang pagka-kunot ng noo nito. Hinayaan ko na lamang siya at hinanap ang cellphone sa purse ko.
Makalipas ang ilang minuto, tinatahak na namin ang daan papunta sa destination namin. Nagtaka lang ako bakit parang papunta kami sa kilalang Mall dito sa laguna.
"We're going to by you some decent clothes," aniya sa seryosong tono. Nagkasalubong naman ang kilay ko dahil doon.
"Hindi pa ba okay ang suot ko?" Nagtataka kong tanong.
"We're going to Enchanted Kingdom, ta's ganiyan suot mo?" Mahinahon niyang saad. Ngunit halata ang inis doon. Nanlaki naman ang aking mata dahil doon.
"Bakit hindi mo sinabi?" Halos bulong ko ng tanong.
"I'm planning to surprise you. Ang kaso nang dahil sa suot mo nabulilyaso," aniya.
Hindi nalang ako sumagot. Kinikilig kase ako.
WE'RE going now na sa Enchanted Kingdom. Nahawa ako doon sa babaeng cashier kanina. Ang lakas kung maka conyo bakit hindi nalang nag-tagalog tss.
I'm a wearing a plain white tee-shirt and a fitted blue maong pants paired with a sneakers. Pinusod ko naman ang mahaba kong buhok at naglalag ng ilang hibla sa aking noo. Matakpan man lang ang landingan ng airport.
PAGKALIPAS ng ilang minuto ay nakarating na kami sa Enchanted Kingdom. Marami nang tao sa labas pa lang. Pinagbuksan naman ako ng pinto ni Levi kaya lumabas na ako. Pansin ko ang tingin ng mga tao kay Levi. Ikaw ba naman ang hindi mapapatingin sa masarap na ulam.
"Let's go." aniya at kinuha ang aking kamay at mahigpit itong hinawakan.
"Ano--" naputol ang dapat ay sasabihin ko ng bigla itong magsalita.
"No buts, and don't let go of my hand." aniya at tinitigan ako. "Baka agawin ka nila mula sa akin." Bumilis naman ang tibok ng puso ko dahil doon. Ano ito Levi? Bakit kailangan mo akong paasahin sa mga gestures mo. Hindi nalang ako umangal at hawak kamay kaming naglakad.
"Lexie, I want to ride. Samahan mo ako." aniya at tinitignan ako ng nagmamakaawa nitong mga mata. Ayaw ko pang mamatay... Hindi ko kayang sumakay sa Anchors Away.
"Please, I will protect you kasama mo ako kaya walang mangyayaring masama sa'yo," aniya at nginitian ako.
"Sige, pero after doon sa carousel tayo ah?" saad ko na nagpasalubong sa kilay nito.
"Aish! Sige, sige. Pero smile ka muna," sabi niya at tinutok sa akin lens ng camera na hawak nito. Ngumiti naman ako at nag peace sign.
"Oh, tayo namang dalawa ang mag picture," saad nito at hinila ako. Nagulat naman ako ng bigla niya akong hinalikan sa pisngi. Pinalo ko naman siya ng malakas sa braso na ikinadaing nito.
"Ano ba?! Taena ka!" wika ko at tinalikuran na siya.
"Lexie, wait lang!" sigaw nito. Binilisan ko pa ang lakad ko. Ngunit nahabol niya pa rin ako. Nakakainis. Mahal ko siya pero hindi naman dapat gano'n.
"Sorry na, nanggigil lang naman ako sa mataba mong pisngi eh." Hinarap ko siya at tinitigan ng masama na nagpatawa sa kaniya.
"Ang cute mo!" aniya at tinutok ulit ang camera nito sa mukha ko.
HOUR'S passed at sobrang pagod na ako. Halos nasakyan na namin lahat ng rides. Tinignan ko ang wrists watch ko at napansing mag ga-gabi na pala.
"Hindi pa ba tayo uuwi?" tanong ko kay Levi. Tinignan niya naman ako at ngumiti.
"Sakay muna tayo sa Ferris wheel," aniya at hinila na ako. Nang makasakay napansin ko ang kabado nitong mukha at panay ang kalikot nito sa kamay niya.
"Ayos ka lang? Para kang natataeng, ewan dyan," asar ko. Ngunit hindi man lang niya ito pinansin at tinignan ang relo niya.
