what's promised, is a consequence...

Kaye's POV

Kinuha ko ang isang maliit na diamante mula sa ilalim ng bato, saka ko ito inilagay sa maliit na pouch na bitbit ko.

Pagkatapos, nagpatuloy ako sa paghahanap ng ginto, diamante o kung anong yaman na matatagpuan sa ilalim ng lupa. Nasa ibabaw lang kasi ito sa patag ng Underworld. Hindi ko na kailangang maghukay.

Why I'm looking for gold and treasures in the Underworld?

Simple.

I got bored.

Wala naman kasi akong ibang magawa sa palasyo kundi ang kumain at matulog. Kaya ayan, napagdesisyunan kong libangin ang sarili ko.

And I am, enjoying it. Napaka-challenging kasi nito para sa'kin. I'm not always sure if what I picked up is a rock or treasure, because I can't see color.

I can see how it reflects light, though, kaya dito nalang ako nagbabase.

"You should be resting, Kaye."

Nabitawan ko ang pouch dulot ng pagkabigla.

"Hector!" Sinamaan ko siya ng tingin. "What are you doing here?!"

Pinulot niya yung pouch at inabot ito sa'kin. "I need to talk to your father."

Tinanggap ko naman ito. "About what?"

"About how he convinced Hades to release me from prison," sagot niya. "...and why."

I sighed. "Dad's asleep in the library."

"Oh," He raised his brows. "So that's how you got here..."

"I already asked permission to go out, okay?" naiinis kong sabi. "And besides, the palace is clearly just right..." Umikot ako para harapin yung palasyo na malapit lang talaga sa kinaroroonan namin. "There."

"And what if someone abducts you?"

"Katulad ng ginawa mo kay Art?" tanong ko, dahilan na mapasimangot siya.

"Hey," He gave me a warning look. "I've already apologized."

Pinaningkitan ko siya. "So, whose eyes are you using this time?" tanong ko habang nakatuon sa mga mata niya. It seemed ordinary. "Sinauli mo na ang mga mata ni Cronus, hindi ba?"

A mischievous grin formed on her lips. "Did I?"

My eyes widened. "What do you mean? You didn't?!"

Then, he laughed. "I'm kidding, Kaye," aniya. "The truth is, Slade promised me a pair of eyes, that's why I did everything he asked me to do."

"Like what?" usisa ko.

"I..." Napatingin siya sa malayo, tila may inaalala. "I did what he cannot do because he risked revealing his identity and power as someone who does not belong to our realms."

"From scaring Thea's mother and leading her to an accident..." pagbibigay-alam niya. "To stealing and keeping a pair of titan's eyes."

"I helped him keep you on the right path," saad niya. "Because what else can I do? I'm supposed to be gone, Kaye."

"He didn't just offer me eyes of my own," dagdag pa niya. "He offered me redemption."

"And..." Nanghina ang boses ko. "Was he able to give them to you?"

Dahan-dahang bumaba ang kanyang mga mata sa tiyan ko.

Pinaningkitan niya ito. "He will."

Kumunot ang aking noo. "What in the Underworld are you talking about?"

"Quick question." Mabilis niyang inangat ang kanyang ulo at sinalubong ako ng lumiliwanag niyang mga mata. "Does your child need a stepfather?"

Napaatras ako. "H-huh?"

"Ah- haha-" Mabilis siyang natauhan sa sinabi niya. "Not a stepfather," pagbabawi niya. "Just... a father figure."

A father figure? Him?

"I know Slade, Kaye..." paalala niya sa'kin. "I know what he's capable of. I know every one of his abilities, his power, and how he uses them."

"I know how he perceives things," dugtong niya. "After years of working with him in the shadows, I could understand his every glance, his every silence..."

"And that's what your child will need." Nginitian niya ako. "Someone who can understand who he is and what he's capable of."

I pursed my lips and continued to look at him, wide-eyed.

"You're only half immortal, Kaye, while he..." He crossed his arms on his chest and stood in awe at the small bump on my stomach. "He's half primordial."

Yumuko ako at napatingin din dito.

"The very first one," he finally whispered.

Pinikit ko ang aking mata at napabuga ng hangin. "Fine," I looked at him straight in the eyes. "But I have to ask Thanatos, first."

He flashed a sweet smile. "Sure."

Ibinaba na niya ang kanyang mga braso. "I have to go."

Nabigla ako nang ipatong niya ang kanyang kamay sa ulo ko para guluhin ang buhok ko.

"Take care, the both of you," paalam niya, bago tuluyang umalis.

Sinundan ko lang siya ng tingin at marahang napahawak sa tiyan ko.

Ilang sandali pa'y napangiti ako.

"Ang swerte mo anak, hindi ka lalaking mag-isa katulad ko..." bulong ko. "Ang daming mag-aalaga sa'yo..."

I was about to walk back to the palace when a small ball of light passed by in front of me. It floated, and I followed it with my eyes.

Slowly, it landed on top of a chunk of rocks just a few feet away from me.

Lumapit ako rito at yumuko.

