you, above all...

Ria's POV

"Cesia," sinalinan ko ng greek salad si Cesia na nakaupo sa tabi ko. "Pwede mo ba akong samahan sa Scotland para tignan yung palasyo na binigay ni Trev sa'min?"

"Bakit?" aniya. "Para saan?"

Humilig ako papalapit kay Chase na nakaupo sa tapat ko at nilagyan din ng salad yung plato niya, katabi ng meat kebab. 

"I need help for the interior design."

"Mmm..." Tumatango-tango si Cesia. "Kailan?"

"I haven't settled on a date yet." Bumalik na ako sa pagkakaupo pagkatapos ilapag sa gitna ng mesa ang bowl ng salad. "And I'm pretty sure Chase can't go, that's why I asked you."

"Okay." Nginitian niya ako. "Sabihin mo lang kung anong petsa para makapaghanda ako."

Magsisimula na sana akong kumain nang maramdaman ko ang isang pares ng mga matang nakatuon sa'min. 

Nilingon ko si Trev na siyang nagmamay-ari nito.

He was seated on the end of the table beside Cesia, and across the god Thanatos who's sitting on the other end.

Kumunot ang aking noo nang magtama ang tingin namin ni Trev.

"What?" I mouthed.

Don't tell me narinig niya ang pinag-usapan namin ni Cesia?

He gave me a bored look while taking a sip of his juice.

Realizing I'm not getting any more response, I just rolled my eyes at him and proceeded to eat my roasted lamb and grilled potatoes.

"Thanatos," tawag ni Dio kay Thanatos na agad napatingin sa kanya. "How's the Underworld?" He asked casually, as if he's known him for a long time.

The god grinned, "Hades is ruling with an iron fist. He's been roaming around the kingdom, giving gifts to allies, strengthening security, and addressing threats."

"What ever happened to the rebels?" usisa ko.

"Exiled," sagot niya. "They can only return to the Underworld once they've finished their years of service for other deities." He grabbed his drink and leaned back on his chair comfortably. "Persephone and Demeter, for example, has taken in Hecate." 

Pinigilan ko ang aking sarili na matawa habang ini-imagine si Hecate na nagdidilig ng mga pananim.

It's times like these that make me realize how time is fleeting. Dinner went by fast, so did the entertaining conversations, and the next thing I knew, Thanatos is already bidding us farewell.

Isa-isa niya kaming tinignan nang makalabas na kami ng restaurant. "I'll see you soon, demigods." Panghuling tumigil ang kanyang mga mata kay Matilda. "I still have souls to collect."

Napangiti ako.

How far have we come that we were able to dine with the god of death? Siya na rin ang nagbayad ng dinner namin ngayong gabi.

"Mag-ingat ka," ani Matilda.

Umangat ang magkabilang kilay ni Thanatos. "I'm a god, Matilda."

"I know." Nginitian siya nito.

"Mmm." He squinted his eyes at her before averting his gaze to Kaye. "I want you both back in the Underworld tomorrow, just like what you promised."

The god gave us a final nod before turning his back and disappearing with the shadows.

Nang tuluyan na ngang maglaho si Thanatos sa aming paningin, sabay kaming napalingon kay Kaye.

"Bukas?" tanong ni Cesia sa kanya nang nakakunot ang noo.

"I'm sorry I didn't tell you." She gave us an apologetic smile. "The Moirai told me I can't be out in the open for too long."

Bumaba ang aking tingin sa tiyan niya nang mapahawak siya rito.

"They're very protective of him," Kaye informed us.

Him.

It's a boy.

"Hindi lang ang mga Moirai," sabi ni Matilda. "Everyone of us in the Underworld is anticipating."

"Do the other deities already know about this?" tanong ko. "The Olympians?"

"At this point, Ria, alam na ng lahat." sagot ni Kaye.

"Are you really sure you're safe in the Underworld?" bakas sa boses ni Kara ang pag-alala. "We can't risk-"

Kaye laughed. "I'm fine, you guys."