Naalarma naman ako ng naramdaman kong gumagalaw na ang ferris wheel. Kinabahan naman ako ng bongga ng bigla itong huminto pagdating sa pinaka-taas. Hala? anong nangyayari?
"Lexie." Mabilis ko namang tinignan si Levi at napansin ko ang malumanay niyang tingin.
"Huminto ba tayo? Huy, nakakatakot naman ito, baka hindi na tayo makababa ah?" histerya kong saad. Wala naman akong narinig na tugon kaya binaling ko ang paningin kay Levi. Sa pagtama ng aming mga paningin ay halos lumabas ang puso ko sa sinabi nito.
"I love you." Nanlaki naman ang mga mata ko dahil doon at halos kapusin ako ng hangin. Hindi ako makapagsalita dahil sa gulat.
"Let me tell you how it's started." Hindi ako nakatugon at hinayaan lamang siyang mag kwento. Ilang minuto lang natapos na siyang mag-kwento. Hindi ko alam bakit parang napipi ako. Hindi ko akalain na parehas pala kami ng nararamdaman.
"Iyong sinabi ko sa iyong nagpapanggap lang ako na sweet sa iyo para pagselosin ang taong gusto ko, hindi totoo iyon." aniya at nginitian ako. Naiiyak ako. Hindi ko alam sa tuwa ba o ano.
"Ginagawa ko iyon para walang magtakang manligaw sa iyo."
"B-Bakit ayaw mong may manligaw sa akin?" Sa wakas naisambit ko. Kinakabahan ako. Hindi ko alam na dadating pala ang araw na ito. Ang araw na malaman kong parehas kami ng nararamdaman.
"Tumingin ka sa harapan." aniya. Ibinaling niya ang kaniyang atensiyon sa harapan. Tumingin naman ako at napansing wala na ang kaninang sinag ng araw at kinain na ng kadiliman ang kaninang sinag ng araw. Napasinghap ako sa ganda ng tanawin. Ang mga malilit na tila kumukutitap na mga ilaw. Napayakap naman ako sa aking sarili ng umihip ang malamig na hangin. Kasunod non ay ang lagitik ng sinasakyan namin. Naramdaman kong may tumabi sa akin. Si Levi
Sa pagharap ko sa taong tumabi sa akin ay natigilan ako ng mapansin ko ang kulay abong mga mata nito na nakatitig sa akin. Puno nang kasiyahan ang nagnining nitong mata.
"You're asking why I don't want?" tanong nito. Napalunok naman ako dahil sobrang lapit nito sa akin na sa sobrang lapit ay naaamoy ko na ang mabangong hininga nito. Umisang tango ako rito. Napansin ko namang ngumiti ito at nilagay sa akin ang jacket na suot nito kanina lamang. Masiyado akong na occupied ng iniisip ko at hindi ko napansing tinanggal na pala nito ang jacket na suot niya kanina.
"Can you count for me?"
"H-Huh?" saad ko.
"Count 1 up to 3 please?" aniya at hinarap ang aking mukha sa magandang tanawin sa aming harapan.
"Go." aniya sa mahinahong tono.
Hindi ko ma gets bakit niya ako pinapabilang pero ginawa ko nalang dahil mapilit siya eh.
"1..." umpisa ko. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako ng todo ngayon.
"2..." Napahinto ako sa pagbibilang ng kinuha niya ang kamay ko at ipinagdikit ang mga palad namin.
"3." Sa pagsambit ko sa huling numero ay nagulat ako ng biglang sunod-sunod na putok ang aking narinig. Pero mas lalo akong nagulat nang ang kaninang madilim na kalangitan ay napuno ng iba't ibang kulay. Fireworks
Napasinghap ako sa ganda ng nakikita ko ngayon. Sobra-sobra na ang nararamdaman ko. Hindi pa nga ako maka get-over sa confession ni Levi ta's ito pa. Ngunit hindi pa pala tapos... Napatakip ako ng aking bibig ng makitang may mga lumilipad na kung ano sa kalangitan. Lumapit ako sa bintana at tumingala. Halos matigilan ako sa aking nakita. Sa madilim na kalangitan ay naging letra ang kaninang drone na naghahabulan sa kalangitan ay naging mga letra...
C a n I C o u r t Y o u ?
Nang mabasa ko ito ay hinarap ko si Levi. Nakatitig ito sa aking mga mata at may ngiti sa kaniyang labi.