Sinubukan kong hawakan ang liwanag ngunit bigla itong naglaho.

Weirdly enough, I noticed that the rocks were stacked like a pyramid.

One by one, I removed the rocks, until I found a small box. I picked it up and noticed that the outer layer was already rough to the touch. It must have been hidden here for years, exposed to the elements of the Underworld.

It was also filled with black and white mist, kaya hindi ko makita kung ano ang nasa loob nito.

I opened the box, releasing the mist and revealing a golden ring with a black diamond.

How did I know it was gold?

Because it glowed yellow, in my eyes, and the diamond contained black mist, the darkest that I've seen.

"Pretty," bulong ko.

Sinusuri-suri ko ang singsing nang makita ko ang isang lalaki na nakayuko rin sa tapat ko.

Dahan-dahan kong ibinaba ang aking kamay.

Pinagpapatong-patong niya ang mga bato at nang ilagay ang panghuli, ay namuo ang isang malambot na ngiti sa kanyang labi.

"Time will keep it safe for me," bulong niya. "But destiny will give it to you."

Mabilis na namuo ang mga luha sa aking mga mata.

Nakahawak pa rin siya sa bato nang iangat niya ang kanyang ulo.

Sunod-sunod na pumatak ang aking mga luha nang mag-abot ang aming tingin. Panandalian lang, pero sapat na ito para mamigat ang pakiramdam ko at tuluyang maiyak.

"Now..." Tumayo siya at pinagpag ang damit niya. "Where's that son of Hades."

"Slade-" Sinubukan kong abutin siya ngunit kagaya nung liwanag na gumiya sa'kin dito, agad din siyang naglaho.

Nanginginig ang labi ko nang bumagsak ako sa lupa. "S-Slade..."

'No matter how far the darkness leads you, you will always find your way back to me...'

Itinapat ko ang singsing sa aking dibdib at humagulgol ng iyak.

'You are the one promised to me... my consequence.'




Cesia's POV

Tumigil ako sa pagsusuklay ng aking buhok. Napatitig ako sa sarili kong repleksyon.

"Kaye?" bulong ko.

May nangyari ba sa kanya?

Nabalik ang aking diwa nang makarinig ako ng malalakas na katok sa pinto. Tumayo ako at akmang bubuksan ito nang kusa nitong binungad si Ria.

"Cesia!" Pumasok siya at marahas na hinawakan ang magkabilang balikat ko.

"B-Bakit?" nag-aalala kong tanong.

"You need to let me see!" Niyuyugyog niya ako. "Show me!"

"Teka-" Luminga-linga ako. "Alam ba ni Chase na nandito ka?"

"Please!" pagmamakaawa niya. "I beg you!"

Napabuntong-hininga ako at ibinaba ang kanyang mga kamay. "Ria, hindi nga pwede."

Suminghot siya. "Pero gusto kong makita..."

Tinapunan ko siya ng tamad na tingin. "'Yon lang ba talaga ang pinunta mo rito? Kasi gusto mong makita ang nangyari nina Cal at Art?"

"But I'm dying!" Padabog siyang dumako sa higaan ko at bumagsak. "I'm dying to know!"

Napailing ako. "Ria..." Tumabi ako sa kanya. "Si Art na mismo ang nakapagsabi na may nangyari nga sa kanila..."

Umupo siya. "Kaya nga!"

Napaurong ako sa lakas ng boses niya.

"The question is how?! How the hell-" Napahinto siya pagkatapos mag-ring ng cellphone na nasa bulsa niya.

Kinuha niya ito at may pinindot. "Chase!" sigaw niya sa kabilang linya. "What did I tell you about calling me?!" Saka niya in-end ang call.

"Gods," Muli siyang napahilata sa higaan. "I need a break from him. Not a divorce, but a break."

Natawa ako nang mahina. "Gusto mong pumunta tayo sa park at kumain ng ice cream?"

Lumiwanag naman ang kanyang mga mata. "Yes, please."

At 'yon nga ang ginawa namin. Nagpaalam muna ako kay Auntie bago kami makalabas ng bahay. Naglakad kami papuntang park, at kapansin-pansin ang tingin ng mga tao sa'min habang nag-uusap lang kami.

Hindi pa nga kami nakaabot sa park ay may dalawang lalaki na lumapit sa'min.

"Miss-"

"Shut the fuck up." Pinanlisikan sila ng mga mata ni Ria. "Ask for our number and I'll break your skull using my phone."

Napaatras ang mga lalaki, saka nagmamadaling umalis.

"Anyway-" Nagpatuloy sa pagku-kuwento sa'kin si Ria kung gaano kalapitin si Chase sa kanya simula nang ikasal sila. "There's not a moment when he's not looking for me. Sounds sweet, but Cesia, you know I can't stand being treated like a child."

"Yan..." sabi ko. "Na-trauma kasi sa pagkawala mo kaya ganyan."

Napabuntong-hininga siya. "I mean, I do understand..." malumanay niyang sabi. "Ilang beses na kasi akong umalis pero-"

Napangiti ako pagkatapos siyang natahimik.