Huminto sa harap namin ang isang itim na limousine. Lumabas mula sa passenger seat ang assistant ni Fernando.

Pinagbuksan niya kami ng pinto. "Your service," aniya, sabay yuko.

"Sino nga ulit magbabayad sa bakasyon na'to?" tanong ni Thea.

As if on cue, we all looked at Trev who was partially hiding behind Cesia.

"No," malamig niyang sabi. "We're splitting."

"If you say so." Kumibit-balikat ako at naunang pumasok sa sasakyan.

Umupo ako sa pinakadulo kung saan ako tinabihan ni Chase.

"Seht, ikaw na magbayad para sa'ting dalawa, ah?" narinig kong sabi ni Thea nang maupo siya. "Hanggang pamasahe lang kaya ko."

"Ako rin, twinny!" Kumisap-kisap si Art. "Wala na akong pera! Naubos ko na sa bagong collection ko!"

"You have a husband, Art," paalala ni Seht sa kapatid niya.

"So ililibre mo si Thea pero ako, hindi?" Art remarked, obviously offended.

"Mas mahal niya raw ako." Inangat-baba ni Thea ang kanyang kilay kay Art na agarang napasinghap.

We were still on our way back to the hotel when Chase handed me a glass of red wine.

Where he got it from, I don't know.

Ang alam ko lang may bitbit na ring glasses yung iba kaya tinanggap ko ito.

"Nakapag-decide na ba kayo kung saan niyo gustong ikasal?" biglang tanong ni Art kina Kara at Dio.

Napatingin yung dalawa sa isa't-isa.

"We- uhh..." Dio was the first to answer. "We're having a hard time deciding."

"Athena wants Athens, Poseidon wants Corinth." Kara sighed. "...or any other place that's not Athens."

"But where do you want to get married?" Kaye asked.

Matagal-tagal pa bago muling nakapagsalita si Dio. "Hindi rin namin alam..." He played with the wine glass on his hand. "Though we prefer to get married in the Philippines, not in Greece."

"Tama 'yan." Tumatango-tango si Thea. "Ubos na pera ko," pagbibigay-alam niya. "Baka sa cargo nalang ako ng eroplano sasakay kapag pinabalik niyo pa ako rito para sa kasal niyo."

"Gusto niyong magpakasal sa Academy?" suhestyon ni Cesia.

Natahimik kami saglit.

"She's right," sang-ayon ko. "If you're looking for a place that's a middle ground between Poseidon and Athena, then it's the Academy. We don't have patron gods there. We worship every deity equally."

"Cesia," sambit ni Kara. "That's actually not a bad idea."

And it seemed like everyone agreed with her, because we started discussing more details about holding a wedding in the Academy a few minutes after. 

I also lost count of how many refills of wine I had because who wouldn't? It had ambrosia in it, the drink of the gods, the sweetest and most pleasant liquid that could ever touch a mortal's tongue.

The last glass of wine was never enough.

"Guys! Guys!" sigaw ni Art. "May malaking problema! Si Cetus hindi kasya sa ceremonial hall! Huhuhu!"

"Pwede kayang gawing maliit si Cetus?" nangunguryusong tanong ni Cesia.

"Huwag!" Nanlaki ang mga mata ni Thea. "Gago! Baka adobohin ng mga aurai!"

"Kung aadobohin lang din naman si Cetus, huwag niyo nang paliitin bro, para mas maraming servings." Chase gave Dio a casual nod. "Pinatay niyo na ang isa sa pinakakinatatakutang halimaw sa mundo, makakatipid pa kayo sa kasal niyo."

"Wag niyo ngang gawing main course si Cetus!" angal ni Art. 

"Alam ko na!" Itinaas ni Thea ang wine glass niya. "Gawing chicken wings si Blobblebutt!"