"Can I?..."
4 years later.
"You may now kiss the bride!" anunsiyo ng Padre. Tinignan ko naman si Levi. Hindi ko mapigilan ang umiyak ng mapansing lumuluha ito. Kinuha nito ang aking mga kamay at pinisil ng mahawakan ito.
"I will protect you and I will love for the rest of my life...Till death, do as part." Naramdaman ko ang paglapat ng malambot nitong labi sa aking labi.
Sa apat na taong nagdaan, hindi ko inakala na kami pala ang itinadhana ng Maykapal. Na kaming dalawa ang magsasama sa habang buhay. Na kaming dalawa ang bubuo ng pamilyang pinapangarap ko. Maraming pagsubok ang dumaan sa aming relasiyon. Hindi lang puro saya ang naranasan namin sa apat na taong iyon. Sinubukan kami ng tadhana. Ngunit hindi kami nagpatalo. Kaya ngayon, masaya kong inaanunsiyo na ako na si Lexie Saffira Alvarez, Cameron...
"TATAY NA AKO!!" hindi ko napigilang tumawa ng biglang sumigaw si Levi at nagtatatakbo sa labas.
"Dok! Tatay na ako! Tatay na ako Dok!" Hindi ko napigilang maluha sa inasta nito. Niyuyugyog niya ang Doktor na kaharap ko. May mga luhang tumatakas sa mga mata nito. Halata ang pananabik at saya sa kaniyang mga mata kahit na ito'y lumuluha.
"Congratulations, Mr. Cameron. I'm so happy for the both of you," saad ng Doktor. Tinignan niya rin ako at umisang tango. Nginitian ko naman ito. Pagkaraan ng ilang minuto dalawa nalang kami ni Levi dito sa kwarto. Aligaga parin siya at panay ang tingin sa papel na hawak nito.
"Mahal, tignan mo oh? Kamukha ko!" aniya at nilapitan ako upang ipakita ang result ng pregnancy test ko.
"Baliw, paano mo iyan nasabi eh ihi palang naman iyan." Natawa ako ng ibaling nito ang atensiyon sa akin at nakalabi akong tinignan.
"Tss, panira ka Mahal ko," aniya at tinignang muli ang pregnancy kit.
"Feel ko talaga kamukha ko ito."
NASA sasakyan na kami ngayon. Hindi pa rin mawala ang abot tengang ngiti ni Levi habang nagmamaneho. Itinuon ko ang aking paningin sa bintana. Ang lakas pa rin ng ulan. Halos hindi ko na makita ang daan sa sobrang lakas nito. May nakita pa akong natumbang puno kanina. Hindi ko alam kung ano itong kabang nararamdaman ko. Sinulyapan ko si Levi at napansing hindi pa rin ito napapagod ngumiti. Hindi ako mapakali.
Sinubukan kong i-relax ang aking sarili. Humingang malalim at pinikit ang mga mata. Ngunit...
Sa pagpikit kong iyon ay naramdam ko ang malakas na pwersa sa likuran ng aming sasakyan. Galing ito sa likuran ng aming sasakyan.
Napatingin ako kay Levi dahil doon, at napansin ko ang takot sa mga mata nito. Pinipilit niyang tapakan ang preno ngunit hindi pa rin humihinto ang sasakyan.
"L-Levi..." Mabilis naman niya akong tinignan. Napansin ko ang pagsulyap niya sa aking tiyan.
"It's okay." Bulong nito ngunit hindi ko makita sa mga mata nito ang totoong sinasabi ng kaniyang puso. Nasa peligro ang mga buhay namin.
Tinatahak pa rin naman ang basang kalsada at patuloy pa rin ang pagbagsak ng malakas na ulan.. Nakita ko kanina ang yupi sa likod ng sasakyan. Ang sabi ni Levi ay may nahulog daw na malaking sanga ang likod nito. Doon lang din niya napansing sira ang preno ng aming sasakyan nang ihihinto na niya sana ang sasakyan.
Wala ring signal ngayon kaya hindi kami makahingi ng tulong. Ngunit, halos mapasigaw ako sa gulat ng may makitang baka sa daan. Dahil doon iniwas ni Levi ang sasakyan. Ngunit sa pag-iwas nito ay hindi namin namalayan na may paparating ding sasakyan sa likuran namin. Namalayan ko na lang ang pagbagsak ng aming sinasakyan at ang mahigpit na kapit ni Levi sa aking kamay.