Umangat ang aking kilay. "Pero?"

"Fine," napipikon niyang sambit. "Siguro nga kasalanan ko rin kung bakit siya nagkakaganyan."

"Kung kausapin mo nalang kaya siya nang maayos tungkol diyan?" suhestyon ko. "Makikinig naman sa'yo 'yon, eh."

"Yeah, well-" nag-aalinlangan niyang sagot. "Most of the time we just end up..."

"Ria!" Hindi ko maiwasang matawa.

"What?" natatawa niya ring sabi.

"Ano ba?" Humalakhak ako sa daan. "Mag-usap naman kayo! Yung usap lang!"

"I try!" depensa niya sa sarili. "After we- you know... but he just falls asleep!"

Napailing ako. "Ewan ko sa inyo."

Dumating kami sa park at nakitang walang gaanong tao. Dumiretso kami sa mamang nagtitinda ng sorbetes at bumili ng tig-iisa.

Umikot-ikot kami sa park hanggang sa maubos naming kainin ang mga ito. Pagkatapos, naupo kami sa swing.

"Chase..." aniya. "Chase is not the perfect husband, but he's been the best."

Nakatuon lang ako sa aking harapan habang nakikinig sa kanya.

"He wakes me up with kisses, and every time he goes off to work, he always tells me he loves me."

Parang kailan lang nag-aaway pa sila sa harap ko at nagpapatayan sa Academy.

"What I'm worried about... is me."

Dahan-dahang bumaba ang aking tingin.

"What if-" Nilingon niya ako. "What if he realizes that he doesn't want me, Cesia? What if he decides to leave unexpectedly, because that's what I also did to him?"

"What if one day..." malumbay niyang sabi. "He wakes up and doesn't love me, anymore?"

"Lahat naman siguro natatakot na mangyari 'yan sa'tin..." Mahina kong itinulak ang aking sarili sa swing. "Kasi panahon lang talaga ang makakapagsabi kung saan aabot ang pagmamahal niyo..."

"Pero..." Nginitian ko siya. "Ria, sa tingin mo ba talaga mapapagod si Chase sa 'yo?"

"Sa tingin mo iiwan ka niya, pagkatapos ka niyang hanapin sa bawat pag-alis mo?" dugtong ko. 

"Naramdaman ko ang pagguho ng mundo ni Chase nang buuin ko ulit ang mundo, Ria," pagbibigay-alam ko sa kanya. "Kaya hindi mo na kailangan ang panahon na ipaalam sa'yo kung gaano ka niya kamahal."

Saka ako napatingin sa lalaking kararating lang ng park. Halatang matindi ang pag-aalala niya habang nakatuon sa cellphone na nasa kamay niya.

May sinubukan siyang tawagan ngunit napatigil siya nang makita ako.

Kinawayan ko si Chase na mabilis na naglaho sa kinatatayuan niya at lumitaw sa harapan namin.

"Ria! Ano ba?" 

Napasandal lang ako sa kamay kong nakakapit sa kadena ng swing at pinanood kung paano pagalitan ni Chase si Ria.

"Kahit sabihin mo lang sa'kin kung nasaan ka, hindi mo magawa?"

Napangiti ako, kasi alam kong alam ni Ria na may karapatan si Chase na magalit sa kanya dahil bigla siyang umalis nang hindi nagpapaalam.

Asawa na niya, eh.

"Binababaan mo pa nga ako- yung totoo, ano bang gamit ng cellphone mo?"

"I'm sorry, okay?" nagtataray na sabi ni Ria habang nakaangat ang tingin kay Chase. "Tsk."

"It won't happen again," bulong niya na may kasamang pag-irap.

"Ano?" ani Chase.

"Nandito ka para sunduin ako, diba?" Tumayo si Ria. "What the hell are you still standing there for?"

Natawa ako nang mahina nang mapahilamos si Chase. "Alam mo minsan-"

"Ano?" Nakapameywang si Ria. "Anong hindi ko alam?"

Napabuga ng hangin si Chase. "Wala, tara na nga." Saka niya kinuha ang kamay ni Ria.

"Una na kami, Cesia," paalam niya sa'kin.

"Bye!" tugon ko. "Mag-ingat kayo!"

"Daughter of Aphrodite."

Muntik na akong mahulog sa swing nang bigla kong marinig ang boses ni Trev. Napalingon ako sa direksyon na pinanggalingan ng tinig niya at natagpuan siyang nakapamulsa habang nakatuon sa'kin.

"T-Trev?" Napatayo ako. "Ba't ka nandito?"

"You weren't answering your phone."

Kinapa-kapa ko ang bulsa ko. "Naiwan ko ata... pero-" Muli ko siyang tinignan. "Ba't ka nga naparito?"

"Mom asked me to send you food that she and the girls cooked." sagot niya.

"Ah..." Napatango-tango ako. "Okay..."

Hindi na siya nagsalita pa kaya ilang segundo kaming napatitig sa isa't isa.

Tumikhim ako. "Umm- t-thank you?"

"Let me drive you home," aniya.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top