Pumasok ang wine sa ilong ko pagkatapos marinig ang sinabi ni Thea.

Ambrosia and liquor quickly drowned my senses, making the car spin around me. I grabbed a tissue and wiped the wine off my nose and the corners of my mouth.

"What the fuck-" Napahawak ako kay Chase nang lumiko ang kotse. "Thea! I just inhaled my drink!"

Inangat ko ang aking tingin at nakita silang nasa kalagitnaan pa ng pagtatawanan.

Ilang sandali ko silang pinagmasdan.

Tinuyo ni Thea ang mga luhang namuo sa mga mata niya kakatawa. "Nga pala, nasabi ko na ba sa inyo na muntik na tayong matalo sa digmaan kasi ginawang turnilyo ng mga satyr yung buto ng mga manok?"

Muli kong narinig ang mga halakhak nila.

Di nagtagal, naramdaman ko ang isang luha na tumakbo pababa sa aking pisngi.

What if I weren't given a second chance to live? What if I weren't here?

All I ever wanted, since I was young, was a home I could always come back to.

And I'm here, I thought. I made it.

Humugot ako ng malalim na hininga at pinatahan ang sarili ko. Pagkatapos, napahawak ako sa kamay ni Chase na napahinto para lingunin ako.

"Bakit?" nag-aalala niyang sambit.

Umiling ako. 

I don't know what time we arrived at the hotel, but it was already late. I also don't know how I managed to crawl out of the car and walk to our suite.

"Ayan," Dahan-dahan akong ibinaba ni Chase sa higaan. "Uminom ka pa."

Oh, wait. I remember I have a husband now.

I didn't have to walk. He carried me all the way here.

Tumagilid ako sa pagkakahiga at niyakap ang unan na pinakamalapit sa'kin. Ngunit hindi ako nakuntento nito kaya iminulat ko ang aking mga mata at nilingon si Chase na nakaupo sa harap ng laptop niya.

Nahirapan akong iangat ang sarili kong katawan ngunit pinilit ko pa ring maupo sa higaan. 

"I'm sorry..." Sumandal ako sa headboard. "You broke your phone because of me."

He stopped reading an e-mail on the screen and looked back at me. "Ria," His voice softened with concern. "Kasalanan ko 'yon. Hindi ko tinupad ang usapan natin."

"No," giit ko. "You have work. Of course, you're going to need your phone."

He continued to stare at me.

"What?" Nagtaka ako.

Natawa siya nang marahan at sinarado ang laptop niya. Napailing siya bago tumayo at lumapit sa kinaroroonan ko.

Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa maupo siya sa tabi ko.

"Balang araw malalaman mo rin kung ano ang pinag-aabalahan ko," tugon niya. "Para sa'yo yun, eh."

Great. Now he's making me feel even more guilt.

"Ria, kailangan kong alalahanin mo na para sa'yo, para sa'tin, ang lahat ng ginagawa ko..."

"I know..." Yumuko ako. "That's why I said I'm sorry."

"Pero kung pakiramdam mo may pagkukulang ako, hindi ikaw ang dapat manghingi ng tawad, kundi ako," dugtong niya. "Dahil sa huli, kasiyahan mo ang pinakamahalaga para sa'kin."

"Minsan, sa kagustuhan kong maibigay lahat sa'yo, nakakalimutan ko kung saan talaga nakasalalay ang totoong kaligayahan mo..." Tuluyan na ngang nanghina ang kanyang boses. "Kaya kailangan kita.... kailangan kitang magalit... kailangan kitang pagsabihan ako sa panahon ng mga pagkukulang ko sa'yo."

Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko. "Kailangan kong ipaalam mo sa'kin na nalulungkot ka dahil sa'kin."

Isang luha ang nakatakas mula sa mata ko. "Chase..."

"Higit sa lahat, ikaw." Nginitian niya ako. "Tandaan mo 'yan."

"Ikaw..." pag-uulit ko. "Higit sa lahat."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top