war and battlefields...

Cesia's POV

Kinapa-kapa ko ang tumutunog na phone sa nightstand. Kinuha ko ito at sinagot ang tawag nang hindi tinitignan ang screen.

'Cesia!'

Panandalian kong nailayo ang cellphone mula sa aking tenga matapos akong sigawan ni Ria sa kabilang linya.

"Ria?" inaantok ko pang tugon.

'It's been 24 hours since you last contacted me, okay ka lang ba?!'

Iminulat ko ang namimigat kong mga mata. "H-huh?"

'Where are you?'

Sinubukan kong iangat ang aking sarili nang mapabaluktot ako sa sakit na nagmumula sa puson ko pababa sa aking mga hita. "Ah-" Napagod-hagod ako sa may tiyan ko. "Aray-"

'Please tell me you're fine.'

Napangiwi ako nang subukan kong iunat ang aking binti. "Okay lang ako..."

'Are you sure?' seryoso niyang tanong. 'Is Trev with you?'

Nilingon ko ang lalaking nakataob sa higaan. Gulong-gulo ang kanyang buhok, at bahagyang nakabukas ang kanyang bibig.

"Mmm." Humilig ako kay Trev para maiangat ang kumot sa likod niya.

'Alright,' ani Ria. 'Call anytime, okay?'

"Okay," sagot ko at hinayaan siyang tapusin yung tawag.

Ipinatong ko ang phone sa nightstand, saka bumalik kay Trev na napakunot ang noo nang maramdaman ang paggalaw ng higaan.

Dahan-dahan kong inangat ang braso niya nang tabihan ko siya at maingat itong ipinatong sa tagiliran ko.

Itinapat ko ang aking mukha sa kanya bago pumikit.

Hindi ako natulog. Pinanood ko lang kung anong nangyari at bakit namimilipit na ako sa sakit pagkagising ko.

Nanatiling nakatutok ang mga mata ko sa kanya nang baguhin ko ang mga kulay nito. Humugot ako ng malalim na hininga at pinakawalan ito, sabay gamit ng ability ko para burahin ang sakit ng katawan ko.

Nang ibalik ko ang dating kulay ng aking mga mata, umikot ako at napatuon sa isa sa mga bintana.

Nakalimutan kong tignan kung anong oras na...

Napatigil ako nang makaramdam ng kiliti sa tagiliran ko dahil sa mga daliring marahang tumatakbo-takbo rito. Nilingon ko ang kamay niyang nag-iiwan ng maliliit na kislap sa balat ko.

Naramdaman ko ang pag-angat niya sa aking likod. Ilang sandali pa'y napapikit ako at napahilig ng ulo nang halik-halikan niya ang aking leeg.

"Why are you awake?" bulong niya. "I thought you needed rest."

"Tumawag-" Napasinghap ako nang akuin ng isa niyang kamay ang aking dibdib. "T-Tumawag..." Ipinailalim niya ang kanyang braso at ipinalipot ito sa'kin. Pagkatapos, hinila niya ako papalapit sa kanya.

Hinalikan niya ako sa balikat. "S-Si..." Sino? Sino yung tumawag sa'kin kanina?

Mula sa aking dibdib mabagal na gumapang ang nanginginit niyang palad pababa sa pagitan ng aking magkabilang hita.

Si Ria ba 'yon?

Inangat niya ang aking hita at ipinatong ito sa kanya. "Who?" tanong niya habang hinimas-himas ang gilid ng aking hita... tuhod... at binti. "Who called?"

Namumungay ang aking mga mata nang tignan ang mesa kung saan nakapatong yung phone ko.

Sino?

Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi habang dinadama kung paano niya isaayos ang sarili niya sa likod ko. "Trev..."

"Tell me, Cesia," sabi niya. "Who was it?"

Hindi niya ako binigyan ng pagkakataon na sumagot nang itulak niya ang kanyang sarili sabay hatak sa'kin.

Napakapit ako sa unan at ibinaon ang ulo ko rito.

Bumagal ang galaw niya. "Was it Ria?"

Tumango ako at kinuyom ang aking palad.

Kinuha niya ang kamay kong nakakapit sa higaan at inilipat ito sa aking likod. Saka niya ako mahinang tinulak para umibabaw sa aking likuran.

Inangat ko ang malaya kong kamay at naghanap ng pwedeng makapitan nang pigilan niya ako. "Why'd she call?" Idiniin niya ang aking pulsuhan sa higaan.

