Mga Prompt, Rules, at Regulations (CLOSED)
Ipinagdiriwang natin ang mga masisipag na manggagawa tuwing May 1, pero dapat din siguro nating bigyan ng love life ang mga busy bee na ito! Kaya ngayong buwan ng Mayo, bibigyan namin kayo ng Golden Ticket tungo sa pag-ibig.
Hinahamon kayo ng WattpadRomancePH na magsulat ng kuwento base sa napiling prompt. Hindi ito dapat lalagpas sa 1.5K na bilang ng mga salita. Narito ang mga prompt na pagpipilian:
PROMPT 1
Hindi ikaw ang panganay na anak, pero ikaw ang nagsisilbing bread winner ng inyong pamilya. Kahit pagod na pagod ka na sa kaka-OT sa shift mo bilang isang Call Center Agent ay hindi ka nagrereklamo — kahit na wala ka ng oras para sa sarili mo, wala na ring oras magka-lovelife! At dahil sa kasipagan mo ay sa'yo ibinigay ng boss mo ang isang ticket — kung saan libre kang makakapagbakasyon. Wala sa isip mo ang magka-lovelife, ang gusto mo lang ay alone time - away from everyone. Pero mukhang magiging "Alone Together" ang peg ng bakasyon de grande mo.
PROMPT 2
Pangarap mong makapagtrabaho sa isang tanyag na kompanya. Pero hindi mo pinangarap ang palaging "Over Time, Thank You" policy ng kompanyang ito. Idagdag mo pa na gusto mo ng kumawala sa sitwasyong nagpapahirap sa 'yo — you want to stop being your boss' mistress! Sa sobrang kagustuhan mong makalayo at makaalis na sa ganitong sitwasyon ay hindi ka na nagdalawang-isip na tanggapin ang natitirang ticket na binigay ng matalik mong kaibigan upang makapag-bakasyon. Pero hindi mo inaasahang ang bakasyon at matalik mong kaibigan pala ang sasagip sa 'yo sa nakakapagod mong sitwasyon.
PROMPT 3
Inaakala ng mga taong nakapaligid sa 'yo na wala ka nang ibang alam gawin kundi ang magtrabaho nang magtrabaho. Akala nila ay takot kang bumagsak at malugi ang kompanya mo — akala nila takot kang mawalan ng perang pumapasok sa bank account mo. Lingid sa kaalaman nila, kaya hindi mo magawang mag bakasyon at magsaya ay hindi ka pa rin nakakalimot sa pagkamatay ng taong pinakamamahal mo. Pero makulit ang mga empleyado mo at sila na mismo ang nagbigay sa 'yo ng isang ticket para magbakasyon at iwan ang iyong trabaho pansamantala. Hawak-hawak ang ticket ay may iisang tanong lamang na tumatakbo sa isip mo — "anong gagawin ko sa lugar na 'to?"
❤ Siguraduhing nakaayon sa prompt ang iyong kuwento
❤ Ang mga sasali ay maaaring gumamit ng Filipino, Ingles o Taglish lamang
❤ Bigyang pansin ang iyong grammar at spelling
❤ Ang iyong kwento ay dapat hindi lalagpas sa 1,500 na bilang ng salita lamang. Maaari itong mas mababa ngunit hindi maaaring lumagpas.
❤ Maaaring gumamit ng kahit anong POV: First, Second, o Third.
❤ Maaari itong i-post bilang bagong kuwento o isang panibagong chapter sa iyong one-shot book. (mas maigi kung ito ay isang bagong kuwento).
❤ Maaaring magpasa ng higit sa isang submission, ngunit magsumite ng submission form para sa lahat ng iyong entries. Kung mayroon kang 3 entries, 3 submission form din ang kailangan mong ipasa.
❤ Hindi kami tatanggap ng mga kuwentong may Mature Content
❤ Hindi kami tatanggap ng mga fanfiction
❤ Welcome na welcome po ang mga kuwentong may tema o mga karakter na kabilang sa LGBTQ community
❤ Siguraduhin na nakaayon sa Wattpad Guidelines ang iyong kuwento.
❤ Deadline: May 30, 2022 @ 10:59PM - PH Timezone (GMT+8) gamit ang SUBMISSION FORM na ito.
❤ 'Wag kalimutang lagyan ng tags na #RomancePH #GoldenTicketOfLove ang inyong mga kuwento
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top