NAGISING ako na tila dinuduyan ako. Sa pag-galaw ko ay halos lumabas ang puso ko sa kaba ng biglang naghatid ito ng malakas na ingay. Nahigit ko ang aking hininga ng mapansin ang kalagayan ni Levi. Nakayuko ang ulo nito sa steering wheel at bakas ang pulang likidong dumadaloy doon.
"L-Levi, wake up." Halos pabulong kong sambit. Pigil ang aking bawat hininga. Hindi ako gumagawa ng kahit anong mabigat na movements dahil isang maling galaw ko lang mahuhulog ang sinasakyan namin sa bangin. Ngunit nagkaroon ako ng pag-asa nang mapansing ang harapan lang ng sasakyan ang nasa bukana ng bangin.
Binuksan ko ng dahan-dahan ang pinto ng sasakyan at nabuhayan ng makitang makakababa pa kami ni Levi sa sasakyan. Napapalunok ako sa tuwing dinuduyan ng hangin ang sasakyan. Hindi pa rin nagigising si Levi.
"Damn, Levi wake up or else I will gonna devorce you!" Bulong ngunit may pagbabanta kong saad. Halos maiyak ako sa tuwa ng makitang gumalaw ang braso nito. Inangat nito ang kaniyang tingin sa harapan at ilang segundo lang ay mabilis niya akong tinignan na nagpagalaw sa sasakyan.
"I'm okay. Just move slowly please." Naiiyak ko nang sambit. Bumakas naman ang pag-aalala sa mukha nito. Dahan-dahan niyang binuksan ang dashboard at kinuha ang isang bagay na pinaka-iingatan niya. Isinabit niya ito sa aking leeg at hinalikan ang aking pisngi.
"Bumaba ka na Lexie," aniya at tinuro ang labas ng sasakyan. Umiling naman ako dahil doon.
"No. Sabay tayong baba!" sigaw ko. Naramdaman kong muli ang pag kreek ng sasakyan.
"Just listen to me, Love. Mauna ka na susunod ako, sabi nito at nginitian ako.
"No, please, no! Sabay na tayong umalis, Levi. Hindi kita iiwan dito!"
"Damn it, Lexie! Just listen to me, okay? P-Please?" pagsusumamo nito. Halos madurog ang aking puso ng mapansing umiiyak ito. "P-Please, save yourself... save our baby..." Sunod-sunod na nag-unahan ang mga luhang kumawala sa aking mga mata.
"I love you, I love you... I love you. Always remember that... My love," saad nito. Sa bawat salitang sinasambit ng kaniyang labi ay tumatagos sa aking puso. I'm so useless. Wala akong magawa para sa amin. Puro lang ako iyak eh wala naman akong nagagawa!
"Please, don't cry My Love..." bulong nito
"A-And, please tell Leyla." huminto ito at pilit na inabot ang tiyan ko. Nangingiti niya itong hinimas kahit na sa mahirap na kalagayan. Nararamdaman ko sa bawat himas nito sa aking tiyan ang sakit. Takot. Pangungulila.
"That Daddy love's her..." aniya at impit na lumuha. Hindi ko rin napigilang umiyak sa nakikita kong sitwasiyon nito.
"H-Her?"
"Yes, I can feel it..." Tinignan naman niya ako sa mata. "Be strong for our Baby, okay? I love you..."
"No, please don't say that! Makakaalis tayong dalawa dito. Dadating ang tulong...D-Dadating ang tulong." Hindi ko na napigilang mapahagulgol.
"Now go, Lexie. Bumaba ka na."
"No! Hindi kita iiwan Levi! H-Hindi kita iiwan." Gumalaw naman ang sasakyan namin. Hindi nakawala sa aking paningin ang punong malapit nang matumba sa gilid ni Levi. Nahigit ko ang aking hininga dahil sa malakas na ihip ng hanging lalong nagpakaba sa akin.
"Lexie, we don't have no time. Go..."
"Levi..." Naramdaman naming muli ang pag-galaw ng sasakyan. Na tila kami ay dinuduyan. Halos mapasigaw ako ng biglang may bumagsak na puno sa gilid kung nasaan si Levi. Dahil doon nagkaroon ng malakas na impact ang lupa at lalong dumausdos pababa ang sasakyan.
Sa huling sandali tinitignan ko ang mga mata ng taong mahal ko. Hindi kita iiwan. Alam kong selfishness ang gagawin ko pero hindi ko kayang iwan ka at hayaang mahulog sa bangin. Hindi ko kaya.
Pinikit ko ang aking mata. Lalong dumausdos pababa ang sasakyan dahil sa malakas na hangin na tila hinahampas ang aming sasakyan.
Alam ko ilang segundo nalang mahuhulog na ito. Nang maramdaman ko ang malakas na ihip ng hangin ay alam ko na. Naramdaman ko ang yakap ni Levi na mas lalong nagpagalaw ng sasakyan.
"I love you..." Bulong nito at hindi ko inakala ang sunod nitong ginawa. Tinulak niya ako palabas ng sasakyan at nasubsob ako sa lupa. Marahas kong ibinaling ang aking paningin kay Levi at napansin ko ang nakangiti nitong labi.
"N-No..." Dahan-dahan akong gumapang papunta sa sasakyan.
Napatakip ako sa aking bibig nang marinig ang paghagulgol nito sa loob ng sasakyan.
Pinilit kong tumayo. Hindi ko inalintana ang pa-ika-ika kong paglalakad mapuntahan ko lamang siya.
"NO!!!" Sigaw ko nang tuluyang dumausdos pababa ang sasakyan at mahulog ito nang tuluyan sa bangin.
Kasama ang lalaking Mahal ko...
"Levi!!!" Napaatras ako sa hatid ng malakas na pag-sabog ng sasakyan.
"Levi!" Ang huling salitang aking nasambit bago magdilim ang aking paningin.
35 years later~
(LEYLA'S POV- DAUGHTER)
"Anak, dito ko lang talaga nilagay iyon eh," sambit ni Mama. Napakamot na lamang ito sa kaniyang ulo.
"Ma, sigurado po ba kayo?" tanong ko.
"Yes, Anak. Dito ko lang talaga nilapag iyon," aniya.
"Mommy-la! Is this what you're looking for?" Ibinaling ko naman ang aking atensiyon sa aking 3years old na anak.
Napangiti naman ako nang mahanap nito ang kanina pang hinahanap namin ni Mama.
"Naku! Apo, iyan nga!" Masayang sambit ni Mama.
"Yehey! Can I have a chocolate now?" Nangunot naman ang aking noo dahil sa sinabi nito.
"Erika, no chocolates. Gusto mo bang magka-cavity ang teeth mo?" Pananakot ko rito.
"But, Mommy I want to eat!" Pagpipilit nito.
"No! Go to your room now!" May himig na galit kong sigaw. Kung hindi ko sisigawan ang batang iyon hindi pa matatakot. Masiyadong spoiled sa tatay at lola nito.
"Leyla, Anak, masiyado ka namang mahigpit sa bata. Paminsan-minsan lang naman eh," sambit ni Mama.
"Ma, kailangan niya pong malaman na hindi lahat ng gusto niya makukuha niya," tugon ko.
"O, siya sige," pagsuko nito. "Aalis na ako." Hinalikan naman ako ni Mama sa pisngi.
"Mag-ingat po kayo, Ma." Paalam ko. Umisang tango naman ito at tinalikuran na ako. Nagtaka naman ako nang bigla itong huminto sa paglalakad. Ilang segundo lamang ay tinakbo ko ang pagitan namin nang makitang nawalan ito ng malay.
NANDITO ako ngayon sa hospital. Hindi ko alam kung anong gagawin. Hindi ko alam kung ano ang sakit ni Mama. Iyon ang sabi ng Doktor kanina. Napatayo naman ako nang makitang papalapit ito sa direksiyon ko.
"Doc. kamusta po ang Mama?" Sinalubong ko agad nang tanong ang Doktor.
"She's okay now. Nagpapahinga lang siya. Nahilo siya dahil na over fatigue ito." Nakahinga naman ako ng maluwag nang malamang okay lang si Mama. Ngunit nagtaka ako nang tinitigan ako nang Doctor.
"Ano po iyon?" Taka kong tanong.
"Can you follow me in my office?" Kinabahan naman ako dahil doon. After niya iyong sabihin ay tinalikuran na ako nito.
"May gusto po ba kayong sabihin Doc.?" Kakaupo ko palang ay tinanong ko na agad ito sa Doktor.
"May napapansin ka bang kakaiba sa patient?" aniya at seryoso akong tinitigan.
Napaisip naman ako. Napapansin? Ang napapansin ko lang madalas nitong makalimutan ang mga gamit na nilalapag niya.
"Meron po. Madalas ko pong mapansin na nagiging makakalimutin ito. Iyong tipong madali niyang makalimutan ang bagay na nilapag niya or tinatago niya," sagot ko. Napansin ko namang napabuntong hininga ito.
"I want you to see this." Inabot niya sa akin ang isang papel. Mabilis ko naman itong kinuha at binasa ang nakalagay roon. Ngunit halos bumagsak ang buong mundo sa akin nang mabasa ko ang nakapaloob doon. Inangat ko ang aking tingin at hindi makapaniwala kong tinignan ang Doctor.
"Your Mother has an Alzheimer's disease... At sa tingin ko lumalabas na ang mga sintomas nito."
Napasinghap ako sa aking narinig at hindi ko namalayang nanginginig na ang aking mga kamay.
"Alzheimer's Disease po?" tanong ko kahit alam ko naman ang sakit na iyon.
"Yes. Alzheimer's disease is an irreversible, progressive brain disorder that slowly destroys memory and thinking skills and, eventually, the ability to carry out the simplest tasks. In most people with the disease—those with the late-onset type—symptoms first appear in their mid-60s," paliwang nito. Hindi na ma proseso nang utak ko ang mga sinabi nito.
NAKAUWI na kami sa bahay. Noong makita ko si Mama sa hospital bed ay hindi ko nakaya ang sakit na dala nang balitang may dinadala itong sakit. Nakangiti ako sa kaniyang pag-gising pinapakita ko na okay lang ang lahat.
Lumipas ang ilang buwan ay lumalala ang sakit ni Mama. Mas madalas na itong makalimot. Napagpasiyahan ko ring sa bahay nalang tumira si Mama. Hindi ko siya hinayaang mag-isa. Ayokong dumating ang sakit niya na wala ako. Napansin ko rin ang pagiging magagalitin nito at pagka-iritable na isa sa mga sintomas ng mga taong may sakit na Alzheimer's Disease.
"Leyla, nakita mo ba kung nasaan ang salamin ko?" tanong nito. Iniwas ko ang aking tingin rito at pasimpleng pinunasan ang luha ko.
"M-Ma, nasa ulo niyo lang po," saad ko at ako na mismo ang nagbaba ng salamin niya sa mata.
"Pasensiya na Anak. Mabilis na talaga akong makalimot dahil tumatanda na rin." Nakangiti nitong saad.
"HAPPY BIRTHDAY MOMMY-LA!" Pasigaw na sambit ng aking Anak sa kaniyang Lola. Birthday ni Mama ngayon. Nandito kami sa isang resort na iniwan sa amin ni Papa.
Napangiti naman ako habang pinagmamasdan silang dalawa. Sinorpresa kasi namin si Mama sa birthday niya. Natuwa ito nang makita niyang may handa siya sa kaniyang birthday na lagi naman. Mas lumala ang sakit ni Mama. Nakakalimutan na nito ang mga petsa at mahahalagang occasion sa aming pamilya. Even, Papa's death anniversary.
"Ma, maupo muna kayo," aniya ko. Nagtaka naman ako nang hindi niya ako pinansin at nilibot ang tingin sa buong venue. I raised my hand and that's the cue na simulan na dapat na nilang simulan ang palabas. Namatay ang ilaw at tanging ang malaking LCD lamang ang nagsilbing ilaw sa madilim na paligid. Sinulyapan ko si Mama at nakitang tulala ito. Nawala lamang ang aking tingin sa kaniya nang magsimula na ang palabas.
Nagsimula ang video sa isang kagubatan. Kapansin-pansin na kinukuhanan niya ng video ang magandang tanawin. Ngunit, na focus ang video sa isang puno. Sa punong iyon ay may isang bata ang nasa taas. Bigla namang naging magulo ang pagkuha nito at kapansin-pansin na tumatakbo ito. Tumayo siya sa ibaba ng puno.
"Hoy bata! Bumaba ka nga diyan! Nagpapakamatay ka ba?!"
Napuno nang tawanan ang buong venue dahil sa sigaw ng batang lalaki. Ngunit napalitan ito nang sigawan nang muntik nang mahulog ang batang babae sa puno. Nang mabalanse nitong muli ang katawan ay nakuhanan nang video ang pag-irap nang batang babae.
"A-aray! Mama!" Sigaw nang batang lalaki sa video. Dahil doon nawala sa anggulo ang pagkakuha sa video. Natawa naman ang ilang nanonood dahil na focus ito sa lupa at tanging mga boses na lamang ang naririnig.
"Salamat sa pagligtas sa akin, Bata."
"Walang anuman. Sa susunod tignan mo muna ang tatayuan mo bago ka magpaka-hero."
"Nag-alala lang ako sa iyo bata dahil baka mahulog ka mula sa punong iyon."
"Bahala ka. Ikaw naman ang mapapahamak eh."
"Bahala ka. Ikaw naman ang mapapahamak eh."
"Lexie. Ikaw?"
"Levi. Ang galing pareho pang nagsisimula sa L ang mga pangalan natin."
Ang susunod na video naman ay kinukuhanan ang babae ng video habang nakasakay sa carousel. Narinig pa sa video ang hagikgik nang tanong kinukuhanan siya. Nawala ang videong kanina lamang ay pinapalabas at napunta ito sa isang lalaki na tumatalon sa tuwa at panay ang sigaw na "Tatay na ako!" Mahahalata sa video na iyon na nasa labas na sila nang hospital. Kapansin-pansin ang namayaning katahimikan sa buong venue. Ang iba ay hindi na napagilang mapahagulgol.
Kabaligtaran ang nararamdaman ng mga manonood sa nararamdaman sa mga taong nasa palabas. Makikita sa kanilang mga mata ang kasiyahan.
"Ma?" Tanong ko kay Mama nang mapansin kong aligaga ito.
"N-Nasaan ako?" Bumundol ang kaba sa aking puso nang sabihin ito ni Mama. Expected ko nang mangyayari ito pero bakit sa mismong birthday pa ni Mama?
"Ma, birthday niyo po ngayon..." Pigil ang iyak kong sambit.
"Ikaw? Sino ka? Bakit mo akong tinatawag na Mama?" Tanong nito at pinokus ang mga mata sa LCD screen.
Pagtataka ang gumuhit sa maganda nitong mukha.
"Si...S-Sino sila?" Tanong nito at tinuro ang dalawang tao sa screen.
3 years later
"Hi Daddy-Lo!" Kaway nang batang si Erica. Ibinaling nito ang kaniyang tingin sa katabing puntod.
"Hi Mommy-La! Pasensiya na po kayo at ngayon lamang kami nakabisita ni Mama. Busy po kasi si Mama sa pagpapatakbo nang kumpanya. Sorry po talaga!" Aniya at tinaas pa ang isang kamay na tila nanunumpa.
Napangiti naman ako sa inasta ni Erica. Pag talaga dumadalaw kami sa puntod ni na Mama at Papa lagi itong masaya. Ito kasi ang bilin ni Mama sa kaniya na huwag siyang malulungkot tuwing dadalawin niya ito.
Isang taon na simula nang mawala si Mama. Ilang taon na kasama namin siya ay halos hindi niya kami makilala sa tuwing susumpong ang sakit nito. Pag nakaka-alala naman siya at di-diretso ito sa puntod ni Papa. Pinanood naming muli ang video na pinalabas noong birthday niya. Tuwang-tuwa ito dahil naalala niyang muli ang masasayang memories nang pagsasama nila ni Papa. Naging mahirap at masakit sa akin ang pagkawala ni Mama. Ilang buwan bago ako naka-recover sa pagkawala niya. But, now I'm fully healed at na accept ko na wala na talaga si Mama, na magkasama na talaga sila ni Papa.
Nawala man sila...
Natapos man ang kwento nang kanilang pagmamahalan...
Mananatili sa aming puso't isipan ang kwentong binuo nila. Ang pagmamahalan hanggang kamatayan.
Yey! Natapos na sa wakas! ToT Sana nagustuhan niyo. I'm so good pa sa pagsusulat pero I hope na sana ay nagustuhan niyo at nag-iwan ito nang sakit sa puso niyo Lol 🤣
I want to know your feedbacks about this story! Comment niyo lang! Beke neemen 🤣
Vote and comment is highly appreciated! Thank youu
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top