Sinubukan kong pakawalan ang aking mga kamay pero isang mahinang daing lang ang kumawala mula sa aking bibig.

"N-Nakalimutan ko..." Nanginginig ang isang sulok ng aking labi.

"Mmm."

Napaangat ako ng ulo nang gumalaw na naman siya. "Trev- ah!" Napaungol na nga ako ng tuluyan nang diniinan niya ako.




Ria's POV

Pinaningkitan ko si Chase. "Should I call again?"

"Huwag na," sagot niya habang may binabasang mga dokumento.

Kumawag-kawag ang labi ko nang mapatingin sa malayo. "I hope they're having a good time," I murmured to myself. "Baka kasi mangyari na naman sa kanila yung nangyari sa'tin sa Greece."

He scoffed.

"I'm serious, Chase," sabi ko sa kanya. "She deserves to have fun too, you know?"

Inangat niya ang kanyang tingin. "Wala ka bang tiwala kay Trev?"

Padabog akong sumandal sa aking upuan. "Meron..."

"Oh? Ano bang pinag-aalahan mo?" aniya. "Saka, bakit ako yung kausap mo ngayon? Akala ko ba may lakad kayo ni Kara?"

"We were supposed to eat sushi and drink..." I sighed. "But she cancelled."

My eyes brightened when I looked at him again. "Are you free?" tanong ko sa kanya. "We can go on a date!"

He stared at me in silence, and I already knew his answer.

Mula sa kanya, dahan-dahang bumaba ang aking tingin. "Chase," sambit ko habang nakatuon sa mesa. "I think I want to do something other than lie around the house..."

Kumunot ang kanyang noo. "Anong ibig mong sabihin?"

"Can I..." Sinalubong ko ang nangunguryuso niyang tingin. "Can I fight?"

Dahan-dahang bumaba ang kanyang kamay sa mesa. "Gusto mong sumunod sa apak ng nanay mo?"

I enthusiastically nodded my head.

Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya. "Baby-"

"I am a daughter of war," paalala ko sa kanya. "I can't live without fighting."

Silence soon followed. We continued to stare at each other, until he finally gave me an answer.

"Hindi pwede," sabi niya.

I was about to explain why he should let me when he interrupted.

"Ria, hindi pwede." He shook his head. "Hindi pa ba sapat sa'yo lahat ng nangyari sa'tin?"

"But, Chase-"

"Hindi kita papayagan."

Napailing din ako habang nakatingin sa kanya. He's unbelievable. He's my husband. He should know why I badly want to fight, and he should understand.

"Why?" I crossed my arms against my chest and leaned back again. "And what if I decide to become a soldier with or without your approval-"

"Ria!"

Napatigil ako nang bigla niya akong sigawan. My breathing deepened after the shock, and I could feel rage build up inside me.

"What the-" Ibinaba ko ang aking mga braso. "Did you just scream at me?!"

His chest heaved heavily as he looked at me, and slowly... fear appeared in his eyes. He must have known I noticed because he immediately looked away.

My anger quickly evaporated. "Chase-"

"Hindi pwede, Ria." Umiling-iling siya.

"P-Pero-"

"Hindi nga kasi pwede! Putangina naman oh!" muli na naman siyang napasigaw. "Kaya ko namang ibigay lahat sa'yo, eh! Bakit gusto mo pa ring umalis?!"

Nanggigilid ang aking mga luha nang mapatayo ako.

"A-Aalis lang naman ako-" Napalunok ako. "Hindi kita iiwan-"

Lumambot ang ekspresyon sa kanyang mukha nang makita akong naiiyak. "Ria-"

Umikot ako at aalis na sana nang bigla siyang lumitaw sa harap ko. Hinawakan niya ako sa mukha at ipinaloob sa kanyang bisig.

"Sorry," bulong niya.

Sininghot ko ang aking mga luhang nagbabantang makatakas.

"I'm sorry," bulong niya ulit, dahilan na maluha na nga ako nang tuluyan.

"Pag-isipan mo muna 'yang desisyon mo, tapos mag-usap ulit tayo..." mahina niyang tugon. "At kung ano yung gusto mo, ibibigay ko."

Tumango ako habang nakasandal sa dibdib niya.

"Kung saan ka masaya, Ria..."

Inangat ko ang aking tingin sa kanya. "I'm sorry," I whispered back.

Nginitian niya ako at hinaplos-haplos ang aking buhok. "Magbihis ka na," aniya. "May date pa tayo mamaya